Living as Elagrue is like a dream. Fancy house interior, long tables in a dining area. Maraming tauhan, maraming katulong. Pricey foods, presyo na kaya nang bumuhay sa kaniya ng isang buwan. Being an Elagrue is an absolutely high standard life. Hawak ni Salome ang basahan habang pinagmamasdan ang napakaraming libro sa napakalawak na library ng mansyon. Màmamatay siyang hindi mararanasan ang ganito karangyang buhay. Gayong kung iisipin ay lahat ng nakikita ng kaniyang mata ay hindi ang lahat ng yaman na mayroon ang Elagrue. “Tapos ka na ba diyan?”sumilip ang katulong na si Clarita. May pagka istríkta na tinaasan pa siya ng kilay.“Ah, opo! Kakatapos lang!” Ngumiti siya sa babae.“Tumulong ka sa kwadra. Mangangabayo ngayon ang mga kaibigan ni sir Daniel. At tsaka isa ka rin sa sasama sa kapehan para dalhin ang mga pagkain nila.”Awtomatiko siyang tumango. Umingos pa si Clarita nang tingnan siya mula ulo hanggang paa bago umalis.Ang ina niya ay tiyak na nasa kusina kasama ang iba pan
Kahit namumutla na ang mama niya ay nagawa pa ring madala sa hospital. Ngunit ang balita ng doktor ang tila nagpabagsak sa buo niyang pagkatao.“She's dead on arrival,”ani sa isang malagum na boses ng doktor. Ang kaniyang Papa ang humarap sa doktor at kanina pa matalim ang tingin nito sa kaniya. Tila galit nang makarating sa hospital.Pagkatalikod ng doktor ay nagulat siya nang isang malakas na suntok ang pinakawalan ng kaniyang ama-amahan sa pader ng hospital. Nakita niya kung papaano iyon dumugo.“P-Papa...” Natatakot siyang nakatitig dito.Naninibago siya sa nakikita sa ama. Hindi niya pa kailanman ito nakitang ganito kagalit.Dahil sa pagbanggit niya sa pangalan nito ay napabaling ito sa gawi niya. Napasinghap siya nang bigla nitong haklitin ang braso niya at hinila kung saan.Patulak siya nitong tinulak sa matigas na pader. Sa lakas niyon ay natumba siya. At bago pa siya makabawi ay dumapo ang matigas nitong kamay sa pisngi niya.Parang papanawan siya ng ulirat sa lakas ng sampa
Nagtawag ito ng tauhan at tahimik na gumilid. Hindi na siya tinapunan pa ng tingin ni Daniel. Inalalayan ang kakilala ni Daniel. Ihahatid ito ng family driver. At may bigat sa dibdib na sinundan niya ng tingin ang likod ni Daniel na papalayo.Hindi niya ito maintindihan kung bakit ito nagkaganito. Bakit bigla na lang itong lumamig sa kaniya? May nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan? May kasalanan ba siya?Wala kasi siyang matandaan.Wala rin siyang lakas ng loob na tanungin ito tungkol doon. Gagawin nito ang lahat ng gugustuhin nito. At halatang wala itong pakialam sa mararamdaman niya. Pagkabalik niya sa mismong bulwagan ay agad niyang sinuyod ng tingin ang paligid. Nahagip ng paningin niya ang maganda at matangkad na babae na masayang kausap ni Ma'am Salome. Tiyak na anak ito ng isa sa kaibigan ng amo. Kaedad ito ni Daniel. Siguro ay college na rin.Nasa mesa sina Ma'am Salome at ang babaeng maganda. Kaya noong kunin niya ang food tray na walang laman ay narinig niya ng kunti an
Hindi patungong mansyon ang tinatahak ng kabayo ni Daniel na si Leo. Ginigiya ito ng binata sa ibang dereksyon. Ang dereksyon ay tungo sa kanila. Iuuwi siya ni Daniel. Ihahatid siya nito. Kakaibang kabog ng dibdib ang sumalakay sa kaniya. Inakala niyang uuwi siyang mag-isa. Magdidilim na rin.Naalala niya ang banta nito kanina. Talagang galit na galit ito nang magpunta sa bundok. Hindi niya alam kung siya ba talaga ang sinadya nito doon. Ayaw niya naman mag-assume na siya nga. Baka may dinaanan lang. Tapos sinama na siya pagkababa nito.Tahimik ito kanina. Panay lamang ang igting ng panga at may bigat sa uri ng tingin.Malapit na sila sa lagoon nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Narinig niyang napamura si Daniel. Na-guilty tuloy siya. Mukhang nakasagabal pa siya. Baka mas lalo lang itong magalit sa kaniya ngayo'ng nadamay ito.“Let's stop here for awhile,”anito sa baritunong boses at pinatigil ang kabayo sa may gazebo. Para di tuluyang mabasa ay mas maigi nga na sumilong
“I will stay here.” Iyan ang huling sinabi ni Daniel. At ginawa nga nito ang sinabi. Nanatili ito doon. Seryoso itong naka-upo sa malaking troso sa labas. Kahit noong dumidilim na ay nandoon pa rin si Daniel. Parang inaabangan pa yata ang ama niyang makabalik. Kinakabahan siya sa totoo lang. Paano kung umuwi nga ang ama niya at nakitang nandito si Daniel? Hindi naman siguro kayang saktan ng ama niya si Daniel. Isa itong Elagrue. Makapangyarihan ang pamilya ni Daniel. At hindi niya rin alam ang dahilan kung bakit ayaw nitong nakikipaglapit siya sa mga Elagrue. Mula pa iyon sa kaniyang Mama.At dati'y, lumalayo si Daniel sa kaniya. Ngayo'y nasa labas ito. Nagbabantay.Tapos na siyang makapagluto. Pinagtimpla niya ito ng kape kahit hindi niya alam kung ano ang gusto nitong timpla. “Kape...” Inilahad niya ang tasa ng kape.Medyo umigting ang panga nito nang makita ang pasa sa braso niya. Bumuntong hininga ito at tinanggap ang tasa.“Thanks, Solen.”Napalunok siya at umupo sa isa pang
Hindi niya akalaing seryoso itong ilalabas siya. Hindi niya mapigilang mamangha sa mga nagtatayugang gusali. Nag-taxi pa talaga sila gayong sabi ng tiyahin nito ay pwede naman silang sumakay ng jeep tungo sa mall na pupuntahan nila.Security guard si Eric sa isang bangko. Sabi nito ay mag-iipon ito. Hindi niya alam kung ano pag-iipunan nito. Binata ito at iniisip niyang baka balak mag-aral. Balak niya rin kasi iyon. Isa rin sa plano niyang magpaalam kay Eric na magtrabaho. Magtatrabaho siya para hindi na siya aasa kay Eric.Napaisip siya. Hinahanap pa rin kaya siya ng mga Elagrue? Hindi malabong, oo. Hindi pa naman katagalan noong tumakas sila at nangyari iyong sa mansyon ng mga Elagrue. Naalala niya kung papaano agad umalis ng walang lingon-likod si Daniel no'ng mga oras na iyon. Naintindihan niya ito. Kahit naman siya, kung nangyari iyon sa pamilya niya. “Gusto mo ba?”Napalingon siya kay Eric nang bigla itong magsalita. Isang bistida na pula na may simpleng cut sa gilid ang tinit
“Tama iyang desisyon mo. Naku! Kahit mamaya agad pwede ka na magsimula. Pwede kong lakihan ang sahod mo. Huwag mo na lang ipagsabi sa iba.” Iyon ang sabi ng auntie ni Eric. Masayang masaya siya na agad siyang welcome sa pinagtrabahuan. Kaya lang kakaiba makitungo ang ibang kasamahan niya sa kaniya. “Aray!” Napahawak siya sa balikat nang tumama ang balikat ng isa sa katrabaho niya.Si Roxette. Iyong morena na isa sa waitress ng bar na iyon. Hindi man lang ito nag-sorry sa kaniya at patuloy lang sa paglalakad hawak ang maliit na round tray na para sa mga drinks.Alam niyang sinadya nito iyon. Nasa tabi na siya pero sinagi pa rin siya nito. “Miss, bago ka lang?”Napalingon siya sa table na dinalhan niya ng mga inumin. Bahagya siyang ngumiti saka tumango. “Opo, bago lang.”“Upo ka muna. Usap muna tayo.”Umiling siya. Marami pa siyang gagawin. “Ay, gano'n? Sayang naman.” Nagbuntong hininga ang lalaki. Pero may bagay na nilagay sa tray niya.Hindi niya pinagtuonan ng pansin iyon hangga
Nagpapasalamat siya at hindi na rin naman nagtawag ulit ang grupo ni Daniel para sa iba pang order. Mas gumulo ang dance floor dahil medyo tipsy na rin ang iba pang costumers. Nagyaya na ang iba na sumayaw. Mabuti na lang at may sariling bar counter ang second floor ng bar at mayroon din sa baba malapit sa dj.Hindi na pahirapan sa paghahatid ng drinks. Napasulyap siya sa kinaroroonan ni Daniel. May katabi na itong babae ngayon. Nanatili ang dilim sa mga tingin nito at tila wala sa sariling lumalagok ng alak sa baso nito. Tila naramdaman nito ang tingin niya kaya dumapo ang tingin nito sa kaniya. Sa dami ng tao sa baba ay mabilis siyang natagpuan ng mga mata nito. Hînagod siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa. Agad siyang nag iwas ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa.Napaigtad siya nang may maramdaman siyang kamay na humawak sa pang-upo niya. Gulat na napaatras siya at namimilog ang mata na tumingin sa may gawa niyon.Bumungad sa kaniya ang may katangkaran na lalaki na may nakapas
Natahimik silang lahat. Walang nakapagsalita. Para siyang nabingi sa tunog ng baril. Hindi niya alam kung sino ang may tama sa kanila. At parang nag-slowmo ang lahat nang kumilos ang mga lalaki. Hindi niya na mahagilap sa harapan si Daniel. Hindi niya alam kung nasaan na ito. Nilingon niya ang ama-amahan. Namilog ang mata niya nang makita kung papaano ito sumuka ng dugo. Nabitiwan siya nito maging ang baril na hawak na tinutok lang nito kanina. Lalapitan niya sana ito upang matulungan pero isang kamay ang pumigil ng braso niya para hindi tuluyang makalapit sa ama. Nalingunan niya ang seryusong mukha ni Daniel. Ngunit sa kabila ng kaseryusuhan ay bakas ang pag-aalala sa mga mata. Napasinghap siya nang hilahin siya nito upang ikulong sa mahigpit na yakap. Tila saglit nitong nakalimutan ang sitwasyon nila at ang mga kasamahan. “Sumakay ng bangka ang kasama niya. Baka hindi pa nakakalayo. Sundan niyo!” Narinig niya ang head na minanduhan ang team nito. Kaya agad ay kanluran ang ti
Naagaw ang atensyon nila ng malakas na tunog sa labas. At ang nagmamadali na si Eric ang iniluwa ng pinto. Nanlalaki ang mata at halatang natataranta ito. “Nandiyan na sila!” Halos pasigaw ang pagkakasabi nito. Lumakas ang hangin sa paligid. Mabilis siyang hinawakan ni Grego sa braso para hilahin palabas ng silid. May malaking bag na bitbit si Eric habang hawak sa kabilang kamay ni Grego ang kalibre 45 na baril. Nanlalamig siya habang nakasunod sa dalawa. Ano mang oras mula ngayon ay pwede siya nitong patayin gamit ang baril na hawak nito. Mabilis ang mga naging kilos ng mga ito. Nagkanda patid na siya sa mga usling ugat sa gubat pero walang pakialam si Grego panay pa rin ang paghila nito sa kaniya.“Bilisan mo. Tànginà!”bulyaw ni Grego nang balingan siya. Sinikap niyang masabayan ang mga galaw nito pero hindi niya talaga kaya. “Ako nang bahala sa kaniya.” Si Eric na nakasunod ay agad sumingit. Hinawakan nito agad ang braso niya kaya patulak siyang binitiwan ni Grego.Nanatili an
Nagawa talaga iyon ng ina niya? Parang ayaw niyang paniwalaan. Pero si Ma'am Salome pa ba ang magsisinungaling sa kaniya? “Bakit, Ma?” Mahina niyang sabi habang naka-upo sa marbled floor ng malaking banyo. Pero tuwing iisipin niyang nagawang ahasin ng ina niya ang ama ni Daniel ay parang ayaw niya nang harapin pa ang mga Elagrue. Nahihiya siya sa mga nagawa ng pamilya niya. Walang ibang ginawa si Ma'am Salome kundi ang magpakita ng kabutihan. Lahat ng kailangan nila ay binibigay nito. Kahit hindi maayos ang pakikitungo ng ina niya sa ibang nandoon ay maayos pa rin silang pinakikitunguhan ni Ma'am Salome. Kaya hindi niya lubos akalaing kaya pa rin itong baliktarin ng ina niya. Hindi ganoon ang pagkakakilanlan niya sa ina niya. Mataas ang respesto niya dito kaya hindi niya agad mapaniwalaan.May inasikaso si Daniel pero babalik agad. May kasambahay na rin na itinalaga sa farm house para may makasama siya. Ang sabi ay para lang may makasama siya pero ang totoo ay para alagaan siya.
“I'm sorry for what happen to your house. May mga bantay ang lupain. Ginagawa nila ang lahat para mabantayan kung sino ang naglalabas masok dito. Ang tanging pinapayagan lang namin na pasukin nila ay ang lagoon. I never thought that na pati ang bahaging ito pagkakainteresan nila. Nalaman na lang namin nasusunog na ito. Ginawa namin ang lahat para hindi tupukin nang tuluyan ang buong bahay. Pero masiyado nang malaki ang apoy at light materials lang ang gamit sa naturang bahay kaya madaling natupok. I'm really sorry, hija.” Bakas ang kalungkutan sa mga mata ni Ma'am Salome. Dahil gaya niya ay memorable rin dito ang dating tinitirhan. Ito na ngayon ang farm house na ni-renovate. Nalaman niya rin na dito nakatira si Daniel noong bata pa ito. That time, itinago ni Ma'am Salome si Daniel kay Sir Treous. Hindi niya rin akalaing may ganoong esturya pala sa pagitan ng mga ito. Bandang hapon na noong umalis si Ma'am Salome at Sir Treous. Doon nananghalian ang mag-asawa at sila ni Ma'am Salome
“Uuwi tayo ng Paredez. Let's meet my family again. This time I'm gonna marry you. Pananagutan kita.” Hindi na siya nakapalag nang sabihin nito iyon. It's just midnight nang magpaalam sila sa mga kasama nito na aalis sila ng maaga. Babyahe pa sila tungo ng Paredez. Halatang wala nang balak ipagpaliban ni Daniel ang lahat ng 'to. Sakay ng pick up nito nang marating nila ang lugar. Bandang 5:30 ng madaling araw. Nagsisimula nang sumikat ang araw. Bukas ang bintana kaya't lihim niyang inilabas ang kamay sa bintana para damhin ang hangin. Preskong-presko iyon iba sa hangin sa city. Bagay na hahanap-hanapin ng katawan niya.Home.Bahagya siyang napapikit nang dumampi ang pang-umagang hangin sa mukha. Ang dalawang bundok sa unahan ay parang magkasintahan na magkadikit at hindi mapaghihiwalay ng kahit na anong unos at bagyong dumating. Ang mansion sa unahan ay tila hindi nagbago. Ganoon pa rin ang itsura. Ang blue lagoon ay medyo nakakapanibago na. Ang hindi nagbago ay ang dami mga dumaday
Pinahintulutan niya ito at ngayo'y hinding-hindi niya na ito mapipigilan pa. Kita ang kasabikan at uhaw sa mga mata nito. Dahil sa init na naramdaman ay hindi na siya makapag-isip ng maayos. Nadadala siya sa mga halik nito.Tuluyan na siyang nalunod.“Uhh..” He suck her bréast from there up to her jawline. Bahagyang pumipisil ang kamay nito sa mga nadadaanan niyon. Biting her lower lip just so she can stop herself from móaning. Namumungay ang mata nang magtama ang mga mata nila. Hanggang ngayon hindi niya pa rin lubos akalaing nasa harapan niya ngayon ang lalaking hinahangaan ng marami. He can get girl in just a snap of his fingers. Kaya nga nandito siya. Dahil noong kinailangan siya nito ay ito siya't walang pag-aalinlangan niyang inihain ang sarili dito. Daniel can have everything he want. Even her. He's kíssing her while touching her down there. Hindi niya alam kung papaano ito hàlikan ng maayos nang hawakan nito ang pinakasensitibo niyang parte. “Danie-”Pinutol siya ng mapag
Hindi siya makahuma sa kinalalagyan dahil sa mga narinig mula dito. Wala siyang makapa na salita sa utak. Malabo pa sa kaniya ang mga narinig. Paanong siya? Kung ikukumpara sa mga nagkakagusto rito, wala siya sa kalingkingan ng mga iyon.Klarong-klaro. Pinaglalaruan lang siya nito. Nasabi na nitong kapag may gustong makuha ang lalaki ay ginagawa nito ang lahat ng paraan para makuha iyon. At ano naman ang makukuha nito sa kaniya? Wala naman siya no'ng mga bagay na mayroon ang mga babae nito.Sa kalibre ni Daniel. Hindi ang tulad niya ang pipiliin nito hanggang sa dulo. Para lamang iyong nangyari sa Mama niya. Bínúntis lang ng mayamang lalaki. Tapos ay iniwan ang mama niya. Kaya ba ayaw na ayaw ng mama niya na naglalapit siya kay Daniel? Dahil ba maaring mangyari ang ganito?Napalunok siya at bahagyang dumistansya ng kaunti mula kay Daniel. Bumuntong hininga siya at tiningnan ang mga kasamahan nila. “Inaantok na ako,”biglang nasabi niya. “Then let's go to the-”“Alam ko na kung saan.
Nakangisi na tinanggap ni Bruce ang kamay niya na may panunuya sa mga mata. Sinusubukan pa yata ang pasensya ni Daniel. May lamig sa mga mata na tiningnan ni Daniel ang kaibigan. Naiilang na ngumiti si Solen. Hindi alam kung ano ang ire-react. Binitiwan din naman kalaunan ni Bruce ang kamay niya. “Calm your bàlls, bruh!” Natatawa si Bruce na tinapik ang balikat ng bad mood na si Daniel.“Alistair here!” Nagpakilala iyong kulay blonde ang buhok. Tinanguan niya lang ito at nagpakawala ng tipid na ngiti. “Gino, and here is Troy.” Tinuro ni Gino ang sarili sabay turo sa akbay-akbay na tahimik na si Troy. Seryoso lang na nagtaas ng kamay si Troy.May mga itsura ang mga ito. Sa built ng katawan at pormahan alam mong belong ang mga ito sa mundo ni Daniel. Siya lang naman kasi ang outsider dito.Sa apat si Bruce lang ang may lakas ng loob na makipagkamay. Iyong tatlo parang takot na pansinin siya. Ilang saglit ay naramdaman niya ang kamay na humawak sa baywang niya. Nalingunan niya si Dan
Hindi niya matagalan ang titig nito kaya't agad siyang tumayo. “C-CR lang ako.”Hindi niya na ito matingnan ngayon. Hindi niya na rin hinintay na sumagot pa ito at umalis na doon. Mabilis siyang nag-lock ng pinto pagkarating niya sa silid. Nagtungo siya sa banyo niya at problemado na hinarap ang salamin. Pinagmasdan niya ang mukha sa repleksyon niyon. Napaawang ang labi niya nang makita kung gaano kapula ang pisngi niya. Napahawak siya doon. Paniguradong nakita nito ang pamumula ng mukha niya. Mas lalo siyang nahiya sa ideyang iyon.Hindi raw ito naniniwala sa fix marriage pero hindi nito sinabi kung wala nga ba itong fiancee. Maraming nagkakandarapa para makuha si Daniel. At hinding hindi nito ibababa ang standard nito para patulan siya. Hindi ang kalibre ni Daniel ang gagawa ng kahíbangan na 'yon. Biglang naalala niya ang mga búlly na kaklase niya noon sa Paredez. Noong una ay pinapahirapan siya ng mga ito pero noong lumaki sila ay bigla na lang nanligaw sa kaniya. “I have my wa