Agad akong tumalikod nang makita ang eksena kanina. Bumigat ang loob ko at pakiramdam ko ay may nawala sa 'kin'g importanteng bagay na hindi ko maipaliwanag kung ano iyon.Binalewala ko na lang 'yun. Wala naman kasing mangyayari e. Isa pa unti-unti naman na akong nakakalimot... Kaya, may araw din na tatawanan ko na lang ang nangyaring ito sa 'kin.Ngpatuloy na 'ko sa paglalakad para ihatid ang mga files na ito sa file room. Marami pa akong trabahong naiwan sa itaas kaya kailangang makabalik agad.Hindi ko naman talaga ito trabaho, kaya lang.... May nangyaring hindi ko inaasahan.Nang ma-hire ako as a executive secretary ay marami ang nainggit at nagalit na mga nag-apply din na mga empleyado sa 'kin. At s'yempre, isa doon si Ms.Vivian.Kinabukasan matapos akong ma-hire ay bigla na lang akong kinorner ng ilang babaeng empleyado sa pangunguna ni Ms. Vivian. Akala ko'y bubugbubin na nila ako e, wala pa naman masyadong tao'ng nagdadaan sa area'ng iyon.Nagulat ako nang sabihin sa 'kin ni Ms
Nang magising si marigold ay nakita n'yang nasa ibang silid s'ya. Naalala niya ang nangyari bago mawalan ng malay. Luminga linga s'ya sa paligid. "Kung nasaan man'g lugar ako ngayon, mas mainam na dito kaysa sa office ni Mr. Atanante." Wika n'ya sa sarili. Dahan-dahan siyang bumangon. Nang iginala niya ang paningin ay nagtaka s'ya kung bakit may mga gamit pang-hospital s'yang nakikita. Saka lang din n'ya napansin na hospital bed ang hinigaan n'ya. 'nasaan ba ako? Ano ba'ng klaseng silid ito?' pagtataka niya sa sarili.Nang biglang may pumasok na doktor na may dala-dalang clipboard ay doon n'ya natiyak na nasa hospital s'ya. Ngunit....Muling iginala ni marigold ang paningin. 'anong klaseng hospital ito? Bakit parang nasa VIP suite ako?'"Kamusta ang pakiramdam mo?" Nakangiting tanong ng doktor. "Um... maayos na po. Nasaan'g hospital po ba ako?" "Nasa OneCare medical Institute ka. Wala ka nang dapat alalahanin sa hospital bills mo.... kasi, bayad na'ng lahat."Nakahinga nang maluwag
"Hi, charden's secretary. I'm Bryan, this is nick, this is P-""Let her go!" Malamig na wika ni Chardon kay Claire. Nakatingin ito sa kamay ni Claire na nakahawak sa pala-pulsuhan ni marigold.Walang nagawa si Claire nang tingnan siya nang malamig ni Chardon kaya binitiwan na lang n'ya ang kamay ni marigold."She can't come with us." ani Chardon habang nakatingin sa nakayukong si marigold.Tumalikod na si chardon at iniwanan ang mga kasama n'ya na agad namang nagsisunuran sa kanya.Pagkaalis ng grupo nila chardon ay naglapitan sila Jessy kay marigold."Huy marigold, ayos ka lang? Nakita ko kung paano ka hilahin nu'ng babaeng hilaw na 'yun kanina a!" Tanong ng may pag-aalang si Jessy.Hinihimas-himas ni marigold ang kanyang pala-pulsuhan. Nakaramdam nga s'ya ng sakit pero hindi naman niya ininda iyon."Ayos lang ako, tara na." Aya ni marigold sa mga kasama.Nang makauwi na, ang unang napagtuunan ng pansin ni marigold ay ang bintana na kung saan dating nakalagay ang bulaklak na bigay ni
"T-that...." Tanging iyon lang ang narinig kong salita mula kay Mr. Atanante. Mukha siyang nagulat. Siguro'y talagang magugulat s'ya dahil hindi n'ya akalaing madidiskubre ko ang pagloloko n'ya habang nililigawan ako.Tulala na lang ito sa 'kin at hindi na makapagsalita.Biglang nanlamig ang puso ko. Kanina lang nu'ng nag-uusap kami, ramdam kong totoo ang sinabi niyang gusto niya ako at parang gusto n'ya akong suyuin uli. Parang nagkaroon ako uli ng pag-asa.Napahigpit ang pagkakahawak ko sa bulaklak na nasa bisig ko at mapait na napatingin sa kanya.At least ngayon, nasabi ko na. Nasabi ko na ang dahilan kung bakit ko siya tinaggihan. Gagaan na rin siguro ang loob ko. "If.... If I said that... that I have a reason, would you believe me?"Napayuko ako..... Reason? Parang nangyari't narinig ko na 'to a! at parang alam ko na rin ang kahihinatnan nito.Sinimulan niya ang pagpapaliwanag nang walang nakuhang sagot mula sa 'kin."That time, I was in a complicated situation with Mr. Velasco
Parang nanigas ang mga paa ni marigold sa kinatatayuan at hindi n'ya magawa ang lumapit pa. Nakatingin siya sa lalaking may naka-aangat na karisma sa mesa habang busy ito sa pakikipag-usap sa isang matandang lalaki; ang lolo ni Maricris.Habang nakikipag-usap ay tila hindi nito alintana ang babaeng parang sawa'ng nakapulupot sa kanya at hinahayaan lang n'ya ito.Sa mga oras na 'yon ay gusto nang magtago ni marigold nang makita si chardon nang hindi inaasahan at.... nang makitang may babaeng nakayap dito.Dahil hindi pa man nakakalapit ay nagpalinga linga si marigold para hanapin ang manager na nag-utos sa kanya. Ayaw na niya. Naisip niyang hindi na sana siya pumayag.Sa malayo-layo nama'y sinusubaybayan ni vivian at ng kasama niyang babae si marigold nang makita nilang bigla itong inutusan ng manager.Tawa nang tawa si Vivian nang makita na parang hindi alam ni marigold ang gagawin. Ngunit nang tiningnan n'ya kung saan mesa ito inuutusan ng manager ay nasorpresa si Vivian.Hindi tuloy
"S-s-sir....."Nagitla si Marigold at agad na napalingon sa lalaking bigla na lang nagsalita't sumulpot sa harapan nila.Napatayo sa hiya si marigold nang makita si Mr. Javier na tulala't mukhang gulat na gulat sa kanila.Pagtayo ay tinamaan ng ulo ni Marigold ang baba ni Chardon. Agad nasapo ng binata ang kanyang baba at hinimas-himas ito sa sakit."S-sorry! Masakit ba?" Itinangala ni marigold ang mukha ni Chardon para i-check ito na lalong nagpagulat kay Mr. Javier.Nakunsensiya ang dalaga nang makita ang nagluluhang mata ni chardon."T-teka, kukuha ako ng yelo!' nanakbong lumabas ng office si marigold na akala mo'y may emergency'ng nangyari.Naiwan si chardon na nanatiling nakaupo sa swivel chair habang malamig na nakatingin sa tulala pa ring si Mr. Javier."Jonathan...."Saka lang nagising sa pagkakatulala si Mr. Javier. "Y-yes, sir.""I Know you share some of my commitments to the company's employees...." Sumandal si Chardon habang hinihimas ang kanyang baba."You won't tell to an
Naglapitan ang grupo nila vivian nang makita ang pagdating ng kanilang Ceo. Bago pa man lumapit sila Vivian ay dumistansya agad si Marigold. Kumunot ang noo ni Chardon at tiningnan ang isang kamay na naiwan sa ere nang biglang lumayo si marigold sa kanya."M-Mr. Atanante! Bakit po kayo nandito?" Namumulang tanong ni Vivian. Nawala ang natural na mahadera nitong awra at napalitan ng pagiging mahiyain at kimi'ng awra.Malamig na hinaguran ng tingin ni chardon si Vivian nang may kasamang pagka-suya. Hindi na n'ya ito pinansin, bumaling s'ya kay Mrs. Guiller."M-Mr. Atanante! Sir, ano po ang kailangan n'yo?" Magalang at maingat na tanong ni Mrs. Guiller.Hinaguran muna ng tingin ni Chardon ang lahat ng naroon bago bumaling kay Mrs. Guiller. "I'm here, to Settle the score."Nagtaka ang lahat sa sinabi ng Ceo at napatingin sa isa't-isa.Umabante si Mrs. Guiller. "S-sir... Ano po ang ibig n'yong sabihin?""Mrs. Guiller...." Sumabat at tumabi si Vivian kay Mrs. Guiller na ikinakunot ng
"Marigold, ayos ka lang? Namumutla ka a." Tanong ni Jessy nang mapansin na tila hindi mapakali si marigold na nasa tabi n'ya.Hindi sumagot si marigold. Nakatingin lang ito sa direksyon ni Chardon habang patuloy na pinagkikiskis ang kanyang mga kamay.Ngumisi si Vivian sa mga taong naka-abang sa kanya at humarap sa kanilang Ceo."Ang kasabwat ko ay s-""Nasaan 'yan! Nasaan!!"Naputol si Vivian nang biglang may paparating na malakas at malaking boses ng babae. Tila galit ito at merong susugurin.Lumitaw sa pinto ng opisina ang isang may-edad at matabang babae kasunod si Mr. Malibo. Pinipigilan ni Mr. Malibo ang babae at pilit itong pinakakalma."Darling~ please lang, nasa kumpanya tayo.... huwag ka namang mag-eskandalo dito." Pakiusap ni Mr. Malibo.Galit na hinampas ng matabang babae ng bag si Mr. Malibo. "Ano? Nahihiya ka? Pero sa pangangabit mo hindi ka nahihiya ha?!..." Dinuro-duro ng babae ang nangingilag na si Mr. Malibo. ".... Kung wala pang magti-tip sa 'kin ng mga kawalang-hiy
"Mari, there is something you are not telling me." "Ha? Ano naman 'yon?" "Who is that bastard that attacked you in the parking lot?" "A, 'yun? Si Erick 'yon, empleyado din dito." "You seem really different now, eh? looks like you have secret admirers too." Ani chardon na may bakas ng iritasyon. Napakamot sa ulo si marigold. "H-ha? Hindi naman." Naglalakad ang dalawa sa lobby habang magka-holding hands ang mga ito na umani ng papuri, inggit, at kilig sa mga babaeng empleyadong naroon. Pagpasok ng Opisina ay naupo si Chardon at wari'y may inisiip. Lumapit si marigold at minasa-masahe ang noo nito. "Ano naman ang inisip mo? Ang aga-aga, mukhang problemado ka na." "I was thinking what should to be done to make everyone notified that you are taken. Should I plaster it on the wall or something like that?" Ani ng nakapikit na si chardon habang ini-enjoy ang serbisyo ng nobya. Nangunot ang noo ni marigold. "Ano?" Tanong nito sa bumubulong na nobyo. Hindi n'ya naintindihan ang mga s
Natigilan si Marigold nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng lalaki. Dagli itong bumaba ng kotse at tiningnan kung sino iyon.Nakita niya ang naka-sumbrero't naka-shades na lalaki na may travel bag sa kanyang likod, habang hawak-hawak nito sa kuwelyo ang nagpipiglas na si Erick."Bitiwan mo 'ko! Sino ka bang pakialamero ka, ha?" Sigaw ni Erick. Nang makabuwelo ito ay tinanggal nito ang sumbrero't shades ng lalaki.Gan'un na lamang ang pagka-gitla ni marigold nang makita kung sino ito. "Ch-chardon?!"Ngumiti si Chardon. "Hi Mon amor. Although we've seen each other last week, but I'm still miss you..... do you miss me too?"Napanganga na lang si Marigold at hindi makapaniwala. Anong ginagawa ni Chardon dito, at paano ito nakalabas?"Wait for me, I will dispatch this first." At kinaladkad ni chardon si Erick.Sinundan ng hindi pa rin'g makapaniwalang si marigold si Chardon. Naka-antabay s'ya sa tabi habang ipinapasa nito si Erick sa guwardiyang agad naman siyang nakilala.
"Lucy, ako na diyan. Mabigat na yata 'yan, baka mahirapan ka na'ng magtulak." Nakangiting wika ng may-edad na lalaki kay Lucilla sabay kuha ng cart dito."Hindi na. Kaya ko na 'to. Saka, paano mo nalaman'g mag-go-grocery ako ngayon? Huwag mong sabihin'g sinusundan mo 'ko?""Hindi naman.... basta naramdaman lang ng puso ko kung saan ka naroon. Kaya, sinundan kita dito." "H-ha?" Napailing-iling at napabuntong hininga na lang si Lucila sa naka-ngiti pa rin'g lalaki. Anim na taon na rin ang nakalilipas buhat nang makapag-usap sila ni Ernesto sa isang café at sugurin sila ni Beatrice doon. Bagaman nilinaw na n'ya ang lahat dito, ngunit makapal pa rin ang apog nito na muling nanligaw matapos nitong makapag-sampa ng annulment sa dating asawa. At magpasa-hanggang ngayon ay nanunuyo pa rin ito.Minsan ay hindi mapigilang kiligin ni lucilla sa panunuyo ni Ernesto. Pakiramdam niya kasi, sa kabila ng kanyang edad ay para siyang teen-ager na nililigawan nito.Dahil nagsawa na siya sa pa
Nagbunyi ang mga negosyanteng nagsampa ng kaso kay Chardon. Ang totoo ay hindi lang hustisya para sa ginawa ni Chardon sa kanila ang kanilang habol, kundi, dahil na rin sa malaking inggit nila dito. Habang umiiral ito sa business circle, patuloy itong mamamayagpag at patuloy silang magiging talunan nito. Ngunit ngayong makukulong na ito, magkakaroon na sila ng pagkakataon.Kabaligtaran ng maingay at pagbubunyi ng mga negosyante'ng nagpakulong kay chardon, tahimik sa hanay nila marigold. Tila biyernes Santo ang mga mukha nito."S-sir...." Napahid ni Mr. Javier ang mga mata, hindi nito mapigilang maging emosyonal. Tila mahihiwalay siya ng mahaba-hahang panahon sa amo'ng anim na taon na niyang kasa-kasama.Agad naglapitan sa natulalang si marigold sila Maricris, Jessy, at ang iba pa nilang kaibigan, habang ma-ngiyak-ngiyak naman sila nanay sela at lucilla. "M-marigold.... " Hinaplos-haplos ni Maricris ang kaibigan nang makitang wala itong naging reaksyon sa naging hatol kay Chardo
Sa ibaba ng C.A building, animo'y may celebrity na inaabangan ang mga tao. Naroon kasi ang mga reporter at ilang kapulisan. May mga empleyado na rin ng C.A ang nasa labas at nagtatanong ng kung ano ang nangyayari."A-ano?! Naparito kayo para h-huhulihin ang Ceo namin?" Tanong ng receptionist sa isang pulis."Oo. Kaya kung meron kang nalalaman sa anomalya ng inyong Ceo, ay maaaring lang na makipag-ugnayan kayo sa 'min para mabigyan ng katarungan ang mga taong sinikil n'ya kung meron man." Sagot ng pulis."That's right! Hump! Ang sabi nila ay genius daw sa business world, magnanakaw naman pala!" Nagpupuyos na wika ng isang naka-suit na matandang lalaki. May-ari ito ng isang malaking kumpanya dati na kalaunan ay nalugi nang may manabotahe at magnakaw ng confidential files ng kanyang kumpanya.Ngayon lang nito naalala, anim na taon na nakakaraan, naging empleyado sa kanyang kumpanya si Chardon.Naguluhan ang mga empleyado ng C.A sa ibinibintang ng lalaki. "Sir, hindi po magagawa
"Marigold, anak. Nag-away ba kayo ko Chardon?"Natigilan sa paghuhugas ng mga pinaglutuan si marigold at napatingin sa ina. "Hindi 'ma, bakit mo naman naitanong 'yan?""E bakit bigla na lang siya'ng nagkaganun? Tulala, balisa, parang laging wala sa sarili. Naku, baka kung ano na ang nangyayari du'n a, kausapin mo kaya?"Binitiwan ni Marigold ang ginagawa at humarap sa ina. ""Ma, iyon nga ang gusto kong ihingi ng payo sa 'yo e. Tinanong ko na siya, pero umiiwas naman. E paano ko malalaman kung ano ang pinagdadaanan n'ya, e parang mas gusto pa niyang ilihim sa 'kin 'yun e."Natigilan ang dalawa nang biglang may nag-doorbell. "Sandali lang!" Sigaw ni nanay sela habang nagliligpit ng pinagkainan.Sa pag-aakalang ang amo 'iyon ay hindi na inalam pa niya nanay sela kung sino ang tao sa labas ng gate. Natigilan ang Matanda nang makita ang isang maganda at mukhang may class na babae. Nalalaman ni nanay sela na may edad na ang babae, ngunit hindi makikitaan ng pagkaka-edad ito. "Ano p
Dahil buo ang paniniwala ni Beatrice na si lucilla nga ang posibleng kumuha ng kanyang pitaka, walang kagatul-gatol at kumpiyansa itong pumayag nang sabihin ni Chardon na magtungo silang lahat sa CCTV monitoring room at tingnan doon ang talagang nangyari.Ngunit nang makitang ibang tao ang kumuha ng kanyang pitaka at nang makitang napadaan lang si lucilla sa CCTV ay nagitla ito at tila hindi pa makapaniwala. "T-this..... Baka naman, m-may diperensya lang ang CCTV camera n'yo."Gusto na lang umiling-iling at magtawa ng technician'g naka-toka sa monitoring room kay Beatrice ngunit hindi nito magawa."Heh, The CCTV camera probably has defect? Or was it your brain has a defect?"Sumimangot si Beatrice ngunit hindi nito nagawang sagutin ang sarkastikong sinabi ni chardon."M-mom, what now?" Pabulong na tanong ni Bianca. Nalaman nitong si Lucila pala ang ina ni marigold na siya rin'g umaagaw sa pagmamahal ng ama para sa ina, kaya hinangad nito'ng mahulog si Lucila sa kamay ng ina para
"W-what are you planning to do? What is that document about?" May bahagyang pag-aalala ng babae, hindi malaman kung dahil ba sa nalalaman niyang posibleng kapahamakan ng taong pinagpa-planuhan ng lalaki, o ang pag-aalala'ng baka madawit siya.Nag-snort ang may-edad na lalaki. "You do not need to know. just wait for me to tell you if we will become in-laws in the future." Tumayo na ito bitbit ang envelope. "Margot, let's go!""Bye, my future mother-in-law." Nasa mood na wika ni Margot bago sumunod sa ama.Naiwang napapa-isip si Ariella. Ano ang pinaplano ni Hugo at bakit tila parang siguradung-sigurado itong magtatagumpay ang kanyang plano'ng mapa-payag si chardon sa gusto nito....Biglang nagkaroon ng katahimikan matapos sabihin ni marigold sa ina ang kanyang pagbubuntis. "M-ma?" Tawag ni marigold nang mapansin ang biglang pag-simangot ng ina."Ginawa n'yo rin pala ano? Hindi n'yo rin pala pinansin ang paalaala't bilin ko?" Nagkatinginan sila marigold at Chardon. Nagtaka
Nakagat ni marigold ang labi habang patuloy na pinakikinggan ang nagsasalita sa loob. Biglang sumamâ ang pakiramdam nito kasabay ng nararamdaman niyang gutom."..... and that is Margot that we propose to betrothed to you." Pagtatapos ni Ariella."Hello, nice to meet you Mr. Atanant.... " maririnig ang malambing na tinig ng isang babae sa loob. "I was really surprised to see you and never expected you to be this hansome, aside from what I heard that you are a young genius businessman. I really admired a young talent and outstanding men of today's generation like you....."Hindi na matiis pa ni marigold ang mga naririnig sa loob. Pakiramdam niya'y kapag nagpatuloy pa ito ay baka mapikot na nang tuluyan ang ama ng nasa kanyang sinapupunan.Natigilan ang mga nasa loob ng private room nang biglang magbukas ang pinto. "Chardon~" pumasok si marigold at dumiretso sa nobyo.Agad tumayo si Chardon at sinalubong si marigold. "Um, I.... I'm sorry, I didn't tell you about this...."Sumim