Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay nagising na ako dahil sa biglaang pag-ikot ng sikmura ko. Agad akong napatayo mula sa kinahihigaan ko at saka nagtungo sa banyo at doon ay nagsuka. Matapos niyon ay nagmumog ako at saka naghilamos. Nang pakiramdaman ko ang sarili ko ay hindi iyon maganda.
Lumabas ako ng banyo at nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko ay alas-kwatro pa lamang ng umaga. Naupo na lang muna ako sa kama ko habang inaala ang mga nangyari kagabi. Hanggang sa mga oras na iyon ay ayaw pa rin tanggapin ng utak ko na nagawa sa akin ni Cassidy iyon.
Nasapo ko ang aking noo nang bigla ay sumidhi na naman ang pagkahilo ko. Nang mawala ay agad na akong kumilos dahil sa may trabaho pa ako. Saka ko na lamang iisipin ulit si Cassidy at ang nagawa niya sa akin na iyon dahil may mas importante pa kaysa doon.
"Good morning po, Kuya," bati ko sa security guard na sa tingin ko ay kadarating lamang rin para palitan ang naka-duty nang nagdaang gabi. Agad kong nasabi na isa siyang security guard dahil sa slack na suot niya at ang pang-itaas niyang uniporme na nakasakbit lamang sa kan'yang braso.
"Good morning po, Mam. Parang ngayon ko lang po kayo nakita. Bago lang po ba kayo rito?" tanong niya habang sabay kaming naglalakad.
"Yes po, Kuya."
"Ibig sabihin ay ikaw ang magiging secretary ng bagong CEO ng kompanya, Mam," turan niya.
"Po?" Hindi ko inasahan na ang pinaka-CEO pala ng kompanya ang makakatrabaho ko.
"Oh? Hindi po ninyo alam? Hindi po ba nasabi sa inyo ni Sir Justin noong araw na nag-apply kayo?"
Justin? Justin.. Ah! "Si Sir Justin Samson po?" pangungumpirma ko nang maalala kung saan ko narinig ang pangalan na iyon.
"Yes po, Mam. Siya ang dating naka-assign na CEO ng kompanya pero mukhang nagkakainitan sa pamilya nila at ngayon ay may bago silang ini-assign. Makapangyarihan ang pamilya nila kaya ganoon na lamang kadali sa kanila ang magawa ang kung anuman na gusto nila." May pagkamadaldal rin itong si Kuyang Guard. Napatango tango na lamang ako hanggang sa maghiwalay na kami ng daan.
"You're the new secretary, right?" tanong sa akin ng isa sa mga empleyado nang makarating ako sa cubicle ko.
Agad naman akong tumayo at bahagyang tumungo bilang paggalang. Nakagawian ko na rin naman ang gawin iyon kahit na sa mga nakakasalubong kong mga kakilala. "Yes, Mam. Beatrice Buenaventura po," sagot ko at saka ngumiti. Tatlo silang babae na nasa harapan ko. Hindi tulad kong nakasuot ng suit at slacks, sila ay naka-skirt at naka-long sleeves na puti na hindi ko alam kung ganoon ba talaga ang style dahil sa halos umakat na ang bra nila doon.
"I'm Anica Gutierrez from Marketing department," pagpapakilala niyong nasa kaliwa na nakasuot ng kulay dark blue na skirt at med'yo may pagkakapal ang make-up.
"I'm Chelsea Dizon from Human Resources department," saad naman niyong isa na nasa kanan at may kulay pink na skirt. Kumpara naman sa make-up ni Ms. Anica ay mas light lang iyong sa kan'ya.
"I'm Sandy Fajardo from the Finance department." Kumpara sa dalawang nauna ay mas ramdam ko ang pagkataray ni Ms. Sandy. Siya iyong nasa pinakagitna at nakasuot ng kulay red na skirt. Wala siyang ganoong make-up pero sapat na ang kung anuman na nilagay niya sa kan'yang mukha para mas magmukha siyang mataray. O baka sandyang mukha lang talaga siyang mataray... "Go and get us coffee."
"P-Po?" Hindi ko naiwasan na magtanong dahil sa biglaan niyang pag-uutos sa akin.
Pinagtaasan naman nila ako bigla ng isang kilay. "Are you deaf? She said go and get us coffee," mataray na saad ni Ms. Anica. "I want dark coffee."
"Americano," si Ms. Sandy.
"I want espresso. Hurry!" saad naman ni Ms. Chelsea na pumalakpak pa kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sundin sila.
Mabuti na lamang at nalibot ko na noong araw ng interview ko ang kabuuan ng gusali dahil kung hindi ay maliligaw pa ako. Matapos makuha ang lahat ng order nila ay agad akong nagtungo sa elevator pero puno na ang mga iyon. Nang ilibot ko ang aking paningin ay nakita ko ang papasarado pa lamang na elevator sa may pinakadulo ng hallway. Tinakbo ko ang distans'ya na mayroon ako mula roon at saka agad na pumasok. Huli na nang mapagtanto ko na si Sir Justin pala ang taong naroon. Wala siyang ibang kasama at noon ko lamang napagtanto na paniguradong private elevator ito dahil kung hindi ay hindi naman magsisiksikan ang mga empleyado na roon.
"G-Good morning pi, Sir.." bati ko pa rito at saka tumungo.
Tumikhim ito. "What are you doing here?"
Awtomatiko kong nakagat ang pang-ibaba kong labi. "S-Sorry po, Sir. Hindi ko po alam na private elevator po ito."
"That's not what I mean. You're the new secretary if the new CEO and you're here with those coffee?" Napaangat ako ng tingin sa kan'ya. "I'm sure that's not yours, Ms. Buenaventura. It was just starting and you're already going to consume three different kinds of coffee?"
Napayuko ako. "Sorry po, Sir."
"Make sure that this won't happen again, Ms. Buenaventura," saad niya kasabay nang pagbukas ng elevator.
Lumabas ako at muling lumingon sa kan'ya. Yumuko ako ng bahagya. "Hindi na po mauulit, Sir. Sorry po," saad ko at saka nagmamadaling naglakad paalis roon. "Ito na po ang coffee niyo, Ms. Sandy, Ms. Anica and Ms. Chelsea." Agad kong nilapag iyon sa table ni Ms. Anica kung saan ay nakatipon silang tatlo. Paalis na sana ako nang bigla ay tawagin na naman ako ni Ms. Chelsea. "Bakit po, Mam?" Imbis na sagutin niya ako ay nilingon niya iyong isang babae na nasa tapat ng xerox machine.
"Tapos na ba iyan, Intern?" malakas ang boses na tanong ni Ms. Chelsea sa babae na siyang agad nitong kinalingonlingon sa paligid niya at nang siguro ay makita niyang siya lamang ang intern na nasa floor ay saka lamang siya lumingon sa gawi namin.
"T-Tapos na po, Mam," sagot nito.
"Bring all of it here," utos naman ni Ms. Sandy na agad ginawa ng babae.
"Beatrice, right?" tanong ni Ms. Anica bagaman hindi niya ako binigyan ng pagkakataon upang sumagot. "Take all of these to the meeting room now," saad niya at saka sinenyasan ang intern na ibigay sa akin ang lahat ng documents na iyon.
Nakagat ko ang aking labi sa bigat niyon ngunit hindi na ako nagreklamo pa. Nagtungo ako sa elevator at nahirapan pa noong una na pindutin ang floor kung nasaan ang sinasabi nilang meeting room. Habang nasa hallway ay nakaramdam na naman ako ng pagkahilo ngunit pinilit kong magpatuloy. I was a few steps away from the long table when I felt really dizzy. I thought I was going to fall on the floor but I felt something hard and warm that caught my back and everything went black before I could even see his face clearly.
St. Damien Private Hospital
Kusang nagising ang diwa ko makalipas ang hindi ko malaman kung ilang oras na. Ramdam ko ang bigat ng aking ulo hanggang sa magmulat ako.
Agad bumungad sa akin ang kulay off white na kabuuan ng lugar. Sa kanang parte ng lugar kung saan ako nakalingon nang magising ako ay ang balcony. Mayroong sala set roon at sa gilid ng kama ko ay isang table kung saan naroon ang lampshade. Sa paanan ko ay naroon naman ang sa tingin ko ay pinaka-living room. Sa may bandang kanan na sulok ay ang dining area at sa pinakakaliwa ko ay bumungad sa akin ang isang matandang babae na nakangiti at nakatingin sa akin. Maamo ang kan'yang mukha kaya hindi ko naiwasan na titigan siya hanggang sa mapagtanto ko kung sino siya. Siya iyong matandang babae na nakilala ko roon sa resort bago mangyari ang hindi dapat mangyari. Nakilala ko siya dahil ako ang inatasan ni Sir Maurice na mag-asikaso sa kan'ya nang mga oras na iyon dahil may aayusin lamang ito sandali.
"A-Ano po ang ginagawa niyo rito, Lola?"
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Imbis na sagutin ang tanong ko ay tinanong rin niya ako.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Napangiwi ako nang bigla ay makaramdam na naman ng hilo. "Med'yo nahihilo pa po ako, Lola." Tumango tango ito hanggang sa bigla ay magbukas ang pintuan ng k'warto. Hindi agad makikita kung sino iyon dahil sa pader ng banyo. Nang tuluyan kong makita ang taong iyon ay parang mas lalo lamang akong nahilo.
"She's pregnant," walang pagdadalawang isip na saad ni Lola dahilan para namimilog ang mga mata na napalingon ako sa kan'ya.
"Yeah and she doesn't even know about it," naiinis na saad ng lalaki at saka umismid pa na nakita ko sa peripheral vision ko.
"And you need to be accountable for your unborn child and marry her."
"What?!"
"Po?!"
Jusko. Ano ba ang nangyayari? Bakit biglaang naging ganito?
"Beb?" Napalingon ako sa pintuan ng k'warto ko nang bigla ay sumulpot roon si Cassi na animong matatae ang itsura ng mukha. Halata ang pag-aalinlangan sa boses niya ganoon na rin sa binibigay niyang mga tingin sa akin. What's wrong with this girl? "Bakit?" Binalik ko ang aking pansin sa pag-aayos ng kama. I don't have any work today but my body clock was all set on waking up early. I don't have any plans today but to stay in my room and read some books. "P'wede bang humingi ng favor?" Agad napataas ang isa kong kilay dahil sa sinabi na iyon ni Cassi. Lumabas ako ng k'warto matapos makapag-ayos at saka dumerecho sa kusina kung saan agad naman niya akong sinundan."What favor? As long as I can naman why not?" saad ko at saka uminom ng tubig habang nakatingin sa kan'ya. "I'm not feeling well today but I have to go to Paradise Resort." Nangunot ang noo ko. "Paradise Resort? Ano'ng gagawin mo doon?" "Inatasan kasi ako ni Sir Clark na magpunta roon dahil sa kukulangin ang staff sa maga
"What? Why didn't you tell me immediately?" Rinig kong tanong ng lalaki sa taong nasa kabilang linya. Nakapagdamit na siya kanina roon sa may banyo at habang nagbibihis siya ay nagbihis na rin ako hanggang sa muli siyang lumabas at ngayon nga ay may kausap na. Narito pa rin ako sa gilid ng kama at pilit pa rin na pinoproseso ang lahat ng mga nangyari ngunit ayaw tanggapin ng utak ko. "Fine." Iyon na lamang ang huli kong narinig hanggang sa maramdaman ko ang paglingon nito sa akin. Ni hindi ko magawang pasadahan ng tingin ang lugar kung saan ako naroon ngayon dahil sa pagkakatulala ko lamang sa sahig. "Who are you?" Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin ngunit agad akong umtras sa kinauupuan ko dahilan para mapatigil naman siya agad. Hindi ako sumagot. Wala akong plano na sumagot. Ang gusto ko na lamang ay makaalis rito ngunit sa kamalas malasan ay hindi ko magawa dahil masakit pa rin ang gitnang parte ng mga hita ko. "Does it still hurt?" Sa pagkakataon na iyon ay nahimigan ko na
"Cassidy, please!" Nagising ako nang marinig ng pamilyar na boses na iyon ni Noah. Narito ako ngayon sa apartment at sa tingin ko ay kakauwi pa lamang ni Cassi. Mas nauna kasi ako na umuwi kanina dahil iyon rin ang payo niya sa akin dahil baka mamaya ay puntahan na naman raw ako ni Noah sa club. "Ilang beses ko ba na sasabihin sa iyo na hindi ko na nga alam kung nasaan si Bea?! Magmula nang umalis siya nang umagang iyon ay wala na akong contact sa kan'ya, Noah! Ano ka ba?!" Halata ang pagpipigil na mas lalo pang mapalakas ang boses na iyon ni Cassi. Madaling araw na at tulog na ang mga kapitbahay namin ngunit ito si Noah at nagawa pang magpunta rito. "P'wede bang ayusin mo na iyang sarili mo at kalimutan mo na lang si Beatrice. Iniwan ka na niya, Noah. Iniwan ka na niya." Mariin kong nakagat ang pang-ibaba kong labi nang makita kong yumuko si Noah at magsimulang magtaas at baba ang kan'yang mga balikat senyales na umiiyak na siya. Nang mga sandali na iyon ay lalabasin ko na sana si
Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay nagising na ako dahil sa biglaang pag-ikot ng sikmura ko. Agad akong napatayo mula sa kinahihigaan ko at saka nagtungo sa banyo at doon ay nagsuka. Matapos niyon ay nagmumog ako at saka naghilamos. Nang pakiramdaman ko ang sarili ko ay hindi iyon maganda.Lumabas ako ng banyo at nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko ay alas-kwatro pa lamang ng umaga. Naupo na lang muna ako sa kama ko habang inaala ang mga nangyari kagabi. Hanggang sa mga oras na iyon ay ayaw pa rin tanggapin ng utak ko na nagawa sa akin ni Cassidy iyon.Nasapo ko ang aking noo nang bigla ay sumidhi na naman ang pagkahilo ko. Nang mawala ay agad na akong kumilos dahil sa may trabaho pa ako. Saka ko na lamang iisipin ulit si Cassidy at ang nagawa niya sa akin na iyon dahil may mas importante pa kaysa doon. "Good morning po, Kuya," bati ko sa security guard na sa tingin ko ay kadarating lamang rin para palitan ang naka-duty nang nagdaang gabi. Agad kong nasabi na isa siyang