Maganda ang pinuntahan nilang lugar. Mamahaling restaurant iyon. Mga naka night gown o formal dresses ang pumapasok doon.Nalula siya sa dami ng mga sikat na personalidad na nakikita niya. May singer, artista at mga you tuber vloggers ang naroroon.Inalalayan siya ni Harvy na pumasok sa loob. Hindi dikit dikit ang mga lamesa doon. Magkakalayo ito, siguro para magkaprivacy ang mga kumakain doon. "Sir Harvy Austria?" isang lalaki ang bumati sa kanila."Yes.""This way po sir," iginiya sila ng waiter sa isang kwarto na glass ang particion sa main hall. Mas konti ang tao sa lugar na yun. Mga sampung lamesa lamang na talagang malalayo ang pagitan.Nahagip ng mata niya, ang isang babaeng kumakaway. 'Si Audrey! anong ginagawa niya dito?'"Let's go," binitawan na siya ni Harvy, at dumiretso na ito kay Audrey. Nakipagbeso pa ito sa babae.Naiwan siya ni Harvy na nakatayo lang. Pinuntahan siya ni Audrey."Hi Dahlia!" nakipagbeso pa ang plastic na to sa kanya."A--anong ginagawa mo dito?" napati
Napansin niyang nakatulog na ang asawa niya. May konting traffic, naisipan niya munang mag drive tru sa star bucks ng kape. Baka antukin siya. Malayo layo pa naman ang mansiyon sa lugar kung saan sana sila kakain.Inayos muna niya ang pwesto nito. Tinawagan niya si Alma."Mommy, pauwi po kami dyan, kailangan po siguro ng doctor ni Harvy, kasi po na high blood siya kanina. Opo, yes po, baka po may iinuming gamot eh. Mga 30 minutes pa po, sana ma less ang traffic. Baka po abutin kami ng matagal kapag ganito. Hindi pa po. Okay po. Thank you po mommy."Ibinaba na niya ang tawag sa biyenan na babae. Mabuti ng alam ng mga ito kung ano ang nangyayari sa anak nila. Mabuti at wala silang pasok kinabukasan. Tunog naman ng tunog ang cellphone ni Harvy. Nasa bulsa ito ng coat ng lalaki, kinuha niya ito, si Audrey. Hindi niya ito sinagot. Ibinaba lang niya saka pinatay. 'Baka kung ano na naman ang sinabi n g babaeng iyon kay Harvy kaya ito biglang nahigh blood.Mabilis na ang usad ng mga sasakyan,
Pumasok siya sa banyo. Gulong gulo ang isipan niya. Ano nga ba ang gagawin niya, kung sakaling mainlove si Dahlia kay Richmond? mapipigilan niya kaya ito?Habang nagtotoothbrush siya, nakatitig siya sa salamin.'Ang gwapo ko naman. Gusto kaya ako ni Dahlia? paano kung wala? paano kung nakikisama lang siya sa kin?'Naghilamos siya pagkatapos magsipilyo. Tuminhin ulit siya sa salamin."Dahlia, gusto kita, gusto mo rin ba ako?" nagpapraktis siya habang nakatingin sa salamin."Parang napakayabang ko naman.. ito kaya, Hey, i like you! alam kong may gusto ka rin sakin. Naku, para naman akong namimilit nito. "Dahlia, hmm hai naku, bahala na nga!"Paglabas niya ng banyo, nakita niya si Dahlia na pangiti ngiti habang may kausap sa phone. Maya maya pa, niyakap nito ang cellphone at nagniningning ang mata na tumingin sa kisame.Ni hindi man lang nito napansin ang kanyang presensiya."Sinong kausap mo?" tanong niya dito.Ibinaba ng babae ang cellphone sa side table, saka ibinuka ang kumot. "mahig
"Kailangan ng healthy life style Harvy. Iwasan muna ang bar hopping para makaias sa alak at mga pulutan. Baka maagang mabiyuda si Dahlia kapag hindi ka nagtino," sabi ni Doc Roman sa kanya. Nakaupo sila sa harapang upuan sa harap ng lamesa ng doctor."Ano pa ang mga bawal doc?" tanong ni Dahlia."Ang pagkaing maaalat at mamantika. Umiwas ka na rin sa maraming sugar. Baka mag aya pa ang BP mo ng ibang sakit." biro ni doc."Pwede pala yun doc, kahit bata pa ako?" sabi niya na namamangha."Kahit minors, inaatake na rin sa puso." sagot ni doc."Sa bagay, kailangan ko lang ng maalagang asawa," sabay kindat niya kay Dahlia."Magpakabait ka na lang," sagot ng asawa niya sa kanya."Yung mga reseta, wag nyong kalilimutan. Hindi pa yan maintenance, pero kapag hindi nagbago ang kondisyon mo, magkaka maintenance ka na. So far naman, walang problema sa sugar at createnine mo. Maayos naman.""Salamat doc," tumayo na silang mag asawa at nakipagkamay sa doctor, "bata pa lang ako, kayo na ang doctor k
Katatapos lang nilang maghapunan. Nagbihis agad siya ng pantulog, ngunit hindi muna siya hihiga. Napansin din siguro ng kanyang ama na mukhang may LQ sila ni Harvy, subalit hindi na ito nagtanong. Si Lolo Harry naman daw ay maagang nakatulog, kaya tatlo lang silang nagsabay sabay sa pagkain.Bumaba siya ng kusina, kinuha ang thumbler niya, saka tinimplahan ng kape at nilagyan ng yelo. Dala dala niya ang libro at cellphone. Magbabasa muna siya. Sa garden siya tatambay,safe naman doon dahil napapalibutan ito ng steel matting na stainless hanggang taas. May bubong lang sa loob para pahingahan.Inilagay niya sa tenga ang kanyang earpods at nagpatugtog habang nagbabasa. Naiinis pa rin siya kay Harvy, kaya hahayaan niya lang ito. Hindi niya ito maintindihan, as if naman siya lang mag isa ang gagawa ng bata. Puro pagpapaputok na lang ang alam ng asawa.Naindak indak pa siya habang nakaupo at nagbabasa. Takot na takot siya ng may humila sa paa niya simula sa ilalim ng upuan."Aaah!!! aswang!"
Masuyo ang paghalik niya sa asawa habang nakahiga ito sa couch. Unti unti niyang ibinaba ang halik sa leeg ng babae, at pinaliguan niya ng halik, pati ang punong tenga ng asawa niya.Humahaplos ang kanyang mga palad sa balat ni Dahlia. Sinapo ng kanyang mga kamay ang ulo ng babae, saka muling hinalikan ito sa labi."Manatili ka lang sa posisyon mo, akong bahala sayo," bulong niya dito.Muli niyang pinababa ang kanyang mga labi, patungo sa leeg nito, pababa sa balikat. Sinigurado niya na wala siyang makakaligtaang bahagi ng balat ni Dahlia. Iniyakap niya ang mga braso sa likuran ng babae, bago tuluyang sinakop ng mga labi niya ang dibdib ng asawa. Masuyo lang ang pagsupsup niya sa mga nipple nito, dahil alam niyang maselan pa iyon dahil sa pag angkin niya noong nakaraang gabi. Hindi niya ito basta binitiwan. Inalis niya ang pagkakayakap sa babae, saka nilamas lamas niya ang mga s**o nito. Abala ang kanyang mga palad, habang abala din ang kanyang bibig. Gusto niyang ipadama sa asawa niy
"Wala ka talagang kwentang anak!" lumipad ang palad ng kanyang ama sa kanyang pisngi."Da--dadddy---" gulat na gulat siyang bumalandra sa sahig, "ba--bakit po?""Anong bakit po na gaga ka ha? ang sabi mo sa amin, ikaw ang bahala sa amin ng mommy mo, na iaangat mo ang negosyo natin, pero anong nangyari ngayon ha? lahat na ng arte ginawa mo, nagpagahasa ka pa nga hindi ba? naglaslas kang gaga ka, pero parang hiwa lang naman ng ball pen ang ginawa mo, kung hindi pa ako ang lumaslas ng pulso mo, hindi pa matatahi yan!""Ginagawan ko naman po ng paraan ang lahat," sagot niya."Alam mo Audrey, sa panahon ngayon, ang kailangan mo ay gumawa ng masama. Dahil kung hindi, hindi mo makukuha ang kagustuhan mo!""A--ano pong ibig niyong sabihin?" naguguluhan siya sa kanyang ama."Audrey, napaka bobo mo bang talaga? simple lang, alisin mo sa landas mo si Dahlia!""Paanong alisin po?""Patayin mo siya!""Hi--hindi ko po kayang pumatay daddy," tutol niya sa kagustuhan nito."Hindi mo papatayin, ipapap
Nakahiga lang siya sa kama, ilang araw na. Nakokonsensiya siya sa nangyari sa mommy niya, pero hindi niya akalain na may kalaguyo pala ito na ipinapatay din ng tatay niya, doon inilibing ang mommy niya kasama ng lalaki nito. Ilang araw na siyang hindi mapakali. Hindi niya sinasagot ang tawag ni Richmond, at hindi niya rin maisipang tawagan si Harvy. Pakiramdam niya ay nasa paligid niya lang ang mommy niya at anumang oras ay sasakalin siya. Hindi siya nakakatulog at nakakakain.Ang mga yabag mula sa labas, ang nagpahumindig ng kanyang nararamdaman. Bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. Madilim dito, at tanging liwanag lang na nagmumula sa ilaw nila sa likod ang liwanag na tumatanglaw sa kanya. May aninong pumasok, isinara ang pinto, pakinig din niya ng maglocked ito. Natakot siya, hinawakan niya ng mahigpit ang kumot niya. Naramdaman niyang mula sa ilalim ng kumot, gumapang ang kamay ng taong iyon. Humalimuyak ang amoy ng alak sa kanyang kwarto. Napabalikwas siya ng bangon."Da--daddy,"