“BAKIT hindi mo nalang intayin si ate Selene? Malay mo bukas magkita na kayo sa hide out. Sa ngayon kwentuhan mo muna kami sa nangyari sa first day mo!” excited na sabi ni Lisa na ikinatango ‘din ng sunod-sunod ni Riri. Napabuntong hininga nalang si Luna at nagsimulang mag kwento sa dalawa. Tama si Lisa, intayin nalang niya na makita si Selene at baka bukas ay makita na niya ito sa hide out. Matapos nilang mag kwentuhan ay kumain na sila. Nagpadeliver nalamang sila dahil pare-pareho silang pagod at hindi na magawa pang mag luto. Nang matapos sila ay sinabi na ‘rin ni Riri na ready na ang information na ginawa niya. Hindi pa sana balak ni Luna ang ibigay iyon sa magulang pero kapag hindi niya nakita bukas maghapon si Selene ay ang magulang ang pupuntahan niya. Matapos iyon ay maaga na siyang natulog para maaga siyang magising kinabukasan. Katulad ng inaasahan ay maaga siyang nagising at nauna pa siyang umalis sa dalawa para dumeretsyo sa hide out. Una niyang ginawa ng makarating do
KALAT na kalat na ang tungkol sa pagtalo ni Luna kay Prince. Ang mabilis na pagakyat niya sa ranggo ang mas lalong nagpatunong sa pangalan niya lalo na at dalawang araw palang siya sa kanilang organization. Hindi naman nabago o naalis ang ranggo ni Prince at Princess dahil magkakaiba sila ng position. Pero kung nagkataon na mafia ‘din siya o ‘di kaya sniper ay baka nasa kaniya na ang ranggo ng dalawa. Mapupunta lang ang mga ito sa kaniyang baba. Biruin mo natalo niya ang dalawa sa pinakang malakas sa bawat position nila kaya ngayon ay marami na ang humahanga kay Luna. Bali wala naman kay Luna ang kasikatan niya na iyon, ang mahalaga sa kaniya ngayon ay ang makausap si Selene. Kanina pa niya ito hinahanap simula ng matapos ang laban nila ni Prince ngunit hindi pa ‘rin niya ito makita! Nang gabi na ay nagpasya siyang pumunta na sa magulang para ibigay ang information na nakuha niya para na ‘rin magtanong sa mga ito kung nasaan ang partner niya. Kaya nga sila mag partner para lagi
NANG umuwi si Luna sa kanilang bahay ay sinabihan niya agad si Riri na pupunta sila sa opisina kasama ang kaniyang tita Thalia. Nasabi nag ‘din nito sa kaniya na tumawag ito sa kaniya at nanghingi ng appointment at dahil nagtataka ito sinabi niya na busy si Luna. Mabuti sana kung kumagat si Thalia sa rinason ni Riri ngunit nagpumilit ito at sinabi na kahit hindi nila ito maabutan ay ayos lang. “Paano kapag hindi tumigil ang tita mo at pilit kang hinanap?” “We have no choice, ganito ang gawin mo…” Ngayon ay magkasama silang dalawa ng tita niya papunta sa kumpanya niya. Alam nito na hindi talaga ang nagpapanggap na CEO ang siyang may-ari kaya malakas ang loob ng kaniyang tita. Kung wala siya sa mission na iyon ngayon ay baka nagulat na siya sa pagdating nito. “Good morning, Miss.” Si Riri ang sumalubong sa kanila sa pinakang office niya. Katulad ng laging ginagawa nito bilang pagpapanggap nito na sekretarya.“Is Ms.Luna here?” tanong ng kaniyang tita. “Miss as I told you last ni
“HAYAAN mo na Thalia, last day mo na bukas hindi ba? Hindi ka pwedeng magtagal dito walang nag hahandle sa school.” Nabuhayan si Luna ng marinig niya iyon mula sa kaniyang ama. Ibig sabihin makakalaya na siya at makakakilos ng ayos dahil aalis na ito sa Canada!“Yah I know,” malungkot na sabi ni Thalia. “Hindi kaya alam ni Luna na pina-imbestigahan natin siya kaya siya nagtatago?” Napaupo ng ayos si Luna ng marinig iyon mula sa kaniyang ina. Isa pa iyon sa napansin niya dito, kung kalog ito at palaging good vibes kapag seryosong usapan naman ay nag-iiba ang mood nito at nagiging kapantay ng ama ang aura nito.Hindi niya alam kung paano ito nagagawa ng ina ngunit may part sa kaniya at naiisip na namana niya iyon sa ina. Hindi ‘man siya ganon kakalog katulad nito ay ganoon siya most of the time kapag seseryoso. “Malaki ang posibilidad mahal ko,” sabi ng daddy niya na ikinatango ng mga ito. ‘Kailangan na naming gawin ang plan B’ nasabi ni Luna sa kaniyang isipan at palihim na kinont
KAAKIBAT ng mga narinig niya ay ang lungkot sa kaniyang pakiramdam. Alam niya kung gaano nag-eeffort ang mga magulang niya na hanapin siya. Ang kaso hindi pa iyon ang tamang oras dahil mayroon pa siyang dapat asikasuhin. “Makaka-asa ka po saakin,” Ngumiti sa kaniya si Thalia at niyakap siya sandali bago sila tuluyang umalis doon. Nagpunta sila sa hide out para balitaan ang magulang nila sa naganap na usapan doon. Bilin sa kaniya ni Thalia na ‘wag munang sabihin sa mga ito ang tungkol sa hinala niya dahil ayaw niyang umasa nanaman ang kapatid niya at masaktan. Sa kanilang dalawa nalang ‘daw muna iyon at kapag nalaman na niya ang totoo ay siya muna nag kontakin niya at siya ang magsasabi sa mga ito. “May problema ba Luna?” Dumating si Lisa kung nasaan siya. Mayroon siyang iniinom na red wine at katatapos niya lang kausapin ang mag-ama niya. Isa pa si Sebastian, pansin na niya na mayroong tinatago ang mag-ama niya at kailangan niyang alamin kung ano iyon. “Mayroon, sasabihin k
KADARATING lang ni Luna sa hide out ng kaniyang mga magulang. Handa na ang information na sasabihin niya sa kaniyang tita Thalia at expected na niya ang mga susunod na mangyayari. Wala naman siyang mapipigilan sa katotohanan. Ang mahalaga ngayon ay malaman nila ang totoo sa nakalipas na taon. Kung bakit nagsimula ang gulo sa pagitan ng tunay niyang magulang at pamilya ng tumayo niyang magulang. “Queen.” Napahinto siya sa paglalakad ng mayroong tumawag sa kaniya. Kilala niya ang boses na iyon kaya ng lumingon siya dito ay tama ang hinala niya kung sino ito. “Princess…” tawag niya sa pangalan nito. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Maayos na ito at nakakatayo na ng ayos. Nakasuot ulit ito ng croquette na tinernuhan niya ng long skirt na abot sa kaniyang bandang paa. Nakasuot ito ng two inch heels at itim na itim ang kulay ng suot nito. Ang ganda sa mata niya ng suot ng babae ngunit hindi lang Maganda ang ugali nito. “Your alive now. What do you want, another fight?” ngisi
AGAD na nag ring ang cellphone nito at wala pang ilang segundo ay sinagot na agad ito na tila ba inaantay ang tawag niya. “Queen! I am right hindi ba?! Sabi ko na! Malaki ang posibilidad na si Luna ay ang Luna namin!” Napangiti si Luna dahil sa salubong sa kaniya ng kaniyang tita. Tila tuwang-tuwa ito at nanalo sa loto dahil sa nakuha niyang information. “Yes po, tama po kayo. Anong plano niyo?” tanong niya dito. “Hmm… kakausapin ko ngayon mismo sina ate Isabel. Sasabihin ko sa kanila ang magandang balita!” “Sige po, update niyo nalang po ako sa susunod na mangyayari.” “Yes! Thank you so much Queen! Konti nalang! Konti nalang makikita at makakasama na namin si Luna! I miss her so much!” Iyon lang ang sinabi sa kaniya ni Thalia at nagpaalam na ito sa kabilang linya. Hindi niya maiwasan na makonsensya dahil sa narinig mula sa tiya. Halatang miss na miss na siya nito, hindi lang ang tita Thalia niya kundi maging ang tunay na mga magulang niya. Napabuntong hininga siya dahil doon
NAPAILING siya sa kaniyang naiisip. Baka isa lang iyon sa mga illusion na nangyayari sa kaniya dahil sa pagkamiss sa kaniyang tita. Hindi maganda iyon para kay Luna dahil hindi niya dapat hinahanap-hanap ang kaniyang tita. “Ohh!” bigla niyang react ng maramdaman niyang mayroong natapon sa kaniya na malamig na tumig mula sa ulo niya pababa sa kaniyang katawan. “Opss! Sorry, my hand slip!” Napatingin siya sa kaniyang gilid at doon nakita niya ang isang babae. Tumatawa ang nasa katabi niyang table na tingin niya ay kasama ng babaeng nagtapon sa kaniya ng shake na iyon. Ang lamig pa naman nito at ang lagkit! “What is wrong with you?” malamig niyang tanong dito at naglabas ng malakas na aura. Naiinis siya. Literal na inis ang nararamdaman niya at parang gusto niyang magpatulog ng limang babaeng nagtatawanan dahil sa ginawa ng babaeng nasa harap niya ngayon. Kita niya ang takot sa muka nito ngunit agad naman nitong itinago iyon at nagpanggap na hindi na-iintimidate sa kaniyang aura.