Sa isang silid ng isang mumurahing hotel, naalimpungatan si Agnes nang maramdaman ang pagdapo ng isang mainit-init at makalyong palad sa kanyang binti, paakyat sa kanyang hita.Kahit hilo at hindi kumportable sa kanyang nararamdaman ay pilit pa rin niyang iminulat ang kanyang mga mata at pilit inaninag ang humahaplos nang masagwa sa kanya.Gayon na lang ang gulat niya nang pagmulat ay tumambad sa kanya ang baku-baku at pangit na mukha ng isang matandang lalaki."Ahhh!!!"Kasabay ng kanyang pagsigaw ay ang pagbalikwas nang bangon ng dalaga. Umurong siya nang husto sa pinaka-dulo ng kama."Shhh..... Relax ka lang iha. Kahit may-edad na 'ko, patutunayan ko sa 'yong kaya ko pa ring magpaligaya ng mas bata sa 'kin, he he he he." Malisyosong wika ng matanda na nagsisimula nang gumapang papalapit kay Agnes.Siya si Agnes Zara Dela Fuentes, 22 years old. Hindi siya mahilig mag-party na pagkatapos ay magigising na lang sa hindi n'ya kama, kaya ngayon ay nagtataka siya kung bakit nagising s'ya
"Maylene!" Paglapit ay agad hinatak ni Agnes ang braso ni Maylene patayo."Bitiwan mo nga ako, ano ba'ng problema mo?" Binawi ni Maylene ang kanyang braso. Hindi ito makikitaan ng guilt o takot sa ginawa nito kay Agnes."Ang sama mo! Bakit mo ginawa sa 'kin 'yun? Magmamagandang-loob ka kunyari para i-celebrate ang pagtatapos ko, 'yun pala..."Ngumisi si Maylene. "Ha? Anong sinasabi mo diyan? High ka ba?....""Maylene!" Sa mga oras na iyon ay parang gusto nang dambungin ni agnes ang babae, ngunit natigilan siya sa sumunod na sinabi nito"By the way. Tamang-tama ang balik mo, hinihintay ka na ni mommy. Naka-handa't naka-impake na rin ang mga gamit mo." Naka-ngisi't naka-cross arms na wika nito.Biglang nagkaroon ng pagtataka si Agnes. "A-ano? Bakit n-naka impake na ang mga gamit ko? A-anong ibig mong sabihin?"Tumawa si Maylene. "Huwag kang mag-aalala, malalaman mo rin naman.""Ano 'yan? Ang aga-aga, maingay na." Wika ng isang may-edad na babae habang naka silip ito mula sa itaas ng se
Hindi nagustuhan ni Agnes ang sinabi ng madrasta, sumama ang mukha ng dalaga. "Ako pabigat? Sige nga tita, magkuwentahan tayo kung sino ang MALAKAS gumastos dito, kung sino ang totoong 'pabigat'!" Sinulyapan ni Agnes ang mga alahas na suot ng madrasta nang ganito kaaga."Una, hindi lang ako ang nakikinabang sa pera ni daddy, hindi ba kayo rin'g mag-ina?"Sumama ang mukha ni Marina. "AGNES! sumasagot ka na nang ganyan sa 'kin ngayon?!""Opo! dahil alam kong nasa katwiran ang mga sinasabi ko, at hindi pa 'ko tapos..... Iyang mga alahas n'yo, kaninong pera ang ipinambili n'yo diyan? 'yung sobrang mahal na tuition fee ni Maylene, sino ang nagbabayad? Isama pa natin ang ibang luho n'yo katulad ng pagsusugal n'yo't halos araw-araw na pagsho-shopping n'yong dalawa, hindi ba sa daddy ko nang-gagaling 'yon?"Nagkaroon ng katahimikan sa buong hapag. Maya-maya:"Hoy, Agnes! Sumosobra ka na sa pagsagot-sagot mo sa mommy ko a, baka nakakalimutan mo, kabilang na kami sa pamilya'ng 'to, kaya ayusin
Kung sasabihin ni Agnes na hindi totoo ang sinabi ng madrasta, mapapasama nga ito nguni't magagalit at malulungkot naman ang daddy niya.Bumuntong-hininga na lang ang dalaga. "Y-yes... Dad." Mabigat sa loob na sagot ni Agnes habang naka-kuyom ang kanyang mga kamao sa ilalim ng mesa."That's great! Thank you... Thank you, Agnes." Lumambot ang mga mata ni Eduardo. Naramdaman din niyang may katuwang na siya ngayon. "Then, Agnes anak. Aasahan ni daddy ang magandang ibabalita mo, ha?"..Matapos kumain ng almusal ay tinulungan ni Marina sa pag-i-impake ang asawa. "Maring, habang wala ako dito, ikaw na ang bahala sa pamilya natin, ha..... Si Agnes at alfie, kahit hindi mo sila tunay na mga anak, sana ay mapagtiyagaan mo sila. Lalo na si Agnes, alam kong hindi kayo magka-sundo, pero sana ay manatili ka pa ring ina sa kanya katulad ng kay Maylene, maaari ba?"Habang nakatungo't nagtitiklop ng damit ay umiikot ang mga mata ni Marina. 'Sino bang may gusto maging anak ang babaeng 'yon? Binato
"Wow!" Nang tumingin si Dina ay namangha ito nang makita si Agnes.Tila nagulantang si agnes sa sinabi ni Ms. Mildred. Handa na sana siyang magdiwang dahil hindi na siya matutuloy sa pamamasukan sa mga villacorte, ngunit..... "P-po?! Pero s-sabi n'yo–"Tumikhim ang Matanda "Kaya hindi kita tinanggap kanina ay dahil sapat pa ang katulong namin, ngayong umalis na ang isa, tanggap ka na." Bago pumasok ng mansyon ay ibinilin muna ni Ms. Mildred si Agnes kay Dina na dalhin muna ito sa maid quarters.Masayang kinuha ni Dina ang bisig ng dalaga. "Naku, ang ganda-ganda mo naman! Sigurado ka bang mamasukan ka dito?""H-ha?" Tila biglang naging lutang si Agnes. Hinding n'ya akalain ang pagbabago ng sitwasyon."Ayos ka lang ba?.... ang mabuti pa ay pumasok na tayo, baka magalit pa si Ms. Mildred." Tinawag ni Dina ang isang lalaking nagsisilbi rin sa mansion at ipinabitbit papasok ang bag ni Agnes.Wala sa loob na nagpatangay ang dalaga.Sa loob ng Maid Quarters:"Ang ganda naman n'yan
Si Dina ang bale tumatayong kanang-kamay ni Ms. Mildred pagdating sa mga gawain sa Mansiyon. Inilibot nito si Agnes at ipinaliwanag ang mga kailangan gawin at tupdin doon.Namangha si Agnes matapos ikutin ang kabuuan ng malaking bahay. "Ang laki pala talaga nitong mansion ng mga Villacorte no?""Sinabi mo pa." Natitigan ni Dina ang ayos ng agnes. "Bakit mo nga pala ginanyan ang mukha mo? Anong naisipan mo at kailangan mong mag-disguise? Ang ganda-ganda mo e.""Um... Kase..." Nag-isip ng ida-dahilan si Agnes ngunit wala itong maisip. Ano naman kasi ang sasabihin niya? Sasabihin ba niyang may pinagtataguan siya? Hindi kaya siya mapag-bintangan'g wanted nu'n?Napabuntong-hininga si Agnes. Tinitigan nito si Dina. "Dina, mapagkakatiwalaan ka ba pagdating sa mga sekreto?"Saglit na napa-maang si Dina. "O-oo naman! Alam mo ba kung bakit ako ang piniling maging kanang-kamay ni Ms. Mildred? Kasi sa lahat daw ay ako ang pinaka-mature mag-isip at maasahan. Kaya, ligtas sa 'kin ang sekret
"Who's that?!" Sigaw ng lalaki."My god!! May nakakita yata sa 'tin, ikaw naman kasi e.... Dali ibaba mo ko!" Tinig ng tila natatarantang babae.kasunod niyo'n ay ang pagkaluskos sa loob na tila ba mga nagbibihis na ito. Napatakip sa kanyang bibig si Agnes. 'Patay!' Agad itong tumakbo na nagdulot ng muling pagkabangga nito sa isa pang lumang gamit na naroon'g malapit sa basement. Hindi na iyon nagawang pansinin ng dalaga, diri-diretso lang ito sa pagtakas.Habang palabas ay nakabangga ni Agnes si Frederick sa kusina. Dahil sa tagal kung kaya nainip na ito, sa pag-aalala rin'g baka hindi alam ni Agnes kung nasaan ang wine cellar. Ngunit hindi pinansin ni Agnes ang lalaki. Pagka-kita dito ay dumiretso ito sa maid quarters. Naiwang nagtataka si Frederick at napasulyap ito sa pinanggalingan ng dalaga.Biglang nagbukas ang pinto ng maid's quarters, at kahit madilim sa loob ng silid ay diri-diretsong tinakbo ni agnes ang kanyang higaan at nagtalukbong.Dahil double deck ang kanila
Biglang napag-isip-isip ni aeros na hindi kaya si Agnes ang naka-kita sa milagrong ginagawa n'ya ng 'lingguhang' nobya niya dahil sa sinabi nitong, naka-panaginip ito ng 'Nagpapalehang aso?'Naputol ang pag-iisip ng binata nang biglang mag-ring ang cellphone nito. "Hi Cindy~ miss me?.... Where, in your condo?..... okay..... I'll be right there."...Nagtungo muna si Agnes sa maid's quarter para kumuha sana ng pamunas niya ng pawis bago simulan ang pagtatrabaho, ngunit nang hanapin na ang paborito niyang facetowel na may burda pa ng initials niya ay hindi n'ya ito matagpuan.Hinanap niya iyon sa mga labahin. Hindi naman siya burara sa kanyang mga gamit kaya nagtataka ito kung bakit bigla iyon nawala. Napapakamot na lang ng ulo ang dalaga. 'Nasaan na kaya 'yon?'Sa ilang Araw na nagdaan ay hindi muna nagpakita si Aeros sa mansyon. Dismayado tuloy ang mga katulong na naghihintay sa muling pagbabalik ng binata. Dahil walang amo'ng pagsisilbihan, pinahintulutan muna ni Ms. Mildred a
"Maring, kunin mo nga itong leather bag." Ani Eduardo pagpasok na pagpasok pa lang sa villa, nanggaling ito sa business trip. Nagbunga rin sa wakas ang kanyang pagod dahil isa ang kanyang kumpanya sa napili ng promgrand na maging partner nila mula sa mga maliliit na kumpanya na nagsisimula pa lang, kaya kasama siya sa business trip ni Fredericko.Nang hindi lumitaw ang asawa ay nagdiretso na lang siya sa kanilang kuwarto. Ngunit nang kumuha siya ng damit na pamalit sa closet ay lubos siyang nagtaka nang makitang wala na doon ang mga damit ni Marina. Pumunta siya sa kuwarto ni Mylene para hanapin ito at itanong kung nasaan ang ina nito, ngunit wala din ito doon.Nang mapansin ni Eduardo ang nakabukas na closet ng dalaga ay nilapitan niya ito at nakitang, wala nang damit doon. Naupo siya na nagtataka sa kama. 'Nasaan kaya ang mag-ina? Hindi kaya nagbakasyon sila, pero bakit wala silang sinasabi sa kin?' Tinawagan niya si Marina subalit hindi n'ya ito makontak, si Mylene ang sunod niya
"Ano, hindi siya pumasok sa kumpanya?" Nahilot ni Esmeralda ang sariling noo. "Nasaan siya ngayon?....." Napapalatak ito sa naging sagot ng tao n'ya sa kabilang linya. "Sa isang mumurahing hotel, kasama si Agnes?..... O sige, ituloy mo lang ang pagsunod-sunod sa kanya." Matapos ang ilang habilin ay ibinaba na niya ang telepono. 'Mukhang hindi ko talaga mapaghihiwalay ang dalawa, e ano kaya kung....' Bigla siyang may naisip at agad tinawagan ang kanyang assistant. "Alamin mo ang contact number ng pamilya ni Agnes, ngayon na."Makalipas ang mahaba-habang paghihintay ay nakuha na n'ya ang kanyang kailangan. Agad niyang tinawagan ang contact number ni Eduardo ngunit hindi ito sumasagot. Naisip na lang niyang maaaring abala ang ama ng dalaga dahil isa din itong negosyante. Hindi nag-aksaya ng panahon si Esmeralda, sunod niyang tinawagan ang ikalawang magulang ni Agnes– si Marina. "O, sino ba to?" Tanong ng may hindi kaaya-ayang boses ng isang babae sa kabilang linya, mababakas na may edad
Nagpupuyos si Esmeralda nang bumalik ito sa kanyang kotse, nang makita ng kanyang driver na tila mainit ang ulo ng amo pagkagaling nito sa loob ng café ay agad nitong binuksan ang pinto. Pagpasok sa loob ay eksaktong nag-ring ang cellphone ni Esmeralda. Isinantabi niya muna ang inis na nararamdaman mula sa pakikipag-usap kay Agnes. "O Cindy, bakit?..... Hindi ba't sinabi ng doktor kahapon na ayos naman ang bata, bakit nag-aalala ka pa?.... O s'ya, sige pupuntahan kita." Iniutos niya sa driver na dumiresto sa hospital."Lola Esmie...." Tumayo si Cindy at sinalubong ang kararating lang na si Esmeralda. Nasa isang hospital ito ngayon para ipa check-up ang kanyang pagbubuntis, nakapila ito dahil wala itong appointment. Kumunot ang noo nito Esmeralda habang tinitingnan ang mahabang pila. "Bakit hindi ka muna nagpa-appoint? Tuloy kailangan mo pang pumila."Yumuko si Cindy na tila nahihiya ito. "Biglaan po kasi ang pagpapa check-up ko e, kasi bigla pong sumakit ang tiyan ko." Nang marinig
"Maupo ka." Ani Esmeralda sa kararating lang na si Agnes. Matapos ang birthday party ng dalaga ay saka lang niya nakita ang ilang miss call mula dito. Nang tumawag uli ito at nang sagutin niya iyon ay diretsahan nitong sinabi na makipagkita siya dito bukas, pagkasabi ng oras at lokasyon ay agad ibinaba ni Esmeralda ang telepono nang hindi man lang pinagsasalita si Agnes.Naupo ang dalaga at pasimpleng sumulyap sa matanda. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kaba dahil nag-iba na ang pakikitungo at ang pakikiharap nito sa kanya. Kung noon ay lagi itong nakangiti sa kaniya, ngayon ay malamig na ito at makikitaan din ito ng pagka asiwa sa kanya na animo'y may nagawa siyang kasalanan."Siguro'y naisip mo na kung bakit ako nakipagkita sa'yo."Naikuyom ni Agnes ang mga kamao sa kanyang kandungan. "Patawarin n'yo po sana ako, pero hindi ko po lalayuan si Aeros.""Huwag mo munang sabihin yan, meron kang dapat makita't malaman na maaaring magpabago ng desisyon mo."Kinabahan bigla si Agnes
"Donya Esmie, ayos ka lang ba? May problema po ba kayo?" Tanong na may kahalong pag-aalala ni Ms. Mildred. Nitong mga nagdaang araw ay napapansin niya na tila laging may malalim na iniisip ang donya. Paminsan-minsan ay nakikita rin niya ang pagbubuntung-hininga nito na tila ba meron itong pinoproblema."Huwag mo na lang akong pansinin, meron lang akong iniisip."Naupo ang mayordoma sa tapat ni Esmeralda, nasa patyo sila ngayon. "Problema po ba sa inyong pamilya ang iniisip n'yo, bakit hindi n'yo ibahagi sa kin at baka makatulong ako."Sinulyapan ni Esmeralda si Ms. Mildred at bumuntong-hininga. "Mukhang kilalang-kilala mo na talaga ako ano?"Bahagyang nagtawa ang mayordoma. "Siguro nga po. Kasi, wala naman kayong ibang iniisip at wala namang ibang mahalaga sa inyo kundi ang kapakanan ng pamilya n'yo."Napahawak sa kanyang noo si Esmeralda. "Nalilito kasi ako Mildred, hindi ko alam kung anong desisyon ang dapat kong piliin, nagtatalo ang loob ko. Pasensya na kung hindi ko masasabi sa
"F-f*ck!.... Hey, r-relax.... we're almost there..." Mahina at namamaos na wika ni Aeros sa nobya habang hawak niya nang mahigpit ang puwit@n nito para hindi ito mahulog. "Ungghh...." Isang p@g-vngol lang ang isinagot ni Agnes pagkatapos ay yumakap ito nang mahigpit sa leeg ng nobyo, ang kanyang mga binti ay nakayakap din nang mahigpit sa bewang nito. "S-sige pa...." Anas nito, pagkatapos ay iginiling giling nito ang kanyang balakang. Nagpakawala ng buntong-hininga ang pawisang si Aeros. "A-alright, do you want to.... take the lead?" Pagkatanong ay umupo siya sa nakatakip na inidoro habang nakakandong sa kanya si Agnes. Pinunasan muna niya ang pawis nito sa mukha. "Alright, I'm yours, you can move now...." At dahan-dahan niyang iginiya sa pag-galaw ang balakang ng kapareha hanggang sa bumilis iyon nang bumilis."Ahhh....." Vngol ni Agnes na tila nasisiyahan sa kanyang ginagawang pag-indayog at pag-domina sa kandungan ng binata."Ahhh.... A-agnes....." Sagot-vngol ni Aeros. Nang ma
'Sino kaya itong tumatawag sa kin nang ganitong dis-oras ng gabi, hindi kaya si Aeros ito?' Pagtataka ni Agnes paglabas ng banyo habang pinupunasan ang basa niyang buhok, bagong ligo ito. Nang maisip na baka ang nobyo ang tumatawag sa kanya ay agad niyang dinampot ang kanyang cellphone at naupo sa gilid ng kama, ngunit nabigo siya nang ang hindi kilalang numero ang tumambad sa kanya. 'Sino kaya ito?'Nagdalawang-isip siya kung sasagutin ba o hindi ang tawag dahil baka frank caller o wrong number lang ito. Subalit nang hindi ito tumigil sa pagri-ring ay naisip niya na baka kilala siya nito at baka talagang may pakay ito sa kanya. Sa huli ay sinagot na rin niya ang tawag. "Hello?...Sino ito at anong kailangan mo?""Hello ma'am...." Sagot ng isang babae sa kabilang linya. "Isa po akong receptionist, kayo po ba si agnes? puwede po ba kayong pumunta dito? Nandito po kasi si Mr. Aeros Villacorte sa hotel namin, dinala po siya dito ng kaibigan niya dahil lasing po siya at ayaw daw po'ng umuw
"Listen, hanggang ngayon ay nagkikita pa rin sila Aeros at Agnes, at walang naging epekto sa kanila ang pagtutol ni lola esmie sa kanila. Knowing Aeros, you know he's kind of persistent kaya kailangan na nating gumawa ng paraan."Prenteng sumandal sa kanyang kinauupuan si Vance, hindi ito makikitaan ng pag-aalala at pagkabalisa hindi katulad ni Cindy. "Bakit parang nagwo-worry ka nang husto diyan? dati naman ay matiyaga kang naghihintay kay Aeros a, that's unlikely you."Natigilan si Cindy at nag-iwas ng tingin. Inayos niya ang sarili at iwinaksi ang kanyang pag-aalala, mariin niyang itinaggi ang sinabi ni Vance. "Ano ba ang sinasabi mo diyan? Alam mo ang sitwasyon naming mga ronchillo diba? Siyempre kailangan ko nang mag magmadali, isa pa, ito ang task na ibinigay ng dad ko sa kin.""Kunsabagay....... So, ano ang gagawin natin? May plano ka na ba?"Kumitid ang mga mata ni Cindy. "Well, ganito....".."Ayos ka lang?" Tanong ni Agnes sa kasamang lalaki."Oo, okay lang ako." Sagot ni A
"O Aeros! Iho, nandito ka pala. Napasyal ka?..... Halika tuloy ka." Magiliw na bati at paanyaya ni Marina nang makita ang hindi inaasahang bisita sa pinto ng kanilang bahay. "Sandali lang ha, maupo ka muna at ikukuha kita ng maiinom." At nagtungo ito sa kusina.Hindi nabigyan ng pagkakataong magsalita ang binata, hindi tuloy nito nasabi ang kanyang pakay. Habang mag-isang nakaupo sa sala ay iginagala ni Aeros ng tingin ang kabuuan ng bahay. Hindi ganoon kalaki ang villa ngunit makikita pa rin na may nakaririwasang pamumuhay ang naninirahan doon."Maring, nasaan ka? Nakita mo ba yung necktie na bagong bili ko?" Sigaw at tawag ni Eduardo habang bumababa sa hagdanan, makikita na medyo iritado ito dahil hindi nito makita ang gamit na kanyang hinahanap. Pagbungad niya sa sala ay nagulat at natigilan siya nang matanaw si Aeros na hindi niya inaasahang makikita nang ganoong kaaga. "E-aeros Villacorte?"Tumayo ang binata at magalang na bumati. "G-good morning po.... tito."Napamaang si Eduard