“Advance happy birthday, mahal.”
Yumuko si Dean para sana halikan si Niah pagkatapos itunghay ang kanyang regalo ngunit umiwas ang babae. Naiwan sa ere ang mukha, nagtataka at nasasaktan ngunit kaagad niya iyong kinuha nang tumayo si Niah.
“Sa susunod pa na araw ang birthday ko. Tsaka, ano na naman ‘yan? Isang mumurahing regalo na galing divisoria? Tangina naman, Dean! Sawang-sawa na ‘ko sa mga pekeng regalo mo. Pwede ba, minsan naman magbigay ka ng mamahalin?”
Mabilis na umalis si Niah sa harapan ni Dean at lumabas patungong balkonahe. Nagsindi siya ng sigarilyo at inis na ibinuga ang usok. Sandali siyang nanatili doon bago umupo’t ikinimpit ang sigarilyo sa pagitan ng kanyang dalawang daliri.
“Pasensya na, Niah. Iyon kasi ang naisip kong magugustuhan mo. Hayaan mo, sa susunod ay pag-iisipa---”
“Dean, pagod na ‘ko,” malamig na wika ni Niah bilang pagputol sa sinasabi ni Dean. Muli siyang s******p sa sigarilyo at nagbuga ng usok. Tumayo rin siya at hinarap si Dean. Hindi na nito hawak ang regalo.
“Inayos ko na ang kama natin. Puwede ka nang matulog kung gusto mo.” Nilapitan ni Dean ang asawa para sana akayin ngunit iwinakli lang nito ang kanyang mga kamay. Napahugot siya nang malalim na hininga at mariing pumikit. Iniintindi ang asawa dahil alam niyang pagod ito galing trabaho.
Sa umaga, sabay silang pumapasok sa trabaho. Pero si Dean ay hanggang alas tres lang ang duty kaya nauunang umuwi para maglinis ng bahay, maglaba, at maghanda ng kanilang hapunan. Alas sais naman ang uwi ni Niah, sakto lang para umalis si Dean at pumasok sa kanyang panggabing trabaho.
Naiiritang bumuga ng hangin si Niah. “Maghiwalay na tayo. Pagod na ako sa buhay na ‘to. Pagod na akong maghirap sa piling mo!”May diin ang bawat salitang binitiwan ni Niah kaya hindi maiwasan ni Dean na masaktan. Nalulukot ang kanyang puso dahil sa mga sinabi ng kanyang asawa. Akala niya ay masaya ito kasama siya kahit na minsan ay panay ang reklamo niya tungkol sa kanilang estado sa buhay.
Ginagawa naman niya ang lahat at nagtatrabahong mabuti pero hindi pala iyon sapat. Kulang na kulang pa para kay Niah.
“Niah, baka pagod ka lang sa trabaho. Huwag kang magpadalos-dalos sa sinasabi mo.” Muli niyang nilapitan si Niah pero ang asawa na niya mismo ang lumayo sa kanya.
“Tangina, Dean! Ni minsan hindi ko nakita’t naramdaman lahat ng ipinangako mo sa’kin bago tayo ikasal. Simula noong nagsama tayo sa iisang bubong, puro kahirapan lang ang naranasan ko sa’yo. Oo, noong una ay naiintindihan ko pa. Pero ngayon? Ngayon hindi na! Sawang-sawa na ‘ko kumain ng tuyo’t sardinas. Nahihiya na rin ako sa mga kapit-bahay natin na panay ang singil dahil patong-patong na ang utang natin! Naiintindihan mo ba ‘yon?” Garalgal ang boses ni Niah habang sinasabi ang lahat ng kanyang hinanakit pero pinipilit niyang huwag umiyak. Nahahaluan din iyon ng inis dahil sa matagal na nitong pagkimkim.
Natuod lang sa kinatatayuan niya si Dean at hindi makapagsalita. Walang salita ang gustong lumabas sa kanyang bibig dahil hindi niya inaakala na ganito na pala ang nararamdaman ng kanyang asawa.
He thought that he’s giving a good life to his wife. Pero hindi pala. Maling-mali siya sa pag-aakalang ayos lang ang lahat. Naiiraos naman kasi nila ang pang-araw-araw na pangangailangan. Kung minsan ay hindi maiiwasang makapangutang sa kapitbahay dahil sa delayed the sweldo o hindi nama’y maraming bayarin na hindi magkasya sa kaniyang sweldo.
“Dean, ayoko na. Hindi na ako masaya sa buhay na mayro’n tayo. Hindi na sapat ang pagmamahal lang. Please, maghiwalay na tayo.” Humina ang boses ni Niah sa panghuling mga sinabi. Nilunok niya ang laway na nakaharang sa kanyang lalamunan at mabilis na tumalikod sa lalaki noong pumatak na ang kanyang luha.
Tumakbo siya patungo sa kanilang kwarto at kaagad na isinara’t ini-lock iyon. Narinig niya ang pagtawag at pagkatok ni Dean pero hindi niya binuksan ang pinto. Sunod niyang narinig ay ang kanyang nanay na pinagagalitan si Dean.
“Kasalanan mo ‘to, Dean! Kung sana mas pinag-iigihan mo ang pagtatrabaho ay hindi magkakaganyan si Niah. Hindi ba’t ipinangako mong hindi mahihirapan ang anak ko sa piling mo? O ano ngayon? Nasa’n na ang mga sinabi mo noong hinihingi mo ang kamay ng anak ko sa amin? Hindi ba’t walang nangyari? Wala kang tinupad sa mga pangako mo. Nakakahiya ka!”
Hindi na pinansin ni Niah ang talak ng kanyang ina sa asawa. Bagkus ay pinilit niyang maglakad patungo sa kanilang kama at umupo roon. Nakita niya ang regalong ibinibigay ni Dean kanina kaya kinuha niya iyon at inalog.
May kabigatan ang regalong iyon pero napuno ng galit ang kanyang puso. Alam niya kasing mumurahin lang iyon at baka galing pa sa utang ang pinambili ni Dean.
“Tangina talaga!” sigaw niya sabay bato ng regalo sa sahig. “Ubos na ang pagmamahal ko sa’yo, Dean. Sisiguraduhin kong matutuloy ang paghihiwalay natin.”
Muling pinulot ni Niah ang regalong iyon at itinapon sa maliit na basurahang meron siya sa loob ng kwarto nila. Kumatok ang kanyang ina para sana manghiram ng pera pero hindi siya sumagot at umaktong natutulog na.
-------
“Did she like the gift? What’s her reaction?” excited na tanong ni Danica sa kabilang linya.
Nag-aabang na ngayon si Dean ng masasakyan patungong kompanya kung saan siya nagtatrabaho bilang delivery man. Kaagad siyang umalis matapos marinig ang sermon ng manugang niyang walang ibang inilapit sa kanilang mag-asawa kung hindi ang manghingi at mangutang.
“She liked it?” tipid at hindi siguradong sagot nito at saka isiniksik ang kaliwang kamay sa kanyang bulsa.“What kind of answer is that, kuya? Gosh! You gifted her an iPhone 14 Pro Max that’s already connected to our family’s contact tapos ganyan lang ang sasabihin mo? Ano ba talaga ang sinabi niya pagkatapos makuha ang regalo?” pag-uusig ni Danica sa kanyang kapatid. Hindi kasi talaga siya naniniwala na ganoon nga ang naging reaksyon ni Niah. She knows her sister-in-law so well. Kaya imposibleng hindi niya magustuhan ang regalo ng kanyang kapatid.
“Dan, please stop thinking about her reac---”
“Kuya, did she really accept the gift? Please be honest this time,” seryosong wika ni Danica kaya napahugot ng malalim na hininga si Dean.
“She didn’t. She said that---”
“Nevermind, kuya. I don’t want to know her reaction na pala. Take care, kuya. And please bumisita ka naman sa bahay. I miss you na kasi,” malambing niyang sagot sa kapatid. She knows na posibleng ganoon ang magiging reaction ni Niah pero hindi niya lang ma-imagine ang nararamdaman ng kanyang kapatid.
Her kuya loves Niah so much.
“Kuya?”
There’s a silence on the other line. Tanging mabibigat na paghinga lang ni Dean ang maririnig ni Danica.
“Dan? Can I ask for a favor?” maingat nitong tanong sa kapatid.
Napangiti nang mapait si Danica para sa kanyang kuya Dean. “Anything, kuya.”
Muling huminga nang malalim si Dean. Natutop ni Danica ang bibig kasabay nang pagpigil sa paghinga nang marinig ang hinihiling ng kapatid.“Please talk to Attorney Pelaez that I’ll meet him one of these days. Niah wants a divorce.”
Pumara ng taxi si Dean at pinaunang makapasok si Niah. Hindi siya nagtanong kung bakit at saan sila pupunta. Ayaw niyang pangunahan ang asawa at hindi niya gustong tutulan ang kagustuhan nito. Kahit na sa totoo lang ay may kutob na siya kung saan sila patungo. Pero ang hindi alam ni Niah, palaging nauna ng isang hakbang si Dean kaysa sa kanya. “Manong, sa munisipyo po tayo,” wika ni Niah sa driver kaya tumango ang matanda. Tahimik lang silang pareho sa loob kaya kinuha ni Niah ang bagong cellphone sa kanyang bagong bag na bili. She opened her Instragram account then posted a picture of her new things. Hindi iyon nakawala sa mapanuring mga mata ni Dean. Kaya tumikhim siya para kunin ang atensyon ng asawa ngunit ni hindi man lang narinig iyon ni Niah. Napailing siya nang mahina at napansin na nakatingin ang driver sa kanila sa pamamagitan ng front mirror. Mapakla siyang ngumiti sa matanda bago tiningnan ang asawa niya at mga bagong gamit nito. “Mukhang bago yata ang mga gamit mo nga
“Excuse me?” Kaagad na hinuli ni Luke ang kamay ni Danica nang malapit na ito kay Dean. He couldn’t believe that a random girl who randomly appeared into the scene mocked and insulted him. “How dare you for mocking me? Alam mo bang pwede kitang kasuhan dahil sa mga sinabi mo sa akin?” he furiously said between his gritted teeth. “Get your hands off me!” Iwinakli ni Danica ang kamay ni Luke na nakahawak sa kanya. “Wala akong pakialam kung kakasuhan mo ‘ko. What I said was true. Pangit ka naman talaga!” This time, tumayo na si Dean at pumagitna sa kanilang dalawa. Si Niah naman ay lumapit kay Luke at hinawakan ang braso nito.People around them keep on murmuring about their situation. Marami ang nagtatanong kung sino sila at marami ang nagkakaroon na ng mga haka-haka. “Don’t you dare touch my sister again. Magkakamatayan tayo rito,” inis at tiim-bagang na anas ni Dean. Tinalikuran niya si Luke at hinarap ang kapatid. “Dan, go home now. You should not be here.” “I can manage, kuya. Be
Umigting ang panga ni Dean habang nakatingin lang sa kanyang boss. Gusto niyang magsalita ngunit hindi niya mahanap ang tamang salita na sasabihin. Sa huli ay tanging iling lang na para bang nagbabawal ang kanyang ginawa na kaagad sinagot ng kanilang boss ng isang ngisi. Pero mabilis naputol ang kanilang titigan nang may mangahas na magsalita. “Nang dahil sa basurang delivery man na ‘yan aalisin mo kami sa trabaho? Wala kang kwentang boss!” sigaw noong isa sa apat na babaeng natanggal sa trabaho. “Kasalanan mo ‘to mabaho at bobong delivery man! Nang dahil sa’yo nawalan kami ng trabaho!” dagdag naman ng isa. “Dapat ‘yang bobong delivery man ang alisin niyo sa trabaho dahil wala naman siyang kwenta. Marami ang mas nakapagtapos ng pag-aaral at mas matalino kaysa sa kanya na deserving! Sabagay, siguro lalaki mo ‘yang dugyot na delivery man kaya pinagtatanggol mo siya!” gatong naman ng isa pa. Naiyukom nang mahigpit ni Dean ang kanyang kaliwang kamay. Parang gusto na nitong manuntok d
Maigap na itinago ni Dean ang cellphone pagkatapos ang tawag nang maramdamang may tao sa kanyang likuran. May kaunting gulat siyang naramdaman nang makita na iyong janitor pala na kaibigan din niya ang naroon. “Mang Lito, kayo po pala.” Alanganin siyang ngumiti sa matanda. “K-Kanina pa po ba kayo nariyan?” Tumikhim siya at napakamot pa sa kanyang batok. Ngumiti rin ang matanda sa kanya at bahagyang lumapit pa. “Hindi, kararating ko lang, Dean. Kaya huwag ka nang magulat. Wala ka naman sigurong itinatago?” Doon na napalunok si Dean at umaktong nauubo. “W-Wala naman po. Sige po Mang Lito, babalik na po ako ulit.” Maglalakad na sana si Dean pabalik sa opisina ni Lila pero kaagad siyang tumigil nang muling magsalita ang matanda. “Dean, maaaring sa pagbalik mo may makita kang makakasakit sa damdamin mo kaya nawa’y makontrol mo ang iyong sarili.” Nangunot ang noo ni Dean sa sinabi nang matanda. Magtatanong pa sana ito kung tungkol saan ang kanyang sinabi ngunit umalis na ang matanda d

“Advance happy birthday, mahal.” Yumuko si Dean para sana halikan si Niah pagkatapos itunghay ang kanyang regalo ngunit umiwas ang babae. Naiwan sa ere ang mukha, nagtataka at nasasaktan ngunit kaagad niya iyong kinuha nang tumayo si Niah. “Sa susunod pa na araw ang birthday ko. Tsaka, ano na naman ‘yan? Isang mumurahing regalo na galing divisoria? Tangina naman, Dean! Sawang-sawa na ‘ko sa mga pekeng regalo mo. Pwede ba, minsan naman magbigay ka ng mamahalin?” Mabilis na umalis si Niah sa harapan ni Dean at lumabas patungong balkonahe. Nagsindi siya ng sigarilyo at inis na ibinuga ang usok. Sandali siyang nanatili doon bago umupo’t ikinimpit ang sigarilyo sa pagitan ng kanyang dalawang daliri. “Pasensya na, Niah. Iyon kasi ang naisip kong magugustuhan mo. Hayaan mo, sa susunod ay pag-iisipa---” “Dean, pagod na ‘ko,” malamig na wika ni Niah bilang pagputol sa sinasabi ni Dean. Muli siyang sumipsip sa sigarilyo at nagbuga ng usok. Tumayo rin siya at hinarap si Dean. Hindi na nito