Lumipas ang tatlong Melyntor years, imbes magsanay upang maging isang ganap na Eldest Witch ay ginugol ni Deborah ang panahon sa pagtugis sa ninja na palaging nagmamanman sa kanilang witch cabin.
"Kailangan ko na siyang mahuli bago pa niya masaktan ang aming pamilya..." sabi niya habang binabaybay ang mga lugar na maaaring puntahan ng ninja.
Hindi na naman siya pumasok para lamang magmanman sa mga witch cabin ng kanyang mga kamag-anak. Nababahala siya na baka manganib din ang buhay ng mga witches na miyembro ng kanilang witch clan.
Nagsisimula na ang klase nang maaalala ni Jethro Aron ang pamangkin niyang si Deborah. Mag-aaral niya kasi ito at wala na naman sa klase kaya hinanap niya ito sa kanyang mga mag-aaral.
"Nasaan na naman ba si Deborah?!" mainit ang ulong tanong niya, "baka inaakala niyang dahil siya ang may hawak ng Eldest Witch Position ay hindi ko na siya ibabagsak sa klase ko!"
"Ipagpaumanhin po ninyo Master Sorcerer ngunit marahil ay hinahanap na naman niya yung..." sabi naman ni Elj na hindi naituloy ang sasabihin.
"Yung ano?" nag-uusisang tanong dito ni Jethro Aron.
Bagamat anak niya si Elj ay hindi niya ito pinahihintulutang tawagin siyang papa.
Ayaw niyang isipin ng ibang mag-aaral na pinaiiral niya ang pagiging ama dito kaya nakakakuha ito ng matataas na marka sa klase niya.
"Yung...isang uri ng Gypto flower na maaaring panlunas po sa kanyang karamdaman...." pagsasalo naman ni Jonaner sa naputol na pahayag ni Elj. Inilapit ni Jethro Aron ang tainga kay Jonaner upang mas lalo itong maunawaan.
"Karamdaman?" tanong niya, "Anong karamdaman?"
"Nakararamdam po siya ng kakaibang kaba at labis-labis na takot kahit wala namang dahilan..." dugtong naman ni Elj.
Inilapit ni Jethro Aron ang mukha sa tainga ng anak at bumulong, "Sabihan niyo ang iyong pinsan na 'pag nahanap na niya ang lunas ay pumasok na agad siya sa klase ko...maliwanag?"
Tumango na lamang si Elj bilang tugon.
"Sandali! Tumigil ka!" mabilis ang pagtakbong sigaw ni Deborah.
Muli na namang nagpakita sa kanya ang ninja at gagawin niya ang lahat upang mahuli na niya ito.
"Humanda kang ninja ka..." nangingiti niyang tugon habang inilalabas ang kanyang mga shuriken at inihagis ang mga iyon sa direksyon ng ninja.
Mabilis namang nailagan iyon ng ninja kaya nagpakawala pa si Deborah ng mga shuriken upang matamaan ang ninja ngunit bigla na naman itong nawala.
"Nakakaasar!!!" pikon na sigaw ni Deborah, "Masyado talagang matinik ang ninja na iyon...."
Binabaybay naman nina Elj at Jonaner ang pasilyo patungo sa Academy Library nang mabangga si Elj ni Jairo.
"Ano ba Jairo! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" bulyaw ni Elj.
"Haharang-harang ka kasi diyan!" mayabang na tugon naman ni Jairo.
Nagtaka sina Elj at Jonaner dahil pawisan ito na tila galing sa kung saan.
"Ba't tila pagod na pagod ka 'ata Jairo" puna ni Elj sa half brother niya.
"Kung pagod man ako o ano, wala ka nang pakielam doon ang pagiging magaling na witch ang atupagin mo..." sagot naman ni Jairo na ikinainis niya.
Sa loob ng tatlong Melyntor years ay naging kakaiba ang kilos ni Jairo. Madalas itong huling dumating tuwing may mga pagtitipon ang kanilang Sorcerers Clan. Kung minsan naman ay tila galing ito sa labanan at pagod na pagod.
"Ano na naman kaya ang pinapagawa dito ni Papa?" bulong ni Elj sa sarili.
Nang dahil sa mga kakaibang ikinikilos ni Jairo ay mas lalong natutuksong usisain ito ni Elj.
Kilala niya niya ang half brother niya. Ginagawa nito ang kahit anong iutos dito ng papa nila na si Master Sorceror Jethro. Kung ano man ang pinapagawa kay Jairo ng papa nila ay alam niyang may kinalaman iyon sa balak ng papa nila na maagaw sa pinsan niyang si Deborah ang Eldest Witch Position. "Kung ano man ang pinagkakaabalahan ngayon ni Jairo ay alam kong kailangang malaman iyon ni Deborah."
Abala sa paghahanap ng Gypto Flowers si Deborah para sa gagawing unti-spell potion ng mama nila.
Sina Hananiah at Mishael naman talaga ang nauutusan ng mama nila sa paghahanap ng mga Gypto flowers ng mama nila ngunit dahil napakadelikado para sa kanila na akyatin ang isang wild forest ay si Deborah na ang kumuha noon para sa kanila.
Nang may maramdamang kaluskos sa paligid ay naging alerto na naman siya upang alamin kung ano iyon. Walang sinoman ang nakatira sa wild forest kung saan siya ay nangunguha ng mga Gypto flowers para sa gagawing unti-spell potion ng mama niya.
"Kung ano ka man, mahuhuli din kita..." bulong niya sa sarili habang kunwari ay patay-malisyang nagpapatuloy lamang sa pamimitas.
Ramdam niyang papalapit na papalapit na ang sanhi ng kaluskos.
"Sa nakikita ko ay isa kang witch na nag-aanyong Gypto rabbit..." nakangiti niyang sabi malapit sa Gypto rabbit na sanhi ng kaluskos. At ang Gypto rabbit ay nagpalit ng anyo.
"Sinasabi ko na nga ba at ikaw iyan..." natutuwang bungad ni Deborah sabay yakap sa pinsan na si Elj.
"Muntikan pa akong habulin ng mga gray wolves kakahanap sa iyo dito sa wild forest..." tatawa-tawang sabi ni Elj habang nakayakap sa kanya.
"Sino ako na isang hamak na Mortana para lamang ilagay mo sa panganib ang iyong buhay?" nangangambang tanong ni Deborah sa kanyang pinsan.
Ngumiti lamang si Elj, "Ikaw kaya ang pinakamakapangyarihang witch sa henerasyon natin..."
Nawala ang ngiti sa mukha niya at tumalikod kay Elj. Si Elj naman ay sinundan siya at nagtungo sa kanyang harapan.
"Bakit? May masama ba sa sinabi ko Deborah?" Yumuko muna si Deborah bago nagsalita, "Isa akong mahina at pabayang Mortana...ni hindi ko nga maprotektahan ang ating Witch Clan.
"Anong mahina at pabaya? Hindi ba't tatlong Melyntor years mo nang hinahanap ang misteryosong ninja na maaaring nagbabanta sa buhay natin?" tanong ni Elj.
Tumango lamang siya at muling yumuko. "At kung hindi mo maprotektahan ang ating Witch Clan, di ba iniligtas mo nga ang mga kapatid mo noong na-trap sila sa Zombies' Border?" pagpapaalala pa nito.
Napangiti si Deborah dahil sa ginagawang pagpapalakas ng loob niya ng pinsan niyang si Elj.
"Sino ba ako na masama at di karapatdapat para lamang mabiyayaan ng napakabait na pinsan na tulad mo?"
"Ikaw lang naman ang napakatapang na witch at pinakapaborito kong pinsan sa lahat."
"Natutuwa akong nagkausap tayo ngayon" tuwang sambit niya.
"Ngunit Deborah, kaya kita hinahanap ay dahil may nais akong ipaalam sayo..." pag-iiba ni Elj sa usapan.
"Ano nga ba iyon, mahal kong pinsan?"
Huminga muna ng malalim si Elj bago nagsalita. "Sa loob ng tatlong Melyntor years ay napapansin kong may kahinahinala na namang ginagawa ang half brother ko..." panimula ni Elj na ikinakaba niya.
"Anong kahinahinala?" "Kilala ko si Jairo, lahat gagawin niya para lamang matuwa sa kanya ang papa namin..." saad pa nito.
"Tatlong Melyntor years? Ganoon katagal ko na ding sinusubaybayan ang ninja na madalas kong makitang nagmamanman sa aming witch cabin..."
"At sa mga panahon na iyon ay madalas na nahuhuli si Jairo sa pagtitipon ng kanilang Sorcerer's Clan..."
Sa sinabing iyon ni Elj ay bumalik sa alaala ni Deborah ang mga pagkakataong nagpapahabol lamang sa kanya ang ninja na tila nagmamanman sa kanilang pamilya.
"Bukod sa pagiging huli, ano pang naobserbahan mo kay Jairo?"
"Tuwing dumarating siya sa Academy ay hinihingal siya at tila pagod na pagod, para bang galing sa pagtakbo o di kaya ay sa pakikipagtunggali."
Doon ay mas naging malinaw na kay Deborah ang lahat.
Maaaring ang ninja na tila nagmamanman sa kanyang pamilya at ang kanyang pinsang si Jairo ay iisa. "Kung si Jairo nga ang ninja na iyon, ano naman ba ang pakay niya at ano kaya ang kinalaman dito ni Master Sorcerer Jethro?"
Dahil tatlong Melyntor years nang hindi dumadalo si Deborah sa Academy ay nabahala na ang mga masters and mistresses sa Gypto Academy.
Tungkulin nilang ihubog ang mga kabataang may Eldest Position na katulad ni Deborah na maging magagaling na Witches, Sorcerers, Magicians, at Wizards. Ngunit kahit ibigay nila ang lahat ng kanilang makakaya sa pagtuturo ay balewala iyon kung hindi magpupursigi ang isang mag-aaral.
Kaya naman ay idinulog nila ito sa Elders' Council upang ayusin ang problema.
"Eldest Witch Gayumarah! Naririto na po si Eldest Witch Gamarah!"
Ang lahat ng miyembro ng Elders' Council ay magkakasama sa Elders Hall upang siyasatin si Gamarah.
Bilang ina ni Deborah ay siya ang responsable sa lahat ng magiging pagkilos ng anak kung paano nito pangangalagaan ang Eldest Witch Position.
"Pagbati sa aking mga mga minamahal na Elders at Eldresses!" pagbibigay-galang ni Gamarah sa harap ng Elders' Council. Tumango lamang ang ilan sa mga miyembro ng Elders' Council bilang tugon kay Gamarah.
"Marahil ay alam mo na ang dahilan kung bakit ka naririto Eldest Witch..." seryoso ang mukha na bungad ni Reuel Eriam.
Bilang panganay sa kanilang henerasyon ay si Reuel Eriam ang nagtataglay ng Eldest Sorcerer Position at namumuno sa lahat ng mga sorcerers sa Gypto. Bagamat si Gamarah ay asawa ng kanyang youngest brother na si Hoziah Mosen ay kailangan niya pa ring itrato ito na tila hindi kaparte ng kanilang angkan.
"Opo, malinaw po sa akin ang dahilan kung bakit ninyo ako ipinatawag!" nakayukong tugon ni Gamarah. Huminga muna ng malalim si Gayumarah bago nagsalita, "Totoo bang hindi na dumadalo si Deborah sa pag-aaral ng witchcraft?"
Yumuko muna si Gamarah bago sumagot, "Opo, Eldest Witch.''
"Alam naming naging malaking dagok kay Deborah ang pagkawala ng kanyang ama dahilan upang hindi siya mag-aral noong siya ay musmos pa ngunit siya ngayon ay nagdadalaga na at kailangan na niyang paghandaa ang kanyang responsibilidad..." nababahalang sabi ni Gayumarah. "Patawad po Eldest Witch.
Ako po ay may pagkukulang bilang isang ina." buong pagpapakumbabang tugon ni Gamarah.
"Hindi lingid sa amin ang iyong pagpupursigi na muli siyang hikayating magsanay bilang isang Eldest Witch kaya alam naming hindi ka nagkulang." sabi naman Reuel Eriam.
Naging masusi sa pagsisiyasat ang Elders' Council kay Gamarah. Alam nilang hindi siya ang dapat na sisihin sa ginagawa ni Deborah na pagliban sa klase kaya naman ay nagpasya sila na tulungan si Gamarah na protektahan ang posisyon ni Deborah.
"Dahil hawak na ni Deborah ang Eldest Witch Position at wala naman siyang ginawang kasamaan sa kanyang witch clan ay napagpasyahan naming siya ay manatili pa rin sa kanyang posisyon." matigas na sabi ni Reuel Eriam.
"Maraming salamat po Eldest Sorcerer!" hindi makapaniwalang sabi ni Gamarah.
"Upang matulungan si Deborah sa kanyang paghahanda bilang isang Eldest Witch ay kinakailangan ng mag-aaral ng witchcraft at dark magic para sa kanya..." sabi naman ni Reuel Eriam, "At siya ay walang iba kundi ang iyong isa pang anak na si Anarah."
Marami ang nagulat sa pagpasok ni Anarah sa Gypto Academy.
Bihira lamang kasi makapasok doon ang mga witch na hindi panganay.
Kinakailangan ng angking abilidad sa witchcraft o dark magic ang paraan upang makapasok sa Gypto Academy ang isang musmos na hindi panganay.
Ngunit dahil sa angking talino at lakas ni Anarah ay nagpasya ang Elders' Council na gawin siyang isang scholar.
Ang scholar ay hinuhubog na maging tagapayo ng isang Mortano o Mortana na may hawak ng Eldest Position.
Sila ay magsisilbi ding pangalawa sa may hawak ng Eldest Position at maaaring humalili dito sa mga responsibilidad na hindi nito kayang panghawakan.
Bagamat kinakabahan ay buong tapang na pumasok sa Gypto Academy si Anarah.
Sa tulong nina Jonaner at Elj ay natuto na siyang sumakay ng broomstick at gumamit ng witch spell.
"Handa kana ba sa unang araw mo sa academy, Anarah?" nakangiting sabi ni Elj.
Huminga muna ng malalim si Anarah bago sumagot, "Handang-handa na!"
Isang umaga, ilang sandali bago magsimula ang klase ay magkasama sina Elj at Jonaner sa isang wild forest upang manmanan si Deborah at ang ninja na kanyang hinahabol.
"Hindi ako papayag na hindi pa kita mahuli ngayon..." tumatakbong bulong ni Deborah.
Sina Elj at Jonaner naman ay nakaabang lamang na mapadaan sa kanila ang ninja na hinahabol ni Deborah.
Nang papalapit na kay Elj ang ninja ay nagpakawala siya ng calm spell, "Ang puso ay kumalma upang sa pagtulog, mata ay tumalima!" sabay hampas ng kanyang brooch sa direksyon na kinaroroonan ng ninja.
"Isa pa Elj..." bulong naman ni Jonaner.
"Ang puso ay kumalma upang sa pagtulog, mga mata ay tumalima!"
Bahagyang bumagal ang pagtakbo ng ninja dahil sa calm spell na ibinigay ni Elj.
Dahil makisig ay ibinigay ni Jonaner ang buong lakas upang sunggaban ang ninja, "Wala ka nang kawala!"
Niyapos ni Jonaner ang ninja habang nagmamadali namang tinanggal ni Deborah ang takip sa mukha nito.
Nadismaya si Deborah at ang kanyang mga kaibigan nang bigla na lamang mawala ang ninja sa kanilang harapan.
"Matinik talaga siya! Nakakainis!" nagngingitngit sa galit na sigaw ni Deborah. Sina Elj at Jonaner naman ay lumapit upang siya ay pakalmahin.
"Kumalma ka lamang Deborah, pasasaan ba at mahuhuli mo din iyon si Jairo." mahinahon na sabi ni Elj.
"Kung alam ko lamang na makakatakas na naman siya dapat lang pala na sinuntok ko nalang siya o di kaya ay binalian." panghihinayang naman ni Jonaner.
"Hindi na maaaring magtagal pa ang ganito, kailangang gawin ko na ang dapat kong gawin."
"Ano naman iyon? Gagamitin mo ang lakas mo upang gulpihin siya?" naiiritang tanong naman ni Jonaner.
"Hindi ganyang mag-isip ang pinsan ko Jonaner!" sabi naman ni Elj.
"Isusuplong ko sila kay Eldest Sorcerer Reuel Eriam." seryosong sagot ni Deborah.
Pagod na namang pumasok sa klase niya si Jairo. Malayo din kasi ang tinakbo niya para lamang makatakas kay Deborah. Balak sana niyang takutin ito at linlangin ngunit hindi niya inaasahang kasama pala nito sina Elj at Jonaner.
"Tinik sa lalamunan talaga kayong tatlo." naiinis na sabi ni Jairo.
Naiba lamang ang atensyon niya nang makitang dumaan sa kanilang silid-aralan ang kanyang pinsan na si Anarah, "Kung hindi ako ang magbibigay ng takot sa kanya, maaari namang ang sarili niya mismong kapatid ang gagawa noon."
Nagmamadaling pinuntahan naman ni Deborah ang kanyang tiyuhin na si Reuel Eriam sa himpilan nito upang isuplong ang ginagawang pagbabalat-kayo ni Jairo.
"Eldest Sorcerer! Eldest Sorcerer! Ako ito si Deborah!" sigaw niya.
Hindi nagtagal ay lumabas din si Reuel Eriam sa kanyang himpilan upang siya ay harapin, "Ano ang iyong sadya at naparito ka?"
Huminga munang malalim si Deborah saka sumagot, "Pagbati po Eldest Sorcerer..."
Tumango naman si Reuel Eriam, "Sabihin mo na ang iyong sadya..."
"Sa loob ng tatlong Melyntor years ay may isang ninja na tila nagmamanman sa aming pamilya.
Batid ko na isa lamang siyang taga-Gypto at kilalang-kilala ko."
Bagamat sinabi na ni Deborah ang tungkol sa ninja ay tila hindi man lamang nabagabag ang kanyang tiyuhin. "Paanong siya ay iyong kilala? Nakita mo ba ang kanyang mukha?" tanong ni Reuel Eriam.
"Hindi po Eldest Sorcerer ngunit ang hinala ko ay siya ay ang aking pinsan na si Jairo!" sigaw niya.
"Paanong pinaghihinalaan mong si Jairo nga ang ninja na iyon?" walang-emosyong tanong ni Reuel Eriam.
"Sapagkat siya lamang ang may dahilan upang gawin iyon Eldest Sorcerer!" tila nagsusumamong sabi niya.
"Ang hinala ay hindi matibay na ebidensya upang mahuli ang may sala." paliwanag ng kanyang tiyuhin, "Ngunit ano man ang kanyang pakay ay matitigil base sa iyong magiging reaksyon."
"Magiging reaksyon ko? Ano po ba ang nais mong ipahiwatig Eldest Sorcerer?" naguguluhang tanong niya.
"Ayon sa iyong sinabi ay tatlong Melyntor years nang tila nagmamanman ang ninja sa iyong pamilya, hindi ba?"
"Opo at sa tuwing makikita ko siya ay sinusubukan ko siyang hulihin." tugon niya.
"Ngunit hindi ka ba nagtataka na sa napakatagal na panahon na iyon ay nagpahabol lamang siya sayo at hindi ka sinaktan o ni pinagbantaan man lamang?"
Sa sinabing iyon ni Reuel Eriam ay napaisip si Deborah.
Totoong hindi nga siya sinaktan ni pinagbantaan man lamang ng ninja.
"Ano po ba ang nais ninyong ipabatid Eldest Sorcerer?"
"Sa loob ng mahabang panahon na iyon ay hindi ka na nakakadalo sa iyong pag-aaral at mga pagsasanay.
Kung siya nga ang iyong pinsan na si Jairo ay baka pakay niya lamang na abalahin ka sa paghuli mo sa kanya upang hindi ka makapaghanda sa iyong tungkulin."
"Kung ganoon po, ano ba ang dapat kong gawin?"
"Itigil mo na ang paghuli sa kanya at magpatuloy kana sa iyong paghahanda para sa iyong tungkulin."
"Ngunit ayoko na pong maging Eldest Witch" tugon niya, "Alam kong noon pa man ay tutol na si papa na mag-aral ako ng witchcraft"
"Parte na ng iyong kapalaran ang maging Eldest Witch sa takdang panahon."
"Paano naman po ang paniniwala ni papa na kailangang iwasan ang witchcraft sapagkat ito ay ayaw ng diyos na sinasamba niya?" tanong niya.
"Mamili ka, Deborah. Ang iyong kapalaran o ang sundin ang paniniwala ng iyong ama?"
Buo na ang pasya ni Deborah, tuluyan na niyang tatalikuran ang buhay niya sa Gypto.
Sa kanilang pag-uusap ni Reuel Eriam ay nabanggit nito na maaaring buhay pa nga ang papa niya at napadpad ito sa bansang Guzen Anim na Melyntor years na ang nakakaraan, bago mawala ang papa niya ay nagbabalak daw ito na magpunta sa Guzen upang balaan ang mga mamamayan doon na muling manumbalik kay Lord Father Adonai, ang diyos na sinasamba ng papa niya.
Bilang isang prophet ay ay tungkulin ng papa niya ng ipahayag ang mensahe ni Lord Father Adonai sa mga angkan na pinili nito.
Sa Guzen naninirahan ang mga angkang nagmula kay Levitan, isa sa apat na supling ni Mortal na unang nilalang na pinili ni Lord Father Adonai.
Sa apat na supling ni Mortal ay si Levita lamang ang totoong nakakikilala at sumasamba kay Lord Father Adonai at lubos na kinalulugdan ng ama nitong si Mortal. Nang dahil doon ay nagkaroon ng galit kay Levitan ang kanyang kapatid na si Aeties dahilan upang patayin nito si Levitan.
Bago pa mapatay si Levitan ng kanyang kapatid ay nagkaroon na ito ng mga supling sa asawang si Joaqina. Sa pagdaan ng panahon ay nagkahiwahiwalay ang mga salinlahing nagmula kay Levitan ang ilan dito ay ang mga angkang naninirahan sa Guzen.
"Kung buhay ka man papa, sana ay matagpuan kita sa Guzen."
Nakapag-impake na si Deborah. Kasama sa mga dala niyang gamit ang prophetic scrolls ng papa niya at ang prophetic rod nito. Bagamat walang kasiguraduhang buhay pa ang papa niya ay buong tapang na nilisan ni Deborah ang kanilang witch cabin.
"Sa ngayon ay iiwanan ko muna kayo pero pagbalik ko ay maaaring kasama ko na si Papa..."
Lingid sa kaalaman ni Deborah ay taimtim na nakikipag-usap si Reuel Eriam sa diyos na si Lord Father Adonai.
Nagsunog si Reuel Eriam ng alay sa altar upang humingi ng tulong kay Lord Father Adonai, "Oh aking diyos na sinasamba ng aking mga ninuno! Gabayan at pag-ingatan niyo sana ang aking pamangkin na si Deborah!"
Matapos ang pakikipag-usap ni Reuel Eriam kay Lord Father Adonai ay lumakas ang apoy sa ibabaw ng altar na ginawa ni Reuel Eriam at nasunog lahat ang alay niya.
Labis na natuwa si Reuel Eriam sapagkat iyon ay hudyat na nalugod si Lord Father Adonai sa kanyang handog. Sa paglalim ng gabi ay mas lumalamig ang temperatura sa labas ng Gypto. Nakaramdam ng ginaw si Deborah kaya bumagal at bumigat ang kanyang paghakbang.
"Hindi ko inakalang magiging ganito kaginaw ang temperatura sa oras na ito..." giniginaw na bulong ni Deborah. Bagamat nakararamdam ng takot ay nagpatuloy lamang si Deborah sa paglalakbay.
Balewala na sa kanya ang lamig ng panahon. Ang mahalaga lamang sa kanya ay marating ang Guzen upang malaman kong makikita niya doon ang papa niya.
"Ano iyon?" nakararamdam ng takot na sabi niya nang marinig ang mga ungol ng mga mababangis na hayop.
Naisip niya na maaaring hindi lamang iyon mababangis na hayop kundi mga nakakatakot na nilalang.
"Ang mga vampire ay hindi umuungol kundi ay wala silang tinig ng pagkakakilanlan maliban na lamang kung sila'y magsasalita. Kung hindi vampire ang nasa paligid ay maaaring...."
Natigilan si Deborah nang sumugod ang isang werewolf na bigla na lamang sumulpot sa kanyang harapan. Napakabangis nito at tila gutom na gutom.
Wala nang magawa si Deborah kundi ang sumigaw, "Tu-tulong! Tulungan niyo...tulungan niyo ako!!!" Ramdam ni Deborah ang walang awang mga kalmot at kagat na mula sa werewolf na umatake sa kanya.
Halos maputol ang kanyang kaliwang braso dahil sa kagat ng werewolf sa kanya. Napakadaming dugo ang nawawala sa kanya. Tila ba siya ay sinugod ng sampong witch hunters sa karumaldumal na sinapit niya.
"Lord Father Adonai.... Alam kong ikaw ang lumikha ng mundong ito at lumikha sa akin...." naghahabol ng paghinga na sambit ni Deborah, "Kung nanaisin mong makita ko pa si Papa ay iligtas mo sana ako mula sa kamatayang ito...."
"Deborah! Deborah! Ikaw na nagmula sa lahi ni Levitan! Ang iyong dating pagkakakilanlan ay patay na sapagkat ang bagong ikaw ay ang mabubuhay!" narinig ni Deborah na sabi ng isang tinig na tila tunog ng kulog at lindol.
Nagliwanag ang kapaligiran dahilan upang masilaw si Deborah.
Bagamat sinisikap ni Deborah na maaninag ang pinagmumulan ng tinig ay hindi na niya magawa pang imulat ang kanyang mga mata. Tuluyan nang nanghina ang kanyang gutay-gutay na katawan at siya ay nawalan na ng malay.
Sa loob ng dalawang Melyntor years ay naglakbay si Deborah sa isang napakalawak na lupain sa labas ng bansang Gypto. Siya ay napakabangis at talaga namang matatakot sa kanyang anyo ang sinomang nilalang na makakakita sa kanya. Wala siyang matirhan ni mahihingan ng tulong. Ang mga Qannah wolves at Qannah bears na nakakasagupa niya ang nagsisilbi niyang pagkain. "Napakasarap ng naging pagkain ko kanina, sana lamang ay marami pa akong makasalubong na Qanna wolves sa daan..." mabilis ang paggapang na bulong ng isip ni Deborah. Dalawang Melyntor years na ang nakalilipas magmula nang siya ay lumayas sa Gypto at muntikan nang mapatay ng isang werewolf. Naaalala pa niya ang tinig na kanyang narinig. Alam ni Deborah na ang tinig ni Lord Father Adonai ang kanyang narinig. "Saklolo! Saklolo! Tulungan niyo ako!" narinig niyang sigaw ng isang Mortana sa di kalayuan. Magmula nang makasagupa ni Deborah ang werewolf na muntikan nang pum
Sa paglalim ng gabi ay mas lumalamig ang temperatura sa labas ng Gypto. Nakaramdam ng ginaw si Deborah kaya bumagal at bumigat ang kanyang paghakbang. "Hindi ko inakalang magiging ganito kaginaw ang temperatura sa oras na ito..." giniginaw na bulong ni Deborah. Bagamat nakararamdam ng takot ay nagpatuloy lamang si Deborah sa paglalakbay. Balewala na sa kanya ang lamig ng panahon. Ang mahalaga lamang sa kanya ay marating ang Guzen upang malaman kung makikita niya doon ang papa niya. "Ano iyon?" nakararamdam ng takot na sabi niya nang marinig ang mga ungol ng mga mababangis na hayop. Naisip niya na maaaring hindi lamang iyon mababangis na hayop kundi mga nakakatakot na nilalang. "Ang mga vampire ay hindi umuungol kundi ay wala silang tinig ng pagkakakilanlan maliban na lamang kung sila'y magsasalita. Kung hindi vampire ang nasa paligid ay maaaring...." Natigilan si Deborah nang sumugod ang isang werewolf na bigla na lamang sumulpo
Hindi na naglaban pa si Deborah kaya naman tuluyan na siyang iniharap ng Mortano sa himpilan ni Prinsesa Nini. "Anong ginawa mo Yusef? Bakit mo siya kinaladkad papunta dito?" natatarantang sabi ni Prinsesa Nini nang maibaba si Deborah ng Mortano. "Nakita ko siyang umaali-aligid sa labas ng palasyo ninyo mahal na Prinsesa kaya dinala ko siya sa iyo upang masiyasat...." pawis na pawis na pagpapaliwanag ng Mortano. "Kalagan niyo nga siya!" naiiritang utos ni Prinsesa Nini sa mga bantay ng palasyo na nasa loob din ng himpilan. Nang makalagan si Deborah ng mga bantay ay nilapitan siya ni Prinsesa Nini, "Ayos ka lang ba?" Tumango lamang siya bilang tugon. "Bakit mo siya pinakakalagan Prinsesa? Kilala mo ba siya?" pagtataka ng Mortano. "Oo dahil bisita ko siya! Nakita kasi naming nahimatay ang big sister niya nang magpunta kami sa templo kanina kaya tinulungan ko sila at pinatuloy muna dito sa palasyo" kuwento dit
Umuwing sugatan ang pangkat ni Siviro nang magbalik sila sa Edoma Forest. Balak lamang sana nilang takutin ang mga mamamayan sa Truth Kingdom nang makaingkwentro nila ang isang Mortana na kasing lakas nila. "Lagot na naman tayo nito kay Datu Nebunizar lalong lalo kana Leader Siviro!" namimilipit sa sakit na komento ni Kyle. Siya ang pinakabatang werewolf sa kanilang grupo. "Kung hindi sana kayo basta-bastang sumugod edi sana hindi kayo ang unang napuruhan!" paninisi naman ng nag-iisang Adonang werewolf sa kanila na si Loisa. "Malay ba naming may nakabantay pala doon na isang Mortanang ganoon kalakas!" pagdadahilan naman ni Jolo. Si Siviro naman ay tahimik lamang na inaalala ang mga nangyari sa kanila sa Truth Kingdom. Hindi niya lubos maisip na may makakaingkwentro sila ng ganoon kalakas na Mortana na singlakas ng isang werewolf na kagaya niya. Napakabagsik nito at tila isang mabangis na werewolf din kung umasta. "Namukhaan niyo ba yung Mortana na
Chapter Eight: Ang Pinakamalakas na Werewolf Maagang gumising si Ziporrah upang magluto ng pagkaing dadalhin niya para kay Ram Luiz. Walang Melyntor day na hindi niya ito dinadalhan ng pagkain maliban na lamang kung nagkakatampuhan sila. "Ang bango naman niyan! Mukhang para sa mapapangasawa niya ang niluluto niya ah!" bungad na pang-aasar sa kanya ng kanyang Eldest Brother na si Jafet. Inirapan lamang niya ito at nagpatuloy lamang siya sa pagluluto. Ang kanilang Youngest Brother naman na si Shim ay dinugtungan ang pag-aasar ng kanilang Eldest Brother, "Tingnan lang natin kung hindi pa iyon magtapat ng pag-ibig niya kapag natikman ang pagkain na iyan!" Nang magtawanan sina Jafet at Shim ay napailing na lamang si Ziporrah sa mga ito. Sanay na siya sa mga pang-aasar nila tuwing nagluluto siya o umuuwi siya galing sa Suffer Pyramid para dalhan ng pagkain si Ram Luiz. Bumuntong-hininga muna siya bago magpakunwaring nagtataray sa mg
Nagmamadaling pumasok ang second-ranked attendant ni Prinsesa Nini na si Zillah upang iulat sa kanya ang nasagap nitong impormasyon. Nang makapasok ng palasyo ay tinungo agad ni Zillah ang himpilan ni Prinsesa Nini. "Pagbati po, mahal na Prinsesa Nini!" magalang na sambit ni Zillah na nakayuko. Humudyat naman si Prinsesa Nini kay Zillah na iangat na niya ang mukha, "Ano'ng balita sa pinamamanmanan ko, Zillah?". Si Zillah naman ay iniangat na ang mukha at tumugon, "Tama nga po ang kutob ninyo, Prinsesa Nini, may hinahanap nga dito sa Guzen ang mga werewolves na sumugod dito sa palasyo isang Melyntor year na ang nakakaraan". Nakaramdam ng pag-aalala si Prinsesa Nini, "Natukoy ba kung sino ang hinahanap ng mga werewolves na iyon?" "Base sa binayaran ninyo na nagmamanman sa kanila ay isang Mortana daw na kasing lakas ng isang werewolf ang hinahanap nila" malumanay na sanaysay ni Zillah. Nagtaka si Prinsesa Nini sa narinig, "Isang M
ANG MGA YUMAONG PRINSESA Ipinatawag ni Datu Nebunizar sina Siviro at Ram Luiz sa himpilan nito. Alam niya na hindi pa masyadong palagay ang loob ng dalawa sa isa't isa kaya naman naisipang kausapin nang sabay ni Datu Nebunizar ang magkapatid. "Mahal na Datu Nebunizar! Naririto na po sina Adult Siviro at Adult Ram Luiz!" anunsyo ng isa sa mga tagapaglingkod ni Datu Nebunizar. "Patuluyin sila!" taas noong utos ni Datu Nebunizar. "Pagbati po, aming grandfather na Datu!" magalang at seryoso ang mukha na bati ni Siviro. Si Ram Luiz naman ay tumango lamang bilang pagpapakita ng kanyang paggalang sa kanyang lolo. "Mabuti naman at nagkita na kayong magkapatid" umaliwalas ang mukha na puna ni Datu Nebunizar. "Kapatid talaga? Parang hindi pa nga kayo nakasisigurong anak din siya ni Papa, e...." mahinang bulong ni Siviro na napakamot sa kanyang ulo. Hindi napigilan ni Ram Luiz ang sarili na titigan ito nang masama. "Napatunayan ko na 'yan,
ANG BAGONG MISTRESS WITCHDalawang Melyntor years na ang nakalilipas magmula nang lisanin ni Ram Luiz ang Ramosen upang pumunta ng Edoma Forest ngunit nagluluksa pa din si Josebeth sa pagkamatay ni Ruju. "Dakilang diyos na Lord Father Adonai! Ikaw ang may lalang ng langit at ng lupa! Karapatdapat kang sambahin at dakilain..." umiiyak na dasal ni Josebeth. Tuwing magtatakip-silim ay nagpupunta siya sa burol upang magsunog ng kinatay na Qanna sheep sa ginawa niyang altar. "Hanggang ngayon ay hindi mo pa din dinidinig ang aming daing..." muli ay umiiyak niyang dasal. Magmula nang maalipin ang mga Levitano sa Ramosen ay hindi na nagpakita pa ng himala ang diyos na si Lord Father Adonai ngunit hindi tumigil si Josebeth sa pakikipag-usap sa kanya sa sa tuktok ng burol na iyon. "Patawarin mo sana ang aming lahi, dumating na sana ang panahon ng pagliligtas mo!" matapos niyang sambitin ang panalanging iyon ay sumilyab ang apoy sa altar at tuluyan nang natupok an
Bali-balita na nga sa buong Melyntor ang tungkol sa paghahanap ni Reyna Purisima ng mapapangasawa ni Haring Yusef. Maging sa palasyo ni Prinsesa Nini ay laman ng usapan ng mga tagapaglingkod ang tungkol sa napipintong paghahanap ng mapapangasawa ng bagong hari ng Light Kingdom. Si Deborah naman ay tahimik lamang na lumabas ng palasyo dala ang mga lalabahang palace curtains upang magtungo sa Jealous River. “Si Deborah ba ang lumabas na iyon?” hindi paniniguro ng isang tagapaglingkod. “Maaaring siya nga sapagkat nakita kong dala niya ang mga lalabahang palace curtain.” Hindi siguradong tugon naman ng isa pa sa mga tagapaglingkod. Walang kaalam-alam ang mga tagapaglingkod sa palasyo na hindi nagugustuhan ni Deborah ang mga usap-usapan nila. “Bakit ba hindi na sila nagsawang pag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa ng bagong hari?” umiirap na pagmamaktol niya. Bagamat napakabigat ng mga dalahin niya ay hindi niya iyon alintana. Kas
"Kumusta, Leader, may balita na ba sa iyong kasintahan?" masiglang tanong ni Hanri kay Ram Luiz. Naisipan ni Ram Luiz na pag-ensayuhin ang kaniyang grupo sa dulong kapatagang malayo sa Edoma Forest. "Sino?" pinipilit ang sariling huwag mapangiti. "Si Deborah ba?" Nagtinginan naman ang kanilang mga kasamahan na makikitaan ng makabuluhang ngiti. "Ipagpaumanhin mo, Leader, ngunit wala ka pa namang nababanggit sa amin na siya ay iyong kasintahan," tila nanunuksong paalala ni Hanri. Nagtinginan ang kanilang mga kasamahan at tinukso siya. Napailing na lamang si Ram Luiz at napangiti. Habang nagkakasayahan sila ay dumating naman ang grupo ni Siviro dahilan upang bumulong si Hanri kay Ram Luiz. "Leader, si Adult Siviro..." Natigilan sa pagtawa sina Ram Luiz at inobserbahan kung ano ang sadya ng grupo ni Siviro sa lugar kung saan naroroon din ang grupo nila. "Mag-eensayo rin ba kayo?" magaan ang ekspresyon ng mu
Nasa kaniyang trono si Haring Yusef nang bumisita si Reyna Purisima. "Masayang Melyntor day sa anak kong hari!" malugod na bungad ng reyna. Napangiti si Haring Yusef bagamat hindi siya maaaring tumayo sa trono para lamang yumakap sa reyna sapagkat mas mataas na ang posisyon niya rito, "Masayang Melyntor day sa iyo, aking inang reyna. Nalulugod ako na makita ka." "Mas naging makisig at magiting ang iyong tindig ngayon, anak kong hari," pagpuri ng reyna. "Hindi kataka-taka na magaganda ang nasasabi ng mga mamamayan at opisyales patungkol sa iyong pag-upo bilang bagong hari!" Huminga siya nang malalim at sumeryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Naalala niya ang mga isipin patungkol sa sistema ng kaharian na kailangang ayusin. "Mabuti naman kung ganoon, aking inang reyna," matipid niyang tugon sapagkat hindi niya maaaring ibahagi sa reyna ang sumasagi sa isipan. Ang reyna at mga prinsesa sa lahat ng kaharian sa Guzen ay hin
Dumating na ang itinakdang panahon nang pagtatalaga kay Yusef bilang panibagong hari ng Light Kingdom. Ang lahat ng mga mamamayan ng Light Kingdom ay saksi sa paglalagay sa kaniya ng korona at ang pormal na pagtatalaga bilang ama ng buong kaharian. Ang lahat ng kaniyang mga kapatid ay naroroon maging ang kani-kanilang asawa. "Mabuhay ang bagong hari ng Light Kingdom! Mabuhay ang Haring Yusef!" "Mabuhay!!!" Ang ilan sa mga tagapaglingkod ng palasyo ni Prinsesa Nini ay naroroon din sa pinagdaraosan ng pormal na pagtatalaga kabilang si Deborah. "Napakalayo na talaga ng narating ni Prinsi-- este, Haring Yusef!" naiiyak na puna ni Harvan. "Tama ka, Harvan. Mula pagkamusmos natin ay natunghayan ko na ang pagmamahal niya sa lahat ng mga mamamayan ng Light Kingdom maging ng buong Guzen," dugtong naman ni Adell. Habang nag-uusap sina Harvan at Adell ay tahimik lamang na pinagmamasdan ni Deborah ang bagong hari. Batid niya sa maran
Dahil natapos na ang pag-aaral ng metal alchemy nina Davideh, Kaleb, at Cloudio ay muli silang bumalik ng Gypto at nagbigay-ulat kay Prinsipe Reuel Eriam. "Mahal na Prinsipe Reuel Eriam, naririto na po ang mga sorcerers na nagmula sa Gitu!" "Papasukin sila." Utos ni Prinsipe Reuel Eriam "Masusunod po!" at lumabas na ang tagapagbantay. Sina Davideh naman ay pinapasok na ng tagapagbantay sa himpilan. "Pagbati po, aming Tiyuhin na Prinsipe..." nakayukong pagbibigay-galang ni Davideh. Yumuko rin sina Kaleb at Cloudio. Nagbigay-hudyat si Prinsipe Reuel Eriam na sila ay magtaas na ng tingin at humarap sa kanila, "Ikinagagalak kong makita kayong muli mga minamahal kong pamangkin..." Ngumiti nang maluwag si Davideh, "Ikinagagalak rin naming makita kayong muli, aming Tiyuhin na Prinsipe!" Tumango nang bahagya ang prinsipe bago sumagot, "Marahil ay marami kayong natutuhan sa inyong pag-aaral ng metal alchemy..." "Tama ka, T
Ang Zombaya ay isang lupain sa pagitan ng Gypto at Ramosen na pinaninirahan ng mga vampire clans ng Vlad, Red, Eklips, Dark at Demyr. Ang mga vampire clans na ito ay matatapang ngunit hindi nananakit ng kahit na anong nilalang. Katulad ng ibang vampires sa iba't ibang lupain sa Melyntor ay sumisipsip din sila ng dugo ng anumang Qanna animal. Daan-daang Melyntor years na ang nakalilipas nang ang isang Mortanang shaman na nakatira sa Gypto ang umibig sa isang Adonong vampire. Ang Adonong vampire naman ay nakatakdang makipag-isang dibdib sa isang Adonang vampire na ipinagkasundo rito ng kanilang mga vampire clans kaya hindi maaaring ibigin ng Adonong vampire ang shaman. Isang evening hour bago ang Melyntor day kung kailan nakatakdang mag-isang-dibdib ang Adono at Adonang vampire ay nagpunta ang shaman sa kaniyang kaibigang witch upang gumawa ng nakalalasong dahon. Ang dahon na iyon ay delikadong masunog sapagkat nakasisira ng kaisipan at nakakalakas ng pin
. Sa pagdiriwang ng ikaapatnapung kaarawan ni Prinsipe Lamech ay nagdatingan ang mga prinsesa at dukesa mula sa iba't ibang kaharian ng Guzen. Sa kultura ng mga Levitan, hindi maaaring ipakasal sa isang Levitano ang hindi Levitana kaya naman ay sa mga kaharian lamang sa Guzen nag-imbita ng mga Mortana si Reyna Purisima. Dahil kay Prinsesa Nini ay nagkaroon ng magarbong kasuotan si Arahab. Bumagay sa kaniyang kagandahan ang mga aksesoryang iniregalo ng prinsesa. "Tuloy po kayo, First Ranked Attendant Arahab!" Nagtinginan kay Arahab ang mga dukesa at prinsesa nang marinig nila ang kaniyang estado. "Isang tagapaglingkod?" tanong ng isa sa mga dukesa dahilan upang magtawanan ang mga ito. Nakangiting lumapit sa kaniya ang isang Mortanang maamo ang mukha, "Masayang Melyntor Day sa iyo, Binibini! Ako si Prinsesa Annly, nagmula sa Living Water Kingdom." Sinipat ni Arahab mula ulo hanggang paa ang Mortana. May isa pang
Nagmamadaling tinawag ni Harvan si Arahab dala ang isang liham. "Arahab! Arahab! May liham para sa iyo." Tumigil sa pagmamando sa ibang mga tagapaglingkod si Arahab upang kunin ang liham na iniaabot ni Harvan. Binasa niya ang nakasulat sa labas na bahagi ng liham, "Nagmula sa Light Kingdom?" "Buksan mo na, Arahab!" Tiningnan ng masama ni Arahab ang kaibigan. "Tapusin niyo na lang ang itinuro ko sa inyo, babalik ako upang suriin iyan mamaya." "Uy, Arahab! Saan ka pupunta? Hindi mo ba muna babasahin ang liham?" "Marami pang pinapagawa sa akin ang prinsesa. Kailangan ko na munang tapusin iyon." "Ano?! Arahab, gusto kong basahin mo ang liham!" Nagtungo siya sa bahagi ng palasyo na walang indibidwal. Sinigurado ni Arahab na siya lamang ang makakabasa ng sulat bago niya binuksan ang lalagyan niyon. Hindi niya mawari kung bakit nakaramdam siya ng kaba nang masipat sa lalagyan na nakasulat doon na iyon a
Tumulong si Deborah at ang mga kapwa niya tagapaglingkod na kasama ni Prinsesa Nini sa preparasyon ng libing ni Haring Nimrod. Habang nag-aayos ng bulaklak ay nasusulyapan ni Deborah sina Yusef at Prinsesa Nini na nag-uusap. Kung maaari niya lamang ihampas sa dalawa ang mga bulaklak na inaayos niya ay ginawa na niya. "May problema ba, Deborah?" Natingnan ng masama ni Deborah si Harvan ngunit binawi niya ang tingin at muling bumaling sa mga bulaklak, "Problema? Mukha ba akong may problema?" Naramdaman niyang tumabi si Harvan sa kaniya. Ngumiti pa rin ito bagamat nababatid na rin ang pagsusungit niya, "Para kasing hindi mo gusto ang bulaklak, ayaw mo ba sa amoy nito?" Huminga siya ng malalim at pansamantalang tumahimik. Hinagod ni Harvan ang kaniyang likod, "May iniinda ka bang karamdaman, Deborah? Sumasakit ba ang iyong likod o anumang bahagi ng iyong katawan?" Bigla siyang huminahon at mahina ang tinig na tumugon, "Hindi m