Tahimik na ang buong mansyon noong tuluyang makalabas na ako sa may basement.
Maingat ang bawat hakbang ko at pinakiramdamang muli ang buong paligid. Wala na ang mga Blood Hunters na narito kanina. Ni bakas nila ay hindi ko na ito maramdaman sa paligid. Wala na rin sila Mavi at Aki na siyang nagpakuyom ng mga kamao ko. Tanging ang magulong mga kagamitan na lamang ang nabungaran ng aking mga mata pagkalabas ko kanina sa basement.
"Saan kaya nila dadalhin ang dalawa?" Wala sa sariling tanong ko at humigpit ang pagkakahawak sa baril noong makakita ako nang dugo sa sahig. Napaluhod ako at pinagmasdan itong mabuti.
Napalunok ako at ikinalma ang sarili. Damn it! Inangat ko ang nanginginig na kamay at inilapat ang isang daliri sa dugong nasa sahig. Napapikit ako at kusang umawang ang mga labi noong mapagtanto kung kaninong dugo itong nasa sahig!
"Mavi," I whispered as I removed my finger on the stain of blood. It’s his blood. I’m a hundred percent sure that it’s his damn blood!
"I... I need to get out of here," mahinang sambit ko at mabilis na tumayo. Nagpalinga-linga ako sa magulong salas at noong mamataan ko ang pinto palabas, agad akong naglakad patungo roon, ang main entrance ng mansyon ni Aki. Ngunit bago ko pa man mahawakan ang door handle ng malaking pinto, agad akong natigilan nang makaramdam ako ng kakaibang enerhiya. Mabilis akong humakbang palayo sa may pinto at itinutok doon ang hawak-hawak na baril.
Footsteps.
Mabibilis at iba’t-ibang mga yapak ang naririnig ko mula sa labas ng mansiyon kaya naman ay kinuha ko pa ang isang baril sa aking likuran at itinutok na rin ito sa may pinto. Damn! I can hear three different footsteps from different people! Sino naman ang mga ito? Mga Blood Hunters ulit? May nalimutan sila dito sa mansiyon ni Aki? Oh, crap! This is not good!
Umatras muli ako palayo sa may pinto noong marinig kong papalapit na ang mga yapak sa kinatatayuan ko. Isang hakbang pa paatras ang ginawa ko at bumukas na ang pinto sa harapan ko. I was about to pull my gun’s trigger when I suddenly froze. Nanlaki ang mga mata ko noong makita ang mga bagong dating.
"Ice!"
"Nay Celeste?"
Napatanga ako. Damn! It was Nay Celeste! Kasama nito ngayon si Tay Manuel at ang kapatid nito, s Dawnson! They're here! Fvck! Buti na lamang ay hindi ko naituloy ang pagpapaputok ko sa kanila kanina. Damn it! Mabilis kong ibinaba ang mga baril at patakbong lumapit sa tatlo.
"Ice? Are you okay?" Nay Celeste asked. Tumango-tango ako dito bilang tugon at mabilis na niyakap ito.
"What happened here? Where's Akiston?" It was Dawnson who asked me this time. Humiwalay ako sa yakap kay Nay Celeste at binalingan si Dawnson.
Akiston? He means Aki, right? The owner of this mansion?
"You know him?" tanong ko dito habang hindi inaalis ang paningin sa kanya. Kita kong tumango lang ito at tiningnan ang magulong paligid.
"I can smell a blood of a Ventrue," ani Tay Manuel na siyang ikinatigil ko. Ventrue. The roylas of the Blood Clan! "They were here." Dagdag nito na siyang marahang ikinatango ko.
"Mavireck," sambit muli ni Dawnson na siyang ikinapilig ng ulo ko pakanan. Mavireck. Iyon ba ang totoong pangalan ni Mavi? Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nagpapalit-palit ang tingin ko kay Tay Manuel at Dawnson. Pareho silang seryosong nakamasid at pina-pakiramdaman ang buong paligid.
"We better leave this place. Mukhang ‘di pa sila nakakalayo dito," Nay Celeste said then take my hand. "Let's go, Ice.”
Hindi na ako umimik pa at nagpahila na lamang kay Nay Celeste. Dere-deretso ang lakad namin hanggang sa marating namin ang isang itim na sasakyan hindi kalayuan sa mansyon ni Aki. Mabilis akong pinasakay ni Nay Celeste sa may backseat at isinara na ang pinto sa gilid ko. Tahimik lang ako sa kinauupuan ko at pinagmasdan ang nangyayari sa paligid ko. Mayamaya pa'y sumakay na rin ang tatlo sa sasakyan. Dawnson is the one behind the wheel. Nasa tabi ko si Nay Celeste samantalang nasa may passenger seat naman si Tay Manuel. At noong makapuwesto na kaming lahat ay agad na pinaharurot ni Dawnson ang sasakyan palayo sa mansiyon ni Aki.
I sighed.
I think I'm safe now. Kasama ko na ang mga taong pinagkakatiwalaan ko. I need to calm myself now. I'm safe. Wala na sa panganib ang buhay ko.
"Ice, may naaalala ka na ba mula sa nakaraan mo?" Basag ni Nay Celeste sa katahimikan sa loob ng sasakyan. Binalingan ko ito at marahang inilingan.
"Wala pa rin akong maalala pero may mga impormasyon akong nakuha mula kay Aki. He told me about my bloodline, de Falcon clan."
Mabilis na tinapakan ni Dawnson ang preno ng sasakyan na siyang ikinatigil ko. Napabaling ako sa pwesto nito at namataan ang gulat na ekspresyon nito.
"Damn it, Dawnson!" bulalas ni Tay Manuel at masamang tiningnan si Dawnson sa tabi nito.
"You are a de Falcon? Ice?" tanong ni Nay Celeste sa akin na siyang maingat na ikinatango ako dito. What? May mali ba sa mga de Falcon? Kalaban ba nila ang pamilyang pinagmulan ko? Damn!
"Iyon ang sinabi ni Aki sa akin kanina. But… I can't remember anything, Nay Celeste. Wala akong maalala tungkol sa mga de Falcon. Tanging mga salita lamang ni Aki ang mayroon ako ngayon."
"Damn it! Don't tell me your name is Beatrice cause..." hindi na natapos ang dapat sasabihin ni Dawnson sa akin noong kusang nanlaki ang mga mata nito at pinagmasdan ako nang mabuti. "Damn it! She's the Beatrice de Falcon!"
"You know me?"
Napaayos ako nang pagkakaupo at hindi inalis ang tingin kay Dawnson. Muling nagmura si Dawnson sa puwesto nito at nag-iwas nang tingin sa akin.
"Dawnson, please… just tell me. Kilala mo ako?” Mahinang tanong ko dito.
"Let's talk about it later, Ice. Come on, Dawnson. Let's move. Hindi pa ligtas ang lugar na ito," ani Tay Manuel na siyang nagpatigil sa akin. Walang imik na sumunod si Dawnson sa utos sa kanya. Pinaandar niyang muli ang sasakyan at ‘di na muling nagsalita pa.
Napabuntong-hininga na lamang ako at walang emosyon na pinagmasdan ang likod ni Dawnson. He knew me! He knew Beatrice de Falcone! At kagaya ni Aki, tiyak kong may nalalaman din itong si Dawnson tungkol sa pamilya ko. Damn! Masyado na akong malapit na katotohanang nais kong malaman. I can feel it. Kaunti na lang at malalaman ko na ang lahat-lahat tungkol sa nakaraan ko.
Nanatili akong tahimik at seryosong tiningnan na lamang ang daang tinatahak naming. Mayamaya lang ay natigilan ako noong tawagin ako ni Nay Celeste. Bumaling ako dito at tipid na nginitian ito.
“Everything will be fine, Ice. Sa ngayon, magpahinga ka na lang muna. I'm here. Your Tay Manuel is here. We'll protect you with our life, Ice."
"Iyon din ang sinabi sa akin kanina ni Aki, Nay Celeste," ani ko at napabuntong-hininga na lamang. "Pero nasaan siya ngayon? He was captured because of me, Nay Celeste. Silang dalawa ni Mavi. They were captured because they tried to protect me."
"Ice..."
"My name is Beatrice," nanghihinang sambit ko dito. "Sa wakas at may pangalan na ako. Alam ko na rin kung saang pamilya ako nabibilang pero bakit ganito, Nay Celeste? Pakiramdam ko hindi sapat ang mga nalalaman ko ngayon. I badly want to remember everything, Nay Celeste. Para naman wala nang taong magsasakripisyo para sa buhay kong ito."
"We're willing to sacrifice our lives for you, Ice," biglang singit ni Tay Manuel na siyang ikinaawang ng labi ko. Natigilan ako sa paghinga. "You are our child, remember?"
"Tay..."
"Rest for now, Ice. Kapag narating na natin sa destinasyong pupuntahan natin ngayon, we'll figure everything out. Magpahinga ka na lang muna. Clear your mind and rest."
Wala na akong sapat na lakas para kontrahin ang mga sinabi ni Tay Manuel sa akin. Napasandal na lamang ako sa may backrest ng upuan at tumango na kay Tay Manuel. Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit ipinahinga ang isipan.
Naalimpungatan ako noong maramdaman ko ang pagbilis ng sasakyang kinaroroonan ngayon. Isang putok ng baril ang mabilis na nagpamulat sa akin at agad na umayos sa pagkakaupo.
"Dawnson, left turn!" sambit ni Tay Manuel at ikinasa ang hawak-hawak na baril. Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko at noong napabaling ako sa gawi ni Nay Celeste, natigilan ako nang mamataang ikinasa na rin nito ang hawak-hawak na baril.
"Blood Hunters are here, Ice," seryosong sambit ni Nay Celeste at inabutan ako ng isang baril. "Take this."
Mabilis ko itong kinuha at napatingin sa likuran namin. I enhanced my eyesight and saw our enemies.
"Two cars," ani ko noong mamataang may dalawang sasakyang mabilis na humahabol sa amin ngayon. "At may apat na motor sa gilid nito... Fvck! They're firing us now!" sigaw ko noong makitang nagpaputok ang isang sa sakay ng motor.
"Dawnson! Ikanan mo ang sasakyan!" utos ko dito na siyang sinunod din naman niya.
"Fvck, you can see that? In that distance?" bulalas ni Dawnson at mas pinabilis ang pagpapatakbo nang sasakyan. Muli itong nagmura at napabuntong-hininga na lamang sa puwesto nito. "You're really a de Falcon, Ice."
"I am," seryosong turan ko at binalingang muli ang mga sasakyang humahabol sa amin ngayon. Napakunot ang noo ko noong makitang nakatutok na naman sa amin ang mga baril ng mga kalaban. Agad kong ikinasa ang hawak na baril at mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan sa may gilid ko
.
"Ice!" sabay na sigaw ni Nay Celeste at Tay Manuel sa pangalan ko.
"Delikado iyang ginagawa mo, Ice!" Nag-aalalang sigaw ni Nay Celeste. Hinawakan nito ang braso ko at pilit na ibinabalik ako sa puwesto ko kanina.
"I'll be fine, Nay Celeste," mahinahong sambit ko at nginitian ito. "I'll just distract them."
Hindi ko na pinagsalita pang muli si Nay Celeste. Mabilis kong inalis ang pagkakahawak nito sa kamay ko at kumilos na. Humawak ako nang maigi sa may pinto at humugot ng isang malalim na hininga. Noong makondisyon ko na ang sarili, mabilis kong inangat ang katawan at binalanseng mabuti upang makalabas at makatungtong sa bubong ng sasakyan.
"Dawnson! Slow down a bit! Baka mapano si Ice!" rinig kong sigaw ni Nay Celeste sa loob nang sasakyan.
"No, Dawnson!" sigaw ko at lumuhod na. “Maintain the speed!” Inangat ko ang isang tuhod at pumuwesto nang maayos sa taas ng sasakyan. Itinutok ko ang baril sa mga humahabol sa amin at kinatitigang mabuti ang mga ito. I can't miss a single bullet here! "Now! Full speed, Dawnson!" sigaw kong muli at sabay na kinalabit ang gatilyo ng mga baril.
Kita ko kung paano nagtama ang mga balang parehong binitawan namin nang isang Hunter na nakasakay sa isang motor. Muli akong nagpaputok at napangisi na lamang noong natamaan ko sa ulo mismo nito ang driver nila. Isinunod ko iyong isa pa nilang driver at noong nagtagumpay akong patamaang muli ito ay gumewang-gewang ang motor na sinasakyan nito. Mayamaya lang ay sumalpok ito sa isa sa dalawang kotseng pilit na humahabol sa amin.
"Sweet," I whispered as I watched the motor bike and the car crashed each other. Humarang sa daraanan ang mga ito dahilan para mapahinto ang isa pang sasakyan, ganoon din ang dalawang natitira pang rider ng motor.
Hindi ko inalis ang paningin sa mga hunter na humahabol sa amin. Nanatili ang paningin ko sa kanila hanggang sa iliko na ni Dawnson ang sasakyan pa kanan kaya naman ay nawala na ang mga ito sa paningin ko. I immediately close my eyes. Pinakinggan ko nang mabuti ang paligid at noong hindi ko na marinig ang makina nang sasakyan at mga motor ng mga Hunters, napamulat na muli ako.
"Looks like they're done for tonight,” sambit ko at ibinaba na ang baril.
"Ice, bumalik ka na dito!" It was Nay Celeste. Hindi na ako umapila pa at mabilis na akong bumalik sa loob ng sasakyan. Pagkapasok ko ay agad akong niyakap ni Nay Celeste na siyang ikinatigil ko sa pagkilos.
"For petesake, Ice! That was dangerous!" bulalas nito.
"I'm fine, Nay Celeste," ani ko at gumanti na rin nang yakap dito.
"That was awesome, Beatrice de Falcon. You still have the skills even without your memories. You'll be a hella monster once your memories are back," ani Dawnson na siyang ikinatigil ko. "And I hope when you remember everything, you'll never make the same mistake. No. Never again, Ice."
Sa isang tagong lugar tumigil ang sasakyang kinaroroonan namin nila Nanay Celeste. Maliwanag na at ngayon ay kitang-kita ko na ang paligid. Ipinilig ko ang ulo ko at tahimik na nagmasid.Sa gawing kanan namin ay may isang hindi kalakihang bahay. Pinagmasdan ko itong mabuti hanggang sa pinatay na ni Dawnson ang makina ng sasakyan nito. Naunang lumabas si Tay Manuel at sinundan ito ni Dawnson. Umayos ako nang pagkakaupo at binalingan si Nay Celeste."This is an old house of Manuel. We'll be staying here for the meantime, Ice. Hangga't hindi pa natin naaayos ang lahat tungkol sa’yo ay mananatili tayo rito,” anito na siyang ikinatango ko."Sa tingin mo’y maaayos pa ang lahat na ito, Nay Celeste?" mahinang tanong ko dito at kinagat ang pang-ibabang labi.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko noong sa wakas ay may control na akong muli sa katawan ko.Mabilis akong napamura at wala sa sariling napahawak sa may dibdib ko. Agad na naapaawang ang labi ko noong wala akong maramdaman na kahit ano roon."I'm healed," mahinang sambit ko at ipinikit muli ang mga mata. This is insane! So, I was right. Hindi lang pagpapagaling ng sariling sugat ang kaya kong gawin. I can bring back myself after my own death. Or did I just really die? Or just my breathing and pulse stop? Damn!Things are getting more complicated now.I was conscious the whole time. Alam ko at narinig ko ang lahat nang pag-uusap nila Nanay Celeste kanina. And I was pretty sure na nakatulog o nawalan lang ako nang malay kanina kaya naman hindi ko na namalayan pa ang sunod na nangyari!Napakurap-kurap ako ng mga mata at ikinalma ang sarili. I've overheard them earlier. They
"Ice, hindi mo kailangang makaharap pa si Stephen!" Ito agad ang sinabi ni Nay Celeste noong pumayag ako sa nais ni Gabriel. Humarang ito sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Hindi natin alam kung ano ba talaga tunay na pakay ni Stephen sa’yo. Baka ikapahamak mo pa, Ice!" she exclaimed. "But he's a relative. Pinsan siya ng aking ina, Nay Celeste. For sure, he won't harm me." Tila nag-aalangang sambit ko dito. Natigilan si Nay Celeste sa sinabi ko at binalingan si Gabriel. Ramdam ko ang galit nito ngunit hindi ito sa lalaki ngunit wala itong sinabi nito. Mayamaya pa'y binalingan niya akong muli at seryosong tiningnan sa mga mata ko. "Stephen is far from being good, Ice. Kailan man ay hindi ito naging mabuti sa kahit sinong Lunar sa organisasyon. He’s full of himself. Masyadong mataas ang tingin nito sa sarili. And him being the current leader of Lunar Organization makes me s
Sa isang silid sa pangalawang palapag ng mansyon kami nagtungo. At kagaya ng nais ko, kasama ko sila Nay Celeste sa pagpanhik patungo sa opisina ni Stephen. "Sa dinami-rami nang makakapulot sa'yo, itong sila Celeste pa talaga." Panimula ni Stephen noong tuluyang nasa loob na kami ng opisina nito. Nakaupo na kami ngayon nina Nay Celeste sa sofa at nasa harapan namin si Stephen na prenteng nakaupo namna sa pang-isahang upuan. Sila Tay Manuel at Dawnson naman ay nakatayo at tahimik lamang sa may gilid namin. "That was a surprise to me. Hindi niyo ba naramdaman ang kapangyarihan nitong pamangkin ko?" "Stop it already, Stephen. Stop wasting our time. Sabihin mo na ang nais mong sabihin kay Ice,” malamig na turan ni Nay Celeste sa lalaki. "Ice? Is that your new name now?" Nakangising tanong nito habang nakatingin pa rin sa akin. "But Beatrice is much way better than Ice." Napailing na lamang ako di
Katahimikan.Wala ni isa sa mga kasama ko ang kumibo pagkatapos kong sabihin ang kondisyon ko.Hindi ko inalis ang tingin kay Stephen at hinintay lamang ang magigin reaksiyon nito sa kondisyong inilahad sa kanya. Kita ko ang gulat sa mga mata nito kaya naman ay bahagya akong napataas ng isang kilay. Hindi niya marahil inaasahang ang kondisyong inilahad ko ngayon-ngayon. Marahil ay ibang kondisyon ang inaasahan nitong sasambitin ko. Too bad for him. Kahit wala akong alam sa mundong pinanggalingan ko, alam ko naman kung paano tumaya sa labang ito. At kung ang pagiging leader ng Lunar Organization ang magliligtas sa amin sa kaguluhang ito, then, I’ll do everything to have this organization."You want to be the leader of the Lunar Organization? Tama ba ako sa narinig ko mula sa’yo, Beatrice?" seryosong tanong nito sa akin na siyang lalong nagpa-arko ng kilay ko. "You want the position? My position?"
Nasaan ako? Ipinalibot ko ang paningin ngunit tanging mga malalaking puno lamang ang nakikita ko. Napaupo ako dahil sa pagod at mariing ipinikit ang mga mata. Pinatalas ko ang aking pandinig at pinakiramdaman nang mabuti ang paligid. Mayamaya lang ay napaawang ang mga labi ko at mabilis na napahawak sa may dibdib ko. Napatingin ako dito at halos mawalan nang lakas noong makita ang bakas ng dugo roon. Bakit ako duguan? Saan ko ito nakuha? At talagang sa dibdib ko pa talaga? Anong nangyari sa akin? Bakit duguan ang suot kong damit? May… may nagtangkang pumatay ba sa akin? "S-sino ako?" mahinang tanong ko sabay hawak sa ulo. Mayamaya lang ay napailing-iling ako noong makaramdam ng kirot sa ulo ko. "Ahhh!" I cried when I felt a wave of pain inside my head. Damn! What's happeni
Bata pa lang ako, alam ko ng mayroon akong kakaibang kapangyarihan. I discovered my first ability, my enhanced eyesight, when I was only five years old. Naglalaro ako noon sa hardin ng mansyon namin noong may nakita akong isang bulto ng tao ‘di kalayuan sa puwesto ko. A man wearing an all-black suit with a bloody red eye caught my attention. Hindi ko inalis ang paningin ko dito at naging alerto na lamang noong biglang ipinilig nito ang ulo pakanan. "Mommy!" I called my mom. Hindi ko inalis ang paningin sa lalaki. He's just standing there, staring at me intently. Ni pagkurap ay ‘di nito ginawa. "Mommy, there's a man over there and he’s looking at me," ani ko sabay turo sa kinaroroonan ng lalaking nakita kanina. "A man?" narinig kong tanong ni mommy sa akin noong tuluyang nakalapit ito sa puwesto ko. Tumango ako dito at binalingan ang ina. "Red eyes, mommy! His eye color is red! It's beautiful!"
"Ice, I mean... Lady Beatrice-" "It's okay, Nay Celeste. Call me Ice, please. Ako pa rin po ito," mahinahong sambit ko dito noong mapansin ang pagkalito nito. We're now heading towards Stephen private room. Lahat nang nadaraanan naming tauhan nito ay inaatake nila Dawnson at Tay Manuel. Samantalang nasa unahan namin si Zachary at nasa tabi ko naman si Nay Celeste. Zachary. Oh, I remembered him too well. Siya ang unang taong nakikita sa akin noon. Sa kagubatan. Iyong taong inaakala kong isang halimaw. My eyes tricked me that time. Dahil na rin siguro sa takot kaya naman ang akala kong halimaw na umatake sa akin ay si Zachary pala! At talagang napaso ito dahil sa dugo kong napunta sa kanang kamay nito! My blood. It can be the death of anyone who will harm me. That's part of my cursed. A curse that was manipulated by my own mother, the great and former Lunar Organiza
BREAKING THE CURSE "Lady Alexa, stop running!" "Lady Alexa, please, stop! Mapapagalitan ka na naman ng mommy mo kung ipagpapatuloy mo ito!" "Lady Alexa!" "Puwede ba!" Inis na sigaw ko sa dalawang taga-bantay ko. Tumigil ako sa pagtakbo at masamang tiningnan ang mga ito. "I know what I'm doing here. Huwag niyo na akong sundan pa. Go back to your headquarters and just do whatever you want to do! Leave me alone, please!" "We can't do that, Lady Alexa. Alam mo namang hindi ka namin maaring iwan na lang." seryosong sambit ng isa at umayos nang pagkakatayo sa harapan ko. Napairap ako at napatingin sa isa pang taga-bantay ko. "May sasabihin ka rin?" mataray na tanong ko dito at hinawi ang buhok sa balikat ko. "Alright, hahayaan ka namin ngayon, Lady Alexa, sa kung anong nais mong gawin-" "Div
Maingat akong naupo noong bahagya akong makaramdam nang paghilo. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at dahan-dahang tumayong muli. I need to move and prepare. Hindi ako maaring manatili lamang dito sa silid ko. Kailangang may gawin din ako ngayong araw! Mabilis akong nagtango sa banyo at nag-ayos ng sarili. Maingat ang bawat galaw ko dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayong umaga. Damn! What's happening to me? May nakain ba akong masama kaya naman ay naging ganito ang pakiramdam ko? Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglilinis ng sarili. Noong matapos na ako ay agad na lumabas ako sa silid ko. Tahimik akong naglalakad patungo sa silid ng aking ina na tiyak kong abala na rin sa paghahanda sa okasyon dito sa headquarters. Tipid ko namang nginingitian ang mga Lunar na nakakasalubong ko. Mukhang naglaan talaga sila ng oras nila para sa araw na ito!  
Napakunot ang noo ko habang binabasa ang papel na hawak-hawak. Mayamaya pa'y kusang umawang ang labi ko noong mapagtanto ko kung ano iyon! Seriously? Bakit may ganito? "Mommy!" Mabilis kong binuksan ang pinto ng opisina ni mommy at mabibigat ang mga hakbang palapit sa puwesto niyo. Namewang ako sa harapan nito at inilapag ang hawak-hawak na envelope. "What's the meaning of this?" I asked her. Kita ko ang pagtaas ng isang kilay nito at binitawan ang binabasang libro. Dinampot niya ang inilapag kong envelope at ngumisi noong makita ang laman nito. "Oh, this is an invitation, darling," she said then waved the envelope in front of me. "Yes, an invitation, mommy. Obviously," I rolled my eyes. “At bakit may ganito?” Tumawa ito at tumayo mula sa kinauupuan. Naglakad ito papalapit sa akin at hinila ako patungo sa sofa ng opisina niya. Naupo kaming dalawa
Nagising ako dahil sa kung anong kakaibang pakiramdam sa paligid ko. Marahan kong iminulat ang mga mata at nabungaran ko ang isang hindi pamilyar na silid. Ilang segundo akong nanatiling nakatitig sa kisame nito hanggang sa bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Agad itong natigilan noong magtagpo ang mga paningin naming dalawa. Seconds passed, she smiled at me then walked towards my direction. "Mabuti at gising ka na," anito at naupo sa bakanteng upuan sa gilid ng kama. "Kumusta pakiramdam mo, hija?" "I feel nothing," walang emosyong sagot ko dito. "Wala akong maramdamang masakit o kahit ano sa katawan ko." "That's good to hear. I'm Celeste by the way.” Pagpapakilala nito sa akin at matamang tinitigan ako. "My husband found you in the middle of the forest, almost lifeless. Tell me, what happened to you, young lady? Ba
Napapitlag ako noong may kung anong tumama sa bintana ng silid ko. Agad akong napaatras muli hanggang sa bumunggo na ako sa gilid ng kama ko. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at tiningnan ang nakasarang bintana. Nasundan pa ng isa pang putok ang ingay na narinig kanina kaya naman ay napako ako sa kinatatayuan ko. Oh my God! They're targeting my window! Mayamaya lang ay napabuntong-hininga na lang ako noong maalalang bullet proof ang mga salamin ng bintana ko. Bahagya kong ikinalma ang sarili at kinagat ang pang-ibabang labi. Ito marahil ang dahilan kung bakit dito ako nais manatili ng mga magulang ko sa silid kong ito. Dahil sa pagkakagawa sa silid na ito, tiyak kong magiging ligtas ako laban sa mga atake mula sa labas ng mansiyon namin. Naglakad akong muli patungo sa kabinet kung saan nakalagay ang mga baril ko at matamang tiningnan ang mga ito. Dumampot ako ng isa pang baril at mabilis na inilagay ito sa likura
Bata pa lang ako ay alam ko na kung ano ang mga espesyal na kakayahan ko. I’m a hybrid, an offspring of a Lunar and Blood from Underworld. My mother is Esmeralda Lunar, the current leader of Lunar Organization. She’s fierce, talented and can use a special spell that makes her the best Lunar of her generation. Benjamin de Falco, a Ventrue, ruler of Blood Clan, is my father. My parents saved both Lunar Organization and Blood Clan, but in the end, they were both betrayed. Peace. That was all they wanted. They wanted to end the war between the Lunars and Blood. They wanted us to be civil with each other but… not everyone wanted that to happen. Napamulat ako ng mga mata ko noong makarinig ako ng ilang kaluskos sa paligid. Mabilis kong inilagay sa magkabilang tenga ang mga kamay at hindi binigyan pansin ang mga naririnig ngayon. Muli kong ipinikit ang mga mata at pinilit ang sariling matulog.
Pilit akong gumalaw mula sa pagkakaupo upang pigilan si Mavireck. No! He can't kill Nay Celeste! Not on my fucking sight! Damn it! "Sige, ituloy mo ang binabalak mo at nang matapos na rin ang buhay mo," mapanganib na banta ni mommy at inilapat na ang dulo ng baril nito sa sintido ni Mavireck. "Let her go now, Mavireck. Hindi ko na uulitin pa ito. Bitawan mo na si Celeste,” dagdag pa ni mommy at humakbang ng isang beses palapit sa dalawa. “Don't test my patience, Mavireck. Alam mong kaya kong kalabitin ang gatilyong ito nang walang pagdadalawang-isip." Halakhak ni Mavireck ang namayani sa buong silid na kinaroroonan namin ngayon. Ilang saglit lang ay binitawan na nito si Nay Celeste at nagtaas ng dalawang kamay at humarap kay mommy. Agad namang hinila ni Zachary, na kanina pa sa likod ni mommy, si Nay Celeste at dinala sa likuran nito. Hindi ako kumibo sa kinauupuan at matamang tiningnan lamang ang dalawa. &
Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tinitigan si Mavireck sa harapan ko. Ramdam ko ang mas lalong pagtaas ng pressure sa loob ng silid na kinaroroonan namin. Sa kabilang bahagi ng silid, abala pa rin si Mavi at Johnson sa kanilang laban samantalang heto ako, pilit nag-iisip nang paraan kung paano matatalo si Mavireck. "Ice!" Napakurap ako noong marinig ang pagsigaw ni Mavi sa pangalan ko. Napamura na lamang ako at halos mapaatras noong mamataang nasa harapan ko na pala ang ama nito! Damn it! "You'll end up dying here, de Falcon. Ako ang kalaban mo kaya dapat ay nakatuon lang sa akin ang buong atensiyon mo," anito at mabilis na naman akong hinawakan sa may leeg ko. Damn! Pakiramdam ko ay namamaga na ito dahil sa pagsakal niya sa akin nang paulit-ulit! "Let her go!" rinig kong sigaw ni Mavi habang patuloy pa rin sa pakikipaglaban sa tauhan ng ama. Masama kong tiningna
"Ice!"Natigil ako sa pagtakbo noong marating ko na ang silid kung saan ko nararamdaman ang malakas na presensiya ni Mavireck. Mabilis na nakalapit ang dalawa sa akin at tahimik na pinagmasdan na rin ang pinto na nasa harapan namin ngayon."This is not his office," ani Mavi at hinawakan ako sa braso ko. "Be careful, Ice. My father..." he sighed then let go of my arm. "He's cruel. Hindi kita pipigilan sa nais mong mangyari but please, be careful."Marahan akong napalunok at binalingan si Mavi sa tabi ko. Tinanguhan ko ito at muli kong hinarap ang pinto sa unahan ko at mabilis na binuksan ito. Agad kong itinaas at itinutok ang hawak kong baril noong mamataang prenteng nakaupo si Mavireck sa isang silya sa loob ng silid. Seryoso itong nakatingin sa akin at mayamaya lang ay tumayo na."Beatrice de Falcon," bigkas nito sa pangalan ko na siyang ikinataas ng mga balahibo ko. Damn! Naramdaman ko na ang ganit