“Boss, ito na po ang mga dapat mong pirmahan. Ne-review na din po ni Sir Ace ‘yan. Pirma mo na lang po ang kulang.” Nilapag niya ang makapal na papeles sa table nito. Kakarating niya pa lang pero dumeretso agad siya sa library nito nang malamang naroon ito. Mabuti na iyon para hindi na niya ipatawag sa kabilang bahay nito kung saan kasama ang asawa-asawahan nito.
“Thank you,” anito sabay kuha ng mga papeles. Sumubsob na ito doon kapagkuwan. Hindi naman ito nakipagkuwentuhan kagaya noon.
Pitong buwan ng ganito ito sa kan'ya. Pormal na silang nag-uusap simula nang gabing halikan siya nito. Hindi niya alam ang drama nito, e ito naman ang naunang h*****k sa kan'ya noon. 'Yon lang naman ang huling tagpo nila ng boss, na medyo awkward.
Iwas na iwas ito sa kan’ya pagkatapos ng gabing iyon. As if naman, nagkasala nga ito kay Laura- este Ira. Hindi niya maiwasang mapa-iling ng mga sandaling iyon.
Dahan-dahan niyang isinara ang pinto para hindi maistorbo ang pagpirma nito. Kailangang makabalik kaagad siya ng Maynila dahil maraming trabaho pang naghihintay sa kan'ya sa loob ng opisina nito.
Lumabas siya na dala-dala ang laptop. Pumuwesto siya sa malawak na veranda ng bahay ni Thunder. May mga emails pa siyang sasagutin. Buti na lang may internet connection sa buong bahay ng boss. Hindi na niya kailang magpaload pa sa labas.
Mabilis na natapos niyang replyan ang mga emails, kaya nakahinga siya ng maluwag. Tumingin siya sa pintuan. Hindi pa lumalabas ang boss niya. Marahil, hindi pa tapos sa pinipirmahan nito.
"Good morning po, Ma'am Graziana!" Napangiti siya ng makitang kumaway sa kan'ya si Allan. Isa ito sa tauhan ng boss sa farm nito. May dala ito na pang-araro kaya napangiti siya.
"Mag-aararo ka na naman?" aniya ng lumapit dito.
"Opo. May bagong gulay na pinatatanim si Boss."
Tumango-tango siya dito.
"Malapit lang ba dito?" tanong niya kapagkuwan.
"Opo. Doon lang po malapit sa bahay nila boss."
"Oh... Puwedeng sumama?"
Natawa ito sabay suyod ng kabuuhan niya.
"Naku po, siguradong madudumihan kayo doon, Ma'am. Dadaan tayo sa palayan bago makarating doon." Napakamot pa ito sa ulo.
"Sus. Marami akong pampalit sa loob, Allan. Sige na. Matagal pa yata matatapos si boss. Nabo-bored na ako sa kinauupuan ko." Tinuro pa niya ang inupuan kanina.
Saglit na natigilan ito bago ngumiti.
"Sige na nga po. May tsinelas po ba kayo?" Tumingin ito sa suot niyang high heels.
"Doon tayo nalungkot. Wala, e. Pahiram mo na lang ako."
"Sige po, sandali."
Nilapag nito ang hawak na pang-araro at bumalik sa barn. Pinasok niya muna ang laptop sa loob at isinilid iyon sa bag nito. Pinasok niya sa bulsa niya ang telepono. Paglabas niya ay wala pa ito. Bumalik ito na may dalang bota.
Tinaas nito ang hawak at ngumiti. "Ito na lang po, Ma'am para hindi kayo maputikan. Bago pa po ito kaya ito na lang talaga. Nakakahiya naman kasi kung luma ang ipapagamit ko." Nilapag nito sa harap niya.
Tumango siya dito.
Napamaang siya ng lumuhod ito sa kan'ya para isuot iyon. Magaspang ang kamay nito pero hindi naman marumi. Tumayo ito at ibinigay ang hawak na high heels niya.
"S-salamat," nahihiyang sambit niya. Pilit na ngumiti siya dito kapagkuwan.
Nilagay niya sa veranda ang sapatos at humarap na kay Allan. Nasa balikat na nito ang pang-araro.
Nauna ito sa kan'ya ng bahagya. Hindi niya maiwasang tingnan ang mukha nito. Mukhang mabigat pa naman.
"Bakit kasi 'yan ang gamit mo? Diba, may makina si boss na pangbungkal ng lupa?"
Bumaling ito sa kan'ya at ngumiti. "Simula po noong bumalik si Ma'am Ira, hindi na niya pinagamit ang mga makabagong gamit. Hindi na po namin naitanong, sumunod na lang po kami,"
Tumangu-tango siya sa binata. Oo nga pala, silang tatlo lang pala nila Ace ang nakakaalam sa lahat, na hindi talaga si Ira, o Laura ang totoong asawa ng boss. Ang alam lang ng mga ito nagpapagaling si Ira kaya doon nakatira sa kabilang bahay.
Napangiwi siya ng makita ang palayan na sinasabi ni Allan. Maliliit ang daanan. Napakalambot pa ng lupa.
"Shit!" Hindi niya maiwasang sabihin nang muntik na siyang mahulog sa palayan. Buti na lang nahawakan ni Allan ang kamay niya.
Nakahinga siya ng maluwag nang marating nila ang pakay. Napahawak siya sa noo ng mapagtantong likod bahay pala ito nila Thunder.
Napansin niya si Ira na nagdidilig ng halaman. Tumingin ito saglit sa kanila.
"Allan! Gumawa ako ng miryenda, kunin mo na lang mamaya, ha?" sigaw nito sa kasama.
"Sige po, Ate!" sagot naman ni Allan.
Naka-kunot ang noo na nilingon niya ito.
"Bakit, Ate ang tawag mo kay Ma'am?"
"Utos po ni boss Thunder."
"Ah, okay."
Naupo siya sa isang malapad na dahon. Pumuwesto siya sa ilalim ng puno habang inaayos nito ang kalabaw at gamit sa pang-araro.
Malapit ng mag-aalas-diyes kaya medyo mainit na. Pero natatalo ang init ng hangin, lalo pa't nasa ilalim siya ng puno.
Pinapanood niya ang binata sa pang-araro nang lumapit si Ira sa kaniya.
"Kain ka muna." Napatingin siya sa hawak nitong nilupak na kamoteng kahoy.
Bigla siyang natakam kaya tumayo siya. Akmang kukuha siya nang mapansin ang boss na palapit sa kanila. Hindi maipinta ang mukha nito. Tumingin ito sa ayos niya maging sa nag-aararo.
"Graziana nga pala," pakilala niya kay Ira.
"Ira naman ang pangalan ko. Kuha ka, o. Para naman ito sa nobyo mo."
Napalunok siya ng laway dahil sa sinabi nito. Sumulyap siya kay Allan na abala sa pag-araro.
"Magkaibigan lang po kami," aniya kay Ira.
"Ganoon ba. Okay lang ba kung tawagin kitang Grazie?" anito.
Ngumiti siya sa kausap. Mukhang mabait naman pala talaga si Laura kaya siguro nagkagusto ang boss niya. Hindi na naman niya mapigilang magselos.
"O-okay lang naman. Mahaba kasi talaga ang pangalan ko." Kumuha siya ng nilupak na nakalagay sa dahon ng saging.
Napatingin siya sa kamay ni Thunder na pumulupot sa bewyang ni Ira.
"O, akala ko ba mamaya ka pa? " Baling ni Ira sa boss.
"Babalik na lang ako mamaya. May hindi kasi ako mahanap na tools ko, doon sa malaking bahay. Baka kako naiwan ko dito." Sumulyap saglit sa kan'ya ang boss.
Nag-iwas siya ng tingin at kumagat kunwari ng nilupak. Kinapa niya din ang telepono at sinipat iyon. Muntik na niyang maibuga ang kinakain nang makitang 10 missed calls mula sa boss.
Napatingin siya kay Thunder na masama ang tingin.
"Si Graziana nga pala, kaibigan daw ni Allan." pakilala ni Ira sa kanila ni Thunder. Hinimas nito ang malaking tiyan nito kapagkuwan.
Inubos niya ang pagkain bago nagsalita. "H-hello po!" medyo alanganing sabi niya sa boss.
"Thunder, asawa ni Ira." Naglahad ito ng kamay. Saglit lang na naghinang ang palad nila.
Alam ko! parang gusto niyang isagot.
Mayamaya ay nagpaalam na ito kaya nakahinga siya ng maluwag.
Hindi pa man siya nakaka-upo nang tumunog ang telepono niya. Napatingin siya sa gawi ng bahay ng boss bago sinagot.
"Bumalik ka ngayon din, Grazie! Kanina pa kita hinahanap!" pasigaw na bungad ng boss kaya inilayo niya ang telepono.
"Okay po," tanging nasambit niya dito bago pinatay ang linya.
Dali-daling nagpaalam siya kay Allan at Ira kapagkuwan. Nag-alok pa si Allan na ihatid siya pero tumanggi siya.
Pumasok na rin sa loob ng bahay nito si Ira.
Nasa kalagitnaan na siya ng palayan nang bigla siyang nadulas. Kasabay niyon ang malakas na sigaw kaya napatakbo si Allan sa kan'ya.
Matagal bago siya naka-ahon dahil masyadong malalim ang bahaging iyon. Natumba ang ilang palay na nadaganan niya. Napuno din ng putik ang puwetan niya hanggang underwear niya ay b**a.
"Okay ka lang, Ma'am?"
"Sa tingin mo?" aniyang naiinis.
Natawa ito ng mahina. Napatingin siya sa kamay nito ng maglahad ito. Madumi din ang kamay nito kaya inabot niya iyon at kumapit doon para makatayo ng tuluyan.
Naunang umakyat ito at muling naglahad para maka-akyat siya pero biglang tumapilok ang paa niya ng subukang umakyat. Tumunog iyon kaya napadaing siya. Napaangat siya ng tingin kay Allan. Mukhang hindi niya kayang umakyat doon dahil sa paa niyang natapilok.
"Masakit ang paa ko, Allan. Mukhang Hindi ko yata kayang maglakad."
"Ganoon ba?" Bumaba itong muli.
Napasigaw siya ng pangkuin siya nito na pa-bridal-style. Mahigpit na kumapit siya sa leeg nito habang naglalakad ito. Naghanap ito ng mas mababa at doon umakyat dahil mabigat siya.
Lukot ang mukha ng boss ng salubungin sila sa gate. Nakabalik na pala ito mula sa kabilang bahay.
"What happened?" anito na nakapameywang.
Dahan-dahan siyang binaba ni Allan kapagkuwan sa tapat ng bench.
"Nadulas po si Ma'am doon sa palayan at aksidenteng natapilok."
Hindi pa rin maalis ang lukot ng mukha nito. Naupo siya sa bench na nasa tapat ng veranda nito.
"Intrimitida kasi," dinig niyang sabi ng boss.
"May sinabi ka boss?"
"Wala," tanggi nito. "Iwan mo na kami Allan." Baling nito sa trabahador nito.
"Sige po. Pagaling ka po, Ma'am," ani ni Allan sa kan'ya.
Ngumiti siya ng matamis sa binata. "Salamat ng marami sa tulong, Allan."
"Walang anuman po." Yumuko muna ito sa boss bago tumalikod.
"'Yan ang napapala ng gala! Gusto mo lang yata makipaglandian kay Allan!"
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ni Thunder.
"Wow. Ako? Makikipag-landian kay Allan? Huh! Hindi ba puwedeng nagpahangin lang dahil bored na bored ako dito sa bahay mo boss? Huh?!"
"Ang daming pupuntahan sa farm! Bakit doon pa banda? E, puno ng putik doon!"
"E sa doon po kasi ang gusto ko boss, e! Magagawa niyo ba?"
Napapikit ito sa sinabi niya. Halata ang inis nito dahil sa litid nito sa leeg, kaya pilit na pinakalma niya ang sarili. Hindi pa sila umaabot sa sigawan ng boss, ayaw niyang dumating sa puntong iyon kaya hindi na siya umimik ng magsalita ito ulit.
Hindi niya mapigilang mapasinghap ng bigla siyang buhatin nito. Nag-aalangan pa siyang kumapit sa leeg nito.
Parang gusto niyang pagalitan ang puso ng tumibok ito ng napakabilis. Napapikit siya.
Sana hindi niya marinig, aniya sa isip.
Nasa hagdan na sila nang hindi siya nakatiis, na hindi pagmasadan ang mukha nito. Napalabi pa siya kapagkuwan ng lumunok ito. Umalon kasi bigla ang adams apple nito.
"It's rude to stare like that, Grazie," anang baritonong tinig nito.
Bigla siyang nag-iwas ng tingin.
"Boss sa guest room na lang po!" aniya nang baybayin nito ang daan papunta sa kuwarto nito.
"Walang gamit doon dahil under renovation iyon. Gagawing silid ng magiging anak namin ni Ira. Gusto ko siyang dalhin dito paminsan-minsan," sagot nito na ikinalungkot niya.
"Open the door, please," untag nito kapagkuwan.
Kaagad na pinihit niya ang seradura ng pintuan ng silid nito. Dumeretso ito sa banyo at dahan-dahan siyang ibinaba sa tapat ng shower.
Hindi niya maiwasang titigan ito habang tinuturo ang towel, shampoo na pambabae at iba pa. Napatigil ito nang mapansing titig na titig siya dito.
"What?" masungit na tanong nito.
"Wala po, boss."
Umiling-iling muna ito bago hinayon ang sarili palabas ng banyo. Ini-lock na nito kaya napangiti siya.
"At least nabuhat niya ako," wala sa sariling naisatinig niya. Humagikhik pa siya kapagkuwan. Pero napalis din ng maalalang pinapagawa nito ang dating guestroom na tinutuluyan niya para sa magiging anak nito kuno kay Ira.
Para na namang pinipiga ang puso niya ng mga sandaling iyon.
Kailan kaya siya mamahalin ng boss? Wala na naman sa sariling tanong niya.
Pagkatapos maligo ay nilabhan niya ang mga naputikang damit. Hinigit niya ang tuwalya para punasan ang sarili. May extra roba din kaya sinuot niya iyon. Nang masigurong nakatali na ang roba sa beywang niya ay ika-ika siyang lumapit sa pintuan ng banyo. Sumilip muna siya. Wala ang boss kaya nakahinga siya ng maluwag.
Kakasara lang niya ng pintuan ng banyo nang bigla itong pumasok. Lumukot na naman ang mukha nito kaya napalunok siya.
Problema na naman ng boss niya?
"Dapat tinawag mo ako na tapos ka ng maligo! Paano kung mamaga 'yang paa mo?" Palapit ito sa kan'ya ng mga sandaling iyon.
"Ayy!" sigaw niya nang bigla siyang nitong pangkuin at pinaupo sa kama nito.
"Stay!" anito at iminuwestra pa ang kamay para ituro ang kama.
Fine, I'll stay! aniya sa isip kapagkuwan.
Kung alam lang nito na kinikilig siya sa mga ikinikilos nito. Sana magtuloy-tuloy na ang ginagawa nito sa kan’ya.
Pumasok ito sa walk-in closet kapagkuwan. May dala itong damit, shorts, bra, at underwear. Napalunok siya dahil hawak-hawak nito sa kaliwang kamay ang underwear. Hindi man lang nito pinatong sa T-shirt, o kaya sa shorts.
“Ito na muna ang gamitin mo. Sa tingin ko kasya naman sa’yo ito. ‘Wag kang mag-alala bagong bili ang mga iyan,” imporma nito. Hindi na nito hinintay ang sagot niya dahil humakbang na ito palapit sa pinto. Hindi pa man ito nakakalabas ng balingan siya nito. “Tawagin mo ako kapag tapos ka na,” anito sabay labas ng silid nito.
Hindi niya maiwasang mapangiti. Ibig sabihin pagsisilbihan siya nito dahil naaksidente siya? Bigla siyang kinilig sa isiping iyon.
Nagkunwari siyang seryoso pagbalik ng boss. Hindi niya ito tinawag pero parang tantiyado nito ang oras kung kailan siya matatapos. May dala itong pagkain pagbalik. Nilapag nito sa side table. May kinuha itong foldable na mesa at inilatag nito sa gilid ng kama. Sinundan lang niya ito ng tingin nang kunin nito ang pagkain sa mesa at inilipat sa nilatag nitong mesa."Sit here," utos nito sa kan'ya. Umusog siya pero nang mahirapan bigla na lang siya nitong binuhat palapit. Hindi niya maiwasang lumunok ng laway.Ang bango kasi ng boss. Nakaka-tempt. Parang ang sarap halikan."What?" untag nito nang mapansing titig na titig siya."Kakain na po," wala sa sariling sambit niya.
Hindi nakatulog ng maayos si Graziana kaka-isip sa nangyari sa kanila ni Thunder. Naguguluhan na siya sa boss. Hindi siya nito gusto pero nagpaakit sa kan’ya. Ang hirap pala talaga espelingin ng boss niya. Mahirap bang aminin na na-attract din ito sa kan’ya? Iba ang nakikita niya sa mga mata nito nang halikan niya at matapos nitong gawin ang hindi dapat gawin. Alas-kuwatro na siya yata nakatulog kaya tinanghali siya ng gising. Kung hindi pa niya narinig ang sunod-sunod na katok sa pintuan ay hindi pa siya magigising. Dahan-dahan siyang humakbang. Naka-tip toe pa siya dahil sa sugat niya. Si Allan ang bumungad sa kan’ya na ikinagulat niya.Papungas-pungas pa nga siya. “H-hi!” bati niya rito sabay baba ng damit na medyo naka-angat. Naipon kasi lahat sa itaas ng tiya
Walang nagawa si Graziana kung hindi papasukin na lang ang boss sa apartment niya. Hindi naman na siya babalik. Nasabi lang niya iyon para umalis na ito. Kaso, hindi naman kumagat sa sinabi niya.Alam niyang nakasunod lang ito sa kan'ya. Ang tahimik nito hanggang makapasok.Iniwan niya ito saglit at kumuha ng maiinom. May whiskey pa siyang naka-display kaya 'yon ang dinala siya sa sala. May dala din siyang kopita at bucket na may lamang cube ice para dito. Nakaupo na ito sa sofa nang datnan niya.Napaangat siya ng kilay nang suyurin nito ang kabuuan niya. Naka-dress kasi siya. Hindi ito sanay nagsu-suot siya ng ganon. Bihira lang siya kasi magsuot kapag may party lang."Bagay sa'yo," anito nang mak
"Ma'am, ikaw daw po talaga ang maghahatid sa kabilang bahay." Natigilan siya nang marinig ang sinabi ni Ellen. "Nakakainis talaga 'to si boss," kausap niya sa sarili. Napakamot pa siya ng ulo kapagkuwan. Kaya nga sinama niya si Ellen ngayon para ito ang maghatid sa kabilang bahay ng mga pinamili niya. Napako na kasi sa tabi ng bata si Thunder, hindi na daw makapunta sa malaking bahay nito para kunin ang ini-utos nitong mga pinamili niya. Halatang sabik na sabik talaga sa anak, ang boss. "Samahan mo na lang ako, Ellen." Tumango ang assistant kaya kinuha na niya ang ilang plastic, ito na ang nagbitbit ng natira. Nasa labas ng bahay
Nakaingus na sinundan ng tingin ni Grazie si Thunder na paakyat.Paano ba siya maka-move on nito. Kung iisipin niya kasi ayaw nitong may ka-date siyang iba. Feeling niya lang naman. Nakakahiya tuloy sa kaibigan ng kakambal nito. Naka-oo na siya.Hinanap niya ang telepono sa maliit na hand bag at tinawagan si Ace, na kaagad din naman nitong sinagot."Hi, Doc Ace! Darating ba si uhm, ano bang pangalan no'ng kaibigan mo? 'Yong bagong prospect natin?""Si Drake Del Castillo ba? Yes, on the way raw siya. Diyan ka daw niya susunduin sa bahay ni Thunder," ani ng kakambal ng boss.Hindi niya mapigilang mapamura sa isip. "Ha?!"
Itinaas ni Grazie ang kamay at itinakip sa mukha sabay porma ng peace sign sa boss. Hindi naman niya kasi sinasadya."Kung alam mo lang kung gaano ako nagpipigil, Grazie!" anito nang bumulong sa kan'ya."Sorry na nga boss, e!""Hindi 'yan mawawala dahil lang sa sorry," makahulugang saad nito.Napalunok siya sa sagot ng boss. Naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin kaya tumayo siya. Hinawakan nito ang kamay niya at tiningnan siya na puno ng pagbabanta. Buti na lang may lumapit na isang shareholder dito kaya bumitiw ito sa kan'ya.Sinamantala niya iyon para umalis sa tabi nito. Lumapit siya sa assistant at tumulong. Pagkatapos ng ilang palaro ay iniutos na
Anim na buwan na mula ng huling mag-usap sila ng boss. Hindi na nasundan iyon kahit sa telepono man lang. Hindi niya alam kung iniiwasan ba siya nito, o busy lang talaga sa mag-ina nito.Ang balita niya ay Ellen, na siyang nagre-report dito every Friday ay abala umano sa anak, na si King. Wala naman daw itong bukambibig kung hindi ang anak nito. Ang sabi rin ng katulong lagi raw nasa malaking bahay ni Thunder ang anak-anakan nito.Nalulungkot din siya kasi hindi na niya ito nakikita. Kung gusto naman talaga siya nito, e ‘di sana gumawa ito ng paraan. Eh, hindi.Inaabala na lang niya ang sarili sa trabaho. Pero may ilang leave na rin siya. Una, noong kumuha siya ng passport. Medyo nabe-brain wash na siya ng kaibigan simula nang maikuwento niya ang tungkol sa kanil
Napilitang magmulat ng mata si Grazie dahil nakaramdam siya ng naiihi. Hindi man lang nakisama ang sarili niya. Ipinagkanulo talaga siya.Dahan-dahan siyang naupo at tinanggal ang kumot na nakatakip sa kaniya. Wala na ang towel sa balikat niya. Baka may nagtanggal.Abala pa rin sa pag-uusap si Ace at Thunder kaya hindi siya napansin. Mabuti iyon dahil hindi niya alam ang sasabihin."G-Grazie! May kailangan ka ba? 'Wag ka nga munang tumayo!" Napapikit siya ng marinig ang boses ng boss. Natigilan siya nang hawakan siya nito. Ang bilis naman nitong makalapit.Tiningnan niya ang kamay nitong nasa braso niya. Hinawakan niya ang kamay nito at pilit na tinanggal. Napatitig ito sa kaniya kaya sinalubong niya ng seryosong mu
“DADDY, WALA PA po ba si Kuya King?” Napalingon siya kay Ayeisha na nasa sala ng mga sandaling ‘yon. “Hintayin mo na lang, anak.” “Hmp! Kasama na naman niya siguro ang girlfriend niya!” “Natural na ‘yon, baby dahil binata na si Kuya. May tampo ka pa ba sa kan’ya?” masuyo niyang tanong sa anak. Tumaas ang kilay ni Ayeisha. “Opo. Kasi hindi niya sinabing may bagong girlfriend na naman siya! Ayoko nga sabi nagge-girlfriend siya, e! Ang kulit!” Napaawang siya ng labi nang tumaas ang boses ng anak. ‘Yong totoo, kapatid pa ba ang turing nito kay King? “Anak, binata na si Kuya, kaya dapat lang
“THAT’S ENOUGH THUNDER!” Napapitlag si Thunder nang sumigaw siya. Kanina pa niya sinasaway ito kaka-kuwento. Mahigit isang oras na simula nang magkuwento ang asawa sa kambal tungkol sa buhay nila, bago sila naging ganap na mag-asawa. Iniiwasan niyang magkuwento ito ng mga sensitibo gaya ng halik. Masyadong matabil pa naman ang asawa niya pagdating sa usapang romansa. ‘Pag sila lang puwede. Tatlong taon na rin simula nang ikasal sila ni Thunder, kakapanganak pa lang niya noon. Ayaw na sayangin ng asawa ang mga araw na nawala sa kanila. Mabilis na pinirmahan ni Ira ang annulment papers dahil sa banta ni Thunder na kakasuhan ang mga ito, lalo na ang kapatid nito na si Cheska dahil nalaman nitong kasabwat ito ng isang staff nito na taga-finance department. Wala ring natanggap si Ira ni isang kusing sa asawa niya dahil sa laki ng perang nawala dito, na hindi nito alam.  
“LUTO NA, THART?” aniya kay Thunder nang makitang nakaupo ito sa silya na nasa harap ng mesa. Bigla naman itong napatayo nang makita siya na sapo ang tiyan. Malaki na kasi. “Malapit na, sweetheart.” Pinaghila siya nito ng upuan saka hinalikan sa buhok. “Dami mo na bang gutom?” “Marami na,” “Sabi ko kasi sa’yo, order na lang tayo, e!” “Eh, sa gusto ko nga ang luto mo. Hmmp!” Bigla naman itong ngumit sa kan’ya ng alanganin. “Sabi ko nga, sweetheart. Luto ko ang gusto mo.” Kinabig nito ang ulo niya at hinalikan ulit iyon. Napahawak na naman siya sa tiyan niyak. Recently pana
"OH, THUNDER!" ungol niya nang maramdaman ang dila nito sa sensitibong bahagi niya. Napaka-init ng dila nito. Hindi niya mapigilan ang sariling hindi mapanganga ng mga sandaling iyon. Lalo na nang laruin nito ang maliit na kuntil na iyon. 'Yon yata ang pinaka-main switch para tuluyang mag-init ang katawan ng isang tao– oras na iyo'y hawakan o magalaw. Napahigpit ang hawak niya sa ulo nitong sabihin nang sabayan ng daliri nito ang dila sa pagpaligaya sa kan'ya. "Shít ka Thunder!" naisatinig niya nang ipasok nito ang dalawang daliri sa loob niya habang patuloy ang dila nito sa pagpapaligaya sa kan'ya. Literal na sinasamba siya ni Thunder ng mga sandaling iyon. Nakaluhod ito sa kan'ya. Lumipat sila sa kama nang maramdaman niya ang pangangalay. Masuyo siya nito
"P-PAANO SI IRA, Thunder? Mahal mo-" "I love you. Hindi pa ba sapat na nandito ako? Ikaw ang pinipilit ko. Nakaraan na ang sa amin ni Ira. Hindi ko na maramdaman ngayon ang pagmamahal ko sa kan'ya na kagaya noon. Pangalan mo na ang sinisigaw nito, Grazie." Tinampal pa nito ang dibdib kapagkuwan. "Hindi ako ganito kabaliw kay Ira noon. Kaya, maniwala ka, sweetheart..." “T-Thunder,” aniyang hindi alam ang sasabihin. Walang kasiguruhan! Kasal pa rin ito kay Ira. Ang laki pa rin ng posibilidad na masasaktan pa rin siya. Umiling siya dito. “Kasal ka pa rin, Thunder. Bumalik ka na lang kapag naayos na ang lahat sa pagitan ninyo. Walang kasiguruhan na sasaya ulit kami sa piling mo, wala Thunder. Hangga’t may nag-uugnay pa rin sainyong papel, ayoko pa rin.”
NAPANGITI SI THUNDER nang ibaba ang telepono. Kumakain na naman si Grazie. Crunchy ang kinakain nito. Baka chicharon.Nawala rin agad ang ngiti niya nang maalala ang asawa. Ilang buwan na niyang tinitimbang ang pagmamahal niya para sa dalawa, pero si Grazie talaga ang mas lamang. Wala siyang iniisip bago matulog at magising kung hindi si Grazie lang. Sanay na siya sa amoy nito. Mabilis rin siyang nakakatulog kapag ito ang katabi. Pero ngayon? Kailangan niya pang uminom ng alak, makatulog lang. Pakiramdam niya kasi iba na si Ira.Mahal niya ang asawa, noon. Hindi na ngayon, lumipas na ang panahon nila. Pakiramdam niya bagong buhay ito ngayon ng asawa at hindi siya ang nakataktakda para dito. Ang daming nagbago na kasi sa kan’ya. Lalo na sa pagdating ni Grazie sa buhay niya, at ng
"ANG KAPAL DIN naman talaga ng pagmumukha mo, Graziana! Akala ko mo kung sinong babasaging crystal noon, 'yon pala, ubod ka ng landi! Mang-aagaw ka!"Hindi nakaiwas si Grazie nang biglang hilahin ni Ira ang buhok niya. Maging si Thunder ay hindi iyon inasahan. Nahila nito ang mahabang buhok ni Grazie sabay bitaw nang makalayo sila kay Thunder. Pero bago siya bumagsak sa sahig ay nasalo siya kaagad ni Thunder."Grazie!" halos magkasabay na sigaw ni Thunder at Drake. Papasok din si Drake noon ng silid nila ni Thunder."Oh God! I'm sorry, sweetheart! Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Thunder sa kaniya sabay halik sa noo niya. Tinapunan nito ng masamang tingin ang asawa nito pero ibinalik din sa kan'ya.Naramd
NAPADAING SI GRAZIE nang maramdaman ang paninigas ng tiyan. Pilit na iminulat niya ang mga mata. Napaawang siya ng labi nang mapansing wala siya sa sariling silid. Hindi siya pamilyar sa kinahihigaan niya kaya iginala niya ang mga mata.Nasaan siya?Dahan-dahan siyang naupo dahil ramdam pa rin niya ang pananakit ng balakang.Napahawak siya sa tiyan niya nang maalala ang dahil kung anong nangyari sa kan’ya.Napahilamos siya nang mukha ang huling sandali na nakausap si Thunder. Para na namang may pumipiga sa puso niya nang mga sandaling iyon.Wala na si Thunder sa buhay niya. Bumalik na ito sa totoong pamilya nito. Pinahiram lang
"M-MA'AM IRA..." hindi niya napigilang banggitin. Inulit-ulit niya hagod ang katawan nito. Si Ira nga ito! Ito nga ang asawa ni Thunder. Ang totoong asawa ng kaniyang fiancé!Napahawak siya sa dibdîb. Pakiramdam niya may bumabayo doon ng mga sandaling iyon.Bakit?"Sweetheart..." Tumingin siya sa gawi ni Thunder nang tawagin siya nito. Maging si Cheska rin ay gulat na napatingin sa kan'ya. Paano, abala ang mga ito sa pakikipagdiskusyon sa isa’t isa.Gusto niyang sugurin si Thunder pero hindi kayang humakbang ng mga paa niya. Parang may isip ang mga paa niya ng mga sandaling iyon, na hindi siya puwedeng sumugod dahil kabit lang siya! Kabit na nagpabuntis ng dalawang beses! Bigla niyang binaba