Chapter 21 ▪︎Leigh▪︎ Wala siyang sinagot, kanino man sa dalawang lalaki. Hinayaan niya ang mga iyon at nakatulugan na lamang niya ang pag-iisip kung sino ang sasagutin, hanggang sa wala na nga siyang nasagot. Nagtampo na malamang si Clive dahil hindi na siya tinawagan o ipinag-text man lang ng lalaki, mula nang nakaraang gabi. Baka nainis na yun dahil hindi niya pinansin. "Dito ko na sa labas hihintayin si Jillian, Ma," paalam ni Leigh sa ina niyang mag-aasikaso na rin para maglakad na naman. "Oo, sige anak. Gudlak!" She smiled. Lumabas siya ng pintuan at hinila rin iyon papasara. Naglakad siya papalapit sa kalsada pata makita na kaagad siya ni Jillian habang sakay yun ng taxi pero bigla na lamang may humarurot na motorsiklo at may initsa na kung ano. Agad siyang napatili, "Aaaaayyyy!" Napatakip siya ng mukha sa pag-aakalang tatamaan siya ng bagay na initsa ng motorista pero laking panghihilakbot niya nang tingnan ang baga na iyon. Isa iyong patay na pusa, kulay itim. "Ano iy
Chapter 22 ▪︎Leigh▪︎ Naglalakad sila ni Jillian papunta sa napakalaking eroplano para sa unang training nila. Hindi na sila aabutin ng isang linggo dahil gagawin ng whole day, dalawang araw na lang lahat, at kinabukasan ay swimming daw. Sana naman ay naaalala pa niya lahat. She feels so very excited and at the same time a bit agitated. Nilalakasan lamang niyang pilit ang kanyang sarili para magawa niya nang maayos ang lahat. Sa buhay mula at mula pa, natutunan niya na huwag dapat mauunahan ng kaba. Kalma lang p "Kakakaba," nanginginig na sabi ni Jillian sa kanya, magkayakap sila ng braso. "Oo nga. Ito ang pinakamagandang eroplano ng EGA, balita ko," she said, looking up at the airplane. Lalong nadaragdagan ang tuwa ni Leigh habang papalapit sila nang papalapit. That's for real. This is reality. Hindi na lamang iyon isang pangarap. "Ihhhh kakanerbyos," napapadyak siya nang umapak sila sa hagdan. Parehas silang nanginig ni Jillian at tumitili na magkahawak ng dalawang kamay. "'
Chapter 23▪︎Clive▪︎Damn.He can't seem to dislodge that girl's confidence. Leigh is so tough. Parang wala man lang epekto ang mga ginagawa niyang pagpapa-cute at mga paglalandi roon kanina kaya mainit ang ulo niya pero sarili lamang niya ang nakakaaalam.It's lunch break. May ipinahandang pagkain ang Tito HJ niya pero ayaw niyang makikain doon, kasama ang bwisit na si Giovanni, na walang ibang alam gawin kung hindi ang ngumisi. Sana ay matuluyan na iyong nakangisi na lamang parati hanggang sa araw na iburol at ilibing. Daig pa niya ang babaeng nireregla dahil sa init ng ulo niya sa lalaking iyon.Akala ba nun ay magpapatalo siya sa kagwapuhan? The heck, no!Sumakay siya sa sasakyan, lukot ang mukha niya.Nasa itaas pa si Leigh dahil may sinasabi pa si Emerald, habang siya ay bumaba na, sinusundo ni Xavier.Sumakay siya sa limousine."Am I cute?" He asked out of nowhere.Napamaang sa kanya si Xavier."O-Of course, sir.""Then why the fuck she wasn't even affected? I did everything th
Chapter 24 Busy ang manyakis. Nakasilip si Leigh sa makapal na kurtina ng eroplano. Uwian na. Tapos na ang unang araw ng training. Bukas ay huli na, lilipad na sila. Halos hindi siya huminga habang pinagmamasdan ang masarap na likod ni Clive. Kausap nun si Hanzxander. Parehas na bugnutin ang mukha ng dalawa, wala man lang sinabi sa masayahing aura ni HJE. Sila na lamang ang naiiwan dun. "Sa pagbilang ko ng tatlo, sumunod ka sa akin, tatakbo tayo," bulong niya kay Jillian. "Oo," bulong din nito. "Leaving?" Gio asked from behind. Hindi niya pinansin ang lalaki. Naka-focus siya kay Clive. Dapat makatakas siya nang hindi nun namamalayan. "Hatid ko na kayo," anang piloto kaya lumipad ang mga mata niya rito kasama ang ulo niya. Napansin niyang malaking tao rin si Gio at pwede siya ritong tumago habang papalabas ng eroplano. "Bilisan mo lang." "May…tinatakasan ka ba?" He asked, peeking as well. "Basta bilisan mo, Pilot Gio, pleaaase…" pinakurap niya ang mga mata. "Sure," kibit-b
Chapter 25 Clive Mallari: Mate, job done. He smirked. Nakahinga siya nang maluwag habang nakaupo sa sofa, naka de quatro na parang siya lamang ang nagmamay-ari sa mundo. He composed a simple message for his classmate in elementary, Rick Mallari. Isa na iyong pulis sa Makati. Hindi naman niya iyon ka-close noon. Wala siyang ka-close talaga. Wala nga siyang kaibigan noon, sa totoo lamang. Mag-isa siya sa buhay eskwelahan pero iginagalang siya dahil sa yaman nila. Nobody dared touching him. Clive: I'll send my man to your place to give you gratification. Mallari: Hindi na, mate. Anytime. Pasasalamat ko sa scholarship ng Gre.co Empire. Text na lang kung may maitutulong ako. Ri-release ko na rin ito pag nakapagbayad na. Hindi na siya sumagot pa. "Clayb, anak, lalabas muna ako," paalam sa kanya ni Adela nang lumabas iyon sa isang maliit na kwarto. He gave the old woman a nod. "Ipinatatawag ako nun bossing ko. Ewan ki ba naman kung bakit ganitong oras pa pumunta ang kliyente ko. P
PROLOGUE“Time of death, 7:49 PM.”Clive fell down on the floor upon hearing the doctor, declaring the time of death of his beloved wife, Zaira. Her car has been hit by an out of lane truck on her way to the eye bank. Kalalabas pa lamang daw ng asawa niya sa kotse nang araruhin ng sinasabing sasakyan na nawalan di umano ng giya. Pati na ang dalawa nitong bodyguard ay hindi rin nakaligtas.Zaira had been regularly visiting the eye bank. She’s looking for possible eye donors for those people who had lost their eyesight and need Keratoplasty. Napaka-charitable ng asawa niya pero hindi niya maunawaan kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo ay ito pa ang mawawala. Bakit hindi na lamang iba? Iyon ang nasa isip niya.His shoulders shook as his tears fell on his cheeks. Nakatingin siya sa walang buhay na asawa, duguan at halos lasog ang katawan. Nasa ibaba ang tama nito, wala sa ulo at sumasakit ang dibdib niya dahil naaalala niya ang mga huling sinabi nito sa kanya bago mangyari ang akside
Chapter I▪︎Leigh▪︎Leigh is afraid to open her eyes after the pads were removed by her doctor, who conducted the corneal transplant. Hindi biro ang halaga pero talagang inilaan na iyon sa kanya ang ama niya sa bangko bago iyon namatay.Abot langit ang kasiyahan niya, ang pasasalamat na pagkatapos ng maraming taon, sa wakas ay natupad na rin ang pangarap niya na makawala siya sa dilim at makakita muli ng liwanag. Bata pa siya nang mabulag dahil sa isang aksidente. Tinamaan ang mga mata niya ng mga basag na bubog nang sumalpok ang van na sinasakyan nila ng Papa niya. Iyon na rin ang dahilan nang pagkapilay ng ama niya at dalawang taon ang makalipas ay namatay.Pinakinggan niyang mabuti ang mga salita ng duktor, ang mga bawal niyang gawin at mga normal na mararanasan niya ngayon, pagkatapos ng operasyon. Sa kabila ng takot ay dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata. Her eyes are still sensitive to light and Dr. Floyd said it’s normal. Blurry ang paningin niya pero may mga naaaninag na
Chapter 2▪︎Clive▪︎Clive is carefully studying the architectural plan on the monitor. Walang kasindilim ang kanyang kwarto at wala sa kanyang nakakakita, pero ang mga ka-meeting niya ay kitang-kita niya ang mga mukha.His eyes squinted.He likes the plan. Malaking pera ang gagastusin sa planong iyon pero gusto niya ang malawak na catwalk para sa negosyo niya. Iba ang magiging hatak nun at siya ang magkakaroon ng pinakamalaking catwalk sa industriya ng fashion modeling. He’s willing to spend money for the new project and he’s into it.“I like the plan,” Clive said and the presenter abruptly stopped talking.“C-Come again, sir?”“I said, I like it and I want the complete costing for the project. I want to start it as soon as possible.”“Sir, we haven’t discussed yet the establishments built inside the perimeter of the prospected catwalk.”Agad siyang nabwisit, “I don’t care about those establishments. I am willing to spend money for it and buy those properties, whoever the owners are.