OMG nagkita na sila huhu bat naiiyak ako! Bukas ulit guys!
MATAPOS nilang umiyak ay naupo silang muli sa sofa at doon nag-usap usap. Nalaman ni Luna na sinabi na pal ni Selene noong una palang ang totoo sa kaniyang mga magulang kaya may alam na ang mga ito. Hindi niya masisisi si Selene dahil mas lamang ang loyalty niya sa magulang.Napag-usapan nila ang tungkol sa nangyari noong nakalipas na mga taon. Ngunit mayroong bagay na hindi inaasahan si Luna na nalaman niya.“Kung hindi ikaw ang pumvtay edi sino daddy?” Tanong ni Luna ng aminin sa kaniya ng ama ang buong katotohanan.Napabuntong hininga nalang si Lorenzo at binalikan ang gabing hinding hindi niya makakalimutan.Dahil magkaibigan si Lorenzo at Frankie, ang tunay at unang asawa ni Ginnie Velasquez, ginusto ni Lorenzo na magkasundo at magkaayos silang magkaibigan. Handa siyang isuko ang lahat ng mayroon siya at ibigay sa kaibigan basta wag lang silang magkasiraan.Napag-usapan na ‘rin nila iyong mag-asawa at wala namang tutol si Isabel sa gusto niyang mangyari.Ngunit iba ang natagpuan n
“AKO ang kukuha sa file,”Agad nakatanggap ng reklamo si Luna ng sabihin niya sa mga ito na siya ang kukuha sa CCTV file sa kumpanya ni Fernan.“Hindi pwede, ate Luna! Masyadong mapanganib para sa’yo!” sabi ni Apollo sa kaniya.“Tama ang kapatid mo anak. Kumpanya ‘yon ng taong pumatvy sa kaibigan ng daddy mo. Hindi natin alam kung ano ang kaya niyang gawin sa’yo.” Segunda naman na sabi ng kaniyang mommy.“But mommy!” reklamo niya at agad na napatingin sa kaniyang ama. “Daddy, do something! You know that I can do it diba?” seryosong sabi ni Luna na siyang ikinatingin ng mga ito sa lalaki.Prinsessang prinsessa ang turing nito sa anak na si Luna kaya nasa isip nito ay hindi niya hahayaan na mapahamak ang anak ngunit kabaligtaran iyon ng kaniyang sinabi.“Pumayag ako,”“What?!”Reklamo ng mga ito ngunit wala silang nagawa dahil si Lorenzo na ang nag desisyon. Napasimangot nalang sila habang si Luna naman ay malaki ang ngiti sa kaniyang labi. Hindi talaga siya binibigo ng ama palagi, kapag
PAGKAPASOK ni Luna sa loob ng silid na iyon ay in character na in character agad siya. Habang nanonood sina Apollo at Princess ay namamangha ang mga ito sa galing at tila normal na kilos ni Luna.Kung sila ang nasa kalagayan ng kausap ng ate Luna nila ay malamang na maniwala ‘din sila sa pag arte nito. Isama mo pa na tila isang native Canadian si Luna kaya wala itong kaduda-duda kahit isa. Nagtataka pa ‘rin kung ano ang gagawin nito para makapunta sa kabilang building.“How is it going?”Nagulat ang dalawa ng biglang mag salita si Selene sa earpiece nito.“She’s currently talking to someone. Wala siyang sinabi na plano saamin, naghihintay lang ‘din kami ng susunod niyang gagawin.”“Okay,” sagot ni Selene sa sinabing iyon ni Apollo.Maya maya pa ay nagulat ang dalawang mag kasintahan ng makita niya na tila nahihirapan si Luna.“May nangyayari ba sa’yo ate Luna?!” alalang tanong ni Princess dahil tila pinipilit nitong itago ang sakit na nararamdaman at patuloy pa ‘ring nakikipag usap sa
MAGKASAMA si Selene at Luna nang matapos ang mission nila sa pagkuha sana ng CCTV footage ngunit naunahan sila. Malaking katanungan sa mga ito kung sino nga ba ang kumuha at anong rason nito.Ayon kay Apollo ay dumeretsyo na si Luna sa kanilang bahay dahil na ‘rin doon naghihintay ang kanilang mga magulang. Inabot na ‘rin sila ng anong oras sa daan dahil bumili pa sila ni Selene ng pagkain na pinabibili ni Apollo.Gabi na ng makarating sila sa kanilang bahay ngunit labas palang ng gate ay namangha na si Luna sa laki niyon. Hindi ito isang simpleng bahay lang dahil masion na ito! Nakwento sa kaniya ni Selene na hindi doon nakatira si Apollo at Princess dahil magkasama na ang mga ito sa iisang bahay at wala namang problema iyon sa kaniya since malalaki na ang mga ito at nasa tamang edad na.Maramig kwento si Selene tungkol sa mga ito, dahil na ‘rin siya ang personal na naghahanap sa kaniya ay kilalang-kilala na niya ang pamilya ni Luna. Kaya niya nasabi na ang daddy niya ang pinakang na
SABAY na napatingin ang mag am asa hagdanan at nakita nila doo nang isang matandang lalaki na mayroong brown na mata katulad ni Luna at Celine. Alam agad ni Sebastian na ito ang ama ni Luna mgunit mas mahalaga sa kaniya ang nobya.“Mawalang galang na po, nasaan si Luna?! Gusto ko siyang puntahan! Ang sabi saakin ni ate Selene ay nasa ospital siya!”“Huminahon ka Sebastian,” seryosong sabi ni Lorenzo at ngayon ay nasa harap na siya ng mag-ama.Tinitigan ni Lorenzo ng maigi si Sebastian. Walang buhay iyon at hindi mo mababakasan ng kahit na anong emosyon katulad niya. Hanggang maya maya pa ay napangisi si Lorenzo at nagsalita.“You can control your emosyon pero pag dating sa taong mahal mo ay hindi. Iyan ang isa sa bagay na dapat mong matutunan Sebastian."Tama nga ang hinala ni Sebastian, pinagmamasdan at binabasa siya ng lalaki. Kilala niya ito, siya si Lorenzo Moon. Hindi lang ito mayaman at sikat sa buong mundo kundi sikat na sikat ‘din ito sa mafia world.Ang pamilya nila ang isa s
HABANG nasa byahe ay natahimik na ang paligid. Nasa likuran silang mag ama kung kaya nagawa ni Celine na bumulong dito.“Daddy be ready, I think lolo has a plan.”Napalingon si Sebastian sa anak na ikinagulat niya. Pati pala ito ay napansin ng anak niya kung kaya ngumiti lang siya dito para hindi mag-alala si Celine sa kaniya.“Don’t worry about me anak, malaks si daddy hindi ba?”Tumango si Celine dahil sa sinabi ng daddy niya.“We’re here,”Napatingin sila sa labas ng kotse at dahil bumaba na agad si Lorenzo ay wala silang nagawa kundi sumunod dito. Katulad nung dinaanan ni Luna ay dinaanan ‘din ng mga ito. Namangha sila sa daming passage ng dinadaanan nila at sa huli ay isa pala iyong hide out.“Welcome to out hide out.”Kung namangha na ang mag-ama papasok palang doon ay mas namangha sila ng naroroon na. Sobrang lawak nito at ang daming makabagong mga gamit!“Wow! Ang ganda ng hide out niyo lolo!” Hindi makapaniwalang sabi ni Celine at hindi namalayan ang sarili na napahawak na sa
Nanlaki ang mata ni Celine at agad na napalingon sa kaniyang lolo na tila nanghihingi ng sagot.“Haha yes apo, siya ang asawa ko at kapatid niya si Thalia.”Napanganga si Celine dahil doon at hindi nakapagsalita. Sabay na natawa si Isable at Thalia dahil doon habang si Sebastian naman ay lumapit kay Lorenzo upang magtanong.“Excuse me sir, ano ho ang sinasabi niyo kanina? Hindi ho kasi ako nakikinig.” Seryoso niyang sabi na ikinalingon ni Lorenzo sa kaniya at napailing.“I was right your not listening to me,” iling na sabi nito.“I’m sorry. Masyadong maraming pumapasok sa utak ko,”Tumango lang si Lorenzo at seryoso siyang hinarap.“Dadaan k asa pagsubok Sebastian. Titignan at susubukan ka namin kung hand aka bang iligtas ang anak at apo ko. Bilang ama ni Luna na matagal nawalay sa kaniya gusto ko na sigurado ako sa magiging asawa ng anak ko lalo na’t maraming masasamang tao sa paligid.”Dahil sa sinabi ni Lorenzo ay doon na napaseryoso si Sebastian. Tama ang hinala nila ng anak, mayro
Alam niya at malakas ang kutob niya na mayroon siyang nalaman sa pagtatanong sa kaniya ngunit ang tanong ay ano. Isama mo pa kanina habang nasa meeting sila ay tahimik lang si Celine at walang katanungan. MATAPOS ang kanilang dinner na may kasamang meeting ay nag pasya ang mga ito na pumunta sa hide out para tignan kung ano na ang kalagayan ni Sebastian. Nang makarating sila doon ay maraming tao ang nag Kumpulan sa iisang lugar at sa pinakng gitna nun ay nakita nila si Sebastian na pawis na pawis habang hinihingal.Sino ang kalaban niya? Isang robot na newly invented nila at ginawa para kung sakaling mayroong digmaan sa pagitan ng mga mafia. At dahil ang robot ay design for war, syempre ang mode nito ay hindi basta basta at para ka ng kumalaban ng sampung mafia ng sabay sabay na hindi nauubos.“Saan galing ‘yan?” tanong ni Luna habang sila ay nakatanaw sa kalaban ni Sebastian.“Ang tawag jan ate ay agent A. Ang newly war weapon na ginawa ni daddy. I cannot believe it na si kuya Sebast
“Girls, hindi pwedeng maingay sa loob. Baka tulog ang triplets at magising niyo.”Puna sa kanila ni Selena na ikinatahimik ng mga ito. Natawa nalang ang kani-kanilang boyfriend dahil doon.Si Caroline at Vince ay official na ‘rin na mag boyfriend at girlfriend. Si Riri at Rocky naman ay engaged na at malapit ng ikasal. Si Selene at Ivan ay ganoon ‘din while si Lisa ay wala pang boyfriend. Si Princess at Apollo naman ay nasa kanilang honeymoon sa ibang bansa kung kaya wala sila doon ngayon ng manganak si Luna.Umiiyak na nga si Princess dahil gustong gusto na niyang umuwi sa pilipinas para makita ang triplets ngunit ang flight nila ay bukas pa. Kakakasal lang ng dalawa at isang buwan na ‘rin magmula ng umalis sila para sa kanilang honeymoon.“Ako po ang mauuna!” agad na sabi ni Celine na sumingit sa kaniyang mga tita dahil nagkakagulo ang mga ito.Nang pumasok si Celine ay sunod-sunod na ‘rin ang mga ito at tahimik lamang sila habang papasok. Naabutan nila na buhat ni Sebastian ang isa
HUMINTO sandali si Luna para tignana ng mga tao na naroroon ngunit nagulat siya ng biglang mamatay ang ilaw at ang mic na gamit niya ay gumawa ng ingay na ikinatakip niya sa tenga. Ngunit agad niyang naisip ang anak kaya mabilis niyang kinapa si Celine ngunit wala na ito doon.Rinig niya ang pagkagulat ng mga tao at ganon ‘din siya. Aalis na sana siya sa pwesto niya dahil wala doon si Celine ng matigilan siya dahil biglang mayroong spotlight sa pwesto niya.Nasilaw pa siya doon na ikinatakip niya sa kaniyang mata.“Pwede ko bang baguhin ang huli mong sinabi? ‘Girlfriend ng sikat na bilyonaryo’ gawin na nating fiancé and soon to be Mrs.Anderson ‘yan.”Natigilan si Luna dahil sa narinig niyang sinabi ni Sebastian. Kilalang kilala niya ang boses nito at ng maka adjust ang kaniyang paningin ay napaatras siya ng makita si Sebastian na nakaluhod sa harap niya at may hawak na singsing tyaka mic.Hindi niya napigilan ang kaniyang luha at agad iyong tumulo dahil sa tagpong iyon.“Habang busy k
NAPAKARAMING tao lalo pa’t naka live ‘din ito upang mapanood ng lahat at marami ang nag-aabang sa nawawalang anak ng mga Moon.“Welcome to the sixth birthday celebration of Celine Fernandez!”Marami ang nagulat lalo na nag mag appear sa malaking LED ng muka ni Celine na kilalang kilala ng lahat. Sinong hindi makakakilala dito dahil anak ito ni Sebastian at Luna!At doon ay napagtanto ng lahat na ang nawawalang Luna na anak ng mga Moon ay walang iba kundi si Luna na may ari ng Moonlight C.B.Maraming na-excite lalo dahil sa information na iyon at halos lahat ay nanonood na sa live ng mga ito.Hanggang dumating ang time na nagsalita na ang magulang ni Luna para ipakilala sila ng mga ito.“I know all of you has a clue what was going on right?” panimulang sabi ni Lorenzo habang nakangiti.“Maging kami ay hindi makapaniwala noong una katulad niyo but it is right, walang duda siya nga ang anak namin. After years matapos niyang wala ay natagpuan na namin si Luna!Pero bago iyon gusto ko muna
Sina Luna at Celine naman ay ligtas ng mga oras na nagkakagulo sa lugar na iyon. Si Vivian at Luke ay tuluyan ng namatvy at pinagbayaran ang kasalanang kanilang ginawa. Sinubukan pa nilang kunin si Celine pero ang hindi nila alam ay kayang kaya sila ng bata kung kaya bago pa sila makagawa ng kahit na ano ay naunahan na sila at nabaril nila Selene.Mabuti at walang nasaktan sa kanila kahit isa lalo pa’t naging madali sa kanila ang lahat dahil kakaunti lang ang tauhan nila Fernan. Halos karahiman kasi ay kumampi na kay Yannie nang malaman nila ang totoo sa pagkamatvy ng kanilang tunay na amo.Masaya si Luna at walang napahamak sa kanila lalo pa’t nasunod ang lahat ayon sa kaniyang plano. Kahit na nagkainitan sa pagitan ni Riri at Seera mabuti nalang at nagkaayos agad ang dalawa. Kasalanan niya ‘din naman dahil inilihim niya lahat ng plano niya kay Riri. Ayaw niya lang mag-alala pa ito dahil siya na ang humahawak sa negosyo niya.Ngayon na maayos na ang lahat at wala ng problema, nagpasy
NANG malaman nilang dalawa ang katotohanan ay mabilis na umuwi ang dalawa dahil na ‘rin sa gusto ng babae. Wala namang magawa si Apollo dahil iyon ang gusto ng girlfriend niya at sumunod sila sa lugar kung saan nila nalaman na naroroona ng mga ito.Ang scene na babarilin na ng ama ni Princess ang mommy at kapatid niya ang inabutan nito. Hindi napansin ni Apollo na tumakbo ng mabilis si Princess at hinarang ang sarili dito, huli na para pigilan ito.Ang mga andoon ay nagulat ‘din dahil sa nangyari lalo na si Yannie na siyang nasa harapan ni Princess.“P-princess!”“O-okay lang ako ate,” ngiting sabi ni Princess at hinawakana ng sugat niya.Mabilis na nakarating si Apollo doon at agad na tinakpan ang pag agos ng dugo niya. Dahil sniper si Princess ay kalkula niya ang segundo ng pagtama ng baril sa target nito kung kaya mabilis ang kilos niyang sinalo ito gamit ang balikat niya.“B-bakit mo ginawa ‘yun?!” sigaw na tanong ni Yannie na ikinangiti ni Princess sa kaniya.“Dahil pamilya ko ka
NATIGILAN si Ginnie dahil sa kaniyang narinig at nagsimula ng kabahan dahil doon.“A-anong ibig mong sabihin anak? H-hindi totoo ang sinasabi ni Luna…”“Sinungaling!” sigaw ni Yannie na siyang ikinaatras ni Ginnie. “Tinitignan ko kung aamin ka kanina pero hindi! Hanggang sa huli ay ipinagtatanggol mo pa ‘rin ‘yang si tito Fernan! Hindi ka na naawa kay daddy mommy! Hindi mo manlang binigyan ng katarungan ang pagkawala niya!”Napailing si Ginnie dahil sa sinabi ng anak niya at nagsimula ng tumulo ang luha niya.“Eto! Napanood ko dito ang katotohanan!” inihagis ni Yannie ang USB na agad nakilala ni Ginnie kaya natigilan siya.Bigla siyang lumuhod sa harap ng anak niya at umiyak ng umiyak.“Patawarin mo ako anak! Patawarin mo ako at tinago ko ang katotohanan! Nagsisisi ako! Nagsisisi ako sa ginawa ko!”Hinawakan pa ni Ginnie ang magkabilang paa ni Yannie ngunit inalis lang iyon ni Yannie at umatras sa ina.“Huli na ang pagsisisi mo mommy. Kung hindi ka pa mahuhuli ay hindi mo sasabihin s
“HINDI totoo ‘yan!” sigaw na sabi ni Luna.“Shut up!” sigaw ni Fernan kay Luna at muling tinignan si Ginnie. “Ginnie!” tawag pansin niya sa asawa na ikinatauhan nito at unti-unting tumango.“O-oo! A-ang daddy ni Luna ang gumawa niyon sa daddy mo. K-kitang kita ko mismo.” Utal na sabi nito sa anak.“See? I told you ‘wag kang maniniwala sa kaniya.” Ngiting sabi ni Fernan at niyakap si Yannie.Gusto na iyong itulak ni Yannie at gawin ‘din dito ang ginawa niyang pagpatay sa kaniyang ama ngunit hindi iyon sapat. Gusto niyang pahirapan muna ito at magmaka-awa na patayin nalamang siya.“Seems like totoo ang sinasabi ni Luna. Look at our lady’s boss reaction.” Bulong ni Vivian sa boyfriend niya.“I agree. Bulag nalang si Yannie kung hindi niya mapapansin ‘yun.” Sagot ni Luke dito.Nagulat silang lahat ng bigla nalamang tumawa si Luna ng pagkalakas lakas.Humiwalay si Fernan sa pagkakayakap kay Yannie at naglakad ito papunta sa gawi ni Luna.“Tito—” hindi natuloy ni Yannie ang pagtawag niya di
SAMANTALANG sa lugar kung saan andoon sila Luna ay kanina pa sila naghihintay na dumating sila Ginnie at Fernan. Alam ni Luna at Celine na ang mga ito ang inaantay nila ngunit ang kambal ay hindi.Tumigil na ‘rin sa pag-iyak ang mga ito kung kayat tahimik na.“Sorry I’m late everyone!”Napatingin sila sa nagsalita at walang iba kundi si Yannie habang bitbit si Lisa na nakatali at mayroong mga pekeng sukat sa muka.Sinabi niya kila Vivian at Luke na siya nalamang ang pupunta sa lugar na napag-usapan nila dahil muntikan na silang mahuli kung saan ang bagong location.“Akala namin patvy ka na,” ngising sabi ni Vivian na ikinatawa ni Yannie.“Matagal mamatvy ang masamang damo, Vivian.”“Yes! Kaya nagkakasundo tayo e! Best friend na talaga kita!” tuwang sabi ni Vivian at niyakap pa si Yannie.Sa loob loob ni Yannie ay gusto niyang masuka dahil sa ginagawa nito ngunit kailangan niyang umarte dahil naroroon si Luke at nakamasid sa kanila.Gustong matawa ni Luna dahil alam niya na gusto ng it
Si Rocky naman ay inalis ang kamay ni Vince sa bibig niya at sinamaan ito ng tingin. Naputol lang iyon ng lapitan siya ni Riri at mahinang kinurot sa tagiliran.“Actually, mayroon pa po akong sasabihin sa inyo bago ang plano.” Paunang sabi ni Yannie na ikinataka nila.Napatingin si Yannie sa kanilang lahat at kita niya na nag-aabang ang mga ito ng kaniyang sasabihin habang si Seera naman ay nakangiti sa kaniya at nag thumbs up. Ganoon ‘din ang ginawa ni Lisa dahil alam na nilang dalawa ang katotohanan.Napahinga ng malalim si Yannie bago siya tuluyang magsalita.“Mayroon po akong half-sister sa side ni mommy. Nagkaroon sila ng anak ni tito Fernan at bata pa ako noon pero tandang tanda ko pa na iniwan niya ang kapatid ko sa ibang bansa pagkatapos niya itong maipanganak. Akala ko ay kapatid ko siya kay daddy pero nito ko lang nalaman na hindi dahil hinahanap nila ito ngayon lalo na si tito Fernan.”Nagulat ang mga ito sa sinabing iyon ni Yannie na mayroong anak ang dalawa!“Grabe! Nagaw