Pagbalik ni Anikka sa puwesto ay nakita niya ang ilang miscalls nito at ang mensaheng importante siyang makausap. Nagtungo siya sa dulo ng pasilyo at doon ito kinausap.
“Gusto kang makausap ni Ana,” bungad nito sa kanya. Saglit siyang napapikit at agad umahon ang kaba. Anumang balita sa Rancho ay nagpapabilis sa tibok ng dibdib niya.
“B-bakit daw?”
“Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo. Pero may sinasabi siyang buhay ang Papa mo.”
“Oh, God!,” napahawak siya sa dibdib at lalong lumakas ang pagtahip ng dibdib niya. “Nasaan siya?
Pagbalik ni Anikka sa puwesto niya ay sandali siyang napatitig sa screen ng computer pero wala doon ang iniisip. Naghahalo ang kasiyahan at pananabik na muling makasama ang ama, kasabay rin ang pag-aalala sa kaligtasan nito. Isa rin sa nagpapagulo sa isip niya ay ang pag-uusap nila ni Jayzee ngayon lang. Malinaw na opisyal na silang magkarelasyon. Kung dapat niyang ikatuwa iyon o ikatakot ay hindi niya alam. Sa sarili niya’y alam niyang nahulog na ang loob niya rito, pero hindi siya naniniwalang kaya na nitong panindigan ang salitang ‘only one’. Kapag naayos niya na ang kalagayan ng ama ay mananatili pa rin silang magkarelasyong dalawa dahil tuluyan din naman silang ipagkakasu
Katatapos lang ng meeting nila with Mrs. De Guzman ng alas singko nang dumating si Marga nang hindi niya inaasahan. Lihim siyang napamura sa sarili dahil ang gusto niya’y makasama si Anikka sa unang araw ng pagiging official in a relationship nila.“What brings you here?” tanong niya dito na hindi naitago ang pagkadismaya. Wala pang isang minuto ay si Ethan naman ang dumating. “We are here to invite Anikka for a dinner. Puwede ba siyang mag-out ng maaga?”“What?” Hindi niya naitago ang inis. “No.”“Why not?
Napapikit si Anikka nang maramdaman ang labi ni Jayzee na lumapat sa labi niya. It was soft and tender. Anumang alalahanin niya tungkol sa kalagayan ng ama, at anumang usapan nila ni Zane Albano ay gusto niyang kalimutan sandali. Gusto niyang namnamin ang damdamin niya sa binata na bumabalot sa pagkatao niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito katinding pagmamahal. Kahit si Jude na mahigit isang taon niyang naging kasintahan ay pumalyang ipadama sa kanya ang ganitong damdamin. Nakapalibot na ang mga bisig ni Jayzee sa bewang niya at halos buhat na siya nito. Matapos siy
“Good morning,” Isang halik ang gumising kay Anikka kinabukasan. Maliwanag na ang paligid at ang sikat ng araw ay tumatagos na sa salaming dingding. Napansin niyang nakaligo na si Jayzee bagama’t naka white Giordano T-shirt lang din ito at boxer shorts.“Anong oras na?” tanong niya dahil wala siyang natatanaw na orasan doon. Hatinggabi na rin silang nakatulog matapos siyang muling angkinin nito.“It’s time for breakfast. Hihintayin kita sa baba bago ko pa makalimutang may pasok pa tayo sa opisina,” nakangiting wika nito. Alam niyang pinamulahan siya ng mukha kaya’t iniwas agad ang tingin dito.
Walang nagawa si Ana nang pasamahin siya ni Zane Albano sa opisina ni Jayzee. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ng binata na ang girlfriend nito ay Anikka ang pangalan. It could be a coincidence pero malamang na hindi si Anastacia ang tinutukoy nito. Ang galit niya kay Benedict mula kahapon ay dala-dala pa rin niya hanggang ngayon. Alam niyang hindi pa rin nawawala ang damdamin nito kay Anastacia kahit matagal na itong wala sa Rancho. Gusto rin niyang mamuhi sa kapatid sa ina dahil kahit wala na ito sa Camarines ay hindi pa rin niya makuha ang atensyon ng lalaking minamahal. “Kumusta
“Bakit bigla kang napaluwas, Ana? Hindi ba’t ang usapan natin ay si Benedict ang kasama mo?” tanong ni Anikka sa kapatid sa ina. Naiwan ang driver sa parking lot ng hotel at siya na ang nag-assist papunta sa itinalagang silid ni Jayzee para dito. Hindi nito ibinigay ang suite nito bagkus ay isa lamang sa ordinaryong silid sa hotel para sa mga guests. Magara pa rin naman iyon dahil ang Albano Hotel ay isa sa magagandang hotel sa Maynila. “Paanong napunta ka sa kumpanya ng dapat ay mapapangasawa mo?” tanong nito sa kanya sa halip na sagutin ang tanong niya.&
Hindi niya inasahan iyon at lalong bumigat ang dibdib niya sa mga kundisyon ni Octavio. Lalo lang tumibay ang katotohanang hawak nga nito ang ama. Mabigat man sa kalooban ay kailangan niyang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa kapakanan ng Papa niya.“Hawak mo ang Papa…” halos paanas niyang wika. Gustong mag-unahan ng mga luha niya sa mata sa kaalamang buhay ang ama. Pero nasa panganib pa ito at siya lang ang makakapagligtas dito.“Paano ko masisigurong buhay nga siya? Na patatahimikin mo kami pagkatapos kong ibigay ang mga hinihingi mo?”“Kaya kong tumupad sa usapan, Anikka.
“Akala ko ba’y hindi ka makakasama sa meeting?” tanong ng ama sa kanya nang bigla siyang sumulpot sa conference room. “Nakapagpahinga na si Anikka at nakainom na ng gamot,” sagot niya sa ama. Naroon na ang ka-meeting niya at nasa harap na rin niya ang mga files na kailangan. “I’ll go ahead then, may iba akong kailangang asikasuhin.” Lumabas ang ama sa conference room pero hinabol niya ito at kinausap sa may pasilyo.“I will talk to Ana later, hindi niya na kailangang mag-stay dito dahil hindi ko rin naman siya aasikasuhin,” may inis na wika niya sa ama. “Why don’t you
Tuwang-tuwa ang Daddy niya at si Agusto dahil sa huli ay nagkaayos din silang dalawa. Pagdating nila sa Pilipinas ay agad silang nakipag-usap sa wedding coordinator. Tumulong naman ang Mommy Selena niya at Nanay Lucila ni Anikka sa preparasyon na excited din sa church wedding nila. Hanggang sa opisina naman ay kasa-kasama niya ang asawa na siyang pansamantalang gumagawa ng trabaho ni Stacey dahil naka-leave pa rin ang kapatid. Isang araw ay nasa bahay sila ng Daddy niya para sa pag-aayos ng entourage sa kasal nila ni Anikka. Tinawagan niya si Stacey para gawing flower girl ang pamangkin na anak nito. Agad namang pumayag ang kapatid.&nbs
Pagbaba nila sa coffeeshop na lagi nilang pinupuntahan ay naroon na ang Papa Agusto at Nanay Lucila niya. Humalik siya sa mga magulang, ganun din si Jayzee. “Anong itinerary natin today, Papa?” nakangiting tanong niya sa ama na tapos nang mag-almusal sa tagal nilang bumaba ni Jayzee. Umorder ang asawa ng dalawang espresso at butter croissant.“Papunta kami ng Nanay mo sa Louvre Museum, i-tour mo muna si Jayzee sa Eiffel Tower at sa mga sikat na kainang napuntahan na natin. We’ll give you a time for yourselves. Sa palagay ko’y hindi pa sapat ang magdamag para maibsan ang pangungulila niyong dalawa sa isa’t-isa,” tudyo ng ama.
“Good morning!” Isang halik ang nagpagising kay Anastacia kinabukasan. Agad bumungad sa mga mata niya ang naka-boxers lang na si Jayzee. Iniwas ang mga mata at napahawak sa comforter na nakatakip sa katawan dahil napagtanto din niyang wala din siyang suot kahit ano. Isang nakakalokong ngiti naman ang sumilay sa mukha ng asawa.“Anong oras na?” tanong niya.“Alas nueve na, mahal ko. Kumatok na si Papa kanina pero masarap pa ang tulog mo,” sagot nito sa kanya na umupo sa gilid ng kama habang nakatitig sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtawag nito ng Papa sa Papa Agusto niya. &ld
“J-jayzee. . .” “I missed you. . .” wika pa nito sa pagitan ng paghalik. Hindi na siya nakaiwas nang binuhat siya nito at inihiga sa kama. Madiin siyang hinalikan na tila ibinubuhos nito ang lahat ng hinanakit nito sa kanya sa pag-alis ng walang paalam. She felt pleasure and torture at the same time. Kahit ang mga kamay nito’y tila bakal na naglalakbay sa katawan niya. Madali nitong naipasok ang kamay sa loob ng undies niya at mapusok na ipinasok ang isang daliri doon dahilan para buong pwersa niya itong itinulak.“You’re hurting me. . .” halos paanas
“I really had a good time,” wika ni Olivier habang palabas sila sa shop nito. May isang box ng macarons itong ipinadala sa kanya na gawa nito kanina sa baking class. Nagkaroon din siya ng ideya about baking at bukod sa pagbi-bbake ng kung ano-anong pasties ay hinangaan niya ang galing nito sa pagtuturo. Kaninang hapon ay naglakad-lakad naman sila sa gilid ng Eiffel Tower habang kinukuwento nito kung paano ito nakipagsapalaran na mamuhay doon ng ilang taon hanggang maging business partner ng isang local sa Paris. “I did too. Thank you for this box of sweets.”“You can come anytime. I can tour you again around the ci
Nakatanaw si Anastacia mula sa hotel na tinutuluyan kung saan abot-tanaw ng mata ang napakagandang Eiffel Tower. Dalawang gabi niya nang pinagsasawa ang mga mata sa kulay nito kapag lahat ng paligid ay nabalot na ng kadiliman, her heart will always be captivated by its beauty – day and night. At ang magandang paligid sa buong Paris ay nakapagdudulot sa kanya ng kaluwagan sa dibdib at kapayapaan sa isipan. Nag-iisa lang siya sa silid dahil gusto niyang magkaroon ng pagkakataon ang Papa Agusto at Nanay Lucila niya ng oras para sa isa’t-isa. Siniguro naman niya sa dalawa na maayos ang kalagayan niya, at na gusto talaga niyang mapag-isa kaya’t pumayag na rin ang ama. Sa dalawang araw nila dito sa Par
Humanga si Jayzee sa laki ng rancho ng mga Mondragon. Mula sa main road ay uubos ka pa ng halos kinse minutos para marating ang mansyon. Natatanaw din mula sa kalsada ang mahabang taniman ng palay at mais. Hindi niya mapaniwalaang pag-aari ito ng asawa niya. Kilala ang mga Mondragon sa buong Camarines. Hindi siya nahirapang hanapin ang rancho dahil bawat taong natatanungan niya ay kabisado ang lugar na iyon. People were friendly and polite, ang iba’y halos gusto pa siyang ihatid pero tumanggi siya at umarkila na lang ng isang trisekel para hindi na makaabala pa.“Anong gagawin sa Paris?” halos pasigaw na wika ni Jayzee kay Ana
“Good morning, Jayzee. I will be out for a week dahil nagyayaya ang Mommy mo na dalawin ang Auntie Joanna mo sa Cebu.” Ang tinutukoy ng ama ay ang kapatid sa turing ng Mommy Selena niya na totoong anak ng umampon dito noon. Nasa Cebu na ito dahil doon naka-base ang pulis nitong asawa na may mataas nang posisyon. “Oh. . . “ dismayado niyang wika. “May meeting ako kay Mr. Sandoval bukas pero ipapakiusap ko sana sa inyo na kayo muna ang um-attend.”“Why?” tanong ng ama. Umupo ito sa receiving chair ng opisina niya at isinandal ang likod.
“I’m sorry, Papa. Pero wala akong masayang alaalang natatanaw sa nakaraan dito sa rancho kung hindi noong bata pa ako na halos hindi ko na maalala. Noong tumuntong akong muli dito pagkatapos mo akong kuhanin kay Nanay Lucila ay tila bangungot nang lahat para sa akin. Hindi ko gustong ipamigay ang lupang pag-aari niyo ni Lola Manuela, pero namuhay ako ng simple lang at wala ang lahat ng ito at mas masaya ako sa ganoon lang. Ana will definitely take care of this place. Sila ni Benedict.”“Paano ang kumpanya?” tanong ng ama.“I don’t want it either. Ang minahan