"Ugh!" atungal namin ni Diana nang malakas after ng ilang lagok ng alak.
"One more shot, please," sabi ni Diana sa harapan ko na umorder pa nang isa. "Tama na, Diana. Hindi ko na kaya," reklamo ko at nararamdaman ko na kusa na tumumba ang ulo ko sa lamesa dahil tumama ang noo ko na tumunog. "Mahina ka pala, eh," natatawang banggit ni Diana na narinig ko. "Halika, uwi na tayo," pag-aaya rin niya at naramdaman ko na umangat ang kanan ko'ng braso na ang ibig sabihin binubuhat niya ako. "Agh, gosh, Wendy, and bigat mo," dinig kong reklamo niya na naging dahilan kung bakit napangiti ako. "Ayushin mo ang pagbu-vhu-hat sha akin," sabi ko kahit na lasing na lasing ako. Hindi ko na maramdaman ang buong katawan ko dahil sa sobrang kalasingan. Pakiramdam ko ay isa akong lantang gulay. "Let me help you," wika nang pamilyar na boses ng lalaki kaya napaangat ang ulo ko, ganunpaman ay blurred ang vision ko kahit na nakailang kurap na ako. "Oh, thank God. Please, pakibuhat siya hanggang sa makasakay lang kami nang taxi," natuwang sabi ni Diana na pinasa kaagad ako sa lalaking hindi namin kilala na nagmagandang loob na buhatin ako. Then, nararamdaman ko na may malaking braso ang pumulupot sa maliit ko'ng bewang at ang kanan na kamay ko ay kinuha nang isang malaking kamay pero malambot at isinampay ito sa leeg niya na mataas. And so, ibinaba niya ang sarili niya para hindi masyado mahirapan ang kamay ko sa pagdantay sa leeg niya. Pagkatapos ay nagsimula na kami maglakad at bawat hakbang ko ay umiikot ang paningin ko, sabay ng pag-ikot ng mundo ko. Nahihilo ako. Teka, nasusuka ako. At dahil hindi ko na mapigilan ay sumuka na ako sa harap ko na hindi ko alam kung may tao o wala basta nakarinig na lang ako nang tili nang isang babae. "Sorry, sorry. My friend is drunk," paumanhin ni Diana na rinig ko. "Do you know how much is this dress? Huh?!" mataray na sigaw ng babae na nagalit dahil nadumihan ang suot niyang mamahaling dress. "Here, buy a new one," rinig ko na sabi nang lalaking may hawak sa akin at nanahimik ang babae. Teka, parang pamilyar talaga ang boses ng lalaki. Ang deep ng voice niya katulad ng lalaking nakilala ko kaninang umaga. At dahil na-curious ako sa itsura nang lalaking bumubuhat sa akin ay nilingon ko ang ulo ko, pero blurred pa rin ang vision ko na naging dahilan kung bakit I shook my head once lang para kahit kaunti ay makita ko siya. Ngunit napasimangot ako dahil may mask itong suot kaya hindi ko makita ang buong mukha nito. Pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad. "Taxi, taxi!" tawag ni Diana na rinig ko na ang ibig sabihin ay nasa labas na kami nang bar. Maya-maya pa ay naramdaman ko na naglakad ulit ang lalaking may hawak sa akin at pinasok niya ako sa sasakyan dahil nakapa ko ang upuan, pero sa kasamaang palad ay dumulas ang kamay ko kaya sumubsob ako at dumilim na ang buong paligid ko— — — — "Ako na ang maghahatid sa kaniya kung okay lang sa 'yo," tinuran ni Neil at hinubad niya ang mask niya para humarap ng maayos kay Diana. Napatulala naman si Diana sa lalaking nasa harapan niya dahil sa angking kagwapuhan nito. "Ah—eh, pero kaibigan ko 'yung nasa loob. Ako na ang maghahatid sa kaniya sa bahay nila. Alam ko naman kung saan siya nakatira," kontra niya na naging protective sa kaibigan niya na wala nang malay dahil sa kalasingan kahit na gwapo ang nasa harap niya. "Sa akin siya nakatira. Neil, by the way, the Prince of Dubai," anunsyo ni Neil na sinuwalat na ang buong pagkatao niya rito dahil kaibigan naman ito ni Wendy, and since they are talking about him a while ago. "Ito, umuwi ka na rin. Mag-iingat ka. Ako na bahala kay Wendy, I will take her home with me," dagdag pa niya in a serious tone of his voice at pumasok na siya sa loob ng taxi matapos niya bigyan ng pera ito pamasahe pauwi rin. Samantala si Diana ay sinundan lang ito nang tingin dahil natulala na naman siya, at dahil nabigla siya na makita ang Prince of Dubai sa isang bar na magulo at maingay. Not to mention na ito ang barista na nagbibigay ng drinks nila kanina sa loob ng bar. Meanwhile, Neil looked down to Wendy na malalim na ang tulog dahil sa kalasingan. "Hindi raw umiinom pero ang wild kanina," aniya at saka niya binuksan ang phone niya, at pinanood ang isang video kung saan si Wendy ay talon ng talon sa gitna kasabay ng malakas na musika, na parang ibon na nakawala sa hawla sa unang pagkakataon. A small smile then escaped his lips just watching her video dancing wildly in the middle of the dance floor. Pagkauwi ay kumatok si Neil sa lounge room kung saan pinatuloy niya ang mag-ama habang buhat-buhat niya si Wendy sa dalawang braso niya na nakasandal ang ulo nito sa balikat niya. Bumukas naman ang pinto at lumabas si Mang Danny na may saklay na hawak sa kaniyang kaliwang kamay pangtukod dahil nga sa sakit niyang osteoarthritis kaya kailangan niya nang suporta para makalakad siya. "Good evening, Mang Danny," bati ni Neil seriously like a true gentleman. "Good evening din, Sir. Ano po'ng nangyari sa anak ko? Bakit ga-ganiyan siya?" nabigla na question ni Mang Danny na may pag-aalala sa boses niya para sa anak niya. "Naglasing po siya, Mang Danny, sa bar na pinapasukan ko. Kasama po niya ang kaibigan niya. Saan po ang kwarto niya para maihiga ko na po siya?" magalang at mabait na sagot ni Neil, pero direkta niyang tanong para mailapag na niya ang babaeng buhat-buhat niya kanina pa. "Sige, pasok ka. Doon ang kwarto niya," tugon ni Mang Danny at itinuro niya kung saan ang kwarto nang anak niya. Pagkarating sa kwarto ay dahan-dahan na inilapag ni Neil si Wendy sa kama at kinumutan niya pa ito na parang isang tunay na maginoo. And then, humarap siya kay Mang Danny at nagpaalam na rito. — — — Ang sakit ng ulo ko. Unti-unti ko dinilat ang mga mata ko at ang sikat ng araw mula sa bintana ang bumati sa akin kaya umikot ako sa kabila kung saan walang liwanag na naging dahilan kung bakit tuluyan na ako nagising. Sakto naman tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa ibabaw ng drawer sa tabi nang kama at pinatay ko ito, pero nanlaki ang mga mata ko pagkakita ko sa oras. "Hala, 8 na!" anunsyo ko na may panik na sa tono ko at dali-dali na ako tumayo para maghain ng almusal. Pagkalabas ko nang kwarto ay nakita ko si Tatay na nakaupo sa may lamesa, sa gitna at nakatalikod mula sa akin, then napansin ko na may mga pagkain na rin. Ako ay nagtaka dahil ever since na naaksidente siya na nangyari dalawang taon na ang nakararaan ay ako na ang naghahain ng pagkain namin pero ngayon naghain siya. Lumapit ako sa kaniya at naupo ako sa kanan na side. "Good morning, 'Tay. Ayos lang po ba kayo?" tanong ko at pinagmasdan ko ang mukha niya na hindi maipinta. "Saan ka galing kagabi?" una niyang tanong sa akin sa malalim na tono nang kaniyang boses, at saka siya lumingon sa akin. "I—uh..." nag-aalinlangan ko'ng tugon at tumaliwas ako nang tingin as I am thinking kung anong isasagot at idadahilan ko sa kaniya. Then, tumingin ulit ako sa kaniya nang diretsyo at sinabi, "Magkasama po kami ni Diana kagabi, 'Tay. Bakit po?" "Galing ba kayo sa bar?" tanong ulit niya na hindi sinagot ang tanong ko. Seryoso ang mukha niya at mukhang alam na niya kung anong nangyari kagabi sa akin. Napalunok ako nang sarili ko'ng laway bago ako sumagot. "Hindi na po ako magsisinungaling. Yes po, nagpunta po kami sa bar kagabi ni Diana," banggit ko na hindi na nagkaila at baka lalo siya magalit sa akin. "Alam mo na bawal ka uminom dahil sa sakit mo, pero bakit uminom ka pa rin? Habang lumalaki ka tumitigas ang ulo mo. Kapag may nangyari sa 'yo, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ngayon, kumain ka at after mo pumunta ka na sa mansyon at magpasalamat ka kay Sir Neil dahil siya ang nag-uwi sa 'yo dito," istriktong pangaral sa akin ni Tatay at tumayo na siya na iniwan ako mag-isa sa hapagkainan. "Pasensya na po, 'Tay. Hindi na po mauulit," tugon ko na may malungkot na boses dahil tama siya. Mabuti na lang at hindi ako inatake sa puso dahil kung hindi sa hospital na naman ang bagsak ko. Teka, hinatid niya ako rito? Ngayon puno nang pagtataka ang isip ko dahil sa binanggit ni Tatay. Eventually, pumasok na ako sa mansyon at nasa pintuan pa lang ako pero malakas na ang pintig ng puso ko. If siya ang naghatid sa akin kagabi, eh, di, nakita niya ako na lasing. Siguro naman ay wala akong ginawang hindi maganda nu'ng nalasing ako. I hope so. And so with all the courage, pumasok na ako sa loob at luminga-linga muna ako at baka nasa paligid lang siya pero matapos ko ilibot ang mga mata ko ay hindi ko siya nakita kaya tuluyan na ako pumasok. Baka nasa work 'yun. Teka, ano ba work nu'n? At paano niya ako nahatid sa bahay? Sinundan ba niya ako? Okay, ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon dahil lang sa kaniya. Makapaglinis na nga. Nagsimula na ako maglinis since wala pala siya rito sa mansyon. Tahimik ako'ng nag-agiw-agiw, then nag-mop ako, at huli ay nag-vacuum ako sa ground floor. Umakyat na ako sa second floor para naman maglinis at may narinig ako na halinghing na hindi ko maintindihan kaya hinanap ko kung saan ito nanggagaling hanggang sa nakakita ako nang pinto na bukas kaya lumapit ako at tiningnan ko kung anong mayroon sa loob. Pagkasilip ko ay nakita ko si Sir Neil at isang babae na may blonde na hair na gumagawa nang milagro na naging dahilan kung bakit napasinghap ako, at mukhang narinig ako nang mga ito dahil napalingon sila sa direksyon ko kaya naman ay dali-dali ako lumayo mula sa pinto. What the hell. My virgin eyes. Bukas ko na itutuloy ang paglilinis ko at may milagro palang nangyayari rito. Naglakad na ako pababa nang hagdan, at niligpit ko na ang mga cleaning materials na hawak ko bago ako umalis para wala siya masabi. Pagkatapos ay saka ako naglakad papunta sa pinto palabas nang may narinig ako na malaking boses kaya napatigil ako. "Not so fast. Stop right there," sambit nito mula sa likod ko. Dahan-dahan naman ako lumingon para harapin siya pero mukhang mali ang ginawa ko'ng desisyon dahil nagkasala ang mga mata ko nang makita ko ito na naka-towel lang na puti ang ibaba nitong bahagi nang katawan. Napalunok ako nang sarili ko'ng laway at tinaliwas ko ang tingin ko mula sa mala-bato niyang katawan sa mukha niya. 'Wag kang titingin sa katawan niya at baka sabihin niya may pagnanasa ka sa kaniya, Wendy. Don't you dare. He, then, stood in front of me when he reached me and I saw him smirked like he knew na umiiwas ako tumingin sa katawan niya. "Ano ginagawa mo rito?" tanong niya sabay lagay nang dalawa niyang kamay sa bewang niya like he is interrogating me. "Naglilinis, Sir. Pero bukas ko na po itutuloy 'yung second floor. Alis na po ako," paalam ko at dali-dali ako lumingon at sobrang awkward niya kausap. "Not yet," aniya nito in a authoritative tone. Napatigil naman ang mga paa ko pagkarinig ko sa kaniya. Naku po, Wendy, bakit ka tumigil? Dapat hindi mo na siya pinansin pa. Then, nakita ko ang babae na kasiping nito kanina na dumaan sa kanan ko at nauna na itong umalis kaysa sa akin na binigyan pa ako nang malagkit na ngiti na parang she is telling me na she had a good time with him. Eh, kung sampalin ko kaya siya? Makangiti pa kaya siya? "Close the door," dinig ko'ng sabi niya ulit na nagpakaba nang dibdib ko. A-Ano sabi niya? C-Close the door? Shemay, bakit lumakas bigla ang tibok ng puso dahil lang sa sinabi niya? "I said close the door and we need to talk," ulit nitong sabi at narinig ko ang mga yapak nito na papalayo mula sa akin. Lumingon ako ulit sa kaniya at nakita ko siya na naglalakad patungo sa living area kung saan ay naupo siya at tumingin sa akin. Bakit ganiyan siya makatingin sa akin na parang kakainin niya ako nang buhay? Anyways, kahit malakas ang tibok ng puso ko ay sumunod ako sa kaniya at tumayo lang ako sa gilid ng sofa, habang siya ay pinulupot ang kaniyang dalawang kamay across his chest together with his legs. "So, what's your answer to my question? Is it a yes, or a no?" direkta nitong tanong na parang wala lang nangyari sa kanila nu'ng babaeng kakalabas lang. Ang kapal din pala nang mukha nitong lalaki. Grabe, ha. "Hindi po magbabago ang sagot ko. At saka, mukha po kayo'ng maraming babae bakit hindi na lang siya?" sagot ko at hindi ko mapigilan na tanong sa kaniya, pagtutukoy ko sa babae na kasama nito. "Who? That woman? Hindi ko siya kilala," inosente niyang tugon na parang wala lang sa kaniya ang nangyari sa kanila kanina. Iba rin pala 'tong lalaki na ito, hindi niya kilala pero kinakabayo niya? Hanep din. "Look, I had no other choice but to do this. It's either you agree with me, or I will post this, or I will show it to your father,” banggit niya at nilabas niya ang phone niya kung saan kitang-kita sa video na nagsasayaw ako at lasing na lasing. Nanlaki ang mga mata ko sa video kaya naman lumapit ako sa kaniya at hinablot ko ito, pero he's faster than me at iniwas niya ang phone mula sa akin. "Saan galing 'yan? I-delete mo 'yan!" galit ko'ng saad. "I will delete it once you agree with me," tinuran niya like a businessman. "Ikaw, sabihin mo nga sa akin, sinusundan mo ba ako? Stalker ka?" mataray ko'ng tanong na tinaasan ko na siya nang kilay at boses dahil naiinis na ako sa kaniya. Hindi porket prince siya ay hindi ko na siya papatulan, pwes nagkakamali siya. "Ako, stalker? Mukha ba ako'ng stalker?" matapang niyang tanong pabalik sa akin. Talagang sinusubok ako nang lalaking 'to. "Eh, paano mo nakuha ang video na 'yan? Sige nga," paghahamon ko'ng tanong. "I happened to saw you, that's all. Ikaw, ano'ng ginagawa mo sa bar, and talking about me to your friend? Don't you know that it's confidential that I am here? Nobody knows that I am here, but thanks to you baka sooner or later may maghabol na sa akin dito," rason nito sabay sisi sa akin. "Confidential or nagtatago ka? In the first place, ano ba ginagawa nang isang Prince of Dubai sa bansang ito, huh?" mas mataray ko'ng replied. Sinong tinakot niya? Ako? Hindi ako natatakot sa kaniya. Sipain ko pa siya, eh. Nawala ang nasa isip ko nang bigla ito'ng tumayo at seryosong tumingin sa akin kaya napatingala ako sa kaniya since he is taller than me. "You don't know who I am, so mind your own business, woman. Now, get out of my house," galit nitong tinuran at tumalikod na as he dismissed and ended our conversation. Sino ngayon ang pikon sa atin? Pikon! Akala mo, ha. And I rolled my eyes dahil napagtanto ko na wala pala siyang kwentang kausap. Hinding-hindi ako magpapasalamat sa lalaking ‘yan. As in NEVER! "Maghanap ka nang babaeng magogoyo mo, ha. 'Wag ako. Diyan ka na nga," inis ko rin na sabi at padabog akong lumabas ng mansyon nito. Napakayabang! Napakaantipatiko pa! Prinsipe siya nang Dubai? Hindi halata! Mas prinsipe pa siya nang— Naudlot ang nasa isip ko nang biglang may humatak sa kaliwa ko'ng kamay at biglang lumapat ang aking mga labi sa malambot na bagay, at nang tingnan ko kung saan ako nag-landing ay nanlaki ang aking mga mata dahil biglang nasa harapan ko ang lalaking kanina lang ay pinapalayas ako pero ngayon ay hinalikan ako nang walang permiso ko. Wait, what?! Eeww! After niya sa babae kanina, tapos ngayon hahalikan niya ako? Kadiri!!! Baka anong virus ang ipasa niya sa akin! With all of my strength ay tinulak ko siya sa dibdib na naging dahilan kung bakit nahawakan ko ang mabato niyang katawan, na naging dahilan naman kung bakit biglang naramdaman ko na sobrang bilis ng puso ko na parang sasabog na. Pagkalayo ko sa kaniya ay napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ako makahinga. Oh, no. "First time mahalikan?" natuwang sambit ni Neil sa harap ko, teasing me not knowing na iba na pala ang nararamdaman ko. Pero hindi ko siya pinansin dahil mas inintindi ko ang puso ko na mahina, at pilit ko pinapakalma. Ngunit hindi ko mapigilan hanggang sa nag-hyperventilate na ako. "Ayos ka lang? Anong nangyayari sa 'yo?" tanong nito na lumapit na naman ito sa akin. Hindi ko na kaya. At nagdilim na ang buong paningin ko— — Itutuloy...Nagising ako sa tunog ng monitor na nasa tabi ko, at tulad ng inaasahan ko ay nasa hospital na naman ako. Minulat ko ang aking mga mata at ang una ko’ng nakita ay ang Tatay ko na puno nang pag-aalala batay sa mukha niya. “Salamat naman at gising ka na, anak,” nakahinga niyang sabi at naupo siya sa kanan ko’ng side kung saan may upuan. “Naalala mo pa ba kung anong nangyari sa ‘yo? Kasi ang sabi sa akin ni Sir Neil, nakita ka na lang niya na bumagsak kaya dinala ka niya rito,” tanong niya sa akin na walang kaalam-alam kung anong tunay na nangyari sa akin at kung bakit ako nahimatay. Siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon, kung hindi niya ako nilapitan at hinalikan, eh di, sana wala ako rito ngayon. Yare siya sa akin mamaya. “Napagod lang siguro ako, ‘Tay, kaya ako inatake nang sakit ko,” dahilan ko’ng sabi na lang at ayaw ko rin sabihin sa kaniya ang tunay na nangyari. “Hinay-hinay naman kasi anak sa paggawa, kapag alam mo’ng nahihirapan ka huminga tumigil ka muna. Hindi nam
“Here, basahin mo ‘to,” sabi ko at inabutan ko siya nang isang papel about sa contract marriage na gagawin namin, while we are sitting in the dining table across each other. “At may ganito talaga, ha,” bulong niya na rinig ko at kinuha niya ang papel to read it. “I made that on the day na niyaya kita. Since you have your terms and conditions na nilagay ko na riyan for you a while ago, now you have to consider all of my terms and conditions too regarding this contract marriage. Number one na nakalagay diyan, once we got married ako ang masusunod sa ating dalawa lalo na kapag nandiyan ang family ko, friends, at si Mang Danny, your father—“ “Wait,” singit niya while I am talking kaya naudlot ang sasabihin ko. “Bakit pati sa Tatay ko? Dapat ako ang masusunod kapag nandiyan ang Tatay ko, at hindi ikaw. Hindi mo ba naisip na baka isipin niya napilitan lang ako sa marriage na ito kaya kita pinakasalan? At saka hindi sa lahat ng oras ikaw ang masusunod. Hindi kita hahayaan, noh,” reklamo ni
“Pangalawa, mag-enjoy muna kayong dalawa, ha. Saka na ang baby. Marami pa naman kayo’ng time para gumawa nu’n,” dagdag pa ni Tatay na biglang natawa ako. “Oh, narinig mo ‘yun, ha. Ikaw, yaya ka nang yaya, eh,” sambit sa akin ni Neil na may pang-aasar.Aba, at ako ang pinagsabihan? Batukan ko kaya ‘to? “Anong ako? Tumigil ka nga,” replied ko na may inis kaya siniko ko siya sa tagiliran.Loko-loko ‘to. Anong ako? Inosente kaya ako. Wala nga ako alam sa mga bagay na ‘yun. “Anak, alam ko’ng gwapo ang mapapangasawa mo pero dahan-dahan lang, ha. ‘Wag muna. Siguro after two years of marriage pwede niyo na i-try, magpakasarap muna kayong dalawa na kayo lang bago kayo mag-baby kasi mahirap kapag nagka-baby kayo kaagad. Mawawalan na kayo nang time para sa isa’t-isa. Gusto mo ba ‘yun?” paalala sa akin ulit ni Tatay gawa nang narinig niya si Neil. “‘Tay naman,” nahihiyang sambit ko at nagtago na naman ako sa likod ni Neil dahil pinagkakaisahan ako
Hindi ako makatulog. Gabi na, nakapatay na ang ilaw dito ngayon sa kwarto ko pero ito at gising pa rin ako. Hindi ako mapakali. Ang isip ko ay naglalayag pa rin at sa hindi mawaring kadahilanan ay paulit-ulit ko naalala ang ginawa ko’ng pagyakap kay Wendy, paghaplos ko sa pisngi niya na malambot, at sa paghalik ko sa noo niya gently. And the way she closed her eyes that time, I was tempted to kiss her in the lips pero hindi ko tinuloy dahil baka itulak na naman niya ako kaya naman niyakap ko na lang siya to comfort her na sa tingin ko ay gumana naman dahil she stopped crying. Nang nakita ko kasi siya kanina na umiiyak while leaving her father kahit na hindi naman talaga siya aalis, lilipat lang siya sa poder ko since kasal na kami ay sumikip ang dibdib ko. Alam ko na mahirap sa mga magulang mo na nagpalaki at bumuhay sa ‘yo na malayo kayo sa isa’t-isa, just like me and my parents pero ako na mismo ang humiwalay sa kanila dahil I want to know until where could I go
Nakatulog pala ako. Minulat ko na ang mga mata ko nang maramdaman ko na nasa ibang sasakyan na kami and I am surprised to see Neil na malapit ang mukha mula sa akin. Then, napansin ko na nakakandong ako sa kaniya while we are in the car, and his both hands are on me na nagbigay sa akin ng chills dahil hindi ako sanay na may humahawak sa aking lalaki. Nagtitigan kaming dalawa when I noticed his head moving towards me…anong ginagawa niya? Is he trying to kiss me? That’s not gonna happen again kaya naman I moved my head backward at mabilis ko tinakpan ang mga labi ko na gusto niya halikan. Pero dahil mapilit siya ay he pulled my left wrist while his other hand held my nape in place, pero hindi ako nagpatinag kahit nagmamakaawa siya sa akin charmingly. Ano siya, sinuswerte? Hindi lahat ng tao susunod sa gusto niya. Kahit ano pa sabihin niya just to get into me, hindi ako magpapatinag. Kung sa ibang babae gumagana ang charm niya, ibahin niya sa akin dahil it’s doesn’t wo
Malalim na ang gabi pero gising pa si Danny at dahil hindi siya makatulog ay lumabas siya muna nang lounge at naupo sa tabing upuan. Nakatingin siya sa katabing bahay kung saan nakatira na ngayon ang nag-iisa niyang anak na babae, napaisip siya kaya naman kinuha niya ang phone niya at nag-text siya sa big boss niya. -Your Highness, I would like to inform you that your son married my daughter here in the Philippines. I hope you accept her. I don’t know what to do now. Pagka-sent ng text ay napabuntong-hininga na lang siya dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya ngayon, hindi naman siya makatanggi sa dalawa dahil kitang-kita niya nang bumisita ang mga ito na mahal nila ang isa’t-isa kaya hindi na siya tumutol pa. He is just hoping now na tanggapin ng royal family ang anak niya. Sa kabilang banda, nagpapahinga si King Noha sa kaniyang silid mag-isa nang narinig niya na tumunog ang phone niya kaya kinuha niya ito at binasa. Pagkabasa ay nagkasalubong ang dalawa niyang kilay.
Something is brushing my face and at the same time, someone is on me so, I opened my eyes and I brushed off the hair that is flying over my face. Then, I looked down at the person who was currently hugging me like a teddy bear, at napangiti ako dahil ang himbing ng tulog niya sa akin like a baby. Pero nawala ang ngiti ko when something strikes my heart na hindi ko maipaliwanag na naging dahilan kung bakit kusang gumalaw ang left free hand ko since ang right ko ay nakailalim sa kaniya, I gently removed the hair that is on her face at lalo ko nasilayan ang angelic face niya. Hindi siya nakakasawang titingan. Nadala ang damdamin ko just staring at her when suddenly my eyes diverted to her lips na I am tempted to kiss, at doon ko naalala ang nangyari kagabi kung saan ay bumagsak ako sa bar stool pero buti na lang ay binuhat ako ni Mr. Charles at hinatid niya ako rito sa kwarto. Kaagad din naman siya umalis para iwan kami ni Wendy, and then inalalayan niya ako papunta sa kama na siya
Naiinip na ako. Bakit ba kasi sumama pa ako rito? Wala naman pala ako gagawin dito. Hay, naku. At para mawala ang boredom ko ay kinuha ko ang phone ko at chinat ko ang kaibigan ko na si Diana habang si Neil ay busy na kausap ang secretary niya about business. -Kumusta? Napangiti naman ako nang nakita ko na nag-seen siya kaagad dahil ang ibig sabihin wala siyang ginagawa as of now kahit na nasa work siya. Siguro ay wala siyang customer kaya may time siya na sagutin ako kaagad. -Ito, buhay pa naman. Ikaw ang kumusta. Okay ka lang ba riyan? -Diana Natawa ako nang bahagya sa replied niya dahil mukhang bored na bored siya. -Busy ka ba? Videocall? -Sige, call ako. -Diana At tumawag nga siya na sinagot ko naman kaagad. “Hi, ghorl,” bati ko nang masaya dahil nagkausap kami ulit. “Hello. Teka, nasaan ka? Lumabas ka?” pagtatakang tanong ni Diana nang mapansin niya ang paligid ko. “Oo, nasa labas ako now. Nasa opisina ako nang magaling ko’ng asawa kuno,” tugon ko at nag-tono sarcastic
[Sad music]KING NEIL'S POVNakangiti ako'ng malungkot habang pinagmamasdan ko ang kambal ko mula sa bintana nang NICU.Masaya ako at ligtas silang nakalabas kahit na premature sila pareho.Just hold on, my babies, I know na nahihirapan kayo ngayon pero don't worry nandito lang ako. Ako ang bahala sa inyo ng Mama niyo. Hindi ko hahayaan na mawala ang Mama niyo.[End of music] After a while, nabalitaan ko na lumabas sa media ang news tungkol sa asawa ko na naging dahilan kung bakit maraming media na naman ang nag-aabang sa akin at sa labas ng hospital to get a closer view, but I don't have time for them right now. May mas importante ako'ng gagawin kaysa harapin sila ngayon.I am looking for a heart donor since my wife is still in the ICU that the only things that keep her alive are the machines around her.Then the night came, and I came home only to see a lot of concerned people with candles in their hands in front of the palace.Oh, that moved me.And because of that, I lowered my wi
KING NEIL'S POVAfter ng coronation and giving my statement to everyone, we headed to the dining table where Dad and Mom are."I am so happy for the both of you," Mom recited na hindi nawawala sa mukha niya ang ngiti while looking back and forth at me and Wendy."Thanks, Mom," nakangiti ko namang replied."By the way, son, I and your Mom decided to go to South Korea since you're the King now and they also have their Queen, it's time for us to have a vacation," Dad mentioned while glancing at Mom na parang napag-usapan na nila ito."South Korea? And how many months are you two planning to stay there?" curious ko'ng tanong so I would know kung kailan sila babalik."We already talked about it, son, we are thinking of staying for good in South Korea and come to visit here whenever there's an occasion especially to my grandchildren. We don't want to miss the fun but also, we need to let you and your family alone," sagot ni Mom instead na pinaliwanag sa akin ang gusto nilang mangyari."You'
"I promise, 'Tay, I will bring justice to your death. Sisigaruduhin ko'ng makukulong ang may gawa nito sa 'yo at hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita sa loob ng prisinto. Pangako 'yan, 'Tay. Mahal na mahal kita, 'Tay. Hanggang sa muli," mariin na bulong ni Shane matapos mailibing na ang Tatay niya sa huling hantungan nito. King Neil then approached her and he comforted her with his gentle touch on her shoulders and back. ——"After seeing all the evidence, I hereby sentence, Mr. Luis Walt, his whole life in prison and his license be revoked forever. So order," the Judge dictated with his final verdict after all the three trials and he slammed down the gavel to the table. Napangiti si King Neil, Shane, Kristine, Noha, at Princess Lorainne nang marinig nila ang minimithi nilang tagumpay laban kay Luis, na kinuha na nang dalawang pulis at ipinasok na sa loob para dalhin ito diretsyo sa prisinto. Then, napayakap si Shane kay King Neil after ng lahat, ganunpaman, paglabas ni
"Someone wants to talk to you," sabi nang pulis kay Luis na nasa loob ng prisinto.Napatayo naman si Luis dahil sa sinabi nito at dumating ang isang lalaki na naka-office attire. "Attorney Sill," tawag nito sa lalaki at ngumiti siya rito."Your Father wants to talk to you," Attorney mentioned and he take out his phone to dial Luis' father's number."I don't want to talk to him. I know what he's gonna say. Anyway, I have something to tell you. Open my laptop, the password is Shane with capital S, and when you opened it there's a folder name on the desktop 'New King', open that and you'll see a lot of documents about our new King. I want you to hire someone, someone who could upload those documents on social media anonymously. Got it?" seryosong sabi ni Luis, instructing him what to do. "Hire someone? Luis, I'm doing this because we're friends but I'm not helping you do that. That's against the law," Attorney murmured in response as he also stated their connection to each other."Just d
'Tay.Ang Tatay ko.Ang tanging tao na nagpalaki sa akin simula nang mamatay ang Nanay ko, sinuportahan lahat ng gusto ko simula bata pa ako, at ang taong laging nagliligtas sa akin sa bingit ng kamatayan sa tuwing nalalagay ako sa piligro ay ngayon wala na.Hindi maaari ito.Mabilis kami pumunta sa pinakamalapit na hospital kung saan dinala ang parents namin pareho ni Neil, at tulad ng inaasahan ko, dahil naaksidente ang dating hari at reyna ay maraming reporters ang nakapalibot kaagad pero mabuti na lang at marami rin guards ang nakapalibot para protektahan ang privacy namin. At dahil kasama namin ang mga bata ay tinakpan namin ang kanilang mga mukha pansamantala para hindi kami pag-piyestahan ng mga ito. Kahit na masikip at maraming tao ay nagawa namin makapasok para malaman kung ano ba ang totoong nangyari nang makita ko si Luis na nakatayo at kinakausap ang isang pulis kaya nilapitan ko siya since siya ang tumawag sa amin at naghatid ng balita."Luis," tawag ko at binigay ko si Ga
After the picture taking and singing to the birthday celebrants ay sama-sama naman sila nagpa-picture like one big happy family, and then, everyone sat down at a long rectangular table and started to eat happily because all attention is on the twins who are both in the middle of their parents who are working like a team to take care of their children. Eventually, all went to the sea and swimming habang si Shane ay naiwan sa lamesa para magligpit kahit na may mga nag-aayos din na mga katulong nang lapitan siya ni King Neil at tulungan."Ako na. Go ahead and swim there, join them," malumanay na wika ni King Neil habang nililigpit ang mga pinagkainan nila."Nah, I'm good. Siguro mamaya na lang kapag wala nang araw. Mainit pa," replied ni Shane at naupo to take a rest for a minute."If that's what you want. Mamaya na lang tayo mag-swimming. Sabay tayo," malanding tugon ni King Neil at siya mismo ang kinilig sa sinabi niya."Sira," natawang sambit ni Shane dahil simula kanina pagkalabas n
Mabilis na bumaba pareho si King Neil at Shane nang hagdan para hanapin ang nawawala nilang mga anak nang napahinto sila dahil nakita nila ang mga bata na nakikipaglaro pareho sa Grandparents ng mga ito."Oh, gising na pala kayo. Sorry, I already get the twins out of your room because I heard them crying kanina at ng sumilip ako sa loob, I saw you two were still asleep kaya naman kinuha ko sila at naglaro kami rito. Don't worry I already gave them milk, your Daddy made it a while ago," banggit ni Kristine while playing with the twins.Napangiti at nawala ang kaba sa dibdib pareho si Shane at King Neil after nila malaman ang tunay na dahilan kung bakit nawala ang kambal sa kwarto nila."Kumain na kayo, mga anak. May food na sa lamesa since maaga kami nagising, at maya-maya ay pupunta na tayo sa Mall to buy a swimsuit and more clothes for beach party later in the afternoon. Yehey, it's the twin's birthday!" paalala ni Kristine sa mga ito, sabay sigaw cheerfully dahil araw na nang kambal
"Yeah, right." Shane rolled her eyes in response and turned her back to him to fix her and the kids' things."I'm telling the truth," pagtatanggol ni King Neil sa sarili niya at sinundan niya ito para tulungan."Yeah, yeah," kibit-balikat na replied na lang ni Shane at binuksan niya ang closet para iayos ang mga damit ng mga bata pero napatigil siya dahil nakita niya na punong-puno ito nang mga bagong damit, just like he mentioned. "I told you, you don't have to worry about kids' clothes, Mom and Dad already took care of it. And I told them not to overdo it but they still did," nakangiting sambit ni King Neil nang napansin niya na napatigil ito, while he is standing at her back. He then sighed because he couldn't stop his parents."Okay," napangiting wika ni Shane at umikot siya to unpack their things when she suddenly bumped into him.He was surprised too on her sudden turn kaya nang nakita niya ito na mahuhulog dahil sa pagbangga sa kaniya ay mabilis niya hinapit ang bewang nito pal
"Good morning, Dad and Mom," masiglang bati ni King Neil at sinamahan niya sa agahan ang mga ito.Samantala si Noha at Kristine ay nagulat sa masiglang bati nito na hindi nila batid dahil tanda pa nila nang bumalik ito sa sariling bansa ay mainit ang ulo nito pero ngayon ay tila nagbago ito na ipinagtataka nila."Good morning to you, too, son," sabay na bati nang parents nito."Did something happen last night and you're in a good mood? Because just the other day, you seemed in a bad mood, that seems you have a lot on your plate but now...you seem very lively," lakas-loob na tanong ni Kristine sa anak, na nakaupo sa harap nito."Well, Mom, Dad, I and Wendy—I mean Shane was talking and we had decided to celebrate the twin's birthday here. They are going to fly here next month," nakangiting anunsyo ni King Neil na hindi rin maitago ang excited sa mukha at katawan niya."Really?!" laking gulat na sambit ni Noha sa anak dahil hindi niya inaasahan ang balita nito."Yes, Dad, that's true. And