Share

CHAPTER 1

last update Last Updated: 2022-11-21 14:28:16

INILAPAG ni Isaac ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng kaniyang malaking lamesa matapos ang pag-uusap nila ng pinsan niyang si Dash Maxwell Castillo. May launching na gaganapin ang kanilang family business next week daw at ipinaalam nito sa kaniya 'yon. Kailangan daw na dumalo siya sa mahalagang okasyon na iyon sa negosyo ng kanilang pamilya. He laughed sarcastically. Kailangan nandoon siya? Para magkita na naman sila ng kaniyang ama at makakuha na naman siya ng reward na hindi kanais-nais? Iyong iinsultuhin siya nito sa harapan ng mga business client nila? Napailing siya. He'd be better alone. He'd be better chose to be with the Contreras family than to be with his own family. Except lang sa ina niya, sa mga pinsan niya, at sa kapatid niyang si Adam. Sila lang ang nagtuturingan na parang totoong magkapamilya.

Pareho ngang mayaman ang angkan ng Castillo at Contreras sa buong bansa, pero sobrang layo ng kanilang pamilya sa pamilya ng Contreras kung family bond ang pag-uusapan. Unlike Contreras elders, totoong may pagkaistrikto sila pero mapagmahal ang mga ito sa mga batang Contreras. While the Castillo's elder were so unbearable, pride ang mahalaga sa mga ito. Kahit na anak ka ng isang Castillo ay hindi ka nila palalampasin kapag pride na ng mga ito ang masasaling mo.

Napatingin siya sa teleponong biglang tumunog. Nakasabit iyon sa may pader na nasa malapit lang sa tagiliran ng kaniyang mesa. Inangat niya 'yon mula sa cradle at ipinatong sa ibabaw ng kaniyang mesa.

Well, at least about an hour he needed to refresh the toxicity in his mind. Magpapahinga lang siya nang konti. Hindi naman siguro iyon ipagbabawal ni Dean Xavier Contreras sa kaniya.

Yes, he is working under Dean's company for almost three years now. Ayaw niyang alalahanin ang nakaraan niya sa nagdaang tatlong taon pero sariwa pa rin iyon sa isipan niya. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sumandal siya sa sandalan ng upuan niya at inihilig niya ang kaniyang ulo roon. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at ang nakaraan ay isa-isang sumusulpot sa kaniyang isipan.

 

THREE years ago...

"Wala bang direksyon ang mga buhay n'yong magkapatid?"

Mula sa pagkaabala niya sa kaniyang pagkain ay napaangat ang kaniyang paningin sa ama niya, nang magsalita ito. Napatingin din siya kaagad sa kaniyang Kuya Adam, nang marinig niyang ibinagsak nito ang kubyertos nito nang malakas sa sariling plato nito. Ang Daddy niya na pinaglipat-lipat ang paningin nito sa kanila ng Kuya Adam niya.

"Jimmy, nasa harap tayo ng pagkain. Puwede naman natin itong pag-uusapan pagkatapos nating maghapunan."

Maagap na pumagitna ang kanilang ina nang makita nitong napahumindig ang Kuya Adam niya. Siya ay nanatili lang nakaupo at inaantabayanan ang susunod na mangyayari. This wasn't new to him. Nasanay na siya sa ganitong conversation sa hapag kainan.

"That's the reason why these son's of your's are still at their easy-going stage, dahil iyan sa palagi mong kinakampihan ang kapritso ng dalawang lalaking 'yan. My goodness, ang lalaki na ng mga katawan nila tapos ni wala pang pinanindigan sa mga buhay nila."

Napaayos siya nang upo. As much as possible ayaw niya sana munang sa kaniya matuon ang usapan na ito. Katatapos lang niya sa kaniyang kolehiyo noong isang linggo. Sa nakikita niya ay siya talaga ang maging favorite attraction ng Daddy niya sa gabing ito.

"With all due respect, Dad, hindi po puro kapritso ang iniisip namin. I am so proud to say that at this age of mine ay may sarili na akong negosyo. Na hindi ko na kailangan iasa ang sarili ko sa pera mo! In fact, gusto ko na ngang magbukod, si Mommy lang ang iniintindi ko dahil ayaw pa niyang pumayag. Huwag n'yo pong sabihin na walang direksyon ang buhay ko at pati na rin ang buhay ni Isaac. Alam natin pareho na katatapos lang mag-aral ni Isaac. He's doing great by helping me with my business," pagalit na sagot ng Kuya Adam niya.

Sa kanilang dalawa ang Kuya niya ang hindi magpapautang kapag na may mag-humiliate sa kanila. Hindi ito tatahimik lang sa isang sulok. Matapang ang Kuya Adam niya. Siya naman ay tahimik lang na tao. Maraming beses niya munang iniisip ang kaniyang sasabihin bago niya ilabas iyon. Kumbaga siya ang uri ng tao na hindi padalus-dalos sa salita man iyon o sa gawain.

"Doing great? With you? With your business? My God, ano iyong business mo na pinangangalandakan mo? Iyong motel mo na sobrang cheap? Anong mapapala mo roon? Konting sintemo? Paano mo bubuhayin ang pamilya mo sa future sa ganiyang uri ng hanapbuhay mo? Tapos isali mo pa itong si Isaac sa kalokohan mo?" Sunud-sunod ang tanong na pang-iinsulto ng ama niya sa kaniyang Kuya, pati na rin sa kaniya.

"You belittled my business? Anong klaseng Tatay ka? Hindi ba dapat ikaw ang maging unang proud na tao sa mundo sa konting achievement ng anak mo? Tapos ngayon ikaw pa ang nangmamata sa sarili mong anak?"

Pumiksi ang Kuya niya nang lapitan ito ng Mommy niya at akmang hahawakan sa braso nito.

"Soon, Dad, tandaan mo ang sasabihin kong ito, that cheap motel you said, I will make it a luxury hotel that will branch out all over the world!"

"Sana nga magkatotoo ang sinasabi mong 'yan, pero let's be honest here, sa nakikita ko ay malabong magkakatotoo ang sinasabi mong iyan. Magkakatotoo lang ang lahat ng 'yan kung tumulong ka sa pagpapatakbo ng negosyo natin," nakataas naman ang noo na sagot ng Daddy niya.

"That's the bullshit thing I've ever heard coming from my own father! Solohin mo ang negosyo mong sa tingin mo ay siyang lahat sa buhay mo! Hindi ko kailangan ng mga iyan para mabuhay!"

Hindi siya tuminag nang makita niyang buong lakas na itinulak ng Kuya Adam niya ang dining chair na siyang kinauupuan nito kanina.

His Mom trying to go after his brother but he held her left hand tenderly. Sa ganoong sagutan ng Daddy niya at ng Kuya niya ay malabong makinig ang Kuya Adam niya kahit na sa kaniya o sa ina pa nila. Taglay din nito ang pride na meron ang mga Castillo.

Akmang tatalikod na rin siya nang tawagin siya ng ama niya. Napilitan siyang tumigil sa kinatatayuan niya. Hinintay niya ang susunod na sasabihin nito.

"You have to do your training soon para ikaw na ang mag-manage ng negosyo ng pamilya."

Hindi iyon pakiusap mula sa kaniyang ama, more on nag-uutos iyon. At ito ang ayaw niyang marinig sa mga sandaling ito. Kung ayaw ng Kuya Adam niya ay mas lalong ayaw niya.

He doesn't want that his life will be the shadow of his family forever. He wanted to grow up with his own. With his own name. His own brand.

"Kung ayaw ng Kuya Adam ay mas lalong ayaw ko rin, Dad," sinabi niya ang kung ano ang nasa isip niya. Nanatili lang siyang nakatayo pero hindi siya lumingon sa kinaroroonan ng kaniyang ama. Ayaw niyang makita ang nang-uusig nitong mga mata. Iyon bang parang sinasabi nito sa kaniya na "hindi ka tumuntong sa ganiyang edad kung hindi dahil sa 'kin".

"State the reason why like him, you don't want this," malamig ang boses na binitiwan ng ama niya pero naroon ang pagbabanta at panganib sa likod n'on.

Humakbang siya palapit sa pinto para kumapit sa may hamba n'on bago niya sinagot ang kaniyang ama, "First, ang pinapagawa n'yo sa 'kin ay sobrang bigat na responsibilidad that I myself have a doubt if I won't fail your expectation for me. Hindi nakakatakot ang ma-fail kung ito ay may dahillan naman, Dad, pero ang mas nakakatakot ay ang aanihin ko ang sumbat na galing sa 'yo sa failure ko na 'yon. Second, ayaw kong hindi ma-explore ang phase na gusto ko dahil nakatali ako sa responsibilidad na meron ako sa pamilyang ito. Hope you'll understand my statement, Dad." Humigpit ang kapit niya sa hamba ng pinto nang marinig niya ang malakas na pagbagsak ng isang bagay sa marble na sahig. It's either plato or baso iyon na itinapon nito. Ayaw niyang alamin.

"How could you say that to your own father? Paanong parang wala kang utang na loob sa paraan ng pananalita mong 'yan? Cómo te atreves, maldito seas!" Pagmumura nito sa kaniya.

"Hindi sa walang utang na loob ako sa 'yo, Dad, ang sa 'kin lang naman ay sana bigyan n'yo po ako ng konting time para sa bagay na 'yan."

Naramdaman niya ang yabag ng kaniyang ina papunta sa kaniya. Ipinikit niya nang madiin ang kaniyang mga mata nang maramdaman niya ang mainit na palad ng Mommy niya sa kaniyang mga balikat. Pinapakalma siya nito at pinipigilan na magsalita laban sa kaniyang ama. Pero punong-puno na siya sa ginagawang pangdidikta sa kaniya ng kaniyang ama.

Umabot siya sa edad niyang dalawampu na puro kagustuhan ng kaniyang Daddy ang nasusunod niya. Pati kurso na kinuha niya ay ito ang may gusto na kunin niya 'yon. Engineering ang course na gusto niya, but he ended taken up Business Management instead. Dahil iyon nga ang gusto ng Daddy niya. Pero ngayon maninindigan na siya para sa sarili niya. Iyong dikta ng puso niya at hindi dikta galing sa ama niya. "Nagmamarunong ka na ngayon? Bakit? Dahil tinuturuan ka ng kapatid mong walang kuwenta?!"

Doon ay tuluyan na siyang lumingon sa kaniyang ama na galit na galit sa mga sandaling ito. Ayaw niyang hinahamak nito ang Kuya Adam niya, ang Kuya niya ay mabuting tao kahit na ito ay may sariling prinsipyo. "Coming from you, Dad, really?! Tatanungin kita, paano mong nasabi na walang kuwenta ang Kuya Adam?" Naghahamon niyang tanong sa kaniyang ama. Alam niyang mauuwi lang sa matinding away ang usapin nilang ito ng kaniyang ama, but who cares? Hindi na puwede na magpatuloy sila nitong i-control habang buhay.

"You really had a gut to question me that way? Paano mo sasabihin na may kuwenta si Adam kung basagulero ito? At ikaw, habang nagkakaedad ka ay namana mo rin ang walang kuwentang ugali ng kapatid mo!" Halos lumabas ang litid sa leeg nito sa sobrang galit nito.

"So, ganiyan ang basehan mo ng isang walang kuwentang tao? Napakababaw ng utak n'yo, Dad. Hindi ko inaasahan na ang isang kagaya n'yo ay ganoon kababaw mag-isip—"

"Hindi kababawan ng pag-iisip ang magsabi ng totoo! Ayoko na ng maraming usapin, now is the last chance that I'm gonna ask you this."

Agaw nito sa kaniyang sinasabi. Tiningnan din siya nito ng isang uri ng tingin na nagahahamon, sinalubong naman niya ang paningin nitong iyon nang buong tapang. Ano man ang kahihinatnan ng ginagawa niyang ito ay talagang wala na itong bawian pa.

"Bibigyan kita ng dalawang choices. Dalawa lang ang dapat mong pagpipilian. Una, sundin mo ang gusto kong pamahalaan ang negosyo ng pamilya o kung ayaw mo ay palalayasin kita sa bahay na ito? Lalayas ka na mapuputol ang lahat ng pinansyal na pangangailangan mo, titingnan lang natin kung hindi ka gagapang na babalik sa 'kin na nakayuko ang ulo!"

Malakas na kumalabog ang kaniyang dibdib sa sinabing 'yon ng kaniyang ama. Hindi dahil sa natatakot siyang lumayas kundi dahil sa kaya nitong tiisin siya bilang anak nito dahil lang sa hindi niya maibigay ang gusto nitong mangyari.

"J-Jimmy, tama na 'yan!" Umiiyak na suway ng kaniyang ina sa kaniyang ama. "Isaac, pumasok ka na sa silid mo anak, ako na ang bahala sa Daddy mo."

Pilit siyang tinutulak ng kaniyang ina pero hindi siya tumitinag. Hindi rin niya binabawi ang kaniyang paningin sa kaniyang ama na matapang din na nakatingin sa kaniya.

"Hayaan mo siyang magdesisyon para sa sarili niya, Ofelia!" Asik naman ng ama niya sa ina niyang umiiyak at hindi alam kung ano ang gagawin.

Nahahabag siya sa kaniyang Mommy na napapagitna ito sa away nilang mag-ama pero hindi siya duwag para umatras sa hamon ng kaniyang ama. Kung iniisip nito na matatakot siyang maputol ang ano mang pinansyal aspects niya na nangagaling dito ay nagkakamali ito.

"Tinatanggap ko ang pangalawang hamon mo sa 'kin, Dad," matapang na anunsyo niya na ikinaiyak pa lalo ng kaniyang ina.

"Tigilan n'yo na 'to! Umakyat ka na sa silid mo, Isaac, utang na loob!"

"Don't worry, Mom, kaya ko na ang sarili ko." Tinalikuran na niya ang mga ito para tunguhin ang kaniyang silid para ayusin ang mga gamit niya. Wala na siyang dahilan na tumigil pa sa bahay na ito matapos niyang tanggapin ang hamon ng kaniyang ama.

"Babalik kang gumagapang sa 'kin, Isaac Hendrick!" Sigaw ng galit niyang ama.

Nagpupuyos ang kaniyang damdamin pero hindi na siya sumagot pa. Pagpasok niya sa kaniyang silid ay kaagad niyang kinuha ang kaniyang maliit na travelling bag at naglagay doon ng ilang damit niya. Ipinaloob din niya roon ang ilang mahalagang dokumento niya. At ang bankbook niya na mula sa sariling ipon niya. Maliit 'yon pero kakailanganin niya 'yon sa kaniyang pag-alis.

Mabilis din siyang nagsuot ng pantalon, t-shirt, at rubber shoes niya, saka mabilis na nilisan ang silid niyang 'yon. Ang silid niya sa loob ng 20 years siyang namumuhay dito sa mundo. Pagbaba niya sa kanilang salas ay naabutan niya ang kaniyang ina at ama na matindi ang pagtatalo dahil sa kaniya.

"Hindi ka aalis, Isaac!" Sigaw ng kaniyang ina.

"Tatawagan kita, Mom." Kinuha niya ang kamay ng kaniyang ina na nakakapit nang mahigpit sa kaniyang braso at tinalikuran na ang mga ito.

Binilisan niya ang kaniyang paghakbang nang maramdaman niya na nakasunod ito sa kaniya. Mabilis siyang pumasok sa loob ng kaniyang auto nang marating niya ang garahe. Sarili niyang pera ang binili niya n'on, kaya may karapatan siyang dalhin ang sasakyang iyon. Ang lahat ng bagay na nagmula sa pera ng ama niya ay sinadya niyang iwanan sa pag-alis niyang ito para wala na itong maisumbat pa sa kaniya.

Related chapters

  • The Castillo's pride 2: Cold Sweetheart   CHAPTER 2

    NAGLAYAS nga siya nang gabing 'yon. Nang makita niya ang cellphone niya na may maraming missed call mula sa Kuya Adam at sa Mommy niya ay pinatay niya ang kaniyang cellphone at inihagis iyon sa likurang upuan ng sasakyan niya. Ayaw niya munang makakausap ang mga ito. Magpapalipas lang siya ng kaniyang oras at siya na ang tatawag sa mga ito.He was driving with no specific place to go. Basta lang na tumatakbo ang kanyang sasakyan sa madilim na daan. Nakarating na siya sa bayan ng San Pedro nang biglang tumirik ang kanyang sasakyan sa kalagitnaan ng daan."Damn! A piece of shit! Kung minamalas ka nga naman, oo!" Mabilis siyang pumanaog sa kaniyang sasakyan para tingnan ang deperensya ng kaniyang sasakyan. At nang matingnan niya iyon ay napapamura siya ulit nang sobrang lakas dahil nakita niyang out of gas ang kaniyang kotse.Nagpalinga-linga siya sa paligid. May kadiliman ang bahaging kinaroroonan niya dahil sira ang ilaw sa ilang poste. Alam niyang wala ring gasoline station na malapit

    Last Updated : 2022-11-21
  • The Castillo's pride 2: Cold Sweetheart   PROLOGUE

    He is looking now at Bea, who is happily talking to his cousin, Timothy. Napahigpit ang kapit niya sa hawak niyang wine glass. She is busy having her happiness around, while he is here now in this corner. Agonizing the pain he has inside. Bea has changed a lot, from her physique to just the way she is. Ibang-iba na ito sa dalagita na nakilala niya dati. Iyong masungit, kikay, at sweet. She is now a grown-up woman. Very beautiful, sophisticated, and over bagging with confidence."Hey! Isaac, come over here and let's enjoy!" Tawag ni Dean sa kaniya nang makita siya nito sa isang sulok. Itinaas lang niya ang kaniyang wine glass kay Dean, tanda na okay lang siya kung nasaan siya. Kasal ngayon ni Nathan at ni Amara. Lumipad na ang dalawa kanina para sa kanilang honeymoon. At sila naman ay naiwan doon sa venue. At nang umalis na ang mga bisita ay nagkakayayaan sila na ituloy ang kasayahan nila rito sa Hotel El Contreras, na nandito mismo sa loob ng farm ng mga Contreras.Silang magpipinsan

    Last Updated : 2022-11-21

Latest chapter

  • The Castillo's pride 2: Cold Sweetheart   CHAPTER 2

    NAGLAYAS nga siya nang gabing 'yon. Nang makita niya ang cellphone niya na may maraming missed call mula sa Kuya Adam at sa Mommy niya ay pinatay niya ang kaniyang cellphone at inihagis iyon sa likurang upuan ng sasakyan niya. Ayaw niya munang makakausap ang mga ito. Magpapalipas lang siya ng kaniyang oras at siya na ang tatawag sa mga ito.He was driving with no specific place to go. Basta lang na tumatakbo ang kanyang sasakyan sa madilim na daan. Nakarating na siya sa bayan ng San Pedro nang biglang tumirik ang kanyang sasakyan sa kalagitnaan ng daan."Damn! A piece of shit! Kung minamalas ka nga naman, oo!" Mabilis siyang pumanaog sa kaniyang sasakyan para tingnan ang deperensya ng kaniyang sasakyan. At nang matingnan niya iyon ay napapamura siya ulit nang sobrang lakas dahil nakita niyang out of gas ang kaniyang kotse.Nagpalinga-linga siya sa paligid. May kadiliman ang bahaging kinaroroonan niya dahil sira ang ilaw sa ilang poste. Alam niyang wala ring gasoline station na malapit

  • The Castillo's pride 2: Cold Sweetheart   CHAPTER 1

    INILAPAG ni Isaac ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng kaniyang malaking lamesa matapos ang pag-uusap nila ng pinsan niyang si Dash Maxwell Castillo. May launching na gaganapin ang kanilang family business next week daw at ipinaalam nito sa kaniya 'yon. Kailangan daw na dumalo siya sa mahalagang okasyon na iyon sa negosyo ng kanilang pamilya. He laughed sarcastically. Kailangan nandoon siya? Para magkita na naman sila ng kaniyang ama at makakuha na naman siya ng reward na hindi kanais-nais? Iyong iinsultuhin siya nito sa harapan ng mga business client nila? Napailing siya. He'd be better alone. He'd be better chose to be with the Contreras family than to be with his own family. Except lang sa ina niya, sa mga pinsan niya, at sa kapatid niyang si Adam. Sila lang ang nagtuturingan na parang totoong magkapamilya.Pareho ngang mayaman ang angkan ng Castillo at Contreras sa buong bansa, pero sobrang layo ng kanilang pamilya sa pamilya ng Contreras kung family bond ang pag-uusapan. Unlike Co

  • The Castillo's pride 2: Cold Sweetheart   PROLOGUE

    He is looking now at Bea, who is happily talking to his cousin, Timothy. Napahigpit ang kapit niya sa hawak niyang wine glass. She is busy having her happiness around, while he is here now in this corner. Agonizing the pain he has inside. Bea has changed a lot, from her physique to just the way she is. Ibang-iba na ito sa dalagita na nakilala niya dati. Iyong masungit, kikay, at sweet. She is now a grown-up woman. Very beautiful, sophisticated, and over bagging with confidence."Hey! Isaac, come over here and let's enjoy!" Tawag ni Dean sa kaniya nang makita siya nito sa isang sulok. Itinaas lang niya ang kaniyang wine glass kay Dean, tanda na okay lang siya kung nasaan siya. Kasal ngayon ni Nathan at ni Amara. Lumipad na ang dalawa kanina para sa kanilang honeymoon. At sila naman ay naiwan doon sa venue. At nang umalis na ang mga bisita ay nagkakayayaan sila na ituloy ang kasayahan nila rito sa Hotel El Contreras, na nandito mismo sa loob ng farm ng mga Contreras.Silang magpipinsan

DMCA.com Protection Status