Maraming salamat po sa mga nag babasa at nag-cocomment! Mas ginaganahan po ako magsulat! Bukas ulit guys! Thank you so much!
PAGKABUKAS ni Luna at Apollo ng pinto sa office ng magulang nila ay napalingon sa kanila ang nasa loob. Nakaupo ang mga ito sa sala at tila mayroong inaantay, which is sila naman talaga.Andoon si Princess, Selene at Kent na agad tumayo ng makita ang dalawa. Alam nila na pupuntahan ni Apollo ang kaniyang kapatid kaya inantay nila ang mga ito sa office ng magulang.“Pwede ko ho ba kayong makausap?” Agad na tanong ni Luna sa mga magulang na ikinatango naman ng mga ito.Tahimik lang ang buong paligid at naghihintay kung ano ang susunod na mangyayari. Si Luna ay wala ng pakialam kung mayroon silang kasama doon basta ang importante sa kaniya ay masabi na niya ang totoo sa mga magulang.Napatingin pa siya sandali sa kaniyang kapatid na nginitian lang siya nito at tinanguan tanda na andoon lamang siya. Huminga ng malalim si Luna bago tuluyang humarap sa mga magulang na seryoso lang na nakatingin sa kaniya.“H’wag po sana kayong magalit sa sasabihin ko pero hayaan niyo po muna akong magpaliw
Ang mommy naman niya ay agad na humiwalay sa kaniya dahil alam niya na gusto ‘din siya nitong makayakap.Kusang ibinuka ni Luna ang kaniyang braso para sa ama at hindi na nagdalawang isip pa si Lorenzo na lapitan ang anak at yakapin ng mahigpit.Kusa nang tumulo ang luha ni Lorenzo pagkayakap niya sa anak at paulit-ulit siyang tinawag na ‘princess’ nito.Mas lalo lang naiyak si Luna dahil alam niyang nasaktan ang kaniyang ama. Dalawa sila ng mommy niya na nasasaktan, isama mo na si Apollo pero siya ang mas kailangan na maipakitang matatag siya. Bakit? Dahil sa kaniya kukuha ng lakas ng loob ang pamilya niya kaya alam ni Luna kung anong hirap at pagtitiis ang ginagawa ng ama.Danas niya ‘rin kasi iyon para sa kaniyang anak kaya alam niya ang nararamdaman ng ama.“Shhh nandito na ako ngayon daddy, hindi na tayo magkakahiwalay muli.”Pinalapit ni Isabel si Apollo sa kanila na maging ito ay umiiyak at nag group hug silang pamilya. Actually ay laht sila na nasa loob niyon ay umiiyak na. Lal
MATAPOS nilang umiyak ay naupo silang muli sa sofa at doon nag-usap usap. Nalaman ni Luna na sinabi na pal ni Selene noong una palang ang totoo sa kaniyang mga magulang kaya may alam na ang mga ito. Hindi niya masisisi si Selene dahil mas lamang ang loyalty niya sa magulang.Napag-usapan nila ang tungkol sa nangyari noong nakalipas na mga taon. Ngunit mayroong bagay na hindi inaasahan si Luna na nalaman niya.“Kung hindi ikaw ang pumvtay edi sino daddy?” Tanong ni Luna ng aminin sa kaniya ng ama ang buong katotohanan.Napabuntong hininga nalang si Lorenzo at binalikan ang gabing hinding hindi niya makakalimutan.Dahil magkaibigan si Lorenzo at Frankie, ang tunay at unang asawa ni Ginnie Velasquez, ginusto ni Lorenzo na magkasundo at magkaayos silang magkaibigan. Handa siyang isuko ang lahat ng mayroon siya at ibigay sa kaibigan basta wag lang silang magkasiraan.Napag-usapan na ‘rin nila iyong mag-asawa at wala namang tutol si Isabel sa gusto niyang mangyari.Ngunit iba ang natagpuan n
“AKO ang kukuha sa file,”Agad nakatanggap ng reklamo si Luna ng sabihin niya sa mga ito na siya ang kukuha sa CCTV file sa kumpanya ni Fernan.“Hindi pwede, ate Luna! Masyadong mapanganib para sa’yo!” sabi ni Apollo sa kaniya.“Tama ang kapatid mo anak. Kumpanya ‘yon ng taong pumatvy sa kaibigan ng daddy mo. Hindi natin alam kung ano ang kaya niyang gawin sa’yo.” Segunda naman na sabi ng kaniyang mommy.“But mommy!” reklamo niya at agad na napatingin sa kaniyang ama. “Daddy, do something! You know that I can do it diba?” seryosong sabi ni Luna na siyang ikinatingin ng mga ito sa lalaki.Prinsessang prinsessa ang turing nito sa anak na si Luna kaya nasa isip nito ay hindi niya hahayaan na mapahamak ang anak ngunit kabaligtaran iyon ng kaniyang sinabi.“Pumayag ako,”“What?!”Reklamo ng mga ito ngunit wala silang nagawa dahil si Lorenzo na ang nag desisyon. Napasimangot nalang sila habang si Luna naman ay malaki ang ngiti sa kaniyang labi. Hindi talaga siya binibigo ng ama palagi, kapag
PAGKAPASOK ni Luna sa loob ng silid na iyon ay in character na in character agad siya. Habang nanonood sina Apollo at Princess ay namamangha ang mga ito sa galing at tila normal na kilos ni Luna.Kung sila ang nasa kalagayan ng kausap ng ate Luna nila ay malamang na maniwala ‘din sila sa pag arte nito. Isama mo pa na tila isang native Canadian si Luna kaya wala itong kaduda-duda kahit isa. Nagtataka pa ‘rin kung ano ang gagawin nito para makapunta sa kabilang building.“How is it going?”Nagulat ang dalawa ng biglang mag salita si Selene sa earpiece nito.“She’s currently talking to someone. Wala siyang sinabi na plano saamin, naghihintay lang ‘din kami ng susunod niyang gagawin.”“Okay,” sagot ni Selene sa sinabing iyon ni Apollo.Maya maya pa ay nagulat ang dalawang mag kasintahan ng makita niya na tila nahihirapan si Luna.“May nangyayari ba sa’yo ate Luna?!” alalang tanong ni Princess dahil tila pinipilit nitong itago ang sakit na nararamdaman at patuloy pa ‘ring nakikipag usap sa
MAGKASAMA si Selene at Luna nang matapos ang mission nila sa pagkuha sana ng CCTV footage ngunit naunahan sila. Malaking katanungan sa mga ito kung sino nga ba ang kumuha at anong rason nito.Ayon kay Apollo ay dumeretsyo na si Luna sa kanilang bahay dahil na ‘rin doon naghihintay ang kanilang mga magulang. Inabot na ‘rin sila ng anong oras sa daan dahil bumili pa sila ni Selene ng pagkain na pinabibili ni Apollo.Gabi na ng makarating sila sa kanilang bahay ngunit labas palang ng gate ay namangha na si Luna sa laki niyon. Hindi ito isang simpleng bahay lang dahil masion na ito! Nakwento sa kaniya ni Selene na hindi doon nakatira si Apollo at Princess dahil magkasama na ang mga ito sa iisang bahay at wala namang problema iyon sa kaniya since malalaki na ang mga ito at nasa tamang edad na.Maramig kwento si Selene tungkol sa mga ito, dahil na ‘rin siya ang personal na naghahanap sa kaniya ay kilalang-kilala na niya ang pamilya ni Luna. Kaya niya nasabi na ang daddy niya ang pinakang na
SABAY na napatingin ang mag am asa hagdanan at nakita nila doo nang isang matandang lalaki na mayroong brown na mata katulad ni Luna at Celine. Alam agad ni Sebastian na ito ang ama ni Luna mgunit mas mahalaga sa kaniya ang nobya.“Mawalang galang na po, nasaan si Luna?! Gusto ko siyang puntahan! Ang sabi saakin ni ate Selene ay nasa ospital siya!”“Huminahon ka Sebastian,” seryosong sabi ni Lorenzo at ngayon ay nasa harap na siya ng mag-ama.Tinitigan ni Lorenzo ng maigi si Sebastian. Walang buhay iyon at hindi mo mababakasan ng kahit na anong emosyon katulad niya. Hanggang maya maya pa ay napangisi si Lorenzo at nagsalita.“You can control your emosyon pero pag dating sa taong mahal mo ay hindi. Iyan ang isa sa bagay na dapat mong matutunan Sebastian."Tama nga ang hinala ni Sebastian, pinagmamasdan at binabasa siya ng lalaki. Kilala niya ito, siya si Lorenzo Moon. Hindi lang ito mayaman at sikat sa buong mundo kundi sikat na sikat ‘din ito sa mafia world.Ang pamilya nila ang isa s
HABANG nasa byahe ay natahimik na ang paligid. Nasa likuran silang mag ama kung kaya nagawa ni Celine na bumulong dito.“Daddy be ready, I think lolo has a plan.”Napalingon si Sebastian sa anak na ikinagulat niya. Pati pala ito ay napansin ng anak niya kung kaya ngumiti lang siya dito para hindi mag-alala si Celine sa kaniya.“Don’t worry about me anak, malaks si daddy hindi ba?”Tumango si Celine dahil sa sinabi ng daddy niya.“We’re here,”Napatingin sila sa labas ng kotse at dahil bumaba na agad si Lorenzo ay wala silang nagawa kundi sumunod dito. Katulad nung dinaanan ni Luna ay dinaanan ‘din ng mga ito. Namangha sila sa daming passage ng dinadaanan nila at sa huli ay isa pala iyong hide out.“Welcome to out hide out.”Kung namangha na ang mag-ama papasok palang doon ay mas namangha sila ng naroroon na. Sobrang lawak nito at ang daming makabagong mga gamit!“Wow! Ang ganda ng hide out niyo lolo!” Hindi makapaniwalang sabi ni Celine at hindi namalayan ang sarili na napahawak na sa