Share

Kabanata 59

Author: noowege
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Kanina lamang ay maingay ang mga bata na naglalaro habang binabantayan ni Treous. Katatapos lang maghapunan at kasalukuyan niyang chine-check ang report ng pinagkakatiwalaan niyang tauhan sa kompanya. Pagkapasok niya sa silid ay naabutan niya si Treous na nasa tabi ng dalawang bata na tulog na tulog na ngayon.

Hindi ito natulog nanatili lang na nakamasid sa dalawa. Napagod ang dalawang bata sa maghapon na paglalaro kasama ang ama nila.

Dahan-dahan na bumangon si Treous para umupo ng maayos sa kama. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Bahagya nitong hinila ang kamay niya upang maupo sa kandungan nito. Sumusob ang mukha nito sa leeg niya. Ramdam niya ang mainit nitong hininga doon.

“Pasensya ka na sa kakulitan ng dalawa,”aniya at yumakap dito.

“Hmm, I'm fine with it and I love it.”

Yumakap ito sa kaniya. Nanatili ang katahimikan ng ilang saglit. Tila dinadama ang init ng katawan ng bawat isa. Kapayapaan at katahimikan ang lumukob sa paligid.

“I wish to win your father's heart. Sinunod k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana matauhan na ang ama mo Salome at tanggapin ng bukal sa puso nya ang asawa mong si Treous
goodnovel comment avatar
イグナシオ ラバディア レーゼル
Update pls...
goodnovel comment avatar
editha balmores
sana double update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 60

    Nagising siya nang may maramdamang nakatingin sa kaniya sa paligid. At nang magmulat ng mata ay ang ngiti ni Treous ang sumalubong sa kaniya. "Morning,"bati nito sabay halik sa kaniya sa noo. Napaawang ang kaniyang labi nang pagmasdan ang mukha nito. Para pa ring isang panaginip ang lahat. Hindi niya lubos akalaing nangyari ang lahat ng iyon sa kanila. Muntik nang masira ang kaniyang pamilya. Muntik nang mawala sa kanila ang ama ng kaniyang mga anak. At parang kailan lang noong mangyari ang mga iyon. Kaya pakiramdam niya ay nananaginip pa siya."Morning, Treous." Mangha pero nagawa niya pa rin na ngumiti dito."Nasa baba na ang mga bata. Hindi ka na nila nahintay na gumising."Mahina siyang natawa dahil sa narinig. Ngunit kalaunan ay may naalala siya dahilan para mamilog ang kaniyang mata. Ito ang araw na pupunta siya sa company building para bumalik na ulit sa nakagawiang trabaho sa office. Tapos na ang semi vacation niya sa Paredez kaya balik opisina na naman siya ngayon."I'm la

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 61

    Narinig niya ang mga bulungan sa paligid. May tao. Nang unti unti niyang minulat ang mata ay bumungad sa kaniya ang puting kisame. Mabigat pa ang pakiramdam niya nang bumangon. “Mama?” Ang mukha agad ni Daniel ang sumalubong sa kaniya. Gulat na gulat ang anak. Napansin din ng iba pang nandoon na gising na siya. Sunod na lumapit ay si Treous na karga karga sa bisig ang bunso nilang si Treah. Agad na bumaba ang bata para yumakap sa kaniya. Napapikit siya nang yakapin siya ng dalawang anak.Nang maalala ang nangyari bago siya nahimatay ay agad siyang napaiyak. Ang ama niya. Wala na ang ama niya!“Si Papa? Nahanap na ba siya?” Sumabog ang private plane na sinakyan nito. Paniguradong nagkalasog lasog ang katawan nito. Mai-imagine niya pa lang kung gaano kasaklap ang nangyari sa ama ay parang pinagpipiraso ang puso niya sa sakit.“He's...”Bago pa makapagsalita si Treous ay may isang pumasok sa pinto. May bitbit na supot na may tatak ng kilalang restaurant. Napaawang ang labi niya. Gula

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 1 - Book 2

    Book 2: "THROUGH THE ROUGH WIND"“Nanggagayuma ang ina niyan. Kita mo? Nagawa niyang gayumahin ang mayamang negosyante sa Manila. Tapos ito namang si Grego, sinalo naman ang Mama niyang batang iyan. Hindi na nahiya, pinaangkin pa sa ibang lalaki ang anak niya sa iba.”“Kàpal talaga ng mukha!”Napayuko si Solen habang tinitingnan ang mga mumurahing candy sa bangketa. Day-off ng mama niya sa mansyon ng mga Elagrue. Kaya nagtungo siya dito sa sentro para sana gumala saglit. May paborito siyang candy sa tindahan dito na binabalik balikan niya.Kaya lang hindi niya maiwasang marinig ang mga masasamang mga salita ng mga tsismosang nag-uusap tungkol sa Mama niya. “Maganda iyang batang iyan. Tiyak gagaya iyan sa ina niyang malàndi. Syempre, saan ba nagagamit ang ganda? Di ba para mang-akit ng mga mayayaman?”Tahimik siyang nanatiling nakayuko. Nakatitig siya sa kulay orange na candy. Pero naririnig niya pa rin ang mga masasamang salita na iyon tungkol sa kaniyang ina. “Hoy!”Gulat na napa

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 2 - Book 2

    Living as Elagrue is like a dream. Fancy house interior, long tables in a dining area. Maraming tauhan, maraming katulong. Pricey foods, presyo na kaya nang bumuhay sa kaniya ng isang buwan. Being an Elagrue is an absolutely high standard life. Hawak ni Salome ang basahan habang pinagmamasdan ang napakaraming libro sa napakalawak na library ng mansyon. Màmamatay siyang hindi mararanasan ang ganito karangyang buhay. Gayong kung iisipin ay lahat ng nakikita ng kaniyang mata ay hindi ang lahat ng yaman na mayroon ang Elagrue. “Tapos ka na ba diyan?”sumilip ang katulong na si Clarita. May pagka istríkta na tinaasan pa siya ng kilay.“Ah, opo! Kakatapos lang!” Ngumiti siya sa babae.“Tumulong ka sa kwadra. Mangangabayo ngayon ang mga kaibigan ni sir Daniel. At tsaka isa ka rin sa sasama sa kapehan para dalhin ang mga pagkain nila.”Awtomatiko siyang tumango. Umingos pa si Clarita nang tingnan siya mula ulo hanggang paa bago umalis.Ang ina niya ay tiyak na nasa kusina kasama ang iba pan

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 3 - Book 2

    Kahit namumutla na ang mama niya ay nagawa pa ring madala sa hospital. Ngunit ang balita ng doktor ang tila nagpabagsak sa buo niyang pagkatao.“She's dead on arrival,”ani sa isang malagum na boses ng doktor. Ang kaniyang Papa ang humarap sa doktor at kanina pa matalim ang tingin nito sa kaniya. Tila galit nang makarating sa hospital.Pagkatalikod ng doktor ay nagulat siya nang isang malakas na suntok ang pinakawalan ng kaniyang ama-amahan sa pader ng hospital. Nakita niya kung papaano iyon dumugo.“P-Papa...” Natatakot siyang nakatitig dito.Naninibago siya sa nakikita sa ama. Hindi niya pa kailanman ito nakitang ganito kagalit.Dahil sa pagbanggit niya sa pangalan nito ay napabaling ito sa gawi niya. Napasinghap siya nang bigla nitong haklitin ang braso niya at hinila kung saan.Patulak siya nitong tinulak sa matigas na pader. Sa lakas niyon ay natumba siya. At bago pa siya makabawi ay dumapo ang matigas nitong kamay sa pisngi niya.Parang papanawan siya ng ulirat sa lakas ng sampa

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 4 - Book 2

    Nagtawag ito ng tauhan at tahimik na gumilid. Hindi na siya tinapunan pa ng tingin ni Daniel. Inalalayan ang kakilala ni Daniel. Ihahatid ito ng family driver. At may bigat sa dibdib na sinundan niya ng tingin ang likod ni Daniel na papalayo.Hindi niya ito maintindihan kung bakit ito nagkaganito. Bakit bigla na lang itong lumamig sa kaniya? May nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan? May kasalanan ba siya?Wala kasi siyang matandaan.Wala rin siyang lakas ng loob na tanungin ito tungkol doon. Gagawin nito ang lahat ng gugustuhin nito. At halatang wala itong pakialam sa mararamdaman niya. Pagkabalik niya sa mismong bulwagan ay agad niyang sinuyod ng tingin ang paligid. Nahagip ng paningin niya ang maganda at matangkad na babae na masayang kausap ni Ma'am Salome. Tiyak na anak ito ng isa sa kaibigan ng amo. Kaedad ito ni Daniel. Siguro ay college na rin.Nasa mesa sina Ma'am Salome at ang babaeng maganda. Kaya noong kunin niya ang food tray na walang laman ay narinig niya ng kunti an

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 5 - Book 2

    Hindi patungong mansyon ang tinatahak ng kabayo ni Daniel na si Leo. Ginigiya ito ng binata sa ibang dereksyon. Ang dereksyon ay tungo sa kanila. Iuuwi siya ni Daniel. Ihahatid siya nito. Kakaibang kabog ng dibdib ang sumalakay sa kaniya. Inakala niyang uuwi siyang mag-isa. Magdidilim na rin.Naalala niya ang banta nito kanina. Talagang galit na galit ito nang magpunta sa bundok. Hindi niya alam kung siya ba talaga ang sinadya nito doon. Ayaw niya naman mag-assume na siya nga. Baka may dinaanan lang. Tapos sinama na siya pagkababa nito.Tahimik ito kanina. Panay lamang ang igting ng panga at may bigat sa uri ng tingin.Malapit na sila sa lagoon nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Narinig niyang napamura si Daniel. Na-guilty tuloy siya. Mukhang nakasagabal pa siya. Baka mas lalo lang itong magalit sa kaniya ngayo'ng nadamay ito.“Let's stop here for awhile,”anito sa baritunong boses at pinatigil ang kabayo sa may gazebo. Para di tuluyang mabasa ay mas maigi nga na sumilong

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 6 - Book 2

    “I will stay here.” Iyan ang huling sinabi ni Daniel. At ginawa nga nito ang sinabi. Nanatili ito doon. Seryoso itong naka-upo sa malaking troso sa labas. Kahit noong dumidilim na ay nandoon pa rin si Daniel. Parang inaabangan pa yata ang ama niyang makabalik. Kinakabahan siya sa totoo lang. Paano kung umuwi nga ang ama niya at nakitang nandito si Daniel? Hindi naman siguro kayang saktan ng ama niya si Daniel. Isa itong Elagrue. Makapangyarihan ang pamilya ni Daniel. At hindi niya rin alam ang dahilan kung bakit ayaw nitong nakikipaglapit siya sa mga Elagrue. Mula pa iyon sa kaniyang Mama.At dati'y, lumalayo si Daniel sa kaniya. Ngayo'y nasa labas ito. Nagbabantay.Tapos na siyang makapagluto. Pinagtimpla niya ito ng kape kahit hindi niya alam kung ano ang gusto nitong timpla. “Kape...” Inilahad niya ang tasa ng kape.Medyo umigting ang panga nito nang makita ang pasa sa braso niya. Bumuntong hininga ito at tinanggap ang tasa.“Thanks, Solen.”Napalunok siya at umupo sa isa pang

Pinakabagong kabanata

  • The Dangerous Man Weakness    Epilogue - Book 2

    Natahimik silang lahat. Walang nakapagsalita. Para siyang nabingi sa tunog ng baril. Hindi niya alam kung sino ang may tama sa kanila. At parang nag-slowmo ang lahat nang kumilos ang mga lalaki. Hindi niya na mahagilap sa harapan si Daniel. Hindi niya alam kung nasaan na ito. Nilingon niya ang ama-amahan. Namilog ang mata niya nang makita kung papaano ito sumuka ng dugo. Nabitiwan siya nito maging ang baril na hawak na tinutok lang nito kanina. Lalapitan niya sana ito upang matulungan pero isang kamay ang pumigil ng braso niya para hindi tuluyang makalapit sa ama. Nalingunan niya ang seryusong mukha ni Daniel. Ngunit sa kabila ng kaseryusuhan ay bakas ang pag-aalala sa mga mata. Napasinghap siya nang hilahin siya nito upang ikulong sa mahigpit na yakap. Tila saglit nitong nakalimutan ang sitwasyon nila at ang mga kasamahan. “Sumakay ng bangka ang kasama niya. Baka hindi pa nakakalayo. Sundan niyo!” Narinig niya ang head na minanduhan ang team nito. Kaya agad ay kanluran ang ti

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 19 - Book 2

    Naagaw ang atensyon nila ng malakas na tunog sa labas. At ang nagmamadali na si Eric ang iniluwa ng pinto. Nanlalaki ang mata at halatang natataranta ito. “Nandiyan na sila!” Halos pasigaw ang pagkakasabi nito. Lumakas ang hangin sa paligid. Mabilis siyang hinawakan ni Grego sa braso para hilahin palabas ng silid. May malaking bag na bitbit si Eric habang hawak sa kabilang kamay ni Grego ang kalibre 45 na baril. Nanlalamig siya habang nakasunod sa dalawa. Ano mang oras mula ngayon ay pwede siya nitong patayin gamit ang baril na hawak nito. Mabilis ang mga naging kilos ng mga ito. Nagkanda patid na siya sa mga usling ugat sa gubat pero walang pakialam si Grego panay pa rin ang paghila nito sa kaniya.“Bilisan mo. Tànginà!”bulyaw ni Grego nang balingan siya. Sinikap niyang masabayan ang mga galaw nito pero hindi niya talaga kaya. “Ako nang bahala sa kaniya.” Si Eric na nakasunod ay agad sumingit. Hinawakan nito agad ang braso niya kaya patulak siyang binitiwan ni Grego.Nanatili an

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 18 - Book 2

    Nagawa talaga iyon ng ina niya? Parang ayaw niyang paniwalaan. Pero si Ma'am Salome pa ba ang magsisinungaling sa kaniya? “Bakit, Ma?” Mahina niyang sabi habang naka-upo sa marbled floor ng malaking banyo. Pero tuwing iisipin niyang nagawang ahasin ng ina niya ang ama ni Daniel ay parang ayaw niya nang harapin pa ang mga Elagrue. Nahihiya siya sa mga nagawa ng pamilya niya. Walang ibang ginawa si Ma'am Salome kundi ang magpakita ng kabutihan. Lahat ng kailangan nila ay binibigay nito. Kahit hindi maayos ang pakikitungo ng ina niya sa ibang nandoon ay maayos pa rin silang pinakikitunguhan ni Ma'am Salome. Kaya hindi niya lubos akalaing kaya pa rin itong baliktarin ng ina niya. Hindi ganoon ang pagkakakilanlan niya sa ina niya. Mataas ang respesto niya dito kaya hindi niya agad mapaniwalaan.May inasikaso si Daniel pero babalik agad. May kasambahay na rin na itinalaga sa farm house para may makasama siya. Ang sabi ay para lang may makasama siya pero ang totoo ay para alagaan siya.

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 17 - Book 2

    “I'm sorry for what happen to your house. May mga bantay ang lupain. Ginagawa nila ang lahat para mabantayan kung sino ang naglalabas masok dito. Ang tanging pinapayagan lang namin na pasukin nila ay ang lagoon. I never thought that na pati ang bahaging ito pagkakainteresan nila. Nalaman na lang namin nasusunog na ito. Ginawa namin ang lahat para hindi tupukin nang tuluyan ang buong bahay. Pero masiyado nang malaki ang apoy at light materials lang ang gamit sa naturang bahay kaya madaling natupok. I'm really sorry, hija.” Bakas ang kalungkutan sa mga mata ni Ma'am Salome. Dahil gaya niya ay memorable rin dito ang dating tinitirhan. Ito na ngayon ang farm house na ni-renovate. Nalaman niya rin na dito nakatira si Daniel noong bata pa ito. That time, itinago ni Ma'am Salome si Daniel kay Sir Treous. Hindi niya rin akalaing may ganoong esturya pala sa pagitan ng mga ito. Bandang hapon na noong umalis si Ma'am Salome at Sir Treous. Doon nananghalian ang mag-asawa at sila ni Ma'am Salome

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 16 - Book 2

    “Uuwi tayo ng Paredez. Let's meet my family again. This time I'm gonna marry you. Pananagutan kita.” Hindi na siya nakapalag nang sabihin nito iyon. It's just midnight nang magpaalam sila sa mga kasama nito na aalis sila ng maaga. Babyahe pa sila tungo ng Paredez. Halatang wala nang balak ipagpaliban ni Daniel ang lahat ng 'to. Sakay ng pick up nito nang marating nila ang lugar. Bandang 5:30 ng madaling araw. Nagsisimula nang sumikat ang araw. Bukas ang bintana kaya't lihim niyang inilabas ang kamay sa bintana para damhin ang hangin. Preskong-presko iyon iba sa hangin sa city. Bagay na hahanap-hanapin ng katawan niya.Home.Bahagya siyang napapikit nang dumampi ang pang-umagang hangin sa mukha. Ang dalawang bundok sa unahan ay parang magkasintahan na magkadikit at hindi mapaghihiwalay ng kahit na anong unos at bagyong dumating. Ang mansion sa unahan ay tila hindi nagbago. Ganoon pa rin ang itsura. Ang blue lagoon ay medyo nakakapanibago na. Ang hindi nagbago ay ang dami mga dumaday

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 15 - Book 2

    Pinahintulutan niya ito at ngayo'y hinding-hindi niya na ito mapipigilan pa. Kita ang kasabikan at uhaw sa mga mata nito. Dahil sa init na naramdaman ay hindi na siya makapag-isip ng maayos. Nadadala siya sa mga halik nito.Tuluyan na siyang nalunod.“Uhh..” He suck her bréast from there up to her jawline. Bahagyang pumipisil ang kamay nito sa mga nadadaanan niyon. Biting her lower lip just so she can stop herself from móaning. Namumungay ang mata nang magtama ang mga mata nila. Hanggang ngayon hindi niya pa rin lubos akalaing nasa harapan niya ngayon ang lalaking hinahangaan ng marami. He can get girl in just a snap of his fingers. Kaya nga nandito siya. Dahil noong kinailangan siya nito ay ito siya't walang pag-aalinlangan niyang inihain ang sarili dito. Daniel can have everything he want. Even her. He's kíssing her while touching her down there. Hindi niya alam kung papaano ito hàlikan ng maayos nang hawakan nito ang pinakasensitibo niyang parte. “Danie-”Pinutol siya ng mapag

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 14 - Book 2

    Hindi siya makahuma sa kinalalagyan dahil sa mga narinig mula dito. Wala siyang makapa na salita sa utak. Malabo pa sa kaniya ang mga narinig. Paanong siya? Kung ikukumpara sa mga nagkakagusto rito, wala siya sa kalingkingan ng mga iyon.Klarong-klaro. Pinaglalaruan lang siya nito. Nasabi na nitong kapag may gustong makuha ang lalaki ay ginagawa nito ang lahat ng paraan para makuha iyon. At ano naman ang makukuha nito sa kaniya? Wala naman siya no'ng mga bagay na mayroon ang mga babae nito.Sa kalibre ni Daniel. Hindi ang tulad niya ang pipiliin nito hanggang sa dulo. Para lamang iyong nangyari sa Mama niya. Bínúntis lang ng mayamang lalaki. Tapos ay iniwan ang mama niya. Kaya ba ayaw na ayaw ng mama niya na naglalapit siya kay Daniel? Dahil ba maaring mangyari ang ganito?Napalunok siya at bahagyang dumistansya ng kaunti mula kay Daniel. Bumuntong hininga siya at tiningnan ang mga kasamahan nila. “Inaantok na ako,”biglang nasabi niya. “Then let's go to the-”“Alam ko na kung saan.

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 13 - Book 2

    Nakangisi na tinanggap ni Bruce ang kamay niya na may panunuya sa mga mata. Sinusubukan pa yata ang pasensya ni Daniel. May lamig sa mga mata na tiningnan ni Daniel ang kaibigan. Naiilang na ngumiti si Solen. Hindi alam kung ano ang ire-react. Binitiwan din naman kalaunan ni Bruce ang kamay niya. “Calm your bàlls, bruh!” Natatawa si Bruce na tinapik ang balikat ng bad mood na si Daniel.“Alistair here!” Nagpakilala iyong kulay blonde ang buhok. Tinanguan niya lang ito at nagpakawala ng tipid na ngiti. “Gino, and here is Troy.” Tinuro ni Gino ang sarili sabay turo sa akbay-akbay na tahimik na si Troy. Seryoso lang na nagtaas ng kamay si Troy.May mga itsura ang mga ito. Sa built ng katawan at pormahan alam mong belong ang mga ito sa mundo ni Daniel. Siya lang naman kasi ang outsider dito.Sa apat si Bruce lang ang may lakas ng loob na makipagkamay. Iyong tatlo parang takot na pansinin siya. Ilang saglit ay naramdaman niya ang kamay na humawak sa baywang niya. Nalingunan niya si Dan

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 12 - Book 2

    Hindi niya matagalan ang titig nito kaya't agad siyang tumayo. “C-CR lang ako.”Hindi niya na ito matingnan ngayon. Hindi niya na rin hinintay na sumagot pa ito at umalis na doon. Mabilis siyang nag-lock ng pinto pagkarating niya sa silid. Nagtungo siya sa banyo niya at problemado na hinarap ang salamin. Pinagmasdan niya ang mukha sa repleksyon niyon. Napaawang ang labi niya nang makita kung gaano kapula ang pisngi niya. Napahawak siya doon. Paniguradong nakita nito ang pamumula ng mukha niya. Mas lalo siyang nahiya sa ideyang iyon.Hindi raw ito naniniwala sa fix marriage pero hindi nito sinabi kung wala nga ba itong fiancee. Maraming nagkakandarapa para makuha si Daniel. At hinding hindi nito ibababa ang standard nito para patulan siya. Hindi ang kalibre ni Daniel ang gagawa ng kahíbangan na 'yon. Biglang naalala niya ang mga búlly na kaklase niya noon sa Paredez. Noong una ay pinapahirapan siya ng mga ito pero noong lumaki sila ay bigla na lang nanligaw sa kaniya. “I have my wa

DMCA.com Protection Status