"Marigold, ayos ka lang? Namumutla ka a." Tanong ni Jessy nang mapansin na tila hindi mapakali si marigold na nasa tabi n'ya.Hindi sumagot si marigold. Nakatingin lang ito sa direksyon ni Chardon habang patuloy na pinagkikiskis ang kanyang mga kamay.Ngumisi si Vivian sa mga taong naka-abang sa kanya at humarap sa kanilang Ceo."Ang kasabwat ko ay s-""Nasaan 'yan! Nasaan!!"Naputol si Vivian nang biglang may paparating na malakas at malaking boses ng babae. Tila galit ito at merong susugurin.Lumitaw sa pinto ng opisina ang isang may-edad at matabang babae kasunod si Mr. Malibo. Pinipigilan ni Mr. Malibo ang babae at pilit itong pinakakalma."Darling~ please lang, nasa kumpanya tayo.... huwag ka namang mag-eskandalo dito." Pakiusap ni Mr. Malibo.Galit na hinampas ng matabang babae ng bag si Mr. Malibo. "Ano? Nahihiya ka? Pero sa pangangabit mo hindi ka nahihiya ha?!..." Dinuro-duro ng babae ang nangingilag na si Mr. Malibo. ".... Kung wala pang magti-tip sa 'kin ng mga kawalang-hiy
Agad lumayo sa isa't-isa si Paul at marigold. Ngunit sa ginawa nilang ito ay lalo lang silang nagmukhang may itinatago at may lihim na relasyon.Nang mag-angat ng tingin si marigold ay nakita niyang masamang nakatingin si chardon sa kanya kaya agad s'yang napayuko. "Um... H-hey, chardon. We didn't do anything, I swear. I'm ju-""You really has a lot of free time, aren't you? Why don't you go back to france and take a look at the tumult your favorite friend has done?""W-what? What do you mean?" Pagtataka ni Paul.Nagbigay lang ng pahiwatig si chardon dahil maselan at lihim ang tungkol doon, tungkol 'yon sa gulong ginawa ng isa sa mga kakumpetensiya'ng sindikato ni Paul sa negosyo niya sa France at sinasamantala ng mga ito ang kawalan niya doon."Damn it!! They're surely tired of living!" Galit na sambit ni paul habang nagngangalit ang kanyang mga ngipin. Tila bigla niyang nalimutan na pinoprotektahan niya si marigold kanina lang at diri-diretso itong umalis habang tinatawanan
Kinabukasan, medyo mataas na ang araw nang magpunta ako ng kumpanya para mangalap ng impormasyon tungkol sa buntis na pumunta kay Ms. Vivian.Halos hindi ako makatulog sa kakaisip tungkol doon kagabi. Excited na akong mag-umaga na para makapunta na agad ng C.A. Sa ganitong paraan kasi ay malilinis ako sa pagkakasangkot ko sa mga nawalang files, at least mababawasan ang kasalanan ko sa paningin ni Mr. Atanante.Sinadya kong magpunta ng medyo tanghali at papuslit na pumasok ng kumpanya dahil nagtatago ako kay Mr. Atanante. Sinisiguro kong abala siya sa trabaho para hindi n'ya malaman ang pagpunta ko.Sa HR ako tumungo dahil doon ko balak kumuha ng impormasyon, ngunit hindi ko agad napuntahan si Mrs. Guiller dahil hinarang ako ng mga babaeng empleyado dito at hindi pinayagang makapasok pa ng office."Anong ginagawa mo dito? Ang alam namin ban ka na dito sa kumpanya a?" Hindi maganda ang tono ng babae sa 'kin na para akong isang outsider at hindi naging empleyado ng C.A.Hindi ko iyon pina
Yumakap si marigold kay Jonas at iniiyak ang lahat ng kanyang sama ng loob. Para namang kinurot ang puso ng binata kaya hinayaan lang niya si marigold habang hinahagod ang likod nito.Abala si jonas kaya huli na nang mabasa n'ya ang text message ni marigold. Hind pa man n'ya natatapos ang mga dapat niyang gawin ay umalis na ito.Hindi nagsalita si jonas. Nang mahimasmasan si marigold ay hinila niya ito sa kanyang sasakyan.Dinala ni jonas si marigold sa Ocean Park para malibang ito. Habang naglalakad sila sa loob ay sumulyap-sulyap si jonas sa dalaga na wala pa rin'g imik.Hanggang sa dalhin n'ya ito sa isang restaurant para mag-lunch ay hindi pa rin kumikibo si marigold. Tahimik lang ito'ng kumakain.Nang matapos nang kumain ay hindi na nakatiis si Jonas. "Hanggang kailan ka mananahimik d'yan. Baka gusto mong i-share sa 'kin ang nangyari."Matapos punasan ang kanyang bibig ay bumuntong-hininga muna si marigold bago magsalita."Aalis na 'ko sa kumpanya..." Maikling pangungusap ni
"O, heto na ang pangako ko." Iniabot ni jonas ang isang envelope kay marigold.Ang nilalaman nu'n ay ang mga impormasyon na kailangan ni marigold. Mabilis lang ito'ng nakuha ni jonas sa HR."Salamat Jonas. Pasensya na sa abala ha." "Wala 'yun. Basta ikaw." Humahighik lang si marigold at hindi na pinansin pa ang sinabi ni Jonas ngunit hindi n'ya napapansin ang kakaibang kislap sa mga mata ng binata na nauukol lang sa kanya.Ngayon lang naisip ni jonas kung gaano s'ya katanga, kung bakit ngayon lang n'ya naisip sa kanyang sarili na matagal na s'yang may pagtingin sa dalagang nasa harap niya. Hindi na sana umabot pa sa puntong, nasaktan ito dahil sa kanyang pinsan, naprotektahan sana n'ya ito."Sige... Mauna na 'ko, aasikasuhin ko pa 'to." Paalam ni marigold. Tumayo siya at lalabas na sana ng convenience store nang pigilan ito ni Jonas."Sasamahan na kita." Nagpumilit sumama si jonas sa kabila ng pagtanggi ni marigold dahil nalalaman niyang may trabaho pa ito sa kumpanya. Ngunit dahil
"Do you know what she had done just to get where she is now?" Tanong ni Chardon kay Bryan."S-stop it!" Bulalas ni Claire. Payag na si Claire na mapunta na lang kay Bryan kung imposible na s'ya kay chardon ngunit sa oras na isiwalat ni chardon ang sikreto n'ya kay Bryan ay baka layuan na s'ya nito. Nagtatakang napatingin si Bryan kay Claire. Nakita niya ang takot sa hitsura nito at sa nakikita n'ya kay Claire ay mukhang may malaking sikreto ito."Don't beat around the bush, just say it." Bagaman gusto ni Bryan si Claire ay hindi naman s'ya papayag na paglaruan siya nito at pagmukhaing tanga kagaya ng ginawa nila kay chardon."For the sake of our... MOMENTARY FRIENDSHIP, let me share a little information with you." Ngumisi si Chardon sa nagpa-panic na'ng si Claire. Sa ayos nito ay parang handa nitong lundagin si chardon anumang oras para pigilan ito."Did you know that, her real name was Clara Tremblay? Her actual age is not 22 that she always blurted out to us to have an impression t
Nagmamadaling umuwi ng villa si Chardon, dakong alas onse pasado na iyon nang gabi. Agad niyang dinampot ang telepono at tumawag sa landline. Kilalá n'ya ang kanyang tatawagan, siguradong sa mga oras na ito ay mahimbing na itong natutulog, ngunit wala siyang pakialam. Maya-maya ay may sumagot na alam niyang katulong ng bahay na iyon. Kaya sa landline siya tumawag ay dahil alam niyang hindi niya mako-contact ang cellphone nito."It's Chardon.... call jonas for me." Wika n'ya sa katulong.Matagal naghintay si Chardon ngunit hindi ito makikitaan ng pagka-inip at pagka-inis.Inabot ng siyam-siyam bago marinig ang parang nanggaling sa ilong na tinig ng isang lalaki sa kabilang linya. "Hello?" "Tell her, if she want her bag... Go to my company tomorrow." Agad na saad ni chardon.Saka lang naalimpungatan si jonas. "K-kuya chardon...?"Agad nagising ang diwa ng binata. "No!... Tumawag ka ng ganitong oras at inabala mo ang tulog ko para lang sabihin sa 'kin 'yan? Hindi ko s'ya hahayaan
Nagpupuyos si Marigold nang magtungo sa C.A. Hindi na siya nagawang pigilan ng guwardiya nang dumiretso siya ng pasok.Nagulat ang ilang receptionist nang biglang sumulpot si marigold at lagpasan sila. Tinawag pa ng isa si marigold ngunit hindi s'ya pinansin nito.Dahil dito ay tumawag sila ng security. Sa pagkaka-alam kasi nila ay bawal na'ng tumapak si marigold sa C.A katulad ni Vivian, kaya nalalaman nila'ng hindi dapat nila hayaang makapasok ito.Hinabol ng dalawa security si marigold. Nang makita ng dalaga na may humahabol sa kanya ay kaagad siyang tumakbo."Tigil!!""Hoy, tumigil ka sabi, e!!" Mabilis na tinungo ni marigold ang elevator at agad pumasok nang magbukas iyon.Kinontak ng isa sa security ang personnel sa control room at itinawag ang pumugang si marigold. Ipina-monitor nila dito ang galaw ni marigold at kung saan ito papunta. Nang malaman ng dalawang lalaki na paakyat ng top floor si marigold ay nataranta sila. Dahil alam nilang laging mainit ang ulo ng Ceo n
"Mari, there is something you are not telling me." "Ha? Ano naman 'yon?" "Who is that bastard that attacked you in the parking lot?" "A, 'yun? Si Erick 'yon, empleyado din dito." "You seem really different now, eh? looks like you have secret admirers too." Ani chardon na may bakas ng iritasyon. Napakamot sa ulo si marigold. "H-ha? Hindi naman." Naglalakad ang dalawa sa lobby habang magka-holding hands ang mga ito na umani ng papuri, inggit, at kilig sa mga babaeng empleyadong naroon. Pagpasok ng Opisina ay naupo si Chardon at wari'y may inisiip. Lumapit si marigold at minasa-masahe ang noo nito. "Ano naman ang inisip mo? Ang aga-aga, mukhang problemado ka na." "I was thinking what should to be done to make everyone notified that you are taken. Should I plaster it on the wall or something like that?" Ani ng nakapikit na si chardon habang ini-enjoy ang serbisyo ng nobya. Nangunot ang noo ni marigold. "Ano?" Tanong nito sa bumubulong na nobyo. Hindi n'ya naintindihan ang mga s
Natigilan si Marigold nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng lalaki. Dagli itong bumaba ng kotse at tiningnan kung sino iyon.Nakita niya ang naka-sumbrero't naka-shades na lalaki na may travel bag sa kanyang likod, habang hawak-hawak nito sa kuwelyo ang nagpipiglas na si Erick."Bitiwan mo 'ko! Sino ka bang pakialamero ka, ha?" Sigaw ni Erick. Nang makabuwelo ito ay tinanggal nito ang sumbrero't shades ng lalaki.Gan'un na lamang ang pagka-gitla ni marigold nang makita kung sino ito. "Ch-chardon?!"Ngumiti si Chardon. "Hi Mon amor. Although we've seen each other last week, but I'm still miss you..... do you miss me too?"Napanganga na lang si Marigold at hindi makapaniwala. Anong ginagawa ni Chardon dito, at paano ito nakalabas?"Wait for me, I will dispatch this first." At kinaladkad ni chardon si Erick.Sinundan ng hindi pa rin'g makapaniwalang si marigold si Chardon. Naka-antabay s'ya sa tabi habang ipinapasa nito si Erick sa guwardiyang agad naman siyang nakilala.
"Lucy, ako na diyan. Mabigat na yata 'yan, baka mahirapan ka na'ng magtulak." Nakangiting wika ng may-edad na lalaki kay Lucilla sabay kuha ng cart dito."Hindi na. Kaya ko na 'to. Saka, paano mo nalaman'g mag-go-grocery ako ngayon? Huwag mong sabihin'g sinusundan mo 'ko?""Hindi naman.... basta naramdaman lang ng puso ko kung saan ka naroon. Kaya, sinundan kita dito." "H-ha?" Napailing-iling at napabuntong hininga na lang si Lucila sa naka-ngiti pa rin'g lalaki. Anim na taon na rin ang nakalilipas buhat nang makapag-usap sila ni Ernesto sa isang café at sugurin sila ni Beatrice doon. Bagaman nilinaw na n'ya ang lahat dito, ngunit makapal pa rin ang apog nito na muling nanligaw matapos nitong makapag-sampa ng annulment sa dating asawa. At magpasa-hanggang ngayon ay nanunuyo pa rin ito.Minsan ay hindi mapigilang kiligin ni lucilla sa panunuyo ni Ernesto. Pakiramdam niya kasi, sa kabila ng kanyang edad ay para siyang teen-ager na nililigawan nito.Dahil nagsawa na siya sa pa
Nagbunyi ang mga negosyanteng nagsampa ng kaso kay Chardon. Ang totoo ay hindi lang hustisya para sa ginawa ni Chardon sa kanila ang kanilang habol, kundi, dahil na rin sa malaking inggit nila dito. Habang umiiral ito sa business circle, patuloy itong mamamayagpag at patuloy silang magiging talunan nito. Ngunit ngayong makukulong na ito, magkakaroon na sila ng pagkakataon.Kabaligtaran ng maingay at pagbubunyi ng mga negosyante'ng nagpakulong kay chardon, tahimik sa hanay nila marigold. Tila biyernes Santo ang mga mukha nito."S-sir...." Napahid ni Mr. Javier ang mga mata, hindi nito mapigilang maging emosyonal. Tila mahihiwalay siya ng mahaba-hahang panahon sa amo'ng anim na taon na niyang kasa-kasama.Agad naglapitan sa natulalang si marigold sila Maricris, Jessy, at ang iba pa nilang kaibigan, habang ma-ngiyak-ngiyak naman sila nanay sela at lucilla. "M-marigold.... " Hinaplos-haplos ni Maricris ang kaibigan nang makitang wala itong naging reaksyon sa naging hatol kay Chardo
Sa ibaba ng C.A building, animo'y may celebrity na inaabangan ang mga tao. Naroon kasi ang mga reporter at ilang kapulisan. May mga empleyado na rin ng C.A ang nasa labas at nagtatanong ng kung ano ang nangyayari."A-ano?! Naparito kayo para h-huhulihin ang Ceo namin?" Tanong ng receptionist sa isang pulis."Oo. Kaya kung meron kang nalalaman sa anomalya ng inyong Ceo, ay maaaring lang na makipag-ugnayan kayo sa 'min para mabigyan ng katarungan ang mga taong sinikil n'ya kung meron man." Sagot ng pulis."That's right! Hump! Ang sabi nila ay genius daw sa business world, magnanakaw naman pala!" Nagpupuyos na wika ng isang naka-suit na matandang lalaki. May-ari ito ng isang malaking kumpanya dati na kalaunan ay nalugi nang may manabotahe at magnakaw ng confidential files ng kanyang kumpanya.Ngayon lang nito naalala, anim na taon na nakakaraan, naging empleyado sa kanyang kumpanya si Chardon.Naguluhan ang mga empleyado ng C.A sa ibinibintang ng lalaki. "Sir, hindi po magagawa
"Marigold, anak. Nag-away ba kayo ko Chardon?"Natigilan sa paghuhugas ng mga pinaglutuan si marigold at napatingin sa ina. "Hindi 'ma, bakit mo naman naitanong 'yan?""E bakit bigla na lang siya'ng nagkaganun? Tulala, balisa, parang laging wala sa sarili. Naku, baka kung ano na ang nangyayari du'n a, kausapin mo kaya?"Binitiwan ni Marigold ang ginagawa at humarap sa ina. ""Ma, iyon nga ang gusto kong ihingi ng payo sa 'yo e. Tinanong ko na siya, pero umiiwas naman. E paano ko malalaman kung ano ang pinagdadaanan n'ya, e parang mas gusto pa niyang ilihim sa 'kin 'yun e."Natigilan ang dalawa nang biglang may nag-doorbell. "Sandali lang!" Sigaw ni nanay sela habang nagliligpit ng pinagkainan.Sa pag-aakalang ang amo 'iyon ay hindi na inalam pa niya nanay sela kung sino ang tao sa labas ng gate. Natigilan ang Matanda nang makita ang isang maganda at mukhang may class na babae. Nalalaman ni nanay sela na may edad na ang babae, ngunit hindi makikitaan ng pagkaka-edad ito. "Ano p
Dahil buo ang paniniwala ni Beatrice na si lucilla nga ang posibleng kumuha ng kanyang pitaka, walang kagatul-gatol at kumpiyansa itong pumayag nang sabihin ni Chardon na magtungo silang lahat sa CCTV monitoring room at tingnan doon ang talagang nangyari.Ngunit nang makitang ibang tao ang kumuha ng kanyang pitaka at nang makitang napadaan lang si lucilla sa CCTV ay nagitla ito at tila hindi pa makapaniwala. "T-this..... Baka naman, m-may diperensya lang ang CCTV camera n'yo."Gusto na lang umiling-iling at magtawa ng technician'g naka-toka sa monitoring room kay Beatrice ngunit hindi nito magawa."Heh, The CCTV camera probably has defect? Or was it your brain has a defect?"Sumimangot si Beatrice ngunit hindi nito nagawang sagutin ang sarkastikong sinabi ni chardon."M-mom, what now?" Pabulong na tanong ni Bianca. Nalaman nitong si Lucila pala ang ina ni marigold na siya rin'g umaagaw sa pagmamahal ng ama para sa ina, kaya hinangad nito'ng mahulog si Lucila sa kamay ng ina para
"W-what are you planning to do? What is that document about?" May bahagyang pag-aalala ng babae, hindi malaman kung dahil ba sa nalalaman niyang posibleng kapahamakan ng taong pinagpa-planuhan ng lalaki, o ang pag-aalala'ng baka madawit siya.Nag-snort ang may-edad na lalaki. "You do not need to know. just wait for me to tell you if we will become in-laws in the future." Tumayo na ito bitbit ang envelope. "Margot, let's go!""Bye, my future mother-in-law." Nasa mood na wika ni Margot bago sumunod sa ama.Naiwang napapa-isip si Ariella. Ano ang pinaplano ni Hugo at bakit tila parang siguradung-sigurado itong magtatagumpay ang kanyang plano'ng mapa-payag si chardon sa gusto nito....Biglang nagkaroon ng katahimikan matapos sabihin ni marigold sa ina ang kanyang pagbubuntis. "M-ma?" Tawag ni marigold nang mapansin ang biglang pag-simangot ng ina."Ginawa n'yo rin pala ano? Hindi n'yo rin pala pinansin ang paalaala't bilin ko?" Nagkatinginan sila marigold at Chardon. Nagtaka
Nakagat ni marigold ang labi habang patuloy na pinakikinggan ang nagsasalita sa loob. Biglang sumamâ ang pakiramdam nito kasabay ng nararamdaman niyang gutom."..... and that is Margot that we propose to betrothed to you." Pagtatapos ni Ariella."Hello, nice to meet you Mr. Atanant.... " maririnig ang malambing na tinig ng isang babae sa loob. "I was really surprised to see you and never expected you to be this hansome, aside from what I heard that you are a young genius businessman. I really admired a young talent and outstanding men of today's generation like you....."Hindi na matiis pa ni marigold ang mga naririnig sa loob. Pakiramdam niya'y kapag nagpatuloy pa ito ay baka mapikot na nang tuluyan ang ama ng nasa kanyang sinapupunan.Natigilan ang mga nasa loob ng private room nang biglang magbukas ang pinto. "Chardon~" pumasok si marigold at dumiretso sa nobyo.Agad tumayo si Chardon at sinalubong si marigold. "Um, I.... I'm sorry, I didn't tell you about this...."Sumim