Share

Chapter 71

Katatapos lang nilang maghapunan. Nagbihis agad siya ng pantulog, ngunit hindi muna siya hihiga. Napansin din siguro ng kanyang ama na mukhang may LQ sila ni Harvy, subalit hindi na ito nagtanong. Si Lolo Harry naman daw ay maagang nakatulog, kaya tatlo lang silang nagsabay sabay sa pagkain.

Bumaba siya ng kusina, kinuha ang thumbler niya, saka tinimplahan ng kape at nilagyan ng yelo. Dala dala niya ang libro at cellphone. Magbabasa muna siya. Sa garden siya tatambay,safe naman doon dahil napapalibutan ito ng steel matting na stainless hanggang taas. May bubong lang sa loob para pahingahan.

Inilagay niya sa tenga ang kanyang earpods at nagpatugtog habang nagbabasa. Naiinis pa rin siya kay Harvy, kaya hahayaan niya lang ito. Hindi niya ito maintindihan, as if naman siya lang mag isa ang gagawa ng bata. Puro pagpapaputok na lang ang alam ng asawa.

Naindak indak pa siya habang nakaupo at nagbabasa. Takot na takot siya ng may humila sa paa niya simula sa ilalim ng upuan.

"Aaah!!! aswang!"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status