Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa. Like niyo po ito kung isa kayo sa nagbabasa ng story ni Draco at Laura. Salamat.
IPINARADA ni Laura ang minamanehong wrangler jeep nang makarating siya sa bahay ng isa sa mga trabahador ng Hacienda na si Kuya Ador na nag-imbita sa kanya sa kaarawan ng asawa nito. Mag-isa lang siyang nagpunta dahil hindi naman siya sigurado kung pupunta din ba si Draco kahit na sinabi nitong pupunta ito ng imbitahan din ito ng tabahador nila sa Hacienda. Naisip niyang baka sinabi lang nito na pupunta ito para hindi ipahiya si Kuya Ador. At kahit naman na pupunta ito ay hindi pa din siya sasabay dito. Dahil ayaw pa din niyang mapag-solo silang dalawa. Pagbaba ni Laura sa sasakyan ay sumalubong sa kanya ang ingay ng tugtugin. Kinuha nga din ni Laura ang regalo niya sa asawa ni Kuya Ador sa backseat ng sasakyan. Pagkatapos niyon ay humakbang na siya palapit sa kawayan na gate ng mga ito. "Senyorita!" Halos sabay-sabay na bati ng ilang mga trabahador na naroon nang makita siya. Napatigil din ang mga ito sa ginagawa. Nagtulong-tulong kasi ang mga ito sa pag-aayos sa mesa na gag
TUMAAS din ang kamay ni Laura nang pumalakpak ang mga trabahador na kasama nila sa mesa nang matapos kumanta si Kuya Ador sa video-ok. Nakangiti siya habang pumapalakpak din. Nagkayayaan kasi ang mga ito na magkantahan pagkatapos nilang mag-boodle fight. Niyaya din sila ng mga ito na magkasiyahan kaya nanatili pa sila doon ni Draco. Tahimik lang naman ito sa isang tabi habang umiinom sa hawak nitong baso. Mayamaya ay napansin ni Laura ang pagsulyap sa kanya ni Kuya Ador. Mabilis naman siyang umiling nang mapansin niya ang ngiti na sumilay sa labi nito nang magtama ang mga mata nila. Alam na kasi niya ang naglalaro sa isip nito. At mukhang tama siya sa naisip dahil mayamaya ay bumuka ang labi nito para magsalita. "Senyorita Laura, baka naman mapagbigyan mo kami. Isang kanta naman diyan. Na-miss na namin ang boses niyo," mayamaya ay wika ni Kuya Ador sa kanya. At dahil nakatutok ang mic dito ng magsalita ito ay narinig iyon ng lahat. Mula nga sa gilid ng kanyang mga mata ay nap
"SENYORITO Draco, lasing na po yata kayo." Napatingin si Laura sa dereksiyon ni Draco nang marinig niya ang sinabing iyon ni Kuya Ador. Kumunot naman ang noo niya nang makita ang pamumula ng pisngi nito, hindi na kasi ang alak na dala nito ang iniinom nito ng sandaling iyon. Kundi ang lambanog na inilabas ni Kuya Ador kanina, hindi daw kasi sanay na uminom ang mga ito sa mamahaling alak. Mas prefer pa daw na inumin ng mga ito ang lambanog. Nagbiro pa nga sina Kuya Ador na baka masanay ang dila ng mga ito sa mamahaling alak at baka iyon na daw ang hanap-hanapin ng mga ito. At mukhang na-curious din ang lalaki dahil nakisali din ito sa pag-inom ng lambanog. At mukhang hindi naman ito sanay na uminom no'n dahil hindi pa nito nauubos ang pangalawang baso nito ay tinamaan na ito. "I'm okay," sagot nito, pero sa tingin niya ay hindi ito okay dahil iba na ang pagsasalita nito. Nakita naman niya ang pagkamot ng ulo ni Kuya Ador. At gusto din yatang pigilan ni Kuya Ador si Draco ng inisan
"FUCK!" Mura ni Draco nang magising siya kinabukasan na parang may pumipitik sa sentido niya. Nakapikit pa din ang mga mata ng tumaas ang isang kamay para hawakan ang sentido at masahiin iyon. Ilang sandali siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya. Pero mayamaya ay natigilan siya ng mapatuon ang tingin niya sa ibabaw ng bedside table. Mula doon kasi ay may nakita siyang nakapatong na isang basong tubig at isang gamot para sa hangover. Nakita din niyang may nakadikit na post it note sa baso. Kinuha naman niya iyon para basahin. Drink this. Hindi naman kailangan ni Draco na malaman kung sino ang nagsulat niyon at kung sino ang naglagay niyon doon. Alam niya galing iyon kay Laura. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit bibigyan siya nito ng gamot para sa hangover. Bakit may malasakit pa ito sa kanya sa kabila ng pakikitungo niya dito? Nakalimutan ba nito ang plano niya? Na wala ba sa isip nito na naroon si
HINDI napigilan ni Laura ang pamulahan ng mukha ng marinig niya ang bulong ni Draco sa kanya. Why did he have to bring that up again? Nanatili namang nakababa ang tingin niya. Ayaw niyang mag-angat ng tingin dahil ayaw niyang makita nito ang pamumula ng magkabilang pisngi niya sa sandaling iyon. Pero mukhang wala siyang maitatago kay Draco dahil hinawakan nito ang baba niya at inangat ang mukha para magpantay ang pangin nila. At nang magtama ang paningin nila ay kitang-kita niya ang naka-angat na dulo ng labi nito tanda ng pag-ngisi nang masiguro nito ang pamumula ng magkabilang pisngi niya. Is he also amused by her embarrassment? "I am asking you, did you sleep well or not?" tanong nito sa kanya sa baritonong boses ng hindi pa niya ito sinasagot. Bumuka-sara ang bibig niya. Hindi kasi niya alam kung ano ang sasabihin sa lalaki. Alangan naman kasi na sagutin niya ito na hindi siya nakatulog ng maayos dahil naramdaman pagkabitin dahil tinulugan siya nito kagabi? Siyempre ay hindi
"WHERE'S the document I am asking you?" Salubong ang mga kilay ni Draco ng tanungin niya ang secretary niya ng tawagan niya ito. Pinadalhan niya ito ng text message kanina na i-send nito sa kanya sa email ang dokumentong kailangan. Pero dalawang oras na ang nakalipas ay wala pa din siyang natatanggap na email galing dito. "Sir? W-what document?" tanong nito sa kanya, ramdam niya sa boses nito ang panginginig. "Did you read my message to you?" Hindi agad ito nakasagot. At base sa pananahimik nito ay alam niyang hindi nito nabasa ang message niya. "Did you ignore my text message to you?" he asked seriously. "I'm sorry, Sir. H-hindi ko po agad napansin ang message ni-- "Next time, check your phone time to time," putol niya sa ibang sasabihin nito. "I want you to send the document to me as soon as possible," malamig ang boses na wika niya. "Sige-- Hindi na niya hinintay na sumagot ito dahil ibinaba na niya ang tawag. Humakbang siya palapit sa study table at umupo siya sa swi
"MISS Laura?" Napatigil sina Laura at Aine sa pagku-kwentuhan ng may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. Sabay nga din silang nag-angat ng tingin patungo sa dereksiyon ng pinto patungo sa kusina. At agad niyang nakita si Jake--ang bisita ni Draco. She couldn't really believe that the man she had saved from drowning before was actually Draco's cousin. Nagbakasyon kasi silang dalawa ni Margarette sa Palawan noong nakaraang taon. Nagsu-surfing siya nang makita niya ang isang lalaki na nalulunod. Nang makita niya ang lalaki ay walang pagdadalawang isip na lumangoy siya patungo sa dereksiyon nito para tulungan. She also performed CPR to help him regain his breathing. Swerte ng lalaki ng araw na iyon dahil niyaya niyang mag-surfing noon si Margarette. Wala kasing katao-tao no'ng araw na iyon sa dagat dahil maaga pa. Dahil kung hindi niya ito nakita ay siguradong wala na ito ngayon, siguradong nilalamayan na ito ng pamilya nito. Sayang pa naman ang lahi ng lalaki dahil hind
"ANG presko pala dito." Nilingon ni Laura si Jake nang marinig niya ang komento nito ng lapitan siya ng nagpapahangin siya sa may garden. Gusto nga ni Laura na iwasan ito dahil iyon ang bilin sa kanya ni Draco ng kausapin siya nito kanina. Pero anong magagawa niya kung ang lalaki mismo ang lumalapit sa kanya. Hindi naman kasi niya ito pwedeng itaboy. Nakita nga din niya ang ngiti sa labi nito ng sandaling iyon. At habang nakatingin siya dito ay hindi niya napigilan na pagkomparahin ang dalawang magpinsan. Yes. They both handsome. Magkasingtangkad din yata ang mga ito. Ang pinagkaibahan lang ng dalawa ay si Jake ay palangiti, laging maaliwalas ang mukha nito. Samatalang si Draco naman ay parang pinaglihi ng sama ng loob. Laging seryoso ang ekspresyon ng mukha at lagi na lang salubong ang mga kilay nito. Siguro ng nagpasabog ang Diyos ng sama ng loob, nasa labas si Draco at nasalo nito ang lahat ng iyon. At sa isiping iyon ay hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang l
"THANK you so much, Laura," pasasalamat ni Jake kay Laura nang maihatid niya ito sa kwarto na tinutuluyan nito. Humugot naman si Laura ng malalim na buntong-hininga. "I'm sorry, Jake. Nang dahil sa akin ay nag-aaway tuloy kayo ni Draco," paghingi niya ng paunmanhin sa lalaki. "Hindi mo kailangan mag-sorry, Laura. Dapat nga kaming dalawa ng pinsan ko ang humihingi ng sorry sa 'yo dahil sa ginawa namin kanina. Para kaming bata na nag-aaway," paliwanag nito sa kanya. "Huwag na sanang ma-ulit ito, Jake," wika naman ni Laura sa lalaki. "We'll try," tanging sagot nito. "What?" tanong niya, medyo napalakas nga din ang boses niya. Natatawang itinaas naman nito ang dalawang kamay sa ere na para bang sumusuko. "I was kidding, Laura," sagot nito sa natatawang boses. Iiling naman si Laura. "Please, hanggang maaari ay pigilin niyo ang mag-away na dalawa. Mag-pinsan kayo, dapat hindi kayo nagpipisikalan." Hindi naman nagsalita si Jake. Sa halip ay tinitigan lang siya nito. At medyo na-consc
LAURA woke up with soreness all over her body, especially in her feminine areas. But the pain was bearable, and she was relieved to find she could move and walk. At alam ni Laura ang dahilan kung bakit nananakit ang katawan niya. Dahil iyon sa intense fucking nilang dalawa ni Draco. He was insatiable again last night. Mukhang hinintay lang ni Draco na matapos ang menstrual period niya bago siya nito inangkin. Ipinilig na lang naman ni Laura ang ulo para maalis iyon sa isip niya. Tuluyan na din niyang iminulat ang mga mata, napatingin naman siya sa kanyang tabi at nakita niyang wala na doon si Draco. Mukhang nagising na ito ng maaga. But she could still smell his scent lingering on her skin. At mabuti na din iyon dahil ayaw pa niya itong makita pagkatapos ng nangyari sa kanilang dalawa kagabi. Naalala pa din kasi niya ang bawat ungol niya habang inaangkin siya nito, kung paano siya magmakaawa dito para angkinin siya nito. At sa isipin na namang iyon ay namula ang magkabilang p
NAGMULAT ng mga mata si Draco nang maramdaman may sumiksik sa kanya. At hindi niya napigilan ang pagsasalubong ng mga kilay nang pagmulat ng mga mata ay ang natutulog na mukha ni Laura ang nabungaran niya. And right now, he can smell her natural scent lingering on his nose. He also feels his own smooth and warm body. They were still completely naked under the sheets.Hindi nga alam ni Draco kung anong oras silang nakatulog na dalawa dahil sa ginawa nila. But he was sure they'd last until dawn. Yet, he couldn't understand himself - he just couldn't get enough of her. Ilang beses na nga niya itong inangkin kagabi pero pakiramdam niya ay kulang pa din. Humugot na lang si Draco ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay tumaas ang isang kamay niya para tanggalin ang kamay nitong nakayakap sa kanya nang mapatigil siya nang muli nitong isiniksik ang sarili sa kanya. Napaawang naman ang labi niya nang dumikit ang malulusog nitong dibdib sa kanya. Her hardened nipples pressed again
"FUCK! Fuck!" Sunod-sunod na mura ni Draco habang inaangkin siya nito mula sa likod. Sobrang diin at lakas ng pag-ulos nito mula sa likod niya. Dahil pansin niya ang pag-bounce ng mga dibdib niya. At kung hindi lang nakatukod ang mga kamay sa pader at kung hindi lang nakawak si Draco sa baywang niya at baka napasubsob na siya sa matigas na pader dahil sa lakas at diin ng pag-ulos. He pounded into her, his thrusts fierce and relentless. Mukhang gigil na gigil sa kanya. Well, sa tuwing inaangkin naman siya nito ay pansin lagi niya ang gigil nito. Iyon bang tipong galing ito ng kweba ng maraming taon at ngayon lang nakatikim ng babae. Draco was wild in bed, she admitted. But she also admitted that she liked how wild he was. "Fuck, Laura. You're fucking tight!" he growled as he continued thrusting his cock deep inside her. Nang sandaling iyon ay halos mapaos na siya sa kakaungol dahil wala siyang ibang ginawa kundi umungol, i-ungol ang pangalan nito dahil sa sarap na pinapalasa
NAGULAT si Laura nang maramdaman niya ang pagbukas ng pinto sa loob ng banyo kung nasaan siya ng sandaling iyon. At nang tumingin siya sa kanyang likod ay ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita si Draco. Completely naked. At pigil niya ang sarili na huwag bumaba ang tingin sa pagkalalaki nito ng sandaling iyon. Gusto nga din niyang takpan ang sariling kahubadan. But what's the use? He's already seen her naked body anyway. "A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa lalaki. Gusto nga niyang pagalitan ang sarili dahil sa pagkautal ng boses niya. "I want to take a shower," sagot nito sa baritonong boses. "H-hindi pa ako tapos." "I know," sagot nito. At akmang bubuka ang bibig ni Laura para magsalita nang mapatigil siya ng humakbang si Draco palapit sa kanya ng hindi inaalis ang titig sa kanya. She can see the lust and hunger in his eyes right at that moment as he approaches her. Napaatras naman si Laura habang palapit si Draco sa kanya hanggang sa tumama n
"KAMUSTA ang pakiramdam mo, Laura?" tanong ni Manang Andi nang makita siya nito na pumasok sa loob ng kusina. "Okay naman na ako, Manang Andi," sagot naman niya dito ng sulyapan niya ito. "Mabuti naman kung ganoon," wika nito. "Nag-alala kami para sa 'yong bata ka. May dinadamdam ka na pala ay hindi mo sinasabi sa 'min," dagdag pa na wika nito. "Mabuti na lang at nakita ka ni Senyorito Draco sa may guestroom." Hindi na naman napigilan ni Laura ang pagbilis ng tibok ng puso nang marinig niya ang pangalan na binanggit ni Manang Andi. "P-paano po pala nalaman ni Draco na naroon ako sa guestroom, Manang?" tanong niya. Isa din sa naging palaisipan kay Laura ay kung paano nalaman ni Draco na nasa guestroom siya ng mga araw na iyon. Wala kasi siyang pinagsabihan. Kahit kina Manang Andi ay hindi niya sinabi na naroon lang siya sa guestroom. Lalong hindi niya sinabi kay Draco ang kinaroroonan niya. At imposible din na nakita siya nito na pumasok sa loob ng guestroom ng araw na iyon.
NAGMULAT ng mga mata si Laura. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nang makita niya si Draco sa tabi niya. Nakapikit ang mga mata nito at base sa mabining paghinga nito ay mukhang ang himbing ng tulog nito. And why is he doing there? Bakit katabi niya ito sa kama? Pilit namang inaalala ni Laura kung paano niya katabi si Draco mula sa kama. Ang huling natatandaan niya ay noong dumating ang doctor na ipinatawag ni Draco. At first in denial pa siya kung bakit nagpatawag ito ng doctor pero noong dumating ang doctor at nang in-instruct si Draco na i-check siya ay doon na niya tinanggap ni Laura ang katotohanan na para sa kanya ang doctor na ipinatawag nito. At habang chene-check siya ng doctor ay hindi umalis si Draco sa kwarto, mukhang wala itong balak na umalis habang tinitingnan siya ng doctor. Naroon pa nga din ito habang kinakausap siya ng doctor, mukhang nakikinig din. At nang umalis ang doctor ay do'n lang ding lumabas ng kwarto si Draco, mukhang kinausap ang doctor
MULING napangiwi si Laura nang biglang sumirit na naman ang panibagong sakit sa puson niya. Nakapikit pa nga din ang mga mata ng binaluktot niya ang katawan para kahit papaano ay mabawasan ang pananakit ng puson. Laura was having a dysmenorrhea. Matagal na din simula noong maramadam muli niya iyon. Siguro dahil sa stress na nararamdaman nitong nakaraang araw kaya na-trigger muli ang dysmerorrhea niya. Nagising siya kaninang umaga with the feeling of discomfort, pinagsawalang kibo lang niya iyon. Pero habang lumilipas ang oras ay mas lalong kumikirot ang puson niya. Kaya tumalilis siya at sa halip na sa kwarto kung saan gusto ni Draco siya tumuloy ay sa isang guestroom siya nagpunta. Ayaw niyang sa kwarto dahil baka hindi pa siya makapagpahinga kung makikita niya si Draco. Naisip niyang magpahinga baka kapag ginawa niya iyon ay um-okay na ang pakiramdam niya. Pero hindi naman siya masyado nakakapagpahinga dahil kapag nakukuha niya ang tulog ay agad din siyang nagigising dahil sa p
HINDI maipinta ang ekspresyon ng mukha ni Draco nang bumaba siya ng wrangler jeep. Naisipan niyang lumbas ng mansion para maglibot-libot sa Hacienda. At gusto din niyang magpahangin. At mukhang napasobra ang pagpapahangin niya dahil inabot siya ng buong maghapon doon. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya ng humakbang siya papasok ng mansion. May napansin siyang kasambahay na papasalubong sa kanya pero nang mapansin siya nito ay agad itong nag-iba ng dereksiyon. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Draco nang mapansin niya iyon. He knew people around the mansion were scared of him. Hindi naman niya masisisi ang mga ito, hindi maganda ang unang impression ng mga ito sa kanya. Ilang beses nga din niyang narinig na pinagko-kompara siya ng mga ito sa pinsan niyang si Jake. Well, magkaiba talaga sila ng ugali ni Jake. Hindi siya gaya nito na mahilig makipag-socialize o makapagkaibigan sa iba. He wasn't the type to form friendships easily, haunted by his parents' be