Nakatitig lamang si Daisy kay Casey habang inaantay nito ang isasagot ng kaibigan. Si Lincoln naman ay tahimik lang din na inoobserbahan si Casey habang nakikinig lang sa usapan ng magkaibigan. Iniisip niya kung ano nga ba ang magiging apekto sa kanilang lahat ng magaganap na party, lalo na at mainit ang mata ng mga tao sa kanila ngayon dahil sa mainit-init nilang issue. Palihim naman na napangisi ang lalake habang iniisip na siya ang magiging kasama ni Casey sa gabing yon. Siguradong magiging sampal ito kay Dylan, at natutuwa habang iniisip yon, Nag-aalala naman si Daisy para kay Casey. Sa tuwing may nagaganap kasi na okasyon ay palaging si Dylan ang kasama nito upang ipakita sa lahat ng mga tao na matibay pa rin ang kanilang pagsasama, kahit na sa likod ng mga kurtina ay ang isang madilim na katotohanan na hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Ngunit iba na ang kanilang sitwasyon ngayon, kaya hindi sigurado si Daisy sa magiging kahihinatnatan ng mangyayaring party gayong may posibi
Nakatingin lamang si Casey sa hindi pa rin makapaniwala niyang kaibigan. "Ano ba, Daisy, para kang tanga dyan," saad nito. Nilingon naman siya ni Daisy at tinignan nang masama, "Ikaw ang parang tanga, Cas! Bakit mo naman ako binibigla nang ganito?!" singhal nito. Kibit-balikat naman na sumagot si Casey, "Bigla ka rin nag tanong e." Naiintindihan naman ni Casey ang naging reaksyon ng kaibigan kaso ayaw niya lang talaga sana na gawin itong big deal kahit malaking bagay naman talaga ito. Alam niya rin na nag-aalala lamang si Daisy sa kaniya dahil sa mga posibleng mangyari sa gabi na yon. Agad naman na lumapit si Daisy kay Casey at hinila ito pabalik sa dining table at sapilitan na pinaupo sa upuan. Hinanda na ni Casey ang kaniyang sarili sa isang malaking deep talks. "Sigurado ka ba sa ginagawa mo, Cas? Final na ba itong plano mo na pumunta sa party kasama si Lincoln?" sunod-sunod na tanong ni Daisy, bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa kaibigan. "Oo. Desidido na ako rito, Daisy.
Natagpuan ni Casey ang kaniyang sarili na nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Lincoln. Hinawakan niya nang mahigpit ang sariling kamay dahil nilalamig ito at nanginginig. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya dahil samot-saring mga emosyon ang nag aaway away sa loob niya. Huminga siya nang malalim at pinapakalma ang kaniyang sarili. Walang duda ang natatanging ganda niya ngayong gabi, alam niya yon mismo sa kaniyang sarili. Kaya kung kaba man ang nararamdaman niya ay dapat hindi siya mag patalo rito at buong tapang na harapin ang mga pangyayaring nag hihintay sa kanila.Habang nasa biyahe ay pabalik-balik naman ang tingin ni Lincoln sa kaniya. Napapansin man yon ni Casey ay hindi hinayaan niya nalang dahil nakatuon ang kaniyang atensyon na pakalmahin ang sarili.Alam ni Lincoln na maganda si Casey ngunit nawindang pa rin siya dahil mas may ikakaganda pa pala ito. Hindi sapat ang salitang "maganda" upang i-describe si Casey ngayong gabi. Higit pa siya sa isang anghel na
Bumungad kay Casey ang liwanag ng napakalaking chandelier na nakasabit sa gitna. Lahat naman ng tao ay nag tinginan din sa kanila. Kitang-kita ang iba't-ibang reaksyon ng mga bisita. Karamihan sa kanila ay nanlaki ang mga mata sa gulat, ang iba naman ay naka kunot ang noo at tila hindi naiintindihan kung bakit magkasama ang dalawa, at ang iilang mga tao naman ay nag bubulong-bulungan sa isa't-isa. Nilipat ni Lincoln ang kamay ni Casey sa kaniyang braso at halos mapasinghap ang babae sa gulat ngunit kumapit nalang siya rito.Isang alala ang biglang dumaan sa isip ni Casey. Dati ay braso ni Dylan ang kaniyang hawak. Mahigpit ang kapit niya rito lalo na kapag kinakabahan siya. Aminado man si Casey na higit sa sampung beses na silang nakadalo sa mga ganitong okasyon ay kinakabahan pa rin siya, lalong-lalo na kapag sinusundan siya ng tingin ng mga tao. At ang simpleng pag kapit niya sa braso ni Dylan ay nakakapag pagaan ng loob niya kahit papaano.Mariing iniling ni Casey ang kaniyang ulo
Lahat ng mga mata ay nakatutok kay Dylan habang papasok ito sa mansyon. Nakasuot ito ng black suit at may iilang silver highlights sa braso ng kaniyang suit. Para siyang lumilinawag habang naglalakad. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha, malalim at madilim ang kaniyang bawat tingin. Kabaliktaran ito sa kalmadong awra ni Lincoln habang naka tingin sa kaniya. Naka ngisi pa ang lalake at inaabangan na ang mga susunod na mangyayari ngayong gabi. Habang si Suzane naman ay mahigpit ang kapit sa braso ni Dylan. Hindi siya mapakali at hindi komportable sa mga binabatong tingin ng mga tao sa kanila. Oo, ito ang kaniyang gusto— atensyon. Ngunit kakaiba ang kahulugan ng kanilang mga tingin. Parang nanghuhusga at pilit na pinapasok ang kaniyang pagkatao upang malaman kung ano ang ginagawa niya sa ganitong lugar kasama ang asawa ng kaniyang pinsan. Hindi na lamang ito pinansin ni Suzane at pilit na ngumiti na may lakas ng loob. Nakasuot siya ng sage green dress at sumasabay ito sa kaniyang b
Nanatili ang matatalim na mga tingin na binabato ni Dylan sa dalawa. Pilit niyang pinipigilan ang kaniyang kamao na nais ng kumuyom dahil sa inis. Nang mapansin ni Suzane ang madilim na ekspresyon ng lalake ay agad siyang nag taka kaya sinundan niya kung saan ito naka tingin. Ganon na lamang ang gulat niyang makita ang kaniyang pinsan at ang kaaway ni Dyla na mag kasama. Binaba ni Suzane ang kaniyang tingin sa braso ni Lincoln na naka pulupot sa bewang ni Casey. Napasinghap siya at napa-kurap ang kaniyang mga mata. Siguro ay talagang naka move on ang kaniyang pinsan at hinihintay na lamang ang settlement ng divorce kaya andito ito ngayon at kasama si Mr. Ybañez— ang malaking tinik sa Almendras Group. Ngunit iniisip ni Suzane ay hindi naman ito kailangan gawin ni Casey— ang ipakita sa lahat ng tao na hindi na maayos ang pagsasama nila ni Dylan. Dahil para sa kaniya ay hindi lamang si Casey ang may pangalan na masisira, kung hindi si Dylan din. Parang gusto rin mang agaw ng atens
Tuloy-tuloy lamang na naglalakad si Dylan papunta sa direksyon nila Casey habang madilim ang ekspresyon nito. Nabigla naman si Suzane sa kilos ng lalake kaya ilang beses niya itong tinawag at pinigalan ngunit parang hindi siya naririnig nito. Naka tuon lamang ang atensyon ni Dylan kay Casey at kung paano makipag titigan ang babae sa ka-date nito.Pinadyak niya ang kanang paa sa sahig nang dahil sa inis at padabog na sumunod kay Dylan. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nasa utak ng lalake at ganito ito kumilos ngayon. Iniwan lamang siya na akala mo ay hindi siya ka-date nito. Naiinis siyang isipin na si Casey na naman ang dahilan nito. Parang lumalala lamang ang sitwasyon dahil sa desisyon ni Casey na makipag ugnayan sa kalaban ni Dylan.Hindi siguardo si Suzane kung magandang ideya ba yon dahil ang ibig sabihin non ay lalong kakamuhian ni Dylan si Casey dahil sa mga naging kilos ng kaniyang pinsan, o maiinis dahil sa halip na mas lumaya ang loob ni Dylan kay Casey ay parang mas n
Lahat ng mga tao sa business industry ay alam ang alitan na meron sa pagitan ng dalawang kumpanya: Ybañez at Almendras Group. Kahit ang mga tao na walang alam sa negosyo at simpleng namumuhay lamang sa bansa ay alam ang mga nagiging issue ng dalawang kumpanya. Mabilis kasi kumalat ang balita at ika nga ng iba ay may tenga ang mga balita kaya kahit nakikichismis lamang ang iba sa social media ay magugulat ka nalang na alam na agad nila ang kalahating context ng issue. Kaya lahat ay nagtataka ngayon kung bakit kasama ng CEO ng iba Ybañez Group ang asawa ng kalaban nito sa kabilang kumpanya. Ngumiti nang mariin si Casey kay Mr. Herrera at sumagot, "Just Miss Andrada now, Mr. Herrera. You can call me Miss Andrada starting tonight."Nawala naman ang ngiti ni Mr. Herrera at tila hindi na maipinta sa gulat ang kaniyang ekspresyon. Dahan-dahan niya tinuro si Casey sabay turo kay Dylan sa malayo at muling binalik ang pag turo kay Casey habang nauutal-utal ito. "You mean..."Lakas loob naman
——: [Lahat ng pamilya may problema. Sa pagkakataong ‘to, hindi naman talaga nagsalita si President Dylan tungkol dito. Ang lahat ng desisyon ay galing kay Lolo Joaquin ng pamilya Almendras. Hindi ba’t hindi natin alam kung ano talaga ang saloobin ni President Dylan dito?]——: [Ano pa bang hindi malinaw? Obvious naman. Siyempre, ang pamilya Almendras ay palaging inuuna ang sarili nilang interes. Si Casey? Isa lang siyang outsider sa kanila. Sino ba talaga ang magpapahalaga sa kanya? Sa tingin ko, mas bagay naman si Casey kay President Lincoln. Bagay na bagay sila! Sana nga ikasal na sila agad at magkaroon ng baby!]——: [Kalokohan! Grabe naman kayo kay President Dylan. Ang bait-bait niya kay Casey sa lahat ng taon na magkasama sila. Kahit nung nalugi ang Andrada Group, hindi siya iniwan ni Dylan. Pero anong ginawa ni Casey? Niloko lang siya. Tapos ngayon, kasalanan pa ni Dylan? At huwag niyong kalimutan ang sinabi ni Lolo Joaquin! Si Casey raw ang may pakana ng lahat. Isipin niyo, mayam
Nanlaki ang mga mata ni Liam Vertosa sa pagkabigla. “Boss Dylan…”Kanina lang, sigurado si Dylan Almendras sa gusto niyang mangyari—ayaw niyang burahin ang post. Gusto niyang masaktan si Casey Andrada. Gusto niyang makita kung paano siya masasaktan sa mga nababasa niya.Pero nang matapos niyang basahin ang post ni Joaquin Almendras sa blue app, bigla siyang kinabahan. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may bumara sa lalamunan niya. Hindi niya inaasahan ang mararamdaman niyang kaba—parang may mali sa lahat ng ginawa niya.Ang mga salitang sinabi niya kanina ay parang kusa lang lumabas sa bibig niya, hindi man lang pinag-isipan. Parang sinasabi ng puso niya ang mga bagay na ayaw aminin ng isip niya.Tahimik niyang pinisil ang mga labi niya, pilit iniisip kung ano ang dapat sabihin. Ramdam ang bigat ng katahimikan sa silid, at parang bumibilis ang tibok ng puso niya.Napansin ni Liam ang magkahalong galit at pagkalito sa mukha ng kanyang boss kaya muling nagsalita, kahit medyo nag-a
Tumingin si Casey kay Ingrid na halatang nag-aalala. “Kung hindi naman totoo, hayaan mo na. Sanay na ang mga artista sa mga ganyang paninira.”Umiling si Casey, pero halatang may bumabagabag sa kanya. Natawa siya nang mahina. “Hindi naman ako naaapektuhan.”Ngunit hindi kumbinsido si Ingrid. Pinagmasdan niya si Casey ng mabuti at napansin ang kakaibang ekspresyon nito. “Eh bakit parang ang bigat ng aura mo? May problema ka ba?”Nag-atubili si Casey saglit bago siya napabuntong-hininga. “Si Lincoln… Naghihintay na naman siya sa labas ng bahay ko kanina. Ang hirap kasi. Ayokong maging bastos sa kanya, baka ma-offend ko siya. Pero iniisip naman niya na ginagamit ko siya laban sa Almendras family kaya ayan, panay ang lapit sa akin.”Napatawa si Ingrid. “Ayun pala! Kaya pala parang may bumabagabag sa’yo.”Tiningnan siya ni Casey ng masama pero ngumiti lang si Ingrid, halatang may naiisip na kalokohan. “Girl, naisip mo na ba?”“Naisip ko ano?” sagot ni Casey, napakunot-noo.Nag-inat si Ingr
Bahagyang napakunot ang noo ni Casey, ang marurupok niyang kilay ay nagtagpo sa mahinang pagkadismaya.Pero si Lincoln, sa kabilang banda, ay naramdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Noong huli silang magkasama sa party, mahigpit siyang nakakapit sa braso nito, pero naka-suot siya noon ng suit. May tela sa pagitan nila—isang hadlang na nagpalabnaw sa sensasyon. Ngayon, wala na. Direkta niyang naramdaman ang lambot ng balat ni Casey sa ilalim ng kanyang palad.Parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ni Lincoln sa sandaling iyon, nagdulot ng matinding pagkabigla sa kanya. Hindi pa siya kailanman naging ganito ka-intimate sa kahit sinong babae. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso, parang tambol na nagwawala sa kanyang dibdib.Napansin ni Casey ang tensyon sa ere. Hindi siya kumportable, kaya marahan niyang hinila ang kanyang kamay. “Mr. Ybañez,” mahina ngunit matalim ang tono niya.Hindi na niya kailangang sabihin pa ang lahat. Klaro ang mensahe.Pero hindi binitawan
Si Casey ay nakatayo sa gilid ng kalsada, ang noo’y bahagyang nakakunot habang nakatitig sa itim na sasakyan sa harap niya. Ayaw niyang sumakay. Halata sa kanyang pagkilos na nag-aalangan siya. Hawak niya ang strap ng kanyang bag nang mahigpit, parang iniisip niyang tumakbo palayo.Sa loob ng sasakyan, nakaupo si Lincoln Ybañez, kalmado ang ekspresyon. Bumaba ang bintana ng kotse at dumungaw siya, ang boses ay malumanay ngunit matatag. “Alam kong hindi ko pa nasasabi sa’yo lahat ng dapat mong malaman, Casey. Pero pwede bang sumakay ka muna?”Napakagat si Casey sa labi. Sa utak niya, ito na dapat ang huling pagkakataon—ang tuluyang pagputol ng ugnayan nila. Pero sa tono ng boses ni Lincoln, naramdaman niyang may bigat ang sinasabi nito.Matapos ang ilang segundong pag-aalinlangan, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumakay sa passenger seat.Napangiti si Lincoln, halos hindi halata. Tahimik niyang isinara ang pinto para kay Casey, saka umikot patungo sa driver’s seat. Hindi pa ri
#Shock! Mr. Almendras spent the whole night with Miss Suzanne#Nag-trending ang balita sa blue app, at ang headline ay sobrang exaggerated na parang sinadya talagang mang-akit ng mga mata ng netizens. Pero kahit ganoon, may bahid pa rin ng katotohanan.Suzanne ay na-ospital na naman.Nakatitig si Casey sa screen ng phone niya habang nakakunot ang noo. Muli na naman? Ilang beses na ba itong nangyari? Hindi niya maiwasang magduda. Parang may mali.Hindi ito simple.Hindi ito ang unang beses na na-confine si Suzanne. Naalala pa niya noong huli, halos lahat ay naniwala na naging comatose ito. Pero alam ni Casey—lahat yun ay palabas lang.Ngumiti siya ng mapait. Magaling si Suzanne sa ganitong mga eksena. Ang tanong lang ay—hanggang kailan siya makakalusot?Kung hindi niya lang alam ang mga lihim ng ama niya, baka hindi siya ganito kaapektado. Pero dahil alam niya ang tunay na nangyayari sa Andrada Group, hindi na lang basta laro ang mga ginagawa ni Suzanne.Isa pa, paano niya palalagpasin
Si Casey ay nakaupo pa rin siya sa sofa habang tinitingnan ang phone niya. Biglang nag-pop up ang isang bagong notification.Lincoln Ybañez has mentioned you in a post.Nagdalawang-isip siya kung bubuksan niya ito, pero sa huli, pinindot niya rin.“Some lights are too bright to ignore. Thank you for being that light, Casey. #Grateful #NoRegrets”Napatigil si Casey. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Kilig? Takot? Excitement? Halo-halo na lahat.Biglang nag-vibrate ang phone niya—may bagong message mula kay Lincoln.Lincoln: “Hi, Casey. Alam kong magulo ang lahat ngayon. Pero gusto ko lang sabihin na hindi ko pinaglalaruan ‘to. Kung gusto mong mag-usap, kahit simpleng kape lang, sabihin mo lang. No pressure.”Napangiti si Casey kahit paano. Hindi pa rin niya alam ang sagot, pero sa unang pagkakataon sa matagal na panahon, naramdaman niyang parang may konting pag-asa pa.“Ahm… Nakadagdag ba ako sa problema mo?”Mahinang tanong ni Casey habang naglalaro ang mga daliri niya sa kan
Hawak ni Daisy ang cellphone niya habang nagtataka kung ano ang nangyayari. Pero bago pa makasagot si Casey, biglang napatingin si Daisy sa screen at halos mapasigaw.“Casey! Nasa hot search ka na naman! At kasama mo si Lincoln! Grabe, number one pa kayo ngayon!”Napasinghap si Casey, ramdam niya agad ang kaba sa dibdib niya. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at binuksan ang blue app.Pag-click niya, bumungad agad ang trending topic:—: [Guys, anong masasabi niyo sa tambalan ni Casey at Lincoln? Bagay sila, ‘di ba? Pareho silang magaling, successful, at grabe, ang pogi ni Lincoln tapos si Casey, sobrang ganda! Perfect match!]Sobrang daming comments ang bumaha sa post.—: [Sang-ayon ako! Sobrang agree! Since si Dylan Almendras ay hindi karapat-dapat kay Casey, dapat makahanap siya ng mas okay. At hello? Kailan ba nag-post si Lincoln ng kahit ano tungkol sa babae? Never! Pero ngayon, sinabi pa niya na si Casey ang “ilaw” sa buhay niya. Grabe ‘yun! Dapat sila na! Sila na! Sila na!]—:
Namumuo ang lamig sa mga mata ni Casey Andrada habang nakatitig sa screen ng kanyang telepono. “Kalilimutan na lang?” tanong niya, may halong pangungutya sa boses. Paano niya basta malilimutan? Akala ba nila magpapakababa siya at magpapatalo na lang? Akala ba nila palulunukin siya ng kahihiyan at mananahimik? Hindi siya ganoon. Hindi kailanman naging ganoon si Casey. “Casey… balak mo bang lumaban?” tanong ni Daisy, ang matalik niyang kaibigan, habang tinititigan siya na may halong pag-aalala at excitement. Ramdam niya ang tension sa paligid. Alam niyang hindi basta-basta titiisin ni Casey ang ganitong pambabastos. Hindi sumagot si Casey. Sa halip, nagpatuloy siya sa pagbabasa ng post na nag-viral sa Blue App, pinagmamasdan ang mga salitang unti-unting sumisira sa kanyang pangalan. 【Siguro naman alam na ng lahat ang nangyari sa birthday party ni Mr. Romualdez. Dumating si Casey Andrada kasama si Lincoln Ybañez, at doon mismo sa harap ng maraming tao, sinabi niyang gusto niyang