. "Isang masiglang Melyntor day mga ginoo at mga binibini! Alam ko na karamihan sa inyo ay marami na ang nalalaman tungkol sa metal alchemy," pagsisimula ni Master Alchemist Jung. "Ngunit mayroon din naman sa inyo ang nagsisimula pa lamang pag-aralan ito." Nagtinginan ang mga mag-aaral kina Davideh, Kaleb, at Cloudio. "Nagsisimula pa nga lang pero kung makaasta ay parang ang dami nang nalalaman." Pabulong ngunit nagpaparinig sa pagtukoy ni Dayie kina Davideh. Hindi na lamang pinansin ni Davideh at ng kaniyang mga kapatid ang tila pagtukoy sa kanila ni Dayie. "Ano ba'ng problema niya sa atin, Eldest Brother?" pasimpleng tanong ni Kaleb. "Hayaan mo na, Mishael, pagtiisan na lamang natin," mahina ang tinig na tugon ni Davideh patungkol kay Dayie. Sila ay nagtipon-tipon sa isang lugar kung saan walang masyadong nilalang na nagpupunta. Kaya ligtas kung sakaling magpamalas ang mga mag-aaral ng matututunan nila sa itinuturo ni Master
Habang nangangaso si Haring Nimrod sa isang Grey forest sa kanang bahagi ng Light Kingdom ay batid niya ang mga nagliliparang Qanna reyvens sa himpapawid. "Masamang pangitain ito..." mahinang sambit niya dahilan upang magtinginan sa kaniyang direksyon ang mga anak na sina Prinsipe Mahalaleel, Prinsipe Jared, at Prinsipe Irad. Lumapit naman sa kaniya ang pinuno ng mga hukbo ng royal guards na nagbabantay sa kaniya na si Ahamay upang alamin kung ano ang kaniyang nakita, "Anong pangitain po ang inyong nakita, mahal na Hari?" Nagtinginan sa isa't isa sina Prinsipe Mahalaleel, Prinsipe Jared, at Prinsipe Irad. "May mga umaaligid na Qanna reyvens sa paligid, nangangahulugan ito na papalapit na ang aking pagpanaw--" "Huwag mo sanang bigkasin ang mga katagang iyan, ama kong hari!" Nababagabag na pigil ni Prinsipe Mahalaleel sa sinasabi niya. Nilapitan niya ito at tinapik sa balikat, "Ang bawat nilalang ay nakatakdang pumanaw at pagkatapos nito ay a
Ipinatawag ni Datu Nebunizar ang lahat ng mga adult at ang kani-kanilang mga grupo. Dahil sa nagbabadyang pananakop ng isang vampire clan sa buong kontinente ng Qanna ay kailangang magkaroon ng pagkakaisa ang mga grupo. Maagang nagpunta ang grupo ni Ram Luiz. Sa lahat ng mga grupo sa Edoma Forest ay sila ang natatangi sapagkat sila ay mga kalahating Adono at kalahating Mortano. Batid ng mga miyembro ng grupo ni Ram Luiz na kung hindi lamang siya apo ng kanilang datu ay baka pinagtulungan na ang kanilang grupo. "Tingnan mo nga naman at nandirito pala itong si Adult Siviro!" pang-asar na pagbati ni Benedict, ang lider ng grupo na may pinakamaraming miyembro sa lahat. Siya ay maangas at talaga namang mapang-asar. Noon pa man ay lagi na nitong pinupuna si Siviro tuwing nagkakamali o napaparusahan ni Datu Nebunizar. Tinitigan lamang ni Siviro si Benedict. Si Loisa naman ay inawat si Kyle na akma sanang susugurin si Siviro. "Siyempre, mah
****** Nang matapos ang pagpupulong ng lahat ng grupong mandirigma ng werewolf clan ay agad na umalis si Datu Nebunizar. Labis ang pagtataka nina Hanri at Severus dahil hindi man lamang kinausap ng datu ang kahit na sino kina Ram Luiz at Siviro. "Saan pupunta iyon si Datu Nebunizar?" napapangangang pang-uusisa ni Hanri. "Baka makikipagpulong din siya sa ibang mga opisyales o sa babaylan." Hula naman ni Severus. "Ano ba? Bakit ba haharang-harang ka d'yan?" Bulyaw ni Deryk na ikinabigla ni Hanri. "Ang lawak ng daan, Adult Deryk! Ba't dito ka pa dumaan?" pagtataka ni Hanri. "At sasagot ka pa, Mortano? Isa kang pangahas!" Naiiritang sigaw ni Deryk. Lumapit si Ram Luiz at hinarangan si Hanri upang harapin si Deryk, "Huwag mong masasaktan ang sino man sa grupo ko, Deryk!" "Hindi ko naman sinaktan, ah! Haharang-harang kasi sa dinadaanan namin ng grupo ko." "Talaga lang, huh? Ang lawak ng lugar na ito, eh. Bakit ba ang gru
****** Labis na nababagabag si Ram Luiz sapagkat nakikita niya na walang pagkakaisa sila ng mga kapwa niya adults. Kung manggulo man muli sina Benedict at Deryk ay kaya naman niyang ipagtanggol ang kaniyang grupo maging ang kapatid niyang si Siviro. Ngunit nababahala siya na baka maging dahilan iyon ng mahinang dipensa ng kanilang werewolf clan laban sa mga vampires. Upang ipahayag kay Datu Nebunizar ang saloobin ay nagtungo siya Wuluf Cave. "Hindi kaya tayo makakaabala sa mahal na datu, Leader?" Nag-aalangang tanong ni Severus. "Bakit naman tayo makakaabala, e, importante naman ang ating sadya?" Tugon naman ni Hanri. Nang makarating ng Wuluf Cave ay agad silang hinarang ng isa sa dalawang tagapagbantay, "Hindi pa po maaaring pumasok." "Bakit? Abala ba siya sa pagplaplano para sa isang pulong?" Tanong niya. "Hindi po, Adult Ram Luiz. Kasalukuyang kausap ng mahal na datu ang babaylan at ang eldest witch mula sa Gypto."
. Hinihingal na tumatakbong palayo si Purisima habang hinahabol ng isang Adonang werewolf. Wala siyang makitang mahihingan ng tulong kaya kahit pagod na pagod na at masasakit na rin ang kaniyang mga paa, pilit pa rin siya sa pagtakas. "Saklolo, Lord Father Adonai!" Sigaw niya. "Akala mo ba ay maililigtas ka ng kinikilala mong diyos? Katapusan mo na, Mortana!" Sigaw ng Adona. Napapahagulgol na lamang siya habang tumatakbo. Nababalot siya ng takot at kawalang pag-asa ngunit patuloy pa rin siya sa pananawagan sa kaniyang panginoon. "Lord Father Adonai, ikaw na lumikha ng Melyntor! Ang diyos na makapangyarihan. Iligtas mo sana ako sa bingid ng kamatayan!" Napahalakhak ang werewolf habang naglalakad papunta sa kaniya. "Ahhh!!!" Sigaw niya nang matalisod at masadsad ang katawan sa lupa. "Naniniwala ka na ba, Mortana?" Nakangising tanong nito. Siya naman ay patuloy pa rin sa paghingi ng tulong, "Aking diyos na Lord Father A
Abala si Hannah habang naghahanap ng mga Melyn stones para gawing instrumento sa gagawin nina Davideh, Kaleb, at Cloudio nang maalala niya ang inang si Linosa na nangangailan na talagang ipatingin sa Fukused. Sa Fukused matatagpuan ang mga dekalibreng pagamutan at mahuhusay na mind doctors. Kahit kaninong mind doctor sila lumapit sa buong Gitu ay iminumungkahi talaga na sa Fukused ipatingin ang mama niya. "Nagsimula lang naman ang lahat dahil sa kawalan ng hustisya sa nangyari kay Mama. Kung makakaganti ba siya sa nangyari sa kaniya ay gagaling na kaya siya?" Sa labis na pag-iisip ay hindi namalayan ni Hannah na nahawakan niya ang batong crisante. "Aray! Bakit ang init?" Nabitawan ni Hannah ang batong crisante at gumulong-gulong iyon. Sinikap niyang kunin iyon at pinulot. Nang makatayo siya ay laking gulat niya nang mapunang nag-iba ang paligid at dumami ang mga Mortano at Mortana na kaniyang nakikita. "Teka, nasaan ako? Ba't nag-iba
Humihingal na tumakbo papasok ng kanilang fortune teller cabin si Hannah. Sa labas pa lamang ay dinig na niya ang pagsigaw ng mama niya. "Hanapin ninyo ang bunso ko! Hanapin niyo siya!" "Mama, pauwi na po iyon si Hannah. Baka nawili na naman siya sa pagsipat ng mga bagong kagamitan sa pamilihan!" "Hulda, pakiusap, hanapin mo ang bunso mong kapatid, baka nagpunta na iyon sa templo at makita ni High Priest Ellai..." "Mama!" Nagtinginan sa kaniya ang dalawa niyang kapatid at ang papa niya. Agad siyang lumapit kay Linosa at niyakap ito, "Huwag ka nang mag-alala, Mama. Nandito na po ako." Unti-unting kumalma ang mama niya, "Sa'n ka ba nagpuntang musmos ka? Alalang-alala ako sa iyo." "Paumanhin po, Mama. Nawili lamang ako sa mga mamahaling muwebles na aking nasilayan sa isang tindahan." "Hannah naman, kanina pa iyak ng iyak si Mama sa pag-aalala dahil sa iyo." "Paumanhin, Eldest Sister." "Kumain ka na ba, Youngest