“Nandito na po tayo, Ma’am.”
Umayos ako sa pagkakaupo nang marinig ang sinabi ng isa sa mga guwardiya. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako lumabas ng sasakyan.
Kinakabahan man ay pinili kong patatagin ang aking sarili. Wala akong choice dahil unang -una, hindi puwedeng makita ng mga kalaban na apektado ako sa mga nangyari sa paligid ko. Pangalawa, ayokong magpakita ng kahit ano mang kahinaan dahil sigurado ako, gagamitin nila iyon laban sa akin. At ang huli, kailangan kong maging matapang para sa kliyente ko. Hindi na importante sa akin ngayon kung anong nararamdaman ko, ang importante ay maging maayos ang takbo ng hearing sa araw na ito. Sana lang pumanig sa amin ang suwerte ngayon.
“Good morning, Attorney Fortalejo.”
Huminto ako sa paglalakad nang batiin ako ng prosecutor na siyang humahawak sa kasong ito. Magalang akong bumati pabalik dito. Hindi naman ito mukhang masamang tao, pero alam ko na ang kala
Ilang oras din ang hinintay ko bago makabalik si Vinny sa hospital. Sa buong pananatili ko roon ay panay lang ang kuwento sa akin ni Sandro ng mga masasayang pangyayari sa kaniya sa Ilocos. He was really happy serving the people there. And the people love him. Magmula nang kumalat ang balita tungkol sa nangyari, bumuhos ang pakikisimpatya ng mga tao sa kanilang pamilya. Ang sabi pa ng isang nakausap ko na guwardiya ay napakarami raw na nagpapadala ng mga pagkain. Dahil halos hindi na magkasya sa loob ng kaniyang kuwarto, kinailangan na itong hakutin ng kaniyang mga guwardiya patungo sa condo unit niya sa Quezon City.“Pakiramdam ko puwede na akong lumabas bukas.”Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at umiling nang ilang beses.“No, ang sabi ng doctor sa Sabado ka pa raw puwedeng lumabas.”Ngumuso naman siya. Nang akmang kukuha siya ng mansanas na binabalatan ko pa lang ay agad kong tinampal ang kaniy
Mom stayed until 10 PM in my condo. As much as she wanted to stay with me kahit isang gabi lang, hindi naman puwede dahil kailangan na rin niyang bumalik ng Ilocos bukas ng madaling araw. And of course, sa private plane na pag-aari ng mga magulang ng pinsan kong si Heather sasakay si Mommy pabalik ng probinsiya.Nang umalis siya ay saka naman ako nagsimulang mag-ayos ng mga gamit sa kuwarto ko. Hinugasan ko na rin ang mga mga plato sa sink na naiwan kong nakatambak kagabi. Pagkatapos kong asikasuhin ang aking sarili ay dumiretso na ako sa working table ko.Bumuntong-hininga ako agad pagkaupo ko sa swivel chair. Mataman akong napatitig sa dalawang folders na naglalaman ng mga files ng dalawang kaso na hinawakan ko. I was lucky to win those cases I could say. Or maybe the odds are really in my favor. It’s so tiring. And to be honest, ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa katawan ko. Kinuha ko ang dalawang folders at nilagay iyon sa box sa ilali
“Seryoso ba ito, Chief?” hindi mapakaniwalang tanong ko habang pinapasadahan nang basa ang recommendation letter na kasunod ng unang pahina.He nodded at me.“You how much I treasure you right? I want you to grow. Alam kong mas may igagaling ka pa.”Sandali naman akong natahimik.“Iyon lang po ba ang dahilan kung bakit ako ang gusto niyong ipadala sa New York?”He looked down and heaved a sigh.“As much as I wanted to say yes, you know I can’t lie to someone who is as smart as you are. Alam ko kung anong nangyari kay Congressman Romualdez at kung ano yung nangyari sa kaniya, posible ring mangyari sa iyo.”Tumango-tango naman ako. Now I understand why he wanted me to go to New York.“So, you’re saying that in order for me to be safe, I have to go to New York, right?”“Not entirely. It’s like we’re hitting two birds with
Kumunot ang aking noo dahil hindi ko makita ang tao sa larawan. Kinailangan ko pang ilapit ang aking mukha sa tablet. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang sa wakas ay makilala ko kung sino ang mga ito.“That’s you and your ex.”Alanganin naman akong ngumiti sa kaniya saka marahang inabot ang tablet pabalik. I heaved a sigh and looked at him directly in his eyes.“That’s nothing. Nagkita lang kaming dalawa kasi ang sabi niya ay may sasabihin siya sa akin. May ibinigay rin siya sa aking trench coat, actually pinapabigay ng Mama niya.”Nakataas lang ang kaniyang kilay habang nakikinig sa sinasabi ko.“You accepted it?” he asked.I immediately nodded. Nang makita ko ang kakaibang tingin niya sa akin ay saka naman ako umayos nang pagkakaupo. This time, sinalubong ko ang kaniyang tingin.“Bakit mo tinatanong? Dapat ba hindi ko tinanggap?”He shakes his hea
Mataman lang akong nakamasid kay Isabella habang payapa itong natutulog sa aking kama. Alas tres na at gising na gising pa rin ako. Dati, nahihirapan ako kapag hindi ako nakatulog, ngayon naman mas okay sa akin ang hindi natutulog. Kapag kasi inihiga ko ang aking katawan, kapag bumangon ay nakakaramdam na ako ng sakit ng likod.Isabella is a beautiful woman. She’s also smart according to Chief. Sayang lang dahil imbes na alagaan siya ng kaniyang ina, ito pa mismo ang nananakit sa kaniya. As much as I want to file a case against her under RA 7610, sinabihan na ako ni Attorney De Silva na hayaan na lang na iba ang humawak ng kaso para na rin hindi na ako madamay sa problema. Hindi madaling matalo si Helena pero alam kong kaya ko. But then, alam kong mas kaya ni Dean na ilaban ang kaso ni Isabella laban sa kaniyang ina. Dean is good at this. Dean is always good especially when it’s trial by jury.But I haven’t told him Chief that I wa
“Finally, nagpasa ka na rin ng notice para sa leave mo. I expected before na after mong hawakan ang kaso ni Jonas ay magpapasa ka agad ng leave application.” nakangiting saad ni Chief sa akin pagkalapag ko ng letter sa kaniyang lamesa.“Wala naman po sana akong planong mag-leave, Chief. Kaso, pakiramdam ko po ay kailangan ko munang bumalik ng Ilocos pansamantala.”Tumaas ang sulok ng labi nito.“Of course, to take care of your boyfriend.”Nagulat naman ako nang marinig iyon mula sa kaniya. How did he know about that?He laughed when he saw my reaction.“Nagulat ko ba kung bakit ko nalaman?” he asked.I gave him a light nod. I was amazed. Hindi ko naman alam na may lahi palang manghuhula itong si Chief.“It’s a normal instinct for women to take good care of their men. Ganoon talaga. Your congressman boyfriend was stabbed and that you think it happened beca
Sandro was happy about the news. He’s excited as well in the fact that I will be staying with him while I’m in Ilocos. Maaga niya akong pinauwi sa condo unit ko para makapag-asikaso na ako ng mga gamit. Paglabas ko ng hospital ay nasalubong ko si Vinny.“Ate Ira!”That was the first time he called me “ate” and honestly, I didn’t expect him to call me that.“Is it true? What Kuya told me on the phone, I mean, you’ll stay with him in his house in Ilocos?”I’ve never been embarrassed about things like this pero dahil kapatid siya ni Sandro, pakiramdam ko ay nahiya ako nang bahagya.“Y-yeah. That’s true.” bahagya pa akong nautal.He smiled at me.“Thanks, Ate. I never thought you’d do that for him. Honestly, I never thought you’d care about him the way he cares about you. Thank you for proving me wrong. And thank you because
“Papasok ka na talaga bukas?” tanong ko kay Sandro habang nililinis ko ang kaniyang sugat.“I think I really have to. Marami nang naipong trabaho roon sa opisina ko. Felix told me that I have to attend the meeting for tomorrow para sa isang event na isasagawa rito sa unang distrito ng Ilocos.”“Felix?” I asked in curiosity.“Felix is my secretary.” he clarified.My mouth formed an “o” in amazement. Bihira kasi magkaroon ng mga lalaking secretary sa panahon ngayon. Lalo na ang mga pulitiko, karamihan sa mga kakilala ko ay puro babae ang sekretarya. Pero kung sabagay, kahit si Attorney De Silva, mas gusto ring lalaki ang kaniyang sekretarya.“You seemed amazed.”Tumango naman ako.“I am. Ang akala ko ay babae ang secretary mo.”Pagkatapos kong lagyan nang panibagong gauze ang sugat niya ay ibinaba ko na ang kaniyang suot na t-shirt.
Ten years later… “Why are you always late, Papa? Alam mo namang graduation ko ngayon pero hindi ka pumunta.” reklamo ni Archer pagkarating ng kaniyang ama. Sandro looked at me. I gave him a small smile and went back again to the kitchen were all of the food are currently in preparation. Graduation event ni Archer ngayong araw. Maya-maya lamang ay darating na ang buong pamilya nina Sandro at ang pamilya ko para sa aming family dinner kaya ngayon ay naghahanda na kami. Ang problema, nangako si Sandro sa anak niya na pupunta siya sa school at sasamahan ako sa pagsasabit ng medal sa kaniyang anak na gumraduate bilang top student pero hindi niya nagawang makarating dahil marami siyang lakad na biglaan ngayong araw. It's been ten years after our wedding. I am now officially a Romualdez, ang maybahay ni Sandro Romualdez na nananatili pa ring Congressman ng unang distrito ng Ilocos Norte. And Archer, he’s not a small kid anymore. Hindi
Medyo madilim na nang magdesisyon kami ni Dad na umuwi na. Saktong naglalakad kami pabalik ng sasakyan nang tumawag ang kapatid kong si Ismael sa kaniya. Ang sabi nito ay umuwi na kami dahil pareho na kaming hinahanap ni Mommy. Habang nasa biyahe pauwi ay pareho kaming tahimik na nakikinig sa kanta na nagpe-play sa music player ng kaniyang sasakyan. Kapag nagkakatinginan kami ni Dad ay sabay kaming napapangiti.Habang nakamasid ako kay Dad, na-realize kong masuwerte pa rin ako sa kabila ng mga pinagdaanan ko. Masuwerte ako kasi kahit na ilang taon kaming hindi ganoon ka-okay, nagkaroon pa rin kami ng pagkakataon na magkaayos. Yung totoong magkaayos. Bumaling ako sa labas ng sasakyan at nakangiting pinagmasdan ang mga puno na aming nadaraanan.Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa bahay. Kumunot agad ang aking noo nang makitang lahat ng ilaw sa aming bahay ay nakapatay. Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Mas lalong kumunot ang aking noo nang
Nang sumunod na linggo ay naging abala na ang mga tao sa bahay. Ang mga kapatid ko ay may kaniya-kaniyang inaasikaso, ganoon din si Sandro kaya palaging wala ang mga ito sa bahay. Si Mommy naman ay laging nakasunod kay Kuya Isaac, kaya kadalasan ang naiiwan sa bahay ay kami ng anak ko, ang yaya niyang si Faye, ang iba pang helper sa bahay at si Dad. Tuwing MWF, palagi akong nasa opisina. Pag sumapit naman ang TTh ay sa bahay ako nagtatrabaho. Hindi kasi sanay si Archer na lagi akong wala sa bahay. Masyado siyang naging dependent sa amin ni Sandro sa mga nakalipas na araw. Sinulit din kasi ni Sandro ang pananatili niya sa bahay bago nagsimula sa pangangampanya.“Anak, may ginagawa ka ba?”Mabilis kong tinapos ang aking pag-inom ng tubig ay saka bumaling kay Dad na nakatayo sa pintuan ng dining room.“Wala naman po, katatapos ko lang. Bakit Dad, may iuutos po ba kayo sa akin?”Umiling naman siya.“Tinatanon
“Puwede bang huwag mo nalang ituloy ang kaso?”Marahas akong napalingon kay Sandro na kasalukuyang nakaupo sa aking kama. Pinagmasdan ko ang kaniyang posisyon. Ang kaniyang likod ay nakalapat sa headboard ng kama habang may maliit namang table na nakapatong sa kama. Nakapatong doon ang kaniyang laptop, dahil pansamantalang doon muna siya nagtatrabaho. Sa kaniyang kanan naman ay natutulog si Archer.“Huwag ituloy ang kaso?” pag-uulit ko sa kaniyang sinabi.Kunot-noong huminto sa aking ginagawa at walang ganang sinipa ang edge ng table. Gumalaw naman ang swivel chair na inuupuan ko palayo sa lamesa. Umayos ako sa pagkakaupo at pinag-ekis ko ang aking braso saka tuluyang humarap sa kaniya.“Gano’n nalang iyon?” taas-kilay kong tanong.He heaved a sigh. Alanganin siyang tumingin sa akin at saka marahang tumango.“Can you please let it go?”I scoffed at the idea of letting
“Mama, wake up!”Boses ni Archer at ang kaniyang marahang tapik sa aking braso ang nagpagising sa akin. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay agad napansin kong gabi pa rin. Naroon pa rin sina Tita Louise at Tito Ferdinand, magkatabing natutulog sa isang kama. Sina Simon at Vincent naman ay magkatabing natutulog sa sofa nang nakaupo. Bumaling ako sa aking anak na ngayon ay nakangiti sa akin.“Let’s visit Papa.” excited na saad niya.Tipid akong ngumiti sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi. I heaved a sigh when I noticed him being hopeful that I will allow him at his request.“Papa is still asleep, Aki. Nagpapahinga pa siya.”Archer pouted his lips.“But the nurse entered and said Papa’s already awake.”Bigla namang nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng anak ko. Napatayo ako sa kama nang wala sa oras at nagmadaling sinuot ang aking sandals. Hawak ang kaniyang
Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga magulang ni Sandro sa akin at kay Archer. Habang papalapit sila sa anak ko ay nagtatanong na tingin ang ibinibigay nila sa akin.“Ira, is this the little boy Sandro is talking about?”Bahagya akong yumuko dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin na binibigay ng ama at ina ni Sandro. Marahan akong tumango at saka naglakad palapit sa anak ko na kasalukuyang nasa harapan ni Tita Louise.Instead of getting afraid, ngumiti si Archer sa kaniyang Lola.“Are you Sandwo’s Mommy?” Archer asked his grandmother.Tita Louise nodded. Hindi ko alam kung masaya siya o malungkot nang makita niya ang kaniyang apo dahil sa biglang namuo ang luha sa kaniyang mga mata. Napaluhod ang mag-asawa sa harapan ng kanilang apo.“Are you his Dad?” this time, he asked his Lolo.Tito Ferdinand nodded. Mabilis na lumapit si Tito Ferdinand sa kaniyang apo at niyakap ito.
“Good morning, Mama.”Napangiti ako nang marinig ang boses ng anak ko. Kasalukuyan itong nakaupo sa pagitan nina Mommy at Daddy at salitang sinusubuan ng aking mga magulang ng pagkaing inihanda ni Faye para rito. Kumpleto ang mga kapatid ko na nasa hapag. Nasa tabi naman ni Ismael si Faye na tahimik din na kumakain ng agahan.“Tinanghali ka yata nang bangon.” puna ni Kuya Ivan.Ngumiti naman ako sa kaniya at marahang naglakad sa bakanteng upuan sa tabi ni Mommy. Nang bumaling sa akin si Archer ay kumaway pa ako sa anak ko.“Siyempre, pagod. Ikaw ba naman ang nakasama sa iisang kuwarto si—aray!”Agad na siniko ni Kuya Isaac si Ismael kaya napatigil ito sa pagsasalita. Alam kong dapat hindi ako magpahalata na apektado ako sa sinabi ni Ismael kaya naman ngumiti lang ako sa kanila at inabot ang lalagyan ng kanin at sumandok doon. Inabot na rin sa akin ni Kuya Ivan ang ulam kaya naman nagpasalamat
Ang buong akala ko ay mababaw ang pool na pinagbagsakan namin. I tried to reach for the ground, ang kaso hindi maabot ng paa ko.“Malalim!” kabadong sambit ko.Naramdaman ko naman ang pagpaikot ng braso ni Sandro sa aking beywang para maalalayan niya ako. Don’t get me wrong, I know how to swim, ang kaso hindi ako makabalanse sa tubig dahil naka-dress ako.“Okay ka lang ba?”Mabilis naman akong tumango bilang sagot sa tanong niya. Nang hapitin niya ang beywang ko ay bigla akong napahawak sa kaniyang balikat. Sa pagkakataong iyon ay nagkatitigan kaming dalawa. I swallowed hard when I noticed he was looking at me. Nakagat ko ang aking ibabang labi at sinubukang umiwas sa kaniya ng tingin. Ang kaso ay hinawakan niya ang aking baba gamit ang kaniyang hintuturo.“Ira…” he said in a low voice.Ilang beses akong napakurap nang dumako sa kaniyang labi ang aking paningin. Bahagyang nakaawa
“Anak hindi ka ba sasama sa meeting meeting ng partido ng kuya mo?”Huminto ako sa pakikipag-usap kay Faye nang marinig ko ang sinabi ni Mommy. Bihis na bihis ito at mukhang may lakad din siya ngayong araw.Umiling naman ako.“I have to go to the office to start my work.” I said, smiling to her.Umayos siya sa pagkakatayo at mataman akong pinagmasdan.“Today is a very important event for your older brother, Ira. I appreciate and I’m sure Isaac will appreciate if you will come.”Napaisip naman ako. Mommy is right. This event is so important to my brother. I remember him telling us about it days ago. I can see the excitement in his eyes and hear the happiness in his voice. Kung hindi ako pupunta, sigurado akong magtatampo iyon sa akin. But I have a problem. If I come, posibleng makita ko si Sandro. But I’m not sure if he’s coming though.“Is Sandro coming?”