Share

Chapter 4

Author: AVA NAH
last update Huling Na-update: 2021-12-23 19:31:24

Hindi nakatulog ng maayos si Graziana kaka-isip sa nangyari sa kanila ni Thunder. Naguguluhan na siya sa boss. Hindi siya nito gusto pero nagpaakit sa kan’ya. Ang hirap pala talaga espelingin ng boss niya. Mahirap bang aminin na na-attract din ito sa kan’ya? Iba ang nakikita niya sa mga mata nito nang halikan niya at matapos nitong gawin ang hindi dapat gawin. 

Alas-kuwatro na siya yata nakatulog kaya tinanghali siya ng gising. Kung hindi pa niya narinig ang sunod-sunod na katok sa pintuan ay hindi pa siya magigising.

Dahan-dahan siyang humakbang. Naka-tip toe pa siya dahil sa sugat niya. Si Allan ang bumungad sa kan’ya na ikinagulat niya.Papungas-pungas pa nga siya.

“H-hi!” bati niya rito sabay baba ng damit na medyo naka-angat. Naipon kasi lahat sa itaas ng tiyan niya, kaya kita ang puson niya. Buti hindi ito nakatingin doon.

“Magandang umaga po, Ma’am Graziana. Nakahanda na po ang pagkain sa komedor. Wala po ang kasambahay ni Boss kaya ako na lang ang nagluto. Nasa kabilang bahay po naglilinis ng mga kalat dulot ng malakas na ulan kahapon.”

Tumangu-tango siya dito at ngumiti. “Sige, Allan. Salamat. Bababa na lang ako.”

Hindi pa ito natinag kaya napataas siya ng kilay.

“Okay na po ba ang paa niyo?” tanong nito habang nakatingin sa paa niya.

Bumaba ang tingin niya sa paa. “Ahm, medyo.” Ayaw niyang banggitin na lalong nadagdagan ito.

“A-ah, k-kailangan niyo po ba ng tulong pababa?” nag-aalangan nitong tanong.

Napangiti siya dito. Masyado na siyang nakaka-abala dito. “Salamat, Allan pero kaya ko na. Sige na, bumalik ka na sa trabaho mo. Hindi ako ang boss mo dito, remember?” Tumawa pa siya ng bahagya. 

Natawa ito ng bahagya sa kan’ya. “O, sige po. Kayo po ang bahala.” Tumango muna ito bago umalis sa pintuan ng silid.

Nakangiting isinara niya ang pintuan at naglakad papuntang banyo.

Napangiwi siya bigla. Hindi pa nga pala siya nakapag-mumog at toothbrush tapos nakipag-usap na siya rito. Bumuga siya ng hininga sa palad saka inamoy. Amoy laway kaya ilang beses niyang tinampal ang noo. 

Sana hindi nito nahagip ang hininga niya. Kung hindi, nakakahiya kung sakali.

Kailangan na niyang maligo para makakain na siya ng almusal. Paniguradong may gagawin siya dito kahit papaano.

Wala na siyang extra damit kaya nangalkal siya sa damitan ni Thunder pagkatapos. Makikihiram na lang muna siya.

Naghanap siya ng pambabaeng damit sa closet nito pero wala siyang makita. Napakunot-noo siya.

Saan kinuha ni Thunder ang pinahiram sa kan’ya? Napatingin siya sa cabinet na naka-lock. 

Hindi kaya doon nito kinuha ang damit? Tanong niya sa sarili.

Bumaling ang mga mata niya sa damitan ni Thunder. Nagkibit-balikat muna siya bago humila ng damit ng boss. Kumuha din siya ng boxer nito. Napatingin siya sa ibaba niya. Wala rin siyang underwear kaya boxer na lang talaga ang susuutin niya.

Ini-lock naman niya ang pinto kaya inihulog na lang niya basta-basta ang towel at nagbihis. Napangiwi siya nang tumama sa gilid ng maliit na mesa ang paa niyang may sugat. Napakamalas niya talaga nitong mga nakaraan lalo na ngayon. Hindi niya alam kung clumsy ba siya o tanga. Napailing siya sa sarili kapagkuwan. 

Pagkatapos magsuklay ay naglagay siya ng gasa sa sugat niya saka nagpasiyang lumabas na. As usual, dahan-dahan siyang naglakad.

Napatigil siya sa paglalakad nang makita si Allan mula sa baba. Nakatingin pala ito sa kan’ya partikular na sa sugat niyang bagong palit na gasa.

Nahulaan niya kaagad ang nais nitong gawin dahil umakyat ito ng hagdan.

Hindi na siya nakahindi nang bigla na lang siya nitong pangkuin pababa ng hagdan. Nasa huling baytang na sila nang biglang bumukas ang pintuan ng main door at iniluwa ang boss. Natigilan ito at tumingin sa kanila na naka-kunot ang noo.

Bumati lang si Allan dito at dere-deretsong tinungo ang komedor saka ini-upo siya sa upuan. Hindi na siya naka-kontra nang pagsilbihan siya nito. Ito na ang naglagay ng kanin at ulam sa plato niya. Akmang kukunin nito ang kutsara nang pumasok si Thunder sa komedor. 

“Tapos na ba ang inuutos ko sa’yo, Allan?” ani ng baritonong boses ng boss. May iritasyon din iyon. Nakasandal ito sa cabinet at nakatingin sa gawi nila.

“Tapos na po boss. Inutusan kasi ako ni Manang na samahan si Ma’am dito-”

“Hindi na siya bata, Allan para pagsilbihan. Kaya na niya nag sarili niya.” Titig na titig ito kaya tinaasan niya ng kilay. “Tumulong ka na lang sa kabilang bahay. May mga naka-block pa sa daanan papuntang aplaya…” 

Walang nagawa si Allan kundi ang sundin ang boss. Halata sa mukha ni Allan ang pagkalungkot nang iwan siya. Ngumiti lang siya dito para sabihing okay lang siya.

Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa ng mga sumunod na sandali. Tanging ingay ng kobertos na tumatama sa babasaging plato niya ang pinagmumulan ng ingay. Alam niyang nakatunghay ang boss niyang magulo ang isip.

“Feel na feel, huh?!”

Napatigil siya sa pagsubo nang magsalita si Thunder. Tiningnan niya ito na may pagtataka. Naka-hang pa ang kutsara sa ere ng mga sandaling iyon.

“Ang alin po? Ang kumain?” takang tanong niya dito.

Pumikit ito saglit at nagmulat din. Mukhang hindi alam ang sasabihin. “No. I mean, feel na feel mong magpakarga kay Allan. Mukhang napapadalas na.”

Parang gusto niyang isatinig na isa rin ito. Walang paa-paalam kung pangkuin siya. Nakikipaghalikan pa nga sa kan’ya. ‘Yon ang napapadalas.

“Nagmamagandang-loob lang po siya boss. ‘Wag niyo naman pong lagyan ng meaning. Nakakahiya po kay Allan,” aniya sa kalmadong tinig. Pero ang totoo naiinis na siya. 

“At gustong-gusto mo naman?”

Natawa siya ng mapakla at nakipagtitigan dito. “Ahm, yes?” Biglang nagdilim ang mukha nito pagkarinig niyon. “Sa tingin ko boss, wala namang masama siguro kung magkaka-gustuhan kami. Binata siya at dalaga naman ako,” dugtong pa niya. Wala, trip lang niya sabihin.

“Wala akong paki-alam kung magkakagustuhan kayo. Pero sana, ‘wag dito. Respeto sa akin at sa pamamahay ko na lang sana. ‘Wag mong sabihing pinapasok mo din siya sa kuwarto ko?” anitong lukot ang mukha.

Napapikit siya sa mga sinabi nito. Sunod-sunod ang paghinga niya dahil sa mga sinabi nito.

Puwede bang bulyawan ang boss niya? Kahit ngayon lanmg sana. Nakakarami na kasi, e. Kung hindi lang niya mahal, naku!

“Hindi ko po siya pinapasok sa kuwarto niyo, at wala po kaming masamang ginawa kung ‘yan ang iniisip niyo, Boss.”

Pero malapit na, aniya sa sarili.

“Really?!” sarkastikong sabi nito.

“Boss-”

“Bumalik ka na nga ng Maynila, Grazie. Wala kang ibang magandang ginawa dito. Puro na lang pasakit sa ulo.” ‘Yon lang at iniwan siya nito sa komedor. 

Bigla siyang nanggalaiti sa boss. May kung anong kirot siyang naramdaman sa dibd!b. Sana sinabi nito kaagad para umuwi na siya kahapon. Wala pala siyang ginawang maganda dito, e.

Kung makapag-isip pa ng masama sa kan’ya, wagas. Anong akala nito sa kan’ya, ganoon kalandi? Kaya niya bang landiin si Allan sa mismong pamamahay nito? Ni wala nga siyang nararamdamang spark kay Allan. Kaya, bakit niya lolokohin ang sarili niya?

At kaya lang niya sinabi kanina na walang masama kung magkagustuhan sila ni Allan para tumigil na ito. Hindi naman niya akalaing mamasamain nito.

Hindi na niya tinapos ang pagkain dahil tinawagan niya ang kakambal nito. Babawi na lang siya ng kain sa bahay niya. Nakisuyo siya kay Ace kung puwede magpasundo. Mabilis namang dumating ang chopper nito. Nakisuyo rin siya kung puwedeng magpadala ng damit niya. May extra siya sa cabinet niya sa opisina kaya iyon ang pinadala ng binatang doktor.

Wala si Thunder nang umalis siya kaya naipagpasalamat niya. Dala niya ang ilang papeles  na nasa library nito. Dala rin niya ang sama ng loob niya sa binata. Nagpadala lang siya ng mensahe dito na bumalik na siya ng Maynila kaya magdiwang na ito. Makaka-pokus na ito sa asawa nito.

Pagkatapos ng araw na iyon naging propesyonal na siya sa tuwing kausap ito. Minsan si Ellen na ang pinapakausap niya dito kapag may ipapasabi siya sa boss. Abala siya sa opisina nito. Ikaw na kasi maging sekretarya nito pero ang responsibilidad, napakabigat. Kaliwaan ang mga meetings niya. Pero sa kabilang banda, natutuwa din nanan siya kasi, nakakalimutran niya ang mga nangyari sa Bicol.

“Ma’am sabi ni Boss, tawagan niyo daw po siya.” Napatingin siya sa pinto nang marinig ang boses ng assistant.

Nagpakawala siya ngbuntong-hininga bago nagsalita. “Puwedeng pakikuha ng mensahe ni Boss. Marami pa kasi ako kamong inaasikaso. Kailangan kong tapusin ito dahil may importanteng lakad ako mamaya.” Natigilan siya ng ma-realize ang huling sinabi. “Pero ‘wag mo ng banggitin ang huling sinabi ko, ha? The usual palusot na lang. I mean dating gawi. Thank you,” aniya sabay ngiti dito. Natawa lang ito sa kan’ya.

“Sige po. Uusok na naman ‘yon panigurado.”

“Hayaan mo siya. Nagpapakasarap siya sa probinsiya tapos tayo nagpapaka-kuba dito. Ang galing, diba? Buti kung dagdagan niya ulit sinasahod natin, ayos lang na istorbohin niya tayo basta-basta,” litanya niya na ikinahalakhak nito. Nag-thumbs-up pa ito. 

Wala pang sampung minutong nakaalis si Ellen sa pintuan ng opisina nang makitang tumatawag ulit si Thunder sa telepono niya. Actually, kanina pa siya tinatawagan. Binabalewala niya lang. Pinataob niya ang telepono pero hindi siya nasiyahan kaya pinasok niya sa drawer.

Pasalamat siya dahil hindi na ito tumawag sa kan’ya nang hapon. Tahimik ang utak niya. Natapos niya ang lahat ng gawain bago mag alas-singko. Magkasabay na nag-out sila ni Ellen kapagkuwan. 

Saglit lang siyang nagpahinga sa apartment niya bago naligo. Ngayon kasi ang kasal ni Liit. Hindi na siya nakapunta ng simbahan kaya sa reception na lang siya pupunta. Buti na lang malapit sa kanila ang venue.

Maraming dumalo na mga kakilala niya kaya hindi naman siya na-bored. Kakatapos niya lang kumain. Malapit na siyang mabulunan sa dami ng kinaing lumpia kaya tumayo siya para kumuha ng tubig. Pinabantayan niya muna kay Jeric ang cellphone na nasa itaas lang ng bag. Pagbalik niya ay hawak na ni Jeric ang telepono niya at may kausap na ito.

MABILIS ang mga naging kilos ni Thunder pababa ng helicopter. Kalalapag lang ng ng sinasakyan niya sa helipad ng building nila. Pasado alas-siyete na ng gabi nang tumingin siya sa relong pambisig. Isa lang naman ang sadya niya dito. Walang iba kung hindi ang sekretarya niyang ilang linggo ng hindi nakikipag-usap sa kan’ya. Lagi na lang boses ni Ellen ang naririnig niya sa linya kapag tumatawag siya. Kahit nga sa personal number nito hindi siya nito sinasagot. 

Of course, alam niya ang dahilan. Sumama ang loob nito sa mga sinabi niya, which is true naman. Ginagamit lang nito ang bahay niya para makipaglandian kay Allan. Bigla niyang naikuyom ang kamao kapagkuwan.

Kaagad na dumeretso siya sa opisina niya, na ngayon ay  pansamantalang opisina rin ni Grazie. Sigurado siyang nakasubsob na naman ito sa trabaho.

Napakunot-noo siya nang makitang walang ilaw ang buong department nila. Tanaw na niya ang opisina niya, at madilim. 

Hindi kaya umuwi na si Grazie? Himala yata kung ganoon.

Wala na nga si Grazie nang pumasok siya sa opisina. Inilinga niya ang paningin kapagkuwan. Ganoon pa rin naman ang ayos ng opisina niya. Malinis pa rin. 

Pabagsak na naupo siya sa swivel chair niya at kinapa ang mesa. Nakaka-miss din magtrabho dito sa kompanya niya. Napatitig siya sa kamay na gumaspang na kaka-trabaho sa bukid. Nangingisda din siya para sa pang-ulam nila ni Ira minsan. Wala itong ideya na isa siyang CEO ng isang kompanya. Ang alam lang nito, magsasaka siya.

Napangiti siya nang maalala si Ira. Alam niyang manganganak na si Ira isa mga araw na ito. Hinihintay na lang talaga nila ang araw na iyon. Nakikinita na niya ang sariling karga ang magiging anak. Siya na nga ang pinapili nito ng pangalan. King na ang napagkasunduan nilang dalawa ni Ira na ibibigay na pangalan para sa magiging anak. Matagal na niyang pangarap iyon. 

Napatingin siya sa telepono. Hindi pa rin nagte-text si Grazie. Nagpakawala muna siya ng buntong-hininga bago tumayo. Pupuntahan na lang niya ang sekretarya sa apartment nito. Nasa parking lot na ang kotse niya. Naitawag na niya ito sa kapatid kanina na dalhin dito ang sasakyan niya.

Hindi naman ganoon kalayo ang bahay ng sekretarya sa opisina kaya nakarating kaagad siya. Napakaunot-noo siya nang makitang madilim ang bintana nito. Mukhang wala pang tao kaya idinayal niya ang anumero nito. 

Saan naman kaya ito nagpunta? Maagang lumabas ng opisina niya tapos wala pa sa bahay nito.. 

Nakatatlong dayal siya pero walang sumasagot. Akmang pipindutin ang end button nang mapansing sinagot na nito.

“At last, sinagot mo rin, Gra-”

“Hello?”

Bigla niyang inilayo ang telepono sa tainga at tiningnan ang numero. Pangalan ni Grazie ang naka-rehistro pero lalaki ang sumagot.

“Can I talk to Grazie?” halata ang iritasyon sa boses niya.

“Sinong Grazie? Ay, sandali, si Graziana ba ang tinutukoy mo? Kumuha lang ng maiinom. O, ayan palapit na pala siya.” Huminto ito sa pagsasalita at may kinausap. “Yang, may tumatawag sa’yo. Sinagot ko na, maingay, e,” dinig niyang sabi nito.

“Ano ba ‘yan nakiki-alam ka, Jeric. Sino ba ‘yang tumawag- Holy Mary!” dinig niyang sabi ni Grazie sa Jeric na ‘yon. May sinabi pa ito sa lalaki pero hindi niya maintindihan. Medyo nakaramdam siya ng inis. “Usog ka nga, mahuhulog na ako,” reklamo nito sa kausap.

“Kandong ka na lang,” natawa pa ang lalaki habang sinasabi iyon. Lalong nadagdagan ang inis niya. Nai-imagine niya ang ginagawa ngayon ni Grazie. Kumandong sa lalaking kausap nito.

“Hello, Boss!” Huminga siya ng malalim nang bago sinagot ang bungad ni Grazie.

“Nasaan ka?” mahinang tanong niya rito.

“Nasa reception ng kasal, Boss. Nakiki-kain lang. Bakit po?”

“Nasa tapat ako ng apartment mo.” Pigil na pigil siya sa sariling hindi ito pagalitan baka magtagal pa kasi ito doon kapag narinig nitong galit na naman siya.

“A-ano? Bakit? I mean, anong ginagawa niyo diyan, Boss?”

“Kailangan kitang makausap. Hihintayin kita ngayon din,” aniya at pinatay na ang linya. 

Wala sa sariling tinapon niya ang telepono sa upuan. Bigla rin siyang napasuntok sa manibela niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit naiinis siyang may lalaking lumalapit kay Grazie or kasama.

Napapikit na sumandal siya sa headrest ng upuan niya.

Wala pang 20 minutes, nakita na niya ang pagbaba ni Grazie sa taxi.

Nakatitig siya lang siya dito habang papalapit sa sasakyan niya. Sa tingin niya pumayat ito. Hindi niya mapigilan ang sariling makonsensya. Baka sa daming load nito sa trabaho, wala na tuloy time na kumain. Kaya siguro hindi siya nito masagot-sagot kapag tumatawag. Lalo na sa susunod na linggo, anibersaryo na ng kompanya nila. Kumatok ito kaya binuksan niya ang bintana sa shotgun seat.

“Yes, Boss?” anito nang ipasok nito ng bahagya ang ulo nito at tumingin sa kan’ya. 

Sa lahat ng tauhan niya, ito lang gumaganito sa kan’ya. Kung maririnig lang ng iba ang mga lumalabas sa bunganga nito kapag sila lang baka sabihin ng mga ito, na hindi siya ginagalang ng dalaga. 

Napalunok siya nang makita ang labi ni Grazie na umawang. “Ano na, Boss? May sasabihin ka ba? Babalik pa kasi ako sa reception. Nagutom ako bigla.” Hinawakan pa nito ang tiyan.

“Hindi mo ba ako papapasukin sa loob?” biglang tanong niya na ikinatigil nito.

Mga Comments (30)
goodnovel comment avatar
MISS_25_1992
oy si kulog nahuhulog na sya kay grasya.mahal ni kulog ang asawa nya.pero naiinis sya kay allan kung nakita nya itong kausap si grasya.selos yan kulog so meaning may feelings ka kay grasya.
goodnovel comment avatar
Alexander Roadel
ang ganda na sna kso nkalock pa
goodnovel comment avatar
Jocelyn Amodia
Ganda ng story pa unlock po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Desire of a CEO    Chapter 5

    Walang nagawa si Graziana kung hindi papasukin na lang ang boss sa apartment niya. Hindi naman na siya babalik. Nasabi lang niya iyon para umalis na ito. Kaso, hindi naman kumagat sa sinabi niya.Alam niyang nakasunod lang ito sa kan'ya. Ang tahimik nito hanggang makapasok.Iniwan niya ito saglit at kumuha ng maiinom. May whiskey pa siyang naka-display kaya 'yon ang dinala siya sa sala. May dala din siyang kopita at bucket na may lamang cube ice para dito. Nakaupo na ito sa sofa nang datnan niya.Napaangat siya ng kilay nang suyurin nito ang kabuuan niya. Naka-dress kasi siya. Hindi ito sanay nagsu-suot siya ng ganon. Bihira lang siya kasi magsuot kapag may party lang."Bagay sa'yo," anito nang mak

    Huling Na-update : 2021-12-25
  • The Desire of a CEO    Chapter 6

    "Ma'am, ikaw daw po talaga ang maghahatid sa kabilang bahay." Natigilan siya nang marinig ang sinabi ni Ellen. "Nakakainis talaga 'to si boss," kausap niya sa sarili. Napakamot pa siya ng ulo kapagkuwan. Kaya nga sinama niya si Ellen ngayon para ito ang maghatid sa kabilang bahay ng mga pinamili niya. Napako na kasi sa tabi ng bata si Thunder, hindi na daw makapunta sa malaking bahay nito para kunin ang ini-utos nitong mga pinamili niya. Halatang sabik na sabik talaga sa anak, ang boss. "Samahan mo na lang ako, Ellen." Tumango ang assistant kaya kinuha na niya ang ilang plastic, ito na ang nagbitbit ng natira. Nasa labas ng bahay

    Huling Na-update : 2022-01-01
  • The Desire of a CEO    Chapter 7

    Nakaingus na sinundan ng tingin ni Grazie si Thunder na paakyat.Paano ba siya maka-move on nito. Kung iisipin niya kasi ayaw nitong may ka-date siyang iba. Feeling niya lang naman. Nakakahiya tuloy sa kaibigan ng kakambal nito. Naka-oo na siya.Hinanap niya ang telepono sa maliit na hand bag at tinawagan si Ace, na kaagad din naman nitong sinagot."Hi, Doc Ace! Darating ba si uhm, ano bang pangalan no'ng kaibigan mo? 'Yong bagong prospect natin?""Si Drake Del Castillo ba? Yes, on the way raw siya. Diyan ka daw niya susunduin sa bahay ni Thunder," ani ng kakambal ng boss.Hindi niya mapigilang mapamura sa isip. "Ha?!"

    Huling Na-update : 2022-01-02
  • The Desire of a CEO    Chapter 8

    Itinaas ni Grazie ang kamay at itinakip sa mukha sabay porma ng peace sign sa boss. Hindi naman niya kasi sinasadya."Kung alam mo lang kung gaano ako nagpipigil, Grazie!" anito nang bumulong sa kan'ya."Sorry na nga boss, e!""Hindi 'yan mawawala dahil lang sa sorry," makahulugang saad nito.Napalunok siya sa sagot ng boss. Naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin kaya tumayo siya. Hinawakan nito ang kamay niya at tiningnan siya na puno ng pagbabanta. Buti na lang may lumapit na isang shareholder dito kaya bumitiw ito sa kan'ya.Sinamantala niya iyon para umalis sa tabi nito. Lumapit siya sa assistant at tumulong. Pagkatapos ng ilang palaro ay iniutos na

    Huling Na-update : 2022-01-04
  • The Desire of a CEO    Chapter 9

    Anim na buwan na mula ng huling mag-usap sila ng boss. Hindi na nasundan iyon kahit sa telepono man lang. Hindi niya alam kung iniiwasan ba siya nito, o busy lang talaga sa mag-ina nito.Ang balita niya ay Ellen, na siyang nagre-report dito every Friday ay abala umano sa anak, na si King. Wala naman daw itong bukambibig kung hindi ang anak nito. Ang sabi rin ng katulong lagi raw nasa malaking bahay ni Thunder ang anak-anakan nito.Nalulungkot din siya kasi hindi na niya ito nakikita. Kung gusto naman talaga siya nito, e ‘di sana gumawa ito ng paraan. Eh, hindi.Inaabala na lang niya ang sarili sa trabaho. Pero may ilang leave na rin siya. Una, noong kumuha siya ng passport. Medyo nabe-brain wash na siya ng kaibigan simula nang maikuwento niya ang tungkol sa kanil

    Huling Na-update : 2022-01-05
  • The Desire of a CEO    Chapter 10

    Napilitang magmulat ng mata si Grazie dahil nakaramdam siya ng naiihi. Hindi man lang nakisama ang sarili niya. Ipinagkanulo talaga siya.Dahan-dahan siyang naupo at tinanggal ang kumot na nakatakip sa kaniya. Wala na ang towel sa balikat niya. Baka may nagtanggal.Abala pa rin sa pag-uusap si Ace at Thunder kaya hindi siya napansin. Mabuti iyon dahil hindi niya alam ang sasabihin."G-Grazie! May kailangan ka ba? 'Wag ka nga munang tumayo!" Napapikit siya ng marinig ang boses ng boss. Natigilan siya nang hawakan siya nito. Ang bilis naman nitong makalapit.Tiningnan niya ang kamay nitong nasa braso niya. Hinawakan niya ang kamay nito at pilit na tinanggal. Napatitig ito sa kaniya kaya sinalubong niya ng seryosong mu

    Huling Na-update : 2022-01-06
  • The Desire of a CEO    Chapter 11

    Mahigit isang oras na siyang nakahiga pero hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Ace. Ilang shots nga lang ang nainom niyang alak kakaisip sa boss.Totoo. Hindi malabong mangyari ang kinatatakutan ng binatang doktor.Worried din siya sa boss. Lolokohin pa ba niya sarili niya? Thunder's name is still resonating in her heart. Kahit anong utos niya sa puso, hindi ito sumusunod sa kan'ya. Mahirap utusan ang puso kung sino ang mamahalin. At mas lalong mahirap utusang kalumutan ito.Paano nga kung nakaalala na si Laura? Anong mangyayari kay Thunder? E 'di maiiwan na naman itong bigo?Wala pa man pero naaawa na siya sa boss. Hindi man lang ba nito inisip na dadating ang araw na babalik ang alaala ni Laura? Pagkatap

    Huling Na-update : 2022-01-07
  • The Desire of a CEO    Chapter 12

    Habang papalapit ang araw ng pag-alis ni Grazie ay lalong siyang nalulungkot. Ngayon lang siya aalis ng sobrang layo sa mga taong mahal. Nakabukod nga siya, pero iba talaga kapag malayo. She spends her nights always sa magulang niya, even weekends. Gusto niyang makasama ang pamilya niya sa huling linggo niya sa Pinas."Mamimiss ka namin ng sobra, anak." Hindi na napigilan ni Grazie ang mapahagulhol pagkarinig sa sinabi ng ina. Kakatapos lang nilang kumain ng dinner. Heto na naman ang ina, pinapaalala na aalis na siya. Pilit nga niyang pinapatatag ang sarili nitong mga nakaraan kaso 'di naman niya maiwasang malungkot.Napayakap na lang siya ng mahigpit sa ina. Maging ito rin ay ganoon din. Kita niya ang pagtayo ng ama at pagpunas ng luha nito. Dapat bonding ulit ito, e naging crying time tuloy nila.

    Huling Na-update : 2022-01-08

Pinakabagong kabanata

  • The Desire of a CEO    Special Chapter with Teaser

    “DADDY, WALA PA po ba si Kuya King?” Napalingon siya kay Ayeisha na nasa sala ng mga sandaling ‘yon. “Hintayin mo na lang, anak.” “Hmp! Kasama na naman niya siguro ang girlfriend niya!” “Natural na ‘yon, baby dahil binata na si Kuya. May tampo ka pa ba sa kan’ya?” masuyo niyang tanong sa anak. Tumaas ang kilay ni Ayeisha. “Opo. Kasi hindi niya sinabing may bagong girlfriend na naman siya! Ayoko nga sabi nagge-girlfriend siya, e! Ang kulit!” Napaawang siya ng labi nang tumaas ang boses ng anak. ‘Yong totoo, kapatid pa ba ang turing nito kay King? “Anak, binata na si Kuya, kaya dapat lang

  • The Desire of a CEO    Chapter 51

    “THAT’S ENOUGH THUNDER!” Napapitlag si Thunder nang sumigaw siya. Kanina pa niya sinasaway ito kaka-kuwento. Mahigit isang oras na simula nang magkuwento ang asawa sa kambal tungkol sa buhay nila, bago sila naging ganap na mag-asawa. Iniiwasan niyang magkuwento ito ng mga sensitibo gaya ng halik. Masyadong matabil pa naman ang asawa niya pagdating sa usapang romansa. ‘Pag sila lang puwede. Tatlong taon na rin simula nang ikasal sila ni Thunder, kakapanganak pa lang niya noon. Ayaw na sayangin ng asawa ang mga araw na nawala sa kanila. Mabilis na pinirmahan ni Ira ang annulment papers dahil sa banta ni Thunder na kakasuhan ang mga ito, lalo na ang kapatid nito na si Cheska dahil nalaman nitong kasabwat ito ng isang staff nito na taga-finance department. Wala ring natanggap si Ira ni isang kusing sa asawa niya dahil sa laki ng perang nawala dito, na hindi nito alam.  

  • The Desire of a CEO    Chapter 50

    “LUTO NA, THART?” aniya kay Thunder nang makitang nakaupo ito sa silya na nasa harap ng mesa. Bigla naman itong napatayo nang makita siya na sapo ang tiyan. Malaki na kasi. “Malapit na, sweetheart.” Pinaghila siya nito ng upuan saka hinalikan sa buhok. “Dami mo na bang gutom?” “Marami na,” “Sabi ko kasi sa’yo, order na lang tayo, e!” “Eh, sa gusto ko nga ang luto mo. Hmmp!” Bigla naman itong ngumit sa kan’ya ng alanganin. “Sabi ko nga, sweetheart. Luto ko ang gusto mo.” Kinabig nito ang ulo niya at hinalikan ulit iyon. Napahawak na naman siya sa tiyan niyak. Recently pana

  • The Desire of a CEO    Chapter 49

    "OH, THUNDER!" ungol niya nang maramdaman ang dila nito sa sensitibong bahagi niya. Napaka-init ng dila nito. Hindi niya mapigilan ang sariling hindi mapanganga ng mga sandaling iyon. Lalo na nang laruin nito ang maliit na kuntil na iyon. 'Yon yata ang pinaka-main switch para tuluyang mag-init ang katawan ng isang tao– oras na iyo'y hawakan o magalaw. Napahigpit ang hawak niya sa ulo nitong sabihin nang sabayan ng daliri nito ang dila sa pagpaligaya sa kan'ya. "Shít ka Thunder!" naisatinig niya nang ipasok nito ang dalawang daliri sa loob niya habang patuloy ang dila nito sa pagpapaligaya sa kan'ya. Literal na sinasamba siya ni Thunder ng mga sandaling iyon. Nakaluhod ito sa kan'ya. Lumipat sila sa kama nang maramdaman niya ang pangangalay. Masuyo siya nito

  • The Desire of a CEO    Chapter 48

    "P-PAANO SI IRA, Thunder? Mahal mo-" "I love you. Hindi pa ba sapat na nandito ako? Ikaw ang pinipilit ko. Nakaraan na ang sa amin ni Ira. Hindi ko na maramdaman ngayon ang pagmamahal ko sa kan'ya na kagaya noon. Pangalan mo na ang sinisigaw nito, Grazie." Tinampal pa nito ang dibdib kapagkuwan. "Hindi ako ganito kabaliw kay Ira noon. Kaya, maniwala ka, sweetheart..." “T-Thunder,” aniyang hindi alam ang sasabihin. Walang kasiguruhan! Kasal pa rin ito kay Ira. Ang laki pa rin ng posibilidad na masasaktan pa rin siya. Umiling siya dito. “Kasal ka pa rin, Thunder. Bumalik ka na lang kapag naayos na ang lahat sa pagitan ninyo. Walang kasiguruhan na sasaya ulit kami sa piling mo, wala Thunder. Hangga’t may nag-uugnay pa rin sainyong papel, ayoko pa rin.”

  • The Desire of a CEO    Chapter 47

    NAPANGITI SI THUNDER nang ibaba ang telepono. Kumakain na naman si Grazie. Crunchy ang kinakain nito. Baka chicharon.Nawala rin agad ang ngiti niya nang maalala ang asawa. Ilang buwan na niyang tinitimbang ang pagmamahal niya para sa dalawa, pero si Grazie talaga ang mas lamang. Wala siyang iniisip bago matulog at magising kung hindi si Grazie lang. Sanay na siya sa amoy nito. Mabilis rin siyang nakakatulog kapag ito ang katabi. Pero ngayon? Kailangan niya pang uminom ng alak, makatulog lang. Pakiramdam niya kasi iba na si Ira.Mahal niya ang asawa, noon. Hindi na ngayon, lumipas na ang panahon nila. Pakiramdam niya bagong buhay ito ngayon ng asawa at hindi siya ang nakataktakda para dito. Ang daming nagbago na kasi sa kan’ya. Lalo na sa pagdating ni Grazie sa buhay niya, at ng

  • The Desire of a CEO    Chapter 46

    "ANG KAPAL DIN naman talaga ng pagmumukha mo, Graziana! Akala ko mo kung sinong babasaging crystal noon, 'yon pala, ubod ka ng landi! Mang-aagaw ka!"Hindi nakaiwas si Grazie nang biglang hilahin ni Ira ang buhok niya. Maging si Thunder ay hindi iyon inasahan. Nahila nito ang mahabang buhok ni Grazie sabay bitaw nang makalayo sila kay Thunder. Pero bago siya bumagsak sa sahig ay nasalo siya kaagad ni Thunder."Grazie!" halos magkasabay na sigaw ni Thunder at Drake. Papasok din si Drake noon ng silid nila ni Thunder."Oh God! I'm sorry, sweetheart! Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Thunder sa kaniya sabay halik sa noo niya. Tinapunan nito ng masamang tingin ang asawa nito pero ibinalik din sa kan'ya.Naramd

  • The Desire of a CEO    Chapter 45

    NAPADAING SI GRAZIE nang maramdaman ang paninigas ng tiyan. Pilit na iminulat niya ang mga mata. Napaawang siya ng labi nang mapansing wala siya sa sariling silid. Hindi siya pamilyar sa kinahihigaan niya kaya iginala niya ang mga mata.Nasaan siya?Dahan-dahan siyang naupo dahil ramdam pa rin niya ang pananakit ng balakang.Napahawak siya sa tiyan niya nang maalala ang dahil kung anong nangyari sa kan’ya.Napahilamos siya nang mukha ang huling sandali na nakausap si Thunder. Para na namang may pumipiga sa puso niya nang mga sandaling iyon.Wala na si Thunder sa buhay niya. Bumalik na ito sa totoong pamilya nito. Pinahiram lang

  • The Desire of a CEO    Chapter 44

    "M-MA'AM IRA..." hindi niya napigilang banggitin. Inulit-ulit niya hagod ang katawan nito. Si Ira nga ito! Ito nga ang asawa ni Thunder. Ang totoong asawa ng kaniyang fiancé!Napahawak siya sa dibdîb. Pakiramdam niya may bumabayo doon ng mga sandaling iyon.Bakit?"Sweetheart..." Tumingin siya sa gawi ni Thunder nang tawagin siya nito. Maging si Cheska rin ay gulat na napatingin sa kan'ya. Paano, abala ang mga ito sa pakikipagdiskusyon sa isa’t isa.Gusto niyang sugurin si Thunder pero hindi kayang humakbang ng mga paa niya. Parang may isip ang mga paa niya ng mga sandaling iyon, na hindi siya puwedeng sumugod dahil kabit lang siya! Kabit na nagpabuntis ng dalawang beses! Bigla niyang binaba

DMCA.com Protection Status