NAGLAYAS nga siya nang gabing 'yon. Nang makita niya ang cellphone niya na may maraming missed call mula sa Kuya Adam at sa Mommy niya ay pinatay niya ang kaniyang cellphone at inihagis iyon sa likurang upuan ng sasakyan niya. Ayaw niya munang makakausap ang mga ito. Magpapalipas lang siya ng kaniyang oras at siya na ang tatawag sa mga ito.
He was driving with no specific place to go. Basta lang na tumatakbo ang kanyang sasakyan sa madilim na daan. Nakarating na siya sa bayan ng San Pedro nang biglang tumirik ang kanyang sasakyan sa kalagitnaan ng daan.
"Damn! A piece of shit! Kung minamalas ka nga naman, oo!" Mabilis siyang pumanaog sa kaniyang sasakyan para tingnan ang deperensya ng kaniyang sasakyan. At nang matingnan niya iyon ay napapamura siya ulit nang sobrang lakas dahil nakita niyang out of gas ang kaniyang kotse.
Nagpalinga-linga siya sa paligid. May kadiliman ang bahaging kinaroroonan niya dahil sira ang ilaw sa ilang poste. Alam niyang wala ring gasoline station na malapit sa bahaging ito kung nasaan siya. Kabisado na kasi niya ang lugar na ito dahil dito ang daan papunta sa main office ng kompanya ng kaniyang ama. At ang lahat ng bakanteng oras niya mula sa kaniyang pag-aaral ay ginugugol niya sa kompanyang iyon.
Muling nanikip ang kaniyang dibdib nang maalala niya ang namagitan na alitan sa kanila ng Daddy niya. Alam niyang hindi siya masamang anak dahil hindi niya napagbigyan ang kaniyang ama sa pagkakataong ito. Ginawa lang niya kung ano ang idinidikta ng kaniyang puso.
Napatingin siya sa kaliwang side ng kalsada tanging iyon ang mailaw sa bahaging ito. Mailaw iyon dahil disco bar ang nandoon. Napatingin siyang muli sa kaniyang kotse, it’s either he will choose to stay inside of his car or he will spend his time in that bar until tomorrow morning.
As he thinks the first option he dismissed the idea dahil alam niyang papakin siya ng lamok hanggang sa sumapit ang umaga roon sa loob ng kaniyang sasakyan. He chose the latter instead. Iyon lang ang choice na mas practical niyang piliin sa mga sandaling ito.
Kinuha niya ang wallet niya sa loob ng kotse niya at in-lock iyon. Pagkatapos ay nagbuntong hininga siya na nilisan ang kaniyang kotse para naman tunguhin ang maingay na bar sa hindi kalayuan. Hindi siya kailan man mahilig sa ganitong klaseng lugar. Naranasan lamang niyang mag-bar kapag na sapilitan siyang isinasama ng kaniyang mga pinsan at minsan ng Kuya Adam niya. Mas gugustuhin na lamang niya na mag-stay sa isang tahimik na lugar. Pero dahil hinihingi ng pagkakataon ngayon ang ganitong sitwasyon ay wala na rin siya sa posisyon para tanggihan pa iyon.
Pagkabungad pa lamang niya sa entrance ay mainit na siyang sinalubong ng bouncer, “Sir Isaac Hendrick Castillo!” Bati nito na para bang isa siyang kapitag-pitagan na panauhin ng bar na iyon sa gabing ito.
Kung alam mo lang kung bakit ako nandito dahil pinalayas ako ng ama ko. He mocked his own conscience.
But he forced a smile to the guy who welcomes him. “Good evening,” magalang naman na tugon niya.
Hindi na siya nagtataka kung bakit kilala na siya nito dahil maliban sa isa siyang Castillo ay kaibigan din ng pinsan niyang si Dash Maxwell Castillo ang may-ari ng bar at paminsan-minsan ay isinasama sila ni Dash dito. Idagdag pa na Mayor sa bayang ito si Corvette Lane na pinsan niya at nakakatandang kapatid naman ni Dash.
“May bakanteng table pa ba sa medyo tagong bahagi ng bar?” Malakas na tanong niya sa lalaki habang pumapasok sila sa loob.
Hindi pa siya umabot sa pinakaloob ng bar ay naririndi na siya sa malakas na hiyawan at magulong tugtog na pinapatugtog ng DJ.
“Basta ba para sa iyo.” Iginiya siya nito sa pinakadulo. May pangdalawahang mesa roon at iyon na yata ang medyo private na part ng bar.
“I’m gonna take that seat. Thank you!” Lumakad na siya papunta roon at nang makaupo siya ay nakita niya ang bouncer na tinatawag nito ang isang waiter at itinuro ang mesa niya.
Napatingin siya sa paligid, ilan lang ang mesang ukupado sa bahaging iyon dahil mas prefer yata ng mga customer ang lugar malapit sa dance floor. Well, iyon naman talaga ang dahilan kung bakit nagba-bar ang mga tao because they want fun and joy. Hindi katulad niya na kaya lang siya pumasok dito dahil gusto lamang niyang magpalipas ng gabi.
“Two bottles of beer, please,” magalang niyang sinabi ang order niya nang dumating ang waiter sa mesa niya. “On the way, Sir Castillo.” Pasigaw na sagot nito dahil sa ingay ng lugar.
Hindi pa siya nagsisimulang uminom pero parang nalalasing na siya sa ingay at idagdag pa na naso-suffocate ang amoy ng sigarilyo, alak, at mga pabango sa loob ng centralize air condition na bar.
Hindi nagtagal ay dumating na nga ang order niya. Kaagad niyang linagyan ng yelo ang baso niya at nagsalin ng beer doon. Medyo sanay naman siyang uminom dahil every weekend ay niyayaya sila ng pinsan niyang si Luke Trevor Castillo na mag-inuman. It’s a normal bonding for them, may-ari kasi ng isang sikat na liquor company si Luke hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo ay umabot na ang pag-export ng produkto nito. At siyempre every inuman session nila ay sagot ni Luke iyon at ang masaya dahil hinayaan sila ni Luke na piliin ang pinakamahal at pinakamasarap na produkto ng inumin nito. Ayaw pa ba nila? Libre na ‘yon ni Luke sa kanila.
Sa lahat ng mga Castillo elders ay ang Tito Fausto rin niya ang mabait though mas matimbang pa rin naman ang pride sa tiyuhin niyang ‘yon pero mas makatwiran lang ang Tito Fausto niya kung ikumpara sa Daddy niya at sa iba pang nakakatandang Castillo. Nag-iisang anak nito si Luke.
Pagkalagok niya ng beer ay biglang sumigid ang mainit na likido sa kaniyang lalamunan. Mapait iyon, kasing pait ng damdamin niya ngayon. Hindi niya namalayan na napapadalas na ang pagsalin niya ng beer sa kaniyang baso.
Hindi rin niya namamalayan na um-order siya ulit ng pangalawang batch ng beer. Medyo nahihilo na nga siya nang maubos niya ang pangalawang order niyang ‘yon. Pero ang isip niya ay aware pa rin naman sa paligid niya. Hindi lang niya pinapansin ang ilang babae na lumalapit at pilit na kinukuha ang atensyon niya.
Well, ladies, sorry for you are not my priority for tonight. Sarkastiko pa siyang napangiti sa kaniyang sarili. Hindi siya nagpunta rito para magsaya. Napatingin siya sa relong suot niya. Quarter to 1:00 AM na. Hindi niya namalayan na ilang oras na pala siyang nandito sa lugar na ito. He even get used to the noise.
Kasalukayan siyang umiinom sa panibagong order niya. Hindi na niya mabilang kung ilang beer na ba ang nainom niya. Nasa ganoong akto siya nang marinig niyang may tumawag sa kaniyang pangalan.
“Isaac Hendrick Castillo!” Ani ng isang bilog at baritonong boses.
Unang tumambad sa kaniyang paningin ang suot na rubber shoes ng lalaki na kulay balat. Umangat ang kaniyang paningin sa mukha nito and he didn’t get surprised as he saw Dean Xavier Contreras handsomely standing right in front of him. Alam niya na regular customer din ang mga Contreras sa lugar na ito. Hindi iilang beses na nagtagpo na ang mga landas nila rito. Sa pagkaalala nga niya ay tuwing pumupunta sila rito ng mga pinsan niya ay nandito rin ang mga Contreras.
“Wanna drink some?” Itinaas niya ang bote ng beer kay Dean.
He just shrugged his shoulders and pull out the vacant chair under the table. Naupo ito roon.
“Mag-isa ka lang yata. Kanina ka pa ba rito?” Tanong nito na halata sa boses na medyo may tama na rin ito. “Enough to have a lot of beer.” Inusog niya ang isang beer na wala pang bawas kay Dean.
Walang salita naman na kinuha nito iyon at uminom diretso sa bote. “Kanina pa ako nandito pero hindi kita nakita.”
“Alam mo naman kapag nasa ganitong lugar ako ay gusto ko lang mamalagi sa isang sulok habang umiinom.”
Tumawa naman si Dean sa sinabi niyang ‘yon kahit hindi niya alam kung saan ba banda sa sinabi niya ang nakakatawa. “As I’ve noticed. Hindi kagaya ng mga pinsan mo at ng Kuya mo na halos akupahin na ang buong lugar."
“Like you and your cousins too.” Natatawa rin niyang biro kay Dean. Biro na may katotohanan. Wild din kasi ang mga ito.
“You're right. Anyways, you’re here for the delayed celebration of your graduation day, right? I’ve heard that you had just graduated your course just recently with flying colors of course.”
“Nope. The reason is too personal, I hope you don’t mind. By the way, are you alone here too?” Iniba na niya ang paksa dahil ayaw niyang sabihin pa na pinalayas siya ng kaniyang ama.
“But of course. Yeah, I’m just alone. Trip kong mapag-isa, alam mo naman magugulo rin ang mga pinsan kong ‘yon.”
Mas dumami pa ang nainom niya dahil sinabayan siya ni Dean Xavier Contreras. Honestly, he is enjoying his company. Masarap kausap si Dean. Mase-sense mo ang talino sa bawat salita na binibitiwan nito. Hindi nakapagtataka na sa edad nito na halos kaedad lang ng kaniyang Kuya Adam ay successful na ito sa sarili nitong negosyo. Nakaka-admire at nakaka-inspire din ang mga Contreras.
Pasimple siyang napatingin ulit sa kaniyang relo. Nahihilo na talaga siya at humihingi na ng pahinga ang kaniyang katawan. Alas kwatro na ng madaling araw.
“Oops, ngayon lang ako nahilo nang ganito. Napasarap ang inuman natin,” si Dean na napatingin din sa sariling relo nito. “I guess, we better go home now.”
“Mauna ka na, Dean. I’ll be staying here until the sun will finally come out.” Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa sarili niyang sinabi. Malakas na talaga ang tama ng alak sa kaniya dahil unti-unti na siyang naging madaldal.
“What? Ilang oras pa ang hihintayin mo rito at alam ko na nahihilo ka na rin kagaya ko,” bulalas ni Dean. “It’s okay. Bukas pa ako maghahanap ng matutuluyan ko.” He can’t control himself from talking what’s inside of him. Dala iyon ng alak na nainom niya.
“Wait, I don’t understand you.” Ang nakatayong si Dean ay muling napaupo sa kinauupuan nitong silya kanina nang marinig ang sinabi niyang iyon.
Because of the spirit of an alcohol he can’t hold his secret anymore, “Pinalayas ako ni Dad.” Bahagya pa siyang natawa sa sinabi niya, “He shooed me away from his mansion just because I refused to help him manage his damn company! I have my own life, Dean. I have my own likes. My own mind. And he’s been doing all of his shit to me and Kuya Adam for a long time! That was so absurd! I can’t stand him anymore! I want him to realize that what he is doing for us is just for his own sake and his own opinion is only matters to him. He didn’t even ask us once if it is okay to us to do things like this and like that.” Bahagya niyang ibinagsak ang bote ng beer sa mesa matapos niyang mailabas ang kaniyang sama ng loob kay Dean. Naumpisahan na niyang sabihin, so, there’s no use of hiding some of his secrets to this fine young man. “Holly shit! Hindi nga makatuwiran ang ginawang iyon ng Daddy mo, Isaac, at kung ako nga sa sitwasyon mo ay gagawin ko rin ang ginawa mong ‘yan.” Hindi makapaniwala si Dean habang paulit-ulit na sinasabi sa kaniya na tama lang ang kaniyang ginawa. “May prospect ka na bang pupuntahan mo bukas?” Alanganin na tanong ni Dean sa kaniya.
“No. Maghahanap pa lang ako ng kapalaran ko,” he was a bit lazy to talk about it.
“Why don’t you come with me now? May bakanteng silid pa ang condo ko. Doon na lang natin pag-uusapan ang tungkol sa bagay na ‘yan, masiyado kasing magulo rito." Alok sa kaniya ni Dean.
"But my car is just outside, naubusan kasi ako ng gas, iyon ang dahilan kung bakit ako nandito para magpalipas ng oras." Itinuro niya ang kaniyang kotse kung saan ay kitang-kita mula sa glass wall ng bar. "Papuntahan ko na lamang sa mekaniko kong si Ronie ang kotse mo, don't worry about it at ako na ang bahala."
Hindi na nga niya tinanggihan ang alok na iyon sa kaniya ni Dean Xavier Contreras dahil gusto na rin ng katawan niya ng pahinga, idagdag pa na sobrang nahihilo na siya sa dami ng alak na nainom niya. Pagdating nila sa condo ni Dean ay hindi rin sila kaagad nakatulog dahil nagbukas pa si Dean ng dalawang canned beer. Alam niyang marami pang gustong malaman si Dean kung bakit siya naglayas sa kanila. At dahil matagal na rin niyang kilala si Dean at ang mga pinsan nito ay hinayaan niyang buksan ang sensitibong paksa na 'yon ng kaniyang buhay.
Nagulat pa ito nang isiwalat niya kung gaano ka walang puso ang mga nakakatandang Castillo.
"Why don't you stay at your condo unit? I am sure you own one," suggestion ni Dean. Umaga na pero heto at dinadamayan pa rin siya ni Dean. Naglalasing pa rin silang dalawa.
"Pera ng ama ko ang binili n'on and I don't want to still get involve from everything he owns." Patuya siyang nangiti.
"How about asking help from Adam? Nakikita ko naman na close kayo ng Kuya mo," suggestion nito ulit. Napailing siya, "Mas lalo akong makakarinig ng pang-iinsulto sa Daddy. I already dropped down the idea even though I knew Kuya Adam would be glad if I'll do that."
"You can use this place kung wala ka pang maisipan na puntahan mo. We're friends and I'll be guilty if I wouldn't offer you such help. Tutal ang lugar na 'to ay hindi ko naman ginagamit dahil mas pipiliin kong manatili roon sa aking rest house."
He was hesitant at first, hindi dahil sa kung ano pa man kundi dahil parang mahirap tanggapin ng kaniyang pride na tutulungan siya ng iba. Pinilit siya ni Dean. Pumayag lamang siya nang may ginawang deal sa kaniya ni Dean.
"Kung nahihiya ka pa sa 'kin ay magtrabaho ka na lamang sa aking kompanya," muling alok sa kaniya ni Dean.
Matagal pa munang discussion ang namagitan sa kanila ni Dean bago siya nito napapayag. Dahil may bagong branch na bubukas ang fast food ni Dean ay inalok siya nito na i-manage niya 'yon. Ang unang offer nga nito sa kaniya ay gawin siya nitong manager sa lahat ng branch nito pero tinanggihan niya 'yon dahil alam niyang kulang pa ang kaalaman niya sa ganoon kalaking obligasyon. Kakayanin naman niya pero ilulugar din naman muna niya ang kaniyang sarili.
Ang pangalawang alok ni Dean ang siyang pinili niya. Dean compensated him with a good salary. May bahay na siyang masisilungan at meron na rin siyang trabaho kaya wala na rin siyang problema sa kasalukuyan.
Iyon ang naging simula ng kanilang magandang pagkakaibigan ni Dean Xavier Contreras. Ang pagtulong nitong iyon sa kaniya. Sa dalawang taon niya sa binigay na trabaho sa kaniya ni Dean ay hindi na pumayag ang kaibigan niya mananatili lamang siya sa puwesto niyang 'yon. Hindi rin naman ito nagsisi na kinuha siya nito para sa puwestong iyon dahil dala-dala pa rin niya ang pagka-business minded ng isang Castillo. Ginawa siya nitong general manager sa lahat ng fast food chain nito. Binigyan siya nito ng isang napakagarbong opisina at halos triple ang kaniyang sahod sa unang sahod na binigay ni Dean sa kaniya. And he's doing great since he ran away from their home. And that is because of his best friend.