Kadarating lang ni Luna sa lugar kung nasaan ang anak at kotse ni Yannie ang una niyang nakita. Napansin ng pinsan niya ang kaniyang pag dating kaya dali-daling bumaba si Yannie ng kotse nito at sinalubong ang dalaga. “Luna!” “Yannie!” Nagyakapan ang dalawa ng magkalapit sila. “N-nasaan ang anak ko Yannie?! Nasaan si Celine?!” Agad na tanong ni Luna ng humiwalay siya sa kaniyang pinsan. “Huh? Akala ko ba may kasama kayong magliligtas sa kaniya? Kanina ko pa kayo iniintay!” Mas lalong kinabahan si Luna dahil sa kaniyang narinig. Sabi ni Rocky ay sila sng bahala sa kaniyang anak ngunit hanggang ngayon pala ay wala pang dumarating na tulong. Tama ang desisyon niya na mag punta sa lugar na iyon at siya mismo ang magliligtas sa anak! *Bang!*Bang!*Bang!* “Kyahhh!” Sabay silang napatili at napatakip sa kanilang tenga dahil sa putok ng baril na iyon. Sunod-sunod na ang putok ng baril na mas lalong nag pa-alala kay Luna. “Ang anak ko!” sigaw niya at sa kabila ng sunod-sunod na putok
“LUNA! Ayos lang ba kayo?!”Alalang tanong ni Yannie sa kaniyang pinsan ng makalabas sila sa lumang building kung saan dinala si Celine. Inaasikaso na ng mga tauhan ni Sebastian ang pinangyarihan ng krimen at maging ang mga bangkay ng kalaban nila.“Ikaw si Yannie hindi ba?”Napalingon si Yannie kay Rocky ng magsalita ito. Kilala niya ang lalaki dahil na ‘rin isa ito sa mga kilalang negosyante sa Pilipinas.“Yes,” agad na sagot nita dito.“Pwede ba ikaw muna ang maghatid sa kanila pabalik sa resort? Kailangan ko pa kasing asikasuhin ang nangyari dito.”“Oo naman, kahit di mo sabihin gagawin ko.”Napatango naman si Rocky dahil doon at nag aalala na napatingin sa mag-ina. Pareho na silang tahimik ngayon dahil sa nangyari si Luna ay maw inaalala ang anak dahil baka ma trauma ito.“Sandali, bakit nga ba hindi nalang kayo tumawag ng pulis? Paano kung may nangyaring masama?”Napabalik ang mata ni Rocky sa babae dahil sa sinabi nito. Alam niyang isang negosyante din ang babae kaya kinunutan
NASA sala si Luna at Sebastian. Katahimikan ang pumalibot sa kanilang dalawa ng sila ay magpangharap. Dahil hindi alam ni Luna kung ano ang sasabihin ni Sebastian ay inantay niya muna muna kung ano ang sasabihin ng lalaki.Mabuti nalang at tulog si Celine kaya hindi niya naabutan ang ama.“It’s about what happened earlier,”Napaseryoso si Luna dahil sa sinabing iyon ni Sebastian.“I’m sorry for what happened earlier. I know it’s my fault, napahamak si Celine nang dahil saakin.”Kahit papaano ay kumalma ang kalooban ni Luna. Hindi niya akalain na hihingi ng tawad sa kaniya si Sebastian lalo na sa personal. Kilala ng naramihan ang lalaki na heartless at walang kinaaawaan kahit babae pa man kung kaya hindi ito makapaniwala.“What was happened, it is what it is.” Seryosong sabi ni Luna na hindi ikinasagot ni Sebastian.Tila nag iintay ang dalawa kung anong sasabihin sa isat-isa.
“’YUN lang ba ang pinunta mo dito?” Si Luna ang unang bumasag sa katahimikan na iyon. Sa totoo lang ay ayaw niyang naroroon ang lalaki, natatakot siya na baka mapahamak nanaman ang anak kapag nasa paligid ang ama nito. Hindi sa ayaw niyang makitang magkasama ang dalawa, baka sa susunod na may mangyaring di maganda ay hindi na maganda ang maging resulta at ayaw niyang mangyari yun. Ngunit kahit magtanong na siya ay hindi pa rin siya sinagot ni Sebastian kung kaya tumayo na siya mula sa pagkakaupo. “Kung wala ka ng sasbihin ay pwede ka ng umalis,” sabay turo niya sa daanan papunta sa may pinto. Nakatingin lamang sa kaniya si Sebastian at napatingin din sa daanang tinuturo nito. Katulad kanina ay hindi ito nagsalita at tumayo nalamang pagkatapos ay naglakad papunta sa pinto. Nawiwirduhan ba si Luna sa ikinikilos ng lalaki. Wala naman na pala itong ibang sasabihin pero kung maka-asta ay akala mo kay dami. Sumunod si Luna kay Sebastian ngunit napatigil siya ng huminto rin ang lalaki.
“ANAK,” Napalingon si Celine kay Luna ng pumasok ito sa kanilang kusina. “Hi mommy!” Masayang bati niya sa ina na siyang ikinangiti naman pabalik ni Luna. “Anak pwede bang kausapin kita sandali?” Tumango naman si Celine sa sinabi ng ina kung kaya tinabihan niya ang anak. Nakangiting hinawakan ni Luna ang dalawang kamay ng anak at tinitigan nito ng deretsyo ang mata ng bata. “Celine, listen to me. What happened last night ay ayoko ng maulit, that is why nag decide ako na bumalik na tayo sa Canada. Nakausap ko na si tito Rocky mo at after nitong event makakaalis na tayo.” Natigilan si Celine dahil sa sinabi ng kaniyang ina. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon lalo na’t maayos naman na ang pag-uusap nilang mag-ina kagabi. “P-po? But mommy…” hindi matuloy ni Celine ang sasabihin niya at naiiyak na ito. Ayaw niyang iwan ang ama. Ayaw niyang malayo sa tabi nito. Kahit na hindi nito alam na anak siya nito ay napalapit na ang loob ng bata sa ama at ayaw na niyang malayo dito. “Anak
KATATAPOS lang ni Luna maligo sa dagat. Laking pasasalamat niya at nawala ang atensyon sa kaniya ng mga tao na naroroon at bumalik maya maya sa kani-kanilang ginagawa. Ayaw niya ng ganoong sitwasyon, sabagay ngayon lang siya lumabas sa public dahil na ‘rin sobrang busy nito sa school. “Eto Luna,” “Here take this,” Napahinto si Luna ng sumalubong sa kaniya si Ivan at Sebastian na kapwa may dalang bathrobe at inaabot sa kaniya. Nagkatinginan ang dalawa sa isat-isa dahil doon at katulad noong nakaraan ay tila mayroong kuryente na dumadaloy sa pagitan nilang dalawa. Si Luna naman ay nagulat dahil sa inasta ng dalawa lalo na sa masamang tinginan ng mga ito sa isat-isa. Baka maulit nanaman ang away ng dalawa at ayaw niya iyong mangyari. Mabuti nalang at nakita ni Rocky ang tagpong iyon. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa gawi ng mga ito at walang alinlangan siyang dumaan sa gitna ng dalawa na ikinalayo ng mga ito sa isat-isa. “Ano ba kayo? Nagsisimula nanaman ba kayo ng away?!” mahina
HABANG nasa byahe sina Luna at Celine ay biglang tumunog ang telepono ni Luna kung kaya agad niya itong sinagot. “Hello?” Bungad na sabi niya sa kabilang linya “Luna! Totoo ba pabalik na kayo dito ngayon?! I’m sorry kung bgayon nalang ulit ako nakatawag sayo sobrang busy kasi!” Agad nabosesan ni Luna kung sino ang nasa kabilang linya. Hindi na niya kasi tinignan kung sino ang tumatawag. “Riri, it’s okay. Naging busy din ako nitong mga nakalipas na araw and yes pabyahe na kami ni Celine pabalik jan.” Ngiting sabi ni Luna na ikinalingon naman ni Celine sa ina. “Is that tita-ninang?!” excited na sabi nito na ikinatango ni Luna at ni-loud speaker ang cellphone. “OMG tita-ninang we will see each other after some hours! I miss you so much!” Natawa si Riri sa kabilang linya dahil sa kaniyang narinig. “Ikaw talaga Celine, san mo nakuha ang energy mo na yan ngayon ah? By the way I miss you too! See you soon!” Hindi kasi sanay si Riri na ganoon ang aura ng kaniyang inaanak lalo na kilal
“MAGKAKAIBIGAN kami nila Vince, Ian at Ivan…” Panimulang sabi ni Rocky na tila binabalikan niya ang nakaraan. “MR.SEBASTIAN ANDERSON!” malakas na sigaw ng teacher ni Sebastian sa hallway na kung saan basa na ito ng tubig na mayroong food color. “Run!” Tawang sigaw ni Sebastian kila Vince, Rocky at Ivan. Silang apat ang pinakang kilalang makukulit na studyante sa Moon University. Ang pinakang sikat na University sa buong Pilipinas. Marami ang nagsasabi na tanging sikat at mayayamang tao lamang ang nakakapasok doon dahil sa mahal na tuition na siya namang tunay. Pero sa kabila ng magandang reputation ng eskwelahan ay syempre mayroon ding pangit na part at sikat si Sebastian Anderson sa usaping iyon. Doon na nag-aral si Sebastian simula ng mag-kaisip siya. Si Ivan ang unang-una nakilala ni Sebastian at naging close niya dahil na rin magkaibigan ang kanilang mga magulang. Samantalang si Rocky naman ay Grade 3 na nila nakilala. Si Vince ay anak ng pinagkakatiwalaang anak ng daddy niy