Hindi inabutan ni Sebastian ang mag-ina niya! Huhu ano kaya sa tingin niyo susunod na mangyayari? Comment down guys! Maraming salamat sa mga nagbabasa mahal ko kayo!
“MOMMY?” Nagising na tawag ni Celine kay Luna. Nasa loob pa rin sila ng kotse at dahil nga sa pagod ay nakatulog si Celine sa byahe. “Yes my daughter, I’m here.” Ngiting sabi ni Luna at hinalikan ang noo ng anak na nasa kaniyang tabi. “Malapit na po ba tayo?” “Yes, anak. Sakto ang gising mo,” Napangiti pabalik si Celine sa kaniyang ina dahil sa sinabi nito at yumakap nalang pabalik dito. *** “TELL me kung bakit mo tinago ang katotohanan?!” Pumalibot sa buong silid na kinalalagyan nila Sebastian ang boses niya dahil sa galit. Kung wala lang sila sa pampublikong lugar ay malamang hindi niya tatantanan ang kaibigan. Kulang pa iyon sa pagtatago nito sa kaniyang anak lalong lalo na kay Luna. Ang totoo niyan, unang kita nila sa restaurant ni Luna ay may kakaiba na siyang naramdaman sa dala. Yung pakiramdam na apat na tao na niyang hindi nararamdaman at yun ay simula ng mawala ang babaeng nakasama niya sa bar. Hinanap niya ang babae sa kung saan-saan ngunit hindi niya ito nakita. A
“SIGURADO ka bang tama tong dinadaanan natin Ian?”Kunot noo na tanong ni Vince na nagmamaneho papunta sa daan na itinuturo ni Sebastian. Kahit pareho pa silang mayroong jet lag sa mahabang byahe papunta sa Canada ay dumeretsyo na agad sila kung nasaan sila Luna.Walang pakialam si Sebastian basta ang makita niya lang si Celine ay ayos na siya.“I’m sure basta dumeretsyo ka lang.” Seryosong sagot nito.Wala kasing ginawang research si Vince tungkol kay Riri kaya hindi niya alam. Sabagay nakakapunta na si Sebastian noon kasama si Rocky papunta sa girlfriend nito pero siya hindi. Busy kasi ito kaka-asikaso sa negosyo ni Sebastian.“Stop, nandito na tayo.”Inihinto ni Vince ang kotse sa isang tabi at dsli-dali namang bumaba si Sebastian kaya sumunod din kaagad si Vince.“Di manlang ako inintay tsk. Sandali Ian!”Tawag niya sa kaibigan dahil sa gate agad ito dumeretsyo at nag doorbell.“Baka kalimutan mo na may kasama ka Ian,” pag papa-alala ni Vince ngunit hindi siya pinansin ni Sebastia
“H-HINDI ko ho alam ang sinasabi niyo,” Napalagatok ang dila ni Luke dahil sa sinabi ni Caroline. Dati na ‘rin siyang nagsisinungaling kaya alam niya ang nararamdaman nito. Yung feeling na huli ka na pero itatago mo pa ‘rin ang katotohanan. “’Wag na tayong maglokohan dito Caroline alam ko kapag nagsisinungaling ang isang tao.” Napatahimik si Caroline dahil sa sinabi nito. Nakakuyom na ‘rin ang kamao niya at hindi nito alam ang gagawin. “Hahanapin ko si Luna at sasabihin sa kaniya ang totoo.” Pagkasabi ni Luke niyon ay tumalikod na siya at umalis. Dahil naman doon ay nataranta si Caroline. Ayaw niyang malaman ni Luna ang totoo, sigirado siya g kamumuhian siya nito panghabang buhay at ayaw niya ‘yun. “Kailangan mong gumawa ng paraan Caroline!” sabi nito sa kaniyang sarili at napatingin sa paligid habang nag-iisip. Sakto na may nakita siyang vase sa isang tabi at maliit lang iyon kaya dali-dali niya itong kinuha at hinabol si Luke. Talagang binilisan niya ang kilos upang hindi siya
“BOSS, nakita na namin kung nasaan si Ms.Luna.” Napahinto ang lalaki sa kaniyang ginagawa nang marinig niya ang sinabi ng lalaki sa kabilang telepono. “Where is she?” Seryoso nitong tanong. NAKABANTAY siya ngayon kay Luna dahil nakita niya itong namimili. Hindi niya pwedeng basta-basta pwedeng lapitan ang babae dahil kapag ginawa niya iyon ay baka magulat ito at magkagulo. Kaya inantay niya ang tamang oras at nakasunod lamang siya dito. Sa wakas ay nakita na ‘rin niya si Luna matapos ang ilang araw na pagpapahanap niya dito sa loob at labas ng bansa. Wala nga siyang inaksayang panahon dahil hinanap niya agad si Luna at sinundan ito. Nang makakuha ng tyempo at wala ng tao sa paligid ay nilapitan niya ito. Pero mukang natakot niya ang babae dahil pinaghahampas nito sa kaniya ang mga naipamili niya. “Anong ginagawa mo dito?!” “Luna kumalma ka na. Pinahanap talaga kita para ibalita sayo ang nalalaman ko.” Napakunot ang noo ni Luna dahil sa sinabi ng lalaki. Bakit naman siya maniniw
“THANK you talaga at pumunta ka dito Riri. Hindi ko na alan ang gagawin ko e,” Malungkot na sabi ni Luna sa kaniyang kaibigan habang sila ay nasa terrace at nagkakape. Kauuwi lang ni Luna mula sa trabaho at inabot na siya ng gabi kung kaya pag dating niya sa bahay ay tulog na ang anak. Si Riri ang nadatnan niya sa kanilang tinutuluyan sa hindi inaasahang pagkakataon. Malaki pa nga ang pasasalamat ni Luna sa kalang dalawa ni Rocky dahil sa pagtulong nila sa kaniya na hindi makita ni Sebastian. Ang tunay na nangyari noong nasa airport sila habang nag-uusap sila ni Rocky ay nahagip ng mata nito si Sebastian. Noong una akala ni Rocky namamalik mata lang siya pero ang kaibigan nga. Naisip agad ng lalaki na alam na ng kaibigan ang totoo kaya siya nasa airport. Kung patutuluyin niya ang mag-ina sa Canada ay mabilis na matutunton ng kaibigan ang dalawa dahil bff ng girlfriend niya si Luna. Doon niya naiisip na magpanggap na umalis ng bansa ang dalawa. Dali-daling pinagtago ni Luke ang mg
NANG dahil sa sinabing iyon ni Sebastian ay mas lalong naging maingay ang mga press na naroroon at mas lumakas ang flashes ng camera. Pare-pareho nilang alam na big news ang bagay na iyon lalo na at involve doon ang nangungunang pinaka batang business man sa mundo. Isama mo pa na kasama na nito ang babaeng maaaring maging asawa nito gayong alam naman ng lahat na mailap sa babae ang lalaki. “OMG! May anak na si Sebastian!” “Aww akala ko pa naman mabibingwit ko pa siya.” “Asa ka naman girl! Tignan mo naman ang itsura ni Ms.Luna, kuko ka lang niya sa paa!” “Pero aminin niyo bagay silang dalawa kyahhh!” “Yes, tama ka jan!” Sari-saring reaction ang nakuha ni Sebastian at Luna mula sa ibat-ibang parte ng Pilipinas. Siguradong matapos iyon ay sa buong mundo naman kakalat ang balita. “T-totoo ba ‘yun Luna?” Sa gitna ng maingay na paligid at nagkakagulong mga press ay rinig na rinig ni Luna ang boses ni Luke. Dahil nga magkalapit lang silang dalawa kahit medyo mahina iyon ay rinig niya.
“DITO na kayo titira simula bukas, kaya dapat mong sabihin sakin kung nasaan ang anak ko.”Kusang napakunot ang noo ni Luna dahil doon. Biglang pumasok sa isip niya ang ginawang pag-amin nito sa mga press at sigurado siya ngayon na pinag-uusapan na siya ng mga tao. Okay lang sana kung siya lang ngunit damay na doon ang anak niya.Ang anak niyang muntik ng mapahamak ng dahil kay Sebastian.“This is all your fault! This is all your fault!” sigaw ni Luna at pinaghahampas si Sebastian na nagulat.“W-wait–Luna stop it!”“Stop it?! No! Alam mo ba kung bakit kami nagtatago sa’yo huh?! Dahil ayokong mapahamak ulit ang anak ko! Alam kong ikaw ang dahilan kung bakit muntik ng mapahamak si Celine! Ikaw ang dahilan kung bakit siya na-kidnaped!” iyak na sigaw ni Luna na siyang ikinatigil ni Sebastian.Kusa namang huminto si Luna at dinuro ang lalaki.“Pasalamat ka hindi ko sinabi kay Celine na ikaw ang dahilan dahil sigurado ako na malulungkot ang anak ko… d-dahil gustong-gusto ka niya.”Pahina ng
INABOT silang dalawa ng hapon sa pag kukwentuhan dahil muling umiyak si Lun ang ikwento niya kay Sebastian ang lahat. Matapos ang tungkol sa kanila ni Luke ay tungkol naman kay Celine ang kinuwento nito. Ipinakita niya ‘rin ang mga larawan ni Celine simula baby hanggang sa paglaki nito para kahit papaano ay alam nito.Maging ang paburito ng bata ay sinabi lahat ni Luna para mas makilala nito ang anak. Dahil nga hapon na ipinagluto nalang ni Sebastian si Luna ng makakain ngunit pagbalik niya sa sofa ay nakatulog na ito.“Luna, wake up you have to eat.” Sabi niya dito ngunit bumaling lang sa kabilang si Luna at hindi siya pinansin.Napangiti ng bahagya si Sebastian dahil doon at napailing. Ibinaba nalang niya ang pagkaing dala sa lamesa sa sofa at nagpasyang buhatin nalamang ito at dalhin sa kwarto niya. Hindi pa kasi niya napapalinis ang kwarto nila ni Celine kaya doon na muna ito.Namangha siya na hindi manlang nagising o naalimpungatan ang babae kaya napailing siya ng isara niya ang
“Girls, hindi pwedeng maingay sa loob. Baka tulog ang triplets at magising niyo.”Puna sa kanila ni Selena na ikinatahimik ng mga ito. Natawa nalang ang kani-kanilang boyfriend dahil doon.Si Caroline at Vince ay official na ‘rin na mag boyfriend at girlfriend. Si Riri at Rocky naman ay engaged na at malapit ng ikasal. Si Selene at Ivan ay ganoon ‘din while si Lisa ay wala pang boyfriend. Si Princess at Apollo naman ay nasa kanilang honeymoon sa ibang bansa kung kaya wala sila doon ngayon ng manganak si Luna.Umiiyak na nga si Princess dahil gustong gusto na niyang umuwi sa pilipinas para makita ang triplets ngunit ang flight nila ay bukas pa. Kakakasal lang ng dalawa at isang buwan na ‘rin magmula ng umalis sila para sa kanilang honeymoon.“Ako po ang mauuna!” agad na sabi ni Celine na sumingit sa kaniyang mga tita dahil nagkakagulo ang mga ito.Nang pumasok si Celine ay sunod-sunod na ‘rin ang mga ito at tahimik lamang sila habang papasok. Naabutan nila na buhat ni Sebastian ang isa
HUMINTO sandali si Luna para tignana ng mga tao na naroroon ngunit nagulat siya ng biglang mamatay ang ilaw at ang mic na gamit niya ay gumawa ng ingay na ikinatakip niya sa tenga. Ngunit agad niyang naisip ang anak kaya mabilis niyang kinapa si Celine ngunit wala na ito doon.Rinig niya ang pagkagulat ng mga tao at ganon ‘din siya. Aalis na sana siya sa pwesto niya dahil wala doon si Celine ng matigilan siya dahil biglang mayroong spotlight sa pwesto niya.Nasilaw pa siya doon na ikinatakip niya sa kaniyang mata.“Pwede ko bang baguhin ang huli mong sinabi? ‘Girlfriend ng sikat na bilyonaryo’ gawin na nating fiancé and soon to be Mrs.Anderson ‘yan.”Natigilan si Luna dahil sa narinig niyang sinabi ni Sebastian. Kilalang kilala niya ang boses nito at ng maka adjust ang kaniyang paningin ay napaatras siya ng makita si Sebastian na nakaluhod sa harap niya at may hawak na singsing tyaka mic.Hindi niya napigilan ang kaniyang luha at agad iyong tumulo dahil sa tagpong iyon.“Habang busy k
NAPAKARAMING tao lalo pa’t naka live ‘din ito upang mapanood ng lahat at marami ang nag-aabang sa nawawalang anak ng mga Moon.“Welcome to the sixth birthday celebration of Celine Fernandez!”Marami ang nagulat lalo na nag mag appear sa malaking LED ng muka ni Celine na kilalang kilala ng lahat. Sinong hindi makakakilala dito dahil anak ito ni Sebastian at Luna!At doon ay napagtanto ng lahat na ang nawawalang Luna na anak ng mga Moon ay walang iba kundi si Luna na may ari ng Moonlight C.B.Maraming na-excite lalo dahil sa information na iyon at halos lahat ay nanonood na sa live ng mga ito.Hanggang dumating ang time na nagsalita na ang magulang ni Luna para ipakilala sila ng mga ito.“I know all of you has a clue what was going on right?” panimulang sabi ni Lorenzo habang nakangiti.“Maging kami ay hindi makapaniwala noong una katulad niyo but it is right, walang duda siya nga ang anak namin. After years matapos niyang wala ay natagpuan na namin si Luna!Pero bago iyon gusto ko muna
Sina Luna at Celine naman ay ligtas ng mga oras na nagkakagulo sa lugar na iyon. Si Vivian at Luke ay tuluyan ng namatvy at pinagbayaran ang kasalanang kanilang ginawa. Sinubukan pa nilang kunin si Celine pero ang hindi nila alam ay kayang kaya sila ng bata kung kaya bago pa sila makagawa ng kahit na ano ay naunahan na sila at nabaril nila Selene.Mabuti at walang nasaktan sa kanila kahit isa lalo pa’t naging madali sa kanila ang lahat dahil kakaunti lang ang tauhan nila Fernan. Halos karahiman kasi ay kumampi na kay Yannie nang malaman nila ang totoo sa pagkamatvy ng kanilang tunay na amo.Masaya si Luna at walang napahamak sa kanila lalo pa’t nasunod ang lahat ayon sa kaniyang plano. Kahit na nagkainitan sa pagitan ni Riri at Seera mabuti nalang at nagkaayos agad ang dalawa. Kasalanan niya ‘din naman dahil inilihim niya lahat ng plano niya kay Riri. Ayaw niya lang mag-alala pa ito dahil siya na ang humahawak sa negosyo niya.Ngayon na maayos na ang lahat at wala ng problema, nagpasy
NANG malaman nilang dalawa ang katotohanan ay mabilis na umuwi ang dalawa dahil na ‘rin sa gusto ng babae. Wala namang magawa si Apollo dahil iyon ang gusto ng girlfriend niya at sumunod sila sa lugar kung saan nila nalaman na naroroona ng mga ito.Ang scene na babarilin na ng ama ni Princess ang mommy at kapatid niya ang inabutan nito. Hindi napansin ni Apollo na tumakbo ng mabilis si Princess at hinarang ang sarili dito, huli na para pigilan ito.Ang mga andoon ay nagulat ‘din dahil sa nangyari lalo na si Yannie na siyang nasa harapan ni Princess.“P-princess!”“O-okay lang ako ate,” ngiting sabi ni Princess at hinawakana ng sugat niya.Mabilis na nakarating si Apollo doon at agad na tinakpan ang pag agos ng dugo niya. Dahil sniper si Princess ay kalkula niya ang segundo ng pagtama ng baril sa target nito kung kaya mabilis ang kilos niyang sinalo ito gamit ang balikat niya.“B-bakit mo ginawa ‘yun?!” sigaw na tanong ni Yannie na ikinangiti ni Princess sa kaniya.“Dahil pamilya ko ka
NATIGILAN si Ginnie dahil sa kaniyang narinig at nagsimula ng kabahan dahil doon.“A-anong ibig mong sabihin anak? H-hindi totoo ang sinasabi ni Luna…”“Sinungaling!” sigaw ni Yannie na siyang ikinaatras ni Ginnie. “Tinitignan ko kung aamin ka kanina pero hindi! Hanggang sa huli ay ipinagtatanggol mo pa ‘rin ‘yang si tito Fernan! Hindi ka na naawa kay daddy mommy! Hindi mo manlang binigyan ng katarungan ang pagkawala niya!”Napailing si Ginnie dahil sa sinabi ng anak niya at nagsimula ng tumulo ang luha niya.“Eto! Napanood ko dito ang katotohanan!” inihagis ni Yannie ang USB na agad nakilala ni Ginnie kaya natigilan siya.Bigla siyang lumuhod sa harap ng anak niya at umiyak ng umiyak.“Patawarin mo ako anak! Patawarin mo ako at tinago ko ang katotohanan! Nagsisisi ako! Nagsisisi ako sa ginawa ko!”Hinawakan pa ni Ginnie ang magkabilang paa ni Yannie ngunit inalis lang iyon ni Yannie at umatras sa ina.“Huli na ang pagsisisi mo mommy. Kung hindi ka pa mahuhuli ay hindi mo sasabihin s
“HINDI totoo ‘yan!” sigaw na sabi ni Luna.“Shut up!” sigaw ni Fernan kay Luna at muling tinignan si Ginnie. “Ginnie!” tawag pansin niya sa asawa na ikinatauhan nito at unti-unting tumango.“O-oo! A-ang daddy ni Luna ang gumawa niyon sa daddy mo. K-kitang kita ko mismo.” Utal na sabi nito sa anak.“See? I told you ‘wag kang maniniwala sa kaniya.” Ngiting sabi ni Fernan at niyakap si Yannie.Gusto na iyong itulak ni Yannie at gawin ‘din dito ang ginawa niyang pagpatay sa kaniyang ama ngunit hindi iyon sapat. Gusto niyang pahirapan muna ito at magmaka-awa na patayin nalamang siya.“Seems like totoo ang sinasabi ni Luna. Look at our lady’s boss reaction.” Bulong ni Vivian sa boyfriend niya.“I agree. Bulag nalang si Yannie kung hindi niya mapapansin ‘yun.” Sagot ni Luke dito.Nagulat silang lahat ng bigla nalamang tumawa si Luna ng pagkalakas lakas.Humiwalay si Fernan sa pagkakayakap kay Yannie at naglakad ito papunta sa gawi ni Luna.“Tito—” hindi natuloy ni Yannie ang pagtawag niya di
SAMANTALANG sa lugar kung saan andoon sila Luna ay kanina pa sila naghihintay na dumating sila Ginnie at Fernan. Alam ni Luna at Celine na ang mga ito ang inaantay nila ngunit ang kambal ay hindi.Tumigil na ‘rin sa pag-iyak ang mga ito kung kayat tahimik na.“Sorry I’m late everyone!”Napatingin sila sa nagsalita at walang iba kundi si Yannie habang bitbit si Lisa na nakatali at mayroong mga pekeng sukat sa muka.Sinabi niya kila Vivian at Luke na siya nalamang ang pupunta sa lugar na napag-usapan nila dahil muntikan na silang mahuli kung saan ang bagong location.“Akala namin patvy ka na,” ngising sabi ni Vivian na ikinatawa ni Yannie.“Matagal mamatvy ang masamang damo, Vivian.”“Yes! Kaya nagkakasundo tayo e! Best friend na talaga kita!” tuwang sabi ni Vivian at niyakap pa si Yannie.Sa loob loob ni Yannie ay gusto niyang masuka dahil sa ginagawa nito ngunit kailangan niyang umarte dahil naroroon si Luke at nakamasid sa kanila.Gustong matawa ni Luna dahil alam niya na gusto ng it
Si Rocky naman ay inalis ang kamay ni Vince sa bibig niya at sinamaan ito ng tingin. Naputol lang iyon ng lapitan siya ni Riri at mahinang kinurot sa tagiliran.“Actually, mayroon pa po akong sasabihin sa inyo bago ang plano.” Paunang sabi ni Yannie na ikinataka nila.Napatingin si Yannie sa kanilang lahat at kita niya na nag-aabang ang mga ito ng kaniyang sasabihin habang si Seera naman ay nakangiti sa kaniya at nag thumbs up. Ganoon ‘din ang ginawa ni Lisa dahil alam na nilang dalawa ang katotohanan.Napahinga ng malalim si Yannie bago siya tuluyang magsalita.“Mayroon po akong half-sister sa side ni mommy. Nagkaroon sila ng anak ni tito Fernan at bata pa ako noon pero tandang tanda ko pa na iniwan niya ang kapatid ko sa ibang bansa pagkatapos niya itong maipanganak. Akala ko ay kapatid ko siya kay daddy pero nito ko lang nalaman na hindi dahil hinahanap nila ito ngayon lalo na si tito Fernan.”Nagulat ang mga ito sa sinabing iyon ni Yannie na mayroong anak ang dalawa!“Grabe! Nagaw