Share

Chapter 3

Author: cheche
last update Huling Na-update: 2024-01-22 09:15:25

"Cassidy, please!" 

Nagising ako nang marinig ng pamilyar na boses na iyon ni Noah. Narito ako ngayon sa apartment at sa tingin ko ay kakauwi pa lamang ni Cassi. Mas nauna kasi ako na umuwi kanina dahil iyon rin ang payo niya sa akin dahil baka mamaya ay puntahan na naman raw ako ni Noah sa club. 

"Ilang beses ko ba na sasabihin sa iyo na hindi ko na nga alam kung nasaan si Bea?! Magmula nang umalis siya nang umagang iyon ay wala na akong contact sa kan'ya, Noah! Ano ka ba?!" Halata ang pagpipigil na mas lalo pang mapalakas ang boses na iyon ni Cassi. Madaling araw na at tulog na ang mga kapitbahay namin ngunit ito si Noah at nagawa pang magpunta rito. "P'wede bang ayusin mo na iyang sarili mo at kalimutan mo na lang si Beatrice. Iniwan ka na niya, Noah. Iniwan ka na niya." 

Mariin kong nakagat ang pang-ibaba kong labi nang makita kong yumuko si Noah at magsimulang magtaas at baba ang kan'yang mga balikat senyales na umiiyak na siya. Nang mga sandali na iyon ay lalabasin ko na sana siya ngunit bigla na lamang lumingon sa gawi ko si Cassi na animong kanina niya pa alam na naroon ako at nanonood sa kanila. Umiling iling ito na ang ibig sabihin ay huwag kong itutuloy ang anumang iniisip at binabalak ko. Sinunod ko siya at nanatili lamang roon hanggang sa umalis na rin nang tuluyan si Noah.

Zero O'clock Night Club.

Kinabukasan nang gabi ay maaga kaming nagtungo ni Cassidy sa trabaho. Naging maayos ang panimula nang gabi namin na iyon. Tulad noong nakaraang gabi ay nakatoka ako sa kusina at siya naman ay sa may bar. 

"Beatrice!" Napalingon ako sa may pintuan ng kusina nang bigla ay humahangos na sumulpot roon si Kate. Isa siya sa mga kasama namin ni Cassidy na waitress. 

"Bakit? Ano'ng nangyari sa iyo at humahangos ka?" Agad akong lumapit sa kan'ya at hinawakan siya sa magkabilang balikat at pinakalma. 

"S-Si.." Hindi niya magawang ituloy ang sasabihin niya dahil sa pagkakahingal. 

"Sino, Kate?" Naiinip man ay hinayaan ko siya na huminga muna ng malalim.

"N-Nagkakagulo.. sa may labas ng c-club. N-Nagwawala.. si Noah at.. at.. h-hinahanap ka." Shoot!

Agad kong iniwan roon si Kate at saka nanakbo palabas ng kusina hanggang sa may entrada ng club. Nang makarating ay tumambad sa akin ang pinagkakaisahan ng apat na lalaking si Noah. Bugbog sarado na ito ngunit animong wala man lang itong pakialam at patuloy pa rin sa pagwawala at pagtawag sa pangalan ko. 

"Beatrice! Beatrice, lumabas ka d'yan! Beatrice!" Naghahalo na ang luha, pawis at dugo sa kan'yang mukha. Lalapitan ko na sana siya nang makita ko ang papalapit nang si Cassidy sa kan'ya.

"Noah, ano ba?! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?! Nababaliw ka na ba talaga huh?!" Nangibabaw ang sigaw na iyon ni Cassi na misking iyong apat na lalaking nambubugbog kay Noah ay napahinto. Binitiwan nila si Noah dahilan para mapaluhod at mapayuko ito sa lupa.

"Palabasin mo iyong kaibigan ko at gusto ko siyang makausap!" Buong lakas na sinabi iyon ni Noah kay Cassi. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi nang magsimulang kumuyom ang mga kamay ni Noah. 

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na wala rito si Beatrice?! Huh?! Wala siya rito, Noah, kaya nagsasayang ka lang ng effort sa pagwawala rito!" 

"No!" Nang biglang sumigaw si Noah ay napaatras sa gulat si Cassi. "I know that she's in there, Cassidy! You can't fool me!" 

Napasabunot na lamang ang kaibigan ko sa kan'yang buhok at saka bumuntonghininga. "Fine! Let's say na na'ndyan nga si Beatrice sa loob and after you make this scene I'm sure that she knows now that you're here. Why isn't she still going here and talking to you, Noah?! Huh?! Mag-isip ka nga!" Dahil sa sinabing iyon ni Cassi ay mukhang napag-isip rin iyon ni Noah hanggang sa ilang minuto pa ang lumipas at tuluyan nang lumapit sa kan'ya si Cassi. "Come on, Noah. Let's go. I'll take you home." Rinig naming aya niya sa lalaki at nang alalayan niya ito ay hindi naman siya nabigo. Pinagmasdan ko pa silang dalawa hanggang sa tuluyang mawala na ang kotse ni Noah sa paningin ko. Nang gabi na iyon nagdesisyon akong mag-resign sa club para tuluyan na rin talagang makaiwas kay Noah at para hindi na rin mahirapan pa si Cassidy. 

Kinabukasan

"Are you sure about this, Bea?" tanong ni Sir Clark sa akin nang ibigay ko sa kan'ya ang resignation paper ko kinaumagahan matapos ang nangyaring iyon. 

"Yes, Sir," walang pagdadalawang isip kong sagot.

"Is it because of what happened last night?" tanong niya pa ngunit mas pinili kong huwag na lamang sumagot. "If it is about that, I already talked to Cassidy. She already explained it to me, Beatrice. You don't have to resign." Mas lalo akong nakaramdam ng hiya kay Cassi nang malaman ang ginawa niya. Wala sa sariling nakagat ko na naman ang labi ko dahil sa nararamdaman kong iyon. 

"No, Sir. I insist. I really want to resign. I hope you understand me." Nilakasan ko ang loob ko na salubungin ang kan'yang tingin upang makita niyang desidido talaga ako.

Bumuntonghininga si Sir Clark. "Okay. If that's what you want. I will process this now." 

"Thank you, Sir. I'll go now." Matapos kong magpaalam ay derecho akong lumabas ng club. Iniiwasan na may makakita sa akin na iba kong katrabaho. 

Nang araw rin na iyon nang mag-resign ako sa club ay nagsimula na akong maghanap ng panibagong trabaho. Ilang oras rin ang binabad ko sa paghahanap ng trabaho sa internet at paglalagi sa kalsada para lamang mag-apply hanggang sa makita ko ang isang kompanya na naghahanap ng secretary. Nakapagtapos naman ako ng high school kaya sa huli ay sinubukan ko rin ang pumasok roon. 

"Next!" Mas lalo kong naramdaman ang pamamawis ng dalawa kong kamay nang marinig ang boses niyong babaeng nagtatawag sa bawat papasok na applicant. Sa pagkakataon na iyon ay ako na ang susunod kaya agad na akong tumayo kahit nangangatog na rin ang mga tuhod ko. "Just go inside," saad ng babae sa akin at saka ako pinagbuksan ng pintuan. 

Nang makapasok ay agad akong namangha sa kabuuan ng k'warto ngunit hindi ko na nagawa pang pagtuunan ng pansin iyon nang magtama ang mata namin ng lalaking nakaupo sa swivel chair na nasa likod ng kahoy na lamesa. Bagsak ang kulay itim nitong buhok ma medyo wavy dahilan para matakpan na niyon ang isang kilay niya. He has a pair of black colored eyes behind his spectacles, roman nose shape and red thin lips. His shoulders were broad, which gave justice to his expensive black suit. 

"Are you just going to stand there?" His voice shivers down my spine. I immediately go towards him, sit like an obedient child and place my resume above his table but I can still feel his gaze to me even if I am already lowering my head. "Who are you?"

"Po, S-Sir?" Naguguluhan akong napaangat ng tingin sa lalaki. Dahil sa tanong niya na iyon ay may naalala tuloy ako na hindi dapat. 

"Aren't you going to at least introduce yourself?" tanong niya na siyang kinapagtanto ko naman.

"O-Oh. Sorry po, Sir. I'm Beatrice Buenaventura po, Sir. I still don't have any experience working in the office but I am a fast learner. I graduated highschool but couldn't continue to college because of financial problems but I can easily understand and analyze things, that's also just a few of my skills po," saad ko habang siya ay abala na sa pagbabasa ng resume ko at iba pang requirements. 

"Okay. You're hired." 

Tumango tango ako. "Yes, Sir. I also—wait what?!" Nanlalaki ang mga mata na napatingin ako sa kan'ya nang ma-realize ko ang sinabi niya. 

"What?" Sa pagkakataon na iyon ay nakakunot na ang kan'yang noo at nagtataka nang nakatingin sa akin.

"H-Hired? I am already hired, S-Sir? Totoo po? Hindi po ito prank? Wala naman po sigurong mga camera sa paligid?" Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng opisina. "This is really the company of Salvatore's and not a show or program in a television network, right, Sir?" Muli kong binalik sa kan'ya ang aking tingin upang kompirmahin ang mga nasabi ko. 

Sa mga sandali na iyon ay tuluyan nang nawalan ng expression ang kan'yang mukha. "I said you're hired and I don't take what I already said and this is not a television network. I am not a fan of them. You can start tomorrow," saad nito at saka lumabas na ng opisina. Agad naman rin akong sumunod at bago pa man siya makalayo ay agad na akong humarang sa harapan niya na siyang kinasinghap naman ng mga empleyado at iba pang applicants. "What do you want?" Kalmado ang boses niya ngunit maawtoridad.

"P-P'wede po bang malaman ang pangalan niyo, Sir? I just want to know the name of the person who gave me this big opportunity," saad ko. Ilang segundo ang tinagal namin roon na nakatingin lamang siya sa akin hanggang sa makaramdam na ako ng hiya at mapayuko na lamang. 

"Justin." Agad akong napaangat ng tingin sa kan'ya. "Justin Samson." Iyon lamang at mabilis na muli niya akong nilampasan. 

"Aaacckk!" Hindi ko naiwasan na mapasigaw dahil sa tuwa nang makapasok na ako sa kotse ni Cassidy. Kanina ko pa talaga gustong sumigaw ngunit ganoon na lamang ang pagpipigil ko dahil sa ayaw kong isipin ng mga tao na makakakita at makakarinig sa akin na nababaliw na ako. Malawak ang ngiti na pinatakbo ko ang kotse at saka dumaan sa mall para mamili ng mga gamit ko para sa bago kong trabaho. 

Habang tumitingin tingin sa mga boutique na nadaraanan ko ay nag-text ako kay Cassidy. Gabi na sa labas at paniguradong maya maya lamang ay pauwi na rin siya. Nang mag-angat ako ng tingin ay agad kong natanaw ang Belle's Palace na isa sa mga sikat na shop sa buong bansa.

Agad akong pumasok roon at nagtingin ng mga damit sa formal attire section nila. Malawak ang kabuuan ng shop. Pagpasok pa lamang ay agad na sasalubong ang casual attire section nila sa kanang parte habang sa kaliwa naman ay ang counter. Kasunod ng casual ay ang aesthetic designs limited edition nilang mga damit. Sa tapat niyon ay ang iba't ibang design ng dress naman. Sa pinakadulo kung saan ako naroroon ngayon ay ang formal attire section. Namili ako niyong set ng suit at slacks. Hindi ako komportable na magsuot ng maiiksing damit kahit na ganoon naman ang sinusuot namin sa bar.

Matagal na rin ako sa trabaho na iyon ngunit hindi ko pa rin makuhang maging komportable. Tatlong set ng suit and slacks ang binili ko. Isang kulay beige, black at kulay silver gray. Matapos mamili ng damit ay sa Cinderella's Haven shop naman ako nagtungo para mamili ng isang pares lamang ng pump. Hindi ko alam kung gaano katagal ako na namili ngunit nang pagkalabas ko sa mall ay sobrang dilim na sa labas. 

Agad na akong nagtungo sa parking lot at inayos ang mga pinamili ko. Habang nasa daan ay sinubukan kong tawagan si Cassidy ngunit hindi ko siya ma-contact. Kaninang umaga ay hindi ko rin siya nakita, ni hindi ko alam kung umuwi ba siya o hindi. Ilang beses ko na rin siyang sinubukan na tawagan kanina ngunit lagi na lamang out of reach. Kung hindi lang siya nag-text sa akin kaninang tanghali na nasa Zero O'clock na siya ay baka na-report ko na siya sa pulis. Hindi missing kung hindi wanted.

Natawa na lamang ako sa sarili kong naisip na kalokohan. Nang makarating sa parking lot ng club ay dederecho na sana ako papasok ngunit napahinto ako nang makita ko na agad si Cassidy hindi kalayuan sa pinag-parking-an ko. Tatawagin ko sana siya habang papalapit ako nang makita kong parang may kinakausap siya. Napahinto ako at pinagmasdan siya, hindi na sana ako tutuloy nang bigla ay makita kong umiiyak siya.

Agad nangunot ang noo ko nang makitang parang may hinahampas siya. Lumapit ako at saka nakita ang pamilyar na kotse sa may kaliwang gilid niya. Nang mga oras na iyon ay ginagapangan na ako ng kaba ngunit nagpatuloy pa rin ako. 

"I did that because I like you! Damn! I love you! You met me first. We've known each other longer than you are with her! How can it be her and not me, Noah?! Huh?!" Animong napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang mga salitang iyon mula kay Cassidy. 

"That's why you did that to your friend?!" Nangibabaw ang nakakatakot na boses na iyon ni Noah. 

"Yes! Yes, it is me who planned everything, Noah! It is all me! I did that because I want you to break up with her so you could see me! Naisip ko na kapag ginawa ko iyon ay masisira kayo ni Beatrice at sa pagkakataon na iyon ay ako naman ang makikita mo, Noah! Ako naman!"

"But your reason isn't valid, Cassidy! Beatrice is your friend!"

"But I love you! I love you, Noah!"

Hindi matanggap ng utak ko ang lahat ng nangyayari. Nagsimula akong humakbang paatras nang hindi gumagawa ng kahit na anumang ingay. Nag-iingat na hindi nila ako mapansin. She did that for him. She chose him over me. She puts me in danger just to have him. She chose to be a lover and not to be a good friend to me.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at nang masigurado ko na nakalayo na ako sa kanila ay saka ako tumakbo nang mabilis. Pumara ako ng taxi at agad na umuwi sa apartment. Kinuha ko ang lahat ng gamit ko roon at saka naghanap ng ibang matutuluyan.

I can't stay with her knowing what she did to me...

Kaugnay na kabanata

  • The CEO's Heir   Chapter 4

    Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay nagising na ako dahil sa biglaang pag-ikot ng sikmura ko. Agad akong napatayo mula sa kinahihigaan ko at saka nagtungo sa banyo at doon ay nagsuka. Matapos niyon ay nagmumog ako at saka naghilamos. Nang pakiramdaman ko ang sarili ko ay hindi iyon maganda.Lumabas ako ng banyo at nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko ay alas-kwatro pa lamang ng umaga. Naupo na lang muna ako sa kama ko habang inaala ang mga nangyari kagabi. Hanggang sa mga oras na iyon ay ayaw pa rin tanggapin ng utak ko na nagawa sa akin ni Cassidy iyon.Nasapo ko ang aking noo nang bigla ay sumidhi na naman ang pagkahilo ko. Nang mawala ay agad na akong kumilos dahil sa may trabaho pa ako. Saka ko na lamang iisipin ulit si Cassidy at ang nagawa niya sa akin na iyon dahil may mas importante pa kaysa doon. "Good morning po, Kuya," bati ko sa security guard na sa tingin ko ay kadarating lamang rin para palitan ang naka-duty nang nagdaang gabi. Agad kong nasabi na isa siyang

    Huling Na-update : 2024-01-22
  • The CEO's Heir   Chapter 1

    "Beb?" Napalingon ako sa pintuan ng k'warto ko nang bigla ay sumulpot roon si Cassi na animong matatae ang itsura ng mukha. Halata ang pag-aalinlangan sa boses niya ganoon na rin sa binibigay niyang mga tingin sa akin. What's wrong with this girl? "Bakit?" Binalik ko ang aking pansin sa pag-aayos ng kama. I don't have any work today but my body clock was all set on waking up early. I don't have any plans today but to stay in my room and read some books. "P'wede bang humingi ng favor?" Agad napataas ang isa kong kilay dahil sa sinabi na iyon ni Cassi. Lumabas ako ng k'warto matapos makapag-ayos at saka dumerecho sa kusina kung saan agad naman niya akong sinundan."What favor? As long as I can naman why not?" saad ko at saka uminom ng tubig habang nakatingin sa kan'ya. "I'm not feeling well today but I have to go to Paradise Resort." Nangunot ang noo ko. "Paradise Resort? Ano'ng gagawin mo doon?" "Inatasan kasi ako ni Sir Clark na magpunta roon dahil sa kukulangin ang staff sa maga

    Huling Na-update : 2024-01-22
  • The CEO's Heir   Chapter 2

    "What? Why didn't you tell me immediately?" Rinig kong tanong ng lalaki sa taong nasa kabilang linya. Nakapagdamit na siya kanina roon sa may banyo at habang nagbibihis siya ay nagbihis na rin ako hanggang sa muli siyang lumabas at ngayon nga ay may kausap na. Narito pa rin ako sa gilid ng kama at pilit pa rin na pinoproseso ang lahat ng mga nangyari ngunit ayaw tanggapin ng utak ko. "Fine." Iyon na lamang ang huli kong narinig hanggang sa maramdaman ko ang paglingon nito sa akin. Ni hindi ko magawang pasadahan ng tingin ang lugar kung saan ako naroon ngayon dahil sa pagkakatulala ko lamang sa sahig. "Who are you?" Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin ngunit agad akong umtras sa kinauupuan ko dahilan para mapatigil naman siya agad. Hindi ako sumagot. Wala akong plano na sumagot. Ang gusto ko na lamang ay makaalis rito ngunit sa kamalas malasan ay hindi ko magawa dahil masakit pa rin ang gitnang parte ng mga hita ko. "Does it still hurt?" Sa pagkakataon na iyon ay nahimigan ko na

    Huling Na-update : 2024-01-22

Pinakabagong kabanata

  • The CEO's Heir   Chapter 4

    Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay nagising na ako dahil sa biglaang pag-ikot ng sikmura ko. Agad akong napatayo mula sa kinahihigaan ko at saka nagtungo sa banyo at doon ay nagsuka. Matapos niyon ay nagmumog ako at saka naghilamos. Nang pakiramdaman ko ang sarili ko ay hindi iyon maganda.Lumabas ako ng banyo at nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko ay alas-kwatro pa lamang ng umaga. Naupo na lang muna ako sa kama ko habang inaala ang mga nangyari kagabi. Hanggang sa mga oras na iyon ay ayaw pa rin tanggapin ng utak ko na nagawa sa akin ni Cassidy iyon.Nasapo ko ang aking noo nang bigla ay sumidhi na naman ang pagkahilo ko. Nang mawala ay agad na akong kumilos dahil sa may trabaho pa ako. Saka ko na lamang iisipin ulit si Cassidy at ang nagawa niya sa akin na iyon dahil may mas importante pa kaysa doon. "Good morning po, Kuya," bati ko sa security guard na sa tingin ko ay kadarating lamang rin para palitan ang naka-duty nang nagdaang gabi. Agad kong nasabi na isa siyang

  • The CEO's Heir   Chapter 3

    "Cassidy, please!" Nagising ako nang marinig ng pamilyar na boses na iyon ni Noah. Narito ako ngayon sa apartment at sa tingin ko ay kakauwi pa lamang ni Cassi. Mas nauna kasi ako na umuwi kanina dahil iyon rin ang payo niya sa akin dahil baka mamaya ay puntahan na naman raw ako ni Noah sa club. "Ilang beses ko ba na sasabihin sa iyo na hindi ko na nga alam kung nasaan si Bea?! Magmula nang umalis siya nang umagang iyon ay wala na akong contact sa kan'ya, Noah! Ano ka ba?!" Halata ang pagpipigil na mas lalo pang mapalakas ang boses na iyon ni Cassi. Madaling araw na at tulog na ang mga kapitbahay namin ngunit ito si Noah at nagawa pang magpunta rito. "P'wede bang ayusin mo na iyang sarili mo at kalimutan mo na lang si Beatrice. Iniwan ka na niya, Noah. Iniwan ka na niya." Mariin kong nakagat ang pang-ibaba kong labi nang makita kong yumuko si Noah at magsimulang magtaas at baba ang kan'yang mga balikat senyales na umiiyak na siya. Nang mga sandali na iyon ay lalabasin ko na sana si

  • The CEO's Heir   Chapter 2

    "What? Why didn't you tell me immediately?" Rinig kong tanong ng lalaki sa taong nasa kabilang linya. Nakapagdamit na siya kanina roon sa may banyo at habang nagbibihis siya ay nagbihis na rin ako hanggang sa muli siyang lumabas at ngayon nga ay may kausap na. Narito pa rin ako sa gilid ng kama at pilit pa rin na pinoproseso ang lahat ng mga nangyari ngunit ayaw tanggapin ng utak ko. "Fine." Iyon na lamang ang huli kong narinig hanggang sa maramdaman ko ang paglingon nito sa akin. Ni hindi ko magawang pasadahan ng tingin ang lugar kung saan ako naroon ngayon dahil sa pagkakatulala ko lamang sa sahig. "Who are you?" Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin ngunit agad akong umtras sa kinauupuan ko dahilan para mapatigil naman siya agad. Hindi ako sumagot. Wala akong plano na sumagot. Ang gusto ko na lamang ay makaalis rito ngunit sa kamalas malasan ay hindi ko magawa dahil masakit pa rin ang gitnang parte ng mga hita ko. "Does it still hurt?" Sa pagkakataon na iyon ay nahimigan ko na

  • The CEO's Heir   Chapter 1

    "Beb?" Napalingon ako sa pintuan ng k'warto ko nang bigla ay sumulpot roon si Cassi na animong matatae ang itsura ng mukha. Halata ang pag-aalinlangan sa boses niya ganoon na rin sa binibigay niyang mga tingin sa akin. What's wrong with this girl? "Bakit?" Binalik ko ang aking pansin sa pag-aayos ng kama. I don't have any work today but my body clock was all set on waking up early. I don't have any plans today but to stay in my room and read some books. "P'wede bang humingi ng favor?" Agad napataas ang isa kong kilay dahil sa sinabi na iyon ni Cassi. Lumabas ako ng k'warto matapos makapag-ayos at saka dumerecho sa kusina kung saan agad naman niya akong sinundan."What favor? As long as I can naman why not?" saad ko at saka uminom ng tubig habang nakatingin sa kan'ya. "I'm not feeling well today but I have to go to Paradise Resort." Nangunot ang noo ko. "Paradise Resort? Ano'ng gagawin mo doon?" "Inatasan kasi ako ni Sir Clark na magpunta roon dahil sa kukulangin ang staff sa maga

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status