author-banner
CRISTINA JERMELINE
CRISTINA JERMELINE
Author

CRISTINA JERMELINE의 작품

The Chosen Wife

The Chosen Wife

Si Deborah, ang isang batang witch na itinalagang maging pinuno ng kanilang witch clan sa takdang panahon ay anak ng isang prophet na si Hoziah Mosen. Nang mawala ang kanyang ama ay nalaman ni Deborah na sinasamba nito si Lord Father Adonai, ang diyos na galit sa witchcraft at dark magic. Tulad ng kanyang ama ay sinamba din ni Deborah ang diyos na si Lord Father Adonai at tuluyan nang tinalikuran ang pagiging witch. Lingid sa kaalaman ni Deborah ay siya pala ang nakatakdang witch na ipapakasal sa prinsipe ng mga werewolves na si Ramluiz. Tuluyan na nga kayang talikuran ni Deborah ang witchcraft o yayakapin na lamang niya ang kanyang kapalarang maging asawa ng prinsipi ng mga werewolves?
읽기
Chapter: Chapter Fifty-one: Saan Nagpunta si Hannah?
Matapos ang pag-uusap ay umalis na sa tanggapan ni Prinsipe Reuel Eriam ang pamangking si Cloudio.Nang mapag-isa ay napailing na lamang siya dahil sa mga tanong ng pamangkin."Tulad ka talaga ng iyong amang si Hoziah, Azariah. Ganiyang-ganiyan magsaliksik ang youngest brother ko bago nito lubusang naunawaan ang pagiging isang country prophet. Hindi magtatagal ay mapagtatanto mo rin kung saan ka nga tinawag ni Lord Father Adonai." Bulong ni Prinsipe Reuel Eriam.Batid niyang nasa puso rin ni Cloudio ang pagiging Levitan."Youngest brother, naaalala kita sa anak mong si Azariah. Nag-aalab din sa kaniyang puso ang paghahanap ng kasagutan sa mga katanungang ikinubli sa matagal na panahon ng mga Levitano." Aniya habang inaalala ang bunsong kapatid na si Hoziah Mosen.Habang patuloy pa rin ang normal na pamumuhay ng mga Levitano at Levitana sa iba't ibang lupain ay hindi pa rin natapos ang kalbaryo ni Nahor at ng kaniyang mag-anak sa Gitu.Tulad ng mga ordinaryong Melyntor day ay hindi na
최신 업데이트: 2025-03-28
Chapter: Chapter Fifty: Kwadradong Palamuti
Isang evening hour ay nagpunta si Cloudio sa tanggapan ni Prinsipe Reuel Eriam. Magmula nang bumalik sila ng Gypto ay hindi pa rin niya lubusang mapaniwalaang ang pag-aaral lamang ng metal alchemy ang dahilan ng pagpunta nila ng Gitu.Pakiramdam niya kasi ay may iba pang dahilan kaya sinugo sila roon ng kaniyang tiyuhin."Maaari na po kayong pumasok sa tanggapan ng mahal na prinsipe, Metal Alchemist Cloudio." Pagbibigay-hudyat ng eunuch sa kaniya.Tumango naman siya at ngumiti. "Salamat Eunuch Rinwee."Sa pagpasok niya ng tanggapan ay kaniyang napuna ang bahagyang pagbabago ng ayos ng kagamitan sa loob niyon.Ihinilig niya ang paningin sa isang kwadradong palamuti na may napakaganda at misteryosong disenyo.Humakbang siya papalapit doon upang pagmasdang maigi.Hugis ng isang Qanna wolf at Mortana ang disenyong nakaukit sa kwadradong palamuti."Ano ang iyong sadya, aking pamangkin?"Nang marinig ang tinig ni Prinsipe Reuel Eriam ay nilingon niya ito.Siya ay nagbigay-pugay. "Pagbati po
최신 업데이트: 2025-03-25
Chapter: Chapter Forty-nine: Pagkilala
Maagang nagising si Davideh at ang mga kapatid niyang sina Kaleb at Cloudio.May mahalagang pagdiriwang na idaraos sa harapan ng palasyo ni Haring Amram Balaam para sa pagbibigay parangal sa kanilang tatlo."Kinakabahan ako, eldest brother. Ito ang unang pagkakataong haharap tayong tatlo sa mga mamamayan ng Gypto upang kilalanin." Hindi mapakaling bulalas ni Cloudio habang inaayos ang buhok nito."Hindi ka pa nasanay, youngest brother. Hindi ba at kamailan lamang ay humarap na tayo sa kanila nang matapos natin ang ating pagsasanay sa sorcery?" pagpapaalala naman ni Kaleb na halatang nasisikipan sa kasuotan nito."Ayos ka lamang ba, younger brother? Bakit tila hindi ka komportable sa iyong suot?" tanong ni Davideh kay Kaleb."Parang ang sikip lamang kasi nito. Noong unang sinukat ko ang kasuotang ito ay kasyang-kasya naman sa akin." Pilit na inaayos ni Kaleb ang pang-itaas na kasuotan.Lumapit dito si Davideh upang siyasatin. "Mali naman kasi ang pagkakasuot mo, younger brother. Balikt
최신 업데이트: 2025-03-08
Chapter: Chapter Forty-eight: Hagikgik
"May nasabi ka ba o nagawang dahilan upang magkaganoon siya?" Usisa ni Prinsesa Nini na si Deborah ang tinutukoy."Sinabi ko lang naman na natutuwa akong makita ang kaniyang mga mata at nalulungkot ako sa tuwing hindi ko nakikita ang mga iyon." Nag-aalangang panimula nito.Bagamat naaaliw sa nakatutuwang pagpapahayag ng hari ay hindi iyon ipinakita ni Prinsesa Nini. Masaya siya sa siglang mababanaag sa mga mata nito. "Marahil ay hindi niya nagustuhan ang aking pagngiti at pagkakatitig sa kaniya."Hindi na niya napigilan ang mapahagikgik nang marahan."Bakit, Prinsesa?" pagtataka ni Prinsipe Yusef nang mapunang tinatakpan niya ng isang kamay ang kaniyang paghagikgik. "May nakakatawa ba sa aking inasal?"Tumigil siya sa paghagikgik at ngumiti sa hari. "Ikaw nga ay totoong napaibig na ni Deborah. Kapag sa harapan ng mga mamamayan ay seryoso ka at walang kinatatakutan. Ngunit ikaw ay napapangiti at napapatulala kapag siya na ang iyong kaharap."Batid niyang namula ang mukha nito."Ano ba
최신 업데이트: 2025-03-06
Chapter: Chapter Forty-seven: Pagtataka
Masayang naglakad sina Deborah at Haring Yusef mula sa Jealous River. Matapos ang naging pag-uusap nila sa naturang ilog ay mas naging tapat sila sa isa't isa.Nakangiting tinititigan ni Haring Yusef si Deborah habang nagsasalita ito."Alam mo ba, mahal na Hari, hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na makikita ko ang papa ko." Pagkukuwento ni Deborah habang buhat-buhat pa rin ang mga nilabhan.Kahit inalok siya ni Haring Yusef na ito na ang magbibitbit ng mga iyon ay tumanggi siya. Iniiwasan niyang magkaroon ng anumang isipin ang sino mang makakikita sa kanila at isiping pinagbubuhat niya ang hari ng labahin. Isa iyong kalapastanganan.Natigil siya sa pagsasalita nang mabatid ang hari na nakangiting nakatitig sa kaniya.Napayuko siya at tinakpan ng kaliwang kamay ang bibig. "Bakit ka nakangiti riyan, mahal na Hari?""Wala naman," nakatingin pa rin sa kaniyang tugon nito. "Natutuwa lamang akong pagmasdan ang iyong mga mata, Deborah."Ramdam niyang nag-init ang kaniyang magkabilang pisn
최신 업데이트: 2025-02-17
Chapter: Chapter 46:
Bali-balita na nga sa buong Melyntor ang tungkol sa paghahanap ni Reyna Purisima ng mapapangasawa ni Haring Yusef. Maging sa palasyo ni Prinsesa Nini ay laman ng usapan ng mga tagapaglingkod ang tungkol sa napipintong paghahanap ng mapapangasawa ng bagong hari ng Light Kingdom. Si Deborah naman ay tahimik lamang na lumabas ng palasyo dala ang mga lalabahang palace curtains upang magtungo sa Jealous River. “Si Deborah ba ang lumabas na iyon?” hindi paniniguro ng isang tagapaglingkod. “Maaaring siya nga sapagkat nakita kong dala niya ang mga lalabahang palace curtain.” Hindi siguradong tugon naman ng isa pa sa mga tagapaglingkod. Walang kaalam-alam ang mga tagapaglingkod sa palasyo na hindi nagugustuhan ni Deborah ang mga usap-usapan nila. “Bakit ba hindi na sila nagsawang pag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa ng bagong hari?” umiirap na pagmamaktol niya. Bagamat napakabigat ng mga dalahin niya ay hindi niya iyon alintana. Kas
최신 업데이트: 2024-11-27
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status