She saw her ate Beth on the back, nakaupo sa bench sa ilalim ng punong talisay. Lihim nitong pinahid ang luha ng maramdamang hindi na ito nag-iisa.Bahagya itong bumaling saka pilit na ngumiti. "Tapos na bang maghanda ang kuya Will mo?"Marahan lang siyang tumango. "Nakausap ko na ang mga pulis. Sabi nila pwede munang umuwi si Will dahil hindi pa man pormal naisasampa ni Leandro ang kaso laban sa kanya. M-May balita ka na ba sa kanya?" Muli, umiling siya. "Hindi pa siya nakakauwi. Wala rin kaming alam kung nasaan siya ngayon. Maybe he's somewhere mending his painful heart." Mapait niyang sabi. "I-Im sorry for not telling you about Celine Ciel. Ginusto kong sabihin sayo ang tungkol sa kanya una pa lang. But it was so hard telling you. Isa pa, wala rin akong masyadong alam sa nakaraan nilang tatlo. Will didn't tell me about her either, narinig ko lang sa mga usap-usapan ng mga taga rito ang tungkol sa kanila.""I understand you ate Beth, alam ko na hindi madali para sayo ang sabihi
"C-Ciel anong nangyari sayo?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ng ate Beth niya ng pagbuksan siya ng pinto. She was wet all over, nangingikig rin sa lamig ang kanyang katawan. Matapos ang pag-uusap nila ni Leandro kanina ay wala sa sarili niyang minaneho ang kanyang sasakyan. Hindi na niya namalayan na napalayo siya ng husto. She drove for almost two hours and found herself at the seashore of Buenavista. Ang karatig bayan ng San Isidro.She was really out of herself. Hindi kayang tanggapin ng puso niya na maghihiwalay sila ni Leandro. It was tearing her apart. Hindi pa nga sila nagsisimula, heto at gusto na nitong tapusin. She remained at the seashore sitting on the bench for a time she didn't even remember. Kahit noong umulan ay hindi niya ininda. Gusto niyang ibuhos ang lahat ng sakit at ang mga luha niya kasabay ng ulan. But then, it didn't go away. The pain is so deep that no matter how hard she cried her heart out, hindi pa rin iyon nawala. Ganoon niya kamahal si Leandro."P
--Beth--Mahina niyang isinarado ang pinto ng lumabas siya mula sa kwarto ng hipag. Nakatulugan na nito ang pag-iyak. She was obviously tired and in so much pain, pero wala man lang siyang nagawa para tulungan itong maibsan kahit konti ang sakit. She can't even gave her comfort or advice dahil sa sarili niya mismo ay hindi niya magawa. Parehas lang din ang kanilang pinagdadaanan, parehas lang silang nasasaktan ng mga sandaling iyon. "A-Anong sinabi ni Ciel? May ginawa ba sa kanya si Leandro?" Napabaling siya sa boses na iyon ng asawa. Hindi pa pala ito bumabalik sa kanilang kwarto. Malamig niya itong tiningnan. "Leandro has file for an annulment.""Eh di mabuti, mawawala na sa landas natin ang hayop na iyon!" Matigas nitong sagot.Sarkastikong siyang napalatak. "Nagbubulag-bulagan ka ba? Hindi mo ba alam kung gaano nasasaktan si Cielo ngayon?""Malalampasan niya rin ito. Balang araw magpapasalamat siyang naghiwalay sila. Hindi Ang hayop na iyon ang lalakeng nararapat para sa kanya
Madilim na ang paligid ng muli siyang magmulat ng mga mata. Ang mukha ng hipag ang kanyang unang nasilayan. Bagama't manaka-naka'y nagigising siya kanina, muli rin siyang hinihila ng antok pabalik sa karimlan. Napakasama ng pakiramdam niya kanina. "Kumusta na ang pakiramdam mo Ciel?" Agad na tanong ng ate Beth niya saka sinalat ang kanyang noo. Isang maginhawang hininga ang pinakawalan nito ng maramdamang hindi na siya gaanong mainit."Thanks God." Sambit nito. "Nagdedeliryo ka sa lagnat kanina." Isang nanghihinang ngiti ang sumilay sa kanya mga labi. Suddenly her chest tightened at the concern she heard in her voice. Ganoon din sa mga mata nito.They are not that close, dahil minsan lang naman siya kung umuwi rito noon, pero higit pa sa isang kapatid o matalik na kaibigan ang ginawa nitong pag-alaga sa kanya. She look at her, partikular sa maumbok nitong sinapupunan. Tila hirap na itong magkikilos sa laki ng tiyan nito, but she still take care of her. Namuo ang luha sa gilid ng
Two years later...Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya habang inililibot ang paningin sa buong loob ng NAIA international airport. Hila ang isang di kalakihang trolley ay inihakbang niya ang kanyang mga paa papunta sa arriving area."Ciel!" Napabaling siya sa tawag na iyon. Sa kumpulan ng mga taong naghihintay rin sa kani-kanilang mga pamilya ay nakita niya si Lovie na kumakaway-kaway.She walk towards her. At ng makalapit ay isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi nito."Condolence friend." anas nito sa nakikiramay na boses. She then hold her arms sympathetically.Isang malungkot na ngiti rin ang sumilay sa kanyang labi bago marahan na tumango. "Salamat Vie." Mahina niya ring sabi. "He's in God hands now."Tumango-tango ito. "Yeah, he is.." Ini-angat nito ang mga mata sa kanyang bisig. "You look tired, ako nang magdadala kay Briel sa--"Umiling siya. "Ako na, magta-tuntrums iyan kapag nagising at makitang hindi ako ang may hawak sa kanya." Isang mabining
Mariin siyang napalunok ng makitang tumigil sa di kalayuan ng kotse nila si Thunder at bumaba si Leandro.If she was shocked, ganoon din ang nakarehistro sa mukha ni Lovie ng lumingon sa kanya."Ciel..." Anas nito sa nag-aalang boses. "Anong gagawin natin?"She winced and swallow again. Nakita nilang humahakbang ito palapit sa kotse. Doon siya nagsimulang magpanic. Nilingon niya agad ang anak na noo'y mahimbing pa rin ang tulog. "Y-You go out first.." Sabi niya. Trying to hide the tremor on her voice. "Kapag lumabas ako, siguradong iisipin niyang magkasama tayo. Malalaman at malalaman pa rin niya na may tao sa loob kahit na tinted ang salamin ng kotse, he will--""Lalabas din ako maya-maya." mahina niyang sabi, pagkunwa'y tiningnan muli ang anak. "T-Talk to him away from the car. Huwag mong hayaang lumapit siya sa kotse, h-hindi niya pwedeng malaman ang tungkol kay Briel. Sige na.. lumabas ka na Vie." She said, already in panic when she saw Leandro nearly approaching.At dahil sa n
Kahit na nakalabas at nakalayo na sila sa hacienda Montenegro ay hindi pa rin napanatag ang loob niya. No... actually, sa simula pa lang talaga ay hindi na panatag ang buong loob niya sa isiping uuwi siya kasama ang anak. When she went to America, nangako siya sa sarili na hinding-hindi na siya tatapak pa sa San Isidro. But cruel fate play its game again, nagkasakit at nawala ang kuya William niya dahilan para mapilitan siyang bumalik. Isiniksik niya lang sa isip na malayo ang posibilidad na magkita sila dahil malawak naman ang San Isidro. Isa pa, alam naman niyang hindi ito pupunta sa kanila para makiramay sa kanilang pamilya. So chances of them seeing each other again was rare as the solar eclipse. Or thats what she thought.Dahil ang taong pinakaiiwasan niyang makita, ay nakaharap niya sa unang tapak pa lamang ng kanyang mga paa sa bayang iyon, sa unang araw pa lamang niya doon sa San Isidro. She gritted her teeth bitterly. Ang sama talagang magbiro ng tadhana. "Ciel?"Bahagya
Isang linggo na ang nakalipas buhat ng mailibing nila ang kanyang kuya William. At buhat ng araw na iyon, ang kanilang bahay ay naging napakalungkot at puno ng kahungkagan ang bawat sulok.Hindi na iyon nakapagtataka. Her brother was always the pillar of the house, of that land. Ang lupang ipinundar ng kanilang ama. Ngayong wala na ito, hindi nila alam kung saan sila magsisimula. They are all lost.Katok sa pinto ng kwarto niya ang nagpa-angat ng kanyang tingin. Kasalukuyan siyang nagbibihis ng pumasok ang kanyang ate Beth. "Ciel pwede ba kitang makausap?" Tanong nitong unti-unting humakbang palapit sa kanya."Oo naman ate Beth.. tungkol saan?"Umupo ito sa kama at muling tumingin sa kanya."Ngayong naihatid na natin si Will sa kanyang huling hantungan, pwede ko bang malaman ang plano mo? Are you going back to America? or are you going to stay?"Sandali siyang natigilan. Actually, sa simula pa lang ay wala na siyang planong manatili. Her plans was to go back to America matapos si
--AUTHORS NOTE--Sa mga nagbasa po ng storya na ito, gusto ko lang po na iabot ang taos-puso kong pasasalamat. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng sumuporta sa kwentong pag-ibig nina Leandro at Cielo. Hindi ko po mararating ang puntong ito kung hindi dahil sa inyo. At sana kagaya sa suportang ibinigay ninyo sa akin sa kwentong ito, ganoon din ang ibigay ninyo sa akin sa mga susunod ko pang akda.Kung napansin ninyo, may inilagay akong konting pasilip sa kwento ni Marrius at Naya. After po ng on-going ko, isusunod ko po ang kwento nila. Muli, maraming-maraming salamat po.Hanggang sa muli.------------------------Naalimpungatan siya nang maramdaman ang tila paghilab ng kanyang tiyan. Ilang minuto niya pa iyon inobserbahan habang nasa isip na maaaring nilamig lang iyon o kaya may nakain siyang hindi natunaw.Her schedule of giving birth will be next week. Ngunit may posibilidad ding mapaaga ang kanyang panganganak. Marahan niyang ini-angat ang kanyang kamay papunta sa kanyang s
--Marrius--Halos magbaga ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan niya ang pigura iyon na naghihiyaw at tila walang pakialam na nagsasayaw sa gitna ng dancefloor. She was surrounded by men na halos lumuwa ang mga mata habang nakatitig sa dib-dib nitong halos lumabas na sa lalim ng uka ng suot nitong spaghetti strap na bestida. She dance in the middle as if there's no tomorrow. Hanggang taynga ang lapad ng ngiti nito, while he was there standing furiously.Nagpaalam lang ito na uuwi ng Manila dahil may importane itong aasikasuhin, but she never came back.Dalawang linggo siyang naghintay, pero ni anino nito hindi na nagpakita pa sa kanya. He tried to call her, pero palaging unattended ang cellphone nito.Nagsimula siyang mag-alala, inisip na baka may nangyari rito, kaya matapos ang dalawang linggong paghihintay sa wala ay nagdesisyon na siyang lumuwas ng Manila para hanapin ito. Only to find her this way.Kumuyom ang kanyang kamao at mariin na nagtagis ang kanyang bagang. Sobra si
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at taimtim na nag-alay ng panalangin sa harap ng puntod ng kanyang kuya William. Nang magmulat siya ng mga mata, isang masuyong ngiti ang namutawi sa kanyang labi. Minasdan niya ang larawan ng kapatid na nasa gilid ng lapida. In that picture, he was smiling widely. "Kuya.." mahinang sambit niya. "Kumusta ka na? Sana katulad ng larawan mong ito, nakangiti ka rin diyan sa kinaroroonan mo habang nakatanaw sa amin. I know you are watching us, we are okey kuya. Next month pangalawang harvest na ng sakahan mula ng mawala ka, and we are copping. Sa tulong ng mga magsasaka alam kong makakabangon ang sakahan. Ate Beth and Kathleen is also doing fine." Inabot niya ang larawan nito at marahan iyon na hinaplos, "Ako rin kuya.." anas niya sa malamlam na mga mata. "I know you are seeing me now.. gusto kong sabihin na masayang-masaya ako sa mga sandaling ito. I finally found my home in Leandro's arm. Alam kong hanggang sa huli, hindi kayo nakapag-usap ng maay
Hindi niya mailarawan ang saya sa mukha ng asawa habang nakatingin ito sa monitor ng ultrasound.His eyes are twinkling from gladness. At the same time from unshed tears. Sobrang higpit rin ng pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis. At bumalik sila ngayon sa kanilang OB para malaman ang gender ng kanilang pangalawang baby. He accompany her everytime. He was with her since her first ultrasound, na kahit anong busy nito, naghahanap talaga ito ng oras para lamang samahan siya."I want to always be with you in this journey with our second baby. Gusto kong maramdaman niya na nasa tabi niya lang ako. His or her heartbeat, gusto ko, ako ang unang makakarinig. I want everything about him or her in details, mga bagay na hindi ko nagawa kay Briel. Sa pagkakataon ito, babawi ako Ciel. Pangako." Naalala niyang sabi nito sa kanya when she was on her second month. He said that with all the gentleness in his eyes while caressing her still flat belly. Tulad
--Marrius--Mula sa pagkakasadsad sa manibela ay nanlalaking ini-angat ni Marrius ang kanyang mukha. Gimbal sa nangyari."Fuck!" Mura niya ng may maramdamang likido na umagos mula sa itaas na bahagi ng kanyang ulo.Nang tingnan niya ang mukha sa front mirror ng kanyang pick up, doon niya nakita ang sugat sa kanyang noo. Nakuha niya marahil iyon ng masadsad ang kanyang ulo sa manibela dahil sa impact ng kanyang pagpreno.He gritted his teeth. His inside is like magma ready to erupt. Sino ba ang tangang babaeng iyon na bigla nalang tumakbo sa direksyon ng humaharurot niyang sasakyan? He darted his eyes infront, there's no sign of her. Nabangga niya ba ito? O basta nalang itong umalis matapos ang ginawang katangahan?He was annoyed thinking about her foolishness, and thinking about her running away. Magkagayon man bumangon pa rin kahit paano sa kanyang dib-dib ang pag-aalala ng maisip na baka nga nabundol niya talaga ito.Nang maisip iyon, dali-dali niyang hinawakan ang seradura ng pin
"Pwede bang ako naman ang makipagsayaw sa napakagandang bride, Tito Leandro?" Kapwa sila napabaling ni Leandro kay Marrius. "Kanina pa kasi ako naghihintay, pero parang wala ka yatang balak na paupuin siya. Kung hindi ninyo napapansin nakadalawang salang na kayo ng kanta." Natatawa nitong dugtong."When you're this inlove with your wife, hindi mo mapapansin ang oras, Marrius." Nagtaas ito ng kilay. "Yeah, hindi mo na kailangan ipangalandakan sa mukha ko, dahil halata naman. Now, pwede ko na ba siyang hiramin para maisayaw?"Leandro look at her with raised brow. Tila sa kanya nagpapaalam.Isang ngisi ang ibinigay niya rito. "Asikasuhin mo muna iyong mga ibang bisita. Pagbibigyan ko muna ang Marrius na 'to." She said chuckling.Bumitiw siya rito at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Marrius."Isang kanta lang Mauricius. Pagod na si Ciel." "No problemo Tito Leandro." Kindat pa nito sa Tiyo."Anyway may ipakikilala nga pala ako sayo mamaya, anak siya ng isang kaibigan. Dapat kahapon
"I-postpone kaya muna natin ang kasal natin, at sa katapusan nalang ng June itutuloy, ano sa tingin mo, sweetheart?"Tanong niya sa asawa habang pinapalitan ang bandage ng sugat nito. Tatlong araw pa lang ang nakakaraan buhat ng umuwi sila galing sa ospital. Ramdam niya ang pagkakatigil ito kaya umangat ang kanyang mga mata sa mukha nito, only to see his furrow brows."At ano ang dahilan na ipo-postpone natin?" Naglapat siya ng kanyang labi."Hindi ka pa masyadong magaling. Hintayin nalang natin na tuluyan kang gumaling bago natin ituloy." "Ang tiyan ko ang may sugat, Ciel. Hindi ang paa at kamay. I can walk you to the altar with no hussle. Maisusuot ko rin sa kamay mo ng maayos ang wedding ring natin. So why do we need to postpone it?" "Eh, kasi nga--""Enough of that thoughts." Agad na putol nito. "Sa pagkakataong ito, hindi ako papayag sa suhestyon mong iyan. Our wedding was already long overdue, and I can't wait another month to marry you."Nagtaas siya ng kilay. She wanted t
Dumating din si Marrius ng gabing iyon, at ganoon nalang din ang pasasalamat nito nang malamang nasa mabuting kalagayan na si Leandro."I'm glad that you're okey now. Sobra akong nag-alala nang tawagan ako ni Yaya Sela kagabi at ibinalita ang nangyari.""Kaya nag book ka ng flight agad-agad?" Leandro raised his brows. "May meeting ka pa bukas kay Mr. Tanagawa. What will you do about it?" "Tinawagan ko na ang secretary niya, pinosponed ko na muna ang meeting. I asked to set another date again.""Paano kung hindi pumayag si Mr. Tanagawa? Marrius, you lost a possible investor for the Cebu plantantion, alam mo ba iyon?" "Then maghahanap ako ng ibang investors."Dinig na dinig niya iyon sa labas ng pinto. Lumabas lang siya sandali at ito ang maririnig niya. Arguing over business. She rolled her eyesballs. Pati ba naman dito?"Do you think that it was that--""Woah..woah.. woah!" Palatak niya ng buksan ang pinto. Kapwa dumako ang tingin ng dalawa sa kanya. "Why are you arguing over bus
"L-Leandro..." Iyon na lamang ang tanging nasambit ng kanyang mga labi.Isang marahan na ngiti ang namutawi sa labi nito."H-Hi sweetheart.." paos nitong sabi.She swallow hard. Parang may kung anong humaplos sa kanyang puso na makitang gising na ito. Nagsimulang mamuo ang kanyang luha, at bago iyon tuluyang naglandas sa kanyang pisngi ay walang inhibisyon na siyang bumaling saka yumuko. Isang mahigpit na yakap ang ginawa niya rito at kasabay niyon ang malakas niyang hagulgol."A-Ang sama mo.. ang sama-sama mo para takutin ako ng ganito!" Sumbat niya, bagama't napakahigpit naman ng kanyang yakap."S-Sweetheart, nadadaganan mo ang s-sugat ko." He chuckled.Nang marinig iyon, agad siyang bumitiw. Bumahid ang pag-aalala sa kanyang mukha. She immediately darted her eyes on his stomach, partikular sa sugat nitong nababalutan ng bandage."I-I'm sorry..." Kagat-labing sabi niya. "I-I will call the Doctor, para--" Ngunit pinigilan nito ang tangka niyang pagtayo. "Mamaya na. Dito ka muna.