Home / Fantasy / The Darkest Light / Chapter Three

Share

Chapter Three

Author: tywaiseuuuu
last update Last Updated: 2021-07-24 05:14:07

"Apo, tapos ka na ba sa ginagawa mo?" tanong ni lolo na nakasilip sa pinto ng kuwarto ko. After I realized that it was all a dream, I get back to do what I usually do.

"Opo, malapit na po." Ginagawa ko ang survey questionnaire na pinagawa sa akin ni Charrieze. Nang matapos ko, I send her the documents. Isinara ko na ang laptop ko. Hindi ko na inantay ang sagot ni Charrieze dahil alam kong plastic lang ang ipapakita o sasabihin niya sa akin.

Lumapit ako kay lolo na inaantay ako para sabay kami kumain. It's already seven in the evening. Kumakain kami nang mapansin ko ulit ang tatlong bituin sa langit. It's really weird at the same time mesmerizing. May tawag ba sa tatlong bituin na 'yan? I wonder...

"Lo, nakikita niyo po ba 'yong tatlong bituin sa langit? 'Yong parang tatlong tuldok po na magkakasunod?" Nakakunot ang noo niyang sinilip ang bintana. Nanliit ang mata niya at inayos ang salamin para makita 'yon nang mas maigi.

"Wala naman, apo. Baka malabo na talaga ang mata ko." Kinuha niya ang salamin niya at pinunasan 'yon bago kumain ulit. Tumingin pa ulit ako ro'n before finishing my dinner. Siguro nga hindi lang kita ni lolo. Wala pa akong naririnig o nakakakita na may nakapansin na no'n. O baka hindi lang din nila sinasabi at sinasawalang bahala lang nila 'to? I don't know why I'm overthinking this.

Umiling ako at bumuntong hininga. Linisan ko na lang ang lamesa at naghugas ng pinggan. Pinatulog ko na si lolo at pumasok sa k'warto. I checked my phone and saw Charrieze chat.

Charrieze Ocampo:

Rename mo naman 'yong file.

I rolled my eyes upon reading her chats. Hindi ba siya marunong? O mga ka-group niya? Ako talaga lahat?

You:

Anong file name?

Gusto kong pukpukin ang ulo ko sa dingding. Siguro gan'to nalang ako palagi? Utusan?

Charrieze Ocampo:

Group 3: Survey Questionnaire, ano pa ba dapat?

Napapikit ako nang mariin at napasinghap sa sagot niya. I just renamed the file and send it to her. Seen lang ang inabot koo sa kaniya. Why would I expect her to say thank you? Parang hindi naman ako nasanay na wala lang lahat ng ginagawa ko. When will someone see my efforts? It's like I'm doing my best but no one sees it, but if I made a mistake they all see it.

I sighed. Itinabi ko na ang cellphone ko at humiga na sa kama. This overthinking and self blame won't help me but I just seem to like doing it.

I hope I can go where there's nothing like her. How can somebody don't appreciate the efforts you did? May bayad ba ang "thank you" at "sorry"? Hirap na hirap silang sabihin 'yon na parang krimen. Pumikit na ako at unti-unting nakatulog.

---

Naalimpungatan ako sa ingay na narinig ko. Iminulat ko ang isa kong mata nang kaunti dahil nakakasilaw ang liwanag na nanggagaling sa araw.

Napabalikwas ako ng bangon nang makitang wala na naman ako sa k'warto ko. Andito ako sa sala ni Aling Melinda! Pero paano? 'Di ba panaginip lang 'yon? Ano 'to? Continuation? Ano na naman nangyayari?

Narinig ko naman na may mga kaluskos sa kusina kaya nagpunta ako ro'n. I saw Aling Melinda cooking breakfast. Naramdaman niya ata ang presensiya ko kaya napalingon siya sa akin. She smiled, brighter than the sun, and I smiled back.

"Magandang umaga, Faye."

"Magandang umaga rin po." She gestured me to sit at the dining table that's why I obliged. Inihain niya ang niluto niyang sangag, itlog, at ham. Sakto pang breakfast.

Hindi ko alam kung bakit andito ulit ako. Hindi ko alam kung bakit ko na naman napapaginipan 'to. But it feels relieving to see this again. It's like my second home.

"Ang aga mo ngayon, a," sabi niya pagkaupo sa tapat ko. Napatigil ako saglit dahil nararamdaman kong totoo 'to lahat at hindi ito isang panaginip. Parang ang tagal ko na rito at kabisado ko ang bawat detalye ng bahay nila. I often forget what I dreamed about last night, but this time, I remember everything. I remember the exact location where Aling Melinda put the salt, the pepper, the plates, all of it! Paano 'to magiging isang panaginip?

"Mukhang inaantok ka pa. Tatawagin ko lang ang Manong Bert mo para makakain na tayo." Tumayo siya at tinawag si Mang Bert sa k'warto nila. Tinitigan ko ang mga nakahain sa mesa. Kadalasan, hindi ko 'to maaalala, kapag naalala ko pa 'to paggising, magiging tama ang hula ko. Ang impossible lang naman ng iniisip ko.

"Oh, ang aga mo," sabi ni Mang Bert pagkakita sa akin. Nginitian ko siya. Pinagmamasdan ko naman silang umupo sa upuan katapat ko, magkatabi sila. Somehow, I feel happy and grateful for seeing them, again. Though, I'm really convincing myself that this is a dream.

Pinagsandok ni Aling Melinda si Mang Bert. Pagkatapos, nagulat ako nang ipagsandok niya rin ako kaya pinigilan ko kaagad siya.

"Ako na po." Aagawin ko na sana ang panandok sa kaniya nang iiwas niya 'yon sa akin. Ngumiti siya at tinuloy ang pagsandok ng pagkain ko. Hindi ako talaga ako sanay na ako 'yong tinutulungan.

"Ako na. Parang anak na rin kita, e." I smiled when I heard that. Bigla kong na-miss si papa. Hindi ko nakasama si mama sa buhay ko, sa picture ko lang siya nakita. Minsan, iniisip ko kung paano kami magkakasamang pamilya. Sino kaya mas magiging close ko sa kanila? Kung buhay kaya si mama, nasasabi ko kaya sa kaniya lahat ng nangyayari at nararamdaman ko? Si papa ang tumayong nanay at tatay ko pero nawala na siya agad sa akin.

Kumain kami at nagbukas ng karinderya. Weird how I remember how to go and how to open it. The day went smooth. Gaya lang ng dati, tumulong ako sa kanila sa karinderya. Naghain ng pagkain, maghugas, at maglinis. Bandang alas kwatro ng hapon, may dumating na magbabarkada. Dalawang lalaki at isang babae.

The one guy has this bright aura na parang happy-go-lucky lang dahil palangiti. He's wearing a simple v-neck white shirt and pants, may nakasukbit na gitara sa balikat niya at may hawak siyang black leather jacket sa kaliwang kamay.

The other guy seems likely a snob. Walang reaction ang mukha niya at parang hindi natutuwang andito siya sa mundo. He's wearing a checkered polo shirt na may hawak na drumstick.

The girl with them has this authoritative aura. Maayos ang tindig niya at halatang seryoso sa buhay. She's wearing a black cardigan with a gray shirt inside, and wearing a black cargo pants. May suot siyang pink spectacle na nakataas sa buhok niya.

Lahat sila matatangkad. Nauna ang dalawang lalaki na maupo at inasar pa ang babae dahil sa bagal nitong kumilos. Hindi sila pinansin ng babae at umupo lang nang diretso. Lumapit ako sa kanila para tanungin ang kakainin.

"Ano bang meron?" tanong ng babae sa akin. Tinanggal niya ang suot na salamin at nilapag 'yon sa mesa. Inayos niya ang buhok bago tumingin ulit sa akin.

"Bakit 'di mo 'ko kayang pansinin?~" I heard the guy wearing white shirt sang. I saw how the girl rolled her eyes when she heard the guy sang.

"Adobong baboy at bulalo na lang po." Ayon nalang ang natirang ulam dahil alas kwatro na. Nauubos agad ang ulam dahil maraming kumakain kapag lunch time.

"Antayin natin si Jeruza," the guy wearing the checkered polo said. He typed something on his phone.

"Papunta na ba, Drake?" mahinanong sabi ng babae. Tumango 'yong nangngangalang Drake. The guy wearing polo is Drake.

Dahan-dahan akong umalis sa table nila nang mag-usap sila ro'n. Hindi muna ata sila mag-oorder at aantayin 'yong Jeruza. Bumalik ako sa likod ng counter at naglinis muna dahil mukhang mamaya pa nga sila mag-oorder.

"May gig kayo mamayang 6 PM. Kailangan natin dalian kumain dahil kailangan 5:45, maayos na ang gagamitin niyo," the girl said. So, they're in a band?

"What song should we play?" Drake asked.

"Sweet songs?" the girl asked. The two boys cringed when they heard the girl. "There's a lot of teenager there. Mahilig sila sa mga gano'n."

"Most teenagers are wilds. How 'bout rock music with a sweet song in it?" the white shirt guy said. Tinaas baba pa nito ang kilay niya kaya tinarayan siya no'ng babae. Hindi ko alam kung totoo bang naaasar 'yong babae sa kaniya o gano'n lang talaga silang dalawa.

Hindi ko alam kung bakit nakikinig ako sa kanila. Mahilig ako sa music pero wala akong talento ro'n. Kahit ang pagsipol ay hindi ko kaya.

"Paramore musics?" Napukaw ang atensyon ko ro'n. I love that band! Napansin naman ni white shirt guy na napalingon ako kaya umiwas ako ng tingin at nagbalik sa paglilinis. Kahit tapos ko na linisan ay napalinis ako ulit sa kaba dahil sa titig at ngisi niya.

Dumating ang babae na tinawag nilang Jeruza kanina. Hindi katulad nila, naka jumpsuit 'to na red checkered at may white shirt sa loob. Naka-ponytail ang buhok niya kaya mas naging maayos ang itsura. She looks bubbly.

Nakipag-apir siya sa lalaking naka-white shirt at beso naman sa babae. Umupo siya sa tabi ni Drake at agad naman siya hinawakan sa bewang at may ibinulong dito. They're a couple.

Lumapit ako sa kanila dahil sinenyasan ako no'ng babae na may spectacle. Oorder na ata sila.

"Dalawang order ng adobong baboy at bulalo. Walong kanin." Tumango ako nang sabihin 'yon ng babae. Agad ako nagsandok at naghain ng mga kakainin nila. Hindi ko alam kung bakit parang natataranta ako. Nakikita ko sa peripheral vision ko na pinapanood ako ni white shirt guy sa pagsandok at paghain kaya dahdan-dahan ko 'yon ginagawa. Aling Melinda's busy checking and counting the money. Ando'n siya sa loob na maliit na kuwarto. Kaya ako na muna ang andito.

"Ang daming kanin, Leigh!" sabi ng naka-white shirt nang maihain ko ang walong kanin nila. Hindi ko alam bakit nagulat pa siya, e, sinabi naman ng babae na walo ang order nilang kanin. He's not paying attention.

The girl he called Leigh just gave them two rice each. She gestured them to eat and they quickly obliged. Under? Walang nagreklamo sa kanila. Kahit si white shirt guy ay hindi na nagreklamo at kumain na lang.

Tahimik lang silang kumain at minsan lang magsalita kung may itatanong o may naalala ang isa. Para silang galit sa isa't isa kapag kumakain.

Hindi ko na sila pinansin at naglinis na lang ng containers dahil ubos na ang mga ulam. Pumunta ako kay Aling Melinda na katatapos lang din magbilang.

"Ubos na ba ang ulam?" Tumango ako at umupo sa tapat niya. "Halika na, magsasara na tayo kung gano'n."

Akmang pupunta siya sa labas nang magsalita ako. "May kumakain pa po."

"Gano'n ba? Tawagin mo lang ako kung tapos na at matulungan kita." Tumango ako sa kaniya at bumalik sa labas.

Nakita ko namang tapos na sila at nagliligpit na. Agad akong pumunta sa lamesa nila para pigilan silang magligpit. Trabaho ko 'yon, bakit sila nagliligpit?

"Ako na," sabi ko.

Sabay-sabay naman silang umiling. Kumunot ang noo ko.

"Okay lang. Pagkain lang naman ang binayaran namin," the white shirt guy said. Ngumiti pa 'to sa akin.

"Saan 'to ilalagay?" sabi ni Drake na naka-poker face lang. Hindi ko tuloy alam kung napilitan lang siya o ganiyan talaga expression niya.

"Dito." Tinuro ko ang lamesa katabi ng lalagyan ng pera. Nilapag naman ng dalawang lalaki 'yong mga pinggan nila ro'n.

"Are you into music?" Napalingon ako nang tanungin ako ng white shirt guy. Ano bang pangalan nito? Siya na lang ang hindi ko alam ang pangalan. Why do I even care? They're just our customers here.

"What made you say that, Thy?" Leigh asked. Tumingin naman si Leigh sa akin at bumalik ang tingin do'n kay white shirt guy na Thy ang pangalan.

Ngumisi naman si Thy. "Kanina pa siya nakikinig sa atin simula nang mag-usap tayo tungkol do'n," sabi niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Tinignan naman nila akong lahat. I felt pressure. Bakit nakatingin sila?! Hindi ako sanay sa atensyon na nakukuha ko ngayon.

Leigh cleared her throat before looking at me. "They'll play later at Nuke field. Kung gusto mo manood, p'wede ka namin bigyan ng free access." Ngumiti siya sa akin. They were all looking at me. As if my answer will be the key of their lives. Kahit si Drake ay inaantay ang sagot ko na akala ko ay walang pakialam.

"May gagawin pa kas--"

"Nako! Okay lang, Faye! Sumama ka na sa kanila para naman makapasiyal ka," pagputol sa akin ni Aling Melinda. Napasinghap ako dahil narinig pala niya. Gusto ko sumama sa kanila dahil minsan nalang ako nakalalabas. Kahit sa totoong buhay, school, at bahay lang ako. Nagdadalawang isip lang ako dahil hindi ko pa naman sila gano'n kakilala.

"Tara na!" Hinila ako ni Thy at tawang-tawa dahil napatili ako nang mahina.

Binitawan naman niya kaagad ako. Pumasok kami sa isang van. Drake is driving for us, Jeruza is on the passenger seat. Kaming tatlo ay nasa likod. Nakita ko naman ang instruments nila sa likod. Hindi ko alam kung bakit dala pa nila ang gitara at drumstick nila kanina kung may van naman pala sila na p'wedeng paglagyan.

Nagka-eye to eye naman kami ni Jeruza sa may rear view mirror. "Hi!" Jeruza said. Nginitian niya ako. Her smile seems to always brighten up the mood.

"Hi," mahinang sabi ko. Ngumiti ulit siya.

"Don't be afraid. 'Di kami nangangain," sabi niya sa akin nang mapansin kung gaano ako katensyonado. "'Di ka sanay? Is this your first time?"

Tumango ako. Interview ba 'to? Sabagay, kakikilala lang namin.

"Don't worry. We'll take care of you!" Jeruza reassured.

"Safe ka riyan kay Jeruza," sabi ni Thy. Tumawa naman silang lahat kaya natawa na rin ako ng mahina. Gumaan na ang loob ko sa kanila agad. Alam kong pangalan pa lang nila ang kilala ko pero I'm comfortable.

Our trip went fast. Nakapasok naman agad kami. May iilang nakakita sa kanila kaya nilapitan pero hindi rin nagtagal dahil may mga bodyguards na humarang at pinaalis sila. Nag seset-up na sila ng gamit nila sa backstage. Drake's the drummer, Thy is their guitarist and vocalist. Leigh is their manager and Jeruza is their co-manager. Malawak ang field at marami na agad ang tao. Are they popular?

"Any song request?" tanong ni Thy habang tinotono ang gitara.

"Any Paramore songs?" tuwang-tuwa kong tanong. Tumango siya at umupo sa tabi ko habang tinutugtog nang mahina ang gitara.

"Ignorance?" Tumango siya at ngumiti. Nakita ko namang ngumisi si Drake sa gilid at napatango-tango si Leigh.

"Nice pick!" I heard Jeruza said. Sumang-ayon ang tatlo kaya napayuko ako. Namumula ata ako! Hindi ako sanay na pinupuri ako. Hindi ko alam ang dapat na reaksyon. Hindi ko akalain na sa pagpili lang ng kanta ay may pupuri na sa akin.

Pinapunta nila kami ni Jeruza sa upuan kung saan malapit ang stage. Si Leigh ay nanatili sa gilid ng stage dahil baka sakaling kailanganin siya. Pumasok si Drake at Thy sa stage kaya naghiyawan ang mga tao. Napatakip ako sa tainga ko. They're so loud!

Nakita ko namang napatingin si Jeruza sa akin at natawa. Tinignan ko naman din siya. Hindi ko siya masiyadong matignan dahil sa party lights, nakakasilaw. Nakita ko naman siyang ngumiti bago magtanong.

"Hindi ka sanay?" Tumango ako. Ngumiti siya ulit. Tumayo siya at nakisigaw rin kaya napatakip ako ng tainga habang tumatawa. Ang lakas ng sigaw!

"Kapag nakisigaw ka, hindi ka na maririndi. Let yourself be the most loudest. Don't be pressured by the things that surrounds you." Sumigaw ulit siya pagkatapos niya sabihin 'yon. Tumingin siya sa akin na parang inaantay na gawin ko ang ginawa niya. Tumayo ako kaya napangisi siya. Sumigaw ako na ikinatawa niya.

"Sige lang!" sabi niya. Ngayon ay sabay na kaming sumigaw. Namataan naman kami ng dalawa at nagsimula na silang tumugtog kaya mas lumakas ang sigawan namin.

Unang kinanta nila ay Only Exception ng Paramore. Buong pagkanta nila ay hindi natigil ang sigawan.

"I'll just buy us water. Sumakit lalamunan ko." Natawa kaming pareho sa sinabi niya. Tumango ako dahil masakit na rin ang lalamunan ko kasisigaw. Sigaw pa. Pakiramdam ko ay mapapaos ako.

Dumilim na nang lubusan. Umalis na si Jeruza sa tabi ko at bumili ng tubig. Naghahanda sina Drake at Thy sa susunod na kanta. Umihip ang malamig na hangin kaya nilamig ako bigla. The crowds didn't stop from being hyper. Ang iba kanina ay tumatalon pa. Nakita ko naman na nakangiti pa rin sina Drake at Thy kahit kita ang pagod at pawis nila.

Napahawak ako sa mata ko nang mapuwing kaya napapikit ako. Kasabay ng pagkamot ko ng mata ay biglang nawala ang sigawan kaya iminulat ko ang isa kong mata at napatigil nang nasa kuwarto ako.

Nakatayo ako sa k'warto ko katulad kanina. Napatingin ako sa bintana at mag-uumaga pa lang. Lumabas ako para uminom ng tubig dahil ramdam ko ang sakit ng lalamunan ko. Kung panaginip 'yon, bakit nakatayo ako at andito pa rin ang sakit ng lalamunan ko?

There's only one reason I could think of. I don't want to believe it because it doesn't make sense. Pero ang nangyayari sa akin... I'm world travelling?!

---

Song: Only Exception by Paramore

Related chapters

  • The Darkest Light   Chapter Four

    Matagal ako tumititig sa kawalan. Trying to sink in what is happening. Is this possible? Pinalobo ko ang pisngi. Kung hindi posible, mararanasan mo ba 'to? Minsan ang bobo ko rin talaga, e. "Kain na, apo." Hindi ko alam ang gagawin ko. Lolo saw me at the kitchen earlier. Ang sabi ko ay matutulog ulit ako pero hindi na ako nakatulog ulit no'n. Kanina ko pa kase iniisip ang mga nangyayari. Pumunta ako sa kusina nang marinig ulit ang tawag ni lolo. Inalalayan ko na si lolo sa hapagkainan. Nagluto muna ako saglit at kumain na kami. Hindi ko alam kung paano ko rin natapos ang pagluluto at pagkain nang malalim ang isip. Buti na lang at hindi ako nakagawa ng ikadidisgrasya ko. "May problema ba, apo?" Napatingin ako kay lolo na nag-aalalang nakatingin sa akin. Nginitian ko siya. "Wala po, Lo. Ayos lang ako." Ngumiti ulit ako sakaniya pero hindi siya kumbinsido. "Tumatanda ang mukha mo, Apo. Baka maunahan mo pa akong kumulubot ang mukha, kaya 'wag ka n

    Last Updated : 2021-10-20
  • The Darkest Light   Chapter Five

    I can't believe what happened earlier. I just got hit by a car. Buti na lang hindi gano'n kalakas ang impact no'n. Kung hindi, hindi ko na alam ang mangyayari sa akin. Good thing na 'yong nakabangga sa akin ay mabait. I didn't experience a hit and run. "Doon ka muna sa kuwarto ni Chryszyler, sa ngayon." Nanlaki ang mata ko sa narinig at magrereklamo sana ngunit naunahan ako ng isa. "What?!" Kung maka-react 'to. Hoy, ako rin ayaw ko rito! Ang gusto ko lang naman makita ulit sina Jeruza pero dito ako napadpad. Makikita ko pa kaya sila? Sina Ate Melinda at Mang Bert kaya? "Dito na lang po ako sa sofa. 'Di naman po ako magtatagal dito," sabi ko sa kanila. I heard Chryszyler hissed, again. "Baka kung ano gawin niyan sa kuwarto ko," inis na sabi niya. I'm not that kind of person. "Chryszyler!" saway sa kaniya ng papa niya. "Doon siya sa ayaw at sa gust--" "Okay lang po ako rito sa sofa," I said, cutting his father off. I smiled at them para

    Last Updated : 2021-10-21
  • The Darkest Light   Chapter Six

    After Chryszyler get tickets from Universe's next gig, we just waited for two days before finally going there. Sa dalawang araw ng pag-aantay, naging mas mabait siya sa akin at tuwing nakakakuha ako ng tyempo, tinatanong ko siya tungkol sa Universe at kung paano niya nagustuhan ang musika. "You know how the notes are black and white, right?" Tumango ako. "But for me, it was the most colorful thing in my eyes. It gave my life a color and rhythm." I fell in love in those words the moment I heard it. I wonder if I also have something that let my life colorful. Or if my life's really that dull or it's just myself. --- "Tagal naman," sabi ko at pinalobo ang pisngi ko. Andito kami sa kotse ni Chryszyler. We're on the way to Universe's gig. Kanina pa ako atat na atat na makapunta ro'n. I miss watching them play! I didn't even heard them play the one I requested, which is Ignorance by Paramore. Bumalik kaagad ako sa world ko! "Ang tagal." Huma

    Last Updated : 2021-10-22
  • The Darkest Light   Chapter Seven

    After that talk, we remained quiet at his car. Tahimik kaming nakarating sa karinderya ni Aling Melinda. Tuwang-tuwa ako nang makita siya ro'n na naglilinis ng lamesa. I heard the lock, binuksan na ni Chryszyler 'yon. Tinanggal ko ang seat belt ko at lumabas. I ran to Aling Melinda, when she noticed me, she smiled brightly. Kumaway siya sa akin habang lumalapit. "Oh! Kumusta ka? Hindi ka na umuwi rito. Nakauwi ka na ba sainyo?" I bit my lower lip and looked at the guys who's still walking towards us. Buti na lang hindi nila narinig 'yon. "Opo, pero sabi ko po gusto ko po kayo bisitahin," palusot ko. Nginitian ko siya at hindi ko na napigilan yakapin. I miss her! Siya ang unang tumulong sa akin sa mundo rito. Kumalas ako sa yakap nang lumapit na sila sa amin. "Oh! Sino 'tong mga kasama mo?" she asked. "Ay, kayo rin ang kumain dito nakaraan, ano?" "Thy, Drake, Leigh, Jeruza, and Chryszyler." I introduced them one-by-one. Nakipagkamayan naman si

    Last Updated : 2021-11-01
  • The Darkest Light   Chapter Eight

    I ran towards their classroom. I can't think of anything, basta ang gusto ko lang ay malaman niya ang nangyari. I checked his phone if the call is still on going and it is. Good thing the doctor didn't end it yet. "Hello? I'm on my way to Chryszyler Dizon, can you wait?" [ Hello, ma'am. Dr. Dy handed me the phone because he needs to go to a patient. Mr. Dizon is needed here as soon as possible. Can you hurry, ma'am? ] Mas binilisan ko ang takbo ko. Hiningal akong nakapunta sa tapat ng pinto nila. Pinunasan ko muna ang luha ko bago kumatok, hindi ko na inantay ang permiso ng teacher nila, binuksan ko na agad ang pinto. They all turned to me. Hindi ko sila pinansin at hinanap agad si Chryszyler. I saw him at the second row, near the window. His bored look turned into a worried look when he saw me, maybe he notice that I cried? Tumayo siya kaya napunta sa kaniya ang atensyon. Hindi niya rin 'yon pinansin at mabilisang pumunta sa akin. He cupped m

    Last Updated : 2021-11-02
  • The Darkest Light   Chapter Nine

    We're still at the hospital. Wala rin naman akong ibang gagawin dito buong araw kaya sinamahan ko na si Chryszyler. I can't leave him in this state. Wala siyang ibang kasama. "Hindi ka ba pagagalitan sa school niyo?" I asked. Hindi siya nakapagpaalam no'n. The school might even give him a suspension or worse, he'll get expelled. Hindi naman siguro, 'no? Valid naman ang reason niya. His parents got into an accident and he needs to be here as soon as possible, the school will understand it. "He shook his head. He rest his head at his hand that's above the armrest of the sofa. Inaantok ako. Hindi pa ako nakakatulog talaga dahil pagkauwi ko ay dumiretso ako rito. I yawned. Napansin naman ni Chryszyler 'yon. He even yawned too. "You sleepy?" he asked. His curious and worried eyes looked at me. I shook my head, telling him I'm not sleepy kahit inaantok na talaga ako. Nakakahiya naman kung matutulog ako rito. Kung matutulog man ako, wala siyang pwesto. Isa lang ang

    Last Updated : 2021-11-03
  • The Darkest Light   Chapter Ten

    "M-Mang Bert..." Kanina pa kami nagtitigan dito. Hindi namin alam kung anong salita ang bibigkasin. Nakita niya ba ako na bigla akong lumitaw? "A-Andiyan ka pala, Mang Bert?" tanong ko. Gagana ba 'to? Kunware wala akong alam. Napakurap-kurap naman siya bago ilapag ang punong-kahoy sa tabi. Pinagmamasdan ko ang bawat kilos niya. Kinakabahan na ako! "P'wede mo ba ako tulungan dito, Faye, iha." I tilted my head to the side. Still processing what he said. Wait. Hindi niya nahalata? I heaved a sigh before helping him. Naginhawaan ako! Pagkatapos ko siyang tulungan ilagay ang mga punong-kahoy sa tabi ng karinderya, tinanong ko kung nasa saan si Aling Melinda. "Nasa kusina, nagluluto." Tinitigan ko muna siya magputol do'n bago pumunta sa

    Last Updated : 2021-11-04
  • The Darkest Light   Chapter 11

    "What are you two talking about?" Jeruza asked the two boys. We're all curious and confused about them. It's like they know each other for too long and they're just catching up. "Nothing." He chuckled. I know it's not nothing. What does he know? He leaned at the sofa. Mariin ang tingin ni Chryszyler kay Thy. "Sayang naman ang shirts natin, hindi pala kayo makakatugtog," sabi ni Jeruza at nakatingin sa shirt. Nawala ang tingin ko sa dalawa. Napunta naman ang atensyon kay Jeruza. "Well, we need to practice," sabi ni Leigh. "Just text us. Kapag okay na lahat, we'll wait. This will serve as our rest," sabi ni Leigh sa kanila. Tumango si Chryszyler. Tumayo sila kaya napatayo ako. Chryszyler looked at me. May gusto siyang sabihin pero parang ayaw niya. "Tara, Faye!" aya ni Jeruza. Inangkla niya ang braso niya sa braso ko. Hinila na niya ako palabas. Hindi ko na napansin si Chryszyler. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Jeruza pero sumunod

    Last Updated : 2021-11-05

Latest chapter

  • The Darkest Light   Special Chapter

    "You're early." He smiled at me.I smiled back. Umupo ako sa sofa dahil sinenyasan niya ako. Gulo-gulo pa ang buhok niya dahil bagong gising. Sa sofa lang siya natutulog. Hindi talaga niya iniiwan ang magulang niya rito sa hospital.Pagkauwi ko, lagi na akong dumidiretso rito. It's been two weeks, but his parents are still unconscious.Sinasamahan ko siya buong araw. Umaalis ako ng 10 PM. Hindi na siya nagpumilit maghatid dahil sinasabi ko na sinusundo ako ng driver namin.Bumili siya saglit ng pagkain namin pagtapos niya maghilamos. I was left here at the hospital room. Wala akong magawa kaya tinignan ko nalang ang mga nakakabit na kung ano sa magulang niya.Kailan kaya sila magigising? The doctors always say that they're stable and we just need to wait. It's been two weeks, we're still waiting. Are they really okay?I'm worried. I don't want him to lose his

  • The Darkest Light   Special Chapter: Reunion

    Thyron's POV "Tama na 'yan, oy." Inagaw ko ang bote ng alak kay Zy. This guys kept on drinking straight for a week. Simula nang mawala si Faye, bumalik lahat sa normal. She really knows what is the right thing to do, but doesn't know how to make herself happy. Umiling ako at hinila patayo si Zy. "What? I'm not done." Inagaw niya ang kamay na hawak ko. I sighed. Kinamot ko ang ulo ko sa inis. "Susumbong kita kay Faye umiinom ka," pagbabanta ko. I smirked when he lift his head. "Where is she? Is she here?" Tumayo siya at nagsimula maghanap. I pursed my lips. Nagkaroon agad ako ng alaga. "At your house, tumawag sa akin." "Why didn't she called me? Doesn't she love me?" Lasing na talaga ang gago. "Dalian mo, 'wag mo pag-antayin si Faye." Lumabas agad siya ng ba

  • The Darkest Light   Epilogue

    It's been five years since I had left Universe's world. I tried to go back last year, but I can't anymore. I wonder what happened. Nag-aalala ako sakanila, what if something happened to them? Pero wala akong magawa dahil hindi naman ako makapunta sakanila. "Ms. Maravilla!" I looked at my boss. Nasa conference room kami at lutang ako! Kinabahan agad ako dahil lahat sila nakatingin sa akin. "Y-Yes, Mr. Clayton?" I blowed my cheeks when he shooked his head. "I'm asking you how's the project going?" I've explained it to them. I'm now working in Herera company as a Project Manager. It's tough. I'm doing my best to have a smooth run of the project. I've been hands on. They didn't asked anything anymore because I told them the most important and detailed information they needed. The meeting ended. Bumalik na ako sa office ko at nakita ko 'yong tatlo kong

  • The Darkest Light   Chapter 32

    "Chryszyler, we're going!" I heard Mom said. I quickly go to her. They're going to their work at our business. It's their first time. Katatayo lang ng business namin.Pumasok ako sa kotse. Tinignan ko ang oras, 8 AM pa lang. Exactly 8:56 AM, ando'n na kami. Kabisado ko na ang mangyayari kaya hindi na ako na-excite. After repeating it all for my parents to live again, I forgot what's the feeling of living.Kumunot ang noo ko dahil busina nang busina si Dad. This isn't right. What the hell is happening? My eyes widen when we bumped into a girl.Lumabas agad sina Mom and Dad sa kotse para tignan ang nangyari. Hindi matanggal ang pagtataka ko. This isn't what I remember.Sumilip ako sa bintana, nakita ko ang babae na nakatayo na. Sino 'to? I don't fucking know her. Where did she come from?I can't help but hissed. Ang bobo naman tumawid nito. Okay lang daw siya kahit hindi naman. "Mu

  • The Darkest Light   Chapter 31

    By private he meant sa likod ng karinderya. Marami akong gusto sabihin sakaniya kaso hindi ko alam kung saan magsisimula."Stop interfering. Para wala tayong problema.""Problema? Ano ba ang problema natin dito? Ang paghihimasok ko na sinasabi mo na hindi ko naman alam kung ano?!"Tinikom niya ang bibig niya. He want to say lol something pero hindi niya tinutuloy. What? I want him to say something! Say what he knows!"Ano? Tell me what you know!""Everything! I know everything! I'm the one who caused this all! I've been doing this for so long without a problem then you showed up!""Ano?" hingal na hingal na sabi ko. Sa sobrang inis ko kanina, hindi na normal ang paghinga ko. Pati siya, hingal na hingal siya. Tinignan namin ang isa't isa. Pareho kaming pagod at hingal. Pareho kaming naiinis sa nangyayari."I know everything... I remember i

  • The Darkest Light   Chapter 30

    "Okay, next song." They're practicing their first gig with Chryszyler. Jeruza is always by my side kaya hindi ko na rin napapansin at nag overthink sa presence ni Chryszyler.Nanghingi ng break si Thy kaya tumigil muna sila. Nagulat ako dahil inakbayan niya agad ako at hinila palabas ng studio."Ano meron?" I asked. Dire-diretso ang lakad namin hangga't sa makapunta kami sa tindahan kung saan kami bumibili ng tubig."Ate, anim na tubig po." Hindi niya pinansin ang tanong ko at bumili lang ng tubig. Mukhang nagpasama lang naman siya kaya hindi na ako nagtanong ulit.We're walking back to the studio while carrying six bottles of water. Siya lang pala 'yong may bitbit."Ang tahimik mo,"

  • The Darkest Light   Chapter 29

    "Faye!" I turned around to face Thy when he called me. Bigla na lang may panyo na napunta sa mukha ko. Kinuha ko 'yon at tinignan nang masama si Thy. Tumawa siya. This guy!Andito kami ngayon sa studio, they're preparing for another gig. Months passed and I think the situation changed. Is it because of the fashion show gig? That I need to be with Chryszyler that time?These past months I focused myself to helping Aling Melinda at the karinderya, having fun with Universe and help them with their gigs and all.Hindi na rin naman kami nagkikita ni Chryszyler simula no'ng pumunta sila ng parents niya. We didn't really talk that much. Why would we? As far as I know, he doesn't remember me."Faye, tulala ka na naman!" sabi ni Jeruza. "Hayaan mo 'yon, basta mahal ka namin!" dugtong pa niya.Natawa ako at inakbayan si Jeruza. Katatapos lang nila mag practice. Balak nila kumain sa labas o

  • The Darkest Light   Chapter 28

    When the three arrived we were quiet, well, I'm quiet the whole day. Thy knows why, but I'm thankful he didn't push to know what is our connection."Faye, alis na kami. Bukas ulit!" Jeruza tried to be energetic. She noticed my sudden silence, all of them did. Siguro ayaw muna nila ako tanungin.I smiled, kahit hindi nila nakikita dahil sa oxygen mask ko. Nakita naman nila ang mata ko, kaya para kahit papaano, bago sila umalis hindi ako nakasimangot. "Ingat. Thank you for today."They were hesitating to leave me because I'm not in myself. I convinced them that I'll be okay, ayaw ko na sila pag-alalahanin, ayaw ko na rin sila magstay pa dahil babalik na ako mamaya.They usually go home at 10 PM, pero they extended their time, kaya 11 PM

  • The Darkest Light   Chapter 27

    I woke up, still feeling dizzy. I looked around and I'm still at the Hospital. My eyes automatically looked for my friends. Wala sila..."Is that a dream?" I whispered to myself. Nakita kong may nakakabit ng oxygen mask sa akin. I didn't have it before. Did something happened?Nakarinig ako ng ingay na papalapit. Biglang bumukas ang pinto at pumasok isa isa ang mga kaibigan ko. May mga dala silang paperbag at nagkwekwentuhan."Faye! Gising ka na!" Jeruza came to me. Siya lang ang walang hawak na paperbag. Yayakapin na niya sana ako pero nakita ang itsura kong may oxygen mask, may benda sa ulo, at 'yong nakakabit sa kamay ko.Dahan dahan akong umupo kaya inalalayan niya agad ako. Inabutan ni Drake si Jeruza ng dalawang paperbag bago um

DMCA.com Protection Status