Kinabukasan, medyo mataas na ang araw nang magpunta ako ng kumpanya para mangalap ng impormasyon tungkol sa buntis na pumunta kay Ms. Vivian.Halos hindi ako makatulog sa kakaisip tungkol doon kagabi. Excited na akong mag-umaga na para makapunta na agad ng C.A. Sa ganitong paraan kasi ay malilinis ako sa pagkakasangkot ko sa mga nawalang files, at least mababawasan ang kasalanan ko sa paningin ni Mr. Atanante.Sinadya kong magpunta ng medyo tanghali at papuslit na pumasok ng kumpanya dahil nagtatago ako kay Mr. Atanante. Sinisiguro kong abala siya sa trabaho para hindi n'ya malaman ang pagpunta ko.Sa HR ako tumungo dahil doon ko balak kumuha ng impormasyon, ngunit hindi ko agad napuntahan si Mrs. Guiller dahil hinarang ako ng mga babaeng empleyado dito at hindi pinayagang makapasok pa ng office."Anong ginagawa mo dito? Ang alam namin ban ka na dito sa kumpanya a?" Hindi maganda ang tono ng babae sa 'kin na para akong isang outsider at hindi naging empleyado ng C.A.Hindi ko iyon pina
Yumakap si marigold kay Jonas at iniiyak ang lahat ng kanyang sama ng loob. Para namang kinurot ang puso ng binata kaya hinayaan lang niya si marigold habang hinahagod ang likod nito.Abala si jonas kaya huli na nang mabasa n'ya ang text message ni marigold. Hind pa man n'ya natatapos ang mga dapat niyang gawin ay umalis na ito.Hindi nagsalita si jonas. Nang mahimasmasan si marigold ay hinila niya ito sa kanyang sasakyan.Dinala ni jonas si marigold sa Ocean Park para malibang ito. Habang naglalakad sila sa loob ay sumulyap-sulyap si jonas sa dalaga na wala pa rin'g imik.Hanggang sa dalhin n'ya ito sa isang restaurant para mag-lunch ay hindi pa rin kumikibo si marigold. Tahimik lang ito'ng kumakain.Nang matapos nang kumain ay hindi na nakatiis si Jonas. "Hanggang kailan ka mananahimik d'yan. Baka gusto mong i-share sa 'kin ang nangyari."Matapos punasan ang kanyang bibig ay bumuntong-hininga muna si marigold bago magsalita."Aalis na 'ko sa kumpanya..." Maikling pangungusap ni
"O, heto na ang pangako ko." Iniabot ni jonas ang isang envelope kay marigold.Ang nilalaman nu'n ay ang mga impormasyon na kailangan ni marigold. Mabilis lang ito'ng nakuha ni jonas sa HR."Salamat Jonas. Pasensya na sa abala ha." "Wala 'yun. Basta ikaw." Humahighik lang si marigold at hindi na pinansin pa ang sinabi ni Jonas ngunit hindi n'ya napapansin ang kakaibang kislap sa mga mata ng binata na nauukol lang sa kanya.Ngayon lang naisip ni jonas kung gaano s'ya katanga, kung bakit ngayon lang n'ya naisip sa kanyang sarili na matagal na s'yang may pagtingin sa dalagang nasa harap niya. Hindi na sana umabot pa sa puntong, nasaktan ito dahil sa kanyang pinsan, naprotektahan sana n'ya ito."Sige... Mauna na 'ko, aasikasuhin ko pa 'to." Paalam ni marigold. Tumayo siya at lalabas na sana ng convenience store nang pigilan ito ni Jonas."Sasamahan na kita." Nagpumilit sumama si jonas sa kabila ng pagtanggi ni marigold dahil nalalaman niyang may trabaho pa ito sa kumpanya. Ngunit dahil
"Do you know what she had done just to get where she is now?" Tanong ni Chardon kay Bryan."S-stop it!" Bulalas ni Claire. Payag na si Claire na mapunta na lang kay Bryan kung imposible na s'ya kay chardon ngunit sa oras na isiwalat ni chardon ang sikreto n'ya kay Bryan ay baka layuan na s'ya nito. Nagtatakang napatingin si Bryan kay Claire. Nakita niya ang takot sa hitsura nito at sa nakikita n'ya kay Claire ay mukhang may malaking sikreto ito."Don't beat around the bush, just say it." Bagaman gusto ni Bryan si Claire ay hindi naman s'ya papayag na paglaruan siya nito at pagmukhaing tanga kagaya ng ginawa nila kay chardon."For the sake of our... MOMENTARY FRIENDSHIP, let me share a little information with you." Ngumisi si Chardon sa nagpa-panic na'ng si Claire. Sa ayos nito ay parang handa nitong lundagin si chardon anumang oras para pigilan ito."Did you know that, her real name was Clara Tremblay? Her actual age is not 22 that she always blurted out to us to have an impression t
Nagmamadaling umuwi ng villa si Chardon, dakong alas onse pasado na iyon nang gabi. Agad niyang dinampot ang telepono at tumawag sa landline. Kilalá n'ya ang kanyang tatawagan, siguradong sa mga oras na ito ay mahimbing na itong natutulog, ngunit wala siyang pakialam. Maya-maya ay may sumagot na alam niyang katulong ng bahay na iyon. Kaya sa landline siya tumawag ay dahil alam niyang hindi niya mako-contact ang cellphone nito."It's Chardon.... call jonas for me." Wika n'ya sa katulong.Matagal naghintay si Chardon ngunit hindi ito makikitaan ng pagka-inip at pagka-inis.Inabot ng siyam-siyam bago marinig ang parang nanggaling sa ilong na tinig ng isang lalaki sa kabilang linya. "Hello?" "Tell her, if she want her bag... Go to my company tomorrow." Agad na saad ni chardon.Saka lang naalimpungatan si jonas. "K-kuya chardon...?"Agad nagising ang diwa ng binata. "No!... Tumawag ka ng ganitong oras at inabala mo ang tulog ko para lang sabihin sa 'kin 'yan? Hindi ko s'ya hahayaan
Nagpupuyos si Marigold nang magtungo sa C.A. Hindi na siya nagawang pigilan ng guwardiya nang dumiretso siya ng pasok.Nagulat ang ilang receptionist nang biglang sumulpot si marigold at lagpasan sila. Tinawag pa ng isa si marigold ngunit hindi s'ya pinansin nito.Dahil dito ay tumawag sila ng security. Sa pagkaka-alam kasi nila ay bawal na'ng tumapak si marigold sa C.A katulad ni Vivian, kaya nalalaman nila'ng hindi dapat nila hayaang makapasok ito.Hinabol ng dalawa security si marigold. Nang makita ng dalaga na may humahabol sa kanya ay kaagad siyang tumakbo."Tigil!!""Hoy, tumigil ka sabi, e!!" Mabilis na tinungo ni marigold ang elevator at agad pumasok nang magbukas iyon.Kinontak ng isa sa security ang personnel sa control room at itinawag ang pumugang si marigold. Ipina-monitor nila dito ang galaw ni marigold at kung saan ito papunta. Nang malaman ng dalawang lalaki na paakyat ng top floor si marigold ay nataranta sila. Dahil alam nilang laging mainit ang ulo ng Ceo n
"Marigold..." Tawag sa 'kin ni Jonas paglabas ko ng building ng C.A.Nilingon ko siya ngunit hindi s'ya nagsalita. Nakayuko lamang ito."Pasensya na... Hindi kita natulungan." Mahina niyang wika na halos hindi ko maulinigan."Ano ba'ng sinasabi mo d'yan? Ang laki na kaya ng naitulong mo sa 'kin. Saka, sinabi ko naman kanina na ako na ang bahala sa sarili ko.""P-pero, 'yung sinabi ni kuya Chardon...""Ayos na rin sigurong pumayag ako. Sa tingin mo ba'y may kumpanya pang tatanggap sa 'kin kung may criminal record ako? Kaya, ayos na rin sigurong bumalik na lang ako ng C.A, kailangan ko rin talaga kasi ng trabaho."Bumuntong-hininga si Jonas. "Naisip ko lang, kapag naging personal assistant ka n'ya, susunod ka sa lahat ng ipapagawa n'ya. Ang inaalala ko–""Jonas..." Awat ko sa kanya. "Naiintindihan ko ang ipinag-aalala mo. Huwag kang mag-alala. Natuldukan na ang kung ano mang meron sa 'min matapos nu'ng nangyari."Hindi ko na hinayaan si jonas na ihatid ako dahil alam kong may trabaho pa
Natigilan at natulala si Marigold, ngunit tila hindi ito alintana ng babae, nakangiti pa itong nagpakilala sa kanya."By the way, I'm Marisol Fontabella, nice to meet you." Kinuha nito ang kamay ni dalaga at nakipag-kamay dito."Marigold Magbanua, right? Nakakatuwa ano, pareho tayong 'Mari' ang simula ng pangalan natin.... Sige na. Baka kasi hinahanap na 'ko ng boss mo, e."Hanggang sa makaalis na ang babae ay naglo-loading pa rin ang sinabi nito kay marigold.Nagtagal ng ilang sandali bago lumabas ng restroom si marigold. Pagbalik n'ya sa mesa ay nagsimula na siyang tupdin ang tungkulin niya sa trabaho, ngunit lumilipad ang isip nito. Napapansin ito ni Mr. Javier kaya panay ang paalaala nito sa maling ginagawa ng dalaga.Nang matapos na ang meeting ay inihatid sila ni Marisol sa labas. Nagulat si marigold nang biglang siyang hilahin ni Marisol at ibeso. Napamaang din si Mr. Javier at Chardon."Remember our deal, okay?" Bulong nito kay marigold.Tatanggi sana si Marigold at ibab