“HAYAAN mo na Thalia, last day mo na bukas hindi ba? Hindi ka pwedeng magtagal dito walang nag hahandle sa school.” Nabuhayan si Luna ng marinig niya iyon mula sa kaniyang ama. Ibig sabihin makakalaya na siya at makakakilos ng ayos dahil aalis na ito sa Canada!“Yah I know,” malungkot na sabi ni Thalia. “Hindi kaya alam ni Luna na pina-imbestigahan natin siya kaya siya nagtatago?” Napaupo ng ayos si Luna ng marinig iyon mula sa kaniyang ina. Isa pa iyon sa napansin niya dito, kung kalog ito at palaging good vibes kapag seryosong usapan naman ay nag-iiba ang mood nito at nagiging kapantay ng ama ang aura nito.Hindi niya alam kung paano ito nagagawa ng ina ngunit may part sa kaniya at naiisip na namana niya iyon sa ina. Hindi ‘man siya ganon kakalog katulad nito ay ganoon siya most of the time kapag seseryoso. “Malaki ang posibilidad mahal ko,” sabi ng daddy niya na ikinatango ng mga ito. ‘Kailangan na naming gawin ang plan B’ nasabi ni Luna sa kaniyang isipan at palihim na kinont
KAAKIBAT ng mga narinig niya ay ang lungkot sa kaniyang pakiramdam. Alam niya kung gaano nag-eeffort ang mga magulang niya na hanapin siya. Ang kaso hindi pa iyon ang tamang oras dahil mayroon pa siyang dapat asikasuhin. “Makaka-asa ka po saakin,” Ngumiti sa kaniya si Thalia at niyakap siya sandali bago sila tuluyang umalis doon. Nagpunta sila sa hide out para balitaan ang magulang nila sa naganap na usapan doon. Bilin sa kaniya ni Thalia na ‘wag munang sabihin sa mga ito ang tungkol sa hinala niya dahil ayaw niyang umasa nanaman ang kapatid niya at masaktan. Sa kanilang dalawa nalang ‘daw muna iyon at kapag nalaman na niya ang totoo ay siya muna nag kontakin niya at siya ang magsasabi sa mga ito. “May problema ba Luna?” Dumating si Lisa kung nasaan siya. Mayroon siyang iniinom na red wine at katatapos niya lang kausapin ang mag-ama niya. Isa pa si Sebastian, pansin na niya na mayroong tinatago ang mag-ama niya at kailangan niyang alamin kung ano iyon. “Mayroon, sasabihin k
KADARATING lang ni Luna sa hide out ng kaniyang mga magulang. Handa na ang information na sasabihin niya sa kaniyang tita Thalia at expected na niya ang mga susunod na mangyayari. Wala naman siyang mapipigilan sa katotohanan. Ang mahalaga ngayon ay malaman nila ang totoo sa nakalipas na taon. Kung bakit nagsimula ang gulo sa pagitan ng tunay niyang magulang at pamilya ng tumayo niyang magulang. “Queen.” Napahinto siya sa paglalakad ng mayroong tumawag sa kaniya. Kilala niya ang boses na iyon kaya ng lumingon siya dito ay tama ang hinala niya kung sino ito. “Princess…” tawag niya sa pangalan nito. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Maayos na ito at nakakatayo na ng ayos. Nakasuot ulit ito ng croquette na tinernuhan niya ng long skirt na abot sa kaniyang bandang paa. Nakasuot ito ng two inch heels at itim na itim ang kulay ng suot nito. Ang ganda sa mata niya ng suot ng babae ngunit hindi lang Maganda ang ugali nito. “Your alive now. What do you want, another fight?” ngisi
AGAD na nag ring ang cellphone nito at wala pang ilang segundo ay sinagot na agad ito na tila ba inaantay ang tawag niya. “Queen! I am right hindi ba?! Sabi ko na! Malaki ang posibilidad na si Luna ay ang Luna namin!” Napangiti si Luna dahil sa salubong sa kaniya ng kaniyang tita. Tila tuwang-tuwa ito at nanalo sa loto dahil sa nakuha niyang information. “Yes po, tama po kayo. Anong plano niyo?” tanong niya dito. “Hmm… kakausapin ko ngayon mismo sina ate Isabel. Sasabihin ko sa kanila ang magandang balita!” “Sige po, update niyo nalang po ako sa susunod na mangyayari.” “Yes! Thank you so much Queen! Konti nalang! Konti nalang makikita at makakasama na namin si Luna! I miss her so much!” Iyon lang ang sinabi sa kaniya ni Thalia at nagpaalam na ito sa kabilang linya. Hindi niya maiwasan na makonsensya dahil sa narinig mula sa tiya. Halatang miss na miss na siya nito, hindi lang ang tita Thalia niya kundi maging ang tunay na mga magulang niya. Napabuntong hininga siya dahil doon
NAPAILING siya sa kaniyang naiisip. Baka isa lang iyon sa mga illusion na nangyayari sa kaniya dahil sa pagkamiss sa kaniyang tita. Hindi maganda iyon para kay Luna dahil hindi niya dapat hinahanap-hanap ang kaniyang tita. “Ohh!” bigla niyang react ng maramdaman niyang mayroong natapon sa kaniya na malamig na tumig mula sa ulo niya pababa sa kaniyang katawan. “Opss! Sorry, my hand slip!” Napatingin siya sa kaniyang gilid at doon nakita niya ang isang babae. Tumatawa ang nasa katabi niyang table na tingin niya ay kasama ng babaeng nagtapon sa kaniya ng shake na iyon. Ang lamig pa naman nito at ang lagkit! “What is wrong with you?” malamig niyang tanong dito at naglabas ng malakas na aura. Naiinis siya. Literal na inis ang nararamdaman niya at parang gusto niyang magpatulog ng limang babaeng nagtatawanan dahil sa ginawa ng babaeng nasa harap niya ngayon. Kita niya ang takot sa muka nito ngunit agad naman nitong itinago iyon at nagpanggap na hindi na-iintimidate sa kaniyang aura.
INIS na binuksan niya ang pinto ng banyo at agad na sinara iyon ng pagkalakas lakas na halos masira na iyon. Mayroon pa nga siyang kasunod na mag-ccr sana ngunit napatakbo nalang palayo doon dahil sa ginawang iyon ni Luna. “Nakakainis!” Sigaw niya at inilabas ang pagkainis niya sa pamamagitan ng pagsigaw. Nang makuntento siya ay huminga siya ng malalim at naglakad papunta sa lababo na naroroon. Kita niya ang sarili na naging violet na. Wala na ang ayos na pinaghirapan niya kanina bago siya pumunta doon. “Pag nakita ko lang ulit ‘yung babaeng ‘yun! Lintek lang ang walang ganti!” Sabi niya at inilabas ang mga gamit sa bag na dala niya. Mayroon siya palaging dalang make ups kung sakali ‘man na mangyari ang pagkakataon na ganon. Hindi nga lang siya natutuwa dahil ang lagkit niya! Agad niyang inalis ang wig na suot at binasa iyon sa lababo. Kailangan niyang alisin ang kulay violet doon. Mapapatuyo naman niya iyon gamit ang hand dryer na naroroon. Kumuha na ‘rin siya ng wives a
WALANG choice si Luna kundi ang aminin kay Princess ang katotohanan. Kung sino ba talaga siya at kung bakit siya nagpapanggap. Hindi naman siya makakagawa ng ibang kwento dahil siya si Luna Fernandez, ang girlfriend ni Sebastian Anderson.Sikat na sikat sila sa buong mundo. Isama mo pa na ano naman ang maidadahilan niya sa pagpapanggap at pagpunta doon. Baka isipin lang nito na kinakalaban ni Sebastian ang magulang niya.“Y-you mean ikaw ang nawawalang si Luna Moon?” utal na tanong ni Princess na ikinatango ni Luna.“Hindi ba halata sa mata ko?” natatawang sabi ni Luna habang sinusuot ang kaniyang wig.Tapos na siyang maligo at tuyo na ang wig niya. Nakapag make up na ‘rin siya tulad ng ayos niya bilang Queen.“’Wag na ‘wag mong sasabihin kahit kanino ang tungkol dito Princess. Kahit pa sa boyfriend of sa close mo na kaibigan. Ikaw lang ang nakaka-alam nitong totoo bukod kay ate Selene kaya kapag kumalat ang tungkol sakin na isang Moon ikaw ang pupuntiryahin ko.”Napalunok si Princess
“SHE was just happy,” napalingon siya sa nagsalita at nakita niya doon ang pinagkakatiwalaan nilang tauhan.As usual, katulad ng alam niya ay nagpapanggap itong isang normal na mafia lamang. Ang pangalan nito ay Kent. Katulad ng magulang niya ay marunong itong mag Filipino dahil required na pag-aralan ng tauhan nila ang lengwaheng Filipino para sa kaniyang ina.Napatango nalang siya sa sinabi ni Kent at inantay nila na kumalma ito. Nang kumalma ang ina ay panay ang hingi niya ng tawad dito dahil napaiyak niya ito.Tumanggi naman ang mommy niya at sinabing dahil lang iyon sa tuwa niya na maaaring malapit na niyang makasama ang anak. Ngumiti lang siya ng tipid dito dahil malapit na nga, maging successful lang ang mission ni Lisa ay talagang magkakasama na sila.Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay biglang nag vibrate ang suot niyang bracelet. Nagulat siya sa pag vibrate niyon at agad na napatingin dito.Hindi iyon isang simpleng bracelet lang dahil ginawa nila iyon na tracker