Angelica's POV
"Ano itong nalaman ko, Angelica?"
Agad akong napalingon sa lakas ng pagkakabukas ng pintuan, at agad ring umikot ang mata ko nang matanto kung sino 'yon. Tumingin muli ako sa mga monitor na nasa harapan ko ngayon.
"Totoo nga. Kailan mo pa nasimulancang bagay na ito?!" Marahas akong iniharap ni Mama sa kaniya.
Walang gana ko lamang siyang hinarap at nanatiling tahimik lang. Nabaling ang tingin nito sa mga monitor na nasa likuran ko. Humigpit ang hawak ni Mama sa braso ko kaya bigla akong napakislot pero minabuti ko na lamang hindi tanggalin ang pagkakahawak niya.
"Angelica! Ano bang nangyayari sa 'yo?! Ano itong ginagawa mo s
"Sh*t! Mukhang marami-rami sila!" usal ni Venuz habang nakatingin sa mga lalaking naka-itim na kasuotan maging ang takip nito sa mukha."Mukhang sinadya nilang dumating dito pagkatapos nating kumain," bulong ni Kevin sa kaniyang mga kasama.Naka-posisyon na ang mga ito para sa gagawing pagsugod ng mga lalaking nasa harapan nila. Ang mga babae nilang kasama ay nasa likod lamang ng mga kalalakihan maliban kay Dexie at Clariss. Hindi nila hinayaang lumaban si Venuz muna. "Huwag kayo mag-alala, hindi natin patatagalin ang laban na 'to." Sabay-sabay na nagsitanguhan ang mga ito kay Dexie.Kampante sila dahil nakita na nila kung paano ito kahusay humawak ng katana. Swerte pa rin sila sa pagkakataong ito dahil sa kanila sumama si Dexie. Kung sa kabilang grupo ay nandoon si St
“Dexie, sila Venuz!” sigaw ni James na agad naman ikinalingon ni Dexie sa direksyon nila Venuz.Mabuti na lamang ay kahit papaano marunong gumamit si Venuz ng sandata dahil naituro na ito sa kaniya noon ni Angelica nang ayain siya nito mag-ensayo. Hindi pa man niya lubos na gamay ang paggamit nito ay tinatagan niya pa rin ang loob niya para labanan ang kalaban.Bago pa man makarating si Kurt sa kanilang pwesto ay napatumba na agad ito ni Venuz. Nanginginig si Venuz na napatingin sa lalaking nakahandusay sa kaniyang harapan at hindi makapaniwalang makakasaksak siya ng tao.“Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Kevin sa kaniya.Niyakap pa siya nito at binigyan ng isang halik sa ulo. Hindi rin nagtagal ay bumitaw na si Venuz sa yakap at nginitian si Kevin.“Sige na, ako ng bahala sa kanila. Bumalik ka na ro’n at tulungan mo na sila Dexie.&rdqu
"Kailangan talaga hiwa talaga sa dalawa? Grabe, 'di kinakaya ng sikmura ko," usal ni Thea kay Dexie paglapit nito sa kanila."E, ayaw mamatay, e." Napa-iling na lamang sila Venuz sa sinagot nito."Mabuti pa umalis na tayo rito, nang makapagpahinga na ang iba," utos ni Dexie sa kanilang mga kasamahan.Mabigat man ang damdamin nilang nilisan ang lugar dahil halos nangalahati na lamang sila sa grupo ay pilit nilang tinatagan ang sarili. Habang sila'y naglalakad sa madilim na kanilang dinadaanan ay bigla na lamang umimik si Venuz."Gusto kong magalit, pero alam kong hindi ito ang tamang panahon at oras."Dahil silang lima ang nangunguna sa paglalakad at magkakasama, sabay-sabay na napalingon
Pilit nililibang ni James ang sarili para hindi makatulog katulad ni Kevin. Delikado kasi para sa kanilang lahat na manatiling tulog dahil tandang-tanda nila ang habilin ni Angelica bago sila pumasok sa lugar na ito, na may limang oras lamang sila para magpahinga sa isang lugar dahil kung hindi ay mawawalan na lamang sila ng buhay bigla.Naisip na rin ni James na magbilang ng damo na kanilang pinagpapahingahan para lang hindi dalawin ng antok. Gusto niya na lang matawa sa sarili dahil sa kaniyang ginagawa. Nawala sa pagbibilang si James nang bigla na lamang siyang batuhin ng maliit na bato kaya't napatingin siya sa gumawa nito."Bakit?" tanong niya kay Kevin na sumisenyas sa kaniya na lumapit sa kaniyang pwesto.Agad naman itong sinunod ni James kahit na may pagtataka sa kaniyang mukha.
After 3 days..."Ano bang nangyayari kay Venuz? Napapadalas na ang kaniyang pagsigaw at panginginig tapos magigising sa pagtulog?" nag-aalalang tanong ni Dexie na abalang nagtatanggal nang bala sa kaniyang tagiliran.Halos mangiwi ang ilan sa kaniyang mga kasamahan dahil pakiramdam nila ay sobrang sakit ng ginagawa niya. Hindi nila alam kung saan galing ang alak na pinambuhos niya sa kaniyang sugat, tila hindi ito nasasaktan dahil nagawa pa nitong magtanung sa kabila ng kaniyang sitwasyon."Sigurado ka bang ligtas iyang ginagamit mo sa pagtanggal ng bala sa katawan mo?" usal ni Marie, ang estudyanteng nakapukaw ng atensyon ni Kurt noong makapasok sila sa lugar.Siya iyong babaeng naka-puting t-shirt at jeggings ang suot, Nagpakilala ito sa kanila bilang isang nursing student, nag-alok din ito kay Dexie na siya ang maggagamot dito pero tinanggihan lamang siya ni Dexie dahil sanay itong siya lang mismo ang gumagamot sa
"Hanggang ngayon pala, mahina ka pa rin." Bakas sa mukha ng babae ang pang-iinsulto nito kay Dexie.Nanggagalaiti namang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig si Dexie at muling hinarap ang babae. Hanggang ngayon ay umaalab pa rin ang galit sa kaniyang puso lalo na ng makita niyang muli ang mga taong pumatay sa kaniyang minamahal."Mga wala kayong puso!" Sigaw niya at saka muling sumugod."Parehas lang tayo."Mabigat ang hininga ni Dexie dahil muli siyang napahiga at ngayon ay may nakatutok sa kaniyang dagger, nakatukod din sa kaniyang dibdib ang tuhod nito habang hawak ang kaniyang isang kamay kaya't nahirapan siyang makakilos."See? Weak ka pa rin at sisiguraduhin kong hindi ka na mabubu – "Bigla na lamang naagawa ang atensyon ng babae at ni Dexie sa biglaang pagsigaw ni Venuz. Napatingin sila sa gawi nito at nakita ni Dexie na nanginginig itong nakatingin sa kanilang dalawa. Napakunot noo
"Paano ba 'yan mukhang ikaw na lang ang natitira sa grupo mo," nakangising usal ni Dexie sa nag-iisa na lang nilang kalaban."Wala akong pakialam sa mahihinang nilalang na iyon." sagot nito sa kaniya habang nakangisi rin.Natawa na lang si Dexie sa tapang na ipinapakita nito kahit na siya na lamang ang natira sa kaniyang grupo. Pero, hindi niya rin maitatanggi sa kaniyang sarili na masyadong malakas ang taong ito kahit pa duguan na ang kanang braso nito sa kaniyang pagsaksak dahil kinakaya pa rin nitong makatayo ng tuwid.Nagawa pa nitong magbalat nang kaniyang bubble gum at muling ngumuya nito. Nagagawa rin nitong ngumisi na para bang walang iniindang sakit sa braso."Tignan natin kung magawa mo pang maka-ngisi pag nakahandusay ka na sa sahig."Nakahanda na ring sumugod ang iba nang pigilan sila ni Dexie kaya't napatingin sila sa kaniya."Hayaan niyo ng ako ang tumapos nito, nang maipaghiganti ko man lang
"Susundan ko sila, may pakiramdam akong hindi magandang mangyayari," usal ni Alex sa kaniyang mga kasamahan."Sasama na kami, hindi ka namin puwedeng iwan.""Pero Clariss... ""Wala ng pero pero. Sasamahan ka namin ni Thea.""At sinong may sabing maaari kayong maka-alis?" Isang palaso ang mabilis na tumama sa kanilang direksyon na muntik ng tumama sa kanilang mga bungo.""F*ck! Muntik na kami doon ah!" sigaw na usal ni Clariss sa lalaki na nagpakilala na bilang si Eleazar."Ha, patikim pa lang 'yan sa inyo pag sinubukan niyong muli umalis sa kinatatayuan ninyo." Nakangisi pa ito sa kanila habang pinaglalaruan ang kunai sa kaniyang kamay."Asar naman, oh!" Napapadyak na saad ni Alex."Binayaran ka ba ng nerd na 'yon?! Sabihin mo sa amin!" Halos magdugo na ang kamay ni Steve sa kaniyang pagkakakuyom ng kamao."Ah, iyong babaeng 'yon ba? Oo. Isa pa, dagdag na rin sa pera
Hello ka-Nerdys, Gusto ko lang magpasalamat sa inyo, lalo na sa 'yo na sumuporta sa aking akda hanggang dulo. Lubos ang aking pasasalamat sa pagsubaybay ninyo sa journey ng buhay ng mga taong nasa loob ng aking kwento na ito. Nawa'y patuloy ninyo akong suportahan sa mga susunod ko pang akda. I am truly grateful to have you, guys! Sa mga matyagang nagke-claim ng rewards, at lalo na sa gumagastos para mabasa ang mga lock chapters ng aking kwento, maraming salamat! Sa inyong mga pagboto ay akin ring ikinagagalak ng lubos-lubos. Nawa'y napahanga ko kayo sa ating bida na si Angelica na parang kabute madalas. HAHAHA Hanggang sa muli aking mga ka-Nerdy! Maraming salamat, Nagmamahal, _iamlezy / Bebe
ANG PAGTATATAPOS5 years later ..."Nasaan na ba si Alex? Magsisimula na," saad ni Trixie sa kaniyang mga kasama.Napalingon silang lahat sa babaeng halos masira ang pinto dahil sa lakas ng pagbukas nito. Hingal na hingal ito na para bang tumakbo ng ilang kilometro."Ayan na pala si Alex, e," tumatawang usal ni Alicia kay Alex na nakasalampak na sa sofa at naghahabol ng kaniyang hininga."Anong nangyari sa 'yo, te?" usal ni Trixe."Hinintay ko pa si Angelica." Hinihingal nitong sagot."Ha? Gaga ka, alam mo naman sumusulpot lang iyon pag gusto niya.""Ay, hindi puwede 'yon. Alam niyang importanteng araw ito.""Hintayin na lang natin siya, baka mamaya nandito na rin iyon." Napabuntong hininga na lang si Alex sa sinabi ni Venuz at hindi na nagsalita pa."O siya, umupo ka na roon pa
"Hi dad, kumusta ka riyan?" mahinang sambit ni Angelica.Narito siya ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang ama. Ilang araw bago pa siya nakadalaw dito at siya lang mag-isa.Umupo siya sa at saka hinawi niya ang mga dahon sa lapida ng kaniyang ama at saka niya nilapag ang mga bulaklak na kaniyang binili. Nagsindi na rin siya ng puting kandila at tinirik iyon. Nakangiting pinagmasdan niya ang lapida ng kaniyang ama."Pasensiya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw sa 'yo. Tinupad ko lang iyong pangako ko sa 'yo na hindi ako magpapakita sa puntod mo hanggat hindi kita naipaghihiganti. And look dad, nandito na ako. Sana masaya riyan kung nasaan ka man, medyo natagalan lang ako sa pagdalaw.""Oo nga pala, dad. May kasalanan din ako sa 'yo, napatay ko si Romnic. Ihingi mo na lang ako ng tawad sa kaniya kung sakaling magkita kayo riyan, ha?" Hindi napigilang matawa ni Angelica sa kaniyang sinasabi at unti-unting bumu
Angelica's POVWala akong maramdaman na kahit ano sa pag-alis ko sa lugar na iyon. Walang kahit na anong awa o pagsisisi akong naramdaman sa nagawa ko sa pamilyang iyon, puro galit lang ang natira sa akin."Sa wakas dad. Naipaghiganti na rin kita," usal ko sa aking sarili habang nagmamaneho.Patungo ako ngayon sa taong kikitain ko ngayon pero bago 'yon ay may dadaanan muna ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial ako sa aking telepono."I'm already here, baby." Napangiti ako sa sinabi nito."Alright. Malapit na ako," sagot ko rito ng hindi natatanggal ang ngiti sa aking labi."Okay, baby. Take care!"
Isang malaking pagsabog ang narinig nila Dexie mula sa bodega na kanilang pinanggalingan. Hininto ni Steve ang sasakyan at napatingin sa direksyon sa gawing iyon. Hanggang sa mapansin nila ang sasakyan na dumaan sa kanilang gilid.Napatitig sila sa sasakyan at na dumaan at may hinala na sila kung sino ang taong nagmamaneho no'n."May binuhay kaya si Angelica doon sa tatlo?" biglang sambit ni Trixie."Wala," diretsong sagot ni Venuz habang nakatitig pa rin sa sasakyan na palayo na sa kanila."Kilala ko ang babaeng iyon, sa tagal naming magkaibigan alam ko na takbo ng utak no'n. Walang bubuhayin 'yon sa tatlo, iyong galit niyang matagal niya ng kinikimkim ay nailabas niya na,
Nanatili pa ring nakapikit si Angelica at pinapakiramdaman lang ang kaniyang paligid."Angelica, si Romnic nandito," usal ni Dexie sa kaniya.Dumilat si Angelica at malamig lang ang tinging ibinigay nito kay Romnic. Dahan-dahan niya itong nilapitan at biglang napasinghap ang mga naroon dahil sa biglaang pagsampal ni Angelica rito gamit ang likuran ng palad niya."Anong ginagawa mo rito?" Malamig ang tinig ni Angelica maging ang mata nito ay wala man lang emosyon na pinapakita. Diretso lang ang tingin nito kay Romnic."Anong ginawa mo kay Octavius?" mariing tanong pa rin ni Romnic."Wala kang pakialam, sagutin ko ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito?" Sa bawat salitang binibitawan ni Ang
"Octavius..." tawag ni Angelica sa bawat pasilyong inaakyatan niya."Ang akala ko ba ay gusto mo ako mamatay? Bakit ngayon ay tinataguan mo naman ako?" bulalas pa niyang muli.Biglang napangisi si Angelica dahil may biglang bala na lumipad papunta sa direksyon niya pero mabilis niya itong naiwasan. Para siyang demonyong natawa dahil hindi man lang siya nito madaplisan."Ano ba 'yan, Octavius. Paano mo ako papatayin niyan? E, hindi nga tumatama ang bala mo sa akin," pang-aasar pa ni Angelica.Umakyat siya muli sa isa pang palapag dahil alam niyang umakyat muli ang dalawa niyang kailangan. Lalong gumuhit ang malaking ngisi sa kaniyang labi dahil ilang armadong lalaki ang nag-
"Victoria!" nag-aalab sa galit ang ina ni Kurt habang nakatitig kay Victoria na nakangisi pa sa kaniya."Bakit? Hindi ba totoo? Inagaw mo sa akin si Octavius kahit pa alam mong pinagbubuntis ko na ang anak namin!"Napasinghap ang lahat ng bisita sa kanilang narinig, maging sina Venuz ay hindi makapaniwala. Si Alex naman ay napatitig na lang kay Kurt at parang siya ang nasaktan para dito. Hindi niya inaasahan ang malalaman niya sa pamilya nila Kurt, pero nanatili lang na malamig ang tingin ni Kurt at hindi ito umiimik.Tumayo muli si Victoria mula sa ilang ulit niyang pagkakasalampak. Hindi nito maalis ang ngisi sa kaniyang mukha at nakatitig ng matalim sa dalawang taong nasa harap niya."Shut up!" Nagtatagis na ang ngipin ng ina ni Kurt habang ang ama naman nito ay naka
Angelica's POV"Baby, mag-iingat, ha? Promise me." Napangiti naman ako sa lalaking naglalambing sa akin kanina pa.Kanina pa dapat ako nakaalis pero dahil sa kaniya ay hindi ako makaalis-alis, gusto kasi niyang sumama. Buti napilit kong huwag na muna, kakaligtas ko lang ng buhay niya pagpahingahin niya naman sarili niya. Jusko! Ewan ko na lang talaga."Of course, I will." Nakayapos pa ito mula sa likuran ko habang nag-aayos ako ng aking sarili.Hindi na muna ako maglalagay ng pekeng bangs at pekeng freckles dahil baka mahirapan ako makakilos mamaya. Matagal ko ng pinlano ito kaya't hindi ako makakapayag na hindi ako magtatagumpay, sisiguraduhin kong mabubura sila sa mundong ito."Tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo na ako, just like before." Napangiti akong muli at humarap sa kaniya.Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. Mukhang nag