Agad siyang lumayo kay Scarlett at naihilamos ang kamay sa mukha. Mabilis niyang tinungo ang pinto pero wala si Anikka sa puwesto nito nang sumilip siya.
“Bakit hindi marunong kumatok ang sekretarya mo?” may inis sa wika ni Scarlett. “Simpleng office etiquette hindi niya alam? You should fire those kinds of employees.”
“I’m sorry, Scarlett, tuwing umaga’y may bilin ako sa kanya na mag-didiscuss muna kami bago ako sasalang sa anumang meetings. Idi-discuss ko mamaya kay Dad ang proposal mo then we can set another meeting in another place,” wika niya rito. “May kailangan ka pa ba?”
“Good morning!” Nagulat siya nang makita si Marga na naghihintay sa puwesto niya kina-Lunesan. Galing siya sa Nanay Lucila niya sa Nueva Ecija at doon nagpalipas ng weekend habang si Andrew ay tumuloy sa kanila sa Tarlac. Hindi siya pumayag na magpahatid sa mismong bahay nila kundi sa boundary lang kung saan may sakayan pauwi sa bayan nila. Pagbalik sa Maynila ay doon na rin siya sinundo ng binata. “Marga!” Sandali siyang yumakap at kinumusta ito. “Mas lalo kang gumanda,” papuri niya sa kaibigan. “Ikaw rin.
Patuloy pa rin ang pagiging propesyunal ni Anikka kapag silang dalawa na lang at hindi ito nagpapakita ng galit bagkus ay kalma lang ito na lalong ikinangingitngit ng kalooban niya. Tuwing uungkatin niya ang tungkol sa kanilang dalawa ay iniiba nito ang usapan. Sa tanghalian ay kay Andrew pa rin ito sumabay at alam niyang sinasadya nitong bigyan siya ng schedule ng meeting ng alas singko para makaalis ito habang nasa meeting pa siya. “Join me with my meeting with Mr. San Jose later,” wika niya isang araw para iiwas ito kay Andrew na lagi nang nasa puwesto nito kapag may fifteen minutes break. Nawala sa eksena ang supplier na si Oliver at ito naman ang pumalit sa pag-aaligid sa dalaga.
Hanggang sa matapos ang dinner ay walang malinaw na sagot kung pumapayag ba ito sa suhestiyon niya o hindi. Nang magyaya siya na sa suite niya sa hotel mag-stay ay tumanggi ito.“Kailangan ko nang umuwi,” wika nito na ikinalungkot niya. Kung paano siya naliligalig sa sitwasyon nila ngayon ay kaswal lang ito kung magsalita. Wala rin ang atensyon nito sa kanya kung hindi sa teleponong hawak nito. Mabigat man sa loob ay inihatid niya na ito sa apartment saka tumuloy sa bar sa sobrang inis. At kahit alam niyang puro panenermon ang maririnig niya kay Ethan ay ito pa rin ang tinawagan niya para makasamang uminom. “Are you in l
“Please leave us alone, Rosie,” wika niya sa sekretarya ni Ethan habang nagdi-discuss ang dalawa. Nakita niya ang sandaling pagkainis sa kapatid pero hindi ito nagsalita kaya’t lumabas na rin ng pinto ang sekretarya nito “Anong problema mo at basta-basta ka na lang nagpapaalis ng empleyado habang kausap ako?”“She’s leaving me,”“Who?” kunwari ay tanong nito.“Don’t be funny. Wala ka bang maiinom dito?”“Umuwi ka ng bahay kung gusto mong magpakalasing, Jayzee. Huwag kang magkalat dito sa opisina.”“Ano nga ba ang kasabihan?
Pagbalik ni Anikka sa puwesto ay nakita niya ang ilang miscalls nito at ang mensaheng importante siyang makausap. Nagtungo siya sa dulo ng pasilyo at doon ito kinausap.“Gusto kang makausap ni Ana,” bungad nito sa kanya. Saglit siyang napapikit at agad umahon ang kaba. Anumang balita sa Rancho ay nagpapabilis sa tibok ng dibdib niya. “B-bakit daw?”“Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo. Pero may sinasabi siyang buhay ang Papa mo.”“Oh, God!,” napahawak siya sa dibdib at lalong lumakas ang pagtahip ng dibdib niya. “Nasaan siya?
Pagbalik ni Anikka sa puwesto niya ay sandali siyang napatitig sa screen ng computer pero wala doon ang iniisip. Naghahalo ang kasiyahan at pananabik na muling makasama ang ama, kasabay rin ang pag-aalala sa kaligtasan nito. Isa rin sa nagpapagulo sa isip niya ay ang pag-uusap nila ni Jayzee ngayon lang. Malinaw na opisyal na silang magkarelasyon. Kung dapat niyang ikatuwa iyon o ikatakot ay hindi niya alam. Sa sarili niya’y alam niyang nahulog na ang loob niya rito, pero hindi siya naniniwalang kaya na nitong panindigan ang salitang ‘only one’. Kapag naayos niya na ang kalagayan ng ama ay mananatili pa rin silang magkarelasyong dalawa dahil tuluyan din naman silang ipagkakasu
Katatapos lang ng meeting nila with Mrs. De Guzman ng alas singko nang dumating si Marga nang hindi niya inaasahan. Lihim siyang napamura sa sarili dahil ang gusto niya’y makasama si Anikka sa unang araw ng pagiging official in a relationship nila.“What brings you here?” tanong niya dito na hindi naitago ang pagkadismaya. Wala pang isang minuto ay si Ethan naman ang dumating. “We are here to invite Anikka for a dinner. Puwede ba siyang mag-out ng maaga?”“What?” Hindi niya naitago ang inis. “No.”“Why not?
Napapikit si Anikka nang maramdaman ang labi ni Jayzee na lumapat sa labi niya. It was soft and tender. Anumang alalahanin niya tungkol sa kalagayan ng ama, at anumang usapan nila ni Zane Albano ay gusto niyang kalimutan sandali. Gusto niyang namnamin ang damdamin niya sa binata na bumabalot sa pagkatao niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito katinding pagmamahal. Kahit si Jude na mahigit isang taon niyang naging kasintahan ay pumalyang ipadama sa kanya ang ganitong damdamin. Nakapalibot na ang mga bisig ni Jayzee sa bewang niya at halos buhat na siya nito. Matapos siy
Tuwang-tuwa ang Daddy niya at si Agusto dahil sa huli ay nagkaayos din silang dalawa. Pagdating nila sa Pilipinas ay agad silang nakipag-usap sa wedding coordinator. Tumulong naman ang Mommy Selena niya at Nanay Lucila ni Anikka sa preparasyon na excited din sa church wedding nila. Hanggang sa opisina naman ay kasa-kasama niya ang asawa na siyang pansamantalang gumagawa ng trabaho ni Stacey dahil naka-leave pa rin ang kapatid. Isang araw ay nasa bahay sila ng Daddy niya para sa pag-aayos ng entourage sa kasal nila ni Anikka. Tinawagan niya si Stacey para gawing flower girl ang pamangkin na anak nito. Agad namang pumayag ang kapatid.&nbs
Pagbaba nila sa coffeeshop na lagi nilang pinupuntahan ay naroon na ang Papa Agusto at Nanay Lucila niya. Humalik siya sa mga magulang, ganun din si Jayzee. “Anong itinerary natin today, Papa?” nakangiting tanong niya sa ama na tapos nang mag-almusal sa tagal nilang bumaba ni Jayzee. Umorder ang asawa ng dalawang espresso at butter croissant.“Papunta kami ng Nanay mo sa Louvre Museum, i-tour mo muna si Jayzee sa Eiffel Tower at sa mga sikat na kainang napuntahan na natin. We’ll give you a time for yourselves. Sa palagay ko’y hindi pa sapat ang magdamag para maibsan ang pangungulila niyong dalawa sa isa’t-isa,” tudyo ng ama.
“Good morning!” Isang halik ang nagpagising kay Anastacia kinabukasan. Agad bumungad sa mga mata niya ang naka-boxers lang na si Jayzee. Iniwas ang mga mata at napahawak sa comforter na nakatakip sa katawan dahil napagtanto din niyang wala din siyang suot kahit ano. Isang nakakalokong ngiti naman ang sumilay sa mukha ng asawa.“Anong oras na?” tanong niya.“Alas nueve na, mahal ko. Kumatok na si Papa kanina pero masarap pa ang tulog mo,” sagot nito sa kanya na umupo sa gilid ng kama habang nakatitig sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtawag nito ng Papa sa Papa Agusto niya. &ld
“J-jayzee. . .” “I missed you. . .” wika pa nito sa pagitan ng paghalik. Hindi na siya nakaiwas nang binuhat siya nito at inihiga sa kama. Madiin siyang hinalikan na tila ibinubuhos nito ang lahat ng hinanakit nito sa kanya sa pag-alis ng walang paalam. She felt pleasure and torture at the same time. Kahit ang mga kamay nito’y tila bakal na naglalakbay sa katawan niya. Madali nitong naipasok ang kamay sa loob ng undies niya at mapusok na ipinasok ang isang daliri doon dahilan para buong pwersa niya itong itinulak.“You’re hurting me. . .” halos paanas
“I really had a good time,” wika ni Olivier habang palabas sila sa shop nito. May isang box ng macarons itong ipinadala sa kanya na gawa nito kanina sa baking class. Nagkaroon din siya ng ideya about baking at bukod sa pagbi-bbake ng kung ano-anong pasties ay hinangaan niya ang galing nito sa pagtuturo. Kaninang hapon ay naglakad-lakad naman sila sa gilid ng Eiffel Tower habang kinukuwento nito kung paano ito nakipagsapalaran na mamuhay doon ng ilang taon hanggang maging business partner ng isang local sa Paris. “I did too. Thank you for this box of sweets.”“You can come anytime. I can tour you again around the ci
Nakatanaw si Anastacia mula sa hotel na tinutuluyan kung saan abot-tanaw ng mata ang napakagandang Eiffel Tower. Dalawang gabi niya nang pinagsasawa ang mga mata sa kulay nito kapag lahat ng paligid ay nabalot na ng kadiliman, her heart will always be captivated by its beauty – day and night. At ang magandang paligid sa buong Paris ay nakapagdudulot sa kanya ng kaluwagan sa dibdib at kapayapaan sa isipan. Nag-iisa lang siya sa silid dahil gusto niyang magkaroon ng pagkakataon ang Papa Agusto at Nanay Lucila niya ng oras para sa isa’t-isa. Siniguro naman niya sa dalawa na maayos ang kalagayan niya, at na gusto talaga niyang mapag-isa kaya’t pumayag na rin ang ama. Sa dalawang araw nila dito sa Par
Humanga si Jayzee sa laki ng rancho ng mga Mondragon. Mula sa main road ay uubos ka pa ng halos kinse minutos para marating ang mansyon. Natatanaw din mula sa kalsada ang mahabang taniman ng palay at mais. Hindi niya mapaniwalaang pag-aari ito ng asawa niya. Kilala ang mga Mondragon sa buong Camarines. Hindi siya nahirapang hanapin ang rancho dahil bawat taong natatanungan niya ay kabisado ang lugar na iyon. People were friendly and polite, ang iba’y halos gusto pa siyang ihatid pero tumanggi siya at umarkila na lang ng isang trisekel para hindi na makaabala pa.“Anong gagawin sa Paris?” halos pasigaw na wika ni Jayzee kay Ana
“Good morning, Jayzee. I will be out for a week dahil nagyayaya ang Mommy mo na dalawin ang Auntie Joanna mo sa Cebu.” Ang tinutukoy ng ama ay ang kapatid sa turing ng Mommy Selena niya na totoong anak ng umampon dito noon. Nasa Cebu na ito dahil doon naka-base ang pulis nitong asawa na may mataas nang posisyon. “Oh. . . “ dismayado niyang wika. “May meeting ako kay Mr. Sandoval bukas pero ipapakiusap ko sana sa inyo na kayo muna ang um-attend.”“Why?” tanong ng ama. Umupo ito sa receiving chair ng opisina niya at isinandal ang likod.
“I’m sorry, Papa. Pero wala akong masayang alaalang natatanaw sa nakaraan dito sa rancho kung hindi noong bata pa ako na halos hindi ko na maalala. Noong tumuntong akong muli dito pagkatapos mo akong kuhanin kay Nanay Lucila ay tila bangungot nang lahat para sa akin. Hindi ko gustong ipamigay ang lupang pag-aari niyo ni Lola Manuela, pero namuhay ako ng simple lang at wala ang lahat ng ito at mas masaya ako sa ganoon lang. Ana will definitely take care of this place. Sila ni Benedict.”“Paano ang kumpanya?” tanong ng ama.“I don’t want it either. Ang minahan