(Continuation...) Ilang Melyntor days na ang nakalilipas magmula nang gawing bihag ng grupo ni Siviro ang hari at reyna ng Truth Kingdom. Bilang pagtutuwid kay Siviro at sa kanyang grupo ay sila ang naatasang maging tagahuli ng Qanna pigs at Qanna goats para sa lahat ng mga matatandang Adona na wala nang kakayahang manghuli ng pagkain. Pinagbawalan na ang grupo ni Siviro na lumabas ng Edoma Forest at magpunta sa kahit saang lugar na may mga nakatirang Mortano at Mortana. Ang grupo naman ni Sharina ang inatasan ni Datu Nebunizar na magmamanman sa mga kuta ng mga vampires sa paligid ng kontinente nang Melyn. Nang mabalitaan ng kanilang werewolf clan na mas lalong lumakas ang pwersa ng mga vampires sa mga bansa sa Melyn ay maraming werewolf clans ang nabahala. Kaya naman kinailangan ang grupo ni Sharina na magmanman sa mga ikikilos ng mga vampires na kilala nila. Kasalukuyang gumagawa ng plano si Datu Nebunizar kung papaano ma
Hindi na nga nakatanggi pa si Deborah sa pangungulit sa kaniya ni Yusef at pumayag siya sa pakikipagkaibigan nito sa kaniya. Bagamat balak talaga sana niyang manghuli ng Qanna pig at Qanna goat upang kainin ay nagpunta na lamang siya sa templo kasama nito. Upang walang masyadong makakilala kay Yusef ay nagsuot ito ng vendor clothes. "Kailangan mo po ba talagang magbalat-kayo?" paniniguro niya. Nakangiting tumango ito, "Oo, hindi ba at sinabi ko sa iyo na gusto ko na lang na maging pangkaraniwang nilalang na lang at maging kaibigan mo? Kaya ito, nagsuot ako ng pangkaraniwang kasuotan." "Pero Prins--" "Yusef na lang. Hindi nga muna ako prinsipe ngayon, hindi ba?" Napilitan siyang tumango kahit hindi naman talaga siya sang-ayon sa pagbabalat-kayo nito, "Sige, Yu-yusef. Kahit ba sa templo ay sasamahan mo ako?" "Oo, bakit ba? Akala mo siguro ay hindi ako marunong makipag-usap kay Lord Father Adonai, ano!" "Hindi na
****** Matamlay na bumalik ng palasyo si Deborah. Tipid lamang ang pagbating ibinabahagi niya sa mga kapwa tagapaglingkod. Nagtataka man ang mga kasamahan ay hindi na siya inusisa pa ng mga ito. Nang makapasok siya sa kaniyang silid ay agad na napahiga siya sa kaniyang higaan at bumuntong-hininga, "Ano ba ang nangyari sa iyo kanina, Deborah?" Paulit-ulit na tinatanong niya ang sarili kung bakit sa tagal ng panahong iniiwasan niya si Yusef ay bigla na lamang sa isang Melyntor day ay marami siyang naisiwalat dito. "Katapusan mo na talaga, Deborah! Asahan mo nang may pupuntang royal police sa palasyo para hulihin kayo ni Arahab..." "Ano ba'ng binubulong-bulong mo d'yan, Deborah? Nababaliw ka na ba?" bulyaw sa kaniya ni Arahab nang maabutan siya nito na kinakausap ang sarili. Umupo ito sa kaniyang higaan at pinagtaasan siya ng kilay. Siya naman ay inirapan ito at tumalikod, "Hindi ka ba marunong kumatok?" "Bakit naman a
. "Isang masiglang Melyntor day mga ginoo at mga binibini! Alam ko na karamihan sa inyo ay marami na ang nalalaman tungkol sa metal alchemy," pagsisimula ni Master Alchemist Jung. "Ngunit mayroon din naman sa inyo ang nagsisimula pa lamang pag-aralan ito." Nagtinginan ang mga mag-aaral kina Davideh, Kaleb, at Cloudio. "Nagsisimula pa nga lang pero kung makaasta ay parang ang dami nang nalalaman." Pabulong ngunit nagpaparinig sa pagtukoy ni Dayie kina Davideh. Hindi na lamang pinansin ni Davideh at ng kaniyang mga kapatid ang tila pagtukoy sa kanila ni Dayie. "Ano ba'ng problema niya sa atin, Eldest Brother?" pasimpleng tanong ni Kaleb. "Hayaan mo na, Mishael, pagtiisan na lamang natin," mahina ang tinig na tugon ni Davideh patungkol kay Dayie. Sila ay nagtipon-tipon sa isang lugar kung saan walang masyadong nilalang na nagpupunta. Kaya ligtas kung sakaling magpamalas ang mga mag-aaral ng matututunan nila sa itinuturo ni Master
Habang nangangaso si Haring Nimrod sa isang Grey forest sa kanang bahagi ng Light Kingdom ay batid niya ang mga nagliliparang Qanna reyvens sa himpapawid. "Masamang pangitain ito..." mahinang sambit niya dahilan upang magtinginan sa kaniyang direksyon ang mga anak na sina Prinsipe Mahalaleel, Prinsipe Jared, at Prinsipe Irad. Lumapit naman sa kaniya ang pinuno ng mga hukbo ng royal guards na nagbabantay sa kaniya na si Ahamay upang alamin kung ano ang kaniyang nakita, "Anong pangitain po ang inyong nakita, mahal na Hari?" Nagtinginan sa isa't isa sina Prinsipe Mahalaleel, Prinsipe Jared, at Prinsipe Irad. "May mga umaaligid na Qanna reyvens sa paligid, nangangahulugan ito na papalapit na ang aking pagpanaw--" "Huwag mo sanang bigkasin ang mga katagang iyan, ama kong hari!" Nababagabag na pigil ni Prinsipe Mahalaleel sa sinasabi niya. Nilapitan niya ito at tinapik sa balikat, "Ang bawat nilalang ay nakatakdang pumanaw at pagkatapos nito ay a
Ipinatawag ni Datu Nebunizar ang lahat ng mga adult at ang kani-kanilang mga grupo. Dahil sa nagbabadyang pananakop ng isang vampire clan sa buong kontinente ng Qanna ay kailangang magkaroon ng pagkakaisa ang mga grupo. Maagang nagpunta ang grupo ni Ram Luiz. Sa lahat ng mga grupo sa Edoma Forest ay sila ang natatangi sapagkat sila ay mga kalahating Adono at kalahating Mortano. Batid ng mga miyembro ng grupo ni Ram Luiz na kung hindi lamang siya apo ng kanilang datu ay baka pinagtulungan na ang kanilang grupo. "Tingnan mo nga naman at nandirito pala itong si Adult Siviro!" pang-asar na pagbati ni Benedict, ang lider ng grupo na may pinakamaraming miyembro sa lahat. Siya ay maangas at talaga namang mapang-asar. Noon pa man ay lagi na nitong pinupuna si Siviro tuwing nagkakamali o napaparusahan ni Datu Nebunizar. Tinitigan lamang ni Siviro si Benedict. Si Loisa naman ay inawat si Kyle na akma sanang susugurin si Siviro. "Siyempre, mah
****** Nang matapos ang pagpupulong ng lahat ng grupong mandirigma ng werewolf clan ay agad na umalis si Datu Nebunizar. Labis ang pagtataka nina Hanri at Severus dahil hindi man lamang kinausap ng datu ang kahit na sino kina Ram Luiz at Siviro. "Saan pupunta iyon si Datu Nebunizar?" napapangangang pang-uusisa ni Hanri. "Baka makikipagpulong din siya sa ibang mga opisyales o sa babaylan." Hula naman ni Severus. "Ano ba? Bakit ba haharang-harang ka d'yan?" Bulyaw ni Deryk na ikinabigla ni Hanri. "Ang lawak ng daan, Adult Deryk! Ba't dito ka pa dumaan?" pagtataka ni Hanri. "At sasagot ka pa, Mortano? Isa kang pangahas!" Naiiritang sigaw ni Deryk. Lumapit si Ram Luiz at hinarangan si Hanri upang harapin si Deryk, "Huwag mong masasaktan ang sino man sa grupo ko, Deryk!" "Hindi ko naman sinaktan, ah! Haharang-harang kasi sa dinadaanan namin ng grupo ko." "Talaga lang, huh? Ang lawak ng lugar na ito, eh. Bakit ba ang gru
****** Labis na nababagabag si Ram Luiz sapagkat nakikita niya na walang pagkakaisa sila ng mga kapwa niya adults. Kung manggulo man muli sina Benedict at Deryk ay kaya naman niyang ipagtanggol ang kaniyang grupo maging ang kapatid niyang si Siviro. Ngunit nababahala siya na baka maging dahilan iyon ng mahinang dipensa ng kanilang werewolf clan laban sa mga vampires. Upang ipahayag kay Datu Nebunizar ang saloobin ay nagtungo siya Wuluf Cave. "Hindi kaya tayo makakaabala sa mahal na datu, Leader?" Nag-aalangang tanong ni Severus. "Bakit naman tayo makakaabala, e, importante naman ang ating sadya?" Tugon naman ni Hanri. Nang makarating ng Wuluf Cave ay agad silang hinarang ng isa sa dalawang tagapagbantay, "Hindi pa po maaaring pumasok." "Bakit? Abala ba siya sa pagplaplano para sa isang pulong?" Tanong niya. "Hindi po, Adult Ram Luiz. Kasalukuyang kausap ng mahal na datu ang babaylan at ang eldest witch mula sa Gypto."