Naramdaman niya ang yakap ng anak niya kaya napangiti siya. Naalala niya pa noong birthday nito na sinakto niya sa pagtakas nila. Hindi niya akalaing babalik pa rin pala sila dito. Hindi nga talaga nila kayang takasan si Treous. Naalala niya tuloy ulit ang nangyari sa baba kanina. Bakit nito pinangangalandakan ang kuneksyon nila? Ano na naman kaya ang balak nito? “What the hèll did you do to me?”Napalunok siya nang maalala ang sinabi nito kanina. Bakit parang siya pa ang sinisisi sa isang bagay na di niya alam kung ano? Bakit? Ano ba ang nagawa niya? At iyong halik nito kanina ang biglang bumalik sa ala-ala niya. Napapailing siya upang iwaksi sa isipan ang senaryo na iyon. Bakit niya kailangang isipin pa iyon? Natigil ang iniisip niya nang marinig ang pagbukas ng pinto. Nasa bandang 12 na at di pa siya makatulog. Kaya nakapagtataka kung sino itong pumasok. Agad siyang nagkunwaring tulog. Pero bahagyang nakabuka ang kabilang mata para masilip kung sino ang pumasok. Si Treous pala.P
Sunod-sunod na ang mga gabing hindi siya makatulog ng maayos dahil sa mga problemang iniisip. Dagdag sa problema niya ay ang mga ipagagawa pa lang sa kaniya ni Carrie. Pinagdarasal niyang sana hindi naman sagad sa buto ang mga ipagagawa nito sa kaniya. May takot siya sa babaeng iyon at alam niyang hindi talaga ito mapagkakatiwalaan.Nagpunta nga sila sa spa kinabukasan. Inaantok pa siya kaya noong isalang na siya ay nakatulog na siya. Sa pagod at puyat hindi niya na halos ininda ang waxing na ginawa sa kaniya. “Ikaw na ang bahala. Just make sure na suitable for tonight.” Narinig niya si Carrie kausap ang babaeng sa tingin niya siyang manager pa mismo sa spa.Halatang VIP si Carrie kaya inaasikaso sila ng ganoon. Maging buhok niya ay binago. Pina-straight ito at mas na-highlight ang sobrang itim na kulay ng buhok. Hinayaan iyong mahaba at nakalugay. Mas kinabahan nga lang siya nang malaman kung anong klaseng damit ang susuotin niya. Naka-upo lang si Carrie sa unahan at inaasikaso na
Hindi patungong mansion ang tinatahak ng sasakyan kundi sa ibang dereksyon. Saka niya lang napansin ang lugar nang huminto sila. Nasa daungan sila. “Anong gagawin na'tin dito?” Kinabahan agad siya. Bakit imbes na sa bahay ay dito siya dinala? Dumaan ang dila nito sa ibabang labi at iritadong binalingan siya.“Mas mabuti bang iniwan na lang kita sa club at makipagsayaw sa mga lalaking lalapit sa'yo doon? Is it better that way, huh, Salome?”Biglang dumako ang mata nito sa sout niya. Napamura ito. Nang tingnan niya ang sarili ay nalaman niyang halos lumuwa na ang dibdib niya. Nag-init ang pisngi niya at agad niyang inayos ang tela sa bandang dibdib.Napansin niya ang pag-igting ng panga nito habang hawak-hawak ang manibela. Hindi na siya nito halos matingnan at mukhang tensyunado. Panay ang pagdila sa ibabang labi at paglunok nito. Panay rin ang galaw ng adams apple. “I have a shirt at the back, wear it instead.” May iritasyon pati sa boses nito.Tahimik siyang tumango at umangat upa
Nakatanaw siya sa unahan. Naka-upo sa tela na dala niya mula sa mansyon. The salty air gives calmness. Hinahayaan niya ang buhok na guluhin ng hangin. Parang ang bilis ng oras, ngayo'y unti-unti nang nagpapakita ang araw sa silangan. Mag-isa siya sa dalamapasigan. Malayo sa malaking bahay na nag-iisang nakatayo sa pribadong isla na iyon. White sands, crystal clear water, silence. Dapat nakaka-relax. Pero magulo ang utak niya.Nakita niya, e. Iyong senaryo ni Athena at Treous sa kitchen ng mansyon nito. Hindi nawala sa utak niya iyon. Tapos sasabihin nitong gusto siya nito? Gusto? At may girlfriend ito? Parang gusto niyang pagtawanan iyon. Atsaka, bakit iniisip niya iyon? Wala dapat siyang pakialam kung gusto siya nito o hindi. Hindi dapat ito big deal sa kaniya. Hinahalikan nito si Athena habang sinasabi nitong gusto siya nito at ibang babae ang naka-display sa cellphone nito? Nababaliw na ang lalaking iyon!Kausap nito si Asmodeus Rojo. Ang katagpo nito sa isla na iyon. Pwede naman
Pagkatapos niyang na-contact ang bata ay napanatag ang kalooban niya. Maayos naman ito at hindi pa naman daw nakakadalaw si Athena doon. Paniguradong alam no'n kung nasaan ngayon si Treous. May malaking bath tub sa silid na ginagamit niya. Wala siyang balak na lumabas. Hindi niya kayang pakiharapan si Treous ngayon. Hindi niya kayang pakinggan ang mga lumalabas sa bibig nito. Gusto niyang balewalain pero hindi niya maiwasang maapektuhan. Pinuno niya ng tubig ang tub bago lumublob. Sumandal siya sa gilid niyon at pumikit. Hindi niya lubos akalaing masarap sa pakiramdam ang ganoon. Tila panandalian niyang naranasan ang karangyaan. Hindi niya naman hiniling pero kusang dumating.Na-enjoy niya ang pagbababad hanggang sa nakatulogan na at hindi niya namalayang dumausdos na ng paunti-unti ang katawan palubog sa tubig. Ngunit isang kamay ang pumigil sa kaniya para magising siya at magulat nang bumungad sa kaniya ang nakadungaw na si Treous. “Sleeping here is not a good idea.” May iritasyo
“Let's go fishing,”anito kinaumagahan. Ito ang pang-apat na araw nila sa isla. Wala siyang dala na damit. Pero may nakahanda nang mga damit na para sa kaniya. Hindi maiikli gaya ng inaasahan niya pero kadalasan ay mga summer dresses, casuals, nagsusumigaw sa pagka-feminine. Nasasagwaan siyang suotin. Naghanap siya sa wardrobe wala ring iba na mas matino para sa taste niya.Hanggang sa napansin niya ang itim na shirt ni Treous doon. May pajama kaya lang mahaba ang manggas. Wala siyang ibang choice kundi ang boxers nito na itim. Walang pakundangan niya iyong sinuot at bumaba. Naabutan niya si Treous sa daungan ng isla. Nasa speed boat na at inaayos ang tali ng sasakyan. Topless at pawis na pawis. Bahagyang nakadausdos ang board shorts kaya't sumisilip ang puson at ang sexy nitong v-line. Bumabalandara ang batu-batong tiyan at malapad na balikat. Napansin niya ang maliit na tattoo sa may leeg nito. At ngayon niya lang din napansin ang nag-iisa nitong hikaw sa kabilang tainga. Bad boy
Pagkabukas niya ng banyo ay nagulat na lang siya nang bumungad sa paningin niya ang nakasandal na si Treous. Naka-shirt na ito ng puti at naka-shorts pa rin. Naka-cross arms at seryosong nakaabang sa labas. Umayos ito ng tayo pagkalabas niya. Napahinga siya nang maluwag bago binigay ang PT kay Treous. Oo, napilit nga siya nitong mag-PT.Naawa rin siya sa secretary nito na sumakay pa talaga ng speed boat na naka-coat and tie. Para lang maihatid agad-agad ang hinihingi ng lalaking ito dito. May katandaan pa man din ang secretary nitong lalaki. Ito pa talaga ang nautosan. “You look relieved, huh?” May iritasyon sa mukha nito nang balingan niya. Napanguso siya. Hindi na siya nagsalita. Sa loob-loob niya nagdidiwang na siya nang malamang negative. At kabaligtaran naman dito. Dahil mukhang nainis pa ito ngayon. Naalala niya na naman ang tattoo. Gusto niyang pagalitan ang sarili. Ayaw niyang mag-assume. Lalong lalo na imposibleng gawin iyon ni Treous.Namingwit nga sila sa hapon. Marunon
“H-Hindi ko alam...” Wala sa sariling usal niya. Hindi pa rin mag-sink ng mabuti sa utak niya ang sinabi nito. Hindi man lang siya nito dinahan-dahan. Lahat ay puros minamadali. “I can wait. You don't need to answer right away.” Nakakandong siya sa kandungan nito at nararamdaman niya ang matigas na bagay na nauupuan niya. Napalunok siya at nate-tempt na hawakan ang dibdib nito. “Treous,”aniya sa malambing na boses. Hindi niya man lang namalayan ang tuno niya dahil sa pag-iinit.Inilapat niya ang palad sa dibdib nito at humaplos doon. Bahagya itong nakatingala sa kaniya habang naka-kandong siya dito. Lumiit ang bathtub dahil sa laki nito. At para itong lasing na lasing na nakatitig sa mga labi niya.Iginalaw niya ang pang-upo niya sa katigasan nito. Narinig niya ang mahina nitong ungól. “Fvck, baby,”marahas nitong usal.Para itong pinaparusahan. At siya ang tila walang puso na nagpaparusa dito. Dahil iginalaw niya ulit ang pang-upo at pinukol ito ng mapang-akit na tingin. Kalaunan
Natahimik silang lahat. Walang nakapagsalita. Para siyang nabingi sa tunog ng baril. Hindi niya alam kung sino ang may tama sa kanila. At parang nag-slowmo ang lahat nang kumilos ang mga lalaki. Hindi niya na mahagilap sa harapan si Daniel. Hindi niya alam kung nasaan na ito. Nilingon niya ang ama-amahan. Namilog ang mata niya nang makita kung papaano ito sumuka ng dugo. Nabitiwan siya nito maging ang baril na hawak na tinutok lang nito kanina. Lalapitan niya sana ito upang matulungan pero isang kamay ang pumigil ng braso niya para hindi tuluyang makalapit sa ama. Nalingunan niya ang seryusong mukha ni Daniel. Ngunit sa kabila ng kaseryusuhan ay bakas ang pag-aalala sa mga mata. Napasinghap siya nang hilahin siya nito upang ikulong sa mahigpit na yakap. Tila saglit nitong nakalimutan ang sitwasyon nila at ang mga kasamahan. “Sumakay ng bangka ang kasama niya. Baka hindi pa nakakalayo. Sundan niyo!” Narinig niya ang head na minanduhan ang team nito. Kaya agad ay kanluran ang ti
Naagaw ang atensyon nila ng malakas na tunog sa labas. At ang nagmamadali na si Eric ang iniluwa ng pinto. Nanlalaki ang mata at halatang natataranta ito. “Nandiyan na sila!” Halos pasigaw ang pagkakasabi nito. Lumakas ang hangin sa paligid. Mabilis siyang hinawakan ni Grego sa braso para hilahin palabas ng silid. May malaking bag na bitbit si Eric habang hawak sa kabilang kamay ni Grego ang kalibre 45 na baril. Nanlalamig siya habang nakasunod sa dalawa. Ano mang oras mula ngayon ay pwede siya nitong patayin gamit ang baril na hawak nito. Mabilis ang mga naging kilos ng mga ito. Nagkanda patid na siya sa mga usling ugat sa gubat pero walang pakialam si Grego panay pa rin ang paghila nito sa kaniya.“Bilisan mo. Tànginà!”bulyaw ni Grego nang balingan siya. Sinikap niyang masabayan ang mga galaw nito pero hindi niya talaga kaya. “Ako nang bahala sa kaniya.” Si Eric na nakasunod ay agad sumingit. Hinawakan nito agad ang braso niya kaya patulak siyang binitiwan ni Grego.Nanatili an
Nagawa talaga iyon ng ina niya? Parang ayaw niyang paniwalaan. Pero si Ma'am Salome pa ba ang magsisinungaling sa kaniya? “Bakit, Ma?” Mahina niyang sabi habang naka-upo sa marbled floor ng malaking banyo. Pero tuwing iisipin niyang nagawang ahasin ng ina niya ang ama ni Daniel ay parang ayaw niya nang harapin pa ang mga Elagrue. Nahihiya siya sa mga nagawa ng pamilya niya. Walang ibang ginawa si Ma'am Salome kundi ang magpakita ng kabutihan. Lahat ng kailangan nila ay binibigay nito. Kahit hindi maayos ang pakikitungo ng ina niya sa ibang nandoon ay maayos pa rin silang pinakikitunguhan ni Ma'am Salome. Kaya hindi niya lubos akalaing kaya pa rin itong baliktarin ng ina niya. Hindi ganoon ang pagkakakilanlan niya sa ina niya. Mataas ang respesto niya dito kaya hindi niya agad mapaniwalaan.May inasikaso si Daniel pero babalik agad. May kasambahay na rin na itinalaga sa farm house para may makasama siya. Ang sabi ay para lang may makasama siya pero ang totoo ay para alagaan siya.
“I'm sorry for what happen to your house. May mga bantay ang lupain. Ginagawa nila ang lahat para mabantayan kung sino ang naglalabas masok dito. Ang tanging pinapayagan lang namin na pasukin nila ay ang lagoon. I never thought that na pati ang bahaging ito pagkakainteresan nila. Nalaman na lang namin nasusunog na ito. Ginawa namin ang lahat para hindi tupukin nang tuluyan ang buong bahay. Pero masiyado nang malaki ang apoy at light materials lang ang gamit sa naturang bahay kaya madaling natupok. I'm really sorry, hija.” Bakas ang kalungkutan sa mga mata ni Ma'am Salome. Dahil gaya niya ay memorable rin dito ang dating tinitirhan. Ito na ngayon ang farm house na ni-renovate. Nalaman niya rin na dito nakatira si Daniel noong bata pa ito. That time, itinago ni Ma'am Salome si Daniel kay Sir Treous. Hindi niya rin akalaing may ganoong esturya pala sa pagitan ng mga ito. Bandang hapon na noong umalis si Ma'am Salome at Sir Treous. Doon nananghalian ang mag-asawa at sila ni Ma'am Salome
“Uuwi tayo ng Paredez. Let's meet my family again. This time I'm gonna marry you. Pananagutan kita.” Hindi na siya nakapalag nang sabihin nito iyon. It's just midnight nang magpaalam sila sa mga kasama nito na aalis sila ng maaga. Babyahe pa sila tungo ng Paredez. Halatang wala nang balak ipagpaliban ni Daniel ang lahat ng 'to. Sakay ng pick up nito nang marating nila ang lugar. Bandang 5:30 ng madaling araw. Nagsisimula nang sumikat ang araw. Bukas ang bintana kaya't lihim niyang inilabas ang kamay sa bintana para damhin ang hangin. Preskong-presko iyon iba sa hangin sa city. Bagay na hahanap-hanapin ng katawan niya.Home.Bahagya siyang napapikit nang dumampi ang pang-umagang hangin sa mukha. Ang dalawang bundok sa unahan ay parang magkasintahan na magkadikit at hindi mapaghihiwalay ng kahit na anong unos at bagyong dumating. Ang mansion sa unahan ay tila hindi nagbago. Ganoon pa rin ang itsura. Ang blue lagoon ay medyo nakakapanibago na. Ang hindi nagbago ay ang dami mga dumaday
Pinahintulutan niya ito at ngayo'y hinding-hindi niya na ito mapipigilan pa. Kita ang kasabikan at uhaw sa mga mata nito. Dahil sa init na naramdaman ay hindi na siya makapag-isip ng maayos. Nadadala siya sa mga halik nito.Tuluyan na siyang nalunod.“Uhh..” He suck her bréast from there up to her jawline. Bahagyang pumipisil ang kamay nito sa mga nadadaanan niyon. Biting her lower lip just so she can stop herself from móaning. Namumungay ang mata nang magtama ang mga mata nila. Hanggang ngayon hindi niya pa rin lubos akalaing nasa harapan niya ngayon ang lalaking hinahangaan ng marami. He can get girl in just a snap of his fingers. Kaya nga nandito siya. Dahil noong kinailangan siya nito ay ito siya't walang pag-aalinlangan niyang inihain ang sarili dito. Daniel can have everything he want. Even her. He's kíssing her while touching her down there. Hindi niya alam kung papaano ito hàlikan ng maayos nang hawakan nito ang pinakasensitibo niyang parte. “Danie-”Pinutol siya ng mapag
Hindi siya makahuma sa kinalalagyan dahil sa mga narinig mula dito. Wala siyang makapa na salita sa utak. Malabo pa sa kaniya ang mga narinig. Paanong siya? Kung ikukumpara sa mga nagkakagusto rito, wala siya sa kalingkingan ng mga iyon.Klarong-klaro. Pinaglalaruan lang siya nito. Nasabi na nitong kapag may gustong makuha ang lalaki ay ginagawa nito ang lahat ng paraan para makuha iyon. At ano naman ang makukuha nito sa kaniya? Wala naman siya no'ng mga bagay na mayroon ang mga babae nito.Sa kalibre ni Daniel. Hindi ang tulad niya ang pipiliin nito hanggang sa dulo. Para lamang iyong nangyari sa Mama niya. Bínúntis lang ng mayamang lalaki. Tapos ay iniwan ang mama niya. Kaya ba ayaw na ayaw ng mama niya na naglalapit siya kay Daniel? Dahil ba maaring mangyari ang ganito?Napalunok siya at bahagyang dumistansya ng kaunti mula kay Daniel. Bumuntong hininga siya at tiningnan ang mga kasamahan nila. “Inaantok na ako,”biglang nasabi niya. “Then let's go to the-”“Alam ko na kung saan.
Nakangisi na tinanggap ni Bruce ang kamay niya na may panunuya sa mga mata. Sinusubukan pa yata ang pasensya ni Daniel. May lamig sa mga mata na tiningnan ni Daniel ang kaibigan. Naiilang na ngumiti si Solen. Hindi alam kung ano ang ire-react. Binitiwan din naman kalaunan ni Bruce ang kamay niya. “Calm your bàlls, bruh!” Natatawa si Bruce na tinapik ang balikat ng bad mood na si Daniel.“Alistair here!” Nagpakilala iyong kulay blonde ang buhok. Tinanguan niya lang ito at nagpakawala ng tipid na ngiti. “Gino, and here is Troy.” Tinuro ni Gino ang sarili sabay turo sa akbay-akbay na tahimik na si Troy. Seryoso lang na nagtaas ng kamay si Troy.May mga itsura ang mga ito. Sa built ng katawan at pormahan alam mong belong ang mga ito sa mundo ni Daniel. Siya lang naman kasi ang outsider dito.Sa apat si Bruce lang ang may lakas ng loob na makipagkamay. Iyong tatlo parang takot na pansinin siya. Ilang saglit ay naramdaman niya ang kamay na humawak sa baywang niya. Nalingunan niya si Dan
Hindi niya matagalan ang titig nito kaya't agad siyang tumayo. “C-CR lang ako.”Hindi niya na ito matingnan ngayon. Hindi niya na rin hinintay na sumagot pa ito at umalis na doon. Mabilis siyang nag-lock ng pinto pagkarating niya sa silid. Nagtungo siya sa banyo niya at problemado na hinarap ang salamin. Pinagmasdan niya ang mukha sa repleksyon niyon. Napaawang ang labi niya nang makita kung gaano kapula ang pisngi niya. Napahawak siya doon. Paniguradong nakita nito ang pamumula ng mukha niya. Mas lalo siyang nahiya sa ideyang iyon.Hindi raw ito naniniwala sa fix marriage pero hindi nito sinabi kung wala nga ba itong fiancee. Maraming nagkakandarapa para makuha si Daniel. At hinding hindi nito ibababa ang standard nito para patulan siya. Hindi ang kalibre ni Daniel ang gagawa ng kahíbangan na 'yon. Biglang naalala niya ang mga búlly na kaklase niya noon sa Paredez. Noong una ay pinapahirapan siya ng mga ito pero noong lumaki sila ay bigla na lang nanligaw sa kaniya. “I have my wa