Sabay na napatingin si Graziana at Ace sa television nang muling ibalita ang pagkamatay ni Laura Miller Hernandez, na asawa ng retired army, na si Astin Kier Hernandez. Namatay si Laura sa mismong helicopter crash, na malapit sa farm ni Thunder. Isa ang mga Hernandez sa pinakamayamang pamilya sa bansa kaya naman balitang-balita ito.
Sa totoo lang, ilang beses ng ibinalita iyon pero nagbibingi-bingihan lang sila ni Ace sa katotohanan. Matindi ang paniniwala nila na ang babaeng tinulungan ni Thunder at si Laura ay iisa. Pero hindi nila masabi iyon kay Thunder dahil unti-unti ng nahuhulog ito. Mahigit dalawang buwan na mula ng magising si Laura at wala nga talaga itong naaalala. Ang masaklap pa, buntis ito at hindi naman nga ang boss ang ama. Pinanindigan talaga ni Thunder na ito nga ang asawa ni Laura, at paniwalang-paniwala naman ang huli.
Dinig niya ang sunod-sunod na buntong-hininga hininga ng binatang doktor. Tumingin ito sa kan'ya kapagkuwan. Iisa lang ang nasa isip nila ng mga sandaling iyon, si Thunder at ang babaeng inuwi nito sa farm.
"Makakaasa ba ako, Graze?" seryosong tanong ni Ace sa kan'ya. Alam niya ang ibig ipahiwatig nito. "Gusto ko rin siyang makitang masaya kahit na alam kong mali," malungkot na saad ni Ace. "Ngayon ko lang ulit nakitang masaya ang kakambal ko mula ng mamatay si Ira."
"Makaka-asa ka, Sir Ace. Ginagawa ko rin naman ito para sa kapatid mo. Alam ko ding mali, pero wala naman akong magagawa. Nand'yan na 'yan,"
Tumitig sa kan'ya ang binatang doktor. "Mahal mo talaga ang kambal ko, noh?"
Natigilan siya sa tanong nito. Ngumiti siya ng pilit dito kapagkuwan. "Alam mo na ang sagot ko diyan, Sir Ace. Ganoon naman daw talaga kapag mahal mo ang isang tao. Lahat gagawin mo, sumaya lang siya kahit na ang kapalit ay sakit."
"Hanga na talaga ako sa tiyaga at pagmamahal mo kan'ya. Sana, balang-araw makita ka rin niya, hindi bilang tauhan at kaibigan kung hindi babaeng mamahalin," puno ng pag-asang sabi nito.
"Sana nga, e. Pero mukhang hihintayin ko pa ang pagputi ng uwak, Sir Ace." Parehas na natawa sila ng binatang doktor sa sinabi niya.
Hindi naman niya nabanggit direkta kay Ace na may lihim siyang pagtatangi sa kapatid nito. Sadyang halata lang siguro sa mga kinikilos niya. Hindi rin niya siguro mapigilan minsan ang nararamdaman.
"Sabihin ko kaya sa kambal ko na mahal mo siya?"
Nanlaki ang mata niya na humarap dito ng maayos. "Subukan mo lang, Sir Ace! Oh my god! Magre-resign talaga ako, oramismo!" pananakot niya dito.
Natawa ito ng malakas sa sinabi niya. "Akala ko ba gusto mong mapansin ka? E 'di sabihin-"
"No! Hayaan mong kusa niyang maramdaman at mapansin ako. Ayoko ng pilit na pagmamahal, Sir Ace. Mas masakit po 'yon," aniya sa malungkot na himig.
Saglit na natigilan ang doktor.
Bigla rin itong napaisip sa sinabi niya. "Yeah, you're right! Masakit nga," sang-ayon nito kapagkuwan. "I have to go. May schedule ako ng operation after lunch. Tumawag ka na lang sa sekretarya ko kung may problema dito, okay?" Sinipat nito ang relong pambisig saka tumayo.
"Sige. Bye!"
Iniwan siya nito kapagkuwan sa loob ng opisina ni Thunder. Dito sila nagme-meeting lagi kapag dumadaan ito para makibalita tungkol sa kompanyang iniwan ni Thunder.
Siya na naupo kapagkuwan sa swivel chair ng boss. Ilang taon na niyang inuupuan ito.
Hindi naman niya hangad ang kompanya, si Thunder ang gusto niya.
Inabala niya ang sarili kapagkuwan sa mga gawain. Minsan nalilito na siya sa dami ng tasks niya. Pero matiyaga naman niyang nire-review ang lahat.
Mula pa noong siya ang nagma-manage nito, hindi pa siya nakaranas na sermonan ng boss. Subukan lang nito at sisingilin niya ng todo ito sa lahat ng sakripisyo niya. Nagkakamali siya, pero mga minor lang naman. Wala namang perpektong tao.
Mabilis lang na lumipas ang oras. Nababawasan na ang mga incoming task niya. Siyempre, inuuna niya ang mga prayority, lalo na mga pipirmahan ni Thunder.
Napatingin siya sa pintuan nang biglang may kumatok. Sumilip doon ang assistant niya.
"Ma'am, mauna na po ako sa'yo," nakangiting sabi ni Ellen.
Saglit na natigilan siya. Uwian na pala. Ang bilis talaga ng oras.
"Sige, Ellen. Ingat!" aniya.
"Salamat po!" Ngumiti ito bago isinara ang pintuan.
Tumingin siya sa malaking orasan. Alas-sais na pala. Ininat niya ang mga braso pagkuway pinatunog ang mga daliri.
Niligpit niya ang mga papeles na nakakalat saka inayos ang sarili.
Mukhang kailangan niyang magpahinga ng maaga. Pagod na pagod siya sa maghapong trabaho.
Ngumiti siya sa ibang kasamahan ng makasalubong ang mga ito. Galing ang mga ito sa banyo. Nag-aayos na rin ang mga ito para umuwi na.
Kaagad na pindot niya ang pinaka-ibabang floor kung saan naroon ang parking lot. Mahigit dalawang taon na niyang gamit ang sasakyan ito. Bigay ito ng kompanya nila sa kan'ya. Hindi na nakakahiya kapag nakikipag-meet siya sa mga kliyente at investors nila. Hindi na siya haggard dumarating kapag may appointment.
Hindi naman ganoon ka-traffic kaya mabilis na narating niya ang apartment.
Napangiti siya nang makita ang bintana na may ilaw. Mukhang dumaan na naman ang Mama niya. Paniguradong naghatid na naman ito ng ulam. Alam kasi nito na bihira lang siya nakakapagluto kaya pinagdadala siya nito. Isang barangay lang naman ang pagitan ng apartment niya mula sa bahay nila.
Bumukod siya simula nang magtrabaho siya sa kompanya ni Thunder.
Lakad-takbo ang ginawa niya paakyat ng apartment. Nakaramdam na siya ng gutom. Sana may dala ang ina niya ng tinapa. Nami-miss na niyang ulamin iyon.
Napangiti siya nang makita ang inang nanunood ng TV. Kaagad na nagmano siya dito. Ngumuya muna ito ng m**i bago hinigit ang isang invitation card sa mesa.
"O, imbitado ka daw." Inabot nito ang hawak-hawak.
Kinuha niya iyon. "Kanino ba- Oh my! Ikakasal na si Liit?"
"Oo. Ikaw kailan ba? Baka tumandang dalaga ka niyan, Graziana."
"’Ma, 28 pa lang naman ako, a. 'Wag nga po kayong atat. Darating din naman ako d'yan. May hinihintay lang naman ako."
"Sino? Ang boss mo?" Tumawa ito ng mapakla. "Akala mo ba hindi ko nababasa ang diary mo na bata ka? Bilis-bilisan mo at mukhang maunahan ka pa ni Juinor."
"Bakit mo pinakaialaman ang diary ko, 'Ma? Kaya nga diary, e! Kainis naman! Magpapalit na nga ako ng susi dito," inis na sabi niya at pumasok ng silid.
Hinanap niya ang diary niya at inilipat sa hindi makikita ng ina.
"Subukan mong magpalit at sasabihin ko sa Papa mo. Ewan ko lang kung hindi ka niya pabalikin sa bahay."
Napapikit siya ng marinig ang boses ng ina sa hambaan ng pintuan ng silid niya.
"'Wag na po kasi mangialam ng gamit ko dito,"
"O siya, hindi na mauulit. Basta sunggaban mo agad kapag nag-first-move na ang boss mo."
Napaawang siya ng labi sa sinabi nito.
"Grabe ka, Ma! Ang halay mo din, e."
"Sinasabi ko lang. Para magka-apo na kami sa'yo." Ngumiti ito kapagkuwan.
"Okay. Negative pa, e." Humagikhik siya kapagkuwan. "Soon 'yan, Ma!"
"O, mauna na ako, anak."
"Hatid na po kaya kita," alok niya dito.
"'Wag na. Mukhang pagod ka na. Magpahinga ka na, baka pumangit ka. Imbes na gustuhin ka ng boss mo, hindi na."
Natawa siya sa sinabi nito. Lagi namang ganoon ang ina niya. Gusto nito, lagi siyang maganda sa paningin nito. Puring-puri din siya nito, sa totoo lang. Hindi pa kasama ang pagyayabang nito sa mga kaibigan nito kung gaano siya kaganda. Minsan, siya na nahihiya sa mga pinaggagawa nito. Sabagay, nag-iisang babae lang kasi siya, kaya ganoon ito ka-proud at mamuri.
Hinatid niya hanggang labasan ang ina. Hindi na ito nagpahatid talaga.
May kanin at ulam na kaya kumain na lang siya pag-alis ng ina. Iba talaga kapag asikasong-asikaso ka ng ina.
Napasarap na naman ang kain niya kaya mabilis na ginupo siya ng antok. Binilisan niya ang paglinis sa katawan at nahiga na.
Dahil sa sobrang pagod, mabilis lang siyang nakatulog. Napakaaga pa kung tutuusin.
Naalimpungatan siya nang may kumatok sa pintuan niya ng pagkalakas-lakas. Kasabay niyon ang pagtunog ng telepono niya.
Kaagad na sinagot niya nang makita ang pangalan ng caller, ang boss niya.
"H-hello," aniya in bedroom voice.
"F*ck! Maaga kang natulog?"
"Yes, boss. Pagod ako sa trabaho kaya inagahan ko ng tulog. May masama ba doon?"
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. "Wala naman. Nasa labas ng apartment mo ang driver ni Kuya. Ihahatid ka niya sa building. Naghihintay ang piloto ko sa'yo doon. 'Wag ka ng magbihis kung anuman ang suot mo. Kailangan kita ngayon din," anito sabay putol nito sa linya.
"Walang hiya. Pinatayan talaga ako." Nilapag niya ang telepono sa higaan. Tumayo siya at hinigit ang mahabang coat saka isinuot.
Isinuksok niya ang telepono at wallet sa coat. Tinanggal niya ang lahat ng nakasaksak saka lumabas.
Alanganing ngumiti sa kan'ya ang driver ni Ace. Humingi pa ito ng paumanhin sa kan'ya. Marahil, nahiya ito dahil sa pang-iistorbo nito. Wala naman itong kasalanan. Si Thunder Santillan ang may kasalanan dito. Lakas lang talaga mang-istorbo.
Mabilis lang din ang biyahe nila ni Mang Istong. Mabilis na sumakay siya sa elevator papuntang rooftop top kung saan naghihintay sa kan'ya ang piloto ni Thunder.
Hindi niya mapigilang napayakap sa sarili nang salubungin siya ng malamig na hangin sa itaas. Umaandar na ang helicopter at talagang hinihintay siya.
Alas-diyes ng gabi nang lumapag ang helicopter sa malawak na lawn ng malaking bahay ni Thunder.
Hindi nakatira si Laura sa malaking bahay. Sa pagkakaalam nito, isang simpleng magsasaka lang si Thunder kaya nakatira ang mga ito sa unahang bahagi ng lupain ng boss. Malapit ang bahay ng mga ito sa dagat.
Sa totoo lang, pinangarap niyang tumira din sa gilid ng dagat. Sana, siya na lang ang binahay ng boss. Napailing siya sa isiping iyon.
Hinuli niya ang buhok nang lumakas ang hangin sa paligid. Paalis na kasi ang helicopter. Talagang hinatid lang siya nito. Mukhang bukas pa yata siya susunduin nito.
Lumapit siya sa main door at pumasok na. Hindi naman kasi naka-lock.
Nadatnan niya si Thunder sa mini bar nito. Sumisimsim na naman ng alak.
Ano na naman kaya ang problema nito?
Humarap ito sa kan'ya habang lumalagok. Tinanggal niya ang coat sa harap nito at ipinatong sa counter.
Muntik ng maibuga ni Thunder ang alak ng makita ang bakat na dalawang bundok niya. Bumaba ang tingin niya dahil nakatingin pa rin ito sa d****b niya.
"Holy, f*ck, Grazie! Hindi ka man lang nagsuot ng bra?" Iniwas nito ang tingin sa kan'ya.
"Sabi mo kasi boss, 'wag na akong magbihis. Kaya ayan," aniya sabay buka ng dalawang braso.
"Fine, kasalanan ko na."
Kumuha ito ng isang baso at nagsalin doon ng alak. Inilapag nito sa counter at tinulak palapit sa gawi niya.
"Samahan mo akong uminom. Gusto ko ng kausap." Hindi ito tumitingin sa gawi niya.
Naupo siya sa high chair at hinigit ang alak.
Akala pa naman niya kung ano ang urgent nito at pinasundo pa siya. Magkukuwento lang pala tungkol kay Laura. Malamig daw kasi ang pakikitungo ni Laura- este ni Ira. Malamang, hindi naman kasi totoong mag-asawa. Parang nais niyang sabihing ang tanga nito. Pinoproblema din nito ang ipinagbubuntis ni Laura.
Parang gusto niyang batukan ang boss. Nasasaktan siya sa bawat kuwento nito. 'Yong kagustuhan nitong bumuo ng pamilya ay naroon. Pero masyado ng manhid. Pinagpipilitan nito ang sarili sa babaeng hindi siya mahal.
Parang siya lang din. Pinagpipilitan niya ang sarili dito pero hindi naman siya mahal.
Natampal niya ang noo kapagkuwan. Ipinilig niya ang ulo nang lumagok siya ng pang-apat na tagay.
"Sa tingin mo, Grazie. May pag-asa ba akong mahalin ni Ira?" Hindi ang asawa nito ang tinutukoy nito kung hindi ang babaeng may taglay ng mukha ng dati nitong asawa, ang babaeng kinakasama nito ngayon.
"S-sa totoo lang boss, hindi ko alam ang sagot," aniya sa malungkot na himig. "Pero sana nga tugunin niya para sumaya ka naman."
Ouch! sigaw ng isip niya.
"Sana nga, Grazie. Magkaiba sila ng katangian ni Ira, ng namayapa kong asawa pero hindi siya mahirap mahalin," anito habang nilalaro ang baso na may lamang alak pa.
Pakiramdam ni Grazie may pumana sa d****b niya dahil sa sinabi nito.
May pag-asa din ba sila ng boss? aniya sa loob-loob. Natawa siya ng mapakla kapagkuwan. Alam na niya ang sagot nagtanong pa siya.
Napatingin siya sa siko ng boss nang biglang tumama sa braso niya. May kung anong kuryente siyang naramdaman doon. Hindi niya maiwasang titigan ito habang lumalagok ng alak. Napalunok siya nang makita ang pag-alon ng adams apple nito.
"B-banyo lang ako, boss." Umikot siya para makababa sa upuan. Bumaling ito sa kan'ya.
Nawala sa isip niyang mataas ang kinauupuan. Nawalan siya ng balanse, mabuti na lang at mabilis na yumakap ang mga braso ng boss sa beywang niya. Saglit na nagtama ang paningin nila nang bigla siyang napayakap dito para kumuha ng suporta.
Halos isang pulgada lang ang pagitan ng mukha nila kaya amoy na amoy niya ang hininga nitong tumatama sa kan'ya.
Kita niya ang pagbaba ng tingin nito sa labi niya. Dahan-dahang bumaba ang mukha nito sa kan'ya kapagkuwan, kaya napapikit siya.
Hindi niya maiwasang mapasinghap nang lumapat na ng tuluyan ang labi nito sa kan'ya.
“Boss, ito na po ang mga dapat mong pirmahan. Ne-review na din po ni Sir Ace ‘yan. Pirma mo na lang po ang kulang.” Nilapag niya ang makapal na papeles sa table nito. Kakarating niya pa lang pero dumeretso agad siya sa library nito nang malamang naroon ito. Mabuti na iyon para hindi na niya ipatawag sa kabilang bahay nito kung saan kasama ang asawa-asawahan nito.“Thank you,” anito sabay kuha ng mga papeles. Sumubsob na ito doon kapagkuwan. Hindi naman ito nakipagkuwentuhan kagaya noon.Pitong buwan ng ganito ito sa kan'ya. Pormal na silang nag-uusap simula nang gabing halikan siya nito. Hindi niya alam ang drama nito, e ito naman ang naunang humalik sa kan'ya noon. 'Yon lang naman ang huling tagpo nila ng boss, na medyo awkward.Iwas na i
Nagkunwari siyang seryoso pagbalik ng boss. Hindi niya ito tinawag pero parang tantiyado nito ang oras kung kailan siya matatapos. May dala itong pagkain pagbalik. Nilapag nito sa side table. May kinuha itong foldable na mesa at inilatag nito sa gilid ng kama. Sinundan lang niya ito ng tingin nang kunin nito ang pagkain sa mesa at inilipat sa nilatag nitong mesa."Sit here," utos nito sa kan'ya. Umusog siya pero nang mahirapan bigla na lang siya nitong binuhat palapit. Hindi niya maiwasang lumunok ng laway.Ang bango kasi ng boss. Nakaka-tempt. Parang ang sarap halikan."What?" untag nito nang mapansing titig na titig siya."Kakain na po," wala sa sariling sambit niya.
Hindi nakatulog ng maayos si Graziana kaka-isip sa nangyari sa kanila ni Thunder. Naguguluhan na siya sa boss. Hindi siya nito gusto pero nagpaakit sa kan’ya. Ang hirap pala talaga espelingin ng boss niya. Mahirap bang aminin na na-attract din ito sa kan’ya? Iba ang nakikita niya sa mga mata nito nang halikan niya at matapos nitong gawin ang hindi dapat gawin. Alas-kuwatro na siya yata nakatulog kaya tinanghali siya ng gising. Kung hindi pa niya narinig ang sunod-sunod na katok sa pintuan ay hindi pa siya magigising. Dahan-dahan siyang humakbang. Naka-tip toe pa siya dahil sa sugat niya. Si Allan ang bumungad sa kan’ya na ikinagulat niya.Papungas-pungas pa nga siya. “H-hi!” bati niya rito sabay baba ng damit na medyo naka-angat. Naipon kasi lahat sa itaas ng tiya
Walang nagawa si Graziana kung hindi papasukin na lang ang boss sa apartment niya. Hindi naman na siya babalik. Nasabi lang niya iyon para umalis na ito. Kaso, hindi naman kumagat sa sinabi niya.Alam niyang nakasunod lang ito sa kan'ya. Ang tahimik nito hanggang makapasok.Iniwan niya ito saglit at kumuha ng maiinom. May whiskey pa siyang naka-display kaya 'yon ang dinala siya sa sala. May dala din siyang kopita at bucket na may lamang cube ice para dito. Nakaupo na ito sa sofa nang datnan niya.Napaangat siya ng kilay nang suyurin nito ang kabuuan niya. Naka-dress kasi siya. Hindi ito sanay nagsu-suot siya ng ganon. Bihira lang siya kasi magsuot kapag may party lang."Bagay sa'yo," anito nang mak
"Ma'am, ikaw daw po talaga ang maghahatid sa kabilang bahay." Natigilan siya nang marinig ang sinabi ni Ellen. "Nakakainis talaga 'to si boss," kausap niya sa sarili. Napakamot pa siya ng ulo kapagkuwan. Kaya nga sinama niya si Ellen ngayon para ito ang maghatid sa kabilang bahay ng mga pinamili niya. Napako na kasi sa tabi ng bata si Thunder, hindi na daw makapunta sa malaking bahay nito para kunin ang ini-utos nitong mga pinamili niya. Halatang sabik na sabik talaga sa anak, ang boss. "Samahan mo na lang ako, Ellen." Tumango ang assistant kaya kinuha na niya ang ilang plastic, ito na ang nagbitbit ng natira. Nasa labas ng bahay
Nakaingus na sinundan ng tingin ni Grazie si Thunder na paakyat.Paano ba siya maka-move on nito. Kung iisipin niya kasi ayaw nitong may ka-date siyang iba. Feeling niya lang naman. Nakakahiya tuloy sa kaibigan ng kakambal nito. Naka-oo na siya.Hinanap niya ang telepono sa maliit na hand bag at tinawagan si Ace, na kaagad din naman nitong sinagot."Hi, Doc Ace! Darating ba si uhm, ano bang pangalan no'ng kaibigan mo? 'Yong bagong prospect natin?""Si Drake Del Castillo ba? Yes, on the way raw siya. Diyan ka daw niya susunduin sa bahay ni Thunder," ani ng kakambal ng boss.Hindi niya mapigilang mapamura sa isip. "Ha?!"
Itinaas ni Grazie ang kamay at itinakip sa mukha sabay porma ng peace sign sa boss. Hindi naman niya kasi sinasadya."Kung alam mo lang kung gaano ako nagpipigil, Grazie!" anito nang bumulong sa kan'ya."Sorry na nga boss, e!""Hindi 'yan mawawala dahil lang sa sorry," makahulugang saad nito.Napalunok siya sa sagot ng boss. Naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin kaya tumayo siya. Hinawakan nito ang kamay niya at tiningnan siya na puno ng pagbabanta. Buti na lang may lumapit na isang shareholder dito kaya bumitiw ito sa kan'ya.Sinamantala niya iyon para umalis sa tabi nito. Lumapit siya sa assistant at tumulong. Pagkatapos ng ilang palaro ay iniutos na
Anim na buwan na mula ng huling mag-usap sila ng boss. Hindi na nasundan iyon kahit sa telepono man lang. Hindi niya alam kung iniiwasan ba siya nito, o busy lang talaga sa mag-ina nito.Ang balita niya ay Ellen, na siyang nagre-report dito every Friday ay abala umano sa anak, na si King. Wala naman daw itong bukambibig kung hindi ang anak nito. Ang sabi rin ng katulong lagi raw nasa malaking bahay ni Thunder ang anak-anakan nito.Nalulungkot din siya kasi hindi na niya ito nakikita. Kung gusto naman talaga siya nito, e ‘di sana gumawa ito ng paraan. Eh, hindi.Inaabala na lang niya ang sarili sa trabaho. Pero may ilang leave na rin siya. Una, noong kumuha siya ng passport. Medyo nabe-brain wash na siya ng kaibigan simula nang maikuwento niya ang tungkol sa kanil
“DADDY, WALA PA po ba si Kuya King?” Napalingon siya kay Ayeisha na nasa sala ng mga sandaling ‘yon. “Hintayin mo na lang, anak.” “Hmp! Kasama na naman niya siguro ang girlfriend niya!” “Natural na ‘yon, baby dahil binata na si Kuya. May tampo ka pa ba sa kan’ya?” masuyo niyang tanong sa anak. Tumaas ang kilay ni Ayeisha. “Opo. Kasi hindi niya sinabing may bagong girlfriend na naman siya! Ayoko nga sabi nagge-girlfriend siya, e! Ang kulit!” Napaawang siya ng labi nang tumaas ang boses ng anak. ‘Yong totoo, kapatid pa ba ang turing nito kay King? “Anak, binata na si Kuya, kaya dapat lang
“THAT’S ENOUGH THUNDER!” Napapitlag si Thunder nang sumigaw siya. Kanina pa niya sinasaway ito kaka-kuwento. Mahigit isang oras na simula nang magkuwento ang asawa sa kambal tungkol sa buhay nila, bago sila naging ganap na mag-asawa. Iniiwasan niyang magkuwento ito ng mga sensitibo gaya ng halik. Masyadong matabil pa naman ang asawa niya pagdating sa usapang romansa. ‘Pag sila lang puwede. Tatlong taon na rin simula nang ikasal sila ni Thunder, kakapanganak pa lang niya noon. Ayaw na sayangin ng asawa ang mga araw na nawala sa kanila. Mabilis na pinirmahan ni Ira ang annulment papers dahil sa banta ni Thunder na kakasuhan ang mga ito, lalo na ang kapatid nito na si Cheska dahil nalaman nitong kasabwat ito ng isang staff nito na taga-finance department. Wala ring natanggap si Ira ni isang kusing sa asawa niya dahil sa laki ng perang nawala dito, na hindi nito alam.  
“LUTO NA, THART?” aniya kay Thunder nang makitang nakaupo ito sa silya na nasa harap ng mesa. Bigla naman itong napatayo nang makita siya na sapo ang tiyan. Malaki na kasi. “Malapit na, sweetheart.” Pinaghila siya nito ng upuan saka hinalikan sa buhok. “Dami mo na bang gutom?” “Marami na,” “Sabi ko kasi sa’yo, order na lang tayo, e!” “Eh, sa gusto ko nga ang luto mo. Hmmp!” Bigla naman itong ngumit sa kan’ya ng alanganin. “Sabi ko nga, sweetheart. Luto ko ang gusto mo.” Kinabig nito ang ulo niya at hinalikan ulit iyon. Napahawak na naman siya sa tiyan niyak. Recently pana
"OH, THUNDER!" ungol niya nang maramdaman ang dila nito sa sensitibong bahagi niya. Napaka-init ng dila nito. Hindi niya mapigilan ang sariling hindi mapanganga ng mga sandaling iyon. Lalo na nang laruin nito ang maliit na kuntil na iyon. 'Yon yata ang pinaka-main switch para tuluyang mag-init ang katawan ng isang tao– oras na iyo'y hawakan o magalaw. Napahigpit ang hawak niya sa ulo nitong sabihin nang sabayan ng daliri nito ang dila sa pagpaligaya sa kan'ya. "Shít ka Thunder!" naisatinig niya nang ipasok nito ang dalawang daliri sa loob niya habang patuloy ang dila nito sa pagpapaligaya sa kan'ya. Literal na sinasamba siya ni Thunder ng mga sandaling iyon. Nakaluhod ito sa kan'ya. Lumipat sila sa kama nang maramdaman niya ang pangangalay. Masuyo siya nito
"P-PAANO SI IRA, Thunder? Mahal mo-" "I love you. Hindi pa ba sapat na nandito ako? Ikaw ang pinipilit ko. Nakaraan na ang sa amin ni Ira. Hindi ko na maramdaman ngayon ang pagmamahal ko sa kan'ya na kagaya noon. Pangalan mo na ang sinisigaw nito, Grazie." Tinampal pa nito ang dibdib kapagkuwan. "Hindi ako ganito kabaliw kay Ira noon. Kaya, maniwala ka, sweetheart..." “T-Thunder,” aniyang hindi alam ang sasabihin. Walang kasiguruhan! Kasal pa rin ito kay Ira. Ang laki pa rin ng posibilidad na masasaktan pa rin siya. Umiling siya dito. “Kasal ka pa rin, Thunder. Bumalik ka na lang kapag naayos na ang lahat sa pagitan ninyo. Walang kasiguruhan na sasaya ulit kami sa piling mo, wala Thunder. Hangga’t may nag-uugnay pa rin sainyong papel, ayoko pa rin.”
NAPANGITI SI THUNDER nang ibaba ang telepono. Kumakain na naman si Grazie. Crunchy ang kinakain nito. Baka chicharon.Nawala rin agad ang ngiti niya nang maalala ang asawa. Ilang buwan na niyang tinitimbang ang pagmamahal niya para sa dalawa, pero si Grazie talaga ang mas lamang. Wala siyang iniisip bago matulog at magising kung hindi si Grazie lang. Sanay na siya sa amoy nito. Mabilis rin siyang nakakatulog kapag ito ang katabi. Pero ngayon? Kailangan niya pang uminom ng alak, makatulog lang. Pakiramdam niya kasi iba na si Ira.Mahal niya ang asawa, noon. Hindi na ngayon, lumipas na ang panahon nila. Pakiramdam niya bagong buhay ito ngayon ng asawa at hindi siya ang nakataktakda para dito. Ang daming nagbago na kasi sa kan’ya. Lalo na sa pagdating ni Grazie sa buhay niya, at ng
"ANG KAPAL DIN naman talaga ng pagmumukha mo, Graziana! Akala ko mo kung sinong babasaging crystal noon, 'yon pala, ubod ka ng landi! Mang-aagaw ka!"Hindi nakaiwas si Grazie nang biglang hilahin ni Ira ang buhok niya. Maging si Thunder ay hindi iyon inasahan. Nahila nito ang mahabang buhok ni Grazie sabay bitaw nang makalayo sila kay Thunder. Pero bago siya bumagsak sa sahig ay nasalo siya kaagad ni Thunder."Grazie!" halos magkasabay na sigaw ni Thunder at Drake. Papasok din si Drake noon ng silid nila ni Thunder."Oh God! I'm sorry, sweetheart! Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Thunder sa kaniya sabay halik sa noo niya. Tinapunan nito ng masamang tingin ang asawa nito pero ibinalik din sa kan'ya.Naramd
NAPADAING SI GRAZIE nang maramdaman ang paninigas ng tiyan. Pilit na iminulat niya ang mga mata. Napaawang siya ng labi nang mapansing wala siya sa sariling silid. Hindi siya pamilyar sa kinahihigaan niya kaya iginala niya ang mga mata.Nasaan siya?Dahan-dahan siyang naupo dahil ramdam pa rin niya ang pananakit ng balakang.Napahawak siya sa tiyan niya nang maalala ang dahil kung anong nangyari sa kan’ya.Napahilamos siya nang mukha ang huling sandali na nakausap si Thunder. Para na namang may pumipiga sa puso niya nang mga sandaling iyon.Wala na si Thunder sa buhay niya. Bumalik na ito sa totoong pamilya nito. Pinahiram lang
"M-MA'AM IRA..." hindi niya napigilang banggitin. Inulit-ulit niya hagod ang katawan nito. Si Ira nga ito! Ito nga ang asawa ni Thunder. Ang totoong asawa ng kaniyang fiancé!Napahawak siya sa dibdîb. Pakiramdam niya may bumabayo doon ng mga sandaling iyon.Bakit?"Sweetheart..." Tumingin siya sa gawi ni Thunder nang tawagin siya nito. Maging si Cheska rin ay gulat na napatingin sa kan'ya. Paano, abala ang mga ito sa pakikipagdiskusyon sa isa’t isa.Gusto niyang sugurin si Thunder pero hindi kayang humakbang ng mga paa niya. Parang may isip ang mga paa niya ng mga sandaling iyon, na hindi siya puwedeng sumugod dahil kabit lang siya! Kabit na nagpabuntis ng dalawang beses! Bigla niyang binaba