Chapter 24 Busy ang manyakis. Nakasilip si Leigh sa makapal na kurtina ng eroplano. Uwian na. Tapos na ang unang araw ng training. Bukas ay huli na, lilipad na sila. Halos hindi siya huminga habang pinagmamasdan ang masarap na likod ni Clive. Kausap nun si Hanzxander. Parehas na bugnutin ang mukha ng dalawa, wala man lang sinabi sa masayahing aura ni HJE. Sila na lamang ang naiiwan dun. "Sa pagbilang ko ng tatlo, sumunod ka sa akin, tatakbo tayo," bulong niya kay Jillian. "Oo," bulong din nito. "Leaving?" Gio asked from behind. Hindi niya pinansin ang lalaki. Naka-focus siya kay Clive. Dapat makatakas siya nang hindi nun namamalayan. "Hatid ko na kayo," anang piloto kaya lumipad ang mga mata niya rito kasama ang ulo niya. Napansin niyang malaking tao rin si Gio at pwede siya ritong tumago habang papalabas ng eroplano. "Bilisan mo lang." "May…tinatakasan ka ba?" He asked, peeking as well. "Basta bilisan mo, Pilot Gio, pleaaase…" pinakurap niya ang mga mata. "Sure," kibit-b
Chapter 25 Clive Mallari: Mate, job done. He smirked. Nakahinga siya nang maluwag habang nakaupo sa sofa, naka de quatro na parang siya lamang ang nagmamay-ari sa mundo. He composed a simple message for his classmate in elementary, Rick Mallari. Isa na iyong pulis sa Makati. Hindi naman niya iyon ka-close noon. Wala siyang ka-close talaga. Wala nga siyang kaibigan noon, sa totoo lamang. Mag-isa siya sa buhay eskwelahan pero iginagalang siya dahil sa yaman nila. Nobody dared touching him. Clive: I'll send my man to your place to give you gratification. Mallari: Hindi na, mate. Anytime. Pasasalamat ko sa scholarship ng Gre.co Empire. Text na lang kung may maitutulong ako. Ri-release ko na rin ito pag nakapagbayad na. Hindi na siya sumagot pa. "Clayb, anak, lalabas muna ako," paalam sa kanya ni Adela nang lumabas iyon sa isang maliit na kwarto. He gave the old woman a nod. "Ipinatatawag ako nun bossing ko. Ewan ki ba naman kung bakit ganitong oras pa pumunta ang kliyente ko. P
Chapter 26"Leigh!" Bulyaw nito sa kanya pero tila bingi siya.Nakatulala siya sa malaking apoy na kasimbilis ng hangin na kumalat.Nakaramdam siya ng pag-alog sa balikat pero wala pa rin siyang pakialam. Ang isip niya ay mamamatay na siya."Fuck!" Clive cursed in front of her eyes.Kapagkuwan ay daig pa niya ang binuhusan ng malamig na yelo nang maramdaman niyang hinahalikan siya nito. She felt a hard bite on her lip.Diyos ko!"Nanghahalik ka pa, nasusunog na tayo!" Galit na hampas niya rito nang humiwalay ang labi nito sa kanya."Nakatanga ka kasi!" Anito sa kanya, "Cooperate with me. Give me blankets!" Utos nito sa kanya.Napakurap siya. Mabilis siyang kumilos papunta sa kwarto niya. She stopped and held her chest when she saw thick fire outside her window."Don't look at it, just focus." Utos ni Clive sa kanya, nasa likuran niya.Natatakot man ay ganun ang ginawa niya. Inisip niya na nasa eroplano siyang malapit ng mag-crash. She still has to do her job before it hits something.
Chapter 27 B-I-T-I-N. Iyon ang salitang bagay na bagay sa ginawa ng Mama ni Leigh sa kanila. The old woman never told them the reason why that land couldn't be sold. Siya man ay parang tanga na naghihintay ng kasagutan pero nakarating na lamang sila sa mansyon ay wala pa ring sagot. Kung pwede lamang hilahin ang dila ni Adela, ginawa na niya, but he had to be patient. He calmed himself down, fuck it! Napakahirap magpigil ng sarili. Siya pa man din ang taong bubulyaw kung kailan niya gusto. Ayaw niya iyong may mga bagay siyang hindi nalalaman. He wants immediate answers to all his queries but earlier he had waited for nothing. Sumalubong sa kanila ang kanyang yaya. "Pasok kayo," magiliw na bati nun kaagad kina Leigh, "Naihanda ko na ang lahat. Magbihis na muna kayo." "They will stay here for a while. Nasunugan sila," imporma niya sa matanda. Napaawang ang mga labi nito tapos ay tumingin sa mag-ina, "D-Doon na tayo sa kwarto. Huwag na kayong mahiya. Saver, magpahinga ka rin muna ri
Chapter 28 So, that's it. That's the reason why the land couldn't be sold anymore. He heard it. Nakikinig lang siya sa mga sinasabi ni Leigh sa kausap nito sa cellphone. He went to the third floor after taking his shower, to talk to her but here she is, wearing one of his late wife's dresses. Bagay dito ang damit ni Zaira. Fuck. Dapat pala nagpabili na lamang siya ng mga bagong damit, kaltas na lang sa bayad sa lupa. Nagkamali siya ng naging desisyon. He's regretting it because he could see Zaira in Leigh's posture and curves. Kung mayroon man kakaiba sa dalawa, mas payat si Zaira nang kaunti, kaya ang kinalabasan ng damit kay Leigh ay hakab sa katawan nito. Her hips are even wider and she has a small waist. He cleared his throat because she already ended the conversation. Agad itong napalingon sa kanya. "I heard it," inunahan na kaagad niya ito bago pa man ito magsalita. Bumuntong hininga si Leigh at napakibit-balikat, "Ganun na nga, tulad ng narinig mo. Hindi ko na uulitin pa.
PROLOGUE“Time of death, 7:49 PM.”Clive fell down on the floor upon hearing the doctor, declaring the time of death of his beloved wife, Zaira. Her car has been hit by an out of lane truck on her way to the eye bank. Kalalabas pa lamang daw ng asawa niya sa kotse nang araruhin ng sinasabing sasakyan na nawalan di umano ng giya. Pati na ang dalawa nitong bodyguard ay hindi rin nakaligtas.Zaira had been regularly visiting the eye bank. She’s looking for possible eye donors for those people who had lost their eyesight and need Keratoplasty. Napaka-charitable ng asawa niya pero hindi niya maunawaan kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo ay ito pa ang mawawala. Bakit hindi na lamang iba? Iyon ang nasa isip niya.His shoulders shook as his tears fell on his cheeks. Nakatingin siya sa walang buhay na asawa, duguan at halos lasog ang katawan. Nasa ibaba ang tama nito, wala sa ulo at sumasakit ang dibdib niya dahil naaalala niya ang mga huling sinabi nito sa kanya bago mangyari ang akside
Chapter I▪︎Leigh▪︎Leigh is afraid to open her eyes after the pads were removed by her doctor, who conducted the corneal transplant. Hindi biro ang halaga pero talagang inilaan na iyon sa kanya ang ama niya sa bangko bago iyon namatay.Abot langit ang kasiyahan niya, ang pasasalamat na pagkatapos ng maraming taon, sa wakas ay natupad na rin ang pangarap niya na makawala siya sa dilim at makakita muli ng liwanag. Bata pa siya nang mabulag dahil sa isang aksidente. Tinamaan ang mga mata niya ng mga basag na bubog nang sumalpok ang van na sinasakyan nila ng Papa niya. Iyon na rin ang dahilan nang pagkapilay ng ama niya at dalawang taon ang makalipas ay namatay.Pinakinggan niyang mabuti ang mga salita ng duktor, ang mga bawal niyang gawin at mga normal na mararanasan niya ngayon, pagkatapos ng operasyon. Sa kabila ng takot ay dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata. Her eyes are still sensitive to light and Dr. Floyd said it’s normal. Blurry ang paningin niya pero may mga naaaninag na
Chapter 2▪︎Clive▪︎Clive is carefully studying the architectural plan on the monitor. Walang kasindilim ang kanyang kwarto at wala sa kanyang nakakakita, pero ang mga ka-meeting niya ay kitang-kita niya ang mga mukha.His eyes squinted.He likes the plan. Malaking pera ang gagastusin sa planong iyon pero gusto niya ang malawak na catwalk para sa negosyo niya. Iba ang magiging hatak nun at siya ang magkakaroon ng pinakamalaking catwalk sa industriya ng fashion modeling. He’s willing to spend money for the new project and he’s into it.“I like the plan,” Clive said and the presenter abruptly stopped talking.“C-Come again, sir?”“I said, I like it and I want the complete costing for the project. I want to start it as soon as possible.”“Sir, we haven’t discussed yet the establishments built inside the perimeter of the prospected catwalk.”Agad siyang nabwisit, “I don’t care about those establishments. I am willing to spend money for it and buy those properties, whoever the owners are.