'Bakit narito si Joaquin?' tanong niya sa isip. Ang kanyang noo ay nakakunotb na tila ba may isang bangungot na paparating."Ikaw nga?" halos ang mga mata ni Joaquin ay magliwanag at tuluyang lapitan siya.Nakabuka ang mga kamay nito na tila ba yayakapin siya, ngunit hindi siya makakilos. Agad humarang si Calvin sa harapan ni Chantal, itinaas ang kanyang kanang kamay, at pinigilang makalapit ang lalaki sa pamamagitan ng paghawak niya sa mukha nito na parang bola.Napatigil ang lalaki at biglang umatras. Naiinis itong tumingin kay Shawn."Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Joaquin na madilim ang mga mata."Natural, nag aaral dito ang anak ko, kaya narito ako ngayon," mapanuyang tugon ni Shawn."Tingnan mo nga naman ang pagkakataon," napapailing si Joaquin, "narito din ang pamangkin ko. Mukhang pinaglalapit tayo ng tadhana, Chantal!"Napangiwi si Chantal matapos marinig ang nakakabinging mga sinabi ni Joaquin. Anong feeling nito? itinadhana sila?"Chantal, nais lang kitang makausap, maa
Nanatili si Calvin sa tabi ni Chantal habang si Gab ay masayang nakikipag-usap kay Aaron. Matalim ang tingin ni Calvin sa lalaki, halatang hindi siya natutuwa sa presensya nito."Sino ka?" malamig na tanong ni Calvin kay Aaron.Ngumiti lamang si Aaron, tila hindi alintana ang malamig na pagtanggap sa kanya. Binalingan niya si Chantal, "Dumaan lang ako para bisitahin si Gab. Matagal na kaming hindi nagkikita, hindi ba, bunso?"Tumango naman ang bata, halatang tuwang-tuwa sa muling pagkikita nila ng tiyuhin. "Tito Aaron, ang tagal nating hindi nagkita! Saan ka galing?""May inayos lang akong negosyo sa Singapore, pero ngayong nandito na ako, makakasama na kita," sagot ni Aaron habang hinihimas ang ulo ng bata. Pagkatapos, bumaling siya kay Chantal. "Dito ako kakain!""Oo ba," masayang wika ni Chantal saka niyakap ang lalaki, "namiss kita."Nakatingin lang si Calvin sa kanila, at biglang nangunot ang noo ng marinig ang huling sinabi ni Chantal. 'namiss kita'. Sino ba ang lalaking ito par
Naging maayos naman ang ilang araw sa buhay nina Chantal at Gab..Ngayong umaga, inihatid ito ni Lucinda sa paaralan. Siya naman ay naghahanda na, upang pumasok sa trabaho.Hindi pa makakapasok si Skye, dahil nasa honeymoon pa ito.Matapos maligo, narinig niya ang tunog ng pintuan. Pagsilip niya, nakita niya si Calvin na pumasok at may dalang mga supot.Inayos iyon sa ref, mga prutas at gulay. Wala na itong ibang ginawa, saka naglakad patungo sa pinto. Hindi siya gumagalaw, at pinapanood lang ang lalaki.Napansin ni Calvin na nakaawang ang kanyang pinto, kaya inilang hakbang lang ng lalaki iyon, at agad na itinulak."Ano ka ba!" angil niya."Bakit hindi ka lumalabas, kita mo g dumating ako?" malamig na tanong nito sa kanya."Bakit? sino ka ba? hari ka ba para salubungin ko? maghahanda ba ako ng red carpet para sayo?" tanong niya na nakangisi, "isa pa, paano mo nalaman ang passcode ko?""Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Isa pa, hindi mo pa sinasagot hanggang ngayon, kung sino s
"Ano bang ikinakagalit mo?" tanong ni Enzo kay Calvin, "ano naman kung may ibang lalaking umaaligid sa ex wife mo, eh di ba, hiwalay na kayo?""Pero para sa anak namin ang ipinaglalaban ko. Paano kung magkaanak siya ng iba, paano na ang anak namin?" sagot ni Calvin."Sa anak mo, o sayo?" nakangising tanong ni Enzo, "wag ka ng magdahilan, para sayo kaya ka nagagalit.""Hindi no. Ayoko lang na mapabayaan niya ang anak namin. Isa pa, mag aasawa din naman siya, bakit hindi pa ako?" katwiran niya."See? sa bibig mo na mismo nanggaling? kung mag aasawa, bakit hindi ikaw?" naiiling na sagot ni Enzo."Hindi ko kasi malaman, kung bakit ayaw niyang sabihin sa akin, kung sino si Aaron!" napabuga ng hangin si Calvin.Tahimik na tinitigan ni Enzo ang pinsan niyang halatang balisa. Hindi man sabihin ni Calvin nang direkta, halata sa kanya ang pagseselos."Bakit ba kasi hindi mo na lang hayaan? Kung gusto niyang magpakasal, desisyon niya 'yon. Kahit maghanap ka ng sagot, hindi mo rin mapipigilan kun
"MAGHIWALAY NA TAYO, Calvin."Iyon lang ang tanging nasabi ni Chantal sa lalaki. "Wala ka nang dapat alalahanin sa anak natin. Puntahan mo siya kung nais mo, hindi kita pipigilan."Malamig ang tingin ni Calvin sa kanya, tila sinusukat kung gaano siya kaseryoso. Ngunit sa kabila nito, walang bahid ng pagsisisi sa mukha ni Chantal. Matatag ang kanyang tingin, walang mabasang emosyon sa kanyang ekspresyon."Babasahin ko muna. Ipapadala ko na lang sa’yo kapag napirmahan ko na," sagot ni Calvin, walang halong emosyon. Para bang handa na rin siyang bitiwan siya.Kahit siya ang nagpasimuno ng paghihiwalay, lihim pa rin siyang umaasa na tatanggi ito—na magmamakaawa, hihingi ng tawad, o kahit papaano’y ipaglaban siya. Ngunit hindi iyon nangyari. Sa halip, para pa siyang itinataboy ng lalaki.Wala talagang pagmamahal si Calvin para sa kanya.Ngunit hindi niya maaaring ipakita ang sakit at pait na nadarama, kaya agad siyang tumalikod at iniwan ito.Pagkarating sa kanyang sasakyan, doon niya tulu
Mga mararahas na katok ang gumising sa kanya nang umagang iyon. Masakit ang kanyang katawan, waring binugbog siya ng isang dosenang tao. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at napagtanto na nasa isang mataas na lugar siya."A-Anong ginagawa ko dito?" mahina niyang bulong habang hinawakan ang kanyang ulo at pilit bumangon.Nang malaglag ang kumot na nakatabing sa kanyang katawan, nanlaki ang kanyang mga mata. Mabilis siyang napatingin sa salamin—at doon niya nakita ang nakakagulat na tanawin.Puno ng kiss marks ang kanyang katawan, partikular sa kanyang leeg. Ang buhok niya’y gusot-gusot, at nanginginig pa rin ang kanyang mga hita. Napansin niya ang pulang mantsa sa bed sheet—isang patunay ng kanyang pagkabirhen na nawala noong gabing iyon!Biglang sumakit ang kanyang ulo. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang sentido, pilit inaalala ang nangyari."Anong nangyari, Chantal?" tanong niya sa sarili.At noon, unti-unting bumalik sa kanyang alaala ang mga naganap.Siya! Siya mi
HILONG hilo siya noong araw na iyon, ayaw niyang bumangon mula sa kama. Ang sakit ng kanyang ulo.Biglang dumapo ang kanyang paningin sa dispenser ng kanyang mga napkin, at bigla siyang kinabahan.Sa sobrang pagkaabala niya, hindi na niya napansin ang kanyang buwanang dalaw.Dapat, dalawa o tatlong pack na lang ang natitira roon, pero ngayon, ni hindi pa nababawasan ang laman nito simula nang bilhin niya—dalawang buwan na ang nakalipas!Mabilis tumakbo ang kanyang isip. Kumabog ang kanyang puso."Hindi... Stress lang ito!" pilit niyang isiniksik sa kanyang isipan.Ngunit bago pa siya tuluyang makumbinsi, bigla siyang nakaramdam ng pangangasim ng sikmura, dahilan upang magmamadali siyang tumakbo sa banyo."Acid reflux!" pangangatwiran niya sa sarili.Matapos niyang ayusin ang sarili, naligo siya at naghanda para pumasok sa opisina. Ngunit hindi siya mapakali. Hindi niya kayang ipagwalang-bahala ang kutob na mayroon siya.Kaya’t tinawagan niya ang kanyang kaibigan."Hello, Skye, hindi m
LIMANG TAON ANG LUMIPAS...Nasa loob ng ospital sina Chantal at ang anak niyang si Gab. Napilitan siyang umuwi ng Pilipinas dahil lumala ang kalagayan ng kanyang anak. Ayon sa doktor, mahina ito sa malamig na temperatura.Bukod pa roon, napansin niyang naging bugnutin si Gab at hindi ito palasalita. Kapag ayaw niyang magsalita, walang makakapilit sa kanya. Mas gusto niyang gugulin ang oras sa pagguhit at paglalaro ng mga puzzle kaysa makihalubilo.Biglang sumilip sa pinto si Skye. Nang makita siya nito, napangiti ito at agad siyang niyakap."Kailan ka pa dumating?" tanong ni Skye, halatang sabik siyang makita."Kagabi lang. Sinundo kami ni Calvin," nakangiting sagot ni Chantal.Lumapit si Skye sa bata at ngumiti. "Oh, ito na ba ang inaanak ko?"Pinilit niyang makuha ang atensyon ni Gab. "Hi, Gab! Ako ang ninang Skye mo..."Ngunit walang tugon mula sa bata. Ni hindi siya tinapunan ng tingin.Napakunot-noo si Skye. "Bakit ganyan siya? May sakit ba siya bukod sa pneumonia?" tanong niya k
"Ano bang ikinakagalit mo?" tanong ni Enzo kay Calvin, "ano naman kung may ibang lalaking umaaligid sa ex wife mo, eh di ba, hiwalay na kayo?""Pero para sa anak namin ang ipinaglalaban ko. Paano kung magkaanak siya ng iba, paano na ang anak namin?" sagot ni Calvin."Sa anak mo, o sayo?" nakangising tanong ni Enzo, "wag ka ng magdahilan, para sayo kaya ka nagagalit.""Hindi no. Ayoko lang na mapabayaan niya ang anak namin. Isa pa, mag aasawa din naman siya, bakit hindi pa ako?" katwiran niya."See? sa bibig mo na mismo nanggaling? kung mag aasawa, bakit hindi ikaw?" naiiling na sagot ni Enzo."Hindi ko kasi malaman, kung bakit ayaw niyang sabihin sa akin, kung sino si Aaron!" napabuga ng hangin si Calvin.Tahimik na tinitigan ni Enzo ang pinsan niyang halatang balisa. Hindi man sabihin ni Calvin nang direkta, halata sa kanya ang pagseselos."Bakit ba kasi hindi mo na lang hayaan? Kung gusto niyang magpakasal, desisyon niya 'yon. Kahit maghanap ka ng sagot, hindi mo rin mapipigilan kun
Naging maayos naman ang ilang araw sa buhay nina Chantal at Gab..Ngayong umaga, inihatid ito ni Lucinda sa paaralan. Siya naman ay naghahanda na, upang pumasok sa trabaho.Hindi pa makakapasok si Skye, dahil nasa honeymoon pa ito.Matapos maligo, narinig niya ang tunog ng pintuan. Pagsilip niya, nakita niya si Calvin na pumasok at may dalang mga supot.Inayos iyon sa ref, mga prutas at gulay. Wala na itong ibang ginawa, saka naglakad patungo sa pinto. Hindi siya gumagalaw, at pinapanood lang ang lalaki.Napansin ni Calvin na nakaawang ang kanyang pinto, kaya inilang hakbang lang ng lalaki iyon, at agad na itinulak."Ano ka ba!" angil niya."Bakit hindi ka lumalabas, kita mo g dumating ako?" malamig na tanong nito sa kanya."Bakit? sino ka ba? hari ka ba para salubungin ko? maghahanda ba ako ng red carpet para sayo?" tanong niya na nakangisi, "isa pa, paano mo nalaman ang passcode ko?""Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Isa pa, hindi mo pa sinasagot hanggang ngayon, kung sino s
Nanatili si Calvin sa tabi ni Chantal habang si Gab ay masayang nakikipag-usap kay Aaron. Matalim ang tingin ni Calvin sa lalaki, halatang hindi siya natutuwa sa presensya nito."Sino ka?" malamig na tanong ni Calvin kay Aaron.Ngumiti lamang si Aaron, tila hindi alintana ang malamig na pagtanggap sa kanya. Binalingan niya si Chantal, "Dumaan lang ako para bisitahin si Gab. Matagal na kaming hindi nagkikita, hindi ba, bunso?"Tumango naman ang bata, halatang tuwang-tuwa sa muling pagkikita nila ng tiyuhin. "Tito Aaron, ang tagal nating hindi nagkita! Saan ka galing?""May inayos lang akong negosyo sa Singapore, pero ngayong nandito na ako, makakasama na kita," sagot ni Aaron habang hinihimas ang ulo ng bata. Pagkatapos, bumaling siya kay Chantal. "Dito ako kakain!""Oo ba," masayang wika ni Chantal saka niyakap ang lalaki, "namiss kita."Nakatingin lang si Calvin sa kanila, at biglang nangunot ang noo ng marinig ang huling sinabi ni Chantal. 'namiss kita'. Sino ba ang lalaking ito par
'Bakit narito si Joaquin?' tanong niya sa isip. Ang kanyang noo ay nakakunotb na tila ba may isang bangungot na paparating."Ikaw nga?" halos ang mga mata ni Joaquin ay magliwanag at tuluyang lapitan siya.Nakabuka ang mga kamay nito na tila ba yayakapin siya, ngunit hindi siya makakilos. Agad humarang si Calvin sa harapan ni Chantal, itinaas ang kanyang kanang kamay, at pinigilang makalapit ang lalaki sa pamamagitan ng paghawak niya sa mukha nito na parang bola.Napatigil ang lalaki at biglang umatras. Naiinis itong tumingin kay Shawn."Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Joaquin na madilim ang mga mata."Natural, nag aaral dito ang anak ko, kaya narito ako ngayon," mapanuyang tugon ni Shawn."Tingnan mo nga naman ang pagkakataon," napapailing si Joaquin, "narito din ang pamangkin ko. Mukhang pinaglalapit tayo ng tadhana, Chantal!"Napangiwi si Chantal matapos marinig ang nakakabinging mga sinabi ni Joaquin. Anong feeling nito? itinadhana sila?"Chantal, nais lang kitang makausap, maa
"SIYA ba ang daddy mo, Gab?" tanong ni Atasha, ang kaibigan ni Gab sa paaralan.Ngayon ay ang Parent-Child talent show."Oo, siya ang daddy ko," mayabang na sagot ni Gab."Ang gwapo naman ng daddy mo, bakit ngayon ko lang siya nakita?""Abala siya sa trabaho, isa siyang lawyer.."Agad na napalingon ang ibang mga magulang matapos marinig ang sinabi ni Gab. Nananatili namang kaswal ang hitsura ni Calvin, na parang normal na lang na pinagtitinginan ng mga tao.Marami ang mga matang humahanga sa kanyang ama.Agad nakadama ng kakaiba si Chantal. Napakayabang ng taong ito. Hindi man lang binabati ang mga taong nagpupugay sa kanya.Matapos magperform ng kanyang anak at ni Calvin, marami ang pumalakpak.Hindi niya akalaing susuportahan nng mga tao ang kalokohan ng mag ama. Halata namang may daya ang mga magic tricks nila, subalit ang mga taong naroroon ay tila natutuwa sa kanilang napanood.Isang babae ang lumapit kay Calvin, ina ng kaklase ni Gab, "Attorney, napakagaling niyo naman.." halata
"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" maaga pa lang, ay bumungad na si Calvin sa kanya. Nakasuot ito ng isang gray na polo. Ang coat nito ay nakasabit sa rack."Dinadalaw ko ang anak ko.." mahinahong sagot ng lalaki."Siguraduhin mo lang na si Gab lang ang gusto mong dalawin, at hindi mo ako pepestehin!" inis na bunsol niya dito."Chantal, naisip ko, sa sinabi mo kagabi, na dapat nga sigurong huwag na kitang gambalain pa. Kung ayaw mong makipagbalikan sa akin, wala naman akong magagawa," nakatingin ito sa kanya, habangh nagsasalita."Eh di mabuti!" inis niyang sagot dito, "mas maganda kung wala ka ngang pakialam sakin, tutal, nakakainis ka naman," saka niya ito iniwang mag isa.Eksaktong narinig niya ang boses ni Gab na lumabas ng kwarto, "Daddy! halos araw araw mo na akong diinadalaw!" nakangiting sabi ng bata sa ama."Hmm, siyempre, parte ako ng buhay mo, kaya hanggang kakayanin ko, hindi ako lalayo sayo, at mananatiling nasa tabi mo lalo na kung kinakailangan," masayang sagot ni Cal
Sa kabila ng matigas niyang paninindigan, hindi maitatanggi ni Chantal ang kilabot na dumaloy sa kanyang katawan nang marinig ang malalim na halakhak ni Calvin. Parang isang malupit na laro ang ginagawa nito sa kanya—isang larong siya lamang ang natatalo.Paano nito nagagawang maging panatag, gayung ang pinagdaanan niya dito ay kasing saklap ng sa isang babaeng namatayan ng asawa?Habang kumakain si Calvin kasama si Gab, pilit niyang ipinako ang tingin sa kanyang plato. Hindi siya maaaring mahulog muli. Hindi siya maaaring magpatalo sa init ng damdaming muli na namang bumabalot sa kanya. Ngunit paano kung hindi niya ito matakasan? Paano kung sa kabila ng lahat ng kanyang pagtataboy, hindi siya kayang iwan ni Calvin? hindi nito siya layuan?Limang taon na magmula ng mangyari ang hiwalayan nila, subalit ang lalaki ay nananatiling multo na sumusulpot sa kanilang tahanan.Pagkatapos nilang kumain, agad niyang iniligpit ang mesa habang si Gab naman ay masayang nakikipaglaro sa ama nito sa
Napalunok si Chantal. Ang init ng hininga ni Calvin ay dumampi sa kanyang pisngi, at ang paraan ng paghawak nito sa kanya ay nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kanyang dibdib. Pilit niyang itinulak ang lalaki, ngunit tila ba mas lalo lamang nitong hinihigpitan ang hawak sa kanyang baywang. Parang ayaw ng lumayo ng lalaki sa kanya."Calvin, lumayo ka!" madiin niyang sabi, ngunit sa halip na lumayo, ay mas lalo pa itong yumuko at inilapit ang labi nito sa kanyang tenga."Sabihin mo muna, Chantal," bulong nito sa isang mapang-akit na tinig, "bakit ka galit sa akin? Bakit mo ako tinutulak palayo?"Hindi siya makasagot. Dahil ba sa mga nangyari kagabi? Dahil ba sa mga damdaming pilit niyang tinatago? O dahil natatakot siyang mahulog muli sa lalaking ilang beses nang sinaktan ang kanyang puso?Nakabawi siya ng kaunting lakas ng loob at itinulak siya ni Chantal nang may puwersa. "Dahil hindi kita kailangan sa buhay ko, Calvin! Hindi mo ba naiintindihan? Tapos na tayo!"Napakurap ang lalaki,
"Sorry anak, napasarap ang tulog ni mommy," nilapitan niya si Gab saka hinalikan sa noo."Tara na po at kumain," masiglang bati ng bata."Maliligo muna si mommy, okay?" hinimas niya ang pisngi ng kanyang anak."Daddy, saan ka natulog kagabi? bakit ka nga ba narito?" tanong ng bata."Diayn ako natulog--" magsasalita na sana si Calvin subalit mabilis niya itong tinapos."Diyan sa sofa! diyan natulog ang daddy mo!" nanginginig ang kanyang mga labi, habang sinasabi iyon. Pinandilatan niya ng mata ang lalaki na tila ba sinasabi niya, 'wag kang magkakamaling umamin'."Oo, anak, dito ako nakatulog," nakangising sagot nito, "ang sarap matulog dito, ang lambot." saka nakangising tumingin kay Chantal.Inirapan naman niya ang lalaki."Ha? kawawa naman si daddy kung dito lang natulog?" lumapit ang bata kay Caleb."Sanay na naman si daddy anak," saka nito kinindatan ang bata.Napalingon si Gab kay Chantal, at agad na naningkit ang mga mata at nagmamadaling lumapit sa ina."Mommy, ano pong nangyari