Sa isang tagong lugar tumigil ang sasakyang kinaroroonan namin nila Nanay Celeste. Maliwanag na at ngayon ay kitang-kita ko na ang paligid. Ipinilig ko ang ulo ko at tahimik na nagmasid.
Sa gawing kanan namin ay may isang hindi kalakihang bahay. Pinagmasdan ko itong mabuti hanggang sa pinatay na ni Dawnson ang makina ng sasakyan nito. Naunang lumabas si Tay Manuel at sinundan ito ni Dawnson. Umayos ako nang pagkakaupo at binalingan si Nay Celeste.
"This is an old house of Manuel. We'll be staying here for the meantime, Ice. Hangga't hindi pa natin naaayos ang lahat tungkol sa’yo ay mananatili tayo rito,” anito na siyang ikinatango ko.
"Sa tingin mo’y maaayos pa ang lahat na ito, Nay Celeste?" mahinang tanong ko dito at kinagat ang pang-ibabang labi.
"My brother knows something about you. We'll ask him, Ice. Don't worry, okay?" anito at hinawakan ang kamay ko.
"Paano kung hindi siya magsalita. Paano kung wala itong ibigay na impormasiyon sa atin? Just like what Aki did to me. He just gave a little information about myself and that's it. Iyon lang. Hindi niya raw sasayangin ang sakripisyon ng mga magulang ko," nanghihinang sambit ko dito at napabuntong-hininga na lamang.
"We're here for you, Ice. Don’t worry. We'll help you."
Hindi na ako nagsalita pa at niyakap na lamang si Nay Celeste. Mayamaya pa'y nagdesisyon na kaming bumaba ng sasakyan at namataan namin si Tay Manuel at Dawnson na seryosong nag-uusapan sa harap ng pintuan ng bahay nito. Ilang segundo kami g nakatingin sa dalawa at noong maramdaman marahil nilang nakamasid kami sa kanila ay sabay silang bumaling sa puwesto namin.
"Pumasok na tayo," sambit ni Tay Manuel noong makalapit na kami ni Nay Celeste sa kanila at nauna na itong pumasok sa bahay nito. Nagkatinginan muna kami ni Nay Celeste at walang imik na sumunod dito.
Pagkapasok namin sa bahay nito ay agad na isinara nila ang pinto at mga bintana sa paligid. Tahimik ko lang pinagmasdan ang mga kilos nila at pumirmi na sila noong masigurado nilang nakasara na ang lahat.
"Dawnson, sabihin mo sa amin ang mga nalalaman mo," saad ni Nay Celeste noong bumaling si Dawnson sa gawi namin. Naupo ito sa mahabang sofa sa salas samantalang nanatili lamang akong nakatayo sa tabi nito.
"I can't, Celeste." Naiiling na sambit nito na siyang ikinangiwi ko.
"Don't tell me bullshits, Dawnson. Nasa panganib na tayong lahat! The hunters, fvck, even the tracers, are after us. So, you will tell us what you know, Dawnson," mariing sambit muli nito sa kapatid.
"Sinabihan na kita noon, Celeste, pero hindi ka nakinig!" marring sambit din ni Dawnson kay Nay Celeste na siyang ikinatigil ko. "I already told you before that this girl," bumaling ito sa akin. "...was cursed. Damn, akala ko iyon lang talaga yun. I can't even imagine that she's a de Falcon! Fvck!"
"But the de Falcon clan was long gone," Tay Manuel commented. Napatingin ako dito.
"Exactly my point!" Dawnson hissed. "And now, Ice is here. A de Falcon. Blood and Lunar are surely terrified right now! Kaya nga ay ilang hunters at tracers ang pinadala nila para lang makuha ito!”
Natigilan kami sa mga salitang binitawan ni Dawnson. Napatingala ako at ikinalma ang sarili. Ipinikit ko ang mga mata at pinakiramdaman ang paligid.
"What happened to my clan?" Napamulat ako ng mga mata ko at tiningnan ang mga kasama. Parehong napabaling si Dawnson at Tay Manuel sa akin kaya naman ay napalunok na lamang ako. "Please, tell me. Kahit iyon lang."
"The de Falcon was the founder of Blood Clan.” Natigilan ako noong magsalitang muli si Tay Manuel. "Your ancestors were the first Ventrue of that clan."
Ventrue? Iyong sinabi sa akin ni Mavi! The royals of the Blood Clan!
"What happened to them?" tanong kong muli. Alam kong ‘di na nila ako bibigyan pa nang karagdagang impormasyon ngunit natigilan na lamang ako noong magsalitang muli si Dawnson. Napaayos na lamang ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ito.
"The de Falcon was trying to be civil with the Lunars. Lalo na noong bumaba sa puwesto niya si Benjamin de Falcon. Iyon ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng mga rebelde sa Blood Clan at kinalaban ang de Falcon.” Naiiling na sambit ni Dawnson at napabuntong-hininga na lamang.
"But that was a decade ago.” Narining kong sambit ni Nay Celeste kaya naman ay napabaling ako dito. "Isang dekada na ang nakalipas simula noong nawala ang angkan ng de Falcon. All of them," dagdag pa nito habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
A decade ago? Hindi ba masyadong matagal na iyon? Isang taon pa lang ako sa puder ng mag-asawa! Kung isa akong de Falcon, dapat ay sabay akong nawala sa kanila!
Bigla akong natigilan sa napagtanto. No way.
"You mean, I was gone for ten years?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa tatlo sabay hilot sa may sintido. Binalingan kong muli si Dawnson at nagmakaawang ipagpatuloy ang pagsasalita.
"Ten years, we can say that. Pero kung ibabase natin ito sa itsura mo, you never aged a bit, Ice. You still looked like a teenager to me," ani Dawnson at nag-iwas na nang tingin sa akin.
"You told us that she was cursed. Sa tingin mo ay may kinalaman ito dito?" Tay Manuel asked Dawnson.
"I don't know, Manuel. Akiston never told me a single word about Beatrice de Falcon. Ang alam ko lang ay ligtas na ito sa mga nais kumuha rito. Ni hindi ko nga alam kung buhay o patay na ito noon."
"Curse.” Mahinang usal ni Nay Celeste. Napabaling ako sa puwesto nito at tahimik na tiningnan ito. Mayamaya pa'y bigla itong tumayo mula sa kinauupuan nito at mabilis na lumapit sa akin. "Ice, do you trust me?" biglang tanong nito sa akin na siyang ikinagulat ko.
"Of course, Nay Celeste!" agad na sagot ko dito ng walang pag-aalinlangan. I trust them, especially her! Alam kong ‘di nila ako ipapahamak sa kahit anong sitwasyon man!
"I think I know what's the curse is," anito at binalingan si Dawnson at Tay Manuel, pagkatapos ay balik na naman sa akin ang atensiyon nito. "Tanda mo ba noong sinugatan ka ni Dawnson?"
Napakunot ang noo ko sa naging tanong nito.
"Yes," sagot ko dito at marahang tumango. Tandang-tanda ko pa iyon. At…
Mabilis akong natigilan sa pagkilos. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napatingin sa braso kong sinugatan noon ni Dawnson. Hinaplos ko ito at napakagat muli ng pang-ibabang labi. It was all healed up! Ni wala na akong makitang bakas ng pagkasugat sa braso ko!
Mabilis kong ibinaba ang bag na hawak-hawak ko at kinuha ang patalim na isinilid ko roon kanina. Mahigpit ko itong hinawakan at walang sabi-sabing sinugatan ang palapulsuhan ko.
Damn!
"Ice!" sigaw ni Nay Celeste at nilapitan ako. Napapikit ako at mas lalong bumaon ang ngipin ko sa labi noong makita ang dugo sa palapulsuan ako. Agad namang tumayo si Nay Celeste at nilapitan ako.
"Your blood, Ice.” Tila nahihirapang sambit ni Tay Manuel.
I know. Sinabi na ito ni Mavi sa akin noon. My blood smells so good, he said. That's makes me special, I guess?
Nanatili ang mga mata ko sa sugat ko. Ni pagkurap ay hindi ko ginawa. Mayamaya pa'y nakaramdam ako ng init sa sugat ko na ginawa ko. Hindi ko inalis ang paningin dito at segundo lang, unti-unting naghilom na ito.
Umawang ang labi ko.
"That's it.” Narinig kong sambit ni Dawnson. "She can heal her own wound!"
"Is that it? Sa tingin mo iyon lang ang kayang gawin ni Ice?” Makahulugang tanong ni Tay Manuel sa amin. “Hindi magpapakahirap ang mga council ng Blood at Lunar para lang dito. Some of the Ventrue can heal their own wounds, too," dagdag pa nito.
"I can deepen the wounds para malaman natin kung tama ang nasa isip natin," nag-aalangan wika ko at binalingan ang tatlo. Mabilis na umapila si Nay Celeste kaya natahimik at natigil ako ako.
"Hindi mo gagawin iyon, Ice. That's dangerous. I won't allow it!"
"But that's the only way, Celeste. Hindi natin kailangang hintayin na ang hunter o tracers ang gumawa noon kay Ice," Dawnson said. Napapikit ako. Damn, mag-aaway na naman ang magkapatid dahil sa akin! I need to make a decision here! Kailangan gumawa ako nang paraan para matapos na itong haka-haka namin!
Napapikit ako at mabilis na itinarak sa dibdib ko ang hawak na patalim.
"Ice!" rinig ko ang sabay na sigaw at pagtawag sa pangalan ko nila Nay Celeste at Tay Manuel.
Napasigaw na rin ako noong maramdaman ko ang matinding sakit sa may dibdib ko. Kusang umawang ang labi ko at mas ibinaon pa sa dibdib ang patalim na hawak-hawak. Damn!
Now I’m doomed! I… I can't breathe properly now!
"Fvck!" I cursed when I pulled the knife away from my chest. Napamura muli ako at napaubo ng ilang ulit. Blood… My whole damn chest is full with my own blood now!
"Ice!" Nay Celeste called my name again. Halos wala na akong maramdaman ngayon. Nawalan na rin ako ng kontrol sa sarili at nabitiwan na ang patalim. Napapikit ako at nagsimula nang manlabo ang mga mata ko. Unti-unting nawala na ang balanse ko at hinayaan nang bumagsak ang katawan sa may sahig.
Kung tama ang hinala ko, hindi lang pagpapagaling ng sariling sugat ang kaya kong gawin. Tama si Tay Manuel sa mga tinuran nito. Blood Clan and the Lunar's won't waste their time on me kung iyon lang ang kakayahang mayroon ako. Yes, I have an enhanced eyesight and hearing sense ability pero mukhang may iba pang nais ang dalawang grupo sa akin.
"Ice! Can you hear me? Ice!" It was Nay Celeste's voice. "Damnit! Manuel, she's not breathing! Do something!"
“Calm down, Celeste. Let's wait for a minute,” sambit naman ni Dawnson. "It was her decision. Let's trust her with this one."
"Oh my God! Is she dead? Manuel! Our daughter is dead!"
Silence.
Wala na akong narinig pa mula sa mga tao sa paligid ko. I don't feel anything, too. Am I really dead? Ito na ang katapusan ko? Now, I’m lost. Mukhang mali iyong hinuha ko sa kung anong kakayahang mayroon ang katawan kong ito.
Ilang segundo pa ang lumipas at wala pa rin akong marinig o maramdaman man lang. At noong susuko na sana ako, agad akong nakaramdam ng kakaibang init sa buong katawan ko.
"Her pulse is back!" Narinig kong muli ang boses ni Dawnson. "And her wound is slowly healing."
"This is the curse of eternity."
"No."
"This is bad. Kailangan natin itong ilayo mula sa kanila."
"We can't help her with this one now, Celeste. The Blood will definitely go after her while the Lunar Organization, well, we both know why they're after her. If she's truly the last de Falcon alive, then she's the next heir of the Lunar, the rightful heir. She's Lady Esmeralda's daughter."
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko noong sa wakas ay may control na akong muli sa katawan ko.Mabilis akong napamura at wala sa sariling napahawak sa may dibdib ko. Agad na naapaawang ang labi ko noong wala akong maramdaman na kahit ano roon."I'm healed," mahinang sambit ko at ipinikit muli ang mga mata. This is insane! So, I was right. Hindi lang pagpapagaling ng sariling sugat ang kaya kong gawin. I can bring back myself after my own death. Or did I just really die? Or just my breathing and pulse stop? Damn!Things are getting more complicated now.I was conscious the whole time. Alam ko at narinig ko ang lahat nang pag-uusap nila Nanay Celeste kanina. And I was pretty sure na nakatulog o nawalan lang ako nang malay kanina kaya naman hindi ko na namalayan pa ang sunod na nangyari!Napakurap-kurap ako ng mga mata at ikinalma ang sarili. I've overheard them earlier. They
"Ice, hindi mo kailangang makaharap pa si Stephen!" Ito agad ang sinabi ni Nay Celeste noong pumayag ako sa nais ni Gabriel. Humarang ito sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Hindi natin alam kung ano ba talaga tunay na pakay ni Stephen sa’yo. Baka ikapahamak mo pa, Ice!" she exclaimed. "But he's a relative. Pinsan siya ng aking ina, Nay Celeste. For sure, he won't harm me." Tila nag-aalangang sambit ko dito. Natigilan si Nay Celeste sa sinabi ko at binalingan si Gabriel. Ramdam ko ang galit nito ngunit hindi ito sa lalaki ngunit wala itong sinabi nito. Mayamaya pa'y binalingan niya akong muli at seryosong tiningnan sa mga mata ko. "Stephen is far from being good, Ice. Kailan man ay hindi ito naging mabuti sa kahit sinong Lunar sa organisasyon. He’s full of himself. Masyadong mataas ang tingin nito sa sarili. And him being the current leader of Lunar Organization makes me s
Sa isang silid sa pangalawang palapag ng mansyon kami nagtungo. At kagaya ng nais ko, kasama ko sila Nay Celeste sa pagpanhik patungo sa opisina ni Stephen. "Sa dinami-rami nang makakapulot sa'yo, itong sila Celeste pa talaga." Panimula ni Stephen noong tuluyang nasa loob na kami ng opisina nito. Nakaupo na kami ngayon nina Nay Celeste sa sofa at nasa harapan namin si Stephen na prenteng nakaupo namna sa pang-isahang upuan. Sila Tay Manuel at Dawnson naman ay nakatayo at tahimik lamang sa may gilid namin. "That was a surprise to me. Hindi niyo ba naramdaman ang kapangyarihan nitong pamangkin ko?" "Stop it already, Stephen. Stop wasting our time. Sabihin mo na ang nais mong sabihin kay Ice,” malamig na turan ni Nay Celeste sa lalaki. "Ice? Is that your new name now?" Nakangising tanong nito habang nakatingin pa rin sa akin. "But Beatrice is much way better than Ice." Napailing na lamang ako di
Katahimikan.Wala ni isa sa mga kasama ko ang kumibo pagkatapos kong sabihin ang kondisyon ko.Hindi ko inalis ang tingin kay Stephen at hinintay lamang ang magigin reaksiyon nito sa kondisyong inilahad sa kanya. Kita ko ang gulat sa mga mata nito kaya naman ay bahagya akong napataas ng isang kilay. Hindi niya marahil inaasahang ang kondisyong inilahad ko ngayon-ngayon. Marahil ay ibang kondisyon ang inaasahan nitong sasambitin ko. Too bad for him. Kahit wala akong alam sa mundong pinanggalingan ko, alam ko naman kung paano tumaya sa labang ito. At kung ang pagiging leader ng Lunar Organization ang magliligtas sa amin sa kaguluhang ito, then, I’ll do everything to have this organization."You want to be the leader of the Lunar Organization? Tama ba ako sa narinig ko mula sa’yo, Beatrice?" seryosong tanong nito sa akin na siyang lalong nagpa-arko ng kilay ko. "You want the position? My position?"
Nasaan ako? Ipinalibot ko ang paningin ngunit tanging mga malalaking puno lamang ang nakikita ko. Napaupo ako dahil sa pagod at mariing ipinikit ang mga mata. Pinatalas ko ang aking pandinig at pinakiramdaman nang mabuti ang paligid. Mayamaya lang ay napaawang ang mga labi ko at mabilis na napahawak sa may dibdib ko. Napatingin ako dito at halos mawalan nang lakas noong makita ang bakas ng dugo roon. Bakit ako duguan? Saan ko ito nakuha? At talagang sa dibdib ko pa talaga? Anong nangyari sa akin? Bakit duguan ang suot kong damit? May… may nagtangkang pumatay ba sa akin? "S-sino ako?" mahinang tanong ko sabay hawak sa ulo. Mayamaya lang ay napailing-iling ako noong makaramdam ng kirot sa ulo ko. "Ahhh!" I cried when I felt a wave of pain inside my head. Damn! What's happeni
Bata pa lang ako, alam ko ng mayroon akong kakaibang kapangyarihan. I discovered my first ability, my enhanced eyesight, when I was only five years old. Naglalaro ako noon sa hardin ng mansyon namin noong may nakita akong isang bulto ng tao ‘di kalayuan sa puwesto ko. A man wearing an all-black suit with a bloody red eye caught my attention. Hindi ko inalis ang paningin ko dito at naging alerto na lamang noong biglang ipinilig nito ang ulo pakanan. "Mommy!" I called my mom. Hindi ko inalis ang paningin sa lalaki. He's just standing there, staring at me intently. Ni pagkurap ay ‘di nito ginawa. "Mommy, there's a man over there and he’s looking at me," ani ko sabay turo sa kinaroroonan ng lalaking nakita kanina. "A man?" narinig kong tanong ni mommy sa akin noong tuluyang nakalapit ito sa puwesto ko. Tumango ako dito at binalingan ang ina. "Red eyes, mommy! His eye color is red! It's beautiful!"
"Ice, I mean... Lady Beatrice-" "It's okay, Nay Celeste. Call me Ice, please. Ako pa rin po ito," mahinahong sambit ko dito noong mapansin ang pagkalito nito. We're now heading towards Stephen private room. Lahat nang nadaraanan naming tauhan nito ay inaatake nila Dawnson at Tay Manuel. Samantalang nasa unahan namin si Zachary at nasa tabi ko naman si Nay Celeste. Zachary. Oh, I remembered him too well. Siya ang unang taong nakikita sa akin noon. Sa kagubatan. Iyong taong inaakala kong isang halimaw. My eyes tricked me that time. Dahil na rin siguro sa takot kaya naman ang akala kong halimaw na umatake sa akin ay si Zachary pala! At talagang napaso ito dahil sa dugo kong napunta sa kanang kamay nito! My blood. It can be the death of anyone who will harm me. That's part of my cursed. A curse that was manipulated by my own mother, the great and former Lunar Organiza
Wala ni isa sa mga kaharap ko ang nagsalita noong magpakilala ako bilang Beatrice Lunar de Falcon. Mataman lang silang nakatingin sa akin at tila hinihintay ang susunod kong sasabihin sa kanila. I sighed. Naupo ako sa bakanteng upuan sa harapan ko at seryosong pinagmasdan ang lima pang miyembro ng council Lunar Organization. Alam kong tapat ang mga ito sa kung sino ang lider ng organisasyon. At ngayong wala na si Stephen, wala na silang ibang pagpipilian pa kung hindi ang tanggapin ako bilang bagong lider ng organisasyong ito. "Stephen is dead," sambit ko na siyang ikinagulat ng lahat. Nagtaas ako ng isang kilay at pinagmasdan ang mga reaksiyon nila. "What? W-what happened to him?" tanong ng isa na siyang ikinaayos ko nang pagkakaupo. "I killed him," walang emosyong sambit ko habang hindi pa rin inalis ang paningin sa kanila. Ipinilig ko ang ulo pakanan at ‘di nakatakas
BREAKING THE CURSE "Lady Alexa, stop running!" "Lady Alexa, please, stop! Mapapagalitan ka na naman ng mommy mo kung ipagpapatuloy mo ito!" "Lady Alexa!" "Puwede ba!" Inis na sigaw ko sa dalawang taga-bantay ko. Tumigil ako sa pagtakbo at masamang tiningnan ang mga ito. "I know what I'm doing here. Huwag niyo na akong sundan pa. Go back to your headquarters and just do whatever you want to do! Leave me alone, please!" "We can't do that, Lady Alexa. Alam mo namang hindi ka namin maaring iwan na lang." seryosong sambit ng isa at umayos nang pagkakatayo sa harapan ko. Napairap ako at napatingin sa isa pang taga-bantay ko. "May sasabihin ka rin?" mataray na tanong ko dito at hinawi ang buhok sa balikat ko. "Alright, hahayaan ka namin ngayon, Lady Alexa, sa kung anong nais mong gawin-" "Div
Maingat akong naupo noong bahagya akong makaramdam nang paghilo. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at dahan-dahang tumayong muli. I need to move and prepare. Hindi ako maaring manatili lamang dito sa silid ko. Kailangang may gawin din ako ngayong araw! Mabilis akong nagtango sa banyo at nag-ayos ng sarili. Maingat ang bawat galaw ko dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayong umaga. Damn! What's happening to me? May nakain ba akong masama kaya naman ay naging ganito ang pakiramdam ko? Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglilinis ng sarili. Noong matapos na ako ay agad na lumabas ako sa silid ko. Tahimik akong naglalakad patungo sa silid ng aking ina na tiyak kong abala na rin sa paghahanda sa okasyon dito sa headquarters. Tipid ko namang nginingitian ang mga Lunar na nakakasalubong ko. Mukhang naglaan talaga sila ng oras nila para sa araw na ito!  
Napakunot ang noo ko habang binabasa ang papel na hawak-hawak. Mayamaya pa'y kusang umawang ang labi ko noong mapagtanto ko kung ano iyon! Seriously? Bakit may ganito? "Mommy!" Mabilis kong binuksan ang pinto ng opisina ni mommy at mabibigat ang mga hakbang palapit sa puwesto niyo. Namewang ako sa harapan nito at inilapag ang hawak-hawak na envelope. "What's the meaning of this?" I asked her. Kita ko ang pagtaas ng isang kilay nito at binitawan ang binabasang libro. Dinampot niya ang inilapag kong envelope at ngumisi noong makita ang laman nito. "Oh, this is an invitation, darling," she said then waved the envelope in front of me. "Yes, an invitation, mommy. Obviously," I rolled my eyes. “At bakit may ganito?” Tumawa ito at tumayo mula sa kinauupuan. Naglakad ito papalapit sa akin at hinila ako patungo sa sofa ng opisina niya. Naupo kaming dalawa
Nagising ako dahil sa kung anong kakaibang pakiramdam sa paligid ko. Marahan kong iminulat ang mga mata at nabungaran ko ang isang hindi pamilyar na silid. Ilang segundo akong nanatiling nakatitig sa kisame nito hanggang sa bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Agad itong natigilan noong magtagpo ang mga paningin naming dalawa. Seconds passed, she smiled at me then walked towards my direction. "Mabuti at gising ka na," anito at naupo sa bakanteng upuan sa gilid ng kama. "Kumusta pakiramdam mo, hija?" "I feel nothing," walang emosyong sagot ko dito. "Wala akong maramdamang masakit o kahit ano sa katawan ko." "That's good to hear. I'm Celeste by the way.” Pagpapakilala nito sa akin at matamang tinitigan ako. "My husband found you in the middle of the forest, almost lifeless. Tell me, what happened to you, young lady? Ba
Napapitlag ako noong may kung anong tumama sa bintana ng silid ko. Agad akong napaatras muli hanggang sa bumunggo na ako sa gilid ng kama ko. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at tiningnan ang nakasarang bintana. Nasundan pa ng isa pang putok ang ingay na narinig kanina kaya naman ay napako ako sa kinatatayuan ko. Oh my God! They're targeting my window! Mayamaya lang ay napabuntong-hininga na lang ako noong maalalang bullet proof ang mga salamin ng bintana ko. Bahagya kong ikinalma ang sarili at kinagat ang pang-ibabang labi. Ito marahil ang dahilan kung bakit dito ako nais manatili ng mga magulang ko sa silid kong ito. Dahil sa pagkakagawa sa silid na ito, tiyak kong magiging ligtas ako laban sa mga atake mula sa labas ng mansiyon namin. Naglakad akong muli patungo sa kabinet kung saan nakalagay ang mga baril ko at matamang tiningnan ang mga ito. Dumampot ako ng isa pang baril at mabilis na inilagay ito sa likura
Bata pa lang ako ay alam ko na kung ano ang mga espesyal na kakayahan ko. I’m a hybrid, an offspring of a Lunar and Blood from Underworld. My mother is Esmeralda Lunar, the current leader of Lunar Organization. She’s fierce, talented and can use a special spell that makes her the best Lunar of her generation. Benjamin de Falco, a Ventrue, ruler of Blood Clan, is my father. My parents saved both Lunar Organization and Blood Clan, but in the end, they were both betrayed. Peace. That was all they wanted. They wanted to end the war between the Lunars and Blood. They wanted us to be civil with each other but… not everyone wanted that to happen. Napamulat ako ng mga mata ko noong makarinig ako ng ilang kaluskos sa paligid. Mabilis kong inilagay sa magkabilang tenga ang mga kamay at hindi binigyan pansin ang mga naririnig ngayon. Muli kong ipinikit ang mga mata at pinilit ang sariling matulog.
Pilit akong gumalaw mula sa pagkakaupo upang pigilan si Mavireck. No! He can't kill Nay Celeste! Not on my fucking sight! Damn it! "Sige, ituloy mo ang binabalak mo at nang matapos na rin ang buhay mo," mapanganib na banta ni mommy at inilapat na ang dulo ng baril nito sa sintido ni Mavireck. "Let her go now, Mavireck. Hindi ko na uulitin pa ito. Bitawan mo na si Celeste,” dagdag pa ni mommy at humakbang ng isang beses palapit sa dalawa. “Don't test my patience, Mavireck. Alam mong kaya kong kalabitin ang gatilyong ito nang walang pagdadalawang-isip." Halakhak ni Mavireck ang namayani sa buong silid na kinaroroonan namin ngayon. Ilang saglit lang ay binitawan na nito si Nay Celeste at nagtaas ng dalawang kamay at humarap kay mommy. Agad namang hinila ni Zachary, na kanina pa sa likod ni mommy, si Nay Celeste at dinala sa likuran nito. Hindi ako kumibo sa kinauupuan at matamang tiningnan lamang ang dalawa. &
Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tinitigan si Mavireck sa harapan ko. Ramdam ko ang mas lalong pagtaas ng pressure sa loob ng silid na kinaroroonan namin. Sa kabilang bahagi ng silid, abala pa rin si Mavi at Johnson sa kanilang laban samantalang heto ako, pilit nag-iisip nang paraan kung paano matatalo si Mavireck. "Ice!" Napakurap ako noong marinig ang pagsigaw ni Mavi sa pangalan ko. Napamura na lamang ako at halos mapaatras noong mamataang nasa harapan ko na pala ang ama nito! Damn it! "You'll end up dying here, de Falcon. Ako ang kalaban mo kaya dapat ay nakatuon lang sa akin ang buong atensiyon mo," anito at mabilis na naman akong hinawakan sa may leeg ko. Damn! Pakiramdam ko ay namamaga na ito dahil sa pagsakal niya sa akin nang paulit-ulit! "Let her go!" rinig kong sigaw ni Mavi habang patuloy pa rin sa pakikipaglaban sa tauhan ng ama. Masama kong tiningna
"Ice!"Natigil ako sa pagtakbo noong marating ko na ang silid kung saan ko nararamdaman ang malakas na presensiya ni Mavireck. Mabilis na nakalapit ang dalawa sa akin at tahimik na pinagmasdan na rin ang pinto na nasa harapan namin ngayon."This is not his office," ani Mavi at hinawakan ako sa braso ko. "Be careful, Ice. My father..." he sighed then let go of my arm. "He's cruel. Hindi kita pipigilan sa nais mong mangyari but please, be careful."Marahan akong napalunok at binalingan si Mavi sa tabi ko. Tinanguhan ko ito at muli kong hinarap ang pinto sa unahan ko at mabilis na binuksan ito. Agad kong itinaas at itinutok ang hawak kong baril noong mamataang prenteng nakaupo si Mavireck sa isang silya sa loob ng silid. Seryoso itong nakatingin sa akin at mayamaya lang ay tumayo na."Beatrice de Falcon," bigkas nito sa pangalan ko na siyang ikinataas ng mga balahibo ko. Damn! Naramdaman ko na ang ganit