Share

Chapter Two

Author: tywaiseuuuu
last update Last Updated: 2021-07-24 04:27:58

I roamed around and it was like I'm inside a forest. Naghanap  agad ako ng  labasan pero hindi ko mahanap dahil hindi ko  naman kabisado ang lugar na 'to. Where am I?!

Tumigil na ako sa paglibot dahil baka mas lalo lang ako maligaw at mapunta sa liblib na lugar dito sa gubat. I started to call somebody, hoping that someone will hear my cries. I stopped when my throat  started  hurting from all those shouting.

Wala bang nakakarinig sa akin? Baka walang malapit na tao rito? Ano na mangyayari sa akin? Bakit ako napunta rito? Panaginip ba  'to? Paano kung may kumidnap sa akin kaya andito  na  lang ako bigla?!

"May tao ba?" Napalingon ako sa narinig kong sigaw kung saan. Nabuhayan ako bigla ng dugo ro'n. May tao!  Makakaalis na ako rito.

"Mayroon! Andito po ako!" sigaw ko pabalik. Makauuwi na ba ako?

"Magsalita ka lang para makapunta kami sa 'yo!"

Sinunod ko naman sila agad. Nang hindi ko na alam ang sasabihin, nagsimula ako kumanta ng Twinkle Twinkle Little Star dahil ayon ang unang pumasok sa utak  ko. Hindi ko na pinansin kung matatawa siya at mapapahiya ako dahil sa pagkanta ko ng pangbata na kanta. Narinig ko naman ang papalapit na yabag ng mga tao. Dalawa ata sila na papalapit sa akin. Bigla naman ako kinabahan dahil paano kung masamang tao ang makahahanap sa  akin? Paano kung may masama silang balak sa akin? Paano na ako makauuwi nito? Hindi ko puwede iwanan si lolo mag-isa. Wala naman masamang nangyari kay lolo, 'di ba? Bakit at paano kase ako napunta rito?! Kailangan ko ng kasama ni lolo at kailangan ko rin ayusin 'yong pinapagawa sa aking survey questionnaire.

"Iha, paano ka  napadpad dito?!" Natigil ako sa pag-iisip at napaatras sa dalawang lalaki na nakahanap sa akin. Naka-sando silang puti na naging marumi na dahil siguro sa paglalakad dito sa gubat, nakasumrero rin sila ng magsasaka. Napaatras ako lalo dahil nakita ko ang mga hawak nilang itak. Baka kung ano gawin nila sa akin! Hindi ko alam  kung tatakbo ba ako o ano dahil wala rin naman akong mapupuntahan kung sakaling tumakbo ako. Lalo lang ako maliligaw. "Saan ba ang bahay mo? Halika." Lumapit siya sa akin kaya napaatras ulit ako. Natatakot ako sa itak na hawak nila. Medyo nalungkot ang mukha niya pero agad din ngumiti nang pilit. "Nako! Pasensya ka na at narumihan kase kami kapuputol ng puno at pagbitbit nito."

"H-Hindi po sa gano'n!" Napailing agad ako at napataas ng kamay dahil nakuha ko ang gusto nila iparating. Hindi ako narurumihan sa  kanila. Ni hindi ko nga pinuna ang pagkarumi ng damit nila at hindi ko  rin naman napansin 'to. Natakot  lang talaga ako sa hawak nilang itak dahil baka hindi ako makalabas sa gubat na 'to nang buhay. Iniisip ko rin si lolo na mag-isa sa bahay, siya na lang ang mayroon ako. "Natakot po kase ako sa itak niyo." Hindi naman kase ako sanay na makakita ng itak. Madalas kase mga machines na ang ginagamit. Natawa naman sila at ngumiti sa akin bago ilayo nang kaunti ang itak na hawak.

"Halika. Tutulungan ka namin makalabas." Sumama na ako sa  kanila dahil mukhang mabait naman sila at hindi 'yong tao na iniisip  ko. Isa pa, wala rin naman akong choice dahil sila lang ako  nakakita sa akin at p'wede akong tulungan. Delikado kase ang mga tao ngayon, kahit gaano ka kabuti, hindi ka nila palalagpasin para lang makuha ang mga gusto nila. Tapos kapag hinayaan mo, mas lalong lalala at maabuso ka pa.

May nilapitan silang  mga kahoy sa gilid at lumapit sa akin habang bitbit 'yon. Ayon siguro ang mga naputol na nila. Nakita ko naman na may natira ro'n na dalawang maliit dahil hindi  na nila kayang bitbitin. Lumapit ako  ro'n at binitbit. Magaan naman sila, e. Agad akong dinaluhan ng isang lalaki para pigilan. Nginitian ko siya. "Okay lang po. Kaya ko na po." Wala siyang nagawa dahil bitbit ko na at hindi na rin niya makuha sa akin dahil hindi na niya kayang bitbitin. Kaysa namang bumalik pa sila rito mamaya o iwan na lang nila 'to, sayang naman.

We started walking. Ang tataas pala talaga ng mga puno rito. Marami rin akong nakita at nakasalubong na mga hayop. Madalas makita ko ang mga squirrel na hindi ko maasahan na makikita ko sa totoong buhay. Naaliw ako sa mga hayop na nakita dahil hindi ko to madalas makita. Medyo matagal pa bago kami nakalabas. Siguro nasa liblib talaga kami kanina. Buti at nakita nila ako, kung hindi, hanggang ngayon siguro nasa gubat pa rin ako. At baka abutin pa ako ng dilim.

Huminto kami sa isang karinderya. Nilapag nila ang mga kahoy sa gilid nito kaya nilapag ko na rin ang bitbit ko. Sumunod lang ako sa kanila. Hindi ako pamilyar sa lugar na 'to. Where am I? Una, hindi ko alam kung bakit ako napadpad sa gubat, ngayon naman hindi ko alam kung anong lugar 'to at nasa saan na ako. The streets aren't familiar, the people, the road, the place are not familiar. Bakit ba ako nanfito? Ano nangyayari? Impossible naman na panaginip 'to dahil ramdam ko kanina ang kaba, galak, at takot.

"Oh, 'neng. Saan ba ang bahay mo at mahatid ka," sabi sa akin isang lalaki kanina pagktapos niya ayusin ang kahoy.

"Sa St. Ignacio po." Kumunot ang noo niya pati na rin ang mga nakarinig. Bakit? Anong mayroon? Parang hindi sila naniniwala na may gano'ng lugar. Hindi ba nila alam 'yon?

"Walang St. Ignacio na sinasabi mo rito, 'neng. Naliligaw ka ata. Ano ba nangyari sa 'yo? Nako, delikado ngayon, mag-ingat ka lagi. Halika, tawagan natin mga magulang mo." Akmang sasamahan niya ako sa loob ng karinderya kung saan may telepono pero agad din natigilan sa sinabi ko.

"Patay na po mga magulang ko..." Nalungkot sila sa akin. Agad din naman sila nag-aalala. Hindi ko alam bakit sila nag-aalala sa akin, hindi naman nila ako kilala. Dahil ba naaawa sila sa akin? Ayaw ko no'n. Ayaw kong kinakaawaan. Feeling ko wala akong kwenta.

"Nako, pasensya na, 'neng. Sino kasama mo sa bahay? Sino puwede mo contact-in?" Si lolo lang ang kasama ko sa bahay kaso wala siyang cellphone. Si tita naman na tumutulong sa amin ay hindi ko kabisado ang number dahil hindi ko natatanong at siya ang tumatawag at pumupunta sa amin tuwing unang Linggo ng buwan.

"W-Wala na po," nautal kong sabi dahil nawalan na ako ng pag-asa makauwi. Ano na mangyayari sa akin? Saan na ako pupunta nito? Bakit hindi nila alam ang bahay ko? Nasaan ba ako? Bakit ba ako napadpad dito? May nagawa ba akong mali? Hindi naman siguro tungkol kay papa 'to dahil alam kong mabuting tao si papa. Ano na gagawin ko? Kanina pa ako tanong nang tanong dito. Kanina pa ako naguguluhan sa nangyayari. Hanggang ngayon, wala pa rin akong nakukuha na sagot.

"Paano na 'yan, 'neng?" Nagkamot ng ulo si kuya dahil hindi na rin alam ang gagawin sa akin. Nanlulumo akong yumuko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naiiyak na ako. Kanina pa ako nawawalan ng pag-asa. Ano ba nangyayari sa akin?

"Dumito ka muna sa amin." Lumabas ang isang babae sa karinderya habang nagpupunas ng kamay sa apron niya. "Tutulungan ka namin makauwi, 'wag kang mag-aalala. Dito ka muna habang hindi ka pa makauwi. Maglalagay kami ng mga missing person sign diyan."

Nag-alangan agad ako dahil baka makaabala ako sa kanila. Sila na nga ang nakahanap sa akin tapos patutuluyin pa ako sa bahay nila. Ang pabigat ko talaga. Kung hindi sarili ko ang pahihirapan ko, ang ibang tao naman.

"T-Talaga po?" Tumango siya na ikinatuwa ko. Gan'to pala ang feeling na may willing na tumulong sa 'yo, 'no? At hindi ko pa sila kakilala. It was settled. Dito muna ako sa kanila habang hindi pa ako nakakauwi. Sana ay makauwi agad ako dahil ayaw kong may naabala akong tao.

Tumulong ako sa pag-aayos ng kahoy at mag-ayos sa karinderya nila. Sakanila pala 'tong karinderya. Mukhang kilala sila dahil marami-rami ang nakikita kong bumibili at kumakain dito. Alas siyete kami natapos sa paglilinis. Dumiretso uwi rin naman agad kami. Malapit lang ang bahay nila sa karinderya nila. Habang naglalakad kami papunta sa bahay nila, naalala ko si lolo. Nag-aalala na siguro 'yon. Sana makauwi na ako agad.

Nang makarating kami sa bahay nila, agad naglinis si Aling Melinda, ang kumupkop sa akin na asawa ni Manong Bert na nakahanap sa akin sa may gubat. Gusto ko siya tulungan sa paglilinis ng sala dahil ako naman ang matutulog do'n pero ayaw niya dahil ako raw ang bisita. Nagpasalamat ako sa kanila. Inayos ko na rin ang mahihigaan ko.

I looked at the window dito sa sala nila. Bilog na bilog ang buwan, unti lang din ang mga bituin na nakakalat sa langit. Bakit kaya bilog na agad 'yon? Last night it was just a haf moon. Weird.

---

Lumipas ang ilang linggo na andito pa rin ako. Tumutulong ako sa karinderya ni Aling Melinda. Ayaw ko namang walang ginagawa. Feel ko ang pabigat ko kapag gano'n.

I'm washing the dishes nang umunti ang mga kumakain. Mag-aalos dos na at paunti na ang mga tao sa gan'tong oras. Madalas ay dinadagsa kami tuwing alas onse at alas dose ng hapon.

"Faye, iha, puwede mo ba ipabarya 'to? Wala na tayong barya, e." Inabot sa akin ni Aling Melinda ang dalawang isang libo.

Naghugas muna ako ng kamay bago abutin 'yon at nagpapalit na sa malapit na tindahan. Medyo malayo ang ibang tindahan. Magkakalayo ang mga tindahan dito na parang magkakaaway. Sa amin ay kapag wala sa isang tindahan ang bibilhin mo, puwede ka kaagad makapunta sa kabila dahil magkakatabi lang 'to. Pagkabalik ko binigay ko kay Aling Melinda at barya at tinapos ko na ang hugasin.

Nagpunas ako ng pawis at nagpahangin saglit bago lumabas ng kusina para matulungan ko sila sa pag-aasikaso ng mga bumibili at kumakain.

"Magpahinga ka munra ro'n, Faye." Turo ni Aling Melinda sa upuan sa gilid. Napansin niya ata na katatapos ko lang maghugas.

"'Wag na po. Tulungan ko na po kayo riyan magligpit," sabi ko dahil nakita ko siyang magliligpit na sa labas. Kumuha rin ako ng basahan at hinugasan 'to. Dumiretso agad ako sa mga lamesa para hindi na siya makaangal. Ayaw kong walang ginagawa rito dahil feeling ko kaagad pabigat ako.

We cleaned the tables when the customers left. Nagsimula na rin kami magligpit ng mga lalagyan ng ulam dahil naubos na 'yon. Nagsara kami pagkaubos ng mga pagkain. Nang mai-lock ang karinderya, naglakad na kami papunta sa bahay nila Aling Melinda. We ate at their house. Nagpalipas kami ng araw kaliligpit ng gamit sa bahay at manood sa T.V. nila. Mabuti at maayos pa 'yon.

Pinaglatag ako ni Aling Melinda habang kinukuha ko ang unan ko sa kuwarto nila. They only have one room in the house kaya sa sala ako matutulog. I don't mind. I respect their privacy at hindi naman ako maarte sa higaan. Basta makatulog, ayos na 'yon.

"Salamat po," sabi ko at humiga na. Pumasok naman na sila sa kuwarto nila nang masiguro na maayos na ang lagay ko. Humiga naman na ako. Kailan kaya ako makauuwi? Ilang linggo na ako rito. Kumusta na kaya si lolo?

Ilang minuto akong nakatitig sa kisame dahil hindi pa ako inaantok. Tumayo ako para kumuha ng tubig. Hinugasan ko na rin ang ginamit kong tubig para wala ng aalalahanin si Aling Melinda pagkagising niya dahil lagi siya ang mauna magising sa amin.

Bumalik ako sa higaan at napatingin sa bintana. Litaw na litaw ang buwan na bilog na bilog. Marami-rami ang bituin. Kita ko ang isang bituin na malayo sa mga ibang bituin. Napangiti ako dahil napagtanto ko na siya ang pinakamaliwanag sa langit. May nabigyan na ba ako ng liwanag? May tao kaya na sa tingin sa akin ay liwanag sa buhay niya?

I shook my head and set aside that thought. Funny how I really thought of that. That's impossible. I think I'll forever have a pitiful life. Hihiga na sana ako nang makita ang tatlong bituin na magkakasunod. Matagal tagal ko ring hindi 'yon nakita. Ang huling kita ko ay nasa kuwarto ako.

Napabuntong hininga ako, sana makauwi na ako. Hindi ko maalis sa isipan ko si lolo. Lagi akong nag-aalala sa kaniya dahil mag-isa lang siya. Paano kung nakalimutan niya uminom ng gamot? Paano kung atakihin siya ng sakit niya? Wala siyang ibang kasama sa bahay. Walang tutulong sa kaniya.

Gusto ko na umuwi. Hindi na ako nakakapasok sa school. Kahit mga utos lang ang bumubungad sa akin, gusto ko pa rin mag-aral. Hindi ko namalayan na nakatulog na lang ako bigla.

---

"Faye, apo! Bangon na at hapon na." Nagising ako sa gising sa akin ni lolo. Nagkamot ako ng mata bago umupo sa higaan. "Gising na, apo!"

"Opo, Aling Meli--" Nagising bigla ang diwa ko at gulat na gulat nang makita na andito ako sa kuwarto ko. Andito ako sa kuwarto ko! Panaginip lang ba 'yon? Bakit parang totoo? Anong nangyayari?

Isinawalang bahala ko muna 'yon. Bumangon agad ako at niyakap si lolo nang makita ko 'to na handa nang kumain. Nagulat naman siya pero yinakap din ako pabalik.

"May masama ka bang panaginip, apo?" tanong niya habang hinahaplos ang kamay ko. Tumango naman ako sa kaniya. Bakit parang miss na miss ko siya? At bakit parang pagod na pagod ako?

Napatingin ako sa oras nang matapos kami kumain. Nanlaki ang mga mata ko. Alas dose na ng hapon?! Paano ang klase ko?!

"Lo, bakit hindi niyo po ako ginising? Late na late na po ako sa klase." Nagmadali akong nagligpit ng pinagkainan namin para makapag-ayos.

"Apo, sabado ngayon. Wala kang klase ng sabado, 'di ba?" Napahinto naman ako ro'n. Sabado ngayon? Pero bakit parang ang tagal tagal kong hindi nakapasok? Feeling ko ang dami naman nangyari. Ito ba ang epekto ng panaginip ko?

I didn't know that the feeling and experience from that so-called dream will be the feeling that I always want to feel and the life I always want to experience.

Related chapters

  • The Darkest Light   Chapter Three

    "Apo, tapos ka na ba sa ginagawa mo?" tanong ni lolo na nakasilip sa pinto ng kuwarto ko. After I realized that it was all a dream, I get back to do what I usually do. "Opo, malapit na po." Ginagawa ko ang survey questionnaire na pinagawa sa akin ni Charrieze. Nang matapos ko, I send her the documents. Isinara ko na ang laptop ko. Hindi ko na inantay ang sagot ni Charrieze dahil alam kong plastic lang ang ipapakita o sasabihin niya sa akin. Lumapit ako kay lolo na inaantay ako para sabay kami kumain. It's already seven in the evening. Kumakain kami nang mapansin ko ulit ang tatlong bituin sa langit. It's really weird at the same time mesmerizing. May tawag ba sa tatlong bituin na 'yan? I wonder... "Lo, nakikita niyo po ba 'yong tatlong bituin sa langit? 'Yong parang tatlong tuldok po na magkakasunod?"Nakakunot ang noo niyang sinilip ang bintana. Nanliit ang mata niya at inayos ang salamin para makita 'yon nang mas maigi. "Wala naman, apo. Baka m

    Last Updated : 2021-07-24
  • The Darkest Light   Chapter Four

    Matagal ako tumititig sa kawalan. Trying to sink in what is happening. Is this possible? Pinalobo ko ang pisngi. Kung hindi posible, mararanasan mo ba 'to? Minsan ang bobo ko rin talaga, e. "Kain na, apo." Hindi ko alam ang gagawin ko. Lolo saw me at the kitchen earlier. Ang sabi ko ay matutulog ulit ako pero hindi na ako nakatulog ulit no'n. Kanina ko pa kase iniisip ang mga nangyayari. Pumunta ako sa kusina nang marinig ulit ang tawag ni lolo. Inalalayan ko na si lolo sa hapagkainan. Nagluto muna ako saglit at kumain na kami. Hindi ko alam kung paano ko rin natapos ang pagluluto at pagkain nang malalim ang isip. Buti na lang at hindi ako nakagawa ng ikadidisgrasya ko. "May problema ba, apo?" Napatingin ako kay lolo na nag-aalalang nakatingin sa akin. Nginitian ko siya. "Wala po, Lo. Ayos lang ako." Ngumiti ulit ako sakaniya pero hindi siya kumbinsido. "Tumatanda ang mukha mo, Apo. Baka maunahan mo pa akong kumulubot ang mukha, kaya 'wag ka n

    Last Updated : 2021-10-20
  • The Darkest Light   Chapter Five

    I can't believe what happened earlier. I just got hit by a car. Buti na lang hindi gano'n kalakas ang impact no'n. Kung hindi, hindi ko na alam ang mangyayari sa akin. Good thing na 'yong nakabangga sa akin ay mabait. I didn't experience a hit and run. "Doon ka muna sa kuwarto ni Chryszyler, sa ngayon." Nanlaki ang mata ko sa narinig at magrereklamo sana ngunit naunahan ako ng isa. "What?!" Kung maka-react 'to. Hoy, ako rin ayaw ko rito! Ang gusto ko lang naman makita ulit sina Jeruza pero dito ako napadpad. Makikita ko pa kaya sila? Sina Ate Melinda at Mang Bert kaya? "Dito na lang po ako sa sofa. 'Di naman po ako magtatagal dito," sabi ko sa kanila. I heard Chryszyler hissed, again. "Baka kung ano gawin niyan sa kuwarto ko," inis na sabi niya. I'm not that kind of person. "Chryszyler!" saway sa kaniya ng papa niya. "Doon siya sa ayaw at sa gust--" "Okay lang po ako rito sa sofa," I said, cutting his father off. I smiled at them para

    Last Updated : 2021-10-21
  • The Darkest Light   Chapter Six

    After Chryszyler get tickets from Universe's next gig, we just waited for two days before finally going there. Sa dalawang araw ng pag-aantay, naging mas mabait siya sa akin at tuwing nakakakuha ako ng tyempo, tinatanong ko siya tungkol sa Universe at kung paano niya nagustuhan ang musika. "You know how the notes are black and white, right?" Tumango ako. "But for me, it was the most colorful thing in my eyes. It gave my life a color and rhythm." I fell in love in those words the moment I heard it. I wonder if I also have something that let my life colorful. Or if my life's really that dull or it's just myself. --- "Tagal naman," sabi ko at pinalobo ang pisngi ko. Andito kami sa kotse ni Chryszyler. We're on the way to Universe's gig. Kanina pa ako atat na atat na makapunta ro'n. I miss watching them play! I didn't even heard them play the one I requested, which is Ignorance by Paramore. Bumalik kaagad ako sa world ko! "Ang tagal." Huma

    Last Updated : 2021-10-22
  • The Darkest Light   Chapter Seven

    After that talk, we remained quiet at his car. Tahimik kaming nakarating sa karinderya ni Aling Melinda. Tuwang-tuwa ako nang makita siya ro'n na naglilinis ng lamesa. I heard the lock, binuksan na ni Chryszyler 'yon. Tinanggal ko ang seat belt ko at lumabas. I ran to Aling Melinda, when she noticed me, she smiled brightly. Kumaway siya sa akin habang lumalapit. "Oh! Kumusta ka? Hindi ka na umuwi rito. Nakauwi ka na ba sainyo?" I bit my lower lip and looked at the guys who's still walking towards us. Buti na lang hindi nila narinig 'yon. "Opo, pero sabi ko po gusto ko po kayo bisitahin," palusot ko. Nginitian ko siya at hindi ko na napigilan yakapin. I miss her! Siya ang unang tumulong sa akin sa mundo rito. Kumalas ako sa yakap nang lumapit na sila sa amin. "Oh! Sino 'tong mga kasama mo?" she asked. "Ay, kayo rin ang kumain dito nakaraan, ano?" "Thy, Drake, Leigh, Jeruza, and Chryszyler." I introduced them one-by-one. Nakipagkamayan naman si

    Last Updated : 2021-11-01
  • The Darkest Light   Chapter Eight

    I ran towards their classroom. I can't think of anything, basta ang gusto ko lang ay malaman niya ang nangyari. I checked his phone if the call is still on going and it is. Good thing the doctor didn't end it yet. "Hello? I'm on my way to Chryszyler Dizon, can you wait?" [ Hello, ma'am. Dr. Dy handed me the phone because he needs to go to a patient. Mr. Dizon is needed here as soon as possible. Can you hurry, ma'am? ] Mas binilisan ko ang takbo ko. Hiningal akong nakapunta sa tapat ng pinto nila. Pinunasan ko muna ang luha ko bago kumatok, hindi ko na inantay ang permiso ng teacher nila, binuksan ko na agad ang pinto. They all turned to me. Hindi ko sila pinansin at hinanap agad si Chryszyler. I saw him at the second row, near the window. His bored look turned into a worried look when he saw me, maybe he notice that I cried? Tumayo siya kaya napunta sa kaniya ang atensyon. Hindi niya rin 'yon pinansin at mabilisang pumunta sa akin. He cupped m

    Last Updated : 2021-11-02
  • The Darkest Light   Chapter Nine

    We're still at the hospital. Wala rin naman akong ibang gagawin dito buong araw kaya sinamahan ko na si Chryszyler. I can't leave him in this state. Wala siyang ibang kasama. "Hindi ka ba pagagalitan sa school niyo?" I asked. Hindi siya nakapagpaalam no'n. The school might even give him a suspension or worse, he'll get expelled. Hindi naman siguro, 'no? Valid naman ang reason niya. His parents got into an accident and he needs to be here as soon as possible, the school will understand it. "He shook his head. He rest his head at his hand that's above the armrest of the sofa. Inaantok ako. Hindi pa ako nakakatulog talaga dahil pagkauwi ko ay dumiretso ako rito. I yawned. Napansin naman ni Chryszyler 'yon. He even yawned too. "You sleepy?" he asked. His curious and worried eyes looked at me. I shook my head, telling him I'm not sleepy kahit inaantok na talaga ako. Nakakahiya naman kung matutulog ako rito. Kung matutulog man ako, wala siyang pwesto. Isa lang ang

    Last Updated : 2021-11-03
  • The Darkest Light   Chapter Ten

    "M-Mang Bert..." Kanina pa kami nagtitigan dito. Hindi namin alam kung anong salita ang bibigkasin. Nakita niya ba ako na bigla akong lumitaw? "A-Andiyan ka pala, Mang Bert?" tanong ko. Gagana ba 'to? Kunware wala akong alam. Napakurap-kurap naman siya bago ilapag ang punong-kahoy sa tabi. Pinagmamasdan ko ang bawat kilos niya. Kinakabahan na ako! "P'wede mo ba ako tulungan dito, Faye, iha." I tilted my head to the side. Still processing what he said. Wait. Hindi niya nahalata? I heaved a sigh before helping him. Naginhawaan ako! Pagkatapos ko siyang tulungan ilagay ang mga punong-kahoy sa tabi ng karinderya, tinanong ko kung nasa saan si Aling Melinda. "Nasa kusina, nagluluto." Tinitigan ko muna siya magputol do'n bago pumunta sa

    Last Updated : 2021-11-04

Latest chapter

  • The Darkest Light   Special Chapter

    "You're early." He smiled at me.I smiled back. Umupo ako sa sofa dahil sinenyasan niya ako. Gulo-gulo pa ang buhok niya dahil bagong gising. Sa sofa lang siya natutulog. Hindi talaga niya iniiwan ang magulang niya rito sa hospital.Pagkauwi ko, lagi na akong dumidiretso rito. It's been two weeks, but his parents are still unconscious.Sinasamahan ko siya buong araw. Umaalis ako ng 10 PM. Hindi na siya nagpumilit maghatid dahil sinasabi ko na sinusundo ako ng driver namin.Bumili siya saglit ng pagkain namin pagtapos niya maghilamos. I was left here at the hospital room. Wala akong magawa kaya tinignan ko nalang ang mga nakakabit na kung ano sa magulang niya.Kailan kaya sila magigising? The doctors always say that they're stable and we just need to wait. It's been two weeks, we're still waiting. Are they really okay?I'm worried. I don't want him to lose his

  • The Darkest Light   Special Chapter: Reunion

    Thyron's POV "Tama na 'yan, oy." Inagaw ko ang bote ng alak kay Zy. This guys kept on drinking straight for a week. Simula nang mawala si Faye, bumalik lahat sa normal. She really knows what is the right thing to do, but doesn't know how to make herself happy. Umiling ako at hinila patayo si Zy. "What? I'm not done." Inagaw niya ang kamay na hawak ko. I sighed. Kinamot ko ang ulo ko sa inis. "Susumbong kita kay Faye umiinom ka," pagbabanta ko. I smirked when he lift his head. "Where is she? Is she here?" Tumayo siya at nagsimula maghanap. I pursed my lips. Nagkaroon agad ako ng alaga. "At your house, tumawag sa akin." "Why didn't she called me? Doesn't she love me?" Lasing na talaga ang gago. "Dalian mo, 'wag mo pag-antayin si Faye." Lumabas agad siya ng ba

  • The Darkest Light   Epilogue

    It's been five years since I had left Universe's world. I tried to go back last year, but I can't anymore. I wonder what happened. Nag-aalala ako sakanila, what if something happened to them? Pero wala akong magawa dahil hindi naman ako makapunta sakanila. "Ms. Maravilla!" I looked at my boss. Nasa conference room kami at lutang ako! Kinabahan agad ako dahil lahat sila nakatingin sa akin. "Y-Yes, Mr. Clayton?" I blowed my cheeks when he shooked his head. "I'm asking you how's the project going?" I've explained it to them. I'm now working in Herera company as a Project Manager. It's tough. I'm doing my best to have a smooth run of the project. I've been hands on. They didn't asked anything anymore because I told them the most important and detailed information they needed. The meeting ended. Bumalik na ako sa office ko at nakita ko 'yong tatlo kong

  • The Darkest Light   Chapter 32

    "Chryszyler, we're going!" I heard Mom said. I quickly go to her. They're going to their work at our business. It's their first time. Katatayo lang ng business namin.Pumasok ako sa kotse. Tinignan ko ang oras, 8 AM pa lang. Exactly 8:56 AM, ando'n na kami. Kabisado ko na ang mangyayari kaya hindi na ako na-excite. After repeating it all for my parents to live again, I forgot what's the feeling of living.Kumunot ang noo ko dahil busina nang busina si Dad. This isn't right. What the hell is happening? My eyes widen when we bumped into a girl.Lumabas agad sina Mom and Dad sa kotse para tignan ang nangyari. Hindi matanggal ang pagtataka ko. This isn't what I remember.Sumilip ako sa bintana, nakita ko ang babae na nakatayo na. Sino 'to? I don't fucking know her. Where did she come from?I can't help but hissed. Ang bobo naman tumawid nito. Okay lang daw siya kahit hindi naman. "Mu

  • The Darkest Light   Chapter 31

    By private he meant sa likod ng karinderya. Marami akong gusto sabihin sakaniya kaso hindi ko alam kung saan magsisimula."Stop interfering. Para wala tayong problema.""Problema? Ano ba ang problema natin dito? Ang paghihimasok ko na sinasabi mo na hindi ko naman alam kung ano?!"Tinikom niya ang bibig niya. He want to say lol something pero hindi niya tinutuloy. What? I want him to say something! Say what he knows!"Ano? Tell me what you know!""Everything! I know everything! I'm the one who caused this all! I've been doing this for so long without a problem then you showed up!""Ano?" hingal na hingal na sabi ko. Sa sobrang inis ko kanina, hindi na normal ang paghinga ko. Pati siya, hingal na hingal siya. Tinignan namin ang isa't isa. Pareho kaming pagod at hingal. Pareho kaming naiinis sa nangyayari."I know everything... I remember i

  • The Darkest Light   Chapter 30

    "Okay, next song." They're practicing their first gig with Chryszyler. Jeruza is always by my side kaya hindi ko na rin napapansin at nag overthink sa presence ni Chryszyler.Nanghingi ng break si Thy kaya tumigil muna sila. Nagulat ako dahil inakbayan niya agad ako at hinila palabas ng studio."Ano meron?" I asked. Dire-diretso ang lakad namin hangga't sa makapunta kami sa tindahan kung saan kami bumibili ng tubig."Ate, anim na tubig po." Hindi niya pinansin ang tanong ko at bumili lang ng tubig. Mukhang nagpasama lang naman siya kaya hindi na ako nagtanong ulit.We're walking back to the studio while carrying six bottles of water. Siya lang pala 'yong may bitbit."Ang tahimik mo,"

  • The Darkest Light   Chapter 29

    "Faye!" I turned around to face Thy when he called me. Bigla na lang may panyo na napunta sa mukha ko. Kinuha ko 'yon at tinignan nang masama si Thy. Tumawa siya. This guy!Andito kami ngayon sa studio, they're preparing for another gig. Months passed and I think the situation changed. Is it because of the fashion show gig? That I need to be with Chryszyler that time?These past months I focused myself to helping Aling Melinda at the karinderya, having fun with Universe and help them with their gigs and all.Hindi na rin naman kami nagkikita ni Chryszyler simula no'ng pumunta sila ng parents niya. We didn't really talk that much. Why would we? As far as I know, he doesn't remember me."Faye, tulala ka na naman!" sabi ni Jeruza. "Hayaan mo 'yon, basta mahal ka namin!" dugtong pa niya.Natawa ako at inakbayan si Jeruza. Katatapos lang nila mag practice. Balak nila kumain sa labas o

  • The Darkest Light   Chapter 28

    When the three arrived we were quiet, well, I'm quiet the whole day. Thy knows why, but I'm thankful he didn't push to know what is our connection."Faye, alis na kami. Bukas ulit!" Jeruza tried to be energetic. She noticed my sudden silence, all of them did. Siguro ayaw muna nila ako tanungin.I smiled, kahit hindi nila nakikita dahil sa oxygen mask ko. Nakita naman nila ang mata ko, kaya para kahit papaano, bago sila umalis hindi ako nakasimangot. "Ingat. Thank you for today."They were hesitating to leave me because I'm not in myself. I convinced them that I'll be okay, ayaw ko na sila pag-alalahanin, ayaw ko na rin sila magstay pa dahil babalik na ako mamaya.They usually go home at 10 PM, pero they extended their time, kaya 11 PM

  • The Darkest Light   Chapter 27

    I woke up, still feeling dizzy. I looked around and I'm still at the Hospital. My eyes automatically looked for my friends. Wala sila..."Is that a dream?" I whispered to myself. Nakita kong may nakakabit ng oxygen mask sa akin. I didn't have it before. Did something happened?Nakarinig ako ng ingay na papalapit. Biglang bumukas ang pinto at pumasok isa isa ang mga kaibigan ko. May mga dala silang paperbag at nagkwekwentuhan."Faye! Gising ka na!" Jeruza came to me. Siya lang ang walang hawak na paperbag. Yayakapin na niya sana ako pero nakita ang itsura kong may oxygen mask, may benda sa ulo, at 'yong nakakabit sa kamay ko.Dahan dahan akong umupo kaya inalalayan niya agad ako. Inabutan ni Drake si Jeruza ng dalawang paperbag bago um

DMCA.com Protection Status