"Ahhhh! Sandali. Huwag kang malikot." natatawang hinarangan niya ang mukha dahil tumalsik ang tubig sa katawan ng asong pinapaliguan niya.Nasa lawn kami sa kaliwang bahagi ng bahay.Oo, aso na ipinadala ng lolo tatlong araw na ang nakakalipas. At limang araw na din mula ng dumalaw dito ang mama at pinagsalitaan na naman siya nito ng mga masasakit na salita.I heard everything dahil sa cctv ng bahay na pinanuod ko ng gabi ding iyon. At nakita ko na kahit nagtitimpi siya ay hindi niya pinatulan ang mama.Kaya masinsinan kong kinausap si mama at sinabihan na huwag makikialam sa mga plano ko. Nagalit pa ito sa akin at huwag na huwag daw mahuhulog ang loob ko sa kanya at sinabi kong hindi mangyayari iyon.Pero......Napapailing na hindi ko na mapigilan na mapangiti ako ngayon habang nakatingin ako sa kanya dahil ang kyut niyang tignan at parang bata lang na naglalaro kasama ang aso niya. Well, hindi ko lubos maisip na gagaan ang loob ko sa mga araw na dumadaan kasama siya at makita siyan
"Anong sabi ng lolo?" Tanong ko sa kanya habang nag aayos kami ng mga gamit na dadalhin namin."He said yes. And.." napatingin pa siya sa akin ng hindi naituloy ang sasabihin dahil napansin kong namumula na naman ang buo niyang mukha pati tainga."And what?""Sabi niya, enjoy our honeymoon daw. At sinabi niya na huwag daw gabi gabi. Huwag daw araw araw." Halos hindi lumabas iyon sa bibig niya at nakayuko siya habang sinasabi iyon. At talagang namula na siya ng tuluyan dahil doon."Bakit naman hindi, little lamb? Saka nasa sa akin na iyon kung gusto kong lagi kang inaangkin." Sabi ko pa na mas lalong nakapagpadagdag ng pamumula niya.Nilapitan ko siya at ipinaangat ang mukha niya gamit ang daliri ko sa baba niya. Naramdaman ko pa talaga ang init ng mukha niya ng ilapit ko ang mukha ko para dampian siya ng halik sa labi."Your burning, little lamb. And I like to feel that heat of your body. At huwag kang mag alala, dahil kapag aangkinin naman kita. Sisiguraduhin kong parehas tayong mag
Kumabog ang dibdib ko ng marinig ko ang paghingi niya ng sorry kanina kaya naman hanggang ngayon nakababa na kami sa eroplano ay hindi na iyon nawala sa isipan ko. At iyon ang unang beses ko siyang naringgan ng paghingi niya ng tawad.Ewan ko lang kung totoo, pero naramdaman ko na kahit siya ay nabigla din doon kanina.Kaya mas na dagdagan ang kung anong kaba sa dibdib ko. Bumilis ang tibok ng puso ko na hindi ko dapat maramdaman.Pero pasaway ang puso ko dahil hindi ko ito mapakalma sa pagtibok. Na parang nakikipag-unahan sa pagpintig at gusto na yatang kumawala sa kinalalagyan nito. At ngayon hawak ang kamay ko na bumaba ng eroplano. Lic. Adolfo López Mateos International Airport. Kung saan lumapag ang Private airplane na sinakyan namin."Buenos días señor Francisco." Pagbati ng sumalubong sa amin sa departure area ng Airport."Buenos días también. ¿Te envió mi abuelo?" (Magandang umaga din. Ipinadala ka ba ng lolo ko?) Sagot naman nito sa kanya at hinayaang ito na mismo ang humila
Pinilit kong magmulat ng mata dahil sa nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura ko. Pero ng magtangka akong bumangon ay parang nabugbog ang buong katawan ko dahil sa bigat ng pakiramdam ko.Damn it! Naitakip ko ang mga palad ko sa mukha ko ng maalala ang namagitan sa amin na siyang dahilan kaya ganito kabigat ang katawan ko. Nanghihina ako at talagang tinakasan ng lakas sa katawan.He take me three times. One in the bathroom and two, here in bed. Pakiramdam ko ay wala na talaga akong lakas. Ang sakit ng buo kong katawan.Doon ko naramdaman ang pag alog ng kama kaya napabaling ako sa kanang bahagi. At siya iyon na nasa kandungan nito ang laptop at halatang may ginagawang trabaho."Are you hungry?" Tanong niya ng balingan ako ng mapansin yatang gising na ako. Nakangiti na naman siya at fresh na fresh na ang ayos habang ako.Hindi ko mapigilan ang sariling magtalukbong na naman ng kumot. Ano na lang ba ang ayos ko? Hagard? Tapos nanlalagkit pa ang buong katawan? Nakakahiya?"Can you stop hi
Kababalik lang namin kahapon galing bakasyon namin ni Ellise at masasabi ko namang nakalimutan ko ang mga naiwang problema sa mga kompanya ko.Nabawasan ang pagkabagot ko ngayong abala na naman ako sa mga dokumentong inaanalisa ko.Napaangat na lang ang tingin ko sa mga binabasa ko ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng opisina ko. Sisitahin ko sana kung sino ang nangahas na iyon ng makita ko ang mama na parang galit at mabilis na lumapit sa akin.Tumayo ako at sasalubungin sana siya para batiin ng biglang dumapo ang palad niya sa pisngi ko."Mama!" Tigagal na awtomatikong hinawakan ko ang pisngi ko na nangapal yata sa lakas ng pagkakasampal nito sa akin."Palabas lang ba o nahuhulog na ang loob mo sa hampas lupang babaeng iyon." Galit na tanong nito sa akin."Mama!" Umayos ako ng tayo at tinalikuran siya at muli akong umupo sa swivelchair ko at kampanting tumingin sa kanya. "Kung iyan ang ipinunta ninyo dito at bigla na lang kayo mananampal, makakaalis na kayo mama. Napag usapan na
"Hey, watch out!" Mabilis na kumilos siya at hinila ang bata na mag isang naglalakad sa parteng iyon ng mall ng muntik na itong mabangga ng trolley na naglalaman ng mga kahon. Dahil sa nagulat din ang nagtutulak ng trolley ay agad itong tumigil. Dahilan para gumalaw ang mga kahon na laman nun. Sa paggalaw ng mga kahon ay may isa sa taas ang malalaglag. "Mi esposa." Mabilis akong kumilos. Hinawakan siya sa kamay habang hawak ang batang lalaki, hinatak siya paalis sa pabagsak na kahon. "Hindi ka ba nag iingat?" Galit na tanong ko sa kargador na nakatulak sa trolley ng balingan ko ito. "Sorry, sir. Bigla kasing tumakbo ang bata." Sagot naman ng lalaki. "Nathan, okay lang." Pagbaling naman niya sa akin. Binalingan ang lalaki na sinabing ayos lang saka ito pinaalis para ipagpatuloy ang pagtulak ng trolley nito. "Are you okay?" Tanong na niya sa bata ng balingan ito. Tumango ang bata saka ngumiti. "Next time mag ingat ka huh! Nasaan ang mga kasama mo?" Itunuro ng bata ang kump
He promise that he won't date anyone pero ano iyong bigla na lang kumalat na balita sa Social Media.Ni hindi pa naorasan pero ang dami ng likes, views and comment about it.Long time fiance? Bakit hindi ko alam?Ayaw ko man sana masaktan pero hindi ko mapigilan. Mayroon pala siyang fiance pero wala akong kaalam alam.Pilit ko mang kinakalma ang sarili ko para hindi maiyak pero hindi ko kayang pigilan. Kusang pumapatak na ngayon ang mga luha sa mata ko at malaya ng naglandas sa magkabilang pisngi ko.Ni hindi ko na nadala ang cellphone ko. Ni wallet ay hindi ko dala. Ni wala akong singkong duling na laman ng aking bulsa na basta na lang ako lumabas ng bahay at lumabas ng Imperial. PLACE.Ewan ko kung saan ako ngayon dadalhin ng mga paa ko. Nakalabas na ako sa subdibisyon ng I. PLACE at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Titigil na lang siguro ako kapag napagod na ako at kung hanggang saan titigil ang mga paa ko.Hanggang sa namalayan ko na lang na nasa isang gilid na ako ng maliit
"Pwede ba akong lumabas mamaya?" Tanong ko sa kanya ng matapos kaming kumain.Na ngayon ay nasa sala kami nakaupo at nanunuod ng TV. Nakaunan siya sa mga hita ko habang ang isang kamay ko ay sumusuklay sa buhok niya.Nabaling ang mga mata niya sa akin mula sa pinapanuod namin. Ako man ay napatingin din sa kanya."Saan ka pupunta?" Seryusong tanong niya.Hanggang ngayon kasi ay hindi pa niya ako hinahayaang lumabas ng hindi siya kasama."Magkikipagkita sana ako sa kaibigan ko. Kasi dumating na sila galing bakasyon galing probinsya" Totoong sagot ko sa kanya."Kaibigan? Sino? Babae o lalaki?""Babae.""Kaibigan ba o ka‐ibigan?" Diskompyadong hindi naniniwala sa sinabi ko."She is just my friend. Since childhood." Sagot ko.Saka ko inabot ang phone ko na nakapatong sa lamesa para ipakita sa kanya ang litrato namin."Here, we have a lot of picture in my files. Take a look. Para hindi mo isipin na nagsisinungaling ako."Kinuha nga niya iyon sa akin at tinignan ang bawat larawan sa phone ko
"Lolo." Napatitig sa akin si Lolo Alejandro. Nakikita ko sa mga mata nito ang pagtutol sa nais kong pag alis nang hindi nagpapaalam kay Nathan. Kay lolo ako sinabi ang pag alis ko dahil alam kong kaya nitong itago kung saan man ako pupunta. "Ellise, apo. Hindi ka na ba mapipigilan? Anong nagawa sayo ng asawa mo at bakit ayaw mo siyang makausap? Bakit hindi niyo pag usapan muna kung ano ang hindi niya pagkakaunawaan." "Hindi na muna sa ngayon lolo. Alam kong nagsimula kami sa hindi maganda at hindi iyon magdudulot sa amin ng magandang wakas." "Pero.." "Lolo." umiling ako para pigilan itong magsalita pa na kumbinsihin akong huwag ituloy ang balak ko. "Kung talagang mahal na ako ni Nathan, kahit lumayo ako. Hindi siya titigil sa paghahanap sa akin. At kung darating ang araw na mahanap niya ako at hindi pa rin nagbago ang nararamdaman niya ngayon sa akin, ako na mismo ang bubuo ng relasyon namin. Kaya nakikiusap ako sayo lolo. Kaya ako nagsasabi sa inyo nga
"What are you doing here, mama?" Walang emosyong tanong ko kay mama na nagpumilit paring pumasok ng opisina ko kahit pinigilan ito ni Nancy at sinabihan na hindi ako tumatanggap na kahit na sinong bisita. Lalo na si Mama dahil hindi pa rin humuhupa ang galit ko sa pangingialam nito sa relasyon namin ng asawa ko. Hindi ako tumingin dito. "Anong klaseng tanong iyan?" Galit rin na tanong ni mama at padabog pang ibinaba sa ibabaw ng lamesa ko ang bag nito. "Ganyan mo ako haharapin matapos kitang tulungang napalayas ang babaeng iyon?" Naging marahas ang pagbaling ko sa sinabi nito. Nagtitimpi ako ngayon na huwag itong masigawan pero kung magpapatuloy ito sa mga masasamang salita patungkol kay Ellise ay baka hindi na ako makapagpigil pa. "Umalis na kayo habang nakakapagpigil pa ako." "Ano? Anong klaseng pakikiharap yan sa akin. Huwag mo akong pakitaan ng ganyang kagaspangan ng ugali, tandaan mo, ako pa rin ang mama mo." Nagpakawala ako ng malalim at mahabang pagh
"Hindi ako magaling magpayo, pero sa mga sinabi ko ay sana magising ka na sa katotohanan. At ayusin mo ang sarili mo." "You talked to much." Pabalang na sabi ko sa kanya. Nahihilo man ako ay nagawa ko siyang itulak para umalis sa daraanan ko. Hindi na ako nagpilit na kumuha ng ibang inumin kundi tinungo ko na ang sala at doon na umupo. Halos hindi ko din ma irelax ang katawan ko dahil maraming nakakalat doon. "Tidy up yourself. Dahil kailangan ka ni lolo ngayon." Narinig kong sabi niya ng sundan ako na napapangiwi na naman dahil sa kung anu ano na lang ang naapakan niya na nakakalat sa sahig. "Wala akong ganang lumabas? Saka, bakit niya ako kailangan ngayon, nandyan naman kayo para sa kanya." Wala sa loob kong sagot sa kanya. Kahit papaano ay bahagyang nawala ang lungkot dahil may nakakausap ako. Unang beses na nanghimasok si Lancer sa bahay ko. "Tatlong araw ng nasa hospital si lolo, dahil inatake ng hypertension." Napatayo ako dahil doon pero agad din akong napaupo dahil umata
Isang linggo na ang lumilipas pero wala paring nakakalap na balita ang mga inutusan ko tungkol sa kanya. At isang linggo na rin akong hindi lumabas ng bahay. Ni hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa mga negosyo ko. But I don't care, wala akong pakialam ni isa man sa mga iyon o sa mga nakapaligid ngayon sa akin dahil mas nakatuon ang isip ko kay Ellise at sa paghahanap sa kanya. "Where are you mi esposa?" Halos pumiyok pa ako sa pagsasalita ko habang nakasubsub ang mukha ko sa counter table sa bahaging iyon ng bahay kung saan ako umiinum ng alak. Wala na akong ginawa maliban sa uminom ng alak habang naghihintay ako ng balita. Wala na din akong ibang sinasagot sa mga taong tumatawag sa akin kung hindi ang taong inutusan ko ang tatawag at iyon lang ang hinihintay ko, wala ng iba. Gustong gusto ko na ding sugurin si mama at ipakita at iparamdam ang galit ko sa kanya dahil sa ginawa niyang pangingialam pero nagpipigil pa rin ako dahil iniisip ko na siya pa rin ang nagsilang sa
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa akin ni Geline ng hapong iyon dahil siya na ang una kung naisip na nakakaalam kung nasaan si Ellise.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga sandaling ito dahil nababalot ako ng iba't ibang emosyon.Isa na ang galit, dahil hindi ko na siya naabutan sa bahay pagkagaling ko sa bahay ng lolo kaninang umaga. At apat na oras lang akong nawala. Pero wala na siya pagbalik ko. Tanging si Celine na lang ang naiwan at nagsabi sa akin na umalis siya na may dala dalang maleta. Hindi pa nga ako naniwala at tinungo ko ang silid namin pero wala nga siya. Wala na din ang ilang damit niya sa closet.Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya sa bahay ng mama niya, pero wala na din akong naabutan doon dahil tanging ang kasama na lang din sa bahay ang naiwan at nag iimpake na din ng gamit paalis.Kaya naman, ngayon si Geline ang sumunod na pinuntahan ko at nandito na ako mismo sa bahay nila dahil wala ito sa shop niya na una kong pinuntahan."Ilabas mo si
Tunog ng phone ko ang nakapagpagising sa akin.Ngunit bago ko iyon sinagot ay binalingan ko muna si Ellise na mahimbing sa pagkakatulog habang nakaunan siya sa braso ko.Padamping hinalikan ko muna siya sa noo saka ko maingat na inalis siya sa pagkakaunan sa akin at sinagot ang tawag."Yes, Hello?"Hindi ko na tinignan kung sino man ang tumawag na iyon."I need you here, right now. At gusto kong sabihin sayo ang ilan pang bagay tungkol sa asawa mo. Na dapat ay noon ko pa sinabi sayo.""Gaano ba kahalaga iyan lolo? Hindi ba pwedeng mamaya na lang o bukas? Masyado pang maaga." Sagot ko kay lolo dahil tinatamad pa akong lumabas ng bahay.Muli kong sinulyapan si Ellise bago binalingan ng tingin ang alarm clock sa gilid."Mag aalas sais pa lang ng umaga lolo.""Pumunta ka na lang dito. Kailan ka pa naging tamad pagdating sa mga bagay na makakatulong sayo." May galit na pagmamando na naman ni lolo sa akin. "Saka sabado ngayon, at alam kong wala kang mahalagang gagawin ngayon dahil naayos mo
"Me esphosho. Hek."Bulong niya sa tainga ko ng ibaon niya ang mukha doon habang karga ko siya papasok.Umakyat sa kwarto namin, dumiretso sa banyo para mapaliguan siya ng mahimasmasan kahit papanu sa kalasingan niya."Ano bang problema mo at bakit ka uminom?" Kunot ang noo ko na tanong kahit alam ko na wala na akong aasahan na matinong sagot mula sa kanya.At tulady ng inaasahan ko. Isang hagikgik lang na para bang nakikiliti lang ang naging sagot niya sa akin. Napapailing na nilagay ko siya sa bathtub at hinubaran."Hek, dho you whan tho mhake lhove weth mhe." Tanong pa niya, huli na para makasagot ng hilain niya ako pasampa sa bathtub kaya naman pareho na kaming nabasa ng tubig mula sa shower filter kaya napilitan na rin akong magtanggal ng damit at sinamahan na nga siyang maligo.Sabon dito, sabon doon, sa buong katawan."Mi esposa, umayos ka. Lasing na lasing ka."Pinigilan ko ang kamay niya ng maglikot iyon na humawak sa pagkalalaki ko. Lasing man siya ngayon, mapupungay man kun
"Tawagan mo na lang ako mamaya kapag uuwi ka na." Bilin ko sa kanya kinaumagahan nang maihatid ko siya sa bahay ng mama niya. Napapansin ko man na kahit ngumingiti siya ay wala akong nakikitang sa kanyang mga mata. Gusto ko man sana siya tanungin at usisain ay wala naman siyang ibang maisagot maliban sa gusto lang daw niya ako makasama. Simula kahapon matapos itawag sa akin ni Celine na namumutla siya ay hindi ko na siya nakitaan ng may ngiti talaga na umaabot sa kanyang mga mata. Ngunit sa kilos niya ay naging clingy niya at halos ayaw na yata niyang mahiwalay sa akin. Kung hindi lang siya pumunta dito sa bahay ng kanyang mama ay hindi rin sana ako papasok ngayon. Bagamat, nagpilit siya at sinabi na gusto lang niya masama at makabonding sandali ang mama niya na bihira na din niyang makasama dahil sa bahay lang siya at hindi na masyadong lumalabas. "Susunduin kita." "Sige, mag ingat ka." "Para sayo mi esposa. Mag iingat ako lagi. Kaya dapat ikaw din." Balik paalala ko sa kan
"The clothing department export thousand of garments and it delivered on time last week. And Mr. Gascon sent us 100% feedback for proper and timely delivery of the garments." Pagbabalita sa akin ng manager na humahawak sa clothing department.Nasa kalagitnaan kami ng meeting at nagpapasa na naman sila ng report sa akin sa mga nagawa at mga bagong balita para sa kani kanilang department na hinahawakan sa bawat sangay ng kumpanya ko.Sa ibang mga negosyo ko ay naging maayos ang takbo at kumikita iyon ng malaking halaga maliban sa clothing department na nakatanggap ng bomb threat nitong nakaraan araw lang kaya naman lagi akong abala at hindi na ako nakakauwi ng maaga sa bahay.Hindi na din ako nagkakaroon ng mahabang oras para kay Ellise. Sa tuwing uuwi na ako ay halos hatinggabi na dahil sa inaayos ang issue patungkol sa bomb threat na iyon na halos ikinabagsak ng 20% doon na naapektuhan na din ang ilan pang sangay nito. At iyon ang dahilan para mabawasan ang oras na nakakasama ko siya.