Sabrina's POVHindi nagtatanong si Gabino. Hindi rin siya kinikibo. Simula ng nakakahiyang karupukan niya kanina hindi na muli ito lumapit sa kanya. Si Gavin lang ang inaasikaso nito nang inaasikaso kahit nang dumating sina Jannah at Mateo - na sa pagkagulat niya ay engage to be married na ang dalawa. Hindi ito kumikibo. Tinutukso ito ni Jannah pero ngingiti lang ng matipid.Hindi niya tuloy alam kung ano ang iniisip nito. Mas lalo siyang kinakabahan. Lalo na at naisiwalat niya dito kanina na ito ang ama ni Gavin. Pero sino ba ang lolokohin niya. Ngayong magkadikit ang mag-ama niya kahit sino ang makakita, si Gabino ang ituturong ama. Parang pinagbiyak na bunga ang dalawa.Nakausap niya na si Gavin kanina. Naglayas pala ito at hinanap ang Tatay nito. Nakaramdam siya ng guilt. Hindi niya akalaing magagawa iyon ng anak para lang makita ang ama nito. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may nangyaring masama dito. Dahil kasalanan niya! Kung hindi sana siya naglihim at kung naipaliwanag
Sabrina's POVWala siyang nagawa kundi isama si Gab papunta sa Bulacan. Inintay lang nilang ma-discharge si Gavin at bumiyahe na sila. Nag-convoy na lang ang dalawang sasakyan. Do'n sana siya sasakay kay Jude pero ipinagtulakan siya nito kay Gab. Si Gavin na lang daw ang isasakay nito para makapag-usap sila ni Gabin. Na hindi naman nangyari.Wala silang imikin sa anim na oras na biyahe nila, ni hindi man lang siya kinausap nito. Kahit nang dumaan sila sa drive thru di man lang nito itinanong kung anong gusto niyang kainin basta na lang itong umorder at iniabot sa kanya. Ngayon na sa McArthur highway na sila papunta sa Marilao. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Gusto niya itong kausapin pero napipigilin siya ng madilim na anyo nito."Iliko mo diyan sa Mabel compound, diretso tapos unang kanto sa kaliwa yung blue na bahay," aniya dito. Nabili ni Jude ang lupa at pinatayuan ng bahay. Isang two story house na may sukat na 300sqm, ang kalahati ay sakop ng bahay at ang kalahati ay sa karin
Sabrina's POVBumiyahe sila pabalik sa San Ignacio kinabukasan. May bahagi niya na masaya at excited, may bahagi din na malungkot at kinakabahan at the same time.Masaya siya dahil sa wakas may chance na mabuo ang pamilya nila. Inalok siya ng kasal kahit galit sa kanya si Gab. Okay na siya do'n. Sapat na 'yon. Beggars cannot be chooser.Kaya lang malungkot dahil ang lapit ni Gab pero parang ang layo. Nakikita pero di mahawakan. Nakangiti pero hindi para sa kanya.Nakakapanibago.At wala siyang choice kundi magtiis at magpakumbaba dahil siya naman ang may kasalanan. Siya ang nagtago at lumayo e. Siya yung natakot humarap sa problema, sabi nga ni Gab.Pero duwag nga ba siya? Gusto niya lang namang mapabuti ito. Minahal niya lang ito ng sobra. Masama ba yung ginawa niya?Siguro nga masama, kasi nagalit si Gab e. Nanumnumbat, nagtatampo, hindi nang-iimik. Ayaw niya no'n. Kaya gagawa siya ng paraan para mapalapit uli ito sa kanya. Kasehodang maghubad siya sa harapan nito suot at ang bagong
Sabrina's POVKaya pala parang hindi sure si Gabin kung Mommy niya nga ba o hindi ang na sa ibaba dahil si Tita Clarice ang kasama ng Daddy niya. Ang biological mother niya.Mabilis itong napatayo nang makita silang pababa ng hagdan at sinalubong ng yakap. Gumanti rin siya ng yakap dito. Matagal naman na niyang natanggap na ito ang tunay niyang ina. Base na rin sa kwento ni Mickey, sapilitan daw siyang kinuha ng Lolo Damian niya dito. Siya ang nakuha dahil siya ang hawak noon ni Tita Clarice. Hindi raw alam ng Lolo niya na kambal sila ni Mickey. Nagdamdam siya sa Lolo niya. Lalo na nang malaman kung ano-ano ang mga kinailangan ni Tita Clarice para lang mahanap siya. Napabayaan nito si Mickey. Siya ang nawala pero parang si Mickey ang nawalan. Nawalan si Mickey ng kapatid at Ina."S-Si Mickey?" umiiyak na tanong nito. "Hindi ba siya uuwi?""Susunod sila ni Jude," aniya."Ang mga apo ko kasama ba?" Kita niya ang pananabik nito kay Mickey.Napatingin siya sa Daddy niya na nakamasid lang
Sabrina's POVAkala niya okay na sila ni Gab pagkatapos nang namagitan sa kanila, pero balik na naman uli ito sa dati. Kibuin-dili siya. Doon na sila natutulog ni Leticia sa masters bedroom pero hindi na uli siya hinawakan ni Gab. Minsan gabing-gabi na ito umuuwi at napaka-aga kung umalis. Kpag naman na sa bahay ito laging kasama ang mga anak nila. Parang gusto niya tuloy mainggit sa mga anak.Katulad na lang ngayon na sa kusina ang mag-aama niya habang tinutulungan si Gab na magluto ng pananghalian nila. Samantalang siya nandito sa sala at nanonood ng talk show sa korean channel kahit di naman niya maintindihan ang mga sinasabi. Hindi niya rin binabasa ang subtitle basta nakatunganga lang siya sa T.V.gusto niya sanang makisali sa mag-aama kaya lang out of place naman siya. Naiinis na siya sa mga anak dahil parang kinalimutan na siya ng mga ito. Dati naman parang Hindi mabubuhay ang mga ito ng wala siya pero ngayon ni hindi na ata siya naaalala.Mga balimbing! - Maktol niya. Tamad na
Sabrina's POVHalos araw-araw kasabay ni Gab umuuwi si Maria sa bahay. Laging nag-uusap ang mga ito sa opisina ni Gabin sa ibaba pagkatapos ay sasabay maghapunan sa kanila si Maria bago ihatid ni Gabin.Hindi niya itinago ang inis sa pinsan niya. Harap-harapan kasi nitong nilalandi si Gab at parang okay lang iyon kay Gabin. Nakakapanggigil! Pati mga bituka niya nanggigil sa pinsan niya.Madalas pa siyang ngisihan ni Maria na mas lalong kinaiinis niya. Katulad na lang ngayon na sa kusina siya habang umiinom ng kape. Lihim niyang binabantayan ang dalawa. Ngayon lang kasi inabot ng gabi ang mga iyon na nag-uusap. Na sa taas na ang mga anak niya at tulog na. Hinihintay niya na lang matapos mag-usap ang dalawa dahil gusto niyang makipaglinawan kay Gabin. Hindi uubra na harap-harapan siya nitong binabalewala lalo na sa harap ng pinsan niyang mahadera."Gusto ko ng kape," anito sa kanya. Nag-uutos at hindi nakikiusap."Di magkape ka," inis na aniya kay Maria.Ipinaikot nito ang mga mata sa k
Sabrina's POVPumasok siya sa masters bedroom pero wala doon si Gabin. Nilapitan niya ang anak na mahimbing na natutulog sa kama. Niyakap niya ito at tahimik na napaiyak.Mali ba siya nang magdesisyon siyang umalis noon? Ang iniisip niya lang naman noon ay ang kapakanan ni Gab pero... Ano nga kaya kung nanatili siya? Anong naging buhay nila Gabin? Siguro'y mas masaya kahit mahirap.Halos manikip na ang dibdib niya sa kakaiyak ng biglang kumirot ang puson niya. Napahawak siya doon dahil namilipit na siya sa sakit, napahigpit tuloy ang yakap niya sa anak kaya ito nagising."Aahhh..." ungol niya dahil mas lalong tumindi ang sakit."Nay... Bakit po?" tanong ni Leticia na nakaupo na sa tabi niya at hinihimas ang buhok niya. "Nay?" kita niya ang takot sa mata ng anak sa nakikitang paghihirap niya.Naramdaman niya ang mainit na likidong gumagapang sa hita niya. Hinawakan niya iyon at halos mawalan siya ng kulay ng makitang dugo ang na sa hita niya."Sugat ka, Nay?" ani ni Leticia saka nag-um
Sabrina's POVParang bumalik sila ten years ago. Naging maasikaso na uli si Gabino sa kanya. Bawat galaw at bawat kibot niya naka-alalay ito. Para siyang babasagin kung ituring nito.Masaya siya na bumabalik na uli sila sa dati. Bumalik na ang Gabino na minahal niya.Agad siyang napangiti nang pumasok ito sa hospital room na kinaroroonan niya. Ngayon na ang discharge niya. Ngumiti rin ito sa kanya saka iwinagayway ang mga papel na hawak nito."Uwi na tayo," anito saka nilapitan siya.Agad na niyakap niya ito. Gustong-gusto niya kapag niyayakap niya ito at nararamdaman ang init nito. Gumanti ito ng yakap sa kanya at hinalikan ang ulo niya."Tara na?" anito ng humiwalay sa kanya.Tiningala niya ito at hinaplos ang pisngi. "I love you, Gab," aniya saka inabot ang labi nito at pinatakan ng halik.Pumikit ito at idinikit ang noo sa noo niya, saglit silang na sa ganoong puwesto hanggang umayos ito ng tayo. Muli nitong hinalikan ang ulo niya saka tumalikod para kuhanin ang wheelchair na nasa
Sabrina's POV"Nay, dali!" malakas na tili ni Leticia. Napabuntong hininga na lang siya sa anak. Hindi niya alam kung bakit ba madaling-madali ito na pumunta sila sa Garden. Dalawang araw na siyang matamlay dahil busy si Gab sa restaurant at hindi nakakadalaw sa kanila. Hindi pa rin kasi sila nito sinusundo may mga inaasikaso pa raw kasi ito."Asan ba ang mga Kuya mo?" tanong niya sa anak dahil hindi pa niya nakikita ang kambal simula pa kanina. "Dahan-dahan, anak," saway niya kay Leticia dahil pababa na sila ng hagdan.Nang malapit na sila sa pintuan palabas ng garden nakarinig siya nang pag-strum ng gitara. Medyo dim ang liwanag dahil alas siyete na rin naman ng gabi. Patay ang ilaw sa pathway na papunta sa garden. Nagtaka siya dahil hindi naman pinapatay ang ilaw pathway.Nang makarating sila sa pinto ay biglang lumiwanag ang paligid. Tumugtog ang drums at piano kasabay ng pag-strum ng gitara. Kasunod niyon ay isang pamilyar na tinig. Malamig at napakagandang tinig.Maluha-luha siy
Gabino's POVNagising siya sa marahang haplos sa noo niya. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niya si Sabrina na nakatunghay sa kanya."Sab..."Hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Ilang araw na rin kasi siyang hindi nakakatulog dahil sa kakaisip sa sitwasyon nila ni Sabrina."Puwede na ba tayong mag-usap?" malambing ang boses ni Sabrina. Nakangiti din ang mga mata nito.Tumango siya at bumangon. Bumuntong hininga naman si Sabrina at nagsimulang magsalita."Sorry... Dahil iniwan kita no'n ng hindi man lang pinapaalam sa'yo na magkaka-anak na tayo. Magulo ang buhay ko no'n. Umalis si Mommy at Kuya, nagdala ng babae si Daddy sa bahay. Pakiramdam ko hindi na ako parte ng kahit kaninong pamilya. I don't see any future for me that time. I feel lost. Then I found out that the girl my father brings home is my real mother."Napatingin siya kay Sab. Malungkot ang mga mata nito. Ngayon niya lang nalaman na ang bagong asawa ng Daddy nito ang tunay nitong ina."Hindi ako nagdadahilan kaya
Gabino's POVAraw-araw nasa Villa siya para bisitahin ang mag-iina niya simula nang sampalin siya ni Sabrina. Nasaktan siya sa ginawa nito pero hindi naman siya nagalit. Alam niyang ayaw nitong kumakampi siya sa iba pero... hindi naman niya matiis si Maria. Maria is a good friend, ito ang nag-recommend sa kanya kay Don Damian. Bukod pa doon mabait naman at maasahan si Maria, madalas nga lang itong mapaaway dahil sa ugali nito. Iba kasi ang ipinapakita nitong ugali sa ibang tao kaysa sa tunay na ito. Hirap lang talaga itong makibagay sa mga tao lalo na at mababa ang self-esteem nito. At ang mga sinabi dito ni Sabrina ay mas lalo lang magpapababa nang tingin nito sa sarili kaya naman hindi na niya napigilang awatin si Sabrina.Ang kaso siya naman ang na-bad shot kay Sabrina. Ayaw siya nitong kausapin, kahit harapin. Kahit na nga nakikiusap siya sa labas ng pintuan nito ayaw siya nitong pagbuksan. Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit pumayag pa siya sa Lolo nito na dumito na muna sa Vil