Share

Chapter 11

Author: Iya Perez
last update Last Updated: 2021-12-19 10:54:14

Napalunok ako nang marinig ang kaniyang sinabi. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan ang pagdating niya ngayon. Ang akala ko ay nasa Ilocos na siya dahil na rin sa balitang sinabi ni Leona kanina. Hindi ako makapaniwala na narito siya para saklolohan ako.

“Sorry kasi dahil sa akin, kaya nararanasan mo ito.”

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at saka sinubukang tumayo nang mag-isa.

“Ayos lang. Salamat din sa pagdating mo. Paniguradong hindi maganda ang nagawa ko kung hindi ka dumating ngayon.”

Tipid akong ngumiti sa kaniya bago nauna nang naglakad palabas. Nakita ko agad ang mga guwardiyang nakabantay sa pinto ng building. Yung guwardiya na naka-standby sa mismong lobby ay nakatayo na lamang sa isang tabi. Mukhang maski ito ay nagulat sa nangyari.

“Attorney, ayos lang ho ba kayo?” nag-aalalang tanong nito.

Ngumiti ako sa guwardiya at marahang tumango rito.

“Ayos na ho.”

Ngum

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • The Congressman's Hidden Son    Chapter 12

    Hindi ko alam kung tama itong nararamdaman ko ngayon. Ilang araw ko palang simula nang makilala ko siya pero bakit ganito na agad ang pakiramdam ko sa kaniya. Hindi naman ako ganito dati. Masyado akong maingat at mapili sa mga taong nagugustuhan ko. Pero bakit pagdating sa kaniya…Marahan akong pumikit at marahang umiling. Alam kong hindi niya iyon napansin dahil sa ibang bahagi ng helicopter siya nakabaling. Humugot ako ng malalim na hininga at marahang bumitaw sa kaniyang kamay. Napansin niya naman ito kaya napatingin siya sa akin. Pagbitaw ko ay agad akong umiwas nang tingin sa kaniya.Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng kaniyang noo pero binalewala ko na iyon. Kinakabahan man, mas pinili ko nalang ibaling ang atensiyon ko sa mga importanteng bagay. Kailangan kong isipin na hindi makabubuti sa akin kung ipagpapatuloy ko ang paghanga sa kaniya. Kabilang sa mga batas ko sa buhay na kung magkakagusto man ako sa isang tao, sisiguraduhin kong hindi

    Last Updated : 2021-12-19
  • The Congressman's Hidden Son    Chapter 13

    Nang makarating kami sa loob ng bahay ay agad hinanap ng aking paningin si Dad.“Nasa study area pa ang Daddy mo. Mamaya pa iyon lalabas kapag kakain na.”Bumaling ako kay Mommy at bahagyang ngumuso.“Hindi niya yata ako namiss, Ma.”Tumawa si Mommy at saka mariing umiling.“That’s not true. Kung may sobrang nakakamiss sa’yo rito sa bahay na ito, iyon ay walang iba kundi ang ama mo. Naku kung alam mo lang kung ilang beses pa niyang pinagalitan ang mga kapatid mo dahil ang babagal ng mga iyan kumilos. Ang gusto kasi niya ay masundo ka sa tamang oras.”Lumapit naman sa akin si Ismael at inakbayan ako.“Totoo ang sinasabi ni Mommy. Kaya kung ako sa’yo, huwag ka nang sumimangot. Pumunta ka na ng kuwarto mo para makapagbihis ka na. Pinaghahanda na ni Kuya Isaac ang mga helper sa kusina. Nagluto si Mommy ng paborito mo.”My eyes widened when I heard what

    Last Updated : 2021-12-20
  • The Congressman's Hidden Son    Chapter 14

    Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Mommy kung bakit niya ginawa iyon. Kung kailan naman nasa isip ko na ang pag-iwas kay Sandro, saka naman biglang sisingit sa eksena ang nanay ko.Inis na tumagilid ako sa pagkakahiga. Kanina pa ako paikot-ikot sa kama pero hindi pa rin ako makahanap ng kumportableng posisyon sa pagtulog. Hindi maalis sa isipan ko ang sinabi sa akin kanina ni Mommy. Bakit naman kasi sa dinami-rami ng puwede niyang pakiusapan, si Sandro pa talaga.Napabalikwas ako nang bangon at saka nagdesisyong lumabas ng kuwarto. Walang gana akong naglakad patungo sa kusina para sana uminom ng tubig nang makita ko si Kuya Ivan na nakaupo sa dining table at abala sa pagbabasa.Nang makita niya ako ay ngumiti naman siya sa akin.“Gabi na ah, bakit narito ka pa?”Itinaas niya naman ang kaniyang hawak na libro.“Mas nakaka-focus kasi ako rito kaya dito ako nagbabasa. Ikaw, bakit gising ka

    Last Updated : 2021-12-20
  • The Congressman's Hidden Son    Chapter 15

    At this very moment, wala akong ibang gusto kundi bumaba nalang ng sasakyan niya. But I can’t do it because my mom will know for sure.“Just kidding. It was your mom who planned this not me.”“What a good prank!” inis na sambit ko sabay irap sa kaniya.Muntik na akong maniwala na gusto niya akong maka-date. Sa pagkakataong ito ay gusto ko nalang sapakin ang sarili ko. Why do I have to think that way?“Pero bakit hindi nalang nating isipin na date talaga ito?”Naniningkit ang aking mga mata na bumaling ako sa kaniya.“Are you flirting with me?” taas-kilay kong tanong.Wala na talaga ako sa mood ngayong araw. Ang aga-aga pero sinira niya agad. I thought he’s likeable. Pero bakit imbes na magustuhan ko siya ay naiirita lang ako?“I’m not flirting with you. And I don’t plan to. Let’s think of this as friendly date.”

    Last Updated : 2021-12-20
  • The Congressman's Hidden Son    Chapter 16

    Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako papasok sa loob ng museum. Bawat madaanan namin ay napapahinto para lang tingnan kaming dalawa. Panay naman ang bati niya sa mga taong naroon. Pero ang nakapagtataka ay hindi sa kaniya nakamasid ang mga tao kundi sa akin. Marahil ay curious ang mga ito kung sino ako at kung bakit hawak-hawak ni Sandro ang kamay ko.Hindi na ako magtataka kung bukas ay laman na naman kami ng social media. Paniguradong mas titindi ang sabi-sabi tungkol sa aming dalawa. Sa totoo lang, maraming ibang magagandang babae na sigurado akong nakilala niya na sa iba’t ibang lugar. Yung ex-girlfriend niya, maganda rin. Ewan ko ba sa taong ito kung bakit ako ang ginugulo niya kung kailan napakatahimik ng buhay ko. Nang wala nang gaanong tao sa paligid ay huminto ako sa paglalakad at pilit na binawi ang kamay ko sa kaniya.

    Last Updated : 2021-12-21
  • The Congressman's Hidden Son    Chapter 17

    Tahimik lang kaming dalawa sa aming biyahe pabalik ng Laoag. Pareho kaming walang lakas ng loob na magsalita. Sa buong buhay ko, hindi ko inexpect na mayroong aamin sa akin tungkol sa kaniyang nararamdaman. I’ve experienced to be in a relationship when I was in college. Pero kasi, noong panahong iyon, wala namang ligawang nangyari sa amin ni Froilan. We just decided to be together. We helped each other grow. Until we’ve decided to separate ways. We both outgrow each other back then.Itong nararamdaman ko ngayon, this is confusing. I know in the back of my mind that I like Sandro and as much as I want him to be around, may parte sa akin na gustong layuan siya. That’s because I know that being around him will not be good for me.Nang huminto ang kaniyang sasakyan sa labas ng isang malaking boutique ay bumaba na ako. Hindi ko na siya hinintay, nauna na akong pumasok sa loob.Pagkapasok ko palang sa loob ay narinig ko agad ang tili ng

    Last Updated : 2021-12-21
  • The Congressman's Hidden Son    Chapter 18

    Lahat ng nangyari ay napakabilis. Magmula sa aming unang pagkikita hanggang sa kung anong nangyayari sa amin ngayon, hindi kong maitatanggi na nabibilisan ang sa pacing ng relasyon namin ni Sandro.“Stop thinking. Hindi makabubuti sa iyo ang pag-o overthink.” paalala niya sa akin habang nasa biyahe kami patungo sa salon.Tumingin ako sa kaniya at bahagyang ngumuso.“Nasaan na yung article na ipinangako mo?”Mahina siyang tumawa saka tumingin sa akin.“Akala ko wala na yun?”Tumaas ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya.“Siguro kaya hindi ka pa rin nagre-release ng statement, kasi hinihintay mong mag-give in ako sa’yo.”He smiled from ear to ear. Iyong tipong parang nahulaan ko ang nasa isip niya at kung anong plano niya.“You’re such a smart woman, Ira.”Pinaningkitan ko siya ng mata dahil sa naramdaman kong inis. But I could

    Last Updated : 2021-12-22
  • The Congressman's Hidden Son    Chapter 19

    Kahit nakita ko na siya at narinig ko na ang kaniyang boses, pakiramdam ko pa rin ay isa lamang siyang imahinasyon sa aking isipan. Napakaguwapo niya sa suot niya. I’m sure other people would agree to me about it.“Okay ka lang ba?”Natauhan naman ako nang marinig ko ang kaniyang tanong. Tumango ako saka muling bumaling kay Lola Isadora na nakangiti nang naglalakad patungo sa amin.“Congressman Alexander.”Tuwang-tuwa na yumakap si Lola sa kaniya at marahan pa nitong tinapik ang kaniyang likuran.“Akala ko ay hindi ka darating? Your secretary just called a while ago and told me you’re not able to come out of your busy schedule.”Ngumiti naman si Sandro kay Lola.“I was busy. But I finished all my duties as fast as I could so I could go here.”Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nag-uusap sila tungkol sa pamamahala ng Ilocos. Kung puwede nga lang

    Last Updated : 2021-12-22

Latest chapter

  • The Congressman's Hidden Son    Epilogue

    Ten years later… “Why are you always late, Papa? Alam mo namang graduation ko ngayon pero hindi ka pumunta.” reklamo ni Archer pagkarating ng kaniyang ama. Sandro looked at me. I gave him a small smile and went back again to the kitchen were all of the food are currently in preparation. Graduation event ni Archer ngayong araw. Maya-maya lamang ay darating na ang buong pamilya nina Sandro at ang pamilya ko para sa aming family dinner kaya ngayon ay naghahanda na kami. Ang problema, nangako si Sandro sa anak niya na pupunta siya sa school at sasamahan ako sa pagsasabit ng medal sa kaniyang anak na gumraduate bilang top student pero hindi niya nagawang makarating dahil marami siyang lakad na biglaan ngayong araw. It's been ten years after our wedding. I am now officially a Romualdez, ang maybahay ni Sandro Romualdez na nananatili pa ring Congressman ng unang distrito ng Ilocos Norte. And Archer, he’s not a small kid anymore. Hindi

  • The Congressman's Hidden Son    Chapter 80

    Medyo madilim na nang magdesisyon kami ni Dad na umuwi na. Saktong naglalakad kami pabalik ng sasakyan nang tumawag ang kapatid kong si Ismael sa kaniya. Ang sabi nito ay umuwi na kami dahil pareho na kaming hinahanap ni Mommy. Habang nasa biyahe pauwi ay pareho kaming tahimik na nakikinig sa kanta na nagpe-play sa music player ng kaniyang sasakyan. Kapag nagkakatinginan kami ni Dad ay sabay kaming napapangiti.Habang nakamasid ako kay Dad, na-realize kong masuwerte pa rin ako sa kabila ng mga pinagdaanan ko. Masuwerte ako kasi kahit na ilang taon kaming hindi ganoon ka-okay, nagkaroon pa rin kami ng pagkakataon na magkaayos. Yung totoong magkaayos. Bumaling ako sa labas ng sasakyan at nakangiting pinagmasdan ang mga puno na aming nadaraanan.Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa bahay. Kumunot agad ang aking noo nang makitang lahat ng ilaw sa aming bahay ay nakapatay. Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Mas lalong kumunot ang aking noo nang

  • The Congressman's Hidden Son    Chapter 79

    Nang sumunod na linggo ay naging abala na ang mga tao sa bahay. Ang mga kapatid ko ay may kaniya-kaniyang inaasikaso, ganoon din si Sandro kaya palaging wala ang mga ito sa bahay. Si Mommy naman ay laging nakasunod kay Kuya Isaac, kaya kadalasan ang naiiwan sa bahay ay kami ng anak ko, ang yaya niyang si Faye, ang iba pang helper sa bahay at si Dad. Tuwing MWF, palagi akong nasa opisina. Pag sumapit naman ang TTh ay sa bahay ako nagtatrabaho. Hindi kasi sanay si Archer na lagi akong wala sa bahay. Masyado siyang naging dependent sa amin ni Sandro sa mga nakalipas na araw. Sinulit din kasi ni Sandro ang pananatili niya sa bahay bago nagsimula sa pangangampanya.“Anak, may ginagawa ka ba?”Mabilis kong tinapos ang aking pag-inom ng tubig ay saka bumaling kay Dad na nakatayo sa pintuan ng dining room.“Wala naman po, katatapos ko lang. Bakit Dad, may iuutos po ba kayo sa akin?”Umiling naman siya.“Tinatanon

  • The Congressman's Hidden Son    Chapter 78

    “Puwede bang huwag mo nalang ituloy ang kaso?”Marahas akong napalingon kay Sandro na kasalukuyang nakaupo sa aking kama. Pinagmasdan ko ang kaniyang posisyon. Ang kaniyang likod ay nakalapat sa headboard ng kama habang may maliit namang table na nakapatong sa kama. Nakapatong doon ang kaniyang laptop, dahil pansamantalang doon muna siya nagtatrabaho. Sa kaniyang kanan naman ay natutulog si Archer.“Huwag ituloy ang kaso?” pag-uulit ko sa kaniyang sinabi.Kunot-noong huminto sa aking ginagawa at walang ganang sinipa ang edge ng table. Gumalaw naman ang swivel chair na inuupuan ko palayo sa lamesa. Umayos ako sa pagkakaupo at pinag-ekis ko ang aking braso saka tuluyang humarap sa kaniya.“Gano’n nalang iyon?” taas-kilay kong tanong.He heaved a sigh. Alanganin siyang tumingin sa akin at saka marahang tumango.“Can you please let it go?”I scoffed at the idea of letting

  • The Congressman's Hidden Son    Chapter 77

    “Mama, wake up!”Boses ni Archer at ang kaniyang marahang tapik sa aking braso ang nagpagising sa akin. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay agad napansin kong gabi pa rin. Naroon pa rin sina Tita Louise at Tito Ferdinand, magkatabing natutulog sa isang kama. Sina Simon at Vincent naman ay magkatabing natutulog sa sofa nang nakaupo. Bumaling ako sa aking anak na ngayon ay nakangiti sa akin.“Let’s visit Papa.” excited na saad niya.Tipid akong ngumiti sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi. I heaved a sigh when I noticed him being hopeful that I will allow him at his request.“Papa is still asleep, Aki. Nagpapahinga pa siya.”Archer pouted his lips.“But the nurse entered and said Papa’s already awake.”Bigla namang nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng anak ko. Napatayo ako sa kama nang wala sa oras at nagmadaling sinuot ang aking sandals. Hawak ang kaniyang

  • The Congressman's Hidden Son    Chapter 76

    Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga magulang ni Sandro sa akin at kay Archer. Habang papalapit sila sa anak ko ay nagtatanong na tingin ang ibinibigay nila sa akin.“Ira, is this the little boy Sandro is talking about?”Bahagya akong yumuko dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin na binibigay ng ama at ina ni Sandro. Marahan akong tumango at saka naglakad palapit sa anak ko na kasalukuyang nasa harapan ni Tita Louise.Instead of getting afraid, ngumiti si Archer sa kaniyang Lola.“Are you Sandwo’s Mommy?” Archer asked his grandmother.Tita Louise nodded. Hindi ko alam kung masaya siya o malungkot nang makita niya ang kaniyang apo dahil sa biglang namuo ang luha sa kaniyang mga mata. Napaluhod ang mag-asawa sa harapan ng kanilang apo.“Are you his Dad?” this time, he asked his Lolo.Tito Ferdinand nodded. Mabilis na lumapit si Tito Ferdinand sa kaniyang apo at niyakap ito.

  • The Congressman's Hidden Son    Chapter 75

    “Good morning, Mama.”Napangiti ako nang marinig ang boses ng anak ko. Kasalukuyan itong nakaupo sa pagitan nina Mommy at Daddy at salitang sinusubuan ng aking mga magulang ng pagkaing inihanda ni Faye para rito. Kumpleto ang mga kapatid ko na nasa hapag. Nasa tabi naman ni Ismael si Faye na tahimik din na kumakain ng agahan.“Tinanghali ka yata nang bangon.” puna ni Kuya Ivan.Ngumiti naman ako sa kaniya at marahang naglakad sa bakanteng upuan sa tabi ni Mommy. Nang bumaling sa akin si Archer ay kumaway pa ako sa anak ko.“Siyempre, pagod. Ikaw ba naman ang nakasama sa iisang kuwarto si—aray!”Agad na siniko ni Kuya Isaac si Ismael kaya napatigil ito sa pagsasalita. Alam kong dapat hindi ako magpahalata na apektado ako sa sinabi ni Ismael kaya naman ngumiti lang ako sa kanila at inabot ang lalagyan ng kanin at sumandok doon. Inabot na rin sa akin ni Kuya Ivan ang ulam kaya naman nagpasalamat

  • The Congressman's Hidden Son    Chapter 74

    Ang buong akala ko ay mababaw ang pool na pinagbagsakan namin. I tried to reach for the ground, ang kaso hindi maabot ng paa ko.“Malalim!” kabadong sambit ko.Naramdaman ko naman ang pagpaikot ng braso ni Sandro sa aking beywang para maalalayan niya ako. Don’t get me wrong, I know how to swim, ang kaso hindi ako makabalanse sa tubig dahil naka-dress ako.“Okay ka lang ba?”Mabilis naman akong tumango bilang sagot sa tanong niya. Nang hapitin niya ang beywang ko ay bigla akong napahawak sa kaniyang balikat. Sa pagkakataong iyon ay nagkatitigan kaming dalawa. I swallowed hard when I noticed he was looking at me. Nakagat ko ang aking ibabang labi at sinubukang umiwas sa kaniya ng tingin. Ang kaso ay hinawakan niya ang aking baba gamit ang kaniyang hintuturo.“Ira…” he said in a low voice.Ilang beses akong napakurap nang dumako sa kaniyang labi ang aking paningin. Bahagyang nakaawa

  • The Congressman's Hidden Son    Chapter 73

    “Anak hindi ka ba sasama sa meeting meeting ng partido ng kuya mo?”Huminto ako sa pakikipag-usap kay Faye nang marinig ko ang sinabi ni Mommy. Bihis na bihis ito at mukhang may lakad din siya ngayong araw.Umiling naman ako.“I have to go to the office to start my work.” I said, smiling to her.Umayos siya sa pagkakatayo at mataman akong pinagmasdan.“Today is a very important event for your older brother, Ira. I appreciate and I’m sure Isaac will appreciate if you will come.”Napaisip naman ako. Mommy is right. This event is so important to my brother. I remember him telling us about it days ago. I can see the excitement in his eyes and hear the happiness in his voice. Kung hindi ako pupunta, sigurado akong magtatampo iyon sa akin. But I have a problem. If I come, posibleng makita ko si Sandro. But I’m not sure if he’s coming though.“Is Sandro coming?”

DMCA.com Protection Status