Home / Fantasy / The Demons' Bride / Ika-apat na Kabanata

Share

Ika-apat na Kabanata

Author: Lady Reaper
last update Huling Na-update: 2022-09-19 15:58:32

Cesar's POV, Joaquin's loyal guard.

Nahihilo na ako sa pagpapabalik-balik ng aking amo sa harapan ng tarangkahan ng bahay na daang taon na naming binabantayan. Mabilis kong ipinihit kanina ang manibela patungo sa direksyon ng tahanang ito ng sabihin ni 'master' na magpunta kami rito para sa babaeng matagal niyang inaasam.

Kaninang umaga, habang siya'y 'busy' sa pagliliwaliw ay mag-isa akong nagmasid sa paligid ng tanahanang ito, parati ko namang ginagawa ang bagay na 'yon isang beses sa isang linggo sa loob ng halos limang daang taon.

Malimit na kabiguan ang ibinabalita ko sa kaniya noon, ngunit ang araw na ito ay naging kakaiba dahil kitang-kita mismo ng aking mga mata ang pagdating ng isang pamilya sa bahay na 'yon kanina. Isang may edad na lalaki at babae, at may binatilyo at dalaga. No'ng una'y hindi ako interisado sa kanila, ngunit ng mapansin ko ang kumislap na pulang balat sa may kamay ng babae ay nalaman ko na Ang sagot.

Ang dalagang 'yon ang matagal na naming hinihintay, siya ang nakatadhanang maging pagmamay-ari ng aking amo. Ang babae ang kabayaran sa nagawa naming kabutihan ialng daang taon na nakalipas. Ang buhay niya kapalit ng kaligtasan ng kaniyang ninuno.

"Sigurado ka ba na narito ang babae na hinihintay natin?" napalingon ako sa pagtatanong na 'yon ni Joaquin.

"Sigurado 'ko sa nakita ko—"

"Siya! Maghintay ka muna rito, maglalakad muna ako," sabi niya.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang 'yon. "Aalis ka pa? Paano kung bigla siyang lumabas?"

"Tawagin mo 'ko 'pag gano'n."

"Ano ba 'yan, nangangalay pa rin ang kamay ko sa tindi ng pagmamaneho kanina makatakas lang tayo sa mga taga-sundo na 'yon, imbes na ako ang magpahinga, hindi e." Pagrereklamo ko pa sa kaniya. Masiyadon niya kasing inaabuso ang pagiging mataas niya sa akin, kahit na sabihin pang mula umpisa'y magkasama na kami. Dapat pa nga'y bigyan niya ko ng konting kaluwagan, dahil kapag nagsawa ako'y iiwanan ko siya't tanggapin na lamang ang alok ng amang hari sa akin na magsilbi bilang isang mataas na rangko sa impyerno. Hindi na siya makakahanap pa ng kagaya ko na mapagtitiisan ang ugali niya.

"Sumasagot ka na ngayon?"

Napalunok ako ng laway sa tinuran niya. Gusto ko na siyang banatan sana e, pero mas pinairal ko pa rin ang pagtitimpi.

"Nagsasabi lang ako—"

"Sandali, at bakit napaka-pormal naman ng pakikipag-usap mo sa akin ngayon?" Nakataas ang kaniyang mga kilay na nakatuon sa akin, ang mga kamay niya'y nakasuksok sa mamahaling itim na jacket na kaniyang suot.

Bahagya kong iginalawa ang kamay ko't magbibitaw na sana ng susunod pang mga kataga ng putulin na naman ako.

"Hindi bale na, paniguradong i-ba-blackmail mo na naman ako't pagsasabihan ng kung ano-ano. Kaya siya, sige, aalis na ako, ikaw muna ang bahala rito. Naintindihan mo?"

Sasagot pa sana ako nang bigla na lang siyang mawala na parang bula.

Nakapag-iwan na lang ako ng malalim na buntong-hininga, kasabay ng pag-iling-iling.

"Kailan ba siya magbabago?" Matagal ko ng itinanong sa sarili ko kung kailan nga ba talaga siya magbabago, pero sadyang hindi pa sumasagot ang panahon sa akin.

Isinandal ko na lang ang likuran sa itim na Ford kung saan nakasakay kami kanina. Nanatili ako sa gano'ng posisyon habang nakatanaw sa bahay na nasa aking harapan.

Lumipas pa ang segundo, minuto at oras. Nagpalipat-lipat ako ng posisyon at anggulo sa sobrang pagkaburyo sa ginagawa ko. Kanina pa ako rito ngunit wala pa ring senyales ng babae. Maaga pa naman para matulog sa oras na ito. Sinipat ko ang wristwatch suot at saka napagtanto kung ano'ng oras na, alas dyes ng gabi.

Hindi pa naman sila tulog dahil halos bukas pa ang mga ilaw sa loob ng bahay. Tubong siyudad sila impossibleng naipikit na nila ang kanilang mga mata ngayon.

"Ano ba, sabing bitiwan mo 'ko eh!" Tinapunan ko ng tingin ang tinig na pinanggalingan niyon. Mula sa kanan ko'y may isang babae na tila wala sa sarili ang nakikipagtalo sa isang lalaki na mas matangkad sa kaniya't mas malakas. Hawak ng lalaki ang isang braso ng babae na pinaggamit nito upang ambahin siya. Hindi naman gano'n kalayo ang kinatatayuan ng dalawa kaya dinig na dinig niya ang pinagdidiskusyunan ng mga 'to.

"Napaka-arte mo talaga, isang taon na tayong magkarelasyon pero kahit halik ay ayaw mong ibigay sa akin? Anong klase ka? Pagkatapos ang lakas mong kumain at uminom ng alak, ano may dragon ka bang inaalagaan diyan sa tiyan mo?"

Pilit pa ring hinihila ng lalaki ang babaeng nagpupumiglas na sa kaniya. Nakapasok lang ang mata ko sa ginagawa nilang pag-aaway sa mga oras na 'yo, para lang akong nanonood ng free movie sa sinehan.

"Ba't ka ba kasi nangingialam? Isa pa hindi tayo kasal para humalik ka kaagad sa akin, tapos yumapos-yapos ng ganiyan, no." Napa-tsk ako sa narinig na 'yon, halata sa boses ng babae na nakainom 'to.

"Aba! Hoy, Carol, ang laki na ng gastos ko sa 'yo. Hindi ako papayag na hindi ka makuha ngayong gabi."

Kinaladkad na ng lalaking barumbadonang kanina pa nakikipagmatigasan na dalaga, hanggang sa tuluyang mapadaan ang dalawa sa harapan ko na hindi pa rin natitinag sa pagtatalo. Nariyang pinipilit nitong hagkan babae. Nanatili akong bulag at bingi sa mga pangyayari, wala akong karapatan na panghimasukan ang gawi ng mga taong ito. Madadagdagan na naman ang pagakakamali na magagawa ko sa mundo ng mga tao.

"Ano ba Karlo, bitiwan mo ko sabi, eh."

"Hindi, akin ka ngayon."

Wala nang masiyadong tao sa paligid, ganito nga ata siguro sa lugar na ito—maagang namamahinga ang mga tao.

"Sir, sir, t-tulong."

Ang mga mata ko'y naka-focus sa kang bahagi, sa gawing hindi sila makikita.

Sumipol-sipol lang ako.

"Sir—"

Punch.

Isang igik ang sunog na pumaroon sa aking mga tainga, nakalasap na ang kaawa-awang babae ng suntok mula sa kaniyang kasintahang abusado at mapagsamantala.

"Sinabi ko naman sa 'yo, basta makikinig ka sa akin, hindi ka naman masasaktan kapg sumunod ka lang."

Ilang dipa na ang layo nila sa akin pero naririnig ko pa rin ang kayabangan ng lalaking 'yon. Nakapang-iinit ng ulo.

Sapilitang itinulak nito sa loob ng isang kotseng nakaparada sa unahan ang babae, bahagyang gumewang-gewang ang sasakyan, dahil sa pilit na pagwawala ng babae rito. Ilang sandali pa'y nakasunod na ang kasintahan nito sa kaniya. Hindi natigil sa pagyanig ang kotse, mukhang matindi pa rin ang kanilang pagtatalo.

Inilayo ko na ang paningin sa kanila't nag-abang pa sa harapan ng tarangkahan.

Negative.

"Nasaan na kaya ang mahal na Prinsipe?" May pagkasarkastiko kong tanong sa sarili. Aalis na 'ko rito, bahala na siya. Napakatigas naman ng ulo niya." Diretso akong pumasok sa sasakyan kung saan kami lulan kanina patungo rito. Binuhay ang makina't sumulyap muna sa side mirror bago umalis.

Napahigpit ang aking hawak sa manibela't nag-init ang aking paningin. Mula kasi sa aking kinauupuan ay natanaw ko ang mukha ng babae na nakasampa sa likurang bahagi ng sasakyan. Ang palad niyang nakasapo rin sa pisnging salamin. Kahit malayo ako'y kitang-kita ko siya, tila isang lente ng kamera ang aking mga mata, nag-adjust 'yon ng papalapit sa 'focused item' na nahagip nito. At mula roon ay tila tinangay ang aking utak sa ibang parte ng mundo.

Tanaw ko ang aking sarili, nakasuot ng ibang uri ng damit mula sa kasalukuyan, naglalakad ng may ngiti sa labi habang may hawak na bulaklak. Malaki ang hakbang na tinungo ang isang bahay na gawa pa kahoy at tanging gasera lamang ang nagbibigay ng liwanag.

Kasunod niyon ay ang akin ng pagtangis habang kalong sa bisig ang katawan ng isang babaeng hindi ko makilala kung sino. Mahaba ang buhok niya't nakasuot ng may manggas na bestida't data.

"Lumen . . ." Iyak ko. Matindi ang aking hagulgol na kahit pa nakikita ko ang sarili ko'y tila mayroon ngang tumatarak na patalim sa aking dibdib. Damang-dama ko ang sakit na nararamdaman niya. Bakit?

"Lumen, mahal ko . . ."

Napaluhod ako mula sa akin kinatatayuan at nanghihinang tumingin sa dalawang bulto na nasa aking harapan. Anong mahika ang bumabalot sa akin, bakit may ganitong sernaryo akong nakikita. Tiyak na hindi ako pinaglalaruan ni Joaquin ngayon.

Pilit kong sinulyapan ang babae na hawak ng aking kamukha, gusto ko rin siyang lapitan at yapusin. Gusto ko siyang hawakan, ngunit sobrang sakit sa pakiramdam na makita siya.

"Lumen."

Nawala ang tila panaginip sa isipan ko, muli'y bumaling ang aking mga mata sa side mirror patungo sa kotse na nasa likuran. Umigting ang aking panga't nagtagis ang mga ngipin. Maya-maya pa'y ni-start ko ang sasakyan at umaagibis na pinaharurot iyon paatras. Hindi ko maaatim na hayaan ang ginagawa ng lalaki na 'yon sa dalaga. Pkiramdam ko'y sasabog ang king puso sa galit, pero hindi ko naman maintindihan kung bakit.

Biglang lumabas ang aking munting kakayahan bilang taga-sunod ng impyerno, o mas tamang sabihin na Hell Knights. Marahas kong binuksan ang kotse nila't ibinalibag palabas ang manyakis na lalaking 'yon. Uminit lalo ang ulo ko ng makitang iba na ang ginagawa niya sa dalaga, nakababa na ang pang-itaas nitong damit at gulo-gulo ang buhok.

Lapastangan.

Sinunggaban ko ang lalaking wala na ring suot na pang-itaas at saka binigyan ng suntok na tiyak akong hindi niya makakalimutan kahit kailan. Sa lakas niyon sigurado akong basag ang buti sa kaniyang binti. Pinaputok ko rin ang labi niya't pina-iyak ng dugo ang mga mata nito, nararapat lamang sa kaniya. Tutal, mas matindi pa ang daranasin niya oras na makatuntong siya sa impyerno.

Nadarang ako sa sariling pag-iinit ng katawan ko, hindi dahil sa kung ano'ng kakaibang sensasyon, kundi dahil sa galit na lumalagitnit sa loob ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit na 'yon, basta't ang tumatakbo lamang sa isipan ko'y ang babaeng nagngangalang Lumen . . .

At ang babaeng nasa loob ng sasakyan ngayon.

"Cesar!"

Isang amba pa, tiyak kong sasabog na ang ulo niya sa malalakas na pagtama ng kamao ko sa katawan niya.

"Cesar!"

Tumatagaktak na ang pawis sa aking mukha at braso, ang ugat sa mga kamay ko'y bakat na bakat na sa kayumanggi kong balat. May bahid na rin ng dugo ang aking kamao na kanina pa tumutugis sa lalaking napapailaliman ko.

"Cesar!"

Ngunit ang lahat ay tila tumigil, ang oras ang hindi na umayon sa akin. Isang malakas na puwersa ang nakapagpalayo sa akin mula sa nilalang na kanina ko pa pinaparusahan. Tumilapon ako, ngunit nagawa pa ring bumalanse't maitukod ang mga paa at isang kamay sa sementadong kalsada. Sumasabay ang may kakapalan kong buhok sa malamyos na ihip ng hangin. At mula sa kinaha-handusayan ng kaninang binubugbog kong lalaki ay naroon nakatayo ang aking amo.

"At ano ang tingin mo'y ginagawa mo?" tanong niya sa akin. At mula roon ay kumilos ang kaniyang mga mata, dumapo sa nasa harapan niya, pagkatapos ay sa babaeng nasa loob ng kotse.

Umaangat ang isang sulok ng labi ng Prinsipeng aking pinaglilingkuran.

"Tsk. Ano bang pumasok sa isip mo't gusto mo pang pumatay ng tao? Gusto mong tuluyang usigin ng mga nasa itaas, 'no?"

Iniunat ko na ang aking mga binti patayo, deretso akong nakatingin sa kaniya. Ano't kailangan niyang mangialam sa ginagawa ko? Kahit kailan naman ay pinapabayaan niya lang ako sa mga ganitong sitwasyon.

"Pero hindi na rin ako magtataka, seeing that woman makes me think na . . . Ikaw nga pala talaga 'yan. Ang Cesar na pinulot ko ang galit na galit na kaluluwa daang taon na ang nakararaan."

Kaugnay na kabanata

  • The Demons' Bride   Unang Kabnata

    Sa loob ng madilim at nakakatakot na kagubatan na pinasok ng alipin na si Norman ay samut-saring ingay ang sumasabay sa bawat pagtama ng kaniyang mga paa sa malamig na lupa, tumatakbo siya papalayo sa humahabol mula sa kaniyang likuran. Nangyari pa na nadapa siya sa sobrang pagmamadali at pagkataranta, kailangan nga naman niyang magmadali upang hindi maabutan ng mga guwardiya galing sa tahanan ng mayaman niyang pinagsisilbihan, ang pamilya Artemio.Wala siyang nai-suot na sapin sa paa nang umalis sa malaking bahay. Pinagbintangan siya ng matandang abogado ng pagnanakaw sa nawawala nitong salapi sa kaniyang sasakyan. Alam niya sa kaniyang sarili na wala siyang ginawang masama. Noon pa man ay pinapahirapan na ng pamilya Artemio ang kaniyang lipi. Ang kuwento pa sa kaniya ng kaniyang ama ay nagsimula ang sigalot sa dalawang partido nang akusahan ng angkan ng De La Cruz ang pamilya Artemio ng pang-aabuso sa kaniyang lola Felicidad. Napasok sa kahihiyan ang mayamang pamilya kaya naman sa l

    Huling Na-update : 2022-08-10
  • The Demons' Bride   Ikalawang Kabanata

    "At 'yon nga ang nangyari sa pagitan ng alipin at ng demonyong nagpakilalang si Joaquin." Natapos na sa pagkukuwento ang matandang nakatira sa isang konkretong bahay na may pinturang kulay asul. Napapaligiran sila ng matatayog na luntiang mga punong kahoy. Nasa veranda sila ng kaniyang munting bahay, nakaupo sa papag ang mga paslit na bata habang nakikinig sa kaniyang ikinu-kuwento. Araw-araw ay parating nagtutungo sa kaniya ang mga bata na anak ng kaniyang mga kapitbahay. Walang araw na hindi nag-pakuwento sa kaniya ang mga makukulit at bibong mga batang iyon."Lolo Leo, hindi pa ba talaga ulit nakita ni sir Joaquin ang mapapangasawa niya? Matagal na panahon na rin po ang nakalipas, hindi po ba?" Pagtatanong ng medyo chubby na batang lalaki na kung susumahin ay nasa anim na taong gulang na. "Ang alam ko'y hindi pa, little Greggy. Hindi pa nagku-krus ang landas nilang dalawa," sagot naman ni Leo sa tanong ng bata. Nakasuot ng balabal na may disenyong tigre si Leo kahit na hindi nam

    Huling Na-update : 2022-08-10
  • The Demons' Bride   Ikatlong Kabanata

    Katatapos ko lamang na pakawalan ang huling katas ko sa babae na aking kasama ngayong gabi na ito. Maganda siya, sexy at masarap. Unang kita ko pa lang sa kaniya'y natipuhan ko na ang maganda niyang mga mata, kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na akitin siya't hilahin sa pribadong kuwarto sa underground bar na pagmamay-ari ng kalahati ko rin na kapatid na si Julius. Doon ay pinaliguan ko siya ng halik, niyapos ng mainit kong mga kamay at pinag-isa ang aming mga katawan. Ngunit hanggang do'n ang 'yon, no special connection attached. Kailangan ko lang talaga ng sinapupunan na mapaglalagyan ng aking magiging anak at tagapagmana. Ilang ulit ko nang sinubukan ung kani-kaninong babae na ako nakipagtalik, ilang babae na an hinila ko at pinaligaya ngunit talagang walang compatible na bahay bata pa sa aking lipi. Hindi ko na alam kung gaano katagal pa ba akong maghihintay para mapasaakin na ang trono na hinahangad ko. Kung bakit pa kasi ninanais ng aking ama na magkaroon na ako ng tag

    Huling Na-update : 2022-08-10

Pinakabagong kabanata

  • The Demons' Bride   Ika-apat na Kabanata

    Cesar's POV, Joaquin's loyal guard. Nahihilo na ako sa pagpapabalik-balik ng aking amo sa harapan ng tarangkahan ng bahay na daang taon na naming binabantayan. Mabilis kong ipinihit kanina ang manibela patungo sa direksyon ng tahanang ito ng sabihin ni 'master' na magpunta kami rito para sa babaeng matagal niyang inaasam. Kaninang umaga, habang siya'y 'busy' sa pagliliwaliw ay mag-isa akong nagmasid sa paligid ng tanahanang ito, parati ko namang ginagawa ang bagay na 'yon isang beses sa isang linggo sa loob ng halos limang daang taon. Malimit na kabiguan ang ibinabalita ko sa kaniya noon, ngunit ang araw na ito ay naging kakaiba dahil kitang-kita mismo ng aking mga mata ang pagdating ng isang pamilya sa bahay na 'yon kanina. Isang may edad na lalaki at babae, at may binatilyo at dalaga. No'ng una'y hindi ako interisado sa kanila, ngunit ng mapansin ko ang kumislap na pulang balat sa may kamay ng babae ay nalaman ko na Ang sagot. Ang dalagang 'yon ang matagal na naming hinihintay,

  • The Demons' Bride   Ikatlong Kabanata

    Katatapos ko lamang na pakawalan ang huling katas ko sa babae na aking kasama ngayong gabi na ito. Maganda siya, sexy at masarap. Unang kita ko pa lang sa kaniya'y natipuhan ko na ang maganda niyang mga mata, kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na akitin siya't hilahin sa pribadong kuwarto sa underground bar na pagmamay-ari ng kalahati ko rin na kapatid na si Julius. Doon ay pinaliguan ko siya ng halik, niyapos ng mainit kong mga kamay at pinag-isa ang aming mga katawan. Ngunit hanggang do'n ang 'yon, no special connection attached. Kailangan ko lang talaga ng sinapupunan na mapaglalagyan ng aking magiging anak at tagapagmana. Ilang ulit ko nang sinubukan ung kani-kaninong babae na ako nakipagtalik, ilang babae na an hinila ko at pinaligaya ngunit talagang walang compatible na bahay bata pa sa aking lipi. Hindi ko na alam kung gaano katagal pa ba akong maghihintay para mapasaakin na ang trono na hinahangad ko. Kung bakit pa kasi ninanais ng aking ama na magkaroon na ako ng tag

  • The Demons' Bride   Ikalawang Kabanata

    "At 'yon nga ang nangyari sa pagitan ng alipin at ng demonyong nagpakilalang si Joaquin." Natapos na sa pagkukuwento ang matandang nakatira sa isang konkretong bahay na may pinturang kulay asul. Napapaligiran sila ng matatayog na luntiang mga punong kahoy. Nasa veranda sila ng kaniyang munting bahay, nakaupo sa papag ang mga paslit na bata habang nakikinig sa kaniyang ikinu-kuwento. Araw-araw ay parating nagtutungo sa kaniya ang mga bata na anak ng kaniyang mga kapitbahay. Walang araw na hindi nag-pakuwento sa kaniya ang mga makukulit at bibong mga batang iyon."Lolo Leo, hindi pa ba talaga ulit nakita ni sir Joaquin ang mapapangasawa niya? Matagal na panahon na rin po ang nakalipas, hindi po ba?" Pagtatanong ng medyo chubby na batang lalaki na kung susumahin ay nasa anim na taong gulang na. "Ang alam ko'y hindi pa, little Greggy. Hindi pa nagku-krus ang landas nilang dalawa," sagot naman ni Leo sa tanong ng bata. Nakasuot ng balabal na may disenyong tigre si Leo kahit na hindi nam

  • The Demons' Bride   Unang Kabnata

    Sa loob ng madilim at nakakatakot na kagubatan na pinasok ng alipin na si Norman ay samut-saring ingay ang sumasabay sa bawat pagtama ng kaniyang mga paa sa malamig na lupa, tumatakbo siya papalayo sa humahabol mula sa kaniyang likuran. Nangyari pa na nadapa siya sa sobrang pagmamadali at pagkataranta, kailangan nga naman niyang magmadali upang hindi maabutan ng mga guwardiya galing sa tahanan ng mayaman niyang pinagsisilbihan, ang pamilya Artemio.Wala siyang nai-suot na sapin sa paa nang umalis sa malaking bahay. Pinagbintangan siya ng matandang abogado ng pagnanakaw sa nawawala nitong salapi sa kaniyang sasakyan. Alam niya sa kaniyang sarili na wala siyang ginawang masama. Noon pa man ay pinapahirapan na ng pamilya Artemio ang kaniyang lipi. Ang kuwento pa sa kaniya ng kaniyang ama ay nagsimula ang sigalot sa dalawang partido nang akusahan ng angkan ng De La Cruz ang pamilya Artemio ng pang-aabuso sa kaniyang lola Felicidad. Napasok sa kahihiyan ang mayamang pamilya kaya naman sa l

DMCA.com Protection Status