Home / Fantasy / The Demons' Bride / Ikalawang Kabanata

Share

Ikalawang Kabanata

Author: Lady Reaper
last update Huling Na-update: 2022-08-10 14:00:18

"At 'yon nga ang nangyari sa pagitan ng alipin at ng demonyong nagpakilalang si Joaquin."

Natapos na sa pagkukuwento ang matandang nakatira sa isang konkretong bahay na may pinturang kulay asul. Napapaligiran sila ng matatayog na luntiang mga punong kahoy. Nasa veranda sila ng kaniyang munting bahay, nakaupo sa papag ang mga paslit na bata habang nakikinig sa kaniyang ikinu-kuwento. Araw-araw ay parating nagtutungo sa kaniya ang mga bata na anak ng kaniyang mga kapitbahay. Walang araw na hindi nag-pakuwento sa kaniya ang mga makukulit at bibong mga batang iyon.

"Lolo Leo, hindi pa ba talaga ulit nakita ni sir Joaquin ang mapapangasawa niya? Matagal na panahon na rin po ang nakalipas, hindi po ba?" Pagtatanong ng medyo chubby na batang lalaki na kung susumahin ay nasa anim na taong gulang na.

"Ang alam ko'y hindi pa, little Greggy. Hindi pa nagku-krus ang landas nilang dalawa," sagot naman ni Leo sa tanong ng bata. Nakasuot ng balabal na may disenyong tigre si Leo kahit na hindi naman malamig ang panahon.

"Pero magkikita po ba sila?" ngayo'y si Lucy naman ang nagtanong. Ang bunsong anak ng mga Torres na nakatira sa may harapang bahay, sa kabilang kalsada.

Binalingan ni Leo ng sulyap ang tatlong bata na nakaupo sa may harapan niya't talagang gustong-gustong nakikinig sa kaniyang mga sinasabi.

"Hindi ko alam, siguro . . . dahil ‘yon ang kontrata na napag-usapan ng dalawang panig." Ini-angat ni Leo ang kaniyang tingin sa malawak na kalangitan, alas otso pa lang ng umaga kaya naman sapul na sapul siya ng halik ng haring araw.

'Matagal na panahon na rin.' Sambit niya sa kaniyang sarili.

"Lolo Leo, kahit na matagal na po ba'y posible pa rin na singilin ni sir Joaquin si Mr. Norman sa kasunduan nila na ginawa? Curious lang po kasi ako," si Henry na kulot na buhok naman ang nagsalita. Tumimtim pa muna ito ng juice na nasa kaniyang harapan bago pinagpapalit-palit ang kaniyang tingin sa mga kalaro na kasama.

Tumango-tango si Leo bilang tugon dto. Kulubot na ang balat ng matanda at nagkukulay abo na arin ng kaniyang buhok.

"Ang kasunduan ay kasunduan, walang sino man ang makakatakas sa evil prince. Kaya kayong mga bata, 'wag basta-basta bubulong sa hangin, naintindihan niyo ba? Dahil baka mamaya'y iba ang mahingian ninyo ng tulong." Hindi naman sa nananakot ang matandang si Leo, nagbibigay lamang siya ng babala sa mga batang paslit. Nagsisimula pa lang sila sa pagtahak sa kanilang mga buhay.

Nagyakapan ang mga bata sa narinig, na siya namang ikinangiti ng matanda. Mag-isa na siya sa buhay magmula nang iwanan siya ng nag-iisa niyang anak na lalaki. May sarili na itong pamilya sa siyudad, paminsan-minsan ay nakakatap siya ng tawag at mensahe galing sa kanila. Sapat na ang iisang beses sa dalawang linggo na magkaro'n siya ng komunikasyon sa kanila.

Sa katunayan ay sa piling niya nagsimula ng pagkakaroon ng pamilya ng nag-iisa niyang anak. Maayos naman ang lahat sa kanila, maganda ang pakikitungo niya sa kaniyang manugang at gayundin ito sa kaniya. Masaya sila sa munting bahay na mayroon siya, nagbago lang nang lahat ng iyon ng magdalang-tao ang asawa ng anak niyang si Thirdy.

Pinigilan ni Leo ang pagbubuntis ni Lilia, dahil alam niya na kapag nangyari ‘yon ay bubukod ang mga ito ng bahay. Inutasan niya ang kaniyang mga anak na alisin ang batang iyon, at dala nga ng disappointment at galit, kahit na labag sa loob ng kaniyang anak ay iniwanan nila si Leo mag-isa sa tahanang asul.

Well, hindi nila masisisi ang matanda, mas may mahigpit itong pinanghuhugutan kung bakit siya tumutol sa bagay na iyon.

"Isang tanog na lang po lolo." Itinaas pa ni Lucy ang kaniyang kamay sa ere.

"At ano 'yon mahal kong Lucilda?"

"Nabuhay naman po ba ng maayos si sir Norman? BInigyan ba talaga siya ng evil prince ng marangyang buhay pagkatapos ng kanilang pag-uusap?"

Idinampi ni Norman ang kaniyang hintuturo sa labi na para bang nag-iisip ng isasagot sa bata. Kalaunan ay tumango-tango siya at ngumiti.

"Hindi naman naging mayaman ang kaniyang pamilya, ngunit nakatakas naman siya sa kaniyang mapang-aping amo," pagsasalaysay niya. "At bukod do'n ay nagkaroon pa siya ng matatag na pamilya't nagkaroon ng anak na lalaki. Hanggang sa ang anak niya'y nagkapamilya rin at nagbunga rin ng lalaki ang pagmamahalan ng mag-asawa,” rugtong pa ni Leo.

"Ngunit sa loob ng apat na raang taon ay nagtago siya sa paningin ng mga nakaitim na nilalang, ang mga death angels. Inusig ang angkan niya sa pagiging unnamed souls Natakot siya, pakiramdam niya'y may nakatingin sa kaniya parati." Animo'y isa siyang propesor sa tono ng kaniyang tinig, buo at puno ng kaalaman.

“Ay kawawa naman po pala siya. Pero ‘lo, may babae na po ba sa nagkan ni Sir Norman ngayon? Ibabalita kaya sa tv kung mahahanap na niya ang mapapangasawa niya?”

Napaigik naman si Leo sa tinurang iyon ni Henry. Bahagya niyang ginulo ang gulo-gulo na nga nitong buhok na kulot pa.

“Siyempre hindi, hindi ata papayag ang evil prince na makita ng maraming tao ang kagandahan ng kaniyang mapapangasawa.”

Nagkaroon ng komosyon ang tatlong bisita ni Leo, nagpalitan ng kuro-kuro ang mga ito sa kung ano naman ang pangalan ng babaeng napili para sa makapangyarihang nilalang.

Nakangiti habang nakatungo siya sa mga ito, ang mga bata’y walang kamuwang-muwang sa mundo. BIgla niyang naisip ang pakiramdam no’ng siya ay isang paslit pa lamang; masaya.

Nang mapansin na tila nagkakainitan na ang mga ito ay nagsalita na siya. “Huwag na kayong magtalo pa dahil wala sa inyo ang nakakuha ng tamang sagot kung ano ang pangalan ng bride.”

“Ano po ba ang tamang pangalan niya lolo?” si Lucy.

Para bang pinag-iisipang muna ni Leo kung ano ang isasagot kay Lucy ng oras na 'yon.

"Oh sige, sasabihin ko sa inyo, basta, secret lang natin ha." Iniyuko pa nito ang kaniyang ulo upang mailapit sa mga curious na mukha ng tatlong bata na nakikinig sa kaniya.

Tumango-tango naman sila bilang tugon sa mabait na matanda. Gumihit pa ang excited na ngiti sa kanilang labi, at kasing kinang ng mga bituin sa kalangitan ang kanilang mga mata.

Nagpakawala ng buntong-hininga si Leo, at saka ibinuka ang kaniyang bibig.

"Sophia—"

Nabigkas na ni Leo ang unang kataga sa pangalan ng 'bride' na hinihingi nila, subalit naputol iyon ng may nakai-intrigang tunog mula sa labas ng kaniyang asul. Hindi naka-lock ang gate kaya naman kung sino ang naroon ay makakapasok kaagad.

Pero walang pumasok na labis niyang ipinagtaka. Nagpaalam siya sa ma bata at bumaba sa tatlong baitang na hangdan mula sa veranda patungo sa lupa't kaunting bermuda grass.

May mga kaluskos siyang naririnig, maingay rin ang nililikha ng sementadong sahig ng kalsada.

'Maniningil na ba siya? Sila?'

Lumagabog ang dibdib ni Leo, oras na ba para sa kanilang pagbabayad?

Mas inihakbang niya pa ang kaniyang mga paa, ilang dipa na lang ay makikita na niya kung ano ang mayroon sa labas ng tarangkahan.

Kasabay ng kaba ay may namuo na ring takot sa kaniyang dibdib.

It was already four hundred years ago, are they up to them now?

Chattering sounds.

Dogs barking.

Vehicles rushing.

And this tiny whispers from outside.

Leo can heard all of it as he is slowly taking his way out.

'I hate death angels, I hate them all.' He was saying to his head.

His trembling hands pick the handle of the blue gateway. Leo, with all the courage swang it open.

"Dad!"

Pansamantalang naputol ang paghinga ni Leo sa pagkagulat. Hindi ang evil prince o death angel ang naroon para sa kaniya, kundi ang nag-iisa niyang anak na lalaki, na matagal ding nawalay sa kaniya.

"M-my son? Third? I-is that you?" Garalgal ang tinig ni Leo, maluha-luha rin siya nang mapagtanto na ang anak nga niya ang kaharap.

Nagyakapan ang mag-ama at nagbitiw ng masayang pagbati sa isa't-isa. Halos lumundo ang puso ni Leo sa sobrang galak na nararamdam ng mga oras na iyon, hindi niya inaasahan na makikita pa niya ang anak.

"Kumusta? Bakit hindi ka nagpaabiso na pupunta kayo rito? Si Jana?" Ang tinutukoy niya ay ang manugang. Tinatapik-tapik pa niya ang balikat ng kaniyang anak habang napakawak ng ngiti sa labi.

"Pa?" At mula sa tarangkahan ay nakatayo nga ang asawa ng anak niya, at sa tabi nito ay isang binatang lalaki na kasing tangkad ni Liliaa. Tinapunan niya ng tingin ang anak na si Third at saka ibinaling muli ang tingin sa bata.

Kuhang-kuha nito ang facial features ng kaniyang ama. Oval faced, almond shaped eyes, ang matangos na ilong na dumaan sa bawat henerasyon sa kanilang pamilya. Matikas din ang tindig ng kaniyang apo, at higit sa lahat ay ang napaka-amo rin ng ngiti nito.

Naningkit ang mga mata ni Leo sa pag-alala sa pangalan na kalakip sa bawat litrato at mensahe na ipinapadala ng mag-asawa sa kaniya noon. Kahit naman kasi umalis ang mga ito ay hindi pa rin siya natiis ng mga anak niya. Tumatawag ito sa kaniya paminsan-pinsan at nagpapadal ng mga litrato at pera para sa pangangailangan niya.

"Nathaniel po 'lo." Lumapit na sa kaniya ang batang lalaki't binigyan siya ng mahigpit na yakap. Matanda na nga talaga siya, hindi na niya kaagad naaalala ang ilang mga bagay.

"Apo ko," saad nit Leo. Hinawakan niya ang pagkabilang balikat ng binata at nakangiti na tinitigan ang apo. "Ang laki-laki mo na, sa mga litrato'y ang liit mo pa."

"At guwapo po 'lo." Parehas na napatawa ang dalawa. Sinaway naman si Nathan ng ama at sinabihan na 'wag masiyadong guluhin ang kaniyang lolo.

"Bakit ba nagsitayo lang tayo rito? Halikayo sa loob, magluluto ako ng masarap na pananghalian ngayon. Tiyak na napagod kayo sa biyahe, halika apo, ano ba ang gusto mong kainin ha?" Inaaya niya si Nathan na pumasok sa kaniyang bahay. Saka lamang niya naaalala na may mga paslit nga pala siyang kinukuwentuhan.

Walang mapagsidlan ang galak sa mukha ni Leo kaya naman may isang bagay siyang nakalimutan.

"Wala man lang gustong tumulong sa 'kin? Nate? Hey Dad."

Tila naging slow motion sa lahat ang tinig na iyon, lalong lalo na sa matnadang si Leo. Dahan-dahan ay lumingon siyang muli sa kaniyang likuran.

Balingkinitan ang katawan na may napakaitim na kulay ng buhok at napakaperpektong hugis ng mukha ng babae ang tumambad sa kaniya. Para bang nanariwa sa kaniyang alaala ang hitsura ng kaniyang namayapang asawa-si Narcissa.

Ang mga mata nitong bilog na bilog at kulay itim ang mas lalong nakapagpatigil kay Leo. HIndi nakakasawa ang mukha ng dalaga, mataman niya pa munang kilatis ang babae hanggang sa sumagi ang kaniyang mga mata ang palapulsuhan nito. At doon ay sumilay ay isang pigura na ayaw na ayaw na niyang makita pa.

Sa kaniyang pagkakaalala ay nasa kaniyang anak iyon, pa-paanong napunta na sa kaniya?

Napaisip siya, hindi kaya?

Ngayon ay nanginginig na itinuturo na niyang itinuturo ang magandang dilag. Kaagad din naman na sinalo ng anak niyag si Thirdy ang sitwasyon.

"Siya ang panaganay mong apo, dad, nakukuha mo naman lahat ng liham at litrato namin sa iyo, hindi ba?" Lumapit na si Thirdy sa kaniya'y tinapik-tapik ang balikat ng ama.

Ang katotohanan sa pagluwas ng mag-anak pagbalik sa bayan ay para kay Leo. Ibinalita sa kanila ng isang malapit na kaibigan ang sitwasyon ng kanilang ama. Nagsisimula na ang pagkakaroon ng amang si Leo ng Dementia.

Wala silang ibang kamag-anak sa lugar na iyon, at isa pa'y ang kinukuha nilang nurse ay sa makalawa pa makakarating.

Mataman na tinapunan ng tingin ni Leo ang anak na si Third, ang mga mata niyang para bagang naghihintay ng sagot sa iisang bagay na hindi naman niya itinatanong at nananatili lang sa isipan niya.

"She's Sophia, dad . . . remember?"

Otomatiko na nabitiwan ni Leo ang apo na si Nahaniel, hindi siya makapaniwala sa narinig at nakita.

Sophia?

Nagulumihanan ang matandang nagiging makakalimutin na.

"Ang Sophia ay kahalintulad ng matalino at maabilidad na babae," saad nito.

Nakangiti lamang ang kaniyang mga kasama, tila natutuwa sa sinasabi ni Leo.

"Ngunit bakit siya narito? Hindi ba siya hahanapin ng kaniyang asawa?" Punong-puno ng action at emosyon ang bawat salita na sinasambit niya.

"Wala pa pong asawa si ate, lolo." Si Nathaniel 'yon na ngayon ay nasa tainga na ang kaniyang itim na headset.

"Hindi, impossible." Sumilay ang ngiti sa labi ni Leo. "Ikinasal na ba kayo?" Lumapit siya kay Sophia at ikinulong ito sa kaniyang mga palad ang malambot na mukha ng dalaga.

"Ang evil prince na nagligtas sa ating angkan, kung hindi pa'y maghanda ka apo ko. Dahil ilang sandali lang ay nakatitiyak akong pupuntahan ka niya rito." Leo's eyes got bigger ang his lips pursed.

"Ilang beses kong ikinuwento 'yon sa 'yo anak hindi ba? Ang aking Norman III."

Kaugnay na kabanata

  • The Demons' Bride   Ikatlong Kabanata

    Katatapos ko lamang na pakawalan ang huling katas ko sa babae na aking kasama ngayong gabi na ito. Maganda siya, sexy at masarap. Unang kita ko pa lang sa kaniya'y natipuhan ko na ang maganda niyang mga mata, kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na akitin siya't hilahin sa pribadong kuwarto sa underground bar na pagmamay-ari ng kalahati ko rin na kapatid na si Julius. Doon ay pinaliguan ko siya ng halik, niyapos ng mainit kong mga kamay at pinag-isa ang aming mga katawan. Ngunit hanggang do'n ang 'yon, no special connection attached. Kailangan ko lang talaga ng sinapupunan na mapaglalagyan ng aking magiging anak at tagapagmana. Ilang ulit ko nang sinubukan ung kani-kaninong babae na ako nakipagtalik, ilang babae na an hinila ko at pinaligaya ngunit talagang walang compatible na bahay bata pa sa aking lipi. Hindi ko na alam kung gaano katagal pa ba akong maghihintay para mapasaakin na ang trono na hinahangad ko. Kung bakit pa kasi ninanais ng aking ama na magkaroon na ako ng tag

    Huling Na-update : 2022-08-10
  • The Demons' Bride   Ika-apat na Kabanata

    Cesar's POV, Joaquin's loyal guard. Nahihilo na ako sa pagpapabalik-balik ng aking amo sa harapan ng tarangkahan ng bahay na daang taon na naming binabantayan. Mabilis kong ipinihit kanina ang manibela patungo sa direksyon ng tahanang ito ng sabihin ni 'master' na magpunta kami rito para sa babaeng matagal niyang inaasam. Kaninang umaga, habang siya'y 'busy' sa pagliliwaliw ay mag-isa akong nagmasid sa paligid ng tanahanang ito, parati ko namang ginagawa ang bagay na 'yon isang beses sa isang linggo sa loob ng halos limang daang taon. Malimit na kabiguan ang ibinabalita ko sa kaniya noon, ngunit ang araw na ito ay naging kakaiba dahil kitang-kita mismo ng aking mga mata ang pagdating ng isang pamilya sa bahay na 'yon kanina. Isang may edad na lalaki at babae, at may binatilyo at dalaga. No'ng una'y hindi ako interisado sa kanila, ngunit ng mapansin ko ang kumislap na pulang balat sa may kamay ng babae ay nalaman ko na Ang sagot. Ang dalagang 'yon ang matagal na naming hinihintay,

    Huling Na-update : 2022-09-19
  • The Demons' Bride   Unang Kabnata

    Sa loob ng madilim at nakakatakot na kagubatan na pinasok ng alipin na si Norman ay samut-saring ingay ang sumasabay sa bawat pagtama ng kaniyang mga paa sa malamig na lupa, tumatakbo siya papalayo sa humahabol mula sa kaniyang likuran. Nangyari pa na nadapa siya sa sobrang pagmamadali at pagkataranta, kailangan nga naman niyang magmadali upang hindi maabutan ng mga guwardiya galing sa tahanan ng mayaman niyang pinagsisilbihan, ang pamilya Artemio.Wala siyang nai-suot na sapin sa paa nang umalis sa malaking bahay. Pinagbintangan siya ng matandang abogado ng pagnanakaw sa nawawala nitong salapi sa kaniyang sasakyan. Alam niya sa kaniyang sarili na wala siyang ginawang masama. Noon pa man ay pinapahirapan na ng pamilya Artemio ang kaniyang lipi. Ang kuwento pa sa kaniya ng kaniyang ama ay nagsimula ang sigalot sa dalawang partido nang akusahan ng angkan ng De La Cruz ang pamilya Artemio ng pang-aabuso sa kaniyang lola Felicidad. Napasok sa kahihiyan ang mayamang pamilya kaya naman sa l

    Huling Na-update : 2022-08-10

Pinakabagong kabanata

  • The Demons' Bride   Ikalawang Kabanata

    "At 'yon nga ang nangyari sa pagitan ng alipin at ng demonyong nagpakilalang si Joaquin." Natapos na sa pagkukuwento ang matandang nakatira sa isang konkretong bahay na may pinturang kulay asul. Napapaligiran sila ng matatayog na luntiang mga punong kahoy. Nasa veranda sila ng kaniyang munting bahay, nakaupo sa papag ang mga paslit na bata habang nakikinig sa kaniyang ikinu-kuwento. Araw-araw ay parating nagtutungo sa kaniya ang mga bata na anak ng kaniyang mga kapitbahay. Walang araw na hindi nag-pakuwento sa kaniya ang mga makukulit at bibong mga batang iyon."Lolo Leo, hindi pa ba talaga ulit nakita ni sir Joaquin ang mapapangasawa niya? Matagal na panahon na rin po ang nakalipas, hindi po ba?" Pagtatanong ng medyo chubby na batang lalaki na kung susumahin ay nasa anim na taong gulang na. "Ang alam ko'y hindi pa, little Greggy. Hindi pa nagku-krus ang landas nilang dalawa," sagot naman ni Leo sa tanong ng bata. Nakasuot ng balabal na may disenyong tigre si Leo kahit na hindi nam

  • The Demons' Bride   Unang Kabnata

    Sa loob ng madilim at nakakatakot na kagubatan na pinasok ng alipin na si Norman ay samut-saring ingay ang sumasabay sa bawat pagtama ng kaniyang mga paa sa malamig na lupa, tumatakbo siya papalayo sa humahabol mula sa kaniyang likuran. Nangyari pa na nadapa siya sa sobrang pagmamadali at pagkataranta, kailangan nga naman niyang magmadali upang hindi maabutan ng mga guwardiya galing sa tahanan ng mayaman niyang pinagsisilbihan, ang pamilya Artemio.Wala siyang nai-suot na sapin sa paa nang umalis sa malaking bahay. Pinagbintangan siya ng matandang abogado ng pagnanakaw sa nawawala nitong salapi sa kaniyang sasakyan. Alam niya sa kaniyang sarili na wala siyang ginawang masama. Noon pa man ay pinapahirapan na ng pamilya Artemio ang kaniyang lipi. Ang kuwento pa sa kaniya ng kaniyang ama ay nagsimula ang sigalot sa dalawang partido nang akusahan ng angkan ng De La Cruz ang pamilya Artemio ng pang-aabuso sa kaniyang lola Felicidad. Napasok sa kahihiyan ang mayamang pamilya kaya naman sa l

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status