Chapter XXIIMatapos ang pangyayaring iyon sa sala kahapon ay higit na naging maingat sa kaniya si Vanadium. Konting kilos lang niya ay kaagad siya nitong alalayan na ipinagtaka naman ng dalaga. Ano’t naging ganito ang kinikilos ng kaniyang Senyorito? Pero dahil gusto naman niya ang mga kinikilos nito, hindi na siya nagreklamo at binalewala na lamang ito.“Olivia,” napaigtad ang dalaga at narinig ang katok sa pinto ng kaniyang silid.Nakapakunot ang noo ni Olivia dahil akala niya ay naka-alis na ang lalaki. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakahiga sa kaniyang kama, dahil balak sana niyang matulog ulit.Nang makarating siya sa tapat ng pinto ay agad niya rin itong binuksan. Nakita niya si Vanadium na nakakunot ang noo habang may dala-dalang brief case at nakasuot ng kaniyang common na office attire.“Bakit ho?” takang tanong ni Olivia.“Go to the kitchen. Eat your breakfast,” may halong lambing at pag-alala ang boses ni Vanadium.“Wala ho akong gana, Senyorito.” “Just a little b
Chapter XXIII“You ready?” tanong ni Vanadium ng makitang nakalabas na siya sa kanyang silid.Ngayon kasi ang napagdesisyunan nilang araw na pupunta silang ospital para raw magpa check up. Hindi naman alam ni Olivia kung bakit babalik na naman sila doon. Parang naging suki na ata siya ng hospital ah?Bumuga naman muna siya ng hangin bago ngumiti at saka dahan-dahang tumango. Eh ano pa nga ba ang magagawa niya ‘diba? Si Vanadium pa rin naman ang masusunod dahil para rin naman daw ito sa kabutihan niya.Mabilis naman silang nakarating sa ospital dahil wala pa masyadong traffic sa daan. Matapos ma-park ni Vanadium ang sasakyan ay dali-dali siyang nagpunta sa may shotgun seat para pagbuksan ng pi
Chapter XXIVMahimbing pa ring natutulog si Olivia nang makarating sila sa bahay. Hindi naman ito magawang gisingin ni Vanadium dahil ang sarap ng tulog ng dalaga. Lumabas na siya ng sasakyan at saka pumunta sa kinaroroonan ng dalaga. Binuksan niya ang pinto ng kotse at saka dahan-dahang itong binuhat papasok ng bahay. Pumasok naman kaagad siya sa silid nito at saka maingat na inilapag sa kama ang dalaga bago ito kinumutan.Napangiti si Vanadium dahil sa amo ng mukha ni Olivia habang natutulog. Ilang minuto muna siyang nanatili doon sa loob ng silid bago napag desisyunang lumabas na. May kailangan pa kasi siyang aasikasuhing trabaho sa kanyang opisina sa bahay.NAGISING SI OLIVIA sa ingay ng kaniyang cellphone. Unti-unti siyang nagmulat ng kaniyang mata at bumungad sa kaniya
Chapter XXV“Am I not mabaho anymore?” tanong kaagad ni Vanadium sa dalaga pagkatapos niyang maligo at magbihis ng panibagong damit.Bigla namang napalingon si Olivia sa may gawi nang hagdanan. Nandoon kasi siya sa sala at nanonood ng TV.“Lumapit ka ho rito.” utos ni Olivia at hindi kaagad sinagot ang tanong ni Vanadium. Kahit ang pagiging conyo ng kaniyang amo ay hindi niya rin pinansin. Mas focus siya sa magiging resulta nang pag-amoy sa lalaki.Tumalima naman na parang bata si Vanadium at pumunta sa kinaroroonan ni Olivia. Nang makalapit ay kaagad siyang sininghot ni Olivia na parang aso samantalang siya naman ay parang tangang nakatayo at nakatitig sa mukha ni Olivia, naghihintay s
Limang buwan. Limang buwan na siyang buntis at medyo klaro na rin ang kanyang tiyan. Naging maayos ang pagsasama nila ni Vanadium sa mga nakalipas na buwan. Hindi man klaro kung ano talaga ang relasyon nila pero sa kinikilos pa lang ni Vanadium ay masasabi niya ng lagpas na ito sa pagiging mag-amo nilang dalawa.Siya lang ngayon ang nandito sa bahay dahil nandoon pa si Vanadium sa kompanya. Malapit na rin naman ang alas sinco ng hapon kaya paniguradong ilang saglit lang ay nandito na iyon sa bahay.Ilang saglit pa ay nakarinig siya ng pag doorbell. Kumunot kaagad ang kaniyang noo dahil alam niyang hindi si Vanadium iyon. Marerecognize naman kasi agad ng scanner ang kotse nito at automatic itong bubukas. Nagpalagay kasi si Vanadium ng scanner sa gate nila para hindi na raw siya mapagod na pagbuksan ito ng pinto. Pati CCTV ay nagpalaga
Chapter XXVIIIsang linggo ng sunod-sunod na nakatanggap si Olivia ng kahon na pareho lang ang laman sa una niyang natanggap. Minsan ay makikita niya ang kahon sa sala, minsan sa kusina o kaya naman sa kaniyang kwarto. Kanina may nakita na naman siyang kahon na nakalagay sa hardin ni Isabel. Hindi niya ito binuksan at saka pinulot lang upang ilagay sa basurahan. Kahit anong gawin nila ay hindi ito mahuli-huli. Nagdagdag rin ng CCTV si Vanadium pero ganoon pa rin, wala pa rin silang ideya kung sino ang nagpadala sa kaniya ng mga iyon. Tila alam ng nagpadala sa kaniya ang pasikot-sikot ng bahay at hindi ito mahagip-hagip ng camera. Ilang araw na siyang hindi makatulog ng maayos sa takot na baka bigla na lang siyang pasukin sa sa kaniyang silid. Mabuti na lang at doon na palaging natutulog si Vanadium sa kaniyang silid kaya medyo napanatag ang kalooban niya.
Chapter XXVIII Matagal niyang tinitigan ang babaeng matamis na ngumiti sa kaniya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan at tila napako na ang kaniyang katawan sa sahig. Paanong nangyari? Kailan pa? Saan? Nanatili siyang nakatulala at hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kaniya si Isabel. Nagising na lang siya nang biglang lumagapak sa kaniya ang kamay ng dati niyang amo. Hindi lang isa kun’di maka-ilang beses siyang sinampal ni Isabel na maski siya ay hindi na mabilang. Sobrang hapdi na nang magkabila niyang pisngi at wala siyang magawa kun’di tanggapin ito. Muntik pa siyang matumba mabuti na lang at nabalanse niya ang kaniyang sarili. Ilang saglit pa ay tumigil na si Isabel at masuyo siya nitong hinawakan sa kaniyang namamagang pisngi. “Masakit ba Olivia?”
Chapter XXIXMahigit tatlumpung minuto munang nag-antay si Olivia bago niya narinig ang ingay sa labas ng pinto. Ilang sandali pa ay dahan-dahan na itong bumukas at bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ng babaeng may dala-dalang pagkain.Kumunot ang noo ni Olivia dahil parang pamilyar sa kaniya ang mukha nito. Parang nakita niya na ito pero hindi niya mawari kung kailan, paano o kung saan. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa inilapag nito ang dala-dala niyang pagkain na nakalagay sa food tray. Kaagad siyang napatayo mula sa pagkaka-upo at unti-unting lumayo sa may kama. Doon kasi nilagay ng babae ang kanyang pagkain.“Remember me, ma’am?” idiniin pa nito ang salitang ma’am na para bang sa salitang ‘yon ay maalala kaagad ni Olivia ku