Home / Fantasy / The Chosen Wife / CHAPTER FOUR: ANG TUSONG HARLOT

Share

CHAPTER FOUR: ANG TUSONG HARLOT

last update Last Updated: 2023-01-05 19:03:04

   

        Sa loob ng dalawang Melyntor years ay naglakbay si Deborah sa isang napakalawak na lupain sa labas ng bansang Gypto.

        Siya ay napakabangis at talaga namang matatakot sa kanyang anyo ang sinomang nilalang na makakakita sa kanya.

        Wala siyang matirhan ni mahihingan ng tulong. Ang mga Qannah wolves at Qannah bears na nakakasagupa niya ang nagsisilbi niyang pagkain.

      "Napakasarap ng naging pagkain ko kanina, sana lamang ay marami pa akong makasalubong na Qanna wolves sa daan..." mabilis ang paggapang na bulong ng isip ni Deborah.

       Dalawang Melyntor years na ang nakalilipas magmula nang siya ay lumayas sa Gypto at muntikan nang mapatay ng isang werewolf.

       Naaalala pa niya ang tinig na kanyang narinig. Alam ni Deborah na ang tinig ni Lord Father Adonai ang kanyang narinig.

       "Saklolo! Saklolo! Tulungan niyo ako!" narinig niyang sigaw ng isang Mortana sa di kalayuan.

       Magmula nang makasagupa ni Deborah ang werewolf na muntikan nang pumatay sa kanya ay naging napakatalas na ng kanyang pandinig at mas bumilis ang kanyang pagkilos.

      "May Qannah wolf! Pakiusap hulihin ninyo ito!" muli ay narinig ni Deborah na sigaw ng Mortana.

      Hindi na nag-atubili pa si Deborah na sinugod ang kinaroroonan ng Qanna wolf.

Hindi na dinadamdam pa ng katawan ni Deborah ang mga kagat at kalmot ng Qannah wolf.

       Kinagat niya ito sa leeg at siniguradong bali ang mga buto nito.

       Nilasap niya ang laman nito na tila ba may mga nakikipag-agawan sa kanya.

       Naglakihan ang mga mata ng Mortanang hinahabol sana ng Qannah wolf na pinatay ni Deborah.

       Bagamat nagdidilim pa ang paningin ay maaaninag niya na ito ay Mortana at hindi isang hayop na maaaring patayin.

        Nang matapos ubusin ang mga laman ng Qannah wolf ay pinagmasdan ni Deborah ang Mortana upang siyasatin ang kalagayan nito.

        Wala itong galos at tila hindi pa naman nasaktan ng Qannah wolf na kinain niya.

      "Huwag kang lalapit....." nanginginig ang tinig na banta nito sa kanya.

       Batid niyang natatakot ito sa kanyang itsura kaya nilayuan na niya ito at tatakbo na sana palayo.

      "Sandali!" narinig niyang pigil nito.

       Tumigil siya sa pagtakbo at nilingon ang Mortana.

     "Hindi mo ako pinatay katulad ng Qanna wolf at nauunawaan mo ang sinasabi ko, ikaw ba ay Mortana o kakaibang nilalang?" pagsisiyasat nito.

       Nabuhayan ang loob ni Deborah. Sa loob ng dalawang Melyntor years ay muling may kumausap sa kanya.

      "Hindi ako werewolf o isang halimaw....." tugon niya, "Isa rin akong Mortana...."

      "Mabuti naman kung ganoon pero bakit ganyan ang itsura mo?"

      "Normal din ang itsura ko kagaya mo noon ngunit nang sugurin ako ng isang werewolf dalawang Melyntor years na ang nakakaraan ay nagkaganito na ang itsura ko....." malungkot niyang tugon.

"Ako si Arahab! Isa akong harlot. Ikaw ba, ano ang iyong pangalan?" pagpapakilala ng Mortana.

      "Ako si Deborah, dati akong nakatira sa Gypto...." tugon niya.

     "Ikinagagalak kitang makilala Deborah! Salamat nga pala sa pagligtas mo sa buhay ko...." masayang sabi nito.

      "Walang anoman Arahab!"

      "Sige, uuwi na ako, salamat ulit!" masayang paalam nito.

      "Sige Arahab, paalam!" nakangiti ngunit malungkot ang tinig niyang tugon.

       Habang papalayo si Arahab ay nakaramdam ng lungkot si Deborah. Iyon lamang ulit ang unang beses na may nakilala at nakausap siyang Mortana.

       Sa mahabang panahon ng kanyang paglalakbay ay puro mga mababangis na hayop ang nakakaharap niya.

      "Teka, saan ba ang punta mo?" narinig niyang sabi ni Arahab.

       Nabuhayan ang loob ni Debirah nang bumalik ito at muli siyang kinausap.

      "Hinahanap ko ang daan papuntang Guzen....." masiglang sabi niya.

      "Ganoon ba? Mabuti pa ay sumabay kana sa akin Deborah"

       Natuwa siya sa sinabi nito, "Talaga? Bakit, sa Guzen ka rin ba papunta?"

      Umiling ito, "Hindi, taga Sodomorrah ako, bago mo marating ang Guzen, dadaan ka muna sa bansa namin".

       Hindi na nagdalawang isip pa si Deborah at sumama na siya kay Arahab.

"Pakawalan niyo 'ko dito!" nagwawalang sigaw ni Deborah.

      "Nakakamangha ang isang ito!" bulalas ni Armakkah sa kanya.

       Si Armakkah ang nagmamay-ari ng carnival na pinagbentahan kay Deborah ng harlot na si Arahab.

       Hindi makapaniwala si Deborah na sa kabila ng pagliligtas niya kay Arahab ay nagawa pa siyang ibenta nito.

       Nagngingitngit siya sa galit. Sa buong buhay niya ay iyon lamang ang unang pagkakataon na may nagkalolo sa kanya.

      "Ilabas niyo si Arahab!" sigaw niya na pilit kumakawala sa rehas na pinagkulungan sa kanya.

      "Wala kang mapapala sa Mortana na iyon! Nabubuhay lamang siya para sa luho at kasayahan" ngingiti-ngiting sabi ni Armakkah habang nagbibilang ng mga kayamanang kinita ng kanyang carnival.

       Mas lalong lumaki ang kita nito dahil namanghang manood kay Deborah ang Mortano at Mortanang pumapasok sa carnival.

      "Kung alam ko lamang na traydor siya, edi sana ay pinakain ko muna siya sa Qanna wolf bago ko iyon kinain...." nanggigigil niyang sabi.

        Tapos na ang palabas at nagsiuwian na ang mga manonood.

        Ang mga clowns, giants at fortune tellers na nagtanghal ay nagsipagligpit na ng mga ginamit nila sa pagtatanghal.

      "Alam mo, nagtataka nga ako doon kay Arahab kung bakit ka niya ibinenta sa akin samantalang mas kikita ka kung ipinagbili ka niya sa mga werewolf hunters sa Guzen...." kuwento pa ni Armakkah.

      "Werewolf hunters sa Guzen?!" gulat niyang tanong.

      "Oo, kung nagkataon ay patay kana agad dahil galit na galit ang mga taga-Guzen sa werewolves...." dagdag pa ni Armakkah.

      Doon ay bahagyang nabawasan ang galit ni Deborah. Hindi pala siya dapat na lubusang magalit dahil ang mas kailangang niyang pagtuunan ng pansin ay kung papaano siya makakapasok ng Guzen samantalang siya ay isa nang werewolf.

"Teka lang, ano ba ang tawag sa bansang ito?" tanong niya kay Armakkah.

       Bagamat abala ito sa pagbibilang ng mga kayamanang naipon sa pagtatanghal ay tinugon pa din siya nito, "Sodomorra, ang bansang puno ng pagtatanghal at pagdiriwang!"

      Totoo naman ang sinabi sa kanya ni Arahab na dadaan sila ng Sodomorra. Nagtaka tuloy siya kung bakit ibenenta na siya agad nito sa Sodomorra samantalang mas kikita ito sa kanya kung ibebenta siya sa Guzen.

Hating-gabi at ang lahat ng mga nagtatrabaho sa carnival ay tulog na.

        Mahimbing din ang tulog ni Deborah. Iyon lamang ang unang pagkakataon na makakatulog siya sa loob ng isang lugar na ligtas at may bubongan.

      Sa loob ng dalawang Melyntor years ay natutulog lamang siya sa hinukay na buhanginan upang kahit papaano ay maibsan ang ginaw sa daan.

      "Pssst!" narinig niyang tila tumatawag ng kanyang atensyon.

       Bagamat nagambala ang kanyang tulog ay nakaramdam siya ng bahagyang pag-asa na makakalaya siya sa kanyang pagkakakulong.

      "Pssst!" muli ay narinig niya.

       Nakaramdam siya ng inis nang makita si Arahab na pasekretong lumalapit sa kanya.

      "Gusto mo bang mamatay? Matapos mo akong traydorin ay magpapakita ka sakin?" mahina ang boses ngunit nanggigil niyang sabi.

      "Ganito, habang sinisira ko itong mga tanikala ay gugupitin mo ang mga balahibo mo....." pabulong na utos nito.

      "Hoy! Ano itong ginagawa mo?" kontra niya.

       Si Arahab naman ay binigyan siya ng patalim na ipuputol daw niya sa kanyang mga balahibo.

      "Paano ka makakatakas kung makikilala ka nila?" paliwanag nito.

       Doon pa lamang naunawaan ni Deborah ang ginagawa ni Arahab. Pinapakawalan siya nito upang makatakas.

      "Bakit naman ako magtitiwala pa sayo e ibenenta mo nga ako sa kabila ng pagliligtas ko sayo?" umiirap niyang sabi.

      ''Wala akong pakialam kung maniwala ka sakin o hindi basta kapag may nakakita sakin dito, tatakbo na ako agad at iiwan kita diyan!"

       Sa sinabing iyon ni Arahab ay wala na siyang nagawa kundi gupitin ang kanyang mga balahibo.

       Doon niya napagtantong, mukha pa din siyang Mortana kapag nawala ang mga mahahaba niyang balahibo.

      "Sabi ko na nga ba at gupit lamang ang kulang sayo e!" namamanghang sabi ni Arahab.

       Halos nasisira na nito ang mga tanikala sa mga paa niya.

       Siya naman ay sinubukang ahitan ang balat upang malaman kung babalik pa ba siya sa dati niyang anyo  o hindi na.

        Nagtagumpay naman si Arahab sa pagpapalaya sa kanya sa loob ng rehas.

Ang lahat ng mga mag-aaral sa Gypto Academy ay abala sa paghahanda para sa idaraos na Happy Moon Festival.

        Tuwing idaraos ng mga taga-Gypto ang Happy Moon Festival ay nagkakaroon sila ng paligsahan sa dark magic.

        Ang bawat kabataan mula sa mga pamilya ng mga sorcerers, wizards magicians, at witches ay kinakailangang magpamalas ng kanilang mga natutunan sa dark magic.

        Bagamat abala na ang mga kamag-aral ni Anarah sa pag-eensayo ay mapayapa at nakangiti lamang siya sa paglalakad papasok ng pasilyo.

Hindi naging madali ang unang dalawang Melyntor years ni Anarah sa Gypto Academy. Dahil hindi siya isang eldest witch, maraming mga witches ang nagduda sa kanyang kakayahan.

        Karamihan sa witches at sorcerers sa kanilang witch clan ay sinikap na papanghinain ang kanyang loob upang umalis siya sa Academy.

        Ngunit tinatagan ni Anarah ang kanyang loob. Kailangang niyang ibigay ang lahat ng kanyang makakaya upang patunayan sa lahat na karapatdapat siyang pumangalawa sa eldest sister niya na si Deborah.

       Nang marating ni Anarah ang kanilang silid-aralan ay tinawag agad siya ng isa sa kanyang mga matatalik na kaibigan na si Macra.

      "Anarah! Anarah, dali!" sabik na tawag sa kanya nito.

       Huminga muna siya ng malalim at nginitian ang kaibigan habang lumalapit dito.

       "Ano, nakapaghanda kana ba sa paligsahan bukas?" ngiting tanong nito nang makaupo siya sa tabi nito.

       Muli ay huminga muna siya ng malalim at ngumiti bago tinugon ang kaibigan, "Hindi, abala kasi ako sa pagtulong kay mama sa ginagawa niyang anti-spell, eh"

       Tumabi naman sa kanila ang isa pa nilang matalik na kaibigan na si Kamilia.

       Nginitian ito ni Anarah bago binati, "Kararating mo lang ba? Parang bago lang iyan na witchy boots mo, ah!"

      "Oo naman! kagagawa pa lang nito ng auntie ko!" buong kumpyansang tugon ni Kamilia habang itinataas ang binti upang ipakita ang witchy boots na suot nito.

      "Mukhang pinaghandaan mo talaga ang Happy Moon Festival, ah!" puna ni Macra.

      "Siyempre naman! Ako pa ba?" kunwari ay nagyayabang na sabi nito at nagtawanan na silang tatlo.

        Masaya na sana ang kuwentuhan nilang tatlo nang biglang dumating ang mga kamag-aral nila na sina Jelin, Byanc at Roweinna .

      "Hay naku, ayan na naman yung mga witches na mukhang Gypto ravens...." umiirap na sabi ni Macra.

      "Oh, ito na pala yung impustorang eldest witch...." ngising bungad ni Jelin na si Anarah ang pinapatamaan.

       Sina Byanc at Roweinna naman ay nagtawanan dahil sa sinabi ni Jelin

      "Ang yabang mo, ah!" naiiritang sigaw ni Macra na tatayo na sana ngunit pinigilan ni Anarah.

       Ayaw niyang masayang ang lakas ng matalik na kaibigan sa pagtatanggol sa kanya, "Macra, hayaan mo na, maupo ka lamang diyan, iriserba mo na lamang ang lakas mo para sa Happy Moon Festival."

       Naupo naman si Macra bagamat nais pa nitong ipagtanggol siya.

      "Parang wala lang sayo ang Happy Moon Festival, ah!" nang-iinis na sabi ni Jelin.

       Ngumiti lamang si Anarah kay Jelin bago tumugon, "Hindi naman parang wala lang, sa totoo nga niyan ay sabik na akong masaksihan ang ipapamalas mong galing sa dark magic, eh!"

       Hindi napigilan nina Macra at Kamilia ang matawa sa sinabi ni Anarah.

       Sanay na kasi ang dalawa sa pambabara niya kay Jelin.

       Nainsulto naman si Jelin sa sinabi niya at sa pagtawa ng dalawa kaya inirapan na lamang sila nito at umalis.

       Mas lalong natawa ang dalawa at ganoon din si Anarah dahil sa pagkainis nina Jelin sa sinabi nila.

      "Siguradong mas lalo tayong iinisin ng tatlong witches na iyon!" komento ni Kamilia.

      "Mang-inis lang sila para mahanap nila ang gusto nila" taas-noong sabi ni Anarah.

Bago makalabas ng carnival ay kailangang dahan-dahan na naglalakad sina Deborah at Arahab upang hindi sila mapansin ng mga natutulog na bantay.

      "Oh, ayan isuot mo...." mataray na sabi ni Arahab matapos ihagis kay Deborah ang isang pares ng harlot clothes.

      "Ano 'to?" nabibiglang tanong niya habang inuususa ang mga harlot clothes.

      "Kailangan mong isuot iyan para isipin ng mga makakakita satin na tagadito ka talaga sa Sodomorrah at hindi isang espiya" paliwanag ng nakapamaywang na si Arahab.

      "Dati akong witch at hindi isang harlot, uy!" paalala niya.

       Biglang kinuha ni Arahab ang mga pares ng harlot clothes at pabulong na nagpaalala, "Gusto mo ba talagang makatakas dito o hindi?"

       Muling kinuha naman niya ang mga harlot clothes dito, "Oo na, susuotin ko na!"

      "Dami pa kasing satsat, e. Kung ayaw mong magtiwala sakin, bahala ka. Akala ko, gustong-gusto mong makapunta sa Guzen...." mahina ang boses ngunit nagtataray na tugon ni Arahab.

     "Ibinenta mo ako at hinayaang pagpyestahan ng mga Mortano at Mortana ang itsura ko pero ginagawa ko parin ang gusto mo. Hindi pa ba ito sapat na proweba na nagtitiwala ako sa iyo?"

      "Edi isuot mo na iyan!" utos nito.

       Nang makapagpalit ng kasuotan ay dali-dali nilang nilisan ang carnival.

      "Sa wakas ay nakalabas din tayo!" natutuwang sabi ni Arahab na itinaas ang dalawang kamay.

      "Bakit mo pa kasi ako binenta doon?" hindi pa din makalimot na sabi niya.

      "Hoy! maruming Mortana! Sino iyang dinala mo dito? At tapos na ang palabas sa carnival, ah!" bulyaw sa kanila ni Rodz na isang country police officer.

      "Half sister ko po police officer, baka gusto mong paligayahin ka niya?" tila nang-aakit na sabi ni Arahab habang itinutulak siya sa country police officer.

      "Tigil-tigilan mo ako maruming Mortana! Mabuti pa ay bukas na kayo maghanap ng madadagit ninyo!" nagtataray na bulyaw sa kanila ng country police officer.

      "Sige na nga! Oo na uuwi na kami!" kunwari ay nagsisimangot na tugon ni Arahab.

       Nang makaalis sila sa harap ng country police officer ay doon pa lamang nakahinga ng maluwag si Deborah, "Pambihira ka, muntik mo pa akong gawing bayarang Mortana!"

      "Kunwari lang naman iyon werewolf friend, kahit Mortano ang country police officer na iyon ay hindi ka papatulan noon, Mortano din ang habol noon, ano!" umiirap na paliwanag nito.

       Kahit hindi pa lubusang maunawaan ang kaisipan ng bagong kakilala ay nakaramdam naman siya ng tuwa nang tawagin siya nitong 'werewolf friend'.

       Hindi alam ni Deborah kung bakit ang gaan pa din ng loob niya dito kahit masyado itong tuso at praktikal. Naalala tuloy niya ang pinsan niyang si Elj.

      "Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Marahil ay madalas pa din sila magtalo ni Jonaner na parang mag-asawa...." natatawang bulong ni Deborah sa sarili.

Sa pagdaraos ng Happy Moon Festival ay iba't ibang witches, sorcerers, magicians at wizards ang nagpamalas ng kanikanilang talento sa dark magic.

       Tulad ng nakaraang Melyntor year, ang tambalan nina Elj at Jonaner ang nanalo sa paligsahan.

        Bagamat baguhan lamang sina Anarah, Macra at Kamilia ay ang grupo nila ang pumangalawa kina Elj at Jonaner sa kompetisyon.

      "Magaling aking mga grand daughters! Tunay ngang kayo ay katangi-tanging witches sa inyong witch clan!" pagpuri kina Anarah at Elj ng kanilang grandfather na si Prinsipe Amram Balaam.

      "Natutuwa po kami na kayo ay pasayahin sa aming pagtatanghal aming Grandfather...." masayang tugon naman ni Elj.

      "Hindi ko po inasahan na papangalawa kami kina Elj at Jonaner aming Grandfather!" nakangiting dugtong naman ni Anarah.

       Ang kanila namang grandmother na si Gayumarah ay niyakap sila, "Ipinagmamalaki ko kayo aking mga grand daughters...."

        Nagkakasayahan man ang witch clan at sorcerers' clan nina Anarah at Elj ay hindi naman maipinta ang mukha ng mag-amang Jethro at Jairo.

       "Kahit anong galing pa ng half sister mo basta umiksena na ang mga anak ni Gamarah ay nagiging pangkaraniwan na lamang siya....." nagpipigil ng galit na bulong ni Jethro.

      "Hindi ko nga maintindihan iyang si Elj kung bakit hinahayaan niyang ihilera sa kanya ang Anarah na iyan....." nakasimangot na tugon ni Jairo sa kanyang ama.

       Noon pa man ay inihahanda na ni Jethro ang anak na si Elj upang maging Eldest Witch dahil siya ang panganay na apo ng kanyang inang Eldest Witch na si Gayumarah.

       Dahil walang anak na Mortana si Gayumarah, ang panganay na anak na Mortana ng kapatid nito na si Encantra ang pinagmanahan nito ng Eldest Witch Position. Iyon nga ay si Gamarah kaya imbes na ang anak niyang si Elj ang maging Eldest Witch ay naging si Deborah ang naitalaga sa Eldest Witch Position sa henerasyon nito.

       "Tinik talaga sa lalamunan ko ang magkapatid na iyan....." nanlilisik ang mga mata na pagtukoy ni Jethro kina Deborah at Anarah.

Sa loob ng tatlong Melyntor years ay nagpalipat-lipat na ng pinagtatrabahuang mga bahay-aliwan ang kaibigan ni Deborah na si Arahab.

       Kapag nakakaipon na si Arahab ay naglalakbay sila tuwing hating-gabi sa pamamagitan ni Deborah.

       Mabilis tumakbo at napakalakas ng pangangatawan ni Deborah kaya isinasakay na lamang niya sa kanyang likuran ang kaibigan.

       Kapag naabutan sila ng umaga sa paglalakbay ay naghahanap na lamang sila ng matutuluyan.

       Napakahigpit ng seguridad sa bansang Sodomorrah kaya kinailangan ni Deborah na magbalat-kayo bilang si Arahab o kaya ay step sister nito sa harap ng mga country police officers at mga pinuno ng mga lungsod na napupuntahan nila.

       "Konting panahon na lamang Deborah at makakalabas na tayo sa bansang ito!" naluluhang bati ni Arahab nang marating nila ang isang lungsod sa dulo ng bansang Sodomorrah.

      "Ang bilis ng panahon at narating na pala natin ang napakaraming lungsod sa inyong bansa...." masayang bulalas naman ni Deborah.

      "Ngayon ba ay nauunawaan mo na kung bakit kita ibinenta kay Armakkah noon?" nagpapaalalang tanong nito.

      "Para kumita ng kayamanan?" kunwari ay hula niya.

       Sabay silang natawa sa sagot niya.

      "Ano ka ba, hindi! Ginawa ko iyon para hindi sila magsuspetsa sakin na nagpasok ako ng dayuhan dito!" natatawang paliwanag nito na hinawakan ang mga kamay niya.

       "Biro lang, nagtataka nga sa iyo si Armakkah kung bakit hindi mo na lang daw ako ibinenta sa mga werewolf hunters e. Nung marinig ko iyon, medyo nabawasan ang galit ko sa iyo."

      Muli ay nagtawanan sila sa kuwento niya.

     "Basta, kung magkasama tayong lalabas sa bansang ito, magkasama din tayong maninirahan sa Guzen. Huwag mo akong iiwan!" tila nagbabantang paalala nito.

      "Oo naman, basta huwag mo akong ibebenta sa mga werewolf hunters, ah!" biro niya.

      "Siyempre hindi, lumang istilo na iyan, nagawa ko na nung una eh, ibang pakulo naman pagdating natin sa Guzen!"

       Natigilan si Deborah sa pahayag nito. Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa maaaring gawin na naman ng kaibigan.

      "Oh, ba't parang natulala ka diyan?" pang-uusisa nito.

      "Bigla akong kinabahan sa maaari na namang ipagawa mo sakin doon...."

      "Basta kapag nandoon na tayo magkunwari ka lang na wala kang alam at biktema ka lang!" turo nito.

      "Biktema? Bakit naman?"

      "Hindi mo pa alam ang kalakaran sa Guzen, Deborah. Kung inaakala mong ang Sodomorrah na ang pinakamaruming bansa  sa Melyntor ay nagkakamali ka." pahayag nito.

      "Ano ang nais mong sabihin, may iba pa bang bansa sa Melyntor ang mas malala pa sa Sodomorrah?" takang tanong niya.

      "Oo naman, at isa na doon ang Guzen na inaakala mong banal na bansa."

Related chapters

  • The Chosen Wife   CHAPTER FIVE: Ang Mapagmahal na Prinsesa

    Sa paglalim ng gabi ay mas lumalamig ang temperatura sa labas ng Gypto. Nakaramdam ng ginaw si Deborah kaya bumagal at bumigat ang kanyang paghakbang. "Hindi ko inakalang magiging ganito kaginaw ang temperatura sa oras na ito..." giniginaw na bulong ni Deborah. Bagamat nakararamdam ng takot ay nagpatuloy lamang si Deborah sa paglalakbay. Balewala na sa kanya ang lamig ng panahon. Ang mahalaga lamang sa kanya ay marating ang Guzen upang malaman kung makikita niya doon ang papa niya. "Ano iyon?" nakararamdam ng takot na sabi niya nang marinig ang mga ungol ng mga mababangis na hayop. Naisip niya na maaaring hindi lamang iyon mababangis na hayop kundi mga nakakatakot na nilalang. "Ang mga vampire ay hindi umuungol kundi ay wala silang tinig ng pagkakakilanlan maliban na lamang kung sila'y magsasalita. Kung hindi vampire ang nasa paligid ay maaaring...." Natigilan si Deborah nang sumugod ang isang werewolf na bigla na lamang sumulpo

    Last Updated : 2023-01-19
  • The Chosen Wife   Chapter Six: Ang Masungit na Hunter

    Hindi na naglaban pa si Deborah kaya naman tuluyan na siyang iniharap ng Mortano sa himpilan ni Prinsesa Nini. "Anong ginawa mo Yusef? Bakit mo siya kinaladkad papunta dito?" natatarantang sabi ni Prinsesa Nini nang maibaba si Deborah ng Mortano. "Nakita ko siyang umaali-aligid sa labas ng palasyo ninyo mahal na Prinsesa kaya dinala ko siya sa iyo upang masiyasat...." pawis na pawis na pagpapaliwanag ng Mortano. "Kalagan niyo nga siya!" naiiritang utos ni Prinsesa Nini sa mga bantay ng palasyo na nasa loob din ng himpilan. Nang makalagan si Deborah ng mga bantay ay nilapitan siya ni Prinsesa Nini, "Ayos ka lang ba?" Tumango lamang siya bilang tugon. "Bakit mo siya pinakakalagan Prinsesa? Kilala mo ba siya?" pagtataka ng Mortano. "Oo dahil bisita ko siya! Nakita kasi naming nahimatay ang big sister niya nang magpunta kami sa templo kanina kaya tinulungan ko sila at pinatuloy muna dito sa palasyo" kuwento dit

    Last Updated : 2023-01-19
  • The Chosen Wife   CHAPTER SEVEN: Ang Mga Kabataang Werewolves

    Umuwing sugatan ang pangkat ni Siviro nang magbalik sila sa Edoma Forest. Balak lamang sana nilang takutin ang mga mamamayan sa Truth Kingdom nang makaingkwentro nila ang isang Mortana na kasing lakas nila. "Lagot na naman tayo nito kay Datu Nebunizar lalong lalo kana Leader Siviro!" namimilipit sa sakit na komento ni Kyle. Siya ang pinakabatang werewolf sa kanilang grupo. "Kung hindi sana kayo basta-bastang sumugod edi sana hindi kayo ang unang napuruhan!" paninisi naman ng nag-iisang Adonang werewolf sa kanila na si Loisa. "Malay ba naming may nakabantay pala doon na isang Mortanang ganoon kalakas!" pagdadahilan naman ni Jolo. Si Siviro naman ay tahimik lamang na inaalala ang mga nangyari sa kanila sa Truth Kingdom. Hindi niya lubos maisip na may makakaingkwentro sila ng ganoon kalakas na Mortana na singlakas ng isang werewolf na kagaya niya. Napakabagsik nito at tila isang mabangis na werewolf din kung umasta. "Namukhaan niyo ba yung Mortana na

    Last Updated : 2023-02-02
  • The Chosen Wife   Chapter Eight: Ang Pinakamalakas na Werewolf

    Chapter Eight: Ang Pinakamalakas na Werewolf Maagang gumising si Ziporrah upang magluto ng pagkaing dadalhin niya para kay Ram Luiz. Walang Melyntor day na hindi niya ito dinadalhan ng pagkain maliban na lamang kung nagkakatampuhan sila. "Ang bango naman niyan! Mukhang para sa mapapangasawa niya ang niluluto niya ah!" bungad na pang-aasar sa kanya ng kanyang Eldest Brother na si Jafet. Inirapan lamang niya ito at nagpatuloy lamang siya sa pagluluto. Ang kanilang Youngest Brother naman na si Shim ay dinugtungan ang pag-aasar ng kanilang Eldest Brother, "Tingnan lang natin kung hindi pa iyon magtapat ng pag-ibig niya kapag natikman ang pagkain na iyan!" Nang magtawanan sina Jafet at Shim ay napailing na lamang si Ziporrah sa mga ito. Sanay na siya sa mga pang-aasar nila tuwing nagluluto siya o umuuwi siya galing sa Suffer Pyramid para dalhan ng pagkain si Ram Luiz. Bumuntong-hininga muna siya bago magpakunwaring nagtataray sa mg

    Last Updated : 2023-04-25
  • The Chosen Wife   Chapter Nine: Ang Mga Tagapaglingkod

    Nagmamadaling pumasok ang second-ranked attendant ni Prinsesa Nini na si Zillah upang iulat sa kanya ang nasagap nitong impormasyon. Nang makapasok ng palasyo ay tinungo agad ni Zillah ang himpilan ni Prinsesa Nini. "Pagbati po, mahal na Prinsesa Nini!" magalang na sambit ni Zillah na nakayuko. Humudyat naman si Prinsesa Nini kay Zillah na iangat na niya ang mukha, "Ano'ng balita sa pinamamanmanan ko, Zillah?". Si Zillah naman ay iniangat na ang mukha at tumugon, "Tama nga po ang kutob ninyo, Prinsesa Nini, may hinahanap nga dito sa Guzen ang mga werewolves na sumugod dito sa palasyo isang Melyntor year na ang nakakaraan". Nakaramdam ng pag-aalala si Prinsesa Nini, "Natukoy ba kung sino ang hinahanap ng mga werewolves na iyon?" "Base sa binayaran ninyo na nagmamanman sa kanila ay isang Mortana daw na kasing lakas ng isang werewolf ang hinahanap nila" malumanay na sanaysay ni Zillah. Nagtaka si Prinsesa Nini sa narinig, "Isang M

    Last Updated : 2023-04-25
  • The Chosen Wife   Chapter Ten: Ang Mga Yumaong Prinsesa

    ANG MGA YUMAONG PRINSESA Ipinatawag ni Datu Nebunizar sina Siviro at Ram Luiz sa himpilan nito. Alam niya na hindi pa masyadong palagay ang loob ng dalawa sa isa't isa kaya naman naisipang kausapin nang sabay ni Datu Nebunizar ang magkapatid. "Mahal na Datu Nebunizar! Naririto na po sina Adult Siviro at Adult Ram Luiz!" anunsyo ng isa sa mga tagapaglingkod ni Datu Nebunizar. "Patuluyin sila!" taas noong utos ni Datu Nebunizar. "Pagbati po, aming grandfather na Datu!" magalang at seryoso ang mukha na bati ni Siviro. Si Ram Luiz naman ay tumango lamang bilang pagpapakita ng kanyang paggalang sa kanyang lolo. "Mabuti naman at nagkita na kayong magkapatid" umaliwalas ang mukha na puna ni Datu Nebunizar. "Kapatid talaga? Parang hindi pa nga kayo nakasisigurong anak din siya ni Papa, e...." mahinang bulong ni Siviro na napakamot sa kanyang ulo. Hindi napigilan ni Ram Luiz ang sarili na titigan ito nang masama. "Napatunayan ko na 'yan,

    Last Updated : 2023-04-25
  • The Chosen Wife   Chapter Eleven: Ang Kasalukuyang Mistress Witch

    ANG BAGONG MISTRESS WITCHDalawang Melyntor years na ang nakalilipas magmula nang lisanin ni Ram Luiz ang Ramosen upang pumunta ng Edoma Forest ngunit nagluluksa pa din si Josebeth sa pagkamatay ni Ruju. "Dakilang diyos na Lord Father Adonai! Ikaw ang may lalang ng langit at ng lupa! Karapatdapat kang sambahin at dakilain..." umiiyak na dasal ni Josebeth. Tuwing magtatakip-silim ay nagpupunta siya sa burol upang magsunog ng kinatay na Qanna sheep sa ginawa niyang altar. "Hanggang ngayon ay hindi mo pa din dinidinig ang aming daing..." muli ay umiiyak niyang dasal. Magmula nang maalipin ang mga Levitano sa Ramosen ay hindi na nagpakita pa ng himala ang diyos na si Lord Father Adonai ngunit hindi tumigil si Josebeth sa pakikipag-usap sa kanya sa sa tuktok ng burol na iyon. "Patawarin mo sana ang aming lahi, dumating na sana ang panahon ng pagliligtas mo!" matapos niyang sambitin ang panalanging iyon ay sumilyab ang apoy sa altar at tuluyan nang natupok an

    Last Updated : 2023-05-23
  • The Chosen Wife   Chapter Twelve: Ang Bagong Concubine

    Nagpunta ang mga hari, reyna, concubines, mga prinsipe at mga prinsesa sa Guzen sa Way Kingdom upang saksihan ang pakikipag-isang dibdib ni Prinsipe Yuri kay Adah bilang kanyang concubine. Labis ang suporta na ipinakita ng mga prinsipe at prinsesa sa Truth Kingdom at Light Kingdom dahil si Adah ay isang napakatapat na tagapaglingkod ni Prinsesa Nini. "Parang kailan lang at magkakasama pa tayong naglalaro noong mga paslit pa tayo..." naluluhang pag-alala ni Prinsesa Nini habang pinagmamasdan si Adah. Ngumiti naman si Zillah nang maalala ang ikinukwento ni Prinsesa Nini, "Kay bilis lamang ng panahon, Prinsesa Nini..." "Napakaganda niya, hindi ba?" naiiyak na pagtukoy ni Prinsesa Nini kay Adah. Tumango naman si Zillah habang pinanonood si Adah at Prinsipe Yuri, "Oo naman, mahal na Prinsesa! Isa siya sa mga pinakamaganda mong tagapaglingkod sa palasyo!" Labis na napangiti si Prinsesa Nini, "Bagay na bagay sa kanya ang kanyang kasuotan.

    Last Updated : 2023-05-23

Latest chapter

  • The Chosen Wife   Chapter 46:

    Bali-balita na nga sa buong Melyntor ang tungkol sa paghahanap ni Reyna Purisima ng mapapangasawa ni Haring Yusef. Maging sa palasyo ni Prinsesa Nini ay laman ng usapan ng mga tagapaglingkod ang tungkol sa napipintong paghahanap ng mapapangasawa ng bagong hari ng Light Kingdom. Si Deborah naman ay tahimik lamang na lumabas ng palasyo dala ang mga lalabahang palace curtains upang magtungo sa Jealous River. “Si Deborah ba ang lumabas na iyon?” hindi paniniguro ng isang tagapaglingkod. “Maaaring siya nga sapagkat nakita kong dala niya ang mga lalabahang palace curtain.” Hindi siguradong tugon naman ng isa pa sa mga tagapaglingkod. Walang kaalam-alam ang mga tagapaglingkod sa palasyo na hindi nagugustuhan ni Deborah ang mga usap-usapan nila. “Bakit ba hindi na sila nagsawang pag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa ng bagong hari?” umiirap na pagmamaktol niya. Bagamat napakabigat ng mga dalahin niya ay hindi niya iyon alintana. Kas

  • The Chosen Wife   Chapter Forty-five: Longing Mountain

    "Kumusta, Leader, may balita na ba sa iyong kasintahan?" masiglang tanong ni Hanri kay Ram Luiz. Naisipan ni Ram Luiz na pag-ensayuhin ang kaniyang grupo sa dulong kapatagang malayo sa Edoma Forest. "Sino?" pinipilit ang sariling huwag mapangiti. "Si Deborah ba?" Nagtinginan naman ang kanilang mga kasamahan na makikitaan ng makabuluhang ngiti. "Ipagpaumanhin mo, Leader, ngunit wala ka pa namang nababanggit sa amin na siya ay iyong kasintahan," tila nanunuksong paalala ni Hanri. Nagtinginan ang kanilang mga kasamahan at tinukso siya. Napailing na lamang si Ram Luiz at napangiti. Habang nagkakasayahan sila ay dumating naman ang grupo ni Siviro dahilan upang bumulong si Hanri kay Ram Luiz. "Leader, si Adult Siviro..." Natigilan sa pagtawa sina Ram Luiz at inobserbahan kung ano ang sadya ng grupo ni Siviro sa lugar kung saan naroroon din ang grupo nila. "Mag-eensayo rin ba kayo?" magaan ang ekspresyon ng mu

  • The Chosen Wife   Chapter Forty-four: Trono

    Nasa kaniyang trono si Haring Yusef nang bumisita si Reyna Purisima. "Masayang Melyntor day sa anak kong hari!" malugod na bungad ng reyna. Napangiti si Haring Yusef bagamat hindi siya maaaring tumayo sa trono para lamang yumakap sa reyna sapagkat mas mataas na ang posisyon niya rito, "Masayang Melyntor day sa iyo, aking inang reyna. Nalulugod ako na makita ka." "Mas naging makisig at magiting ang iyong tindig ngayon, anak kong hari," pagpuri ng reyna. "Hindi kataka-taka na magaganda ang nasasabi ng mga mamamayan at opisyales patungkol sa iyong pag-upo bilang bagong hari!" Huminga siya nang malalim at sumeryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Naalala niya ang mga isipin patungkol sa sistema ng kaharian na kailangang ayusin. "Mabuti naman kung ganoon, aking inang reyna," matipid niyang tugon sapagkat hindi niya maaaring ibahagi sa reyna ang sumasagi sa isipan. Ang reyna at mga prinsesa sa lahat ng kaharian sa Guzen ay hin

  • The Chosen Wife   Chapter Forty-three: Light Kingdom

    Dumating na ang itinakdang panahon nang pagtatalaga kay Yusef bilang panibagong hari ng Light Kingdom. Ang lahat ng mga mamamayan ng Light Kingdom ay saksi sa paglalagay sa kaniya ng korona at ang pormal na pagtatalaga bilang ama ng buong kaharian. Ang lahat ng kaniyang mga kapatid ay naroroon maging ang kani-kanilang asawa. "Mabuhay ang bagong hari ng Light Kingdom! Mabuhay ang Haring Yusef!" "Mabuhay!!!" Ang ilan sa mga tagapaglingkod ng palasyo ni Prinsesa Nini ay naroroon din sa pinagdaraosan ng pormal na pagtatalaga kabilang si Deborah. "Napakalayo na talaga ng narating ni Prinsi-- este, Haring Yusef!" naiiyak na puna ni Harvan. "Tama ka, Harvan. Mula pagkamusmos natin ay natunghayan ko na ang pagmamahal niya sa lahat ng mga mamamayan ng Light Kingdom maging ng buong Guzen," dugtong naman ni Adell. Habang nag-uusap sina Harvan at Adell ay tahimik lamang na pinagmamasdan ni Deborah ang bagong hari. Batid niya sa maran

  • The Chosen Wife   Chapter Forty-two: Haddez

    Dahil natapos na ang pag-aaral ng metal alchemy nina Davideh, Kaleb, at Cloudio ay muli silang bumalik ng Gypto at nagbigay-ulat kay Prinsipe Reuel Eriam. "Mahal na Prinsipe Reuel Eriam, naririto na po ang mga sorcerers na nagmula sa Gitu!" "Papasukin sila." Utos ni Prinsipe Reuel Eriam "Masusunod po!" at lumabas na ang tagapagbantay. Sina Davideh naman ay pinapasok na ng tagapagbantay sa himpilan. "Pagbati po, aming Tiyuhin na Prinsipe..." nakayukong pagbibigay-galang ni Davideh. Yumuko rin sina Kaleb at Cloudio. Nagbigay-hudyat si Prinsipe Reuel Eriam na sila ay magtaas na ng tingin at humarap sa kanila, "Ikinagagalak kong makita kayong muli mga minamahal kong pamangkin..." Ngumiti nang maluwag si Davideh, "Ikinagagalak rin naming makita kayong muli, aming Tiyuhin na Prinsipe!" Tumango nang bahagya ang prinsipe bago sumagot, "Marahil ay marami kayong natutuhan sa inyong pag-aaral ng metal alchemy..." "Tama ka, T

  • The Chosen Wife   Chapter Forty-one: Zombaya

    Ang Zombaya ay isang lupain sa pagitan ng Gypto at Ramosen na pinaninirahan ng mga vampire clans ng Vlad, Red, Eklips, Dark at Demyr. Ang mga vampire clans na ito ay matatapang ngunit hindi nananakit ng kahit na anong nilalang. Katulad ng ibang vampires sa iba't ibang lupain sa Melyntor ay sumisipsip din sila ng dugo ng anumang Qanna animal. Daan-daang Melyntor years na ang nakalilipas nang ang isang Mortanang shaman na nakatira sa Gypto ang umibig sa isang Adonong vampire. Ang Adonong vampire naman ay nakatakdang makipag-isang dibdib sa isang Adonang vampire na ipinagkasundo rito ng kanilang mga vampire clans kaya hindi maaaring ibigin ng Adonong vampire ang shaman. Isang evening hour bago ang Melyntor day kung kailan nakatakdang mag-isang-dibdib ang Adono at Adonang vampire ay nagpunta ang shaman sa kaniyang kaibigang witch upang gumawa ng nakalalasong dahon. Ang dahon na iyon ay delikadong masunog sapagkat nakasisira ng kaisipan at nakakalakas ng pin

  • The Chosen Wife   Chapter Forty: Pagpili

    . Sa pagdiriwang ng ikaapatnapung kaarawan ni Prinsipe Lamech ay nagdatingan ang mga prinsesa at dukesa mula sa iba't ibang kaharian ng Guzen. Sa kultura ng mga Levitan, hindi maaaring ipakasal sa isang Levitano ang hindi Levitana kaya naman ay sa mga kaharian lamang sa Guzen nag-imbita ng mga Mortana si Reyna Purisima. Dahil kay Prinsesa Nini ay nagkaroon ng magarbong kasuotan si Arahab. Bumagay sa kaniyang kagandahan ang mga aksesoryang iniregalo ng prinsesa. "Tuloy po kayo, First Ranked Attendant Arahab!" Nagtinginan kay Arahab ang mga dukesa at prinsesa nang marinig nila ang kaniyang estado. "Isang tagapaglingkod?" tanong ng isa sa mga dukesa dahilan upang magtawanan ang mga ito. Nakangiting lumapit sa kaniya ang isang Mortanang maamo ang mukha, "Masayang Melyntor Day sa iyo, Binibini! Ako si Prinsesa Annly, nagmula sa Living Water Kingdom." Sinipat ni Arahab mula ulo hanggang paa ang Mortana. May isa pang

  • The Chosen Wife   Chapter Thirty-nine: Pagpili

    Nagmamadaling tinawag ni Harvan si Arahab dala ang isang liham. "Arahab! Arahab! May liham para sa iyo." Tumigil sa pagmamando sa ibang mga tagapaglingkod si Arahab upang kunin ang liham na iniaabot ni Harvan. Binasa niya ang nakasulat sa labas na bahagi ng liham, "Nagmula sa Light Kingdom?" "Buksan mo na, Arahab!" Tiningnan ng masama ni Arahab ang kaibigan. "Tapusin niyo na lang ang itinuro ko sa inyo, babalik ako upang suriin iyan mamaya." "Uy, Arahab! Saan ka pupunta? Hindi mo ba muna babasahin ang liham?" "Marami pang pinapagawa sa akin ang prinsesa. Kailangan ko na munang tapusin iyon." "Ano?! Arahab, gusto kong basahin mo ang liham!" Nagtungo siya sa bahagi ng palasyo na walang indibidwal. Sinigurado ni Arahab na siya lamang ang makakabasa ng sulat bago niya binuksan ang lalagyan niyon. Hindi niya mawari kung bakit nakaramdam siya ng kaba nang masipat sa lalagyan na nakasulat doon na iyon a

  • The Chosen Wife   Chapter Thirty-eight: Hinagpis at Pakikiramay

    Tumulong si Deborah at ang mga kapwa niya tagapaglingkod na kasama ni Prinsesa Nini sa preparasyon ng libing ni Haring Nimrod. Habang nag-aayos ng bulaklak ay nasusulyapan ni Deborah sina Yusef at Prinsesa Nini na nag-uusap. Kung maaari niya lamang ihampas sa dalawa ang mga bulaklak na inaayos niya ay ginawa na niya. "May problema ba, Deborah?" Natingnan ng masama ni Deborah si Harvan ngunit binawi niya ang tingin at muling bumaling sa mga bulaklak, "Problema? Mukha ba akong may problema?" Naramdaman niyang tumabi si Harvan sa kaniya. Ngumiti pa rin ito bagamat nababatid na rin ang pagsusungit niya, "Para kasing hindi mo gusto ang bulaklak, ayaw mo ba sa amoy nito?" Huminga siya ng malalim at pansamantalang tumahimik. Hinagod ni Harvan ang kaniyang likod, "May iniinda ka bang karamdaman, Deborah? Sumasakit ba ang iyong likod o anumang bahagi ng iyong katawan?" Bigla siyang huminahon at mahina ang tinig na tumugon, "Hindi m

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status