Bitin ba, Laura? Haha. Happy reading! Maraming salamat po sa nagbigay ng gems. 😘 Sana dumami pa haha
"FUCK!" Mura ni Draco nang magising siya kinabukasan na parang may pumipitik sa sentido niya. Nakapikit pa din ang mga mata ng tumaas ang isang kamay para hawakan ang sentido at masahiin iyon. Ilang sandali siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya. Pero mayamaya ay natigilan siya ng mapatuon ang tingin niya sa ibabaw ng bedside table. Mula doon kasi ay may nakita siyang nakapatong na isang basong tubig at isang gamot para sa hangover. Nakita din niyang may nakadikit na post it note sa baso. Kinuha naman niya iyon para basahin. Drink this. Hindi naman kailangan ni Draco na malaman kung sino ang nagsulat niyon at kung sino ang naglagay niyon doon. Alam niya galing iyon kay Laura. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit bibigyan siya nito ng gamot para sa hangover. Bakit may malasakit pa ito sa kanya sa kabila ng pakikitungo niya dito? Nakalimutan ba nito ang plano niya? Na wala ba sa isip nito na naroon si
HINDI napigilan ni Laura ang pamulahan ng mukha ng marinig niya ang bulong ni Draco sa kanya. Why did he have to bring that up again? Nanatili namang nakababa ang tingin niya. Ayaw niyang mag-angat ng tingin dahil ayaw niyang makita nito ang pamumula ng magkabilang pisngi niya sa sandaling iyon. Pero mukhang wala siyang maitatago kay Draco dahil hinawakan nito ang baba niya at inangat ang mukha para magpantay ang pangin nila. At nang magtama ang paningin nila ay kitang-kita niya ang naka-angat na dulo ng labi nito tanda ng pag-ngisi nang masiguro nito ang pamumula ng magkabilang pisngi niya. Is he also amused by her embarrassment? "I am asking you, did you sleep well or not?" tanong nito sa kanya sa baritonong boses ng hindi pa niya ito sinasagot. Bumuka-sara ang bibig niya. Hindi kasi niya alam kung ano ang sasabihin sa lalaki. Alangan naman kasi na sagutin niya ito na hindi siya nakatulog ng maayos dahil naramdaman pagkabitin dahil tinulugan siya nito kagabi? Siyempre ay hindi
"WHERE'S the document I am asking you?" Salubong ang mga kilay ni Draco ng tanungin niya ang secretary niya ng tawagan niya ito. Pinadalhan niya ito ng text message kanina na i-send nito sa kanya sa email ang dokumentong kailangan. Pero dalawang oras na ang nakalipas ay wala pa din siyang natatanggap na email galing dito. "Sir? W-what document?" tanong nito sa kanya, ramdam niya sa boses nito ang panginginig. "Did you read my message to you?" Hindi agad ito nakasagot. At base sa pananahimik nito ay alam niyang hindi nito nabasa ang message niya. "Did you ignore my text message to you?" he asked seriously. "I'm sorry, Sir. H-hindi ko po agad napansin ang message ni-- "Next time, check your phone time to time," putol niya sa ibang sasabihin nito. "I want you to send the document to me as soon as possible," malamig ang boses na wika niya. "Sige-- Hindi na niya hinintay na sumagot ito dahil ibinaba na niya ang tawag. Humakbang siya palapit sa study table at umupo siya sa swi
"MISS Laura?" Napatigil sina Laura at Aine sa pagku-kwentuhan ng may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. Sabay nga din silang nag-angat ng tingin patungo sa dereksiyon ng pinto patungo sa kusina. At agad niyang nakita si Jake--ang bisita ni Draco. She couldn't really believe that the man she had saved from drowning before was actually Draco's cousin. Nagbakasyon kasi silang dalawa ni Margarette sa Palawan noong nakaraang taon. Nagsu-surfing siya nang makita niya ang isang lalaki na nalulunod. Nang makita niya ang lalaki ay walang pagdadalawang isip na lumangoy siya patungo sa dereksiyon nito para tulungan. She also performed CPR to help him regain his breathing. Swerte ng lalaki ng araw na iyon dahil niyaya niyang mag-surfing noon si Margarette. Wala kasing katao-tao no'ng araw na iyon sa dagat dahil maaga pa. Dahil kung hindi niya ito nakita ay siguradong wala na ito ngayon, siguradong nilalamayan na ito ng pamilya nito. Sayang pa naman ang lahi ng lalaki dahil hind
"ANG presko pala dito." Nilingon ni Laura si Jake nang marinig niya ang komento nito ng lapitan siya ng nagpapahangin siya sa may garden. Gusto nga ni Laura na iwasan ito dahil iyon ang bilin sa kanya ni Draco ng kausapin siya nito kanina. Pero anong magagawa niya kung ang lalaki mismo ang lumalapit sa kanya. Hindi naman kasi niya ito pwedeng itaboy. Nakita nga din niya ang ngiti sa labi nito ng sandaling iyon. At habang nakatingin siya dito ay hindi niya napigilan na pagkomparahin ang dalawang magpinsan. Yes. They both handsome. Magkasingtangkad din yata ang mga ito. Ang pinagkaibahan lang ng dalawa ay si Jake ay palangiti, laging maaliwalas ang mukha nito. Samatalang si Draco naman ay parang pinaglihi ng sama ng loob. Laging seryoso ang ekspresyon ng mukha at lagi na lang salubong ang mga kilay nito. Siguro ng nagpasabog ang Diyos ng sama ng loob, nasa labas si Draco at nasalo nito ang lahat ng iyon. At sa isiping iyon ay hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang l
"N-NO." Iyon ang sagot ni Laura sa gustong mangyari ni Draco sa kanya. He indeed gave her a choice, but the option she needed to choose would still benefit him. Alinman sa dalawa ang piliin niya ay pareho lang din ang mangyayari. Mahuhubad pa din ang suot niya. Humakbang pa si Draco palapit sa kanya. She could feel the warmth of his body as their bodies touched. "Your answer isn't among the choices, Laura," wika sa kanya ni Draco sa buong-buong boses. "Now, I'll ask you again." Gustong mapapikit ni Draco ng tumama ang mainit nitong hininga sa mukha niya ng magsalita ito. Pero pinigilan niya ang sarili. "Strip or I will strip you naked. I give you five seconds to choose. If you don't answer, I'll decide for you." Bumuka-sara ang bibig niya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Draco. "One." Nag-umpisa na itong magbilang. "Two." Pero gayunman ay wala pa ding lumalabas na sagot sa labi niya. "Three, four." Sunod-sunod ang paglunok niya habang sinasalubong niya ang bigat ng tit
ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Laura nang makapasok siya sa loob ng banyo gaya ng inutos ni Draco sa kanya. Sobrang bilis nga din ng tibok ng puso niya ng sandaling iyon. At nang mapatingin siya sa salamin na naroon ay kitang-kita niya ang pamumula ng magkabilang pisngi niya. Damn. Hindi siya makapaniwala na hinayaan niya si Draco na ipagpatuloy nito ang ginagawa sa katawan niya, knowing that someone was outside the room, with only a door separating her from the person outside, while Draco was being intimate with her." Paano kung narinig ni Jake ang ungol niya mula sa labas? Anong iisipin nito sa nangyayari sa kanila ni Draco sa loob? Mas lalo namang namula ang magkabilang pisngi niya sa isipin iyon. Pero mayamaya ay ipinilig niya ang ulo para maalis iyon sa isip niya. At dahil naroon naman siya sa loob ng banyo ay naisipan na din si Laura na maligo. She was dripping with arousal, feeling her own climax building up inside her. Akmang lalapit siya sa shower
"GOOD morning, Miss Laura." Nag-angat ng tingin si Laura ng marinig niya ang pagbati na iyon ni Jake. Nakita naman niya itong pumasok sa loob ng kusina kung nasaan siya ng sandaling iyon. "Good morning-- Hindi na natapos ni Laura ang pagbati niya nang makita kung sino ang sumunod na pumasok din sa loob ng kusina. It was Draco. At kabaliktaran ni Jake ang ekspresyon ng mukha nito. While Jake was smiling, Draco had a stern expression on his face. "How's your sleep, Miss Laura?" nakangiting tanong ni Jake habang ang mata ay nakatuon sa kanya. Bago pa siya makasagot ay narinig niya ang mahinang hagikhikan nina Aine, mukhang kinikilig na naman ang mga ito kay Jake. Iiling na lang na nangingiti si Laura nang mapansin niya reaksiyon ng mga ito para kay Jake. Pero nawala ang ngiti niya nang makita ang mas lalong sumeryoso ang ekspresyon ng mukha ni Draco ng mahagip niya ito ng tingin, nakita nga din niya ang halos pag-iisang linya ng mga kilay nito habang nakatingin ito kina Aine,
"MAGANDANG umaga po, Senyorito Draco." Humigpit ang pagkakahwak ni Laura sa hawak na plato ng marinig niya ang pagbating iyon nina Aine sa lalaki. At mula sa gilid ng mata niya ay nakita niya ang bulto ni Draco na pumasok sa loob ng kinaroroonan nila. Sa halip naman na lingunin ito para batiin din ay hindi ginawa ni Laura. Sa halip ay pinagpatuloy niya ang ginagawa, nagpatuloy siya sa paglalagay ng pinggannat kubyertos sa mesa.Mula nga ulit sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagsulyap ni Draco, ramdam ulit niya ang bigat ng titig na pinagkakaloob nito sa kanya pero hindi niya ito pinansin, hindi man nga lang niya ito tiningnan. Hindi pa kasi niya nakakalimutan ang ginawa nito kahapon noong nasa sapa silang dalawa. Ang pagku-kunwari ni Draco na nalunod para sagipin niya ito. Nagkunwari lang pala ito para ipakita sa kanya kung gaano siya ka-uto. Pero hindi nito naisip na hindi biro ang ginawa nito sa kanya? Hindi nito naisip na hindi nakakatuwa ang pagpangap na nalunod
Laura was still annoyed at Draco's insistence on continuing their picnic, even though she no longer wanted to because she was irritated with him. At dahil naiinis siya kay Draco ay ipinaramdam talaga niya na hindi siya natutuwa dito. Habang patungo nga silang dalawa sa may sapa ay hindi niya ito kinibo. At mukhang pareho sila ng nararamdaman dahil hindi din ito nagsasalita habang nasa biyahe silang dalawa. Wala nga silang kibuan hanggang sa makarating sila kung saan sila magpi-picnic. Pagkahinto nga ni Draco sa minamaneho nitong sasakyan ay agad siyang bumaba doon. Mula sa gilid nga ng mata niya ay nakita niya ang pagsulyap nito sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Hanggang sa napansin niyang bumaba na din ito mula sa sasakyan. "Can you just-- Hindi na natapos ni Draco ang ibang sasabihin ng tumunog ang ringtone ng cellphone nito. Saglit naman siya nitong tinitigan hanggang sa kinuha nito ang cellphone sa bulsa ng suot nitong pantalon. Napansin nga ni Laura ang pagkunot ng
KINUHA ni Laura ang tote bag at inilagay niya doon ang ilang gamit na dadalhin niya sa pagpi-picnic nila sa sapa. Sa ilalim din ng suot niyang maluwag na puting t-shirt ay nakapaloob na doon ang one piece suit niya. Tatanggalin na lang niya ang t-shirt kapag maliligo na siya. Nagyaya kasi si Jake na mag-picnic sila sa sapa noong nakaraang araw. Hindi natuloy ang pamamasyal nila sa buong Hacienda kaya gusto na nitong matuloy iyon. But this time ay gusto nitong mag-picnic sila sa sapa. Pinagbigyan niya ito dahil nakakahiya naman itong tanggihan dahil bisita ito. Nasabihan nga din niya sina Manang Andi tungkol doon para makapaghanda ang mga ito sa dadalhin nila. At nang matapos si Laura ay humakbang na siya palabas ng kwarto. Dumiretso siya sa kusina para tanungin sina Manang Andi kung okay na ba ang lahat. "Manang Andi, okay na po ba ang lahat?" tanong ni Laura kay Manang Andi nang makita niya ito sa kusina. "Okay na lahat, Laura. Nasa sasakyan na ang lahat ng kailangan," sagot n
MABILIS na tinakpan ni Laura ang bibig ng bumahing siya habang pauwi na sila sa mansion. "Are you okay, Miss Laura?" Napatingin siya sa rearview mirror para sulyapan si Jake nang marinig niya ang tanong nitong iyon. "Okay lang-- Hindi na niya muli natapos ang iba pang sasabihin ng muli siyang napabahing. "S-sorry," mayamaya ay sambit niya. "You don't have to apologize, Miss Laura," sagot naman ni Jake sa kanya. Matipid na ngiti lang naman ang isinagot niya dito. Niyakap naman ni Laura ang sarili nang makaramdam siya ng bahagyang lamig, hindi nakatulong ang polo na isinuot sa kanya ni Draco kanina para hindi siya ginawin ng sandaling iyon, lalo na at humahampas ang malamig ng simoy ng hangin sa kanya, kahit na mainit ang panahon ay malamig pa din ang simoy ng hangin siguro dahil sa naglalakihan na puno na dinadaanan nila ng sandaling iyon. Hindi na nila natapos ang paglilibot nila sa Hacienda nang magyaya nang umalis si Draco, na senegundahan din ni Jake dahil nga sa nangyari sa
LAURA wasn't comfortable right now; she could feel the dampness on her panties. And she's uncomfortable of the sticky feeling down there. Sa sandaling iyon ay gusto na niyang umuwi sa mansion, maligo para makapagpalit ng panty! Ito kasing si Draco! Kahit saang lugar na lang. Mabuti na nga lang at hindi sila napansin ni Jake na may ginagawa itong milagro sa loob ng isang sasakyan. Dahil kung oo, hihilingin talaga niya na sana ay kainin na lang siya ng lupa dahil wala siyang mukhang maihaharap dito. This isn't the first time; it's the second incident. The first one happened when they were in the room, and Jake was just outside the door. At nang maalala na naman iyon ni Laura ay hindi niya napigilan ang pamulahan ng magkabilang pisngi. Muli siyang humarap sa labas ng bintana para itago ang pamumula ng pisngi niya. Baka kasi mapansin iyon ni Draco na nasa tabi niya. "Wait, wait. What was that?" mayamaya ay narinig niyang tanong ni Jake. Nang sulyapan niya ito mula sa rearview mirro
PAGLABAS ni Laura sa mansion ay nakita na niya si Jake na naghihintay sa kanya. Nakasuot na ito ng komportableng damit. At mukhang pinaghandaan nito ang pamamasyal nila sa Hacienda dahil may suot pa itong sombrero. Humakbang naman si Laura para lapitan si Jake. At mukhang naramdaman nito ang presensiya niya dahil tumingin ito sa dereksiyon niya. At nang magtama ang mga mata nila ay awtomatiko na sumilay ang ngiti sa labi nito. "Hi," bati nito sa kanya ng tuluyan siyang nakalapit. "Hello," bati din ni Laura sa lalaki. "Alis na tayo?" mayamaya ay tanong niya. "If you're ready, let's go," sagot naman nito sa kanya. "I'm ready," sagot naman niya. "Okay. Let's go," yakag na nito. "Iyong wrangler jeep ko na lang ang sakyan natin sa paglilibot sa Hacienda, Jake," wika naman niya dito. "Sure," sagot naman nito sa kanya. Humakbang naman siya palapit sa wrangler jeep niya. Iginila naman niya ang tingin sa paligid para hanapin si Kuya Oscar para kunin ang susi ng wrangler jeep
PAGOD si Laura nang matapos siya sa pinapagawa ni Draco sa kanya. Pinalinis kasi nito ang buong kwarto. Pati na din ang loob ng banyo. Buong sulok ng banyo ay pinalinis nito sa kanya. At kapag hindi ito satisfied sa linis niya ay pinapaulit nito sa kanya ang mga iyon. Hindi nga niya mabilang kung ilang beses na pinaulit ni Draco ang paglilinis niya. Marami kasi itong arte sa katawan, malinis naman na pero sinasabi nitong hindi pa. Lagi itong may negative comment. May bionic eye ba ito? May nakikita itong dumi kahit na hindi niya nakikita? Pero alam naman ni Laura na sinasadya lang iyon ni Draco para pahirapan siya. Eh, iyon yata ang number one rule nito sa buhay. Seeing her in pain. Oh, hindi kaya ay ayaw lang siya nitong paalisin ng mansion para hindi niya masamahan si Jake. Baka isipin nitong lalandiin niya ang pinsan nito. Nagpakawala si Laura ng malalim na buntong-hininga at ibinagsak niya ang sarili paupo sa sofa na naroon sa loob ng kwarto. Ipinikit nga din niya ang mga m
"PINSAN po ba talaga ni Senyorito Draco si Sir Jake, Senyorita Laura?" tanong ni Aine sa kanya pagkatapos ng trabaho nila sa kusina. Sinulyapan naman niya ito para sagutin ang tanong nito. "Oo, mag-pinsan ang dalawa," sagot naman niya dito. Iyon kasi ang nalaman niya mula kay Jake noong ipakilala nito ang sarili kung ano ang koneksiyon nito kay Draco. "Pareho po silang gwapo pero hindi po sila magkapareho ng ugali. Ang sama ng ugali ni Senyorito Draco pero napakabait po ni Sir Jake," dagdag pa na wika nito sa kanya, napansin nga din niya ang ngiti sa ekspresyon ng mukha nito. Hindi naman na kailangan sumagot ni Laura para kompirmahin ang sinabi ni Aine dahil alam niyang napapansin din ng mga ito ang pagkakaiba ng ugali ng dalawa kahit na sa maikling panahon lang. Ibang-iba talaga kasi ang ugali ng magpinsan. "At saka narinig po namin ang pinag-uusapan niyo kanina, Senyorita. Iyong tungkol sa paghahanap ng babae sa lalaking marunong magluto," mayamaya ay wika pa ni Aine sa kan
"GOOD morning, Miss Laura." Nag-angat ng tingin si Laura ng marinig niya ang pagbati na iyon ni Jake. Nakita naman niya itong pumasok sa loob ng kusina kung nasaan siya ng sandaling iyon. "Good morning-- Hindi na natapos ni Laura ang pagbati niya nang makita kung sino ang sumunod na pumasok din sa loob ng kusina. It was Draco. At kabaliktaran ni Jake ang ekspresyon ng mukha nito. While Jake was smiling, Draco had a stern expression on his face. "How's your sleep, Miss Laura?" nakangiting tanong ni Jake habang ang mata ay nakatuon sa kanya. Bago pa siya makasagot ay narinig niya ang mahinang hagikhikan nina Aine, mukhang kinikilig na naman ang mga ito kay Jake. Iiling na lang na nangingiti si Laura nang mapansin niya reaksiyon ng mga ito para kay Jake. Pero nawala ang ngiti niya nang makita ang mas lalong sumeryoso ang ekspresyon ng mukha ni Draco ng mahagip niya ito ng tingin, nakita nga din niya ang halos pag-iisang linya ng mga kilay nito habang nakatingin ito kina Aine,